He Robbed My heart (editing)

By EommaBunny

77.1K 1.3K 733

♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihinga... More

Prologue
Teaser..
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Authors Note
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 Part 1
Paramdam...
Chapter 49 Part 2
Chapter 50
Epiclogue

Chapter 33

1K 23 4
By EommaBunny

Lumipas ang mga panahon at masaya pa din ang relasyon nila Cham at Ellsworth halos mag-iisang taon na silang magkasintahan. Abala ang utak ngayon ni Ellsworth sa kakaisip kung anong sorpresa ang pwedeng gawin sa darating na kaarawan ni Cham two weeks from now. Halos lahat ay umaayon sa kanya sobrang successful na ng men’s magazine nila naungusan na nila ang nangungunang men’s magazine. Maganda ang tinatakbo ng relasyon nila, masasabi na almost perfect na ang relasyon nila nakilala na din niya ang mga magulang nito ng isama siya nito sa wedding anniversary ng magulang nito noong nakaraan.

“Iho tumawag ang mama mo ah hinahanap ka hindi ka daw niya makontak sa cellphone mo” bungad ni Nanay Mitring habang naghahanda ng agahan ni Ellsworth.

“Bakit daw?” maikling tanong nito, habang hinahalo ang kape na inihain sa kanya.

“Hindi ka man lang daw natawag sa kanya nagtatampo na daw siya at sobrang busy mo ni kamustahin siya ay hindi mo magawa” sagot ni Nay Mitring, nakita naman nito ang bahadyang pagkunot ng noo ng alaga. Habang nagsisimula ng kumain.

“Pakisabi na lang Nay pag tumawag na ayos lang ako.” May pait sa mga boses ni Ellsworth at hindi naman ito nakalampas sa matanda.

“Galit ka pa din ba sa kanya?” mahinang tanong ng matanda sabay higop ng kape nito.

“Nay alam mo naman diba? Isa siyang pabayang ina.” Matigas ang boses nito halatang may itinatagong sama ng loob ito.

”Iho walang may gusto sa nangyari, hindi niya din ginusto ang nangyari” sabi ng matanda, natahimik naman siya ng makita na mukhang galit na ang alaga.

“Nay please lang wag niyo po sirain ang araw ko. Ayaw ko na maalala yun pinipilit ko ng makalimutan ang mapait na nakaraan na yan. Sana ito na ang huling beses ko na pag-uusapan natin ang tungkol doon. Alam kong napakabilis ng isang taon para masabi ko na hindi na ako nasasaktan pero pinipilit kong maging masaya na lang. Madaming bagay na nagpapasaya sa akin at ayaw kong mawala yun” pagkasabi nito ay binigyan lang ni Ellsworth ng isang maliit na ngiti ang matanda tumayo na at nagpaalam na dito.

Muli na namang bumalik tanaw sa isipan ni Ellsworth ang nangyari mahigit isang taon na ang nakakalipas. Ang panahon na ang puso niya ay puno ng poot at galit pero lahat ito ay kinalimutan na niya simula ng makilala si Cham. Ang kasintahan ang nagpadama sa kanya ng tunay na kaligayahan na hindi nabibili ng kahit na anong bagay. At ayaw na niyang bumalik pa ang poot sa puso niya.

***

San Jose California

“Welcome back kuya Brandon” masayang salubong ni Phoebe sa pinsan nito, pagpasok sa bahay kasama nito ang ina nito na sinundo siya galing sa rehabilitation

“Hi Phoebe salamat cuz” nakangiting sagot ni Brandon.

Nakalabas na si Brandon mula sa rehabilitation, wala siyang nagawa ng sapilitan siyang papuntahin dito ng Mommy niya dahil sa kalokohang ginawa ng masawi ito sa pag-ibig kay Cham. Natuto siya ng lahat ng masamang bisyo nilunod niya ang sarili sa droga, alak at babae sa paniniwala na baka makalimutan ang nararamdama kay Cham pero nagkamali siya sinira niya lang ang sarili, siya pa rin ang talunan sa mga ginawa niya. Walang naidulot ito na maganda baka mas lalo pa itong makabawas sa pagtingin ni Cham pag nalaman ang ginawa niya.

