BHO CAMP #6: The Sweet Secret

Від MsButterfly

3M 71.2K 7K

Athena Lawrence dreams are not just about a house made of candies but also about the man she want to spend he... Більше

SYNOPSIS
CHAPTER 1 ~ Later ~
CHAPTER 2 ~ 1 ~
CHAPTER 3 ~ Change ~
CHAPTER 4 ~ 2 ~
CHAPTER 5 ~ Right ~
CHAPTER 6 ~ Eyes ~
CHAPTER 7 ~ Princess ~
CHAPTER 8 ~ Ring ~
CHAPTER 9 ~ Visitor ~
CHAPTER 10 ~ Unveiling ~
CHAPTER 11 ~ Island ~
CHAPTER 12 ~ Word ~
CHAPTER 13 ~ Hourglass ~
CHAPTER 14 ~ Replica ~
CHAPTER 15 ~ Home ~
CHAPTER 17 ~ Roqas ~
CHAPTER 18 ~ Fire ~
CHAPTER 19 ~ Seduction ~
CHAPTER 20 ~ Perfect ~
CHAPTER 21 ~ Now ~
CHAPTER 22 ~ Weather ~
CHAPTER 23 ~ Plan ~
CHAPTER 24 ~ Inception ~
CHAPTER 25 ~ Blood ~
CHAPTER 26 ~ Bunny Eraser ~
CHAPTER 27 ~ Intervention ~
CHAPTER 28 ~ Promise ~
CHAPTER 29 ~ Sweet Life ~
CHAPTER 30 ~ Scorch ~
EPILOGUE
Up Next

CHAPTER 16 ~ Mine ~

92K 2.5K 326
Від MsButterfly

CHAPTER 16

ATHENA'S POV

"Ainsley, sweetheart." nakangiting bati ko sa bata na palingon-lingon sa paligid niya. "Are you alright?"

Hindi pa rin niya ako iniimik. Napakunot-noo ako nang magbaba ako ng tingin sa kamay niya at makita ko na may hawak siya na lollipop. Umuklo ako at hinawakan ko ang kamay niya bago ako tumingin diretso sa mga mata niya. Nalaman ko kay Ate Sky na mabisa na kausapin ang mga bata kapag bumababa sa lebel kung saan magtatama ang mga mata ng bata at ng nakatatanda. They'll know you are taking them seriously and wants to have a conversation. "Ainsley? Are you listening to me, sweetheart? What's wrong?"

"I hurt my knees." Nag-angat siya ng mukha at kita ko ang mga mata niya na tila kagagaling lang sa pag-iyak. "Pinayagan po ako nila Mamita na salubungin ka kasi pabalik ka na raw po panigurado but I fell and hurt my knees."

Tinignan ko ang tinuturo niya at napabuntong-hininga ako ng makita ang mga namumula niyang tuhod. It will surely leave bruises. "Let's give you some ice pack, okay?" Hinawi ko ang buhok niya. "Be careful na next time ha? Hindi pa naman bagay sa angking kagandahan natin ang may pasa."

Napapangiti na tumango siya. Then she raise her hand and hand me the candy lollipop she's holding, "Can you open this for me, Mama?"

Kinuha ko sa kaniya iyon pero muling bumalik ang pagkakakunot ng noo ko. "Who gave you this?" I asked her while unwrapping the candy.

"Your friend." tinuro niya ang daan na natatakpan ng mga puno dahilan siguro para hindi ko nakita ang pag-alis ng taong tinutukoy niya. "Doon po siya dumaan."

Maybe it's one of the agents. For sure nakilala nila si Ainsley dahil una kumalat na sa BHO CAMP ang pagkakaroon ko ng anak at pangalawa hindi naman nakakapagtaka na anak ko si Ainsley. Kamukhang-kamukha ko siya.

