Hey Sir! I Love You! (FINISHE...

By Psychedeliiic

832K 16.2K 1K

Eh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physic... More

P R O L O G U E
C h a p t e r (o1)
C h a p t e r (o2)
C h a p t e r (o3)
C h a p t e r (o4)
C h a p t e r (o5)
C h a p t e r (o6)
C h a p t e r (o7)
C h a p t e r (o8)
C h a p t e r (o9)
C h a p t e r (1o)
C h a p t e r (11)
C h a p t e r (12)
C h a p t e r (13)
C h a p t e r (14)
C h a p t e r (15)
C h a p t e r (16)
C h a p t e r (17)
C h a p t e r (18)
C h a p t e r (19)
C h a p t e r (2o)
C h a p t e r (21)
C h a p t e r (22)
C h a p t e r (23)
C h a p t e r (24)
C h a p t e r (25)
C h a p t e r (26)
C h a p t e r (27)
C h a p t e r (28)
C h a p t e r (29)
C h a p t e r (3o)
C h a p t e r (31)
C h a p t e r (32)
C h a p t e r (33)
C h a p t e r (34)
C h a p t e r (35)
C h a p t e r (36)
C h a p t e r (37)
C h a p t e r (38)
C h a p t e r (39)
C h a p t e r (40)
C h a p t e r (41)
C h a p t e r (42)
C h a p t e r (43)
C h a p t e r (45)
C h a p t e r (46)
C h a p t e r (47)
C h a p t e r (48)
C h a p t e r (49)
C h a p t e r (5o)
C h a p t e r (51)
C h a p t e r (52)
C h a p t e r (53)
C h a p t e r (54)
C h a p t e r (55)
C h a p t e r (56)
C h a p t e r (57)
C h a p t e r (58)
C h a p t e r (59)
E P I L O G U E

C h a p t e r (44)

9.2K 196 6
By Psychedeliiic

***Wala na talagang nagcocomment. Huhu. Lels. 

C h a p t e r (Forty Four)

Tapos na ang intrams and isa lang ang ibig sabihin niyan, sembreak naaaaa~! Sembreak means more time with Jace. Hihihi. Londeee.

“Badtrip! Dapat talaga tayo over-all champion, eh!” narinig kong reklamo ng isa kong kaklase habang pinagmamasdan ang mga juniors sa stage na nagpipicture picture at hawak hawak ang malaking gold trophy nila.

“Kaya nga! Kung hindi lang umarteng nafoul yung Roxas na ‘yun edi sana panalo na tayo!” pagsang-ayon naman nung isa. “Best actor pota!”

Napailing nalang ako sa mga sinabi nila. Ambibitter nila koya oh! Tsk tsk tsk. Dapat sports lang sila no.

“Shara!!!” hinihingal-hingal na lumapit  sakin si Geoff. Kumunot naman ang noo ko sakanya.

“Problema mo?” tanong ko at nagcross arms.

“Shit! Ang mga walangya kong kuya!” nanlaki naman ang mga mata ko.

“Bakit? Anong meron?!” hala! Hindi kaya may nangyaring masama kanila kuya Dren at Marc?

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita. “Gusto ka ulit nila makita.”

“HAAAAAAAAA?! Na naman?! Baket?!”

“Ewan ko nga, eh! Peste!”

“Hala ka! So pupunta ako sainyo ngayon?” tumango siya. “As in now na?!”

“Oo nga!” atsaka umirap.

“Dapat sinabi mo na nagbreak nalang tayo!” nagpapadyak ako doon.

“Hayaan mo bukas, sasabihin ko na nagbreak na tayo!” iritado niyang sabi.

“Tsk! Naman eeh.”

Akala ko pa naman maaga akong makakauwi ngayon! Huhu gusto ko pa namang maghanda ng madaming pagkain!

“Tara na!”

Palabas na sana kami ng court ng tinawag kami nila Nela.

“Geoff! Shara!” sabay naman kaming lumingon na dalawa.

“Uy!” nginitian ko sila.

“Uwi na kayo?” tanong naman ni Rie.

“Ah oo, eh. Bakit?”

“Hala! Ang aga naman!”

“Oo nga! Maya na kayo umuwi! Sama muna kayo samin! Kakain kami! Manlilibre si Ralph!”

Oooh… manlilibre daw!

“No, thanks. Nagmamadali na kasi talaga kami ni Shara. Ge!” tsaka ako medaling hinila ni Geoff palayo sakanila.

“Ah sige! Babye! Enjoy kayo!” awkward akong ngumiti sakanila habang hila-hila ni baklito palabas ng court.

Pinuntahan namin yung motor niya tsaka siya naunang sumakay doon. Napansin niyang hindi parin ako sumasakay kaya inis siyang bumaling sakin.

