She is the Light (BOOK 1-3)

By viennetori

74.2K 2.5K 46

THE LIGHT CHRONICLES BOOK 1: She is the Light (Completed) BOOK 2: Shadow of Light (Completed) BOOK 3: The Lig... More

BOOK 1: She is the Light
1| Chapter 1: Letter of Departure
1| Chapter 2: Farewell
1| Chapter 3: The Beginning
1| Chapter 4: The Class A
1| Chapter 5: New Comrades
1| Chapter 6: First Day
1| Chapter 7: She is Mine
1| Chapter 8: I Know Your Secret
1| Chapter 9: Training
1| Chapter 11: New Presence
1| Chapter 12: That Perce Gerret Guy
1| Chapter 13: Death
1| Chapter 14: Death Ceremony
1| Chapter 15: Guardian
1| Chapter 16: Second Victim
1| Chapter 17: White Lace
1| Chapter 18: Game On
1| Chapter 19: Bad Dream
1| Chapter 20: I Won't Let Anyone Hurt You
1| Chapter 21: La Oscuridad
1| Chapter 22: His Ability
1| Chapter 23: The Protector
1| Chapter 24: Marked
1| Chapter 25: Fight To Survive
1| Chapter 26: Escape Plan
1| Chapter 27: The Chasing
1| Chapter 28: Captured
1| Chapter 29: She Is The Light
1| Epilogue
BOOK 2: Shadow of Light
2| Chapter 1: New Beginning
2| Chapter 2: Fears
2| Chapter 3: The Traitor
2| Chapter 4: Foe
2| Chapter 5: Good Samaritan
2| Chapter 6: Not a Big Deal
2| Chapter 7: Truth Unfold
2| Chapter 8: Listen, Ellis
2| Chapter 9: The Shape Shifter
2| Chapter 10: Remember, Ellis
2| Chapter 11: Past
2| Chapter 12: Missing
2| Chapter 13: Secrets
2| Chapter 14: To be a Good Friend
2| Chapter 15: Failed Plan
2| Chapter 16: Old Friend
2| Chapter 17: To Care
2| Chapter 18: Mori Saints
2| Chapter 19: The Black Book, The White Book
2| Chapter 20: Unexpected Guest
2| Chapter 21: Gorseville
2| Chapter 22: Encounter
2| Chapter 23: Believe, Ellis
2| Chapter 24: Bad Dream
2| Chapter 25: Current Situation
2| Chapter 26: The Plan
2| Chapter 27: Enemy's Lair
2| Chapter 28: Decision
2| Chapter 29: Imprisoned
2| Chapter 30: Shadow of Light
2| Epilogue
BOOK 3: The Light: Girl of the Prophecy

1| Chapter 10: Void Dimension

2.1K 77 1
By viennetori

NAALIMPUNGATAN ako at isang madilim na paligid ang bumati sa ‘kin. Sa sobrang dilim, wala akong maaninag na kahit ano. Walang ni katiting na ilaw sa paligid. Pero ramdam kong nakahiga pa rin ako sa kama kaya marahil ay nasa clinic pa rin ako. Pero bakit kaya walang ilaw?

Bumangon ako sa pagkakahiga at maingat na naglakad-lakad. Wala akong makita at wala rin akong mahawakang bagay nang kumapa-kapa ako. Parang naging blanko ang lugar at ako lang ang nandito. Sinubukan kong bumalik sa kamang hinigaan ko pero ‘di ko na ito mahanap. Mabilis akong nilukuban ng kaba nang iba’t ibang masasamang eksena na ang nagsilaruan sa isipan ko.

"Tao po? May tao po ba rito?"

Walang sumagot sa akin pero may naririnig akong mga yapak.

"Miss Shin? Ikaw po ba ‘yan? Ano po ba ang nangyayari? Bakit ang dilim?"

Walang sumagot sa ‘kin pero naririnig ko pa rin ang mga yapak ng mga paang papunta sa ‘kin. Bigla akong napayakap sa sarili ko nang umihip ang malamig na hangin. Nasaan ba ako? Kinilabutan ako bigla at hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap sa sarili ko nang dumoble ang lamig ng hanging humampas sa ‘kin.

Biglang nawala ang tunog ng mga yapak na iyon at nabalot ng katahimikan ang lugar. Tahimik at madilim, parang nakapunta na ako rito. Parang pamilyar sa akin ang lugar na ito.

"Ellis."

Napaatras ako nang marinig ko ang malalim at malamig na boses na iyon.

S-sino iyon? Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako?

