To Love Again [TSCM series 2]

By SiL3NtSnOw

152K 2.9K 221

Arwill Andre Alvarez More

The Student Council Members [series 2]
To Love Again - cHappy one
To Love Again - cHappy three
To Love Again - cHappy four
To Love Again - cHappy five
To Love Again - cHappy six
To Love Again - cHappy seven.point.one
To Love Again - cHappy seven.point.two
To Love Again - cHappy eight
To Love Again - cHappy nine
To Love Again - cHappy ten
To Love Again - cHappy eleven
To Love Again - cHappy twelve.point.one
To Love Again - cHappy twelve.point.two
To Love Again - cHappy thirteen
To Love Again - cHappy fourteen
To Love Again - cHappy fifteen.point.one
To Love Again - cHappy fifteen.point.two
To Love Again - chappy fifteen.point.three
To Love Again - cHappy sixteen
To Love Again - cHappy seventeen
To Love Again - cHappy eighteen.point.one
To Love Again - cHappy eighteen.point.two
To Love Again - cHappy nineteen
To Love Again - cHappy twenty
To Love Again -- cHappy twenty-one
To Love Again - cHappy twenty-two
To Love Again - cHappy twenty-three.point.one
To Love Again - cHappy twenty-three.point.two
To Love Again - cHappy twenty-four
To Love Again - cHappy twenty-five
To Love Again - cHappy twenty-six
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.one
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.two
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.three
To Love Again - cHappy twenty-eight
To Love Again - cHappy twenty-nine
To Love Again - cHappy thirty
To Love Again - cHappy thirty-one
To Love Again - cHappy thirty-two
To Love Again - cHappy thirty-three
To Love Again - cHappy thirty-four
To Love Again - cHappy thirty-five
Epilogue

To Love Again - cHappy two

4.4K 76 4
By SiL3NtSnOw

SnowNote---

              Before I make kalimot na naman, babatiin ko lang ang reader kong 'to, si... Kuroko-Chiii! Kyaaaah! Crush ko yan si Tetsuya alam mo ba? :D syempre kasi nasabi ko na~ Peroooo grrraabe! Isang araw mo lang tinapos 'yung series ko?! That was... ameeeeeeyzing! Nakaka-overwhelm na malaman. *punas uhog* Suuuuuuperrr thank you! >O< I love you <3 Osige, kumain ka mabuti, 'wag papagutom. Kayo din readers! Masama magpagutom, baka magkaron kayo ng leukemia.

KEN: Anong connect?

SNOW: Wala. Hehe. Masamang magjoke?

FREED: Oo, kasi baka 'di sila matunawan.

SNOW: Ode... SORRRYYY PO~ *chichay a la king mode* xD

--------------------

To Love Again – cHappy two

 

LAUREN’s pov

“Update mo naman ako sa lovelife mo.” Biglang sabi ni Ate Amy. Nandito kami ngayon sa clinic. Anong lovelife? Nakakain ba ‘yon?

Joke! Ambitter eh no?

“May lovelife ka na? Aww, selos ako.” Sabi naman ni Lester.

“Walangya ka, di tayo talo. Lalaki ako.” Nag-flex ako ng muscle sa braso. Natawa lang sila. “Wala kong lovelife, maniwala ka jan kay Ate Amy.”

“Meron kaya, si Arwill.” Sabi niya naman.

“Ha? Saan mo naman nakuha 'yan? Sus! Isang beses lang nagpa-advice tapos wala na.” Last week lang yun ah. Pano nalaman ni Ate Amy?

“Ganon talaga si bestfriend.”

“Eh diba binigyan ka niya ng chocolate?”

Napatayo sa upuan si Lester. "Talaga?! Grabe iba na yan. Matext nga mamaya sila Ken.”

“Para namang big deal ‘yon. Token of gratitude niya lang ‘yon. Para kang tanga Francisco.”

