Girl of Never : Days to Love...

By TheCatWhoDoesntMeow

613K 25K 8.3K

He is the universe. - Jianna Arcenas More

Copyright
Read Me First!
Signature
Day 02 : He
Day 05 : Eye to eye
Day 07 : First
Day 07 : Lunch
Day 10 : A good, bad thing
Day 25 : Not yet
Day 26 : Rain, thunder, lightning
Day 26 : For you
Day 26 : Something weird
Day 37 : Prison
Day 38 : Experiment
Day 73 : Swiftly
Day 76 : One step forward, two steps back
Day 77 : Humor me
Day 77 : Probe
Day 136 : Fifth of a second
Day 136 : A wall away
Day 137 : Taunt
Day 142 : Hug
Day 142 : I miss you
Day 142 : Selfish wishes
Day 143 : Drunk and sober
Day 144 : Blanks
Day 144 : Mistletoe
Day 145 : Restless
Day 145 : Blue roses
Day 152 : 2 AM
Day 360 : A good day
Day 360 : The same kind of restless
Day 360 : Yearn
Day 361 : Presents
Day 361 : Warm
Day 362 : Three words
Day 362 : First time
Day 363 : Long midnight
Day 367 : Tangled
Day 368 : Sunset
Day 370: Home

Day 367 : August 5

13.9K 559 89
By TheCatWhoDoesntMeow

***

"Ang gwapo ng tinititigan mo, 'no?" mahinang sabi ni Harry habang nakapikit. Nakatukod ang braso niya sa bilugang couch sa coffee shop, salo ang ulo niya.

He's supposed to be sleeping.

"Gising ka na? Okay na nap mo?" I asked. Fifteen minutes pa lang siyang pumipikit mula nang maupo kami ro'n. Napaaga ang arrival namin sa airport at hinihintay namin ang family niya.

Maliit siyang nagmulat. Minasahe ng dulo ng mga daliri niya ang temples niya.

"Masakit ulo mo?" I asked again. I wouldn't be surprised if he's tired or if his head ached. Sa buong flight namin ay nasa laptop siya; nagbabasa ng laboratory reports tungkol sa research, nag-conference call sa Stanford, at nagbigay ng directives sa research team. I offered to help him read but he refused. Hinawakan niya lang yung kamay ko habang busy siya. Sinubuan ko siya ng snack kapag pwede dahil engrossed siya masyado sa ginagawa niya.

He said that he's expected to go back to the lab by Monday. May initial development na raw sa newly engineered grafts na ginagawa nila.

Kinuha ni Harry ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. "Medyo masakit. Pero ang cute mo magtanong kaya okay lang ako." Bumaba ang mata niya sa pasta na nasa mesa namin. "Bakit wala pang bawas 'yung pagkain mo? Tinitigan mo lang ako mula kanina?" Naningkit ang mata niya sa'kin, speculating. "Iba na 'yan, Aling Jia. Alam kong mahal na mahal mo 'ko pero ibang level ng kelegs 'yan. Don't make me too happy."

Ah, this guy. Nailing ako at mahinang natawa. "I do love you but you're thinking too much, Ginoo. Kausap ko si Auntie kanina sa phone kaya hindi pa 'ko nakakain. Nakausap ko na rin si Helga. On the way na raw sila."

"Ibig sabihin, kung hindi mo kausap si Tita kanina, kakain ka habang tulog ako?" usisa niya. Sigurado akong nangungulit lang base sa ngisi niya. Nilalaro niya yung mga daliri ko na hawak niya.

"Oo. Sabi mo, eh. Shouldn't I?" I probed.

"'Ayun. Masunurin naman pala," sabi niya at ngumiti. Ang singkit ng mata niya.

"Kain na," aya ko at inilagay sa kamay niya ang tinidor.

We have pasta and white bread along with the coffee. He was squinting his eyes kahit na hindi naman gano'n kaliwanag sa coffee shop. I worried that he was too tired for the day. It's his birthday pero ginawa niyang laboratory office niya ang eroplano. Pupunta pa kami sa puntod ni Neah bago tuluyang umuwi sa kanila.