"Tinanggap ko lang po ang candy kasi bigla na lang niya po iyong binigay sa akin at umalis na. Hindi ko naman po talaga gustong tanggapin cause I shouldn't accept anything from strangers."

Ginulo ko ang buhok ng bata at hinawakan ko na ang kamay para maglakad na paalis. "It's okay, sweetheart, hindi ako galit. Everyone here is part of our family especially those in uniforms. You'll meet them all later. Pero sa labas hindi ka dapat tumatanggap ng kahit na ano o sasama sa hindi mo kilala. Okay?"

Sunod-sunod na tumango siya, "Okay!"

Binaybay na namin ang daan patungo sa Craige's. Nang makarating roon ay naabutan namin sila Mama na inookupa na ang isang lamesa na may mga nakahandang pagkain na. Hindi naman sila mukhang nag-aalala na nagpaka-Dora the Explorer si Ainsley. Hindi naman kasi siya mawawala at kung may ligtas na lugar sa Pilipinas ay wala ng iba kundi dito sa BHO CAMP.

"I ordered food for you two at ang tagal ninyo." sabi ni Mama at pinaupo sa tabi niya si Ainsley. "Chicken and spaghetti?"

"I love them po."

Nagsimula na kaming kumain. Recipe of the day ng Craige's ang kinakain naming pareho ni Mama habang si Kuya at Papa ay isa sa usual nilang inoorder ang nasa harapan nila. Mama and I love trying out new food kaya kung anong specialty sa araw na iyon ang minagick na naman ni Ocean, isa rin sa mga agent, o ni Kuya Hermes ang lagi naming kinukuha at hindi naman kami nabibigo dahil masarap talaga.

In front of me I have a burger that has a patty made of seafood specifically shrimp, abalone, and scallop. Sangkatutak din ang cheese niyon kaya calories-galore talaga. Kiber. Food is life!

Hindi ko pinansin ang bread knife at inangat ko lang ang burger bago malaking kumagat. Napangiti ako nang makita ko si Kuya na nalulukot ang mukhang nakatingin sa akin. Bilang pang-asar ay pumikit-pikit pa ako na para bang sarap na sarap.

"Hindi talaga lady like." bulong niya.

"Lady like ka riyan. Burgers should be eaten like a burger. Not like you have a giant steak in front of you. Di ba Mama?" baling ko sa ina na binalewala rin ang bread knife niya at maganang kumakain.

"Yup. Wow! The best talaga ang Craige's. Ang sarap!" napapapikit rin na sabi niya bago binalingan si Papa at kumindat. Parehas na hindi na maipinta ang mukha namin ng kapatid dahil alam namin na hindi ang restaurant ang tinutukoy niya kundi ang ama namin na ngayon ay naiiling na pinupunasan ang bibig niya.

"May bata, Althea." he admonished.

"Sus. Di pa polluted 'yan." natatawang sagot ni mama bago inabutan ng tubig si kuya. "Uminom ka muna. Sa lahat ng may asawa ikaw ang napaka-sensitive."

Kuya just rolled his eyes, "It's not like I'll get used to my parents flirting, Ma."

"Flirting daw. Kailangan niyo ni Sky ng crash course ng Flirting 101. Ang mga batang to, wala talagang binatbat satin-"

Pinutol ni Papa ang sasabihin ni mama sa pamamagitan ng pag-ipit sa pagitan ng hintuturo niya at hinlalaki ng mga labi ni Mama. "Just eat, ducky." he said before he let her go.

"Lagot ka talaga sa'kin mamaya." nakangusong sabi ni Mama.

I just smiled at their bickering. May kung anong pagkurot akong naramdaman sa puso ko habang nakatingin sa kanila. They look so happy. Kahit pa sabihin na lagi silang nag-aasaran parte na lang iyon ng pagsasama nila.

"Mama?"

Nagbaba ako ng tingin kay Ainsley. Napangiti ako nang makita ko na nakatingin siya sa pagkain ko. "You want to try?" I asked.