“Anak maraming salamat at nakalabas ka na din. Sana naman ay madami kang natutunan sa loob ng rehabilitation” maluha-luhang sambit ni Mrs. Aleman. NIyakap nito ang anak ng sobrang higpit, medyo pumayat si Brandon at bumagsak ang katawan nito. Sinalubong din si Brandon ng tita nito ang nanay ni Phoebe kapatid ito ng daddy niya.

“Mommy sorry for causing you so much trouble I promise that I will never do it again give me another chance to prove myself that I can be a better man. This time maadik na lang ako sa pagkamit ng mga pangarap ko. Please allow me to go back to the Philippines and manage our company again aayusin ko na po talaga” pagsusumamo ni Brandon, ang dami kasi nitong narinig na masasakit na salita from her Mom the day she found out about the trouble he had. Laking pasalamat niya na walang alinlangan na pumayag ang mommy niya.

Madami talaga siyang natutunan at narealize habang nasa loob ng rehab. Madami siyang sinayang na araw na sana ay ginugol na lang niya sa pagtratrabaho ng maigi sana ngayon ay successful na siya at baka may pag-asa pa siyang mabawi si Cham.

“Kuya you know what you should start fixing yourself nagmukha kang matanda tignan mo ang kapal ng bigote at balbas mo. You look like your already in your thirties malay mo I can find you someone here magaling kaya ako sa match making.” Aniya ni Phoebe, kasalukuyang nasa hapag-kainan sila ngayon kasama ng mga kamag-anak nila Brandon isang mumunting salo-salo para sa muli niyang pagbabalik.

“Talaga sige hanapan mo ako pero gusto ko yung simple lang at conservative.” Nakangising sagot ni Brandon, sinasakyan lang niya ang sinabi ng pinsan niya wala siyang balak na maghanap ng ibang babae walang ibang makakapalit kay Cham sa puso niya. Mahal niya pa din ito hanggang ngayon.

“Kuya madre yata ang hinahanap mo wala ng conservative ngayon ano. Uso na ang liberated ngayon kailangan mo lang maging open minded” mataray na sagot ni Phoebe.

“Meron pa din natitirang conservative ngayon ano ka ba. Actually I already found that girl kaya lang” hindi na naipagpatuloy ni Brandon ang sasabihin dahil sumabat na si Phoebe.

“Kaya lang she loves someone else kaya ka nga andito dahil sa kanya para ilayo ka sa girl na yun. Kuya you should better move on.” May pagdidiin sa sinabi ng dalaga sa huling sinabi nito.

“I don’t know.” Malungkot na sagot ni Brandon pero tinago niya ito sa pamamagitan ng ngiti niya, hindi na sumagot si Phoebe tahimik na lang silang kumain ang mommy at tita na lang niya ang naguusap. Pagkatapos kumain ay tumayo na ito ang nagpaalam.

Dumaan muna siya sa kwarto ng Daddy niya, bedridden pa din ito simula ng mastroke parang dinaganan naman ng mabigat na bagay ang dibdib niya ng makita ang itsura nito. Sobrang payat nito at nanunuyo ang mga balat nito parang hindi na ito ang dating makisig na ama niya nawala na ang karisma nito sa mukha at napalitan ng mga kulubot na balat. Dahan-dahan siyang lumakad at umupo siya sa katabing upuan sa may kama nito.

“Daddy andito na ako, tinupad ko ang pangako ko na magbabago na ako sana gumaling na kayo pero bakit naman hanggang ngayon ganyan ka pa din, lumaban ka naman Dad ikaw na lang ang isa sa mga lakas ko ngayon.” Malamlam ang mga mata niya habang hawak ang kanang kamay ng daddy niya. Bukas ang mga mata nito at nakatitig sa kanya. Ilang buwan lang ang lumipas simula ng mastroke ito pero para bang lantang gulay na ito.

“Daddy just when I needed you most ngayon ka naman naging ganito. I need your advise I need you to tell me what to do. It’s been months that I’m trying to forget her but I really can’t do it dad. What should I do? Please tell me Dad.” Garalgal na ang boses ni Brandon habang sinasabi ito sa kanyang Ama, nakatingin pa din ito sa kanya na para bang gustong magsalita pero hindi kayang gumalaw ng mga bibig nito. Napuruhan kasi ito na magka-heart attack kaya hindi na ito nakakapagsalita.

