Hey Sir! I Love You! (FINISHE...

Per Psychedeliiic

832K 16.2K 1K

Eh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physic... Més

P R O L O G U E
C h a p t e r (o1)
C h a p t e r (o2)
C h a p t e r (o3)
C h a p t e r (o4)
C h a p t e r (o5)
C h a p t e r (o6)
C h a p t e r (o7)
C h a p t e r (o8)
C h a p t e r (o9)
C h a p t e r (1o)
C h a p t e r (11)
C h a p t e r (12)
C h a p t e r (13)
C h a p t e r (14)
C h a p t e r (15)
C h a p t e r (16)
C h a p t e r (17)
C h a p t e r (18)
C h a p t e r (19)
C h a p t e r (2o)
C h a p t e r (21)
C h a p t e r (22)
C h a p t e r (23)
C h a p t e r (24)
C h a p t e r (25)
C h a p t e r (26)
C h a p t e r (27)
C h a p t e r (28)
C h a p t e r (29)
C h a p t e r (3o)
C h a p t e r (31)
C h a p t e r (32)
C h a p t e r (33)
C h a p t e r (34)
C h a p t e r (35)
C h a p t e r (36)
C h a p t e r (37)
C h a p t e r (38)
C h a p t e r (39)
C h a p t e r (40)
C h a p t e r (41)
C h a p t e r (42)
C h a p t e r (43)
C h a p t e r (44)
C h a p t e r (45)
C h a p t e r (46)
C h a p t e r (47)
C h a p t e r (48)
C h a p t e r (49)
C h a p t e r (5o)
C h a p t e r (52)
C h a p t e r (53)
C h a p t e r (54)
C h a p t e r (55)
C h a p t e r (56)
C h a p t e r (57)
C h a p t e r (58)
C h a p t e r (59)
E P I L O G U E

C h a p t e r (51)

8.8K 203 11
Per Psychedeliiic

C h a p t e r (Fifty One)

“Shara! Sasama ka ba sa fieldtrip?!” excited na tanong sakin ni Nela nang akmang lalabas na kami ni baklito para kumain sa canteen.

“Uhm, di ko pa alam eh.”

“Hala! Bakit?!” singit naman ni Rayne na biglang nag-appear sa likod ni Nela. “Next week na kaya yun!”

“Oo nga eh…” napakamot ako sa ulo. “Hindi pa kasi ako nakapagpaalam.” Sumulyap ako kay Geoff na mukang naiinip na.

“Nge! Paalam ka na dali!” tapos ay bumaling siya kay Geoff. “Eh ikaw Geoff?”

“Oo,” iritableng sagot nito kaya napasimangot si Rayne. Nakahalata ata. “Tapos na kayo mag-interview? Pwede na kaming kumain ni Shara?” hindi na nakaimik ang dalawa kaya hinila na ako ni baklito palabas.

“Uy sige, kain na kami ha?” paalam ko nalang. Awkward silang ngumiti bago tuluyang nawala sa paningin ko. Agad din namang binitawan ni Geoff ang braso ko. “Grabe! Ang sungit mo naman!”

“Eh nagugutom na ko  e! Pwede naman silang magtanong mamaya! Bakit ngayon pang nagugutom ako?!” irap niya.

“Uh, sungit forevs!”

Nang makarating kami sa canteen ay agad naman siyang umorder ng pang-dalawahang lunch kaya masugid akong naghintay sakanya sa table. Remember, libre niya ko ng lunch for 3 months! Mwahaha!

Ay teka! Hindi ko pa pala siya natatanong!

Kaya naman pagkabalik na pagkabalik niya ay tinanong ko na siya agad.

“Hoy baklito, sinabi mo na ba sa mga kuya mo na break na tayo kuno?”

Umirap muna siya at tinapos ang pagnguya bago sumagot. “Pwedeng wag mo na sakin yan ipaalala?” nabibwisit niyang sabi.

“Bakit naman?” sabay subo ko sa pagkain ko.

“Punyeta! Alam mo ba kung anong klaseng harassment ang naranasan ko sakanila nung sinabi kong break na tayo?!” nilagok niya ang juice na binili.

Nanlaki naman ang mga mata ko. “Ha?! Harrassment?!”

Tumango-tango siya. “Oo! Niwrestling ba naman ako! Biruin mo ah, dalawa silang pinagtulungan ako! Tangina nun.”

Tumitig nalang ako sakanya. Hindi ko alam kung maaawa sakanya o matatawa eh! Pag naiimagine ko kasi, gusto kong humagalpak ng tawa! Kaso baka pakuluan ako ng buhay neto eh!

Pero..

