Pretend

By Arca_sen

103K 4.2K 364

"I'm not going to pretend to be his bride!"- Yukki "Love is just a word but too painful to feel." - Snow [COM... More

Prologue
Pretend Characters
Wedding Day~
Halloween
Bookstore
Thinking of him
Bonding
Beach Volleyball
Yukki and Senon
Him
Note
Plan
Korea
Back to the Philippines
Trouble
Save Him
Disgusted
Trauma
Vanessa Seiki
Vienne Ford Jimsckon
You'll be Okay
Missing you
Special News
Suspicious Cousin
The First Revelation
The Handkerchief
Second Revelation
Angel's Wings
Cooking Lesson
Talk
Telling The Truth
Dexter Riley Parker
Gone
Safe and Sound
Finding Yukki
I've found you
Case Closed
Asking Permission
My Confession
Our Ending
Special Chapter
Unexpected Love

Sudden Marriage

7.6K 244 11
By Arca_sen

Yukki's PoV

My name is Yukki Jace Velamore, 23 years old.

"Kuya!! Tawag ka ni Mama!" Ang sumigaw kanina ay ang kambal ko na si Yura Christine, minuto lang ang tanda ko sa kaniya pero kahit ganoon eh nagkukuya parin siya.

Bumaba na ako at umupo sa tapat ni Mama, katabi naman nito si Papa at sa kabilang upuan naman eh si Yura.

"Magpapakasal na ang kapatid mo." Hindi na ako na-surprise sa sinabi ni Mama kasi simula una palang alam ko naman yun, pero parang may gusto pa silang sabihin.

"Spill it." Napayuko naman agad sila at parang hindi magandang balita ito para sa'kin.

"Next week na sila ikakasal at.." napatigil ng saglit si mama sa pagsasalita na para ba itong naga-alinlangan.

"Ayun nga lang nagkasakit naman 'tong kapatid mo." Tinignan ko si Yura at mukhang okay naman siya.

"Normal naman siya ah." Sabi ko habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Narinig ko namang bumuntong hininga si Papa.

"She has Dengue." Dengue? Edi dapat nasa hospital bed na ito at may dextrose.

"Hindi halata." Sabi ko sabay taas ng kilay.

"Warning signs palang. Kaya baka hindi pa siya magaling sa araw ng kasal nila. Kaya naman Yukki...ikaw muna ang papalit sa kaniya sa pagiging bride." Lumaki ang mata ko sa nasabi ni mama sa akin. Lalaki ako bakit naman naisipan ni mama 'yon.

"Pwede niyo naman ipostponed." Pagdadahilan ko pa.

"Ayaw nila eh. Sinabi na namin na baka pwedeng ipostponed ang kasal pero hindi sila payag dapat daw mapakasal na sila." Hindi ko alam ang sasabihin, bakit gusto agad nila magpakasal, may sakit pa ang kambal ko bakit hindi nila pwede ipostpone.

"Wala na bang ibang paraan ma? I'm a guy at si Yura mismo ang dapat na nasa mismong kasal nila at hindi ako kaya no ma, I won't, and never." I said as I stand up to go upstair but stop when my father said something.

"Hindi ba sinabi mo na gusto mo na bumukod sa amin at magkaroon ng sariling buhay, at maliban doon hindi ka na namin papakialaman sa mga desisyon mo." Sa sinabi ni papa ay tama ang mga 'yon. Ever since that person died ay nagkulong lang ako sa kwarto ko at hindi na masiyadong lumalabas.

"Just the Wedding day?" I ask para sure na sa Wedding day lang ako magpapanggap.

"Just on the Wedding day, we promise! And after that kambal mo na ang bahala. You can do whatever you want." My Papa said as he smiled. I think for a while. Just on the wedding day at malaya na ako. Wala ng sesermon sa akin.

"Deal." At umakyat na ako sa kwarto. Just on the wedding day.