"You should sleep more kapag nasa sasakyan na tayo. It might be a little traffic on the way to Neah," sabi ko sa pagitan ng pagsubo.

He wiped the corner of my lips with a tissue. "Klutz. Inaakit mo ba 'ko sa sauce, Jianna? Public place 'to. Don't make me kiss you."

"Hey. Seryoso ako sa sinasabi ko. You look tired to do all the things we planned for the rest of the day," sita ko.

"Yes po, Aling Jia. Iidlip ako sa sasakyan basta hindi ka kakabahang makipag-usap kina Dad," sabi niya.

Nagsikip sa tensyon ang sikmura ko. Parang may sumisirko uling asido. I'm going to meet his parents and I don't know how to present myself properly. Yet, I said, "Nope. I'm good to meet them."

"Kaya pala namumutla ka," puna niya at mahinang tumawa. "Don't worry about them. Istrikto lang sila. Tititigan ka lang nina Dad at Mom para kilatisin pero mabait naman sila. Tapos igigisa ka sa maraming tanong kung ga'no mo 'ko kamahal pero mabait naman sila. 'Pag natulog ako, baka ipagtanggol ka naman ni Helga kahit na hindi 'yun sanay pumiyok kapag may kinikilatis sina Dad."

My hand froze while clutching the fork for my dear life. Is he comforting me or tripping me?

Humalakhak si Harry.

"Why are you laughing?!" sita ko.

Pinisil niya ang ilong ko. "Ang cute mo ma-tense, Jianna. Relax. They will love you. Ako nga, na-RIP sa'yo, eh. Malinaw mata nina Mom at Dad. Madali nilang makikita kung bakit kita mahal."

Inangilan ko siya pero pinisil niya lang uli ang ilong ko.

"Eat. Sa pagkain ka bumawi kapag pagod ka. I'll nag on you if you don't," sabi ko.

"Nag ka lang. Sa mga ganyan ako nai-in love sa'yo eh."

I glared at him but he already shifted his focus on food.

"Tikman mo 'yung pasta ko," he said and offered me a fork of pasta.

I opened my mouth to his offer.

"Good?"

I nodded when the sour flavor flooded my taste buds. Ngumuya ako. My pasta's white and his is red. Alam kong nililibang niya 'ko para hindi ko pansinin na pagod siya. I'll go with it for now but he won't be able to escape my nagging if he's pushing himself to his limits.

"It's okay kahit mapagod ako ngayon basta katabi kita matulog mamaya. Inaayos nila 'yung guest room kaya kuwarto lang namin ni Helga ang available," sabi ni Harry.

I was about to open my mouth but a voice interrupted me.

"Hindi mo makakatabi si Ate Jia kasi sa kuwarto ko raw siya matutulog, sabi ni Dad."

Napabaling ako kay Helga na nasa tagiliran ng upuan ko.

"H!"

"Hello, Ate! Welcome back!" bati ni Helga at yumakap sa'kin.

Gumanti ako ng yakap at bahagyang nakita ang pagsimangot ni Harry. Then, their Dad and Mom came into view.

"Mabuti na lang at napaaga ang arrival n'yo. Hindi pa traffic," their Mom said.

Napatuwid ako ng tayo sa harap ng dalawang bagong dating, bago natigilan. Their Dad looked very familiar. He's the family friend from when I was hospitalized.

"You're here," sabi lang ni Harry bago yumakap sandali sa parents niya. Ang higpit ng yakap ng Mommy niya, parang ayaw siyang pakawalan. Then he stood beside me and held my hand. "Si Jianna po, mamanugangin n'yo."

I flashed what I thought to be my best smile. Pero mahirap panindigan. My heart labored in my chest. Tension weighed in my stomach. I'm sure na namumutla ako.

Harry made the formal introductions. Si Doctor Patrick Lastimosa, neurosurgeon. Si Doctor Ludy Lastimosa, cardio-thoracic surgeon. They both smiled at me, but the knot in my stomach tightened. Nakatitig kasi sila.

Umakbay si Harry sa'kin. "'Ayun. Naninigas na si Jianna, Dad."

Pinanlakihan ko ng mata si Harry bago ako bumaling sa Dad niya. Huminga ako nang malalim.

