He Robbed My heart (editing)

By EommaBunny

77.1K 1.3K 733

♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihinga... More

Prologue
Teaser..
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Authors Note
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 Part 1
Paramdam...
Chapter 49 Part 2
Chapter 50
Epiclogue

Chapter 40

828 17 12
By EommaBunny

Alas-singko ng hapon andito ngayon sa airport sila Cham at Ellsworth, hinihintay ang pagdating ng magulang ng binata. Hindi naman mapakali si Cham sa dahil ilang minuto na lang ay makikita na niya ang parents nito.

Narinig na nila ang hudyat mula sa screen sa waiting area na lumapag na ang eroplano na galing California.

“Andyan na sila baby” sambit ni Ellsworth. Hinawakan niya ang kamay ni Cham at nagtungo sila sa may arrival area.

Ílang saglit lang ay namataan na ni Ellsworth ang mga magulang niya. Nakangiting kumaway ang mga ito sa kanila.

“Iho kamusta na?” bungad ng Daddy nito. Magiliw naman niyang tinapunan ng ngiti si Cham.

“I’m doing good Dad, by the way si Cham po ang fiancée ko.” Pagpapakilala nito.

“Hi Iha nice to finally meet you. You look great together Ells” puna ng Mommy niya, nagbeso-beso sila ng mommy nito at sumunod din ang daddy nito.

“Hello po maligayang pagbabalik sa Pilipinas.” Kiming sabi ni Cham, abot-abot ang kaba niya na kaharap na niya ang mga magulang ni Ellsworth.

“Yah sobrang namiss namin ang Pinas. It’s been years since the last time we came home here.” Tugon ng mommy ni Ells.

“Oo nga hindi ko inaasahan na sa muling pagbabalik namin dito ay kasal na pala ng anak ko.” Masayang tugon ng daddy nito.

“Maraming salamat po talaga at nakarating po kayo” sabi ni Cham.

“Yeah inayos ko talaga ang schedule ko after I found out at masaya ako na inimbitahan ako ng anak ko” mahinang sambit ng mommy nito.

“Of course for my son. I’m so happy that he’s settling down now and I guess he really found his match. Tumahimik na kasi ang buhay niya. Wala na din akong sakit ng ulo.” Natatawang sabi ng daddy nito.

“Dad naman wag mo ako siraan kay Cham ah baka umurong to sa kasal namin” nakangusong sabi nito sabay ngiting tumingin kay Cham.

“Well maybe we need to thank you Cham dahil mukhang napatino mo na talaga itong anak ko. I never heard any complaint anymore from Nanay Mitring simula ng tumira siya ulit dito.” Ani ng mommy ni Ellsworth. Agad naman kumunot ang noo ni Ellsworth.

“Talaga po. Bad boy po ba dati si Ells?” curious na tanong ni Cham.

“Let’s go sa bahay na lang niyo ipagpatuloy ang pagkwekwentuhan baka abutan tayo ng traffic kasi.” Sabat ni Ellsworth, nginitian na lang ng Mommy ni Ellsworth si Cham. Parang sinasabi nito na maya na lang siya nito sasagutin sa huling tanong niya.

 Dumaan muna sila sa apartment ni Cham para sunduin ang parents nito at dalawang ate nito. May maliit na salo-salo kasi sa bahay ni Ellsworth. Nagpahanda siya kay Nanay Mitring ng panghapunan para sabay-sabay na silang kumain at para magkakilala na din ang dalawang partidos.

Mahigit dalawang lingo na lang din kasi kasal na ng dalawa, bago man lang maganap ang kasal ay magkakilala na ang mga magulang ni Cham at Ellsworth.

“Hello Mam Rose and Sir Ele maligayang pagdating.” Bungad ni Nanay Mitring. Andito na silang lahat sa bahay ni Ellsworth.

“Hello din po.” Bati din ng matanda sa magulang ni Cham at sa mga ate nito.

