To Love Again – cHappy six
LAUREN’s pov
“Saan mo nakuha number ko?” ‘yan agad bungad ko sakanya.
<“Kay Lester.”> Oo nga naman. Mag-bestfriend eh.
Naintindihan ko na. Kaya pala kanina may kutob na ko sa kinikilos ng lalaking ‘yun. “Kayong dalawa ha. Tigil-tigilan niyo ko sa kalokohan niyo. ‘Di nakakatawa.”
<“Kalokohan?”>
“Oo. Akala ko pa naman kung sinong nagtetext sakin.” Can’t help it. Hopeless romantic person kasi ako. Akala ko may gusto sakin ‘yung nagtetext na ‘yun. Char.
<“Baket? Were you expecting someone else?”>
Binuklat ko ‘yung pag-aaralan kong libro. “Wala ka na ‘ron. Tungkol san naman ‘yung text mo kanina?”
<”I heard your conversation with Ken.”>
Huh? Napalingon ako sa buong paligid. Kung ganon nandito siya? Eh puro mga busy-ing estudyante lang nakikita ko eh.
“Nasan ka ba?”
“Lumingon ka sa likod mo. Ang tanga mo maghanap.”
Ayos ah. Unti-unti ko siyang nilingon at sinugurado ko ring masama ang tingin ko. Pero ang hudyo, nakatalikod pala! May hawak siyang cellphone na nakatapat sa tainga niya habang nakaharap sa bookshelf.
“Bwisit ka!”
“Thank you.”
Binabaan ko na siya at nakipagtuos sa librong kaharap ko. Makagpag-aral na nga lang.
“Sorry, that was rude of me.” Nagulat ako nang may magsalita sa harap ko. Hayan, naka-upo na siya at nakatingin sakin. He had this sincere eyes na parang nagsisi siya sa sinabi niya.
Hindi ko siya pinansin. Sabihan ba naman ako ng tanga. Para sa isang scholar na tulad ko, insulto ‘yun.
Pinagpatuloy ko ‘yung pagbabasa. Tapos nag-solve na rin ako. Siguro mga 15 minutes akong nagsolve pero hindi ko pa rin nakuha ‘yung sagot. Mind you, isang problem lang ‘to. Ganyan ako kahina sa math puchaa.
“’Wag mo na lang pansinin kung anong sinabi ni Ken.” hindi ko pinakitang nagulat ako nandito pa rin siya. Masyado akong nafocus sa pagsolve ng equation.
“Anong akala mo sakin? Seseryosohin kung anong sinabi ng kaibigan mo?”
“Kaya nga sorry na.”
Tumango na lang ako para matapos na.
“And don’t distance yourself to me.”
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Ayan na naman ‘yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi na 'to normal at mas lalong hindi nakakatuwa. Kinompose ko ang sarili ko.
“Uulitin ko, hindi ko sineseryoso ‘yung sinabi ni Ken. Kaya rest assured, ok? Isa pa, hindi naman siguro ikaw ‘yung tipo ng taong ma-iinlove sa nagcocomfort sakanya, ‘di ba?”
He was taken aback by my question. I can see that. “Nah, not at all.”
Tumango ako. “Good. Wala rin akong balak na maulit pa ‘yung nangyari samin ni Jhay. Kasi ibig sabihin lang nun, hindi ako natuto.”
Agad na kumunot ang noo niya. “That’s not fair.”
“Huh?”
“Kasi—“
“Excuse me.” Putol nung babae sa sasabihin ni Arwill. Tumingin siya sakin. “Pwedeng maki-sit in?” tumingin ako sa tabi niya. Aba... may kasamang lalaki at oh! Magkaholding hands pa. PDA.
“No.” Sabi agad ni Arwill.
“Yes.” Ang sabi ko. Sabay pa kaming dalawa. Nagpalipat-lipat ‘yung tingin ng babae samin.
At napagtanto kong siya ‘yung ex ni Arwill. Haay, kaya naman pala.