Nang tumango siya ay humiwa ako ng piraso roon na sa tingin ko ay mauubos niya at inilagay ko iyon sa plato niya. Maganang kinain niya iyon.

"Athena, ang suki ko!"

Nag-angat ako ng tingin at automatikong umikot ang mga mata ko nang makita ko si Ocean. Ocean works as a chef for Craige;s. Dito rin siya nag apprentice noong nag-aaral pa lang siya. Bukod sa kaniya ay si Kuya Hermes ang pangalawang head chef rito. Minsan din kasi ay wala si Kuya Hermes kaya si Ocean ang pumapalit. It worked for them since our job as an agent entitled us to miss a lot of work here at BHO CAMP's front kaya maganda na rin na dalawa silang naghahandle ng Craige's.

Front kasi ng BHO CAMP ang lugar na ito kung saan umaakto ang lugar bilang vacation o leisure place para sa mga turista. Bukod sa pagiging agent parte rin ng trabaho namin ang mag duty sa iba't ibang establishimento rito. We don't get paid since we don't need it. Malaki na ang kinikita namin sa pagiging agent. Aside from us meron ding mga non-agent staff na empleyado ang BHO CAMP. Hindi naman iyon conflict sa sikretong tinatago namin dahil hindi naman namin nilalabas ng headquarters ang mga bagay na hindi na dapat malaman pa ng iba. Besides they signed a confidentiality agreement that highlights the importance of the privacy of the place and the people in it.

"Tigilan mo ko. Isipin pa ng mga tao ang siba ko." nakairap na sabi ko.

"Hindi nila iisipin 'yon. Maiisip lang nila na napaka-irresistible ng mga luto ko. Parang ako lang. Tama ba, ladies?" tanong niya sa isang panig ng Craige's kung saan halos magkikisay ang mga guest na babae na tahimik na kumakain doon kanina at ngayon nakapako na lang ang tingin kay Ocean.

Sino ba naman kasi ang makakapagpigil na tignan ang binata na ngayon ay bukas ang suot na chef's jacket dahilan para makita ang malapad niyang dibdib. Manang-mana sa tatay niya. Ayon kasi sa kuwento nila Mama nabansagan na gigolo ang ama ni Ocean dahil trademark ni Tito Yale ang magluto ng walang pang-itaas. Namana pa ni Ocean.

Infernes naman kasi sa lalaki napatunayan niya ng meron siya talagang abs. Noon kasi inaasar pa namin siya sa pinagmamalaki niyang abs dahil talaga namang non-existent iyon dahil totoy pa siya no'n. But he's a grown up now.

"Magbihis ka nga, Ocean. Napopollute ang mga mata ng anak ko."

Napatigil siya sa pagpapacute sa mga babae at nagbaba ng tingin kay Ainsley na ngayon ay kunot noong nakatingin kay Ocean na parang iniisip kung anong klaseng specie ang lalaki. "Uy! Anak mo?"

"Kasasabi ko lang. Anong akala mo diyan, manika?" mataray na tanong ko.

"Pwede." umuklo siya kay Ainsley. "Ang cute cute mo naman-"

"Diyosa po ako." putol ni Ainsley sa sasabihin niya. "Parang Mama at Mamita ko."

Sunod-sunod na napakurap ang lalaki bago siya dumiretso ng tayo at tumingin sa akin. "Weird. Ang lakas talaga ng dugo mo, Athena no? Namamana din pala ang pagiging humble?"

Napangiwi ang binata nang mapatingin siya kay Mama na abot hairline na ngayon ang kilay bago nagsalita, "May problema ka ba roon, bata?"

"Wala po, Tita Thea. Astig nga po eh. Pati kagandahan, manang-mana."

"Good, good, good." sabi ni mama na nag thumbs up pa.