Pinunasan ni Brandon ang mga luha na tumutulo na sa kanyang mga mata ayaw niyang maawa sa kanya ang daddy niya baka makasama ito sa kanya. Nakauwang ang mga labi ng ama niya na para gusto talagang magsalita humigpit ang hawak nito sa kanya. Ramdam niya na may gustong sabihin ito sa kanya na kahit hirap na ito ay alam niya na naiintindihan siya nito. Hinimas niya ang mga kamay nito at minasahe hinaplos niya din ang mukha ng ama. Ngayon niya lang ito nagawa sa ama automatikong gumaan ang dibdib niya ng may sumisilay na ngiti galing sa mga labing daddy niya.

Dad she’s the one who really owned my heart I really tried hard to forget her but I really can’t dad magpagaling ka na please I want you to meet her you never meet her pa kasi dahil sa pagiging busy mo. I’m sure magugustuhan mo din siya” napalitan na ng ngiti ang kaninang malungkot na mukha ni Brandon.

He’s decided he need to come back to the Philippines, kailangan niyang makuha si Cham hindi na siya magaaksaya pa ng oras. Nagbago na siya he will never do the stupid things he did before, he will make sure na siya ang nararapat para sa dalaga.

“Sorry dad if I’m being emotional. Medyo gumaan ang pakiramdam ko basta dad dapat maging okay ka na when I come back here babalikan kita at sa pagbabalik ko kasama ko na ang pinakamamahal kong babae.” Masayang sabi ni Brandon, hindi man siya sigurado sa sinabi sa ama pero alam niya na darating ang tamang panahon na mapapasakanya si Cham.

HInalikan ni Brandon ang ama sa noo nito ay nagpaalam na muna, pupunta muna siya sa kwarto niya balak niyang magpahinga. Pagpasok niya sa kwarto ay napansin niya kaagad ang laptop na iniwan dito binuksan niya ito at nakangiting naglogin sa facebook niya matagal na din ng huli niya itong chineck. Una niya kaagad hinanap ang profile ni Cham.

Unang post na nakita niya ay ang photo album nito na may title na Wedding Anniversary. Agad niya itong binuksan para makita pa ang ibang mga pictures.

Mukhang sa probinsya nila Cham ginanap ang celebration, nakita niya ang mga kapatid ni Cham at magulang nito na mukhang masaya nakaagaw ng pansin sa kanya ang picture ni Cham at Ellsworth na mukhang sobrang saya nila akbay ito ni Ellsworth habang ang laki ng mga ngiti nila sa isa’t isa.

Napailing siya at napasapo sa dibdib niya. Hindi niya inaasahan na si Ellsworth at Cham pa rin hanggang ngayon at para bang mas lalo pang lumalim ang relasyon nila at pinakilala na yata niya ito sa mga magulang niya.Hindi pa siya nakuntento at talaga binuksan niya pa lahat ng mga albums ni Cham parang pinupunit ang dibdib niya at parang gusto ng lumabas ng puso niya sa sobrang sakit.

“Sh!T” hindi naiwasan ni Brandon na sabihin ang hapdi ng pakiramdam niya. Pero sige pa rin siya sa pagpapakasakit, patuloy lang siya sa pag pindot ng next ng mga litrato habang dumadami ang nakikita niyang litrato ay mas lalong nadudurog ang puso niya.

Mas lalo pang nag-init ang ulo niya ng makita ang litrato na para bang nasa kwarto sila at nakapantulog lang. Ibig sabihin ba nito ay may posibilidad na nagsasama na ang dalawa. Paano na ang mga plano niya ang muling pagbabalik niya may pag-asa pa kaya na kahit katiting na makuha niya si Cham?

Sa sobrang inis ay naibato nito ang katabing upuan sa sobrang inis. Nabigla siya ng ilang segundo lang ay bumukas ang pinto ng kwarto niya.

“Hey Kuya Brandon what’s happening? I heard it any problem? You can share it to me I’m here to listen common” bungad ni Phoebe, inayos niya ang natumbang upuan at nilapitan ang pinsan na nakatitig lang sa laptop nito. Ni hindi man lang siya pinansin nito.