“Ano ka ba? Wala ng bakante oh. Sige, upo na kayo.”
“Salamat.” Sabi nung lalaki. In all fairness, he’s a good looking guy. At kung itatapat siya kay Arwill? Mas lamang ang huli. Sa looks lang. Sa looks.
Tahimik silang umupo sa tabi ni Arwill. Ang sungit naman. Hindi man lang nagpa-thank you sakin ‘yung ex. Nakita kong saglit na nagtama ‘yung tingin nung lalaki at ni Arwill. I saw anger in their eyes. Nung nagtama naman ‘yung tingin ng mag-ex, unang nag-iwas ng tingin ‘yung babae. Wala namang reaction si Arwill.
So bale ang sitting arrangement, kaharap ko ‘yung tatlo tapos ‘yung lalaki, ‘yung ex at si Arwill ang magkakatabi. At tignan mo nga naman. Talagang sa gitna pumwesto ‘yung babae ah.
Hindi ko alam kung maasar ako o matatawa.
Maasar dahil pa-chix ‘yung babae at parang gustong pinag-aagawan siya? O Matatawa dahil...
Sa kamiserablehan ni Arwill? BWAHAHAH—
Kinurot ko ‘yung sarili ko. Grabe ang sama ko. Eherm! Eherm! Makapag-aral na nga lang ulit.
“Huy, tignan mo ‘yun. ‘Di ba ex ‘yun ni Fafa Arwill?” narinig kong bulungan-bulungan sa tabi ko.
“Aba? Oo nga ‘no?”
“Grabe! Ang kapal ng mukha niya! Pinapakita niya pa talaga na kaya siya nakipag-break dahil may iba na siya!”
“Sinasaktan niya ang puso ni Fafa Arwill kooo!”
“Tumigil ka ngang bakla ka. Baka marinig ka pa nila. Pero grabe ang gwapo pa rin ni Fafa Arwill kahit brokenhearted! Kyaaaaah!”
“I know right! Mas lalo siyang gumwapo nung nagbreak sila! Ahhh!”
“He’s so cool! Hey, alam niyo bang member na siya ngayon ng Baseball team—“
“Ara—!” napatingin sakin lahat ng tao sa lib sa lakas ng boses ko. “—y Hehe. Sorry po.” At tinitigan ko ng masama si Arwill na sinipa ako sa ilalim ng table kanina. Epal talaga ‘to. Sa totoo lang. ‘Di ko pa nga naririnig ‘yung ibang tsismis tungkol sakanya eh.
Sinipa ko rin siya. “Sh.t!” he hissed. Kala mo ah.
Tumayo na siya. Lahat kami napatingin sakanya. Hula ko pa nga walang huminga eh. Over lang sa reaction ‘tong mga ‘to. Binaling ko na lang ulit ‘yung tingin ko sa libro. Mabuti nga ‘yang umalis na siya at nang hindi na siya masaktan pa at para na rin walang manggulo sakin. Haay, kawawang bata—
“Anong ginagawa mo dito?” maang na tanong ko sakanya. Lumipat lang pala ng upuan ang hudyo.
“’Di ba sabi mo magpapaturo ka sa Math?” At nasa tabi ko siya ngayon.
“Huh? Kailan naman—Aw!” bwiset! Tinapakan niya na naman ‘yung paa ko! Quota na ‘ to ah! Tinitigan ko siya ng masama.
“Focus yourself on the problem instead of looking at me. Nandito na nga ko sa harap mo para ‘di ka na mahirapan na lingunin ako—D.mn it!” diniinan ko ‘yung pagkaka-apak ko sakanya. Bwisit na lalaki!
“Ang hangin mo. Grabe.” Bulong ko sakanya. Inusod ko ‘yung sinasagutan kong libro sakanya. “Oh, ‘yan. Panindigan mo.”
Binasa niya saglit ‘yung problem tapos humiram sakin ng papel at ballpen. “Let’s start with the basic. We’ll solve later.” Tumango ako. He flip some pages. “Ganito, ang sabi rito...”