“Pfft,”

Tumaas ang isa niyang kilay. “At nagagawa mo pang tumawa ha?!”

Hindi ko na talaga napigilan kaya napatakip nalang ang dalawa kong kamay sa bibig. “Pfft… I-hahaha! I'm sorry, Geoff!”

“Ramdam na ramdam ko sorry mo ha?”

“Eh kasi naman!” natawa ulit ako kaya kinalma ko muna ang sarili. Okay, breathe in, breathe out! “Hindi ko maimagine na pinagtulungan kang iwrestling nila kuya Dren at Marc!”

“Punyeta yung dalawang yun e. Kesyo daw bakit ba kita pinakawalan eh malaking isda ka raw, perfect girl ka daw!” tumingin siya sakin at ngumiwi. “Punyeta diba?”

“Aba!” binato ko siya ng nilukot na tissue. Sama nito!

“Makadescribe naman kasi sayo para kang isang diyosa! OA!” tsaka niya tinuloy ang pagkain.

“Asuuus,” binato ko ulit siya ng tissue. “Hindi mo lang matanggap na mas maganda ako sayo eh! Hahahahahaha!” sinamaan niya lang ako ng tingin at hindi na umimik.

“Oy Geoff, ano nang balita sainyo ni Skye?” tumingin ako sa table nila Nela kung saan nagtatawanan sila kasama si Skye. Sinundan niya rin sila ng tingin. Napansin ata kami ni haponesa kaya agad siyang kumaway.

Napa-tss nalang si baklito.

“Bagay kayo!” kinikilig kilig kong sabi nang maalala yung sinabi sakin ni Rui non na panay Geoff-kun daw si Skye sa bahay nila. Bakit kaya?

“Ba’t hindi ka pa sure kung sasama kang fieldtrip?” wow, lakas makachange topic ah!

“Uuuy, lihis topic ang bruha!”

“Sagutin mo nalang!”

Nag-tsk  ako  at humalumbaba sa lamesa. “Kasi naman, hindi pa ako nakapagpaalam sa bruha kong tita.” Ang totoo matagal na kong bayad sa fieldtrip, si  Jace ang nagbayad non dati pa, ang kailangan ko nalang ng approval ng kontrabida kong tita.

“You mean yung tita mong feeling evil stepmother ni Cinderella?” natawa nalang ako sakanya.

“Oo, yun.”

“Kung bakit naman kasi bigla yung dumating sa buhay mo! Eh wala namang magandang dala,”

Bumuntong-hininga ako. “Kaya nga eh.”

“E kamusta naman kayo ni Sir?” mahina niyang tanong.

“Ayos naman.” Speaking of Jace, hindi ko pa siya nakikita ngayon. Nalungkot naman tuloy ako.

“Going strong o going wrong?”

Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Joke.”

“Uy anong gagawin ko? Gusto kong sumamang fieldtrip!” problemado kong sabi.

“Alam mo, kung gusto may paraan!”

“Eh ano nga?! Ano, tatakas ako?!”

Nag-evil smile ang baklito. “Exactly,”

“Seryoso?”

“Gusto mo ba talagang sumama?”

“Oo naman!”

“Edi ayon na nga! Nag-iinarte ka pa e!”

“Eh kasi naman, pano ako tatakas?” umirap siya na para bang ambobo bobo ng tanong ko. Kdot!

“Sagot na kita.”

“Talaga?!”

“Oo.”

“Talagang talaga?!” di makapaniwala kong tanong. OMG! Tutulungan ako ni baklito tumakas!

“Isa pa!” banta niya. Hinampas ko siya sa braso.

“To naman, masaya lang eh!” di siya umimik. “Sabi mo yan ah?!” at napailing nalang siya sakin.

“Pero Shara, magpaalam ka muna. Mamaya pumayag naman pala edi hindi na kailangang tumakas.”

Naparoll eyes ako. “As if naman papayag yun diba?”

x-x-x-x-x-x

Hindi nga ako nagkamali. Nang magpaalam ako sakanya tungkol sa pagsama sa fieldtrip ay hindi siya pumayag. Nakailang tanong pa nga ako pero ayaw niya talaga! Kfine. Tatakas nalang ako! Kala niya ah?

Agad akong nagtext kay Geoff.

Tuloy yung plano ah?

Geoff: K.

Peste to! Nagreply ka pa! Ang effort magtext ha! Napairap nalang ako.

Nang dumating ang Friday ay sinabihan ako ni Geoff na siya nalang daw ang mga bibili ng mga foods namin para sa fieldtrip. Nayakap ko pa nga siya nun!