"Uh... You're the man in the hospital po, right? Ano... thank you for looking after me po." I bit and un-bit my tongue. I don't know what to do with my words to translate everything I wanted to say. Ilang ulit dumalaw ang Dad niya no'n sa'kin para i-check ang kondisyon ko.

Ngumiti si Dr. Patrick. "My son left me with no choice. Kung hindi ako personal na titingin sa'yo, this stubborn boy would have insisted in coming to the hospital himself even with the wrath of the director. Matitigas ang ulo ng mga anak ko kapag umiibig."

Sabay kaming napangiti ng Mom nila bago ito naman ang nagtanong. "How are your injuries, Jianna? You healed well?"

"Yes po, Tita--"

"Mommy," sabay na singit nina Harry at Helga.

"--Magaling po ang doktor ko."

"I looked into her scars when we're in Minnesota, Mom. She healed well," sabi ni Harry.

He's actually very strict about it. I have a three-inch scar sa kanang balikat ko na lagi niyang hinahalikan. May scar din ako sa right rib area due to pneumothorax at stitch sa naging injury ko sa tuhod. Nilalagyan niya ng scar treatment lahat ng pilat ko.

"You should. Jianna took good care of you at the lab, even when you were difficult," sabi ni... Mom.

Helga giggled. Mukhang siya ang nagsabi.

"Gano'n kasi ang tunay na pag-ibig, 'My. Makapangyarihan," sabi ni Harry at mahinang tumawa.

Hindi ako makatawa dahil nakatingin pa rin sa'kin ang parents nila.

"Let's go na po, Dad, bago ma-heart attack si Ate Jia. She looks frozen," singit ni Helga at kumabit sa braso ko. "Let's go sa sasakyan, Ate. Sina Kuya at Dad na ang bahala sa baggage."

"Huh? Wait--"

"Kulit, dahan-dahan sa paghila sa tunay kong pag-ibig! At kami ang magkatabi sa sasakyan. 'Wag kang sisingit," bilin ni Harry.

Umirap lang si Helga at hinagip ang braso rin ni Mommy. "Let's go, 'My."

Nauna kaming tatlo na maglakad papunta sa exit. Paglingon ko, nakita kong nag-uusap sina Dad at Harry habang hila nila yung dalawang maleta namin. Sukbit ni Harry yung handbag ko. Pagsulyap niya sa'kin, kumindat siya at ngumiti.

I blushed. Pa rin.

***
"The flowers are okay pa diyan sa likuran?" tanong ni Mommy.

"Yes, 'My," sagot ni Helga.

"Watch for all the suitcases. Baka matumba at maipit ang bulaklak. Susungitan ka na naman ni Kuya mo," mababa ang boses ni Mommy nang sulyapan si Harry na natutulog sa tabi ko. "Malubak. Malapit na tayo kay Neah."

Harry's a sleeping octopus. If we're in bed, we're going to be tangled--with the real sense of the word. Pero dahil nasa second row lang kami ng van nila at napapagitnaan nila 'ko ni Helga, pinakabit na lang niya 'ko sa braso niya bago hinawakan ang kamay ko. He wanted to hold both of my hands but we dismissed it since it was impossible; maliban kung yayakapin niya 'ko. I strongly decided against him hugging me in front of his parents, kaya isinandal na lang niya ang ulo niya sa balikat ko.

"I'm looking after the flowers, 'My," sabi ni Helga at bumaling sa'kin. "Okay ka lang, ate? Dikit na dikit si Kuya sa'yo."

"Yeah," bulong ko. "Sanay na 'ko."

"Ang bilis mo masanay."

"Fast-learner ako," sabi ko.

She giggled. "Fast-learner ka nga. Nakukuha mo na language ni Kuya."

Huminto ang sasakyan sa harap ng sementeryo kung nasaan si Neah. Lumingon si Dad sa'min--kay Harry.

"Patulugin pa natin siya nang kaunti. He's tired."

Ngumiti ako kay Dad at napapisil sa kamay ni Harry. Sa buong biyahe, habang tulog si Harry, ay ikinuwento ko sa kanila kung gaano ka-busy ang anak nila sa eroplano. They thanked me again and again for being with him, na parang hindi matatapos ang pasasalamat nila.

