Simple
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: October 2, 2017 , 7:29 pm
Namulat akong nangangarap
Nag-nanais ng pangmatagalang sarap
Iyong tipong pinapangarap ng lahat
Kahit wala na ang mga pamatay na banat
Hindi ako nagmamadali
Hindi rin ako namimili
Pero sa hinaba ng paghihintay ko
Tila paubos na ang mga hinahanap ko
Simple lang ang nais ko
Gusto ko ay tulad ng aso
'Yong kahit wala akong pagkain
Lakas loob akong hahabulin
Simple lang ang nais ko
Gusto ko ng tao
'Yong kaya akong irespeto
Sa kabila ng kung ano ako
Simple lang ang aking pangarap
Gusto ko ng taong mahirap
'Yong taong desidido makuha ang gusto
Papatunayan lahat sa harap ko
Simple lang ang aking hiling
Gusto ko ng bading
'Yong nakukuhang maglambing
Hindi magsasawang ako ang kapiling
Sa sobrang simple ng mga gusto ko
Nauubos na sila sa mundo
Akala siguro ng lahat rito
Sobrang pabebe ko
Tama naman sila talaga
Napakapabebe ko nga
Hindi ako kagandahan
Pero kung umasta'y reyna reynahan
Pero anong magagawa?
Simple lang rin ang sagot ko sa kanila
Sinusubok ko ang mundo
Makahanap lang ng totoo
Hindi ako nadadaan sa mukha
Hindi ako nadadaan sa pera
Simple lang ang nais kong makuha
Siya na walang sabit na iba
Hindi basehan ang kagandahan
Nababago ito katagalan
Kung hindi napipili ang mamagulangin
Hindi rin mapipili ang mamahalin
Ngayon na tapos na ako
Bukas ang aking pinto
Pumasok ka ngunit huwag malikot
Baka kasi magdulot ka ng kirot