“Yey! Ambait mo talaga! Haha!” tuwang-tuwa kong sabi. Agad niya namang inalis ang pagkakayakap ko dahil di na daw siya makahinga. Asuus, e hindi naman mahigpit yun eh!

“Pwede ba? Dalawang araw kitang di ililibre ng lunch bilang kabayaran!”

Napasimangot naman ako. “Bayan! Kala ko libre na!”

“Asa ka!”

Nang makarating ako sa bahay ay malungkot ako. Hindi ko na naman nakausap si Jace. Ano ba naman yan. Dati naman kahit hindi ko siya makausap  sa school ay ok lang dahil at the end of the day, magkasama naman kami sa iisang bahay pero ngayon? Hindi ko na alam.

Maya-maya pa ay nagring ang phone ko kaya agad kong dinampot yon. Si Jace yung tumatawag. Ipinakausap ko muna siya sa kapatid ko dahil sigurado namang namimiss na nila ang isa’t-isa. Makalipas ang ilang oras, joke, ilang minuto ay napunta na sakin ang cellphone.

Isang malakas na pagbuntong-hininga agad ang sumalubong sakin mula sa kabilang linya.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ko.

“No,” mas lalo tuloy akong nag-alala.

“Hala bakit?! May sakit ka ba?! Kumakain ka pa ba diyan ha?!” okay Shara, wag ka ngang magpanic! Kalma lang!

Dinig ko ang mahinang pagtawa niya. “Miss ko lang kayong dalawa,” nanahimik siya saglit. “Sobra…”

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ako iiyak! Pwede ba?!

“Kami rin naman.”

Ilang segundo ring nanahimik ang kabilang linya bago ulit siya nagsalita.

“So… sasama ka ba sa fieldtrip?”

Napangisi ako. May naisip ako. Bakit kaya hindi ko siya isurprise? Hmm…

Kunwari ay bumuntong-hininga ako. “Hindi eh. Hindi ako pinayagan ni tita.” Kaya mo yan Shara! Patunayan mong kaya mong maging best actress! LOL.

“What?!” halata ang pagpapanic sa boses niya kaya napangiti ako. Okay, ang sama ko na pero masayang pagtripan si Jace  kaya ituloy-tuloy na natin! Mwahaha.

“Sorry. Magmumukmok nalang ako dito sa bahay at magbibilang ng langgam o kaya makikipagtitigan sa kisame. Unang kumurap talo.” Tumawa ako kahit ang corny ko naman.

“Do you want to go?”

“Mm, sino ba namang hindi diba?”

“Then I’ll go there, itatakas kita.” Namilog agad ang mga mata ko.

“HA?! Teka teka! Hindi pwede!” masisira yung pagtitrip ko sakanya!

“Bakit hindi pwe-“

“HA? Ano? ANO?!” nilakasan ko ang boses ko kaya nagtatakang napatingin sakin si Shami. “HINDI KITA MARINIG! CHOPPY CHOPPY! OSIGE, BYE!”

Napa-haaay nalang ako nang maibaba ang cellphone. Maya-maya ay may nareceive akong text galing sakanya.

Jace <3: Text me the address so I can fetch you there on Monday.

Napabuntong-hininga  nalang ako at piniling wag nang magreply sakanya.

Dumating ang Monday at sobrang aga kong nagising dahil nga may magtatakas sakin at higit isang oras ang biyahe papuntang school. Iniiwasan kong wag makagawa ng ingay dahil nga hindi alam ng tiyahin ko ang tungkol dito. Sinabi ko rin kay Shami ang tungkol ditto at sinabihang wag siyang maingay. Pag tinanong kung nasan ako ay nagpunta lang sa kaibigan para sa isang group project. Sinabi ko rin na magsumbong lang siya sakin kapag may ginawang di maganda sakanya si tita at ako ng bahala.

Nag-ninja moves ako paalis ng bahay. Sa may highway ang usapan namin kaya dali-dali ako don na nagpunta para maghintay. Pero nagulat ako nang hindi si  Geoff ang dumating…

“R-rui?” anong ginagawa niya dito? Teka, motor yan ni Geoff ah? Anong nangyayari? Naguguluhan ako!

“Sakay na,” inabot niya sakin ang helmet pero nanatili lang akong tuod sa kinatatayuan habang confused na nakatingin sakanya. “Sakay na Shara. Mahaba-haba pa ang tatakbuhin natin.” Kahit nag-aalangan ay sumakay na ako sa likod niya. “Kapit ka ah,” nung una ay hindi agad ako kumapit sakanya kaya napa-tsk siya at ipinalupot ang dalawang kamay ko sa bewang niya. “It’s just me, Shara.” Atsaka pinaharurot ang motor.