He glared at me. Nag-peace sign lang ako. Matagal na kaming magkakilala ni Lester. ‘Di lang halata. Magkasundo kasi kami ng pangarap. Siya, gusto niyang maging doktor habang ako gusto kong maging nurse.

“Nga pala Lauren, pinapatawag ka ni Coach Derek. Punta ka ng baseball field. ASAP daw.” Sabi ni Ate Amy habang hawak ‘yung cellphone. Siguro nagtext sa kanya si Sir.

“Oh sige.”

Si Coach Derek ang PE teacher namin. Buti na lang hindi napunta samin si Coach Albert. Masungit daw ‘yun. Pero gwapo. Diba? Diba?

Ayun na nga, nagpunta na kong baseball field. Sinalubong ako ni Sir. “Pinatawag niyo daw po ako?”

Giniya niya ko sa gilid kasi may mga nagpa-practice na players, baka matamaan kami ng bola.

“Sabi ni Amy, marunong ka daw ng basic first aid. In fact, you have a licence courtesy of RCY. And you want to be a nurse, am I right?”

Tumango ako. “Yes, Sir.”

“Kung ganon, pwede bang ikaw muna ang maging nurse ng mga bata ko?”

Napanganga ko. Naguluhan ako bigla ah. “Pero sir...”

“I know, I know you’re not yet ready. Ok sige, ganito, think of this as an opportunity. Sa pagkakaalam ko, dapat ang mga nurse, magaling sa hands-on. You can practice being a nurse when you’re in my team. So... how about it?”

“Ahm... Sir...” Pano ba to? Diba pwedeng bigyan niya muna ko ng time para mag-isip? “Pano po ‘yung trabaho ko sa clinic?”

Napakamot sa batok si Sir at natawa. “Oo nga ‘no. Scholar ka nga pala.” He sighed. “I thought I might use your help. Especially sa ace player namin. Hmm... pano ba to?”

“Eh.. Sir, kelangan niyo po ba talaga?”

He cross his arms and look at his team. “Yeah. Malapit na kasi ang tournament. We need someone—‘yung may alam kahit kaunti sa first aid, para kahit simpleng injury ay magagamot kaagad. At para na rin hindi lumala kung saka-sakali. Ayokong mabawasan ni isa sakanila if ever we reach the National Tournament.”

Tumango-tango ako. Mahirap nga naman kung kulang ‘yung mga players sa team. “Pwede naman pong magawan ng paraan siguro.”

Napatingin din ako sa players na naglalaro. “Itatanong ko po sa Admin kung pwedeng hatiin ‘yung oras ko.”

“Hmm... Sige, ako ng bahala.” He pat my head. “Welcome to my team, Lauren.”

“Thank you, Sir.” Yumuko ako ng kaunti. Tumingin ulit siya sa malawak na field. Then he blew his whistle to get the players attention.

“Arwill! Halika rito!”

Err... sino daw?! Si Arwill! Naku naman! Bakit hindi ko naisip na baseball player pala ang mokong. Kaasar. Last year naman kasi, soccer player siya. Parang tanga. Palipat-lipat ng sport. Ode siya na talented!

“Yes, Coach?” sabi ni Arwill. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala siya kaya napanganga na lang ako sa pawisang itsura niya.

Ang walangya! Nagagawa pa ring maging gwapo kahit ang dungis ng itsura! Badtrip! Pano nangyari ‘yon?

“Kyaaaaaaah! Nasa harap natin si TRIPLE A!”

“Shake! Ang gwapo niya talaga!!!”

“We love you, Triple A!!! Aaaaaahhh!”

“Ngumiti siya! Aaaaaahhhh!!! Ang hot grabe! Huuuu!”

“Take it off! Take it off!”

Fans club na ituu. Grabe! Simula kasi nung Opening ceremony, dun nagkaroon ng fans club ‘yung SC members. Idagdag pa na kasali sa grupo si Ash. Artista pa naman ang isang 'yun. Wala naman akong pakielam, pinaliwanag ko lang. Sigurado naman kasing magkakafans club ‘yung bagong set of officers ng student council ngayon. Gwapo kasi lahat.

