Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪ...

By heradevils

1.7M 47.3K 16.1K

~ COMPLETED ~ Elite series (2) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and... More

INTRODUCTION
CHARACTERS
01 - At the bar
02 - Flight with her
03 - Fun times
04 - Missing her
05 - Hurt
06 - Regret
07 - Starting
08 - Fall
09 - First kiss
10 - Seduced 🔞
11 - The ex
12 - Danger 🔞
13 - Signs
14 - Confirm
15 - Love waits
16 - Baby Flynn
17 - Flynn's cuteness
18 - Reunite
19 - Bonding
20 - Crave 🔞
21 - Girlfie
22 - Unexpected proposal
23 - Love to make love 🔞
24 - Flynn's dad
25 - The broken proposal
26 - Elope
27 - Goals
28 - Happy Family
29 - Strawberry 🔞
30 - Morning Pleasure 🔞
31 - Broke
32 - Sober
33 - Move on?
34 - Dr. Love
35 - A New Beginning
36 - Such a tease
37 - Sweet moments
38 - She's back
39 - Happy anniversary
40 - Hi, again love
41 - Team real
42 - Two girls, one heart
43 - Flynn's Magic
44 - Two timer 🔞
FINAL - I
FINAL - II
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
NOTE

45 - Mahal ko o Mahal ako

27.3K 808 738
By heradevils

AVA



I woke up this morning with a massive headache. Sapo ko ang ulo ko nang bumangon ako sa kama. Bahagya akong nahilo pero nagawa ko paring tumayo ng hindi nabubuway.

Napatingin ako sa bakanteng kama at mapait na ngumiti. Ang buong akala ko'y gigising ako na katabi at kayakap si Trixie. Anong oras ba siya umuwi? Ngayong umaga lang ba? Nakakalungkot, ba't hindi niya ako ginising?

Bumaba ang tingin ko sa hubad kong katawan, bahagya akong namula nang makita ang mga love bites niya. Kahit lasing at wala sa tamang huwesyo ang pangingisip ko kagabi, naalala ko lahat ng ginawa niya sakin.

She made love to me, and it was sweet and intimate. I don't have any regrets about what happened last night dahil ginusto kong mangyari yun. Gayunpaman hindi ako aasa na magkaroon nang karugtong o kaganapan ang magandang kabanatang yun sa buhay ko. Because what happened last night; no matter how beautiful it was, is nothing else but a sweet memory. Minsan kahit gaano kaganda ang isang panaginip, hindi tayo puweding manatili dito. Because sooner or later we really have to wake up, I need to wake up; babalik ako sa realidad, haharapin ko ang tunay na sitwasyon. Wala namang fairy godmother sa totoong buhay para umayon ang lahat sa gusto kong mangyari. Kaya kahit mahirap dapat kong matutuhang tanggapin sa sarili ko ang isang katotohanan; Some things just weren't meant to be. At ito ang status naming dalawa ni Trixie; we are not meant to be. Sapat na sakin na mas pinili niyang makapiling ang fiancé niya keysa sakin. Oo, masakit pero may magagawa pa ba ako?

I am terribly jealous of Lovely now, siya ang napili ni Trixie makasama habang-buhay. Nakaplano na ang kinabukasan sa kanilang dalawa, they will be a picture of a happy married couple. That should be me on her place dahil mas kaya kong mahalin si Trixie ng higit pa sa magmamahal na ibinibigay niya rito. Ako ang mas higit na nakakilala dito, ako ang mas may alam tungkol sa buong pagkatao nito. Kung hindi lang kami naghiwalay noon, malamang ngayon 4 years na kami bilang mag-nobya.

God how I love Trixie so much, hirap na hirap talaga akong tanggapin ang lahat. Nahihirapan akong tanggapin na hindi na siya kailanman mapapasaakin. Kung puwedi lang ibalik ang oras itatama ko talaga ang mga maling nagawa ko. Siya lang ang gusto ko, ayoko sa iba. Siya lang ang mahal ko, siya lang din talaga ang mamahalin ko nang ganito at wala ng iba. Everything in my life now suddenly became so complicated, and hated it. But despite the pain and the heartache, I'm still grateful that I met her.