“Balae lika pasok na tayo ng makapaghapunan na.” yaya ng mommy ni Ellsworth sa magulang ni Cham medyo natulala kasi ang mga ito at palibot-libot ang mga mata sa paligid, namangha kasi ang mga ito sa lugar ang magandang ayos ng garden at ang mga naglalakihang estatwa.

Sige balae salamat” tugon ng nanay ni Cham. Sa kotse pa lang ay naguusap na ang mga ito. At masaya naman si Cham na nakikinig kanina mukhang wala siyang magiging problema sa magulang ni Ellsworth mukha ngang mababait ang mga ito.

Masaya silang nagsalo-salo ng hapunan, madaming kwentuhan at pakilanlanan ang naganap hindi naman maalis ang mga ngiti sa labi ni Cham dahil sa mukhang nagkakasundo ang magulang niya at ang magulang ni Ellsworth. Puro halakhakan nila ang maririnig dahil sa laging natutuwa ang mga ito sa kwento ng tatay niya.

“Naku minsan pa nga ay hindi  ko alam na naapakan ko pala ang tali ng kalabaw ko. Aba biglang lumakad ang animal na yun nashoot sa paa ko yung tali at kinaladkad ako sa buong palayan. Jusko paguwi ko hindi ako namukhaan nitong asawa ko nagtititili ba naman akala ay nakakita ng halimaw.” Tuwa-tuwang kwento ng tatay ni Cham, bumebenta naman ang mga kwento nito sa parents ni Ellsworth dahil talagang malakas din ang mga tawa nito.

“Balae gusto ko makapunta sa inyo before we come back sa America. Diba Ele hindi pa tayo nakakapunta ng palayan maybe we can try how to plant rice?” suhestiyon ni Rose.

“Yah sure I would love to experience it. I wanna smell fresh air too matagal na din ako hindi nakakarating ng mga probinsya”

“I was about to tell you that Dad we really need to visit their hometown, maganda doon and tahimik napakadami din doon mga tanim na iba’t ibang puno at talagang fresh air. Sigurado akong marerelax kayo then maybe we can go after sa Boracay.” Singit ni Ellsworth, namilog naman ang mga mata ng dalawang ate ni Cham ng marinig ang Boracay.

“Really bayaw sama kami diyan ah. Matagal ko ng pangarap makapunta sa Boracay” si Ading.

“Oo naman lahat tayo” nakangiting sagot nito.

“Yay so excited kailangan na natin magdiet Ading. Nakakahiya ang dami nating baby fats nito pag nagtwo-piece tayo.” Nakangising singit ni Mylez.

“Yun lang sarap kaya kumain. Bahala na pwede naman one piece eh.” Hirit ni Ading.

Masayang nagkwentuhan pa sila naghain din ng alak na maiinom si Nanay Mitring, red wine lang sa mga babae at whiskey naman sa mga lalaki. Matagal din ang oras na nagusap-usap sila at masasabi talaga ni Cham na ayos na ang lahat wala na ang pangamba niya na hindi siya magustuhan ng parents ni Ellsworth. Tahimik lang siya nagmamasid sa mga usapan nila, pati ang mga ate nito ay nakapalagayan loob na ang magulang ng binata.

Hinatid na sila ni Ellsworth, hindi pumayag si Cham na doon matulog dahil nahihiya siya sa parents nito hindi naman na nagpumilit ang binata.

“Sleep ka na paguwi ko ah. Bukas susunduin na lang kita ng before lunch time okay?” bilin ni Ellsworth, nakapasok na ang mga magulang at ate ni Cham sa loob andito sila sa labas at nagpapaalam na si Ellsworth para umuwi na din.

“Okay po. Just text me when you get home okay para hindi ako mag-alala.” Ani Cham then Ellsworth kiss her gently.

“Opo Mrs. Benavidez I’ll go ahead. I love you baby.” Nagpaalam na si Ellsworth. Hindi muna pumasok si Cham talaga hanggat hindi na makita ang kotse sa paningin niya.

Papasok na sana siya ng may humigit sa braso niya.

“Cham” bulong nito.

Napasapo naman si Cham sa dibdib niya akal niya kung sino na ang nasa likod niya.