Etong katabi ko naman, ‘di na kumibo at nakatingin lang sakin. Problema nito?

“This is our ace player. ‘Yung sinasabi ko kanina.”

Napatango ako at tinignan si Arwill mula ulo hanggang paa. “Wala naman po yatang problema sakanya eh.” sa puso siguro meron po. Hindi naman counted yun ah.

“Meron.” Nangingiting sabi ni Sir.

“Tsk.” Ayan, nagsungit na naman. “Leave me alone, Coach. At ikaw, anong ginagawa mo dito?”

Wow ha. “Nagbe-belly dancing. Pasensya na po, Kamahalan. Sa susunod sa roof top na lang ako sasayaw.” Sarcastic kong sabi.

“Haha.” Walang kaemo-emosyong niyang sabi. Asar talaga ‘to.

“She would be working as a nurse in our team.” Sagot ni Sir. “Bakit? Ayaw mo ba?”

Napabuga ng hangin si Arwill. “Yari ka talaga sakin Ken.” bulong niya.

“You we’re saying?”

“Wala po, Coach. Babalik na ko sa field kung wala na po kayong sasabihin.”

“No. You have to rest. Umupo ka muna.” Iminuwestra ni Sir ‘yung bench sa gilid. Tumalima naman si Arwill.

“Ikaw na ang bahala sakanya.” He tap my shoulder bago asikasuhin ‘yung players niya.

I sighed at napatingin sa langit. Why, Lord? Why!

“Hoy, ikaw.”

“Excuse me, may pangalan ako.” Hmp. Ni hindi man lang ako magawang tawagin sa pangalan ako. Arogante!

Inignora niya lang ‘yung sinabi ko. “Alis na.”

Grabe talaga. Kalma lang Lauren, isipin mo na lang siya ‘yung batang inaalagaan mo sa ospital na pasaway. Kaugali niya kasi. Nilagpasan ko siya at pumunta dun sa lalagyanan ng towel at bottled water. Kumuha ko ng tig-isa at bumalik sakanya. “Oh.”

Nagpalipat-lipat ‘yung tingin niya sakin at sa hawak ko. Walang salitang kinuha niya na lang ‘yon. Tss. Wala man lang thank you.

“Your welcome.” Bulong ko.

Nagpunas na muna siya ng pawis bago uminom ng tubig. “Makakaalis ka na.”

Haaaynako. Hindi ko alam na ganito pala katigas ang ulo nito. Gustuhin ko mang umalis pero hindi talaga makatiis ‘tong konsensya ko. Kumuha ulit ako ng towel at bumalik sakanya. Umupo ako tapos pinatalikod ko siya.

“What are you doing?”

“Tumalikod ka na lang.” Dami pang arte eh.

“Tsk.”

Tinaas ko ‘yung shirt niya tapos pinunasan ko ng towel ‘yung likod niya. “Masama ang natutuyuan ng pawis lalo na sa likod.”

“Alam ko.”

“Good.” Sarap sapakin eh. Pasalamat siya, hindi ako war freak.

“Ako na.” Inagaw niya sakin ‘yung towel. “Leave.”

Ok lang naman na paalisin niya ko pero ‘yung magpathank you man lang, wala kong narinig. Pusong bato ang taong ‘to. Iiling-iling na tumayo ako.

Sayang. Ang pagkakaalam ko kasi,when a guy ask you to leave him alone, he’s actually just saying, “Please, come and listen to me.”

Pero sa nakikita ko kay Arwill?

Hmmmm.....

Parang hindi.

“Ang mga lalaki nga naman, napaka-emosyonal.” Bubulong-bulong kong sabi.

Aalis na sana ko nang humarang sa dadaanan ko ‘yung mga players ng baseball team.

“Hi, miss!”