Malungkot akong nagtungo sa banyo at saka naligo. Habang nasa ilalim ng malamig na tubig ay kasabay nito ay ang pagtulo ng luha ko. Mabilis ko yung pinunsanan. After hitting the cold shower, nagbihis ako saka pasalampak na umupo sa kama. Wala akong ganang lumabas ngayong araw, gusto ko lang magkulong dito sa loob ng kuwarto ko.

Kinuha ko ang isang unan saka ito niyakap ng mahigpit. Lumukso ang puso ko sa tuwa nang malanghap ko ang pamilyar na amoy ni Trixie. Marahil ang unan na 'to ang ginamit niya kagabi pagkatapos ng mainit na tagpo sa pagitan namin. Her usual strawberry scent is here and it fascinates me.

Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa unan habang inimagine na si Trixie 'to. I then closed my eyes and laid down the bed while savoring the memory of last night's beautiful love making.

Minutes went by, tears stream down my eyes. Ilang minuto akong nanatili sa ganitong position; nakahiga habang yakap ang unan. Napabalikwas lang ako ng bangon nang marinig kong may kumatok sa pinto ng aking kuwarto.

Gusto kong isipin na si Trixie ang kumatok pero agad ko rin yung iniwaksi sa isip ko. I walk towards the door and open it. Ang kaibigan kong si Isabelle ang nabungaran ko. I quickly wipe my tears.

"Belle..." niluwagan ko ang pinto. Pilit kong ipormal ang boses ko para sa ganun hindi nito mahalatang galing ako sa pag-iyak.

"Hi." bati ni Isabelle sakin.

"H-hello. I thought you were in Seoul? Kailan ka pa nakauwi?" tanong ko after isara yung pinto saka lumapit dito. Napansin ko may dala itong paper bag.

"It doesn't matter, ang importante nandito ako." She answered bago ako pinagtitigan ng mataman. "Nakuwento sa'kin ni Georgina yung tungkol sa inyo ng ex-girlfriend mong two timer din. Are you okay now?"

Hindi na ako nagtaka kung nalaman niya ang tungkol sa nangyari because I already expected Georgina will tell her about it. I sighed heavily. "I'm not feeling well."

She looked worried. "I'm sorry to hear that."

"It's okay. Makakaya ko rin 'to." pilit akong ngumiti although deep inside gusto ko ulit umiyak.

"Halika, doon tayo sa terrace. Magusap tayo." Ginanap niya isang kamay ko saka ako hinila palabas ng terrace. Pagdating namin dito, may couch, pero mas pinili kong umupo sa sahig. "Here." Inabutan niya ako ng isang disposable spoon at isang plastic cup nasa tingin ko'y ice cream. Marahil galing yun sa paper bag na dala niya kanina.

"For me?"

Tumango siya at magaang ngumiti. "It's what you needed."

Kinuha ko naman ito sakanya. "Thanks."

"You're welcome." Umupo siya sa tabi ko. "Strawberry nga pala ang flavor niyan."

Natigilan ako. Strawberry. Mukha agad ni Trixie ang lumarawan sa isip ko. Ayoko sanang umiyak pero kusang namasa ang mga mata ko. Shit naman o, naala ko tuloy si Love.

"Oh, ba't ka umiyak? Kulang pa ba 'yan sayo?"

"Sira, hindi." Pinahid ko yung luha ko saka umiwas ng tingin. "Naalala ko kasi bigla si Trixie."

"Nang dahil sa ice cream?"

"No." I shook my head and sniffed. "Nang dahil sa strawberry."

"Oh jeez." tanging komento niya.

Binuksan ko ang takip ng strawberry flavored ice cream and scoop a large amount. Kinain ko yun ng hindi iniinda ang lamig.

Katahimikan ang sumunod na nangyari. Tahimik akong kumakain habang tahimik ring umiiyak at iniisip si Trixie.

"Try not to think of her while eating that." basag ni Isabelle. Napatingin ako sakanya. Tulad ko ay kumakain din siya ng ice cream.