Nagpaalam na si Ocean na mukhang nasindak kay Mama at nag-ikot ikot na siya sa mga lamesa ng ibang agents at mga guest. Ganiyan kasi ang turo ni Tito Yale sa kanila. During breakfast, lunch, and dinner the chef should go out and ask the customers for feedback. Iyon nga lang kadalasan si Kuya Hermes ang gumagawa no'n dahil bukod sa may pleasing personality ay disente ang itsura ni kuya. Hindi katulad ni Ocean na kung anong isinobra sa pleasing personality ay siyang ikinabawas naman ng suot niyang damit.

Napailing na lang ako nang maglabas siya ng cellphone habang kausap ang mga babaeng guest na kanina ay nakatunganga sa kaniya. Playboy talaga.

Nagpatuloy kami sa pagkain nila Mama at nagkuwentuhan pero ilang sandali lang ay naagaw ang atensyon namin nang bumukas ang pintuan ng Craige's at pumasok si Harmony Ferrel. She's not an agent but she's the drummer of the popular band, Royalty. Bandang kinabibilangan ni Thunder at ng asawa ni Freezale na si King.

Ang alam ko ay may tour ang banda. Siguro ay katatapos lang kaya sila nandito. Sumabak agad sa tour si Harmony kahit bago pa lang siya at katatapos lang mag-aral. Malugod naman siyang tinanggap ng mga fans pero syempre marami ang hindi sang-ayon sa kaniya dahil sa gender niya. The fans wanted to keep the fantasy of a band full of handsome men. Iyon nga lang ngayon may prinsesa na sila. On the brighter side at least hindi na lang puro babae ang fans kundi nagkaroon na rin ng maraming lalaki dahil nagkaroon ng fan base si Harmony. The girl is strikingly beautiful kaya hindi na nakakapagtaka.

Napaangat ang kilay ko ng lumapit siya kay Ocean at iniluwa ang nginunguya niya na bubble gum. Sa pagkagulat ng lahat lalong-lalo na ni Ocean ay bigla na lamang idinikit iyon ng babae sa kaniya.

"Fudge! Ano bang problema mong babae ka?" tanong ni Ocean na kumuha ng tissue at ipinunas iyon sa abs niya kung saan dumikit ang bubble gum. "Buti na lang tinuruan akong hindi magmura ng nanay ko nako!"

"As if hindi marunong." lumapit siya kay Ocean hanggang sa halos magkatapat na ang mga mukha nila. "I don't have plans on working here."

"Sabihin mo 'yan kay Kuya King. Hindi ko na problema kung pinaparusahan ka niya ngayon. Mabuti nga tinanggap kita rito."

"Wow. So kailangan magpasalamat ako? Asa ka!"

"You need to work somewhere." Ocean said and crossed his arms.

"Basta hindi rito."

"Ano namang problema rito? Ito ang pinaka the best na mapagtatrabahuhan mo dahil nandito ako. Hindi mo ba alam na ang daming nagkakandarapa para lang makita ako araw-araw?" nakasimangot na kinuskos ni Ocean ng tissue ang tiyan niya. "Tapos didikitan mo lang ako ng bubble gum? Who in their right mind will do that to a prince like me?"

"I decided on something before I went here to ease my irritation." Ngumisi ang babae, "Ididikit ko ang bubble gum sa walang kwenta at hindi impressive na bagay."

Nanlaki ang mga mata ni Ocean at ekseheradong sinapo niya ang dibdib niya na para bang magkaka-heart attack siya. "Sinasabi mo bang walang kwenta ang abs ko?"

Matamis na ngumiti si Harmony at naglakbay ang mga mata niya pababa sa katawan ni Ocean. Huminto ang mga mata niya sa pantalon ng lalaki. "Buti nga hindi ko 'diyan' idinikit." pumalatak ang babae. "Poor little thing."

