To Love Again [TSCM series 2]

By SiL3NtSnOw

152K 2.9K 221

Arwill Andre Alvarez More

The Student Council Members [series 2]
To Love Again - cHappy one
To Love Again - cHappy two
To Love Again - cHappy three
To Love Again - cHappy four
To Love Again - cHappy five
To Love Again - cHappy six
To Love Again - cHappy seven.point.two
To Love Again - cHappy eight
To Love Again - cHappy nine
To Love Again - cHappy ten
To Love Again - cHappy eleven
To Love Again - cHappy twelve.point.one
To Love Again - cHappy twelve.point.two
To Love Again - cHappy thirteen
To Love Again - cHappy fourteen
To Love Again - cHappy fifteen.point.one
To Love Again - cHappy fifteen.point.two
To Love Again - chappy fifteen.point.three
To Love Again - cHappy sixteen
To Love Again - cHappy seventeen
To Love Again - cHappy eighteen.point.one
To Love Again - cHappy eighteen.point.two
To Love Again - cHappy nineteen
To Love Again - cHappy twenty
To Love Again -- cHappy twenty-one
To Love Again - cHappy twenty-two
To Love Again - cHappy twenty-three.point.one
To Love Again - cHappy twenty-three.point.two
To Love Again - cHappy twenty-four
To Love Again - cHappy twenty-five
To Love Again - cHappy twenty-six
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.one
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.two
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.three
To Love Again - cHappy twenty-eight
To Love Again - cHappy twenty-nine
To Love Again - cHappy thirty
To Love Again - cHappy thirty-one
To Love Again - cHappy thirty-two
To Love Again - cHappy thirty-three
To Love Again - cHappy thirty-four
To Love Again - cHappy thirty-five
Epilogue

To Love Again - cHappy seven.point.one

3.3K 66 1
By SiL3NtSnOw

To Love Again – cHappy seven.point.one

 

LAUREN’s pov

#Saturday

“Dito na lang ako. Thanks, Jhay.”

Pero imbes na ibaba niya ko sa harap ng SM, lumiko siya sa parking lot. “Oh bakit? Kala ko ba may pupuntahan ka pa?”

“Ah. Dito daw kami magkikita nung kausap ko. Saka, mamaya pa naman ‘yun.”

Tumango na lang ako at nagkibit-balikat. “You’re dating someone huh?”

Saktong huminto ‘yung kotse niya. He looked at me and lean forward. “Why? Jealous?” then he smiled.

Dinutdot ko ‘yung noo niya. “Aray!”

“Tumigil ka nga.”

“Isusumbong mo lang ako kay Kuya Rocket eh. Kanino ka ba talaga kampi? Ha? Ha? Ha?”

“Syempre sa Kuya mo. Amo ko ‘yun eh.” bago pa niya ko madakmal, lumabas na ko ng kotse niya. “Halika na nga.”

Lumiwanag ‘yung mukha niya. “Osige tara!” agad-agad lumabas siya ng kotse niya tapos pumunta sakin at hinawakan ‘yung magkabila kong pisngi.

“Anong ginagawa mo?” nagatataka kong tanong.

“Sabi mo halikan na? Game!” tapos ngumuso siya. Sinikmuraan ko nga. “Aray ko! Ang lupit mo naman.”

“Puro ka kalokohan. Bahala ka na nga jan.”

Iniwan ko siya dun at pumunta sa elevator. Hmm... ano nga bang gagawin ko sa mall?

Gusto ko lang magliwaliw. Feeling ko kasi wala kong pahinga these past few days. Aral, punta ospital, trabaho ganyan lang lagi sa araw-araw. Mabuti na lang at off ko sa Café. Makakapagrelax ako kahit papano. Tapos nagkataon paglabas ko ng dorm namin dumaan si Jhay. Nakisakay ako. Bawas pamasahe pa.

Pinindot ko ‘yung third floor. Gonna watch a movie all by myself.

“Ano ba talagang gagawin mo dito?”

“Wala ka na dun.”

“Sama naman ako.”

Hmm... “Alam ko na! Tawagan mo si Mira!”

“Ha? Baket? Tayong dalawa na lang.” Reklamo niya.

“Ang KJ. Sige na. Magtatampo ‘yon pag tayong dalawa lang lumabas.”

Nag-isip siya. “Didn’t you know?”

“What?”

“She’s out of town. Family reunion yata.”