"Void Dimension," turan niya matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Void Dimension?" Napatahimik ako bigla. Ibig bang sabihin siya si…

Tumawa siya, malalim at nakakakilabot.

Siya nga iyon!

“Naalala mo pa pala ako, Ellis? Oo nga naman, bakit hindi? Dito mo nga itinapon ang mga bolang iyon, eh, 'di ba?” aniya at malakas na tumawa. Kinilabutan ako sa tunog ng tawa niya kaya napaatras ulit ako.

Bakit ako nandito? Panaginip pa rin ba 'to?

“P-pasensya na. Hindi ko kasi alam na rito mapupunta ang mga bolang ‘yon. Nakalimutan ko ang tungkol sa lugar na ito,” kinakabahan kong paliwanag.

"Iyan din ang sinabi mo noon. Hindi ka pa rin nagbabago, Ellis," natatawa niyang komento. Kumpara kanina, hindi na masyadong malalim ang boses niya. Pero kahit ganoon ay nakakakilabot pa rin ito.

Naiyuko ko na lang ang ulo ko dahil sa hiya at pangamba. Pinilit ko ring panatilihing blanko ang mukha ko kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita dahil walang ilaw rito.

Nag-unahan sa isipan ko ang mga alaala ng nangyari noon. Walong taong gulang lamang ako no’n nang malaman kong kaya ko palang palahuin ang mga bagay. Aksidente lang ang nangyari kasi nataranta ako nang mahulog ang basong hawak ko. Imbes na mahulog ito at mabasag sa sahig ay bigla na lang itong naglaho na parang bula.

Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Nataranta kasi ako dahil iniisip ko na baka pagalitan ako ni Nanay 'pag nabasag ko 'yon, at napaupo na lang ako sa sahig nang bigla itong naglaho. Nang mahimasmasan ako ay pumunta ako kay Nanay at sinabi ko ang nangyari. Pati siya ay nabigla. Pati siya ay hindi alam ang nangyayari. Ang sinabi niya lang ay mag-ingat ako.

Kinagabihan noon ay maaga akong natulog. Tapos naalimpungatan ako; dilim at katahimikan ang bumati sa akin. Sinubukan kong maglakad sa paligid at tinawag sina Nanay at Tatay. Kaso walang sumagot sa akin. Nagsimula na akong makaramdam ng takot at kaba. Hindi ko kasi alam kung anong nangyayari at kung nasaan ako. Pero hindi naglaon ay may nagsalita. Isang lalaking may malamig at malalim na boses.

"Ellis, kumusta ka?" Napaatras ako noon at hindi nakapagsalita. Sino siya? Anong ginagawa niya rito? Nandito ba siya para patayin ako? Mamamatay na ba ako? Iyan ang ilan sa mga tanong na naglalaro sa isipan ko noon.

"Nasa Void Dimension ka, Ellis. Huwag kang mag-alala, hindi ka pa mamamatay. Hindi ako ang nakatadhanang papatay sa ‘yo." At tumawa siya nang malakas. Naguluhan ako sa sinabi niya.

"A-ano pong ibig mong sabihin? Sino ka po ba? Ano pong ginagawa ko rito?" sa nangingig na boses ay tinanong ko siya. Nanay, natatakot ako. Gusto ko nang umalis dito, pipi kong dasal sa isip ko.

"Ako ang bantay ng Void Dimension. Isang tanong, isang sagot. Bakit dito mo itinapon ang basong 'yon?"

Naguluhan ako bigla sa sinabi niya. Ang baso bang tinutukoy niya ay iyong kanina? Eh, ‘di ba naglaho iyon? Ibig bang sabihin…

"Oo, Ellis. Dito napunta ang bagay na ipinalaho mo. Natutuwa akong malaman na alam mo na ang abilidad mo pero sana naman ay magpaabiso ka nang hindi ako magugulat na lang sa mga itinatapon mo rito!"

Nakanganga akong nakinig sa sinabi niya. Sa gulat ba sa nalaman kong ako ang nagpalaho ng baso, sa pagtataka kung paano ko iyon nagawa, o sa biglaan niyang pagtaas ng boses, hindi ko alam.

"A-ako po ba ang nagpalaho ng basong iyon? Pero paano ko po nagawa iyon? P-patawad po. Hindi ko po kasi alam na rito pupunta ang basong iyon."

Ilang beses akong humingi ng tawad sa kanya. At hindi naglaon ay pinatawad na niya ako. Ang sabi niya ay kapag may pinalaho akong isang bagay, isipin ko kung saan ko ito itatapon. Kasi kung hindi, dito sa Void Dimension ang punta nito.