"Walang oras na hindi ko siya iniisip, Belle." Malungkot na sabi ko.

"Halata nga." aniya pagkatapos akong sulyapan at ibinalik ang tingin sa kinakaing cookies n' cream.

"Laman talaga siya ng buong isip ko. Actually for almost two years, laman siya ng buong utak ko." I scoop another spoonful of ice cream and ate it while tears continuing slid down my eyes.

Hindi na si Belle nagkomento pa, bagkos tahimik lang niya akong pinag-mamasdan habang napailing-iling.

Napahawak ako sa necklace na ibinigay sakin ni Trixie noong nakaraang araw. Muling napuno ng lungkot ang puso ko. Na-miss ko na naman siya. Actually, palagi naman talaga. Walang oras na hindi ko siya nami-miss. Paano ba ako mabuhay ng normal kung sa bawat segundo ay siya yung iniisip ko?

"You're hurting yourself." ani Belle.

"Diba ganon naman talaga kapag nagmahal? Kailangang masaktan."

Umangat isang kilay niya. "So ginagawa mo yan para masaktan yang sarili mo ganun?"

Hindi ako sumagot, umiwas lang ako ng tingin saka ulit kumain ng ice cream.

"I hate seeing you like this, Avallaine. Pwede bang kalimutan mo nalang siya?"

"I can't, Belle. I love Trixie so much."

"But she's committed na nga, my god. May fiancé na yung tao, bakit hindi mo nalang tanggapin na wala na talagang pag-asa para sa inyo?"

"But she said she loves me."

"And do you believe her?"

"Yes."

"Paano kung pinag-lalaruan ka lang niya?"

"Trixie will never do that to me."

"Pero yan ang ginagawa niya ngayon, Ava. Ano pa ba ang tawag mo sa ginawa niya sayo? She's engaged yet hinaharot ka niya. Hindi pa ba paglalaro yun sayo?"

Saglit akong natahimik at hindi nakapagsalita.

"Look, ayokong maki-alam, pero nag-alala lang ako sayo. Paano kung ikakasal na sila ni Lovely? Hahayaan mo bang—"

"Hindi matutuloy ang kasal nila ni Lovely." Putol ko sa ibang sasabihin nito. "Aagawin ko sakanya si Trixie. I know I may sound toxic but i'm desperate already."

Isabelle looked stunned. "Gosh, ganun ka na ba talaga ka desperada? Ikaw ang magiging kontrabida niyan."

"I don't care, call me whatever you want. Kahit love story ko pa 'to."

"What a bullshit move, ikaw pa 'tong nanghahabol sa kanya. Ganun ka ba kauhaw sa pag-ibig? Mag-move on ka nga. Ang daming iba dyan, bakit hindi mo na lang ibaling yung atensyon mo sa kanila? Bakit dun ka pa sa taong ikakasal na?"

"Because I love her, Belle. Hindi ko maimagine ang sarili ko mag-mahal ng iba maliban sa kanya. Si Trixie lang talaga ang gusto kong mahalin, siya lang at wala ng iba."

Isabelle rolled her eyes. "Yeah right, in love with a cheater who doubles to be a two timer."

I sighed, wearily. I understand why Isabelle Choi reacts like this. Napagdaan niya kasi ang sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon. Hindi na siya umimik pa pero bakas parin sa mukha niya ang concern. She stared at me pagkatapos napabuntong-hininga.

"I'm worried for you, Ms. Isidro. Bilang malapit mong kaibigan, normal lang na magaala ako para sa'yo."

My heart melted. "I appreciate your concern, Ms. Choi."

Katahimikan ulit ang sumunod na nangyari bago niya ginanap ang isang kamay ko saka yun pinisil. "You still haven't change. Palaban ka parin tulad ng dati, at kahit labag sa kalooban ko yang kadesperadahang gagawin mo, wala akong ibang magawa kundi hayaan ka. Ang dami kong pansariling problema na dapat kong pagtuonan ng pansin, ayoko ng maki-sawsaw dyan sa drama mo kay Trixie."