Nakangiting tumalikod at lumabas na ng Craige's si Harmony habang naiwan namang nakanganga si Ocean na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ni Harmony patungkol sa 'thing' niya. Ilang sandali lang ay napakurap siya bago madilim ang mukha na sumunod sa tinahak na daan ng babae.

"Patutunayan ko sa'yo na hindi nag e-exist ang 'little' sa kagwapuhan ko! HARMONY FERREL GET BACK HERE! WALA KANG BASIS!"

Napapailing na humarap ako sa pamilya ko. "Kapag talaga nagkatuluyan ang dalawang 'yan, sasabog ang ulo ni Kuya King. Binebaby pa naman niya si Harmony."

Kapatid kasi si Harmony ng best friend ni Kuya King na siyang dating drummer ng Royalty na si Commet Ferrel. However, he died because of the unfortunate events that got his life, his wife's, and King's into a messy tangle.

"Sinabi mo pa." sabi ni kuya. "Playboy pa naman ang isang 'yon noon. Pakiramdam niya babalik kay Harmony ang mga pinaggagawa niya."

"Ganiyan naman ang mga lalaki. Takot sa sarili nilang multo."

"Wag kang mag generalize. Mabait ako."

"As if." I said and stuck out my tongue at him. "Kung di mo pa nakilala si ate Sky baka lagalag pa rin ang kaluluwa mo ngayon."

"I was young before I met Sky. I have the right to enjoy and be with anyone I chose to be with."

"Right. Pero kapag babae ang gumawa ng ganiyan, grabe na kaming i-condemn. Para na kaming pumatay kahit na ang totoo we just want to have fun too."

"Iba na kapag kasama ang puso. That's not having fun, that's committing. Problema sa inyong mga babae lahat ng lalaking dumadaan sa buhay ninyo ay minamahal ninyo."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Dahil alam namin ang totoong ibig sabihin ng fun. When we have fun we just have fun. We don't entangle..." nagbaba ako ng tingin kay Ainsley and I mouthed at my brother the word 'sex' and continued, "That...not if we want to really commit with that person. Because we like them and think of them as a possible candidate for committing. Hindi kasi kami kasing hayok niyong mga lalaki."

"What makes you think that we do that thing without actually liking a person?"

"Being interested with a person differs from actually taking them seriously. Nakita niyo lang na maganda at sexy, on the move na kayo."

"Hep hep hep! Awat!" malakas na sabi ni Mama at winagayway pa ang mga kamay niya para may emphasis. "Walang sense na pag-awayan niyo 'yan. Tanggapin niyo na lang that men and women are different species. Lalong magkakaiba ang bawat tao sa mundo. Men or women they can be with someone even if it's just about that or they want to commit or they just want company. Entiendes?"

Halos magkasabay na nag-irapan kami ni kuya. Bumuntong-hininga si Mama at sumusukong nagtaas ng kamay. Nilingon niya si Papa na napabuntong-hininga na lang, "Kids."

"Titigil na po." nakangusong sabi ko.

"Fine." Kuya said, rolling his eyes. "One last thing, Athena."

"Adonis." Papa said with a warning tone.

"Isa na lang, Pa. This is important." my brother promised before looking at me. "Stop putting your heart on the line, Athena. I might not be able to stop myself from breaking a man's face if you get hurt again."

My brother cares for me. I understand that. Alam ko na labis ang pag-aalala niya para sa akin ng malaman nila ang tungkol kay Ainsley, alam ko na nasasaktan siya para sa akin sa ginawa ni Aiden, alam ko na ayaw niya na akong mahirapan. I love my brother for that. But I also know that I have to fight my own battles.

Isa pa...wala na naman kaming magagawa. My heart is on the line again.

"Too late, Kuya."

I just wish my heart can handle it. Dahil pakiramdam ko tuluyan ng mababasag ang puso ko na pinipilit ko na lang pagkabit-kabitin.