"Pwede na po ba akong bumalik sa bahay? Natatakot na po ako rito kasi wala akong makita at masyadong madilim sa lugar na ito," hiling ko. Bigla ulit siyang tumawa nang malakas kaya napaatras ako. Nakakakilabot ang tawa niya.

"Sige, pumikit ka. Tandaan mo dadalawin ulit kita kapag may tinapon ka pang bagay rito. Daanan ang Void Dimesion, Ellis. Hindi basurahan."

Mahina akong napatawa sa sinabi niya. Tumango ako kahit na hindi niya ito nakikita. O baka naman nakikita niya ako pero ako hindi? Hindi naglaon no’n ay naramdaman ko na lang na nakahiga ulit ako sa kama ko.

"Hay, Ellis. Nagkita ulit tayo. Ilang taon na ba ang lumipas? Ngayon mo lang ba ginamit ang abilidad mo kaya ngayon ka na lang ulit nagtapon ng bagay rito? O baka naman ngayon ka na lang ulit pumalya sa paggamit ng abilidad mo?" Tumawa ulit siya nang malakas. Gusto ko sanang makita ang mukha niya kaya lang hindi ko magawa dahil sobrang dilim.

"Patawad po. Hindi ako nakapag-isip ng tama kanina at pinalaho na lang bigla ang mga bola. Hindi ko alam na rito sila mapupunta. Patawad."

"Ano ka ba!? Mabuti nga 'yon, eh, dahil nagkita ulit tayo. Hindi mo ba ako na-miss, Ellis?" Tumawa ulit siya.

Napaismid ako. Bakit parang ang saya-saya ng taong ito? Masaya ba rito sa Void Dimension? Parang hindi naman, eh. Bukod sa madilim ay napakatahimik pa rito.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

"Pasensya ka na talaga sa ginawa ko. Maaari na ba akong umalis?" tanong ko sa kanya.

"Sige, umalis ka na. Alam mo ba ang daan pabalik sa mundo mo?" walang anu-ano’y tanong niya. Umiling ako bilang sagot. Ngunit naalala ko na madilim pala sa lugar na ito at tiyak ay hindi niya iyon nakita.

"Nakikita kita,” mabilis niyang sagot. “Sige, pumikit ka na. Dadalawin ulit kita kapag may itinapon ka ulit dito. Maliwanag ba, Ellis?"

Ngumiti ako nang tipid at tumango. Hindi na ako nagreklamo pa’t sinunod ko na ang sinabi niya.

Hindi naglaon ay nagising ako sa pamilyar na lugar. Sa clinic. Muli kong ipinikit ang mata ko at pinilit na makatulog ulit. Masyadong pagod ang katawan ko para bumangon kaya minabuti ko munang matulog ulit.

Nasa kalagitnaan na ako ng tulog ko nang magising ako dahil sa mga ingay.

"Miss Shiiin! Is Ellis here?"

"Yes. Nandoon siya sa ikalawang kama. Natutulog siya roon."

"Ay, ganoon po ba? Marami po ba siyang sugat? Tulad noong nakaraan?"

"Oo nga po, Miss Shin. Kumusta po ba siya? Naku, iyang Tres na 'yan. Pinapahirapan niya talaga si Ellis, eh."

"‘Wag kayong mag-alala. Nagamot na ang lahat ng mga sugat niya. Nagpapahinga lang siya."

"Ganoon po ba? Balik na lang po kami mamaya, Miss Shin. Pagpahingahin muna natin siya. Tara na."

At nawala na ang ingay.

Alam kong sina Demi iyon. Pinag-alala ko na naman ba sila? Pinilit kong buksan ng mga mata ko pero masyadong mabigat ang mga talukap ko. Bumalik na lang ulit ako sa pagtulog.

NAGISING ako mga alas syete na ng gabi. Bumungad sa akin ang tatlong babaeng mahinang nag-uusap. May pasenyas-senyas pa silang ginawa para hindi makalikha ng ingay.

"Ellis? Nagising ka ba namin?" bungad na tanong ni Demi noong idinilat ko ang mga mata ko. Dahan-dahan akong gumalaw at inilalayan naman ako ni Cheska na makaupo. Nagpasalamat ako sa kanya pagkatapos.

"Hindi naman. Anong ginagawa niyo rito?" bawi ko.