“Bat mo alam? Kayo ha. Naglilihim na kayong dalawa sakin. Ang daya niyo.”

“P-pinagduduhan mo ba kong may gusto sa babaeng parrot na ‘yon?!” dinutdot niya pa ‘yung sarili niya.

Natawa na lang ako sa pagka-in denial niya. “Wala naman akong sinabing may gusto ka ah"

Napanganga siya at natulala.

*TING!*

Uy! Bumukas na ‘yung elevator. Nauna na kong pumasok. Akala ko susunod sakin si Jhay pero hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. “Jhay pumasok ka na dito.”

Lalapitan ko pa sana siya kaso biglang nag-sara ‘yung pinto ng elevator. “Ay. Ngayon niya lang na-realize na may gusto siya kay Mira? Sira-ulo talaga ‘yun.”

Hinintay ko na lang na makarating ako sa third floor. Pagkatapos kong manuod ng sine, mag-a-arcade ako tapos mag-go-grocery at uuwi na. Tapos dadaan muna ko sa ospital bago umuwi at mag-aral. ‘Yan, naka-schedule na lahat. ‘Yun nga lang, ang boring.

-------------------

#After 4 hours

“Miss? Miss!”

I instantly open my eyes and saw a uniformed lady in front of me. Medyo madilim ‘yung lugar. Nasan ba ko? Agad akong nag-unat. Ang sakit ng likod ko. My eyes roam the whole place. Nasa sinehan pa pala ko.

Tinignan ko ‘yung relos ko at nakita kong 4:30pm na. Eh 1:30pm pa ko nanuod— Teka! Ibig sabihin—

TATLONG ORAS AKONG TULOG SA SINEHAN?!

Ay badtrip, men!

Dali-dali akong tumayo at nagpasalamat dun sa babae sa paggising sakin. Tapos lumabas na ko ng sinehan. Dire-diretso ko sa paglabas ng Mall hanggang sa paradahan ng jeep. Nung nakasakay na ko, saka ko lang naalala na magliliwaliw pa pala ko. Napa-face palm ako.

Ngayon lang nangyari sakin ‘to ah. ‘Yung nawawala sa sarili. Nakaka-poknat! Badtrip talaga!

Bumaba na ko ng jeep. Naglalakad-lakad ako nang may mapansin akong open-court. Sa tatlo siya nahahati. Doon sa dalawa, may naglalaro, tapos ‘yung huli, walang tao. Dun ako pumasok. Maglalaro ako mag-isa. Bwahahahaha. Buti na lang naka-jeans ako.

May nakita kong bola ng basketball sa gilid. Kinuha ko ‘yun at naglaro mag-isa.

*Dribble-dribble-dribble-shoot!*

“Ay, panis! Sablay.” Walang kong future sa sports.

Inulit-ulit ko pa ‘yun pero ni isa walang na-shoot.

“Bat ganun? May sumpa siguro ‘tong bola na ‘to?”

“'Te, amina ‘yung bola ko.” isang lalaki ang naglalakad papunta sakin. Nilahad niya pa ‘yung kamay niya sa harap ko. Ay sorry naman. Sakanya pala ‘to.

“Eto. Pasensya na. Wala kasing tao dito kanina eh.” binigay ko sakanya ‘yung bola.

Ngumiti ‘yung batang lalaki showing his full white teeth. Wow, ang cute. “Laro tayo.” Aya niya.

“Sige, pero ilang taon ka muna?” medyo matangkad kasi siya eh. Baka mamaya first year lang ‘to.

Nagdribble siya ng bola. “13 years old po.”

“13 years old ka lang?!” konti na lang magkasing height na kami.

Natawa siya. “Matangkad po talaga ko.”

“Wow. Ang yabang ng bata.”

“Hihi. *ngiting-aso* Game na, ate.” Binato niya ‘yung bola sakin.

Nagsimula na kong magdribble, siya naman naka-dipa ‘yung kamay sa harap ko. Umabante ako ng patagilid para ‘di niya makuha ‘yung bola sakin pero magaling siya kaya nakuha niya sabay shoot ng bola.

“Naks~ isa pa nga.”

“Ate, ang matalo manlilibre ng drinks ah.” Nakangiti na naman siya. ‘Yung ngiting labas ngipin. Napaka-cute!

“Sige ba!” nakakatuwa naman ‘tong batang ‘to.

Mali.