HINDI KO mapigilang hindi mapangiti sa direksyon ni Ainsley. Nakaupo siya sa gilid ng training area at kasalukuyang kumakain. Nakapalibot sa kaniya ang mga babaeng agent na siyang nagbigay sa kaniya ng mga 'yon.

"She's such a sweetheart. Parang manika." narinig kong sabi ni Chalamity na nakaupo rin sa mat at nakasandal ang baba sa tuhod niya habang tinitignan si Ainsley.

"Wag mo masyadong iparinig kay, Athena. Lalaki na naman ang ulo no'n." sabi ni Eris na sinusuklayan naman si Ainsley at binebraid ang buhok. "Magkamukha pa naman sila."

Binelatan ko lang sila nang lumingon sila sa akin at pinagpatuloy ko ang pagtakbo sa thread mill. Isang oras hanggang dalawa na exercise ang kailangan kong gawin bilang kabayaran sa mga kinain ko. Then later I need to visit Grounds to see the trainees.

"Kain pa-more ng burger."

Pinaningkitan ko ng mga mata si Storm na dumaan. "Oo na. Ako na ang may kasalanan. I'm not exercising para paliitin ang sexy body ko though. I'm just burning what I ate. I don't need to change anything. I'm perfect yow!"

"Nabasa niyo ba ang weather update, Nyx?" tanong ni Storm sa babae imbis na ako ang kausapin.

"Hindi pa ate, why?"

"Bigla raw humangin ng malakas. May bagyo ata."

Pinaikot ko ang mga mata, "Ha-ha-ha, funny."

Sandaling huminto ako sa pagtakbo at hinubad ko ang suot ko na t-shirt. It's drenched already. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag ehersisyo. It feels good. Hinahanap talaga ng katawan ko ang exercise at physical activities.

I'm rounder and fuller than the other girls but I'm not overweight. Hindi kasi talaga built ang katawan ko na maging petite di katulad sa ibang agents. It's fine with me because I love my body and I love my cup size. Kung patalbugan sa cup size, luluha ng pako ang mga babae dito.

"Nako, nako, nagmamalaki na naman siya mga kababayan." pangbubuska ni Enyo na kasama nila Eris at nakikikalikot din sa ginagawa ng kakambal niya sa pagbebraid kay Ainsley. Looks like they got over whatever they were fighting about before.

"May ipagmamalaki naman talaga." nang-aasar pa na shinake ko ang katawan ko bago ko hinarap muli ang ginagawa.

Akmang may aabutin sana ako sa hook sa gilid ng threadmill nang mapatigil ako. Binawi ko ang kamay ko at huminga ako ng malalim. At his condominium, he has two thread mills. Kapag ginagamit namin iyon we will hook the phone on the sides and use this long earphones that I bought so we can share it.

"Ayan ka na naman, Athena. Stop thinking about him." bulong ko sa sarili ko.

Muli kong pinatakbo ang thread mill at animo sasali ako sa marathon na walang humpay akong tumakbo. I need to stop thinking about him. But God, I miss him so much.

I don't know if he'll every forgive me or if we will have another chance. A chance where we can really be together and say those words that we cannot say before. Pero hindi na ata pwede. Hindi niya na ata ako kayang patawarin.

How can he accept me again? I lied to him. Paano niya pa ako matatanggap ngayon na ganitong kalaki ang sekreto na itinago ko sa kaniya?

Sino bang lalaki na hindi gugustuhin ang isang babae na sa kaniya lang? He will have all her first...heart and soul, he will be the one to give her a child and a family. I can't give anything of that to him. Because I didn't wait...because I loved another man.

I wouldn't change anything no matter how I regret the things I did. Kahit pa bigyan ako ng isa pang tiyansa. I love Ainsley with all my heart and once upon a time I loved her father too. Hindi ko kayang pagsisihan ang isang desisyon na nagpasaya sa akin noon.