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. "Thank you, Belle." I smiled at her softly at pagkatapos niyakap siya ng mahigpit. Gumanti din siya sa yakap ko. I'm so glad to have a supportive friend like her. Although isang kahangalan ang gagawin ko.

"How i wish I could be a strong woman like you." Aniya nang bumitaw sakin. Lumungkot bigla ang mukha niya.

"But you are."

"No, I'm not. Because if I were, hindi ko dapat itatago si Ailee sa inyo at sa publiko."

Napakunot-nuo ako. Ailee? "Sinong Ailee?"

Sandaling hindi nagsalita si Belle, she took a deep breath before answering. "My daughter."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Your what!?"

Tumango siya. "Anak ko."

Shock filled me. What the? "Teka, kailan ka pa nagkaroon ng anak?"

She sighed. "It's a long story,"

Napatitig ako sa kanya. I didn't expect to hear this from her, I'm really shock. "Ilang taon na ba?"

"She's just 2 years old. Kasing edad ni Shannon."

Gusto ko pa sanang mag-tanong dahil talagang nagulantang ako, pero wala ako sa mood ungkatin ang topic na yun ngayon kaya tumahimik nalang ako't ibinaling ang atensyon sa kinakaing ice cream.

After a long minute of silence muling nagsalita si Belle.

"Any plans this afternoon?"

Nagkibit-balikat ako. "I don't know."

"Huwag mong sabihing mag-mumokmok ka lang dito sa kuwarto mo?"

"Wala akong ganang lumabas,"

"Tsss, don't tell me nagkakaganyan ka dahil ulit kay Trixie?"

Bilang sagot sa tanong niya, tumango ako. Nagprotesta siya. Tumayo siya mula sa pagkaupo at hinila ako patayo.

"Get dressed, hindi bagay sayo ang ganito."

"Belle, I'm not in the mood." Seryosong sabi ko.

"Ah basta, magbihis ka na. Bilin sakin ni Georgina na ilabas ka."

Napasimangot ako. "Ehh, ayoko nga."

"Tsk, isa. Magbihis ka na kung ayaw mong siya ang papuntahin ko dito para hilahin ka nang puwersahan."

I grunt in frustration. "I really hate you both." Pumasok na ako sa loob ng walk-in closet at namili ng maisusuot.









•••




TRIXIE



Tanghali na ako nagising at wala si Lovely sa tabi ko. Isang note ang pumalit sa unan niya kaya kinuha ko ito saka binasa.

G. Morning, I didn't bother to wake you up, just meet me later at 1pm @ La Fratte Appetito Restaurant for our wedding preparation. P.S I made you a breakfast, eat well. – L

Oo nga pala, ngayon araw ang schedule meet up namin sa wedding coordinator na si Lavender. It's Saturday and damn, muntik ko nang makalimutan.

Sinulyapan ko ang digital clock sa night stand para tignan ang oras, sampung minuto na lang bago mag-alas dose.

Bumangon ako saka naglakad pantungong banyo. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin at pagkatapos napabuntong-hininga.

I'm so guilty right now, Lovely has no idea about what happened between me and Ava last night. Natatakot ako sa maging resulta sa oras na malaman niya ito. Gayunpaman hinanda ko na ang sarili ko sakaling mangyari yun.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako saka nagtungo sa kitchen. My heart melted at the sight of the table where Lovely prepared me a breakfast. It's all my favorites.

I sat in the chair feeling guilty. I bet my fiancé cooked this with love. Ang sakit isiping hindi ko na ulit ito mararanasan sa oras na malaman niya ang tungkol sa amin ni Ava kagabi. Baka kasi kapag nalaman niya yun, iiwan niya ako at ayoko rin namang mangyari 'to.

After the brunch, lumabas nako ng unit saka nagtungo sa elevator. Pagdating sa parking lot, deretso akong sumakay sa loob ng kotse ko. Sampung minuto lang ang ginugol ko sa biyahe bago ko narating ang La Fratte Appetito.

When I was about to open the glass door, natigilan ako nang makasalubong ko ang babaeng kagabi pa lang ay ginugulo ang buong sistema ko. Si Ava. Palabas siya ng restaurant kasama si Isabelle. Nakita kong natigilan siya nang makita ako.