“Brandon kakainis ka ang lakas ng tibok ng puso ko grabe ginulat mo” inis na singhal nito sa binata.

“Sorry hindi ko sinasadya  na gulatin ka.”

“Hays pasalamat ka wala akong sakit sa puso kundi baka inatake na ako dito.” Mahinang singhal niya.

“Sorry na. Kamusta ka na Mach?” may lungkot sa boses na tanong nito.

“I’m okay. Kailan ka pa umuwi pala? Ikaw kamusta?” tanong niya.

“Kahapon lang, pinuntahan din kita dito kahapon kaya lang wala ka mukhang hindi ka dito umuwi kagabi.”

Nagulat naman si Cham sa sinabi nito, napakunot ang noo niya. “So don’t tell me kanina ka pa dito?”

“Oo pati kagabi I waited siguro mga limang oras. I wanna see you and talk to you if okay lang?.”  

Tinignan ng mabuti ni Cham si Brandon ang tagal din nilang hindi nagkita, naalala niya tuloy ang sabi ng Mama nito na nalulong ito sa droga. Hindi niya akalain na makikita niya ito ngayon. Nagisip siya kung sasama ba siya kay Brandon.

“Please Mach for the last time bago ka man lang ikasal.” Pagsusumamo ni Brandon.

“Teka lang kunin ko lang ang cellphone ko.” Aniya. Sumilay naman ang mga ngiti sa labi ni Brandon.

Dinala ni Brandon si Cham sa Condo niya na malapit lang din sa kanila. Sa una ay nag-aalangan pa si Cham na pumasok dahil dalawa lang sila dito, ayaw niya kasi mangyari ang dating tagpo nila ni Brandon ng muntik na siya nitong pagsamantalahan pero ito binigyan niya pa ito ulit ng isa pang pagkakataon.

“Upo ka Mach, maghahanda lang ako ng maiinom natin. Hanap ka na lang ng gusto mo panoorin.” Binuksan ni Brandon ang t.v at dumeretso na ng kusina. Inilibot naman ni Cham ang paningin sa loob ng bahay nito, simple lang ang mga gamit ng kaibigan mukhang bagong lipat lang siya dito dahil hindi pa ganoon ka organize ang mga gamit nito.

“Mach oh, nga pala madami ako pasalubong sayo pati na din kina Ate” inabot nito ang isang basong juice at isang plato ng cake.

Abala si Brandon sa mga pagsalansan ng mga pasalubong niya kay Cham.

“Sorry ah hindi ko pa kasi naayos ang mga ibibigay ko sa inyo. Sigurado akong magugustuhan mo itong perfume na binili ko for you.” Nilingon niya si Cham na nakatingin din sa kanya at binigyan siya nito ng isang maliit na ngiti.

“Kamusta sila Tita doon? Si Tito magaling na ba?” ani Cham, natigil naman sa paghahalungkat ng balikbayan box si Brandon.

“Dad passed away few months ago.” Malungkot na tugon nito. Napalunok naman si Cham, naramdaman niya ang sakit sa boses ng kaibigan.

“Oh hindi ko alam sorry to hear that.” Mabilis na tugon niya. Lumapit naman si Brandon sa kanya.

“Mach can I have a hug? If it’s okay? Please” ani Brandon, naaawa si Cham dito ngayon kitang kita sa mga mata nito na unti na lang ay bibigay na ito.

“Sure” maikling sagot niya. Tumayo siya at agad naman siyang niyakap ng sobrang higpit ni Brandon.

“Until now I can’t accept that he already leave us. Ang sakit Mach sobrang dami ko ng sakit na naranasan pero mas masakit pala na mawalan ka ng mahal sa buhay without even showing them how much you love them. “ sambit nito hindi na maiwasan ni Brandon na maging emosyonal, dagdagan pa na sa wakas ay nayakap niya ulit si Cham. Ang dating emosyon na pilit na iniiwasan maramdaman ay naibuhos niya na lahat. Si Cham lang talaga ang silent sanctuary niya, he can be himself without any hesitation. Hindi pa rin nagbabago mahal niya pa din ito.