“Uy! Kilala ko ‘yan ah! ‘Yung assistant ni Nurse Amy sa clinic. Saka magaling mag-advice ‘yan, pre!”

Parang kilala ko ‘yung huling nagsalita.

“Hi, Hon!”

Ah, sabi na eh. Si Jhay.

“Hon? Sira ka talaga.”

“Hehe. Sorry. Proud ex-boyfriend eh. *winks*” Landi ah. Kumindat pa talaga. Jhay is a jolly person, may pagka-playful din ang ugali niya kaya bagay sakanya magpa-cute.

“Ay patay tayo jan!” sabi nung isa. “Hindi pa rin nakakamove on.” tapos tinukso-tukso nila si Jhay. Nagkibit-balikat na lang ako at nilagpasan sila.

Baka kasi may masabi pang iba pag nagtagal pa ko dun. Issue na naman.

“Oh, Lauren, aalis ka na?” tanong ni Sir. “Teka, ipapakilala lang kita sandali.” Pumito ulit siya. “Boys, look. This is Lauren, she will be joining our team starting today.”

Natigil sila sa pagdadaldal. “Huh? Anong role niya Coach?”

“Hmm... manager.”

May narinig akong pumito at ngumisi, ‘yung iba hindi maipinta ‘yung mukha, ‘yung iba nakangiti at ‘yung ISA, walang reaction.

“Teka lang Sir, kanina Nurse? Ngayon manager?” taka kong tanong.

Napakamot sa batok si Sir. “Principal’s order.” Napangiwi ako.

Ang bilis naman ng confirmation at sa Principal pa galing. Mapipilitan akong ayusin ang schedule ko.

“’Yun lang ba, Coach?” tanong ni Arwill. “May gagawin pa kasi ko sa SC office.”

“Sige-sige mauna ka na.”

“Ok.”

Kinuha niya ‘yung bag niya saka nagdire-diretso. Umusog ako ng kaunti kasi dadaan siya sa gilid ko pero nagulat ako ng hablutin niya ‘yung kamay ko at sinama ako paalis. Nakarinig ako ng halo-halong asaran at tukusuhan mula sa team.

My heart skip a beat the moment na hinawakan niya ‘yung kamay ko. Agad na nagpanic ‘yung sistema ko kaya napabitaw ako sakanya. Pero ang mokong ayaw bumitaw. Asar!

“Uy, bitawan mo ko.”

Wala siyang narinig at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Ano bang problema nito? Tinignan ko siya pero naka-kunot-noo lang at diretso ang tingin sa dadaanan. Then his face soften a bit. At napahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pagtingin ko sa harap namin, nakita kong may babae at lalaki. They we’re cuddling each other. Ang sweet nila kung titignan. Maiinggit ang mga single kapag nakita ang dalawang ‘yun.

Bumalik ‘yung tingin ko kay Arwill kasi napapahigpit na rin ‘yung hawak niya sa kamay ko. “Ah, aray. Pipisain mo ba ‘yung kamay ko?!” sigaw ko sabay hinto sa paglalakad.

Nagulat naman siya at napatingin sakin. Parang ngayon lang niya naalala na kasama pala niya ko.

“Ang sakit ah!” sigaw ko ulit. “Aiiisshhh!” tinignan ko ‘yung kamay kong namumula.

“I’m sorry.” He sighed. “Patingin nga.” Maingat na hinawakan niya ‘yung kamay ko. Pero imbes na may gawin, nakatitig lang siya, parang biglang lumipad ‘yung utak niya.

Napatingin ulit ako dun sa couple di kalayuan sa kinatatayuan namin. Ah, at last they saw us. Nakita kong napakunot-noo ‘yung babae. Siya siguro ‘yon.

Binalingan ko si Arwill. At parang gusto kong mapabuntong hininga. He has the looks, the talent, the fame and even money. And yet, iniwan lang siya ng mahal niya. He doesn’t deserve it. No one deserves to be left out.