"Sinusundo ka na namin. Ayos ka lang ba? Loko talagang Tres 'yon, eh. Sabado kaya ngayon, ba’t may training kayo?" tila naiinis na sambit ni Taylor.

"Loko talaga! Pasalamat siya ayokong galusan ang gwapo niyang mukha. Naku, kung hindi talaga nasampal ko na siya, eh," wika ni Demi sa galit na tono. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Weh? Kaya mo ba, Demi?" nang-aasar na tanong ni Cheska.

"Syempre, hindi. Baka patayin ako no’n. Ang lakas kaya niya," nakalabing sagot niya. Napairap naman sina Taylor at Cheska. Natawa na lang ako sa kanila.

"Tara na nga. Kain na tayo. Ang iingay ninyong dalawa diyan."

Inalalayan ako ni Taylor na makatayo at nauna na kaming naglakad paalis. Sumunod naman sina Demi at Cheska sa amin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa cafeteria. Sila na ang nag-order para sa akin at naiwan akong nakaupo sa mesa namin. Medyo puno ang cafeteria ngayon pero bakante ang mesa sa gitna. Napagtanto ko na para lang pala sa mga Class A ng iba’t ibang baitang ang pwestong iyon.

Maya-maya lang ay dumating na sila Demi at nagsimula na kaming kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay natahimik ang buong cafeteria, tanda na pumasok na ang mga Class A.

Napakalakas ng presensya nila at nararamdaman ito ng buong cafeteria. Nang makaupo na sila ay bumalik na sa dati ang paligid. Mas minabuti ko na lang na tapusin ang kinakain ko. Nang malapit na akong matapos kumain ay napahinto ako nang biglang may nagsalita sa isip ko.

'Are you okay now?'

Napalingon ako sa gawi ng nagsalita. Kilala ko na ang boses na iyon kahit hindi siya nagpakilala. Kumakain siya at ang mga kasama niya. Sinagot ko lang siya ng, ‘Ayos lang ako,’ at saka ko binawi ang mga tingin ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita pang muli kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang nakikinig sa mga kasama ko na nag-uusap.

"Demi, mauna na muna kayo. Naiwan ko pala ang bag ko sa clinic."

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami sa cafeteria. Saka ko lang din naalala na nawawala ang bag ko at tiyak na naiwan ko iyon sa clinic.

"Samahan ka na namin, Ellis," alok ni Cheska.

"Malapit lang naman ang clinic. Kaya ko na 'to." Ngumiti ako nang tipid para sabihing ayos lang ako. Ang laki na ng abalang binibigay ko sa kanila. Kaya sapat na iyon.

Pumayag naman sila kaya't naglakad na kami sa magkaibang direksyon.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan na mapatingala. Maraming bituin sa langit at ang liwanag ng buwan ang siyang nagsisilbing ilaw ko ngayon. Naalala ko bigla si Kael.

Minsan kasi ay pumupunta kami sa kakahuyan kapag gabi. Uupo sa tabi ng ilog at panonoorin ang mga bituin. Naalala ko pa ang mga pangalan na tinawag namin sa ilang bituin noon.

Nami-miss ko na siya.

Napahinto ako sa paglalakad nang may tumikhim sa likuran ko. Pinakiramdaman ko muna kung sino iyon ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makilala kung kaninong presensya iyon nanggagaling.

Tres?

"Anong ginagawa mo rito?" Namimilog ang mga matang hinarap ko siya. Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay nakatitig lang siya sa akin.

Ano na naman ba ang problema niya?

Ilang minuto rin kaming nagtitigan bago siya nagsalita.

"Who's Kael?" balik niyang tanong sa mahinang boses.

"Ha?" Nagtataka ko siyang tinignan. Nababasa niya ba ang iniisip ko? Hindi ko marahil napansing nakabukas na pala ang daloy ng isipan ko habang inaalala ko ang normal na buhay ko sa baryo namin. Mukhang kailangan kong magdoble ingat. Hindi na ako nabubuhay kasama ng mga normal. Nasa mundo na ako ng mga tulad kong may abilidad.

"Nothing," agarang sagot niya at nauna nang maglakad sa direksyong pupuntahan ko.

Nanatili akong nakatayo at pinagmasdan siyang maglakad. Hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ay tumigil siya at nilingon ako.

"You're going to the Clinic, aren't you? I'll walk with you."

Sa sinabi niya ay saka ko lang naalala na pupunta nga pala ako sa clinic. Kaya naman kahit nagtataka kung bakit sasamahan niya ako ay nagpatuloy akong naglakad papunta roon, kasabay siya.

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...