Pagkatapos ng araw na 'yon ay na-confined na si Yura sa hospital. Hindi namin alam kung mga ilang araw siya doon.

Halos binibisita ko rin siya araw-araw. Bringing her some fruits and drinks.

"Kuya. Nakita mo naba ang magiging asawa ko?" Laking ngiti niyang tanong. Come to think of it. Never ko pang nakikita ang magiging asawa nito. Nung mga nakaraan ko nga lang nalaman na engage na sila nito.

Umiling ako sa kanya na nagsasabing 'no' at masaya niyang kinuha ang cellphone nya at may parang hinahanap.

"Eto--" naputol ang sasabihin ni Yura ng pumasok ang bestfriend niyang si Mark.

"Akalain mo yun, nagkakasakit karin pala."sabay tawa nito kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Yura kaya hindi na niya tuloy napakita ang picture sa'kin.

"Kung mang-aasar kalang lumayas kana!"

"Eto di mabiro!" nag-asaran pa sila lalo. Habang tinitignan ko sila ay para silang aso't pusa. Hindi ko nga alam kung bakit hindi sila nagkatuluyan.

Nagpaalam muna ako sa kanila para lumabas ng may malampasan akong lalaki. Formal ang suot at may dala itong mga bulaklak at teddy bear. Nagkatingin kami hanggang siya ang unang inalis ang tingin at direretsong naglakad, gayun din naman ang ginawa ko.

Maya-maya lang ay sumunod sa'kin yung bestfriend ni Yura na si Mark.

"Bakit mo iniwan si Yura?" Tanong ko dito.

"Nandun kasi yung magiging Asawa niya kaya iniwan ko muna sila." Sabi niya sabay tawa na parang natutuwa pero hindi. Halata naman nasasaktan lang siya kapag nakikita yung mag-fiance. Alam ko naman matagal na siyang may gusto kay Yura.

"Bakit hindi nakitang dumaan?"

"Baka hindi mo lang napansin." Baka nga at napagtanto ko na hindi ko pa pala nakikita ang itsura ng mapapangasawa niya kaya malabong makilala ko ito habang naglalakad .

"Sige, ikaw na muna ang bahala sa kambal ko. May gagawin pa ako eh." Tumango naman si Mark at umalis na ako.

Sabi kasi nila Mama na magsusukat daw ako ng wedding gown ngayon. Mukhang magara ang kasal ng kambal ko since sa mamahaling boutique and binigay na address ni mama.

Sumakay na ako ng kotse ko at umuwi sa bahay. Doon ko daw kasi susukatin.
Nang makauwi na ako eay agad naman akong hinila ni Mama papasok.

May kinuha si Mama na malaking box at inilapag sa harap ko.

"Since feminine naman ang katawan mo ay siguro naman kakasya sayo 'yan!" Binuksan ko ang box at kinuha ang wedding gown pagkakuha ko ng gown ay tinulak naman ako ni Mama papasok sa kwarto. Excited talaga siya.

Nang masukat ko na ay tinignan ko ang sarili ko sa full mirrored. Sakto lang siya sa akin. Hindi siya masikip, saktong sakto lang talaga, sakto lang din ang haba ng gown. Tapos may rose na nakapalibot sa bewang ko. For sure na mas babagay ito kay Yura.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto kahit na nahihiya ako, pero wala rin naman akong magagawa since ito ang deal namin.

"OMG! Bagay na bagay sayo Yukki! Teka teka.." lumapit si Mama sa akin at pumunta sa likuran ko.

"Ayan...babaeng babae kana!" Hinila ni mama yung ipit ko sa buhok since mahaba rin ang buhok ko at lagi kong tinatali.

"Ma! Ang init!" Palusot ko pero sinamaan lang ako ng tingin kaya natahimik na lamang ako

"Malapit ka ng ikasal!"

"Ma, Magpapanggap lang ako. Hindi ako ang totoong ikakasal, si Yura talaga dapat." napatawa naman si Mama sa sinabi ko.