That's why it's so selfish for me to want more. To hope that I can have Fiere too. Because God knows how much I love that man. He deserve so much better. Kaya siguro akala ko noon na imposible kami. Na hanggang pangarap na lang. Pero tuso talaga ang tadhana dahil ibanabalik at ibinabalik ako sa kaniya. I guess destiny is done with us now. Maybe destiny decided I have enough. I should stop.

Halos maputol ang hininga ko at mabilis na pinindot ko ang buton ng thread mill para huminto iyon. Hinihingal na napahawak ako sa mga handle niyon at yumuko. Empty your thoughts, Athena. Stop thinking about him.

"Tired already?"

Napasinghap ako at nagtaas ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko sa taong ngayon ay inookupa ang thread mill sa tabi ng ginagamit ko. That's why everyone was quiet. Hindi ko lang napansin agad.

"You're running too fast." he said again and extended his hand. May pinindot siya sa thread mill ko at pagkatapos ay ang sa kaniya na ang binalingan niya.

"What are you-"

Hindi na natapos ang sasabihin ko nang hindi ako tinitignan na nagsuot siya ng earphones at tumakbo na. Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang tila ipinako sa kinatatayuan.

"What are you doing here Fiere Roqas?" I whispered.

He can't hear me but I continued looking at him. Alam ko na nararamdaman niya ang tingin ko pero nanatiling nasa harapan niya lang ang atensyon niya.

"Why are you doing this to me?" I asked, my voice breaking. "I'm sorry. I'm so sorry. Alam ko hindi mo ako magagawang patawarin. Alam ko na nasaktan kita. I'm sorry I got so scared. I'm sorry I'm such a coward...but I just love you too much."

Walang reaksyon na makikita sa mukha niya but I continued speaking because maybe this is the only time I can be this close to him.

"I remember when we were young. Tuwang-tuwa ako kahit hindi ako sigurado kung ako ba ang tinutukoy ng kapatid mo na babae sa journal mo. I wanted to ask you but I was scared. Noong prom gusto ko ikaw ang kasama ko pero natakot din ako. Noong teenagers tayo lagi akong dumadaan sa room niyo kahit sa kabilang building ako para lang makita kita kahit lagi naman kitang nakikita dito. Then when we were training to be agents I always made sure to train at the time you were training. Then I met Aiden and I settled. Hindi niya ako kayang pasayahin katulad ng nararamdaman ko sa maiikli na pagkakataon na nakikita kita o mga pagkakataon na nasa malapit ka. I settled because I thought that's the only thing I will have. I wasted so many years but still I can't be with you because of fear. Siguro ganoon talaga. Marami man ang nabago sa akin pero hindi nawala ang pagiging duwag ko. I guess you're my weakness. You deserve so much more than a woman who can't be brave and keep you and cannot be honest enough to make you stay."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinigilan ko ang mga luhang nagpapalabo sa mga mata ko. "Pero gustong gusto kong sabihin sa'yo na sana, 'wag mo kong iwan. Sana tanggapin mo ako ulit. Na sana masabi kong mahal kita. But here I am talking to you even though you can't hear me. Kasi ako 'to eh. Duwag."

Bumaba ako ng thread mill at kagat ang labi na naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Ainsley na busy at nakatingin sa cellphone na pinahiram sa kaniya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ng mga agent pero nag-iwas lang ako ng tingin. Umuklo ako at pilit ang ngiti na tinignan ko si Ainsley.

"Let's go sweetheart?"

"Okay, Mama." inabot niya ang cellphone kay Enyo. "Thank you po, Tita."

"You're welcome cutie." sabi ni Enyo na pinipilit lang din ang ngiti niya.

Hinawakan ko ang kamay ng bata at naglakad na kami palabas ng training area. Away from everyone. From him.

From my heart.



FIERE'S POV

"Bulaga!"

Napapitlag ako at napalingon kay Thunder na ngayon ay nasa tabi ko. Inihinto ko ang thread mill at hinarap ko siya. "What?"