Lumapit ito sa likod ni Brandon at tinignan ang pagbrowse nito ng iba’t ibang litrato.

“Siya ba yun kuya? Is she the one who broke your heart? Am I right?” sunod-sunod na tanong nito ng makita ang solong picture ni Cham, tumango lang si Brandon patuloy pa din ito sa pag click for the next pictures

“Teka kuya  stop, wait ibalik mo doon” utos ni Phoebe hindi naman siya pinakinggan ni Brandon, inagaw niya ang mouse mula dito at ibinalik sa picture na nakita niya kanina.

“He looks very familiar. Parang nakita ko na siya I can’t remember where but i’m 100 percent sure na nakita ko na siya. Gosh saan nga ba!” napalingon naman si Brandon, sa pinsan nito na umukupa na ng space ng mesa.

“Malamang nakita mo na yan baka sa tv, may-ari rin yan ng isang Filipino newspaper at magazine sa New York.”

“No I’m sure it’s not in the television, I met him personally but I can’t remember where. Well I will tell you na lang if naalala ko.”

“Well bakit ka pala andito?” tanong ni Brandon.

“Teka Kuya don’t tell me siya ang boyfie ng love of your life?”

“Hays manahimik ka na nga. Magpapahinga na ako” inis na sabi ni Brandon. Isinara na nito ang laptop nito.

“Whatever kuya I’m just trying to help. Later ba you wanna join us nagyayaya kasi ang mga friends ko to go out in a bar. Maybe you wanna come you know to unwind.” Aniya, sinundan ang pinsan na nakahiga na sa kama nito.

“Ewan ko ayaw ko muna uminom baka hindi ko na naman mapigilan” tugon ni Brandon, tinalikuran niya ang dalaga.

“Hey Kuya chill lang naman walang lasingan. I want you to meet one of my hottest girlfriend maybe you might like her.” Pangungulit ni Phoebe, bumalikwas ng higa si Brandon at hinarap ito.

“Sige sasama na ako so please leave me alone now. Gusto ko damahin itong kama ko namiss ko kasi ito eh. Pwede?” inis na sabi nito, Phoebe just give her a big smile at sabay kumindat.

“So it’s a blind date then. Oh my I’m so excited for her to meet you for sure magugustuhan mo siya Kuya Filipino din siya. So see yah laters 9pm ayt?” nakangiting sabi ni Phoebe patalon-talon itong lumabas ng kwarto ni Brandon at inulit pa nito ang oras bago tuluyang isara ang pinto ng kwarto nito.

Umayos na siya ng higa, pinilit niyang matulog pero pag pumipikit siya ay larawan lang ni Cham na masaya sa piling ni Ellsworth ang nakikita. Tinatanong niya ang sarili bakit hindi pa siya napapagod sa pagmamahal dito pero hindi niya mahagilap ang sagot sa tanong niya, lahat na ng pwesto ng paghiga ay ginawa na niya pero wala pa rin epekto.

Sa sobrang inis ay umupo siya at isinandal ang likod sa headboard. Nakatulalang tinitigan ang laptop na nasa tapat parang gusto niya pa yata niyang dagdagan ang sakit na nararamdaman gusto niyang pa ulit tignan ang facebook ni Cham.

Umiling-iling siya at pingilan ang sarili, tama na muna ang pagpapakasakit niya for today. Inihiga ulit ang sarili sa malambot na kama, inilagay ang isang unan sa mukha niya at pinilit magpahinga.

***

“Hi sorry cuz medyo late ako nahirapan kasi ako makita itong bar na to” bungad ni Brandon pagkakita sa pinsan na si Phoebe, andito na sila ngayon sa isang bar nadatnan niya na isa lang ang kasama nito. Hindi siya tinantanan ng pinsan nito na hindi pumunta.

“Hay naku kuya sige maupo ka na. I want you to meet Augustina, friend ito ang cousin ko si Kuya Brandon” pagpapakilala ni Phoebe.

Inilahad naman ni Brandon ang kanang kamay niya at nagshakehands silang dalawa, Augustina gave him a sweet smile after that.