Nakakatuwa kaming dalawa. To think na ngayon pa lang kami magkakilala pero kung mag-usap kami parang close. Ni pangalan niya nga hindi ko alam eh.

Ngayon, siya naman ‘yung may hawak ng bola. Magsisimula na sana kami ulit ng may lalaking umagaw ng bola sakanya. Matangkad samin at malaki. Mukhang tambay sa kanto. May mga kasama siya.

“Kuya, naglalaro pa kami eh.”

Tumalim ‘yung mukha nung may hawak ng bola sakin. Naramdaman ko namang tumabi ‘yung bata sa gilid ko. He looked tame for a second or rather he looked afraid.

Shake! Baka teritoryo nila ‘tong pinaglalaruan namin ah.

“Paki mo ba, Miss? Eh dito kami maglalaro.”

Tumingin ako sa palagid. Kaunti na lang ‘yung naglalaro sa isang court tas ‘yung isa wala na. “Ayun oh! Dun kayo maglaro.” Tinuro ko pa ‘yung kabilang court.

“Eh bat ba ang kulit mo? Taga-rito ka ba?”

“Hindi pero—“ siniko ako ng bata. “Bakit?” bulong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling nakayuko. “Sige, dun na lang kami.” Sabi ko dun sa lalaki.

Tapos naglakad na kami paalis pero huminto ‘yung bata. “’Yung bola ko po.”

“Bola mo ‘yon?”

Tumango siya. Binalikan ko ‘yung mga lalaki na nakikipagtawanan sa isa’t-isa. “Kuya, ‘yung bola. Sa bata ‘yon eh. Saka maglalaro pa kami. Pwedeng makuha na namin?”

Pumeywang ‘yung lalaki. Sa totoo lang, ayokong makipag-usap sakany, ang baho eh. Amoy-araw. Pramis!

“Alam mo miss, ‘wag kang maniniwala jan. Inuuto ka lang niyan.”

“Alam mo Kuya, mas mukhang kapani-paniwala siya kesa sa’yo. Kaya akin na ‘yung bola.” Nilahad ko pa ‘yung kamay ko.

Tumawa ‘yung lalaki. “Bakit ba mas marunong ka pa samin ha?” dinutdot niya ‘yung balikat ko.

“Uy Pare, babae ‘yan.”

“Ayos lang ‘yan, para may chics tayong nakikita.”

“Jackpot, pare!”

Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ng mga ‘to. Hinila ako nung bata para umalis na kami. “Tara na ‘te. Baka upakan ka ng mga ‘yan.”

“Eh pano ‘yung bola mo?”

“Lagi naman nilang inaangkin ‘yan eh.”

“At hindi ka lumalaban?”

“Anong laban ko sakanila?”

Oo nga naman. Pero sakanya ‘yung bola eh. Hindi naman nila pwedeng angkinin ang hindi kanila. Hello? Ang dami-dami nila tapos ni isang bola hindi makapag-provide?

Nanatili akong nakatayo sa harap ng lalaki. “Akin na sabi ‘yung bola eh. Hindi naman sa inyo ‘yan.”

“Wala kang pakielam. Umalis na nga kayo! Hoy ikaw bata, paalisin mo na nga ‘tong Ate mo.”

Inalis ko ‘yung kamay nung bata sa braso ko. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi niyo binibigay samin ‘yung bola.”

“Ang tapang mo ah! Sige, one-on-one na lang tayo. Pag nanalo ka, sa inyo na ‘tong bola.”

“Sige ba!” ‘kala naman nito~

“Pero pag natalo kayo...” lumapit pa siya sakin para bumulong. Kadiriiiiiiii! “...magiging girlfriend kita.” Kadiri talagaaa!

“Yuck. In your dreams.”

“Ang arte mo, Miss.”

“Hindi rin. Assuming ka lang talaga.”

Hinila ako nung bata sa tabi. “Oh bakit?”

“Nababaliw ka na ba?! Bakit mo ginawa 'yun? Manyak ‘yan! Tignan mo mamaya hihipuan ka lang niyan!” galit niyang sabi.

Woah there? “Salamat sa concern bata. Pero kayang-kaya ko ‘yan. Marunong ako ng karate. Mababaog sakin ‘yan tignan mo.”

Natawa siya pero saglit lang. “Dapat po hindi niyo na ko tinulungan.”

Ganyan din ang sinabi ko sa sarili ko. Pero tignan mo naman. “Wala eh. May pakiramdam kasi kong pagsisihan ko ‘to pag hindi kita tinulungan.”