Napapikit ako ng madiin at napadasal. Juskopo! Mas nakakatakot magpaandar itong si singkit kaysa kay baklito! Huhuhuhu makaabot pa kaya kaming school neto?!

Maya-maya pa ay nakarating narin kami sa school kung saan nakahilera na ang mga de-aircon na bus. Nakahinga ako ng maluwag. Thank you Lord at buhay parin ako! Huhu.

Nagvibrate ang phone ko. Nagtext ang walangya.

Geoff: Bus #3. >:)

What’s with the emoticon? Napailing nalang ako at hinayaan nalang.

“Bus # 3 daw sila,” sabi ko kay Rui at tumango naman siya matapos ipark yung sasakyan ni Geoff. “Ay teka, pano yang motor ni Geofferson?” senyas ko don sa pinakamamahal na motor ni bakla.

“Babalikan niya nalang daw mamaya pag-uwi.”

“Ah okay.” Sabay kaming naglakad papunta sa bus # 3 at pumasok doon.

Nagulat naman ako at agad namilog ang mga mata nang pag-akyat ko ay nandoon si Jace sa bandang unahan. Katabi niya yung isa pang teacher na lalaking matanda. Di ko kilala e.

EH?! SIYA YUNG TEACHER NA NAKA-ASSIGN DITO SA BUS NAMIN?!!

Halatang nagulat siya nang makita ako pero nakabawi rin agad. Ngingiti sana ako dahil naalala kong pinagtitripan ko nga pala siya pero tumaas ang kilay niya nang mapunta ang tingin sa lalaking nasa likod ko at sa hawak nitong isa ko pang maliit na bag.

“Shara?” tawag sakin ni Rui kaya agad akong natauhan. “Bag mo oh. Muntik mo nang maiwan kanina sa motor.” Nga pala, sinabit ko pala to sa parang handle kanina. Di ko alam anong tawag eh.

Mabilis ko iyong kinuha at agad na nagtuloy papunta kanila Geoff. Hindi ko nalang tiningnan ang reaksyon ni Jace dahil sigurado akong ayaw ko yong makita.

“HI SHARA!” bati ni Skye with matching kaway-kaway pa nang makita kami ni Rui. Napakunot ang noo ko nang mapansing magkatabi sila ni baklito.

“Teka…”  ako dapat katabi niyan eh! Tumingin ako kay Geoff na nakasimangot na talaga.

“Pwede ba Skye! Bumalik ka na nga sa  upuan mo!”

Ngunit hindi sakanya nakinig si Skye at ngumiti lang sakin.

“Shara, can you just sit beside my onii-chan? I mean, my brother? Please please? I want to sit beside Geoff kasi e!”

Napatingin sakin si Geoff na nanlalaki ang mga mata at parang sinasabi na SHARA WAG KANG PAPAYAG!

Pero ngumiti nalang ako at sinabing, “Sige.” Malay mo, magkaroon sakanila ng progress. Haha!

Pumunta ako sa upuan sa kanan ko kung saan nakaupo na si Rui. Kinalabit ko siya kaya napatingin siya sakin.

“Uh, Rui. Pwedeng ako sa may bintana?” gusto ko kasi talaga ang pwesto sa tabi ng bintana.

“Sure.” Tumayo ulit siya para makapasok ako bago ulit umupo.

Maya-maya ay nagvibrate ang phone ko sa may bulsa. Napalunok ako nang makita  kung kanino yon galing.

Jace <3: Be sure to drink a medicine, baka magsuka ka sa biyahe.

Nakahinga ako ng maluwag na yun lang pala ang laman ng message niya. Agad kong hinanap ang Bonamine sa bag.

Maya-maya ay nagvibrate ulit. Another message from him.

Jace <3: But I’m jealous right now. Extremely jealous.

PATAY.

Continua llegint

You'll Also Like

5.5K 226 64
Minhyun is a girl who never scared about the word "DEATH" para sa kanya Wala lang ang salitang yun. Pero what if makilala nya ang baklang si cyne na...
958K 28.6K 43
Isang babaeng hinangad na mapakasal sa lalaking mahal niya, ngunit nasira ang ambisyon niya ng pinilit siyang mapakasal sa lalaking ni minsam di niya...
509K 10.4K 57
[ Teen Fiction & Fan Fiction ] The more you hate , The more you love. Yan ang madalas sabihin ng ibang tao paghindi sila nagkasundo. Ngunit paano k...
1M 6.6K 11
Paano kung maging katulong ka ng isang hot, gwapo at mayamang lalaking sawi naman sa nagdaang pag-ibig? Magtitiis ka bang kasama siya sa isang mansiy...