“Hi nice to meet you” sabi ni Brandon, maganda nga ang kaibigan ng pinsan niya mukhang dalagang pilipina dahil sa kulay nitong kayumanggi, mukhang matangkad ito at balingkinitan.

“Same here, tama nga si Phoebe that she has a gorgeous cousin.” Nakangiti pa din ito habang sinasabi ito.

Bago umalis ng bahay ay inayos na ni Brandon ang sarili tama nga si Phoebe na nagmukha siyang matanda dahil sa balbas at bigote niya hindi na kasi niya inintindi ang sarili simula ng dumating dito sa America.

Masayang nagkwentuhan silang tatlo at hindi na din namalayan ang oras, malakas pala uminom ang dalawang babae na kasama na sinabayan naman niya. Sakto lang ang bar na napuntahan nila hindi ganoon kaingay, tama lang para magrelax at magunwind.

Magaan din ang loob ni Brandon kay Tina lumaki din ito sa Pilipinas at dito lang nag college at tuluyang nanirahan na. Isang taon lang ang agwat ng edad nito, hindi niya inaasahan na marami silang bagay in common at mukhang magkakasundo sila. Pero sa tingin niya bilang kaibigan lang.

“So Brandon until when ka andito sa America?” tanong ni Tina, magkatabi na sila ngayon ng upuan si Phoebe naman ay iniwanan sila dahil may nakita itong kakilala.

“Hmm maybe two weeks more kailangan ko din kasi asikasuhin ang business namin sa Pilipinas medyo matagal din kasi ako nawala” sagot ni Brandon at sinalinan naman niya ng alak ang baso ni Tina.

“Thanks, sayang naman saglit na lang pala.” May panghihinayang sa boses nito.

“Yeah, ikaw wala ka bang balak bumalik ng Pinas?”

“I have but maybe just for a vacation mas gusto ko dito eh and aside from that my parents and siblings are here so wala na talaga ako babalikan doon but only my relatives” Tina said and after she sipped the alcohol medyo nakaramdam siya ng hilo. Nagulat si Brandon ng inihilig ni Tina ang ulo nito sa balikat niya.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Brandon.

“Nahilo lang ako bigla but I’m okay.”

“Are you sure baka gusto mong ihatid na kita?” umiling lang ito at lalong nilapit ang katawan nito kay Brandon. Napalunok naman si Brandon dahil sa init na dulot ng balat ng babae sa kanya.

Ilang minuto din na ganoon ang pwesto nila. Napabalikwas na lang si Tina at umayos ng upo ng dumating si Phoebe.

“Wow close na kayo agad-agad ah.” Pang-aasar nito sa dalawa.

“Not really nahilo lang ako friend.” Nahihiyang sabi ni Tina

“It’s late na din girls wala pa ba kayong balak umuwi?” pagiiba sa usapan ni Brandon, hindi na kasi nila namalayan na mag ala-una na.

“Kuya kaya nga pala ako pumunta dito kasi I want to ask if pwedeng ikaw na maghatid kay Tina kasi nakita ko yung ex ko and he invited me to stay longer pa.” kinikilig na sabi nito.

“Hey Phoebe remember he cheated on you, he caused you so much pain and lastly he’s a jerk hindi ka pa rin ba natuto?” inis na sabi ni Tina habang nakataas ang kanang kilay nito.

“Don’t worry friend it’s just like were friends so yun lang yun nothing much” nakangiting sagot nito. Inismiran lang siya ni Tina, ayaw niya kasing kinukunsinte ang mga friends niya about sa mga walang kwentang lalaki.

“Phoebe as always ang lagi kong paalala. Wala na sanang gagaya kay Elmiera mahirap masaktan dahil madami tayong pwedeng gawin na kabaliwan. Ayaw ko na mawalan pa ng isa pang kaibigan” malungkot na sabi nito.

“Friend ang OA ah how many times I will tell you that hindi ako baliw para magpakamatay dahil sa lalaki. As in never.” Pagdedepensa ni Phoebe, samantalang si Brandon naman ay tahimik lang na nakikinig.

“Never talaga ah, the last time I checked muntik ka ng mabangga ng isang 10 wheeler truck kasi wala ka sa wisyo mo then you still drive under the influence of alcohol” natatawang sabi ni Tina, napansin naman niya ang pagiba ng itsura ni Phoebe.