"Trix..." she uttered my name softly.

"Ava..." I whispered her name too. My heart leaps in happiness seeing her right now.

Sa loob ng ilang segundo pareho kaming napatitig sa isa't-isa. Gusto ko siyang yakapin at saka halikan. I can't stop thinking of her after last night kaya hindi na ako nagtaka kung ito ang naramdaman ko sakanya ngayon.

I was about to hug her nang hilahin na siya ni Belle palayo. Nalungkot ako ng umiwas siya ng tingin. Naglakad sila palayo habang ako naman ay malungkot siyang sinundan ng tingin.

My love...Tila hinila nito ang puso ko.

Hindi ko maialis ang tingin ko sakanya hanggang sa papalayo na yung kotseng sinasakyan nila.

Mabigat ang dibdib ko nang pumasok ako sa loob ng La Fratte Appetito. Nadatnan ko doon si Lavender nakaupo while enjoying her cup of tea.

"Lavender." tawag ko rito.

Napalingon naman ito sakin. Nakita ko ang pagkunot-nuo nito. "Trixie?"

"Hi, am I late? My fiancé? Nandito na ba siya?" I asked while sitting down the vacant chair.

"Your fiancé just called me now, she cancels our meet up. Hindi ka ba niya tinawagan?"

"Ha?" napakunot-nuo narin ako. Teka anong ibig nitong sabihin?

"Yes, ini-cancel niya bigla." she added.

"B-bakit daw?" confused na tanong ko.

"I don't know, wala naman siyang sinabing dahilan. Didn't she call you?"

"H-hindi." Nakadama ako ng kaba. Hindi normal tibok ng puso ko. Bakit pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda?

Nag-paalam na ako kay Lavender saka lumabas ng restaurant. Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si Lovely, pero naka-sampung tawag nako ay hindi niya yun sinagot, mas lalo akong kinabahan.

Oh god. I once again dialed her number pero tulad kanina ay ganun pa rin.

Dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse saka nag-drive patungong Federico Hospital. Pagdating ko sa clinic niya, wala siya doon. I asked her secretary pero hindi ito sumagot. Alam kong may alam ito pero ayaw lang nitong sabihin sakin, may pakiramdam akong kinunchaba ito ng fiancé ko.

Malakas parin ang kabog ng dibdib ko ng lumabas ako nang hospital. Muli kong ini-diall ang number ni Lovely pero tulad parin kanina ay ring lang yun ng ring, ayaw pa rin niyang sagutin.

Hindi ako mapakali, kung ano-ano natong pumapasok sa isip ko. Pagdating ko sa condominium building, nakita ko ang sasakyan niya sa parking lot. Dali-dali akong pumasok sa loob hanggang sa marating ko ang unit niya.

"Lovely." tawag ko sakanya ng pumasok ako sa kuwarto niya. Nakita ko siyang nag-empake sa mga damit niya sa loob ng maletang nakapatong sa ibabaw ng kama. Napakunot-nuo ako saka dali-dali siyang nilapitan. "Mahal, anong ibig sabihin nito? Bakit ka nag-eempake?"

Hindi sumagot ang fiancé ko, ipinagpatuloy lang niya ang pag-empake na wari walang naririnig.

"Mahal," hinawakan ko ang kamay niya para pigilan pero nagpumiglas siya. Napagtanto kong umiyak pala siya. Sinubukan ko siyang hawakan pero lumayo lang siya sakin. "Lovely please magusap muna tayo."

"Ano pa ba ang dapat nating pagusapan, Trix?" aniya sa humihikbing tono. Sa wakas humarap na siya sakin, parang hiniwa ang puso nang makita ang lungkot na lumarawan sa mukha niya.

"Lovely," sinubukan ko ulit siyang hawakan pero tinabig lang niya ang kamay ko.

"Do you still wanna marry me?" seryosong tanong niya.

"Of course, I want to marry you." agad na sagot ko.

"No you're not, Trix." Umiling siya na wari hindi naniniwala.