Ngumisi lang siya at itinuro ang cellphone ko. "Nice. May magic na ba ang earphone mo ngayon kaya kahit hindi todo ang pagkakasaksak nakakarinig ka ng music? Amazing. Bagong pauso 'yan ah?"

Tinignan ko ang cellphone. Tama siya. Hindi ko pa iyon naayos nang magsalita si Athena kanina. Hindi ko na nagawang iayos dahil gusto kong marinig ang mga sasabihin niya.

"Para kang gago, Fiere." diretsang sabi ni Thunder.

"Oo na."

Kinuha ko ang tuwalya na nakasampay lang sa thread mill at pinunasan ko ang pawis ko. Bumaba ako roon para pumunta sa weights. Sumunod pa rin ang lalaki.

"Hindi namin rinig ang pinag-uusapan niyo pero but man, she was about to cry."

"Get lost, Thunder."

"Hindi ka dapat nagpapaiyak ng mga babae."

"Coming from you?" I said turning to him. "Ilang babae na ba ang pinaluha mo?"

"So gumagaya ka? 'Wag ganoon, dude. Sa akin lang pwede 'yon."

"Just go away. I'm busy." sabi ko at nagsimula ulit mag ehersisyo.

Hindi ako bato. I wanted to reach out to her and pull her towards me. Never letting go because if there's one thing that I wanted more than anything else, that is to never let go of her. Pero hindi ko makuha ang lakas na gawin iyon kanina. Dahil siguro nasasaktan pa rin ako sa ginagawa niya. It won't be easy but I love her.

"Hindi lang basta babae si Athena, Fiere. 'Wag mong gayahin ang kagaguhan ko."

"I'm not doing anything."

"Which is worse."

"Thunder-"

"Maikli ang buhay. Alam nating lahat 'yan. Kaya 'wag kang babagal-bagal dude. Baka maunahan ka pa." sumigaw siya sa kinaroroonan ng mga kabanda niya. "Archer!"

"What?"

"You like Athena?"

Tumigil sa ginagawa ang lalaki at lumingon sa amin. He looked at me straight into the eyes and his lips curved into a smile. "Yes. She's fun."

Automatikong humakbang ang mga paa ko palapit sa lalaki. I can feel blood rushing to my head and I just want to punch the living daylights out of him. Kung hindi ako napigilan ni Thunder ay baka nga nagawa ko na iyon.

"Calm down, bro." Thunder said and smiled. "But be fast. Mabilis pa naman 'yang si Archer."

"Fuck off." matalim ang tingin na nilingon ko ang natatawang si Archer. "Stop whatever you're doing. Hindi ko kailangan ng tulong niyo para malaman kung ano ang dapat kong iakto o gawin. There's no use on edging me on because you'll just end up with a bloody face."

I know Archer Chase. He won't try anything with Athena because he has eyes for my sister apparently. I still want to punch him.

Kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad ako palabas. Muli lang akong lumingon ng tinawag ako ni Thunder. "What?"

"Saan ka pupunta?"

"Wala ka na do'n."

I need to cool down first. Then after that...

I will get what's mine.


__________________End of Chapter 16.

Продовжити читання

Вам також сподобається

Broken Arrow Від Cher

Сучасна проза

3M 114K 23
Si Mia Cara ang pinakaimportanteng kayamanan ni Mariah Rojas. Lahat ay kaya niyang gawin para sa kanyang anak. She is ready to endure pain just to ma...
14.4K 828 43
STARTFORD SERIES #1 Naomi Fayre, top performing student in Startford who didn't believe in love after she got her heart broken once... meets Ethan Do...
4.8M 110K 40
Agatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with...
Secret Serenade Від nyx

Сучасна проза

9.9K 462 42
Their relationship is just like any other childhood friends. Nothing more, nothing special. Evian Reyes knows that. Aji Escarez knows that. But when...