“Oh ba't di ka pa sumasakay?” nakataas-kilay niyang tanong.

“Kainis naman kasi! Gusto ko pa namang sumama don!” lumabi ako. Shiz! Libre din yon ha!

“Mukha ka talagang libre no?!”

“Eh sino ba naman kasing gustong tumanggi sa libre diba?!” sagot ko naman.

“Parang hindi kita nililibre ng lunch araw-araw, ah?”

“Eh iba naman kasi to.” Bumuntong-hininga ako. Hay mabuti pang wag nalang makipagtalo! Sayang laway! “Tara na nga!” atsaka ako dahan-dahang sumakay sa likod at isinuot ang helmet na iniabot niya.

“Umayos ka mamaya ah!” banta niya sakin dahilan para mapairap ako.

“Wow ah! Parang ngayon palang ako  pupunta sainyo ha?!”

***

“Shara! Long time no see!” agad akong inakbayan ni kuya Dren papasok sa loob ng bahay nila. Kita ko naman sa peripheral vision ang pag-iling ni baklito na parang disappointed siya sa mga nangyayari.

“Oo nga kuya eh. Hehe.”

“Musta ka na? Musta kayo nitong utol ko? Mabuting boyfriend ba?” ngumisi siya at itinaas baba ang dalawang kilay.

Pero bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni baklits. “Asan si kuya Marc?”

“Nagliligpit ng kalat. Pinagalitan kasi ni mama. Haha!”

Matagal bago naprocess ng utak ko ang narinig.

Mama…

As in nanay…?

Mama ni Geofferson…

ANDITO!?!?!

“Nandito si Mama?!” gulat na gulat na tanong ni Geoff. Gusto kong tawanan ang itsura niya. Pano kasi, parang naubos ang lahat ng dugo sa muka!

“Yep. Naghalf-day lang siya.”

“Oh shit…” mahina pero rinig kong mura ni Geoff.

“Oh bakit?” nagtatakang tanong sakanya ni kuya Dren.

“Wala.” pero halata parin sa muka ni Geoff ang kaba.

“MA! ANDITO NA SILA!” sigaw ni kuya Dren nang makarating kami sa sala. Andoon naman si kuya Marc na kasalukuyang inaayos ang mga unan sa sofa.

“Uy andito ka na pala! Hi Shara!” bati niya pagkakita sakin. Bigla naman itong ngumiti at sumigaw.   “MA ANDITO NA YUNG GIRLFRIEND NG BUNSO MO! BUMABA KA NA DIYAN!”

“Talaga?! Sandali lang!” sigaw ng isang babae mula sa taas.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hala! Ano kayang sasabihin ng mama ni Geoff pag nakita ako?!

Agad naman akong lumapit kay Geoff at bumulong sakanya.

“Shiz. Masungit ba yung mama mo?” kinakabahan kong tanong sakanya.

“Basta akong bahala…” bulong niya pabalik.

“At ako ang kawawa?” naiinis kong sagot.

“Asaan na ang girlfriend ng bunso ko?” napalingon kaming parehas sa nagsalita. Isang babaeng naka-bun ang buhok at nakablue dress ang tumambad sa amin.

“Hi ma.” Agad lumapit doon si Geoff at humalik sa pisngi. Pero alam niyo yun? Parang labag lang sa loob niya. Lol.

“So where is she?”

“Grabe ma, atat lang?” natahimik si Geoff nang tingnan siya ng matalim nito. Ooohh…

Humalakhak naman si kuya Dren at itinuro ko. “Ayun siya oh!”

Holy shiz. Hindi ko alam pero natuod ako sa kinatatayuan ko nang mapunta sakin ang tingin ng mama ni Geoff. Tiningnan niya ako ng matagal  na para bang minimemorize ang bawat detalye ng pagkatao ko. Shit! Ayoko ng ganito! Naiilang ako!

“H-hello po…” naiilang kong sabi. Nice! Talagang nautal pa ako ha! Badtrip.

“Come here,” pinag-iisipan ko kung lalapit ba ako doon pero in the end ay hinakbang ko narin ang mga paa ko.  “Your name is?” nakataas-kilay siya nang itanong yan sakin. Grabeti! Nakakatakot po siya infairness! Huhu.

Isang matinding paglunok muna ang ginawa ko bago nagsalita. “Shara po. Shara Mae Valle, ma’am.”

Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin. Kruuuuuu. Bakit ganito? Ano ba? Hindi na ba magsasalita itong mama ni baklito?

Maya-maya pa ay biglang nagliwanag ang muka niya at dahan-dahang ngumisi. Naguluhan naman daw ako dun.

“Finally! Nice to meet you, Shara! And call me tita, okay?” atsaka niya ko niyakap at iswinay sway pa. 