Eto ko, sa harap niya. Simpleng mamamayan ng Pilipinas, walang pakielam kahit hindi umunlad ang bansa niya basta nakakakain siya, three times a day. Isa ko sa mga taong mahihina ang puso. Kahit hindi mo kailangan ng tulong, ako na ang magpiprisinta.

At isa si Arwill, na makakaranas ng tulong ko. Na hindi ko rin inakala. Last na ‘to. Una’t huli.

“Hipan mo.” Nilapit ko sa mukha niya ‘yung kamay ko.

“Huh?”

“Sabi ko hipan mo para mawala ‘yung sakit.”

“Pano naman mawawala—“

“Osige, halikan mo na lang.” Sira ulo eh. Sumakay ka. Gantihan mo ‘yung sira ulong nang-iwan sa’yo.

“Tsk.” Nilapit niya ‘yung kamay ko sa mukha niya.

“Hala! Gagawin mo talaga?!” lol! Nagloloko lang naman ako. Potek! Hihipan lang!

Napangisi siya. At Oh My Gollywow! Syete! Parang gusto kong mapatili sa ngiting ‘yon. Nagpanic na naman ulit ang sistema ko. Hindi kasi ko sanay na ngumingiti siya sakin.

“’W-wag na nga.” Nagbago na isip ko. Tumalikod na ko at naglakad. Mali. Mali na namang tumulong sa lalaking sawi. Lauren, ‘wag mo ng ituloy. Mapapahamak ka lang!

“Wait.” May humawak sa braso ko. “Sorry na nga.” Hinawakan niya ulit ‘yung kamay ko at minasahe. Habang ako, nakatitig lang sa ginagawa niya.

Anong nangyari? Pano kami nagkaroon ng ganitong moment? Parang ‘di ako sanay.

“O-ok na.” Binawi ko na ‘yung kamay ko. Nasarapan eh.

“Hindi pa ok.”

“Huh?”

“Kulang pa.”

“Ng?”

“Nito.” mabilis na hinalikan niya ‘yung kamay ko. Kasing bilis ng pagtibok ng puso ko pagkatapos niyang gawin ‘yon.

Takte! Ano bang nangyayari! Kanina lang kontrol ko ‘yung sitwasyon ah. Arrgghh.

Lintek! Kinikiklig ba ko?!

“Wala na siya.”

“H-huh?” umayos ka Lauren.

“’Yung ex ko.” balewala niyang sabi.

“Ah, nakaalis na pala.”

“How’d you know her?”

Nag-isip ako. Sasabihin ko bang napaka-transparent niya pagdating sa feelings niya kaya madali kong nakilala ‘yung babae? “Hmmm... Ahm... Instinct.”

“Talaga lang ah?”

“Talagang-talaga.”

“Sige. Maiwan na kita jan.” Tapos basta-basta na lang siyang naglakad paalis.

“Hindi ka man lang ba magpapasalamat?”

Napahinto siya sa paglalakad at tinignan ako. “Para saan?”

Binuka ko ‘yung bibig ko para barahin ko siya kaso, sinara ko na lang ulit. Oo nga naman, hindi nga naman siya humingi ng tulong.. pero kasi... ‘yung mukha niya kanina...

“Sabi ko nga...” dapat di ko na lang ginawa. Hay, antanga mo talaga Lauren. Yan tuloy. Supalpal ka ng kasungitan niya.

Tumalikod ako at tinungo na ‘yung papuntang clinic. First time kong makatanggap ng ganung reaction mula sa isang taong tinulungan ko. I guess, masyado talaga siyang nasaktan kaya ganun na lang siya umasta.

Hmm... ano kayang ginawa nung babae? Bakit ganun na lang ‘yung impact niya kay Arwill?

Continue Reading

You'll Also Like

77.9K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
441K 11.9K 55
Paano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanil...
358K 7.3K 46
"Dont fall for me Eliana. Coz i cant love you back."- THEO ALEXIS FEREZ
1.9M 33.6K 75
"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-mani...