"Lovely, hindi totoo 'yan."

"Pero yun ang totoo." sabi niya ulit, nag-simula ng umagos ang luha niya. "Alam mo bang nag-da-doubt na ako sayo? Hindi na ikaw yung Trixie nakilala ko."

"Lovely..." tanging sagot ko.

"Akala mo siguro hindi ko alam na umalis ka kagabi at pinuntahan siya? Don't even deny that kasi narinig kitang kausap siya sa phone mo."

Nanlamig ang buong katawan ko.

"Gising ako nung oras na umalis ka. I cried silently while waiting for you to come back. Ayokong magisip ng kung ano-ano, pero nung umiwi kang iba yung amoy mo, nag-iba narin yung pakiramdam ko. Hindi ako tanga para hindi malamang may nangyari sa inyo, huwag mo ding i-deny yun kasi alam kong yun ang totoo."

Napayuko ako.

"Unti-unti nang nawala yung tiwala ko sa'yo; lalo na yung kanina sa restaurant."

Napa-angat ako ng tingin.

"Nakita ko kung paano mo tignan si Ava nung nagkita kayo kanina. I saw love on your eyes habang sinundan mo siya ng tingin. Kahit pilit mong itago yun, nakita ko parin."

Napayuko ulit ako. There's no need for me to deny.

"This is the reason why I cancel our appointment with Lavender. I want to give you time to decide kung gusto mo pa bang ituloy 'tong kasal natin o hindi. Ayokong umabot sa point kung saan kasal na tayo mangyayari 'to. Mas lalo akong masasaktan kapag nangyari yun."

Hindi ko magawang magsalita. Tahimik lang ako at pilit nilalaban ang emosyong gustong kumuwala.

"Aalis ako para bigyan ka ng sapat na oras, Trix. Sana maintindihan mo ako."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya ng mahigpit. "Please don't go." Naiiyak na pigil ko. "Huwag mo akong iwan."

"But I have to. I'm doing this for the both of us."

Mas lalo akong napaiyak. Hinigpitan ko lalo ang pagyakap sa kanya. "I love you."

"But you love her too."

"Pero ikaw ang fiancé ko, ikaw ang mas mahal ko."

"So I was right at all, mahal mo pa talaga sya." puno nang hinanakit ang boses niya dahilan para kumalas siya mula sa yakap ko saka ipinag-patuloy ang ginagawang pag-empake. Sinubukan ko ulit siyang pigilan pero tulad kanina ay tinabig lang niya ang kamay ko.

Masakit sa dibdib ang panuorin siyang nag-empake pero wala akong magawa kundi tignan siya.

When Lovely said goodbye, I cried once again. Bakit pakiramdam ko ito na ang huling pagkikita namin? Inilahad niya sakin yung necklace na may half heart pendant bagay na mas nagpalungkot sakin.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa ibang direksyon nang lumabas na siya ng unit. Sinikap kong huwag siyang sundan ng tingin para sa ganun hindi ako masaktan. Pero sa huli'y tumayo ako at sinundan siya. Niyakap ko siya sa likuran and begged her to stay. I even knelt in front of her and begged again not to leave me; pero sa huli'y hindi ako nagtagumpay. She walked away leaving me crying in pain.

Umasa akong maabutan ko pa siya nang bumaba ako sa lobby pero nabalot lang ulit ng lungkot ang puso ko nang makita ang papalayo niyang sasakyan.

When evening came, I drank myself to death. Then I found myself driving on Ava's town house. Ilang beses kong kinatok ang pinto niya hanggang sa bumukas yun.

"This is all your fault!" I madly yelled at her. "Bakit ba kasi bumalik ka pa!?"

Nakita ko ang gulat na lumarawan sa kanyang mukha. "W-what are you t-talking about?"

"My fiance just left me and this all your fault! Sana hindi ka na lang bumalik dito, sana hindi ka na lang nagpakita sakin, sana hindi ka na—" hindi natapos ang ibang sasabihin ko dahil sa sampal na iginawad niya sakin.

"How dare you for blaming this all to me!" galit na sabi niya. Puno ng hinanakit ang mukha niya nang tumingin ako sa kanya.