Awkward akong tumawa kasi hindi ko alam kung anong dapat sabihin ko. Nakakagulat naman kasi itong mama ni Geoff! Bilis magpalit ng mood!

“Ah… nice to…meet you din po. Hehe.” Niyakap ko siya pabalik at pinanlakihan nalang ng mata si Geoff na nanonood lang samin ng nanay niya.

Mabuti nalang at naisipan na akong pakawalan ni tita (wow tita?) kundi baka tumigil na ako ngayon sa paghinga. Grabeng higpit din naman kasi nung yakap niya!

“Come! Let’s eat!”

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano habang nasa hapagkainan. Ang sarap magluto ng mama ni Geoff! Dabest! Isang oras din siguro ang lumipas bago ko napagpasiyahang umuwi na. Malapit na kasi ang uwian ni Shami. Kailangan ko pang sunduin yon.

“Sige po tita, una na po ako.” Paalam ko nang nasa pinto na kami.

“O sige. Ingat kayo ha! Balik ka ulit dito! I like you for my son!” kinindatan niya pa ako.

“Nice naman! May basbas na agad ni mama si Shara!” panloloko ni kuya Marc.

“Oo nga! Bakit kami wala pa?!” reklamo naman ni kuya Dren.

“Magtino muna kayo kung gusto niyong mabasbasan ko mga girlfriend niyo!”

“Awww.” Sabay nilang dalawang sabi kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ang cute lang.

“Sige na, ihahatid ko pa to.” Entrada naman ni Geoff.

Nagpaalam lang ulit ako sakanila bago tuluyang umalis. Napangiwi ako. Deep inside ay nagiguilty ako. Alam niyo yun, hindi naman ako tunay na girlfriend ni Geoff pero tanggap na tanggap ako ng pamilya niya? Oh shiz. Ano kayang mararamdaman nila pag nalamang kasinungalingan lang lahat ng ito?

“Don’t worry. Last na talaga yun.” ani Geoff nang huminto kami sa tapat ng school ni Shami.

“So sasabihin mo talaga bukas sakanila na kunwari break na tayo?”

“Yeah.” Napabuntong-hininga nalang ako.

“Nakakaguilty, Geoff.”

Tumaas ang isa niyang kilay. “So anong gusto mo? Totohanin nalang natin?”

Nagpanic naman agad ang kaluluwa ko. “YUCK SIYEMPRE HINDI NO!”

“Buti naman. Kasi ayoko rin.”

Agad ko nang pinaalis si Geoff bago pa siya tuluyang makita ni Shami. Mamaya anong namang makwento nun kay Jace. Edi lagot na naman ako! Alam niyo naman yung batang yung diba? Hays.

Pagkalabas ni Shami ay bumili kami ng ice cream atsaka naglakad pauwi. Nalaman kong sa Friday pa ang sembreak nila. Wow ah, nauna pa kami? Lels.

Malapit na kami sa bahay nang matigilan ako kaya napatigil rin si Shami.

“Ate, bakit?” tanong niya sakin habang nginunguya ang cone ng ice cream niya.

Kumunot ang noo ko. Sa tapat ng bahay ay may nakatayong isang babae na nasa 30's na siguro at halatang may hinihintay. Sino to?

Mukang napansin niyang may nakatingin sakanya kaya agad na nagtama ang paningin namin. Nanliit ang mga mata ko. May kamuka siya…

“Shara!” hindi ko alam pero bahagya akong napaatras nang ngumiti siya sa akin at naglakad patungo sa direksyon namin.

“Ate sino po siya?” malakas na tanong sakin ni Shami na mas lalong nagpalawak sa ngiti ng babae.

“Is this…” bumaba ang tingin niya sa kapatid ko na ngayon ay confused lang na nakatingin sakanya.  “your sister?”

“Sino po kayo?” mariin kong tanong. Natawa naman siya nang marinig ang tanong ko.

“Oo nga pala! Nakalimutan kong magpakilala!” ngumisi siya at hindi ko nagustuhan iyon.

Ngayon alam ko na kung sino ang kamuka niya…

Kamuka niya si Mama…

“I’m your tita. Tita Liezel.”

Continue Reading

You'll Also Like

44.1K 2.1K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
714K 12.3K 47
Granville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon...
11.7K 600 44
♡♡PERFECT PAIR♡♡ by: JmEm_03 COMPLETE Sa buhay, lahat ng tao ay may kinakaharap ng suliranin. Ang tanging kailangan natin ay ang pananalig sa KANYA a...
36.3K 772 40
ALYSSA VALDEZ AND KIEFER RAVENA TEAM UP TEAM KIEFLY ANG TEAM THIRTY name lang po nila ang ginamit ko kasi love ko yong love team nila tas idol ko si...