And that’s when he start teaching me.
“Grabe! Kakainggit naman yung girl" narinig ko ulit na bulungan.
“Oo nga eh. Ang swerte!”
“Sana ako rin. Sana maturuan din ako ni Fafa Arwill!”
“Ang bango-bango niya siguro ‘no?”
Mabango? Si Arwill? Talaga?
Patuloy lang siya sa pagpapaliwanag sakin habang tinititigan ko siya.
Walang duda. Gwapo talaga. Pero mabango daw?
Pasimple akong lumapit at inamoy siya. Hmm... amoy downy djk! Amoy nakakalasing. Nahilo ako kaya tinigil ko ang pagsinghot.
Mabango nga. Bagay sakanya ang pabango niya. Matapang na masungit na malamig.
“Tapos habang nagtuturo siguro siya, ang bango–bango din ng hininga niya.”
“Ay girl! Kung ako sakanya susulitin ko na ang once in a lifetime moment na 'yun!”
Fresh breath? Hmmm... napatingin ako sa lips niya. Napakagat-labi ako. Ang lambot siguro nun? Ang sarap kagatin—
Wait. That sounded erotic.
Ah shake! Erase! Erase! Erase!—
Pero syet. Ang kissable ng lips niya.... parang—
“What are you doing?” kunot-noong tanong niya.
I even smell his minty fresh breath. Mas lalo yata kong nalasing. Teka? Paano ko naamoy eh ang layo— Shaaaake! At kelan pa ko nakalapit sakanya na parang hahalikan ko na siya?!
Kanina lang... ano... ang layo... tapos.... anyare?
An inch.... isang inches ang layo namin sa isa’t-isa!
“A-ah... K-kasi... a-ano—“
*BLAG!*
Nagulat ako nang may kumalampag ng pagkalakas-lakas sa table namin dahilan para lumayo ako kay Arwill. Parehas naming tinignan ang dalawa sa harap namin.
“What’s wrong, Jean? Are you ok?” tanong nung lalaki.
Nakita kong naka-kuyom ang mga palad niya na parang gigil. “Nothing, babe. Nothing. M-may langgam lang sa table.”
“Ah...” sabi nung lalaki. “Patingin nga ng kamay ng baby ko.” kinuha niya ‘yung naka-kuyom na kamay ni Jean. “Masakit ba?” tapos nilapat niya sa pisngi niya, “Next time ako na lang papatay para ‘di ka na masaktan pa. Hm?”
“Ok, babe.” Tapos ngumiti si Jean sa lalaki.
Ang sweet ano po?
Tinignan ko naman si Arwill. Ni hindi naman nabago ‘yung expression niya. Wala pa rin.
But if you would look right into his eyes. It’s sad.
“Tama ba ‘to?” agaw ko sa atensyon niya. Hindi ko alam pero ayaw kong makita na malungkot siya. Naasar ako sa dalawang tao na nasa harap namin na wala namang ginagawang masama sakin. Kay Arwill meron.
“Huh?” napatingin siya sa papel ko. “Nasan dito ‘yung—“ tumingin siya sakin. Tapos sa papel ulit.
“Are you ok?”
‘Yan ang nakalagay sa papel.
Nagsulat siya.
“I look ok so I guess I am.”
Tinignan ko siya. “Talaga lang ah?”
Kinurot niya ‘yung pisngi ko na agad ko lang inalis. Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya.
Nagsulat ulit siya. “I am OK.” Ang nakalagay. Tapos may smiling face.
When I look at him again, even though he isn’t smiling. His eyes are doing it.
And for the second time. My heart beats faster than normal.
Oh heck! This is a bad sign!
-----------------
#Student Council Room
ASH’ pov
Bumukas ang pinto at pare-pareho kaming napalingon dun.
FREED: Yow! Kamusta ‘Will? May progress na ba kayo ni Lauren?
Sinamaan siya ng tingin ni Arwill. “Tanungin mo ‘yang sarili mo kung may progress na kayo ni Eunice.”