Napayuko siya. “Pero baka may masamang mangyari sa’yo.”

“Kaya ko ‘to. Cheer mo na lang ako.”

Nakita kong kumuyom ‘yung mga kamao niya. “Hindi naman ‘to mangyayari kung naging matapang lang ako eh. Sorry po.”

I patted his head. “I’m doing this for you. I know you’re not capable of fighting them but you’re brave enough to know your stand. That at least is a courage for me. Kaya ‘wag ka ng magmukmok dyan. Nakapaglaro naman na ko noon ng basketball.”

“Pero street basketball po ‘to. ‘Yung pang kanto. Walang foul-foul dito.”

“Alam ko ‘yon. Kaya rest assure ok?” pinahawak ko sakanya ‘yung bag ko.

Pumunta na ko sa gitna ng court. Patay ka saking mabahong nilalang ka. Pagnatalo kita who-you ka saken.

Pumunta na rin siya sa gitna. Nakapalibot samin ‘yung mga kasama niyang lalaki.

“Unang maka-three points panalo.” Sabi niya.

“’Yun lang? Ok.”

“Ikaw na unang humawak ng bola. Para ‘di nakakahiya sa’yo pag natalo kita. Baka mamaya sisihin mo ko na ‘di ka nakahawak ng bola eh.” tapos ngumiti siya ng malisyoso. Kadiri! Kadiri talaga!

“Sige. Sana rin hindi ka magsisi. Baka kasi hindi mo na mahawakan ‘yung bola.” Tapos ngumiti pa ko ng pang-inis sakanya.

Eh hindi ko naman alam na pikon pala. Nagsimula ‘yon sa pagdidribble ko. Nakaharang siya sa ring. Mahigpit niya kong binabantayan. Wala kong choice kundi i-shoot ang bola. Ayoko ngang idikit ‘yung sarili ko sakanya.

Kaya nung isho-shoot ko na, sinupalpal niya ‘yung bola at tinamaan ‘yung ulo ko ng siko niyang pagka-tulis-tulis.

Shake! Pakiramdam ko nahilo ko dun. Kukunin ko na sana ‘yung bola kaso naunahan niya ko sabay shoot.

Pasok.

Nagsigawan ‘yung mga kasama niya. Ang daya talaga eh.

Second round. Siya ngayon ‘yung may hawak ng bola. “Ano ka ngayon?”

“Tao pa rin bakit?”

At mukhang nainis na naman siya. Nakatalikod kasi siyang nagdi-dribble sakin. Tapos nung kukunin ko na ‘yung bola, bigla ba naman akong siniko sa tiyan. Nung una ‘di ko pinansin eh. Pero nung papalapit na kami sa ring, bigla niya ulit akong siniko ng malakas sabay shoot.

Napa-upo ako sa sakit. Nakakainis pasok ‘yung bola.

“Oh ano ha? Wala ka pala eh.” ‘yung mukha niya parang papatay ng tao. ‘Dun ko na hindi napigilan ‘yung takot na kanina ko pa tinatago. “Ayoko sa lahat ‘yung ginag.go ako. Kaya kahit babae ka pa. Papatulan pa rin kita?!” sigaw niya tapos hinawakan niya ‘yung bola at tinaas. “Etong bagay sa’yo—“ napapikit na lang ako para hintayin maglanding sakin ‘yung bolang ibabato niya.

Pero walang tumama. Kaya minulat ko na ‘yung mata ko. Una kong nakita ‘yung kulay itim na vans topsider. Mukhang may humarang na lalaki para hindi ako masaktan ng mabahong nilalang na ‘yon. Nakahinga ko ng maluwag.

“Sino ka naman?!”

“Wala ka ng pakielam don.” Tapos narinig ko ‘yung pagtalbog ng bola.

Namalayan ko na lang na tinatayo niya ko. “Are you ok?” he said in a concerned voice.

I gulped. This is way too unexpected.

“Arwill?”

Continue Reading

You'll Also Like

358K 7.3K 46
"Dont fall for me Eliana. Coz i cant love you back."- THEO ALEXIS FEREZ
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
441K 11.9K 55
Paano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanil...
1M 13.6K 26
Story ito ng isang asawa na pinagmamalupitan ng kanyang naging asawa , naging ina at pati na ang kapatid . Lumipas ang mahabang panahon ganun parin a...