“Sige lang Nrab iiyak mo lang yan hanggang gumaan na ang pakiramdam mo.” Untag ni Cham habang hinahagod ang likod ni Brandon, lalo naman humigpit ang yakap nito sa kanya.

“I promised pa naman to Dad na ipapakilala kita sa kanya. But it’s too late. “ umalis na sa pagkakayakap si Brandon, pinahid niya ang mga luha sa mga mata niya.

“Sorry Cham if naging emosyonal ako and sorry if until now hindi ko pa din matanggap na wala na talaga akong pag-asa sayo.” Aniya, napaaawang naman ang labi ni Cham kita pa din ang lungkot sa mga mukha ni Brandon.

“Nrab ikakasal na ako, kaya ako sumama sayo dito dahil kaibigan pa din kita at sobra akong nasaktan sa mga nalaman ko alam ko na lahat what happened kaya ka pumunta ng America.”

“It’s a bad move it didn’t help me at all, nalunod ako sa kagustuhan kung makalimutan ka. Maybe If I could turn back time I will not do that. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko that time, I’m so lost I feel so helpless knowing that I can’t have you.”

“Pero one thing for sure that will never change Mach, I’m still hoping. But don’t worry hindi ako manggugulo hindi ako tututol sa kasal mo. Of course I know your so happy with him and I can see it in your eyes. Wala akong karapatan na agawin sayo yun.” Anito at sumibol ang maliit na ngiti.

“Thanks Nrab invited ka huh. Wag na wag kang mawawala sa kasal ko.” Nakangiting sabi ni Cham.

“Oo pupunta ako kaya lang baka ayaw ni Ellsworth ako na andun?”

“Nope ako bahala I know he will understand.”

Mga dalawang oras pa sila nag-usap, masaya si Cham na hindi na nila ulit pinagusapan ang tungkol sa damdamin nito para sa kanya. Puro mga nangyari nalang ng nasa America pa siya at ang bagong business ng Mama niya doon kaya pala natagalan din itong bumalik ng Pinas dahil sa pagtulong dito sa pag-aayos ng business nito.

Inihatid din siya kaagad ni Brandon at sobrang daming bigay nito na pasalubong para sa kanila. Bago ito umalis ay binigyan niya pa ito ng invitation.

“Salamat Nrab aasahan kita ah. Salamat din sa mga pasalubong mo.” Ani Cham, nagpaalam na din ito sa kanya.

Pagpasok ni Cham sa gate ay napukaw ng mata niya ang isang box sa gilid nito. Kinuha niya ito at laking gulat na para sa kanya ito.

“Cham umalis ka ba? Kakauwi mo lang ba?” bungad ni Mylez.

“Oo andito na ulit si Brandon nagusap lang kami saglit. May pasalubong nga siya sa inyo bukas ko na lang ipamigay.” Sagot niya.

“Teka meron ka na naman regalo? Mas malaki ngayon ah mga excited talaga ang mga bisita mo ah advance magregalo.” Puna ni Mylez sa hawak na box ni Cham na nakabalot ng wedding theme na wrapper.

“Anong na naman ate?” takang tanong niya.

“Hindi mo ba nakita ang nilapag ko na maliit na box doon sa kwarto mo? Noong nakaraang lingo pa yun ah.” Anito, napaisip naman si Cham wala naman siyang napansin na regalo sa kwarto niya.

Sinamahan siya ni Mylez sa kwarto niya at itinuro ang regalo na sinasabi nito.

“Ah ito pala sige ate salamat, matulog ka na”

Nagtataka siya bakit may mga nagreregalo sa kanya ng sobrang aga. Kaya naman ay walang atubili na binuksan ang mga ito. Laking gulat niya ng makita ang laman ng maliit na kahon.

ISANG KATAMTAMANG LAKI NA BATO…

Sa ilalim nito ay may maliit na papel na may mensahe na:

Para kang kumuha ng bato na ipupukol mo sa ulo mo sa bandang huli.