Napaturo si Freed sa sarili niya. “Ano namang kinalaman ni Eunice—Aray! Oo na! Oo na!” sabay-sabay kasi namin siyang pinagbabato ng kung ano-ano. Number 1 in denial sa grupo ‘yan. Kunwari pang walang gusto kay Eunice! Sus!
“Where’s Ken?”
LOCUS: He doesn’t want to talk to you.
“I know. That’s why I’m here to punch him.”
Iiling-iling lang si Locus. “He’s in his office.”
Pupuntahan na niya sana si Ken nang humarang sa pintuan si Zaion. “Hep-hep-hep! Maghunus-dili ka, dong! Ikaw naman kasi! Ano bang—“
“BOOOGSSHH!*
Tumama ‘yung suntok ni Arwill sa gilid ni Zaion. Butas ang pinto.
Pumalakpak sa gilid ko si Lester. “Ang cool talaga ng bestfriend ko."
I sighed. Mga batang ‘to.
Umurong si Arwill. “Nabutas ko.” nagtaka pa siya ah? Sa lakas niyang ‘yun?
Binatukan siya ni Lester. “Sira-ulo ka. Wala ka naman talagang balak suntukin si Ken ‘di ba? Binubunton mo lang ‘yung nararamdaman mo sakanya. I know-I know~ Napanuod namin kayo sa lib kanina.” Tinuro niya si Loc. “Live on a CCTV. Astig ‘di ba?” tapos hinawakan niya sa kwelyo si Arwill at kinaladkad sa sofa para gamutin ‘yung sugat sa kamay. "Time to mend your wound.”
KEN: Oyoyoyoy! Sinong walangya ang bumutas sa pinto ko?
Nakalabas na pala ang hari sa lungga niya. Sabay-sabay naming tinuro si Arwill. Nagtaas pa talaga ng kamay.
KEN: Palitan mo ‘yan. At siya nga pala, may balak ka bang pormahan si Lauren?
The atmosphere in the room became thick. “Bakit?” asar na tanong ni Arwill.
“I’m planning to court her. Nakausap ko siya kanina. Man, ang ganda niya pala?”
Oh-oh~ I smell trouble~
ZAION: Ay oo, pinsan! Sobra! Kaklase ko ‘yun eh. Head-over-heels nga ‘yung ibang lalaki sakanya. Sabay tayong manligaw.
“Kung makapagsalita ka parang makikisabay ka lang mag-enroll ah.”
Nag-smirk lang ang mokong. “Ganun talaga pag gwapo.” Binato ko siya ng lapis.
ARWILL: If you’re planning to court her. Go on. Just make sure to take her seriously. ‘Yun ang gusto niya sa lalaki. Ayaw niya ng niloloko-loko siya. And please, stay always by her side. Clumsy ang babaeng ‘yon. Makikita mo na lang nadulas siya ng wala namang pumapatid sakanya. She’s no ordinary girl.
KEN: Anong mga favorites niya?
ARWILL: She likes sweets. That’s why she preferred working on a Café. Alam mo ‘yung Rocket Coffee? Doon siya nagtatrabaho. Nga pala, ‘wag mo siyang bibisitahin pagnagtatrabaho siya. Magagalit siya sa’yo.
LOCUS: You know her that much, Arwill. Why don’t you court her?
Na-speechless ang mokong.
Aba... Hashtag: AlamNaThis
“Arwill likes Lauren~ Arwill likes Lauren~ Arwill likes Lauren~” at nagchant pa talaga si Freed.
Napa-roll eyes si Arwill. “I don’t.” Tapos nagwalk-out.
Tinuro ko si Freed. “Lagot ka. Hinawaan mo siya ng pagka-in denial mo.”
Tinuro niya ulit ‘yung sarili niya. “Nakakahawa pala ‘yun?”
LOCUS: Ay, tanga.
LESTER: Ito ang unang pagkakataon na naging in denial siya sa nararamdaman niya.
Natawa si Ken. “Konting push pa mga gwapos. *smirk* Konting push pa.”