“Is that true?” singit ni Brandon.

“Kuya naman eh. Wala yun I’m still alive naman eh this time magiingat na talaga ako” hindi inaasahan ni Phoebe na malalaman ito ng pinsan niya, even her mom didn’t know about it.

“Halika na umuwi ka na din baka mapaano ka pa.” nagalala bigla si Brandon para sa pinsan babae pa naman ito. He knows the feeling, naranasan niya din yun.

“No kuya I’m okay ihatid mo na si Tina hindi na ako iinom makikipagkwentuhan lang ako I’ll text you both pag nakauwi na ako promise. Please kuya sige una na kayo okay” pagsusumamo ni Phoebe, malakas ang convincing powers nito at napapayag ang dalawa na mauna na. Walang dalang kotse si Tina kaya kay Brandon ito nakisakay.

Inalalayan ni Brandon ito papunta sa parking lot dahil halata ng may tama na ito, pagewang-gewang na din kasi ito maglakad. Hinawakan niya ito sa tagiliran pati si Tina ay napahawak na din sa tagiliran ni Brandon habang naglalakad papuntang parking lot.

“Thanks Brandon for bringing me home” pasasalamat ni Tina pagdating nila sa condo nito. Inimbitahan niya muna itong pumasok para makapag-kape.

“Walang anuman, thanks sa coffee it taste good” tugon ni Brandon, andito sila ngayon sa dining area ng bahay ni Tina.

“You want a sandwich? Medyo nagutom ako gagawa lang ako wait lang ah” alok ng dalaga, tumango lang si Brandon at naiwan sa mesa habang hinihigop ang kape nito.

Ilang minuto lang ay bumaiik na ito at may dalang dalawang sandwich.

“Thanks pala at may kaibigan pala ang cousin ko na sinasabihan siya sa mga mali niya. Hindi ko alam na muntik na pala siyang maaksidente” pagbasag sa katahimikan na sabi ni Brandon. Pagkatapos kasi nito alukin siya ng sandwich ay namutawi na ang katahimikan.

“Wala yun ayaw ko lang kasi ulit mawalan ng matalik na kaibigan, I was once have this dearest friend na namatay dahil sa letseng pag-ibig na yan” malungkot na tugon nito, naalala na naman niya ang bestfriend niya.

“Really care to share what happen?” curious na tanong ni Brandon. Nakita niyang bumuntong hininga muna ang katapat bago nagsalita.

“Naging kaibigan ko  si Elmiera noong College and she met this jerk guy alam niya na since day one na naging sila na babaero ito but she still hold on. Pero hindi na talaga niya kinaya ilang taon siyang nagpakatanga naging martyr sa sobrang depression she committed suicide one year ago. Sobrang hindi namin inaasahan dahil ang alam namin ay wala na sila at meron na siyang bagong boyfriend pero nagulat na lang kami na ginawa niya yun sa sarili niya.” Mahabang kwento ni Tina. Namilog naman ang mga mata ni Brandon sa narinig.

Dahil minsan ay pinagtangkaan na din niya ang sarili na gawin din ito.

Natakot siya sa sarili niya na pwede pala talagang gawin mo sa sarili mo ito pag sobrang sakit na.

Naalala ni Brandon ang dating balita sa tv habang kasama si Cham dati ang nabalitaan na may nag suicide because of having a fail relationship.

Parang lahat nagflashback, ang mga panahon na sobrang down siya at kumapit sa masamang bisyo para makalimot.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

A/N:

Sorry for the slow update. Medyo writer’s block.

Hope you like my update. Maybe for the next couple of chapters kay Brandon lang tayo magfocus.

Hihihi ♥

 Promote ko din yung isa ko pang story.

You can search for it: Velvet (Love is always too much) 

Completed na siya you can also click the external link.

Thanks sa suporta guys!

Thanks din pala sa mga nagfollow sa akin. ♥

Just don’t forget to click on Vote or hit the star button, I would love to see your comments too.

Enjoy reading!

Shairaluane © March 2014

Continue Reading

You'll Also Like

207K 3.9K 21
Dice and Madisson
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
775K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...