"Ava..." I just realized what I'd said.

"Kung meron mang may kasalanan dito ikaw yun, Trix. Masama ba kung mahalin kita? Masama bang umasa na may chance pa para sa ating dalawa? Kung kasalanan man 'yun then I'm sorry!" Nag-simula na siyang umiyak.

"A-ava..." Akma ko sana siyang hawakan pero bumalik na siya loob at iniwan akong nagsisi sa mga salitang binitawan ko sa kanya.

Fuck! Napasabunot ako sa sariling buhok ko. Bumalik ako sa kotse saka sinipa ang gulong.













THE NEXT day, muli kong binisita si Ava sa town house. I want to say sorry to her. Labis talaga ang sisi ko after last night.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, nagulat ako sa mga bagaheng lumantad sa paningin ko. Ano naman ba 'to? Bakit may mga maleta?

Dali-dali akong umakyat sa kuwarto para tanungin siya. I saw her packing her things.

"Where are you going?" agad na tanong ko. Bahagya siyang napa-ingtad at nagulat nang makita ako.

"Why do you even care?" aniya sa malamig na boses.

"Aalis ka rin? Iiwan mo ulit ako?"

"Oo. Because there's no use for me to stay here."

My heart automatically saddened. "Akala ko ba mahal mo ako?"

"Yes, but you choose to hurt me and I'm tired of it." Muli niyang ipinagpatuloy ang pag-empake. Nalungkot ako. Nag-lakad ako palapit sakanya at niyakap siya sa likuran.

"I'm sorry."

"You don't have to apologize, Trix. Tutal ako naman ang may kasalan diba? I should be the one who say sorry."

"Ava, it's not your fault. Nadala lang ako sa emosyon ko kagabi."

Hindi siya sumagot, ipinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawa.

"Please stay." I kissed her shoulder.

Ava sighed heavily bago humarap sa akin. "Trix, parang awa muna tama na. Pagod na ako."

"Love, kung tungkol ito kagabi I'm really sorry."

"Hindi ito tungkol kagabi, Trix. I'm doing this for another reason. At least by this, hindi na ako makadagdag sa problema mo."

"Ava, hindi ka problema sakin. I love you."

"Pero mahal mo rin si Lovely."

"Huwag mo siyang isali sa usapan natin."

"She's your fiancée Trix and I know you love her too. Hindi puweding dalawa kami sa buhay mo, pareho mo kaming masasaktan."

Hindi puweding dalawa kami sa buhay mo.

Kung sana lang dalawa ang puso ko.

Napatitig ako sakanya at kapagkuwan binitawan siya.

"Mahal kita, love. Pero kailangan kong pigilan 'tong naramdaman ko sayo kasi ayokong makasira ng relasyon." wika niya.

"Yan ba ang rason kung bakit aalis ka?"

"Isa yan sa mga rason ko."

Muli akong nalungkot. Nai-hilamos ko ang palad sa mukha ko bago kumuwala ng buntong-hininga. Why am I stuck in this situation?

Ginanap ni Ava ang kamay ko saka ibinigay sakin ang necklace na kapareho kay Lovely. Napatingin ako sa kanya.

"Kailan ka babalik?" malungkot paring tanong ko.

"Bakit? Hihintayin mo ba ako?"

Hindi ko alam kung anong isasagot.

"I'll be gone for a month or two." sagot niya.

"That long?"

She nodded and looked away. "I'm doing this for myself."

Shit, I don't wanna cry pero kusang namasa yung mata ko.

"I'll miss you."

Ava didn't reply. "Ibinilin ko si Fionna kay Tita Minerva, you can visit her anytime if you want."

"I-I will." malungkot na sagot ko.

Ngumiti siya sakin saka hinaplos ang pisngi ko. A jolt of electricity suddenly rushed through my spine when she did that. "Ayokong umasa pero sana pagbalik ko......Ako na yung pipiliin mo."

I just stared at her.

Ako na yung pipiliin mo....