Wala naman akong ginawang notable.

After about ten minutes, nagmulat si Harry at bumaling sa amin.

"We're here?" he asked, his baritone deep from sleeping. He looked outside the car.

"Yes. Kawawa ka kasing natutulog kaya pinaidlip ka pa namin," sabi ko sa kanya.

Isinuklay niya ang daliri niya sa buhok niya. Napasapo sa mukha. "I'm okay. Ikaw?"

"I'm good."

"Tara kay Neah?"

Tumango ako.

"Mauna na kayo, Harry. Kami na ang magdadala ng mga pagkain," sabi ni Mommy.

Sumang-ayon si Harry. Iniabot ni Helga ang bouquet ng bulaklak para kay Neah bago kami tuluyang lumakad.

We entered the dimlit cemetery and crossed several pathways.

"It's your first time to be here?" untag ni Harry.

"No. Nakabisita na 'ko sa tomb niya nang ilang beses. Nami-miss ko lang lagi ang anniversary since parehas sila ng anniversary ni Mommy," sabi ko.

"Oo nga pala. We'll go to your Mom tomorrow."

"Pwede namang ako lang. You should rest. May lab ka sa Monday."

"And missed the chance to meet your parents? No. I'll be with you. Do'n na 'ko manggagaling sa'yo bago pumunta sa lab."

I couldn't argue.

We arrived at the mausoleum. Gated. Nakatakas sa rehas ang ilang stalk ng bulaklak na nakatanim sa loob mismo ng museleo.

Kinuha ni Harry sa pants niya ang susi at binuksan ang gate. Nasa gitna ang puntod ni Neah.

He held my hand and sighed before we entered. We stood in front of Neah's epitaph.

"Jineah," he said, "we're here."

Napalunok ako sa lumanay ng boses niya. Sanay na akong marinig siyang binabanggit ang pangalan ni Neah ng may lambing, may lungkot, at may pagmamakaawa... pero iba ang boses niya ngayon: magaan, masuyo.

Ibinaba ni Harry ang bulaklak sa harap ng puntod.

"I told you I'd bring her the next time I visit," simula niya at lalo akong hinigit sa tabi niya. "We look good together, right?"

Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa pangalan ni Neah.

"You didn't fail in bringing me happiness and love, Neah. You lead Jianna to me. Obviously, too. And she is all the happiness and love I would need in this life. So, rest easy now. I'll make her happy the way she makes me."

Ngumiti ako at kumapit sa braso niya. Bumaling sa'kin si Harry at hinalikan ako sa sentido.

"Ikaw, Aling Jia? May sasabihin ka kay Aling Neah?" tudyo niya.

Idinikit ko lang ang pisngi ko sa braso niya at ngumiti. "Nasabi ko na."

"Talaga? Parinig."

"Ayoko nga. Sabi mo, don't make you too happy."

"I want to be too happy now," giit niya.

"No," sabi ko lang.

"Isusuko mo na agad ang kaligayahan ko, Aling Jia? Unfair."

Pero ngumiti na lang ako. I lied. Wala pa 'kong sinasabi kay Neah dahil nakikinig ako sa kanya.

"Nandito rin sina Mommy, Daddy, at Kulit. Dala namin 'yung mga pagkaing gusto mo," dugtong ni Harry.

Pinakawalan ko ang hangin sa dibdib ko. This feels too good. I thought I'd feel awkward to stand beside Harry in front of Neah. But I felt fine.

Hey, Neah. He's doing well. You can see it, right? I'll do good with the promise I made you: I'll love him thoroughly and completely. I'll love him without regrets.

Ilang sandali pa, narinig namin ang mga yabag nina Mommy, Daddy, at Helga. Pumihit kami ni Harry para sumalubong sa kanila.

We stayed with Neah until seven in the evening. #0453h / 03032017

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
517K 20K 42
Bad Girl Series #1: Zarin Dela Costa Madalas nating itinatago ang totoo lalo na pagdating sa mga bagay na nararamdaman natin dahil takot tayo sa kung...
61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
24.4K 1.1K 63
A beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the...