Lumakas ang kabog ng dibdib niya, nakakuha na naman siya ng kakaibang regalo. Akala niya ay nanahimik na ito pero hindi pa pala. Until now she can’t understand the meaning of the text messages her getting even the items she’s getting.

Ayaw man yang buksan na ang susunod na kahon but her curiosity is killing her. Hindi na niya iningatan ang pagbukas nito, buong lakas niyang pinunit ang wrapper.

Mas lalong dumoble ang kabog at kaba ng dibdib niya sa sumunod na nakita.

ISANG BELO NA KULAY ITIM…

Napasapo siya sa dibdib niya at pilit na pinipigilan ang tibok ng puso niya. Halos maiyak na siya ayaw niya magpaapekto pero parang hindi-hindi na basta frank lang ang mga nakukuha niyang mensahe. Ayaw na niya talaga pa basahin pa ang papel na nakaipit dito pero ang kamay niya ay parang may buhay at binuklat ito.

Ito ang isuot mo sa araw ng kasal mo, hindi nararapat ang puti na belo para sayo dahil mabubuhay ka lang na kasama niya na puno ng kasinungalingan.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

A/N:

Parang ayaw ko na dumating ang araw ng kasal nila.

Huhubelss talaga. Paano na ako si Papa Ellsworth ko.

Seriously? Humuhugot pa ako ng special powers ko for the next chapter.

Wedding day na ang next chappie.

Abangan!

I already posted another new story that I will work on after this.

SANA (Make a wish, Miracle might listen)

Description:

Pinili mo siyang pasakitan, araw-araw mong pinapanalangin na sana hindi siya ang kasama mo. Pero bakit ngayon hinahanap-hanap mo siya? Ang gulo mo pre'! Ano yan? You don't know what you've got till it's gone ang peg mo? Paki-explain in essay form.! 

Please click the external link…

Ito ang prologue niya.

Hope that you can also support me on my 2 upcoming stories.

Laking gulat niya ng magising siya ng walang kasama. Iba na ang kama niya at ang kwarto niya. Eto ang kwarto niya dati. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto niya at nagtatakang pinagmasdan ang mga tao sa labas. Hindi nga siya nagkamali nasa bahay siya ng mga magulang niya.

Mama bakit dito ako natulog kagabi asan na si Tamiya?”

Kunot noong ekspresyon ang nakuha niya sa ina niya.

“Hoy nanaginip ka yata sinong Tamiya? Bago mo bang babae yan? Nagdala ka na naman ba ng babae dito sa bahay. Naku Craig kailan ka ba titino?” galit na tugon nito sabay pingot sa kanya.

“Aray naman Ma! Si Tamiya yung asawa ko. Ano ka ba mama!” inis na sagot niya.

Lalong kumunot ang noo ng Mama niya. At umasim ang mukha nito.

“Bumalik ka na nga sa pagtulog mo, puyat lang yan baka nanaginip ka lang. At saka bakit hindi ako nainform na nag-asawa ka na pala?” tinalikuran na lang siya ng mama niya at pailing-iling na bumalik sa upuan at pinagpatuloy na lang ang pagbabasa ng tabloid.

Naguguluhan siyang bumalik sa kwarto niya at hinanap ang litrato ni Tamiya sa wallet niya. Namilog ang mga mata niya na iba na ang wallet niya. Ito pa ang wallet na regalo ng mama niya noong pagkagraduate niya ng kolehiyo. Matagal na niya itong pinalitan ng wallet na regalo sa kanya ni Tamiya at nilagyan pa nga nito ng litrato ng kasal nila.

Naisipan niya na matulog na lang ulit baka nga nanaginip lang siya….

 Thanks sa suporta guys!

Thanks din pala sa mga nagfollow sa akin. ♥

For those who wants to follow me on Facebook:

https://www.facebook.com/shairaluane

Just don’t forget to click on Vote or hit the star button, I would love to see your comments too.

Enjoy reading!

Shairaluane © April 2014

Continue Reading

You'll Also Like

801K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...