KINAHAPUNAN, sobrang lungkot ko. Wala si Lovely at wala din si Ava. I just spend the entire afternoon crying while listening to sad love songs. Miss na miss ko na sila. Hawak ko pareho ang necklace na pareho kong ibinigay sa kanila.

Mula sa pagkaupo sa sahig ay lumipat ako sa kama. Isinubsob ko ang mukha ko sa malambot na unan at dito pinakawalan ang mga hagulhol ko.

Nababaliw na talaga ako, konti-konti na lang puwedi na akong ipasok sa mental hospital.

Mas lalong nakadagdag sa situation ko ang kantang tumugtog ngayon sa speaker. It was a song titled, Mahal ko o mahal ako.

The song really hits me, ganito ba talaga ang pagibig?

Si Ava, noon pa man sobra na akong humanga sa gandang taglay niya. Kita niyo naman siguro kung gaano ko siya kamahal diba? First chaper pa lang, mahal ko na siya. She's that woman I've been dreaming to be my girlfriend. Siya yung babaeng kahit sobrang snob mahal na mahal ko parin. I just loved everything about her; especially yung pagiging rude, bossy at pagiging masungit niya. Kahit ilang beses niya akong pinagtabuyan noon, still kinukulit ko parin siya. Remember that day noong magkasabi kami noon sa Paris? Yung sinamahan ko siya dahil broken hearted siya? That was the happiest day of my life. Imagine, kasama mo nang isang buwan ang crush mo?

When I told her I love her, she rejected me. I was so broken and promised myself to forget her. Pero iba yata ang plano ng tadhana saamin nung time nayun. Pinaglapit niya ulit kami at binigyan ng chance para maging kami.

We loved each other so much. We shared so many happy moments together. Hanggang sa may mga pagsubok na dumating, pero lahat ng yun pareho naming naharap at nalampasan. When baby Fionna Lyndey came into my life, tinuring ko siyang anak ko; tinuring ko silang dalawa ni Ava bilang totoong mag-ina ko. It was the best feeling ever. Hanggang sa may pagsubok ulit na dumating, and this time hindi na namin yun nakayang harapin.

I was broken, devasted and hurt. Feeling ko katapusan na nang buhay ko.

And then my angel came...

Si Lovely. She was the woman who healed my broken heart, the woman who helped me to move on and the woman who taught me how to love again. Mahal na mahal ko siya, hindi lang dahil sa maganda siya kundi dahil narin sa personality niya. She's innocent, soft hearted and so caring. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya niyaya ko na siyang magpakasal. I'm ready to spend the rest of my life with her. Why not? She's the perfect ideal of a wife. I am her first. First kiss, first love, first date, first everything. Hindi ko ugali mag-compare pero may mga bagay talaga akong minahal sa kanya na hindi ko mahanap kay Ava. Gayunpaman pareho ko silang mahal.

Sino ang iibigin ko

Ikaw ba na pangarap ko

O siyang bang kumakatok sa puso ko

Oh anong paiiralin ko

Puso ba o ang isip ko

Nalilito litong liton lito

Sinong pipiliin ko

Mahal ko o mahal ako?

Ouch, ang sakit talaga nang kantang 'to. Sobra akong natamaan.

Kung pipiliin ko si Lovely, masasaktan ko si Ava, at kung pipiliin ko naman si Ava, masasaktan ko rin si Lovely. Heck, ayuko silang parehong masaktan! Why am i in this freaking situation!?

Kailangan ko nang advice, at alam ko kung kanino ako hihingi nun.

Tumayo na ako saka nagbihis. I drive my way to my parent's house in Forbes Park. After knocking the door three times, bumukas ito at mukha ng mama ko ang nabungaran ko.

"Trisha?"

"Ma..." napayakap ako sa kanya. I cried on her shoulder like a three year old kid.

"Shhhh tahan na." hinaplos-haplos niya ang likod ko.

Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap dito. Walang tatalo sa yakap ng ina kaya hindi muna ako bumitaw hanggang sa lumuwag na itong paninikip ng dibdib ko. I just need her right now.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 55.9K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
287K 15.6K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.9M 49.2K 45
Fake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...