"Oo na Oo na!" Bumalik na ako ng kwarto para magpalit na sa normal kong suot. Tinali ko narin pala ang buhok ko at ibinigay kay Mama ang box na naglalaman ng wedding gown.

Next day~

Isang araw nalang at malapit na ang wedding day nila Yura, habang iniisip iton ay may biglang sumagi sa isipan ko

"Ma, Ma!!!!" Sigaw ko habang pababa. Nakita ko naman si Mama na naghihiwa ng pipino.

"Bakit? Makasigaw ka parang nasa bundok tayo ah." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama.

"Ma! Ayoko na." Napatigil naman siya sa paghihiwa at hinarap ako.

"Anong ayaw mo na?"

"Ayoko ng ituloy ang kasal." Nakita kong kinuha ni Mama ang kutsilyo at tinutok sakin. Napaatras naman ako sa ginawa niya, nakalimutan ko may pagka-demonyo pala 'tong Mama ko.

"At bakit naman?! Napagusapan na natin 'to ah?!" At marahas na ibinaba ang kutsilyo, napalunok naman ako sa ginawa niya. Nakakatakot.

"Eh...kasi eh!"

"Anong eh eh? Ano ka natatae?" Nagawa pa talagang magpatawa ng Mama ko.

"Diba pagtapos ng kasal ano...may...may ano?"

"Anong May Ano?! Kompletuhin mo kasi!"

"Diba may 'You may kiss the bride' na sasabihin ang pari?!" Nagpatuloy naman ulit sa paghiwa si Mama.

"Oo bakit?" Napabuntong hininga naman ako.

"So, ibig sabihin mag k-k-k-ki-ii.." naputol ang sasabihin ko kasi si Mama na ang nagtuloy.

"Kiss!"

"Oo yun nga Kiss! Ma! Wala na kasing dapat na kiss." Pagrereklamo ko dito.

"Hindi pwede! Ikakasal kayo na walang kiss?! Hindi pwede Yukki!" Hindi ako makapaniwala, sapagkat hindi ba naisip ni mama na lalaki ako at lalaki rin ang hahalik sa akin, I'm okay with it if we both love each other. But we don't and we don't even know each other.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at wala ng nagawa, huminga nalang ako ng malalim at ihahanda ang aking sarili para sa mangyayaring kiss.

Nagbihis ako at lumabas.

"Saan ka pupunta?!" Rinig kong tanong ni Mama.

"Kay Yura." Sagot ko dito. Sumakay na ako ng kotse at nagmaneho. Kailangan kong pilitin ang kambal ko.

Ilang minuto lang ay nasa hospital na ako. Pinark ko ang kotse at pumunta na sa kwarto ng kambal ko. Pagpasok ko ay nakita ko siya na nanunuod ng T.V.

Nabaling naman ang attensyon niya sa akin.

"Kuya!" Bati niya. Ngumiti naman ako dito at umupo sa tabi niya.

"Kumusta kana?" Tanong ko dito, kumuha naman siya ng mansanas at kinain ito, inalok pa nga ako na kumain pero inilingan ko nalang ito.

"Ayos naman ako kuya! Malapit na akong makalabas dito!" Masaya niyang sabi at dahil doon ay nabuhayan ako.

"Bukas naba yan?" Tanong pero sa kasamaang palad ay hindi.

"Magpagaling ka Yura ha." sabi ko at sabay labas. Ginulo ko ang buhok ko at umalis na. Mukhang wala na talaga akong magagawa.

Yura's PoV

"Magpagaling ka Yura ha." Nagulat ako sa sinabi ni kuya. Tatanungin ko sana kung anong problema pero umalis na agad siya.

Ang weird ng kambal ko pero kahit ganoon ay mahal ko 'yan. Nagpapasalamat nga ako sa kanya dahil siya muna ang papalit sa akin eh. Kung hindi nako lagot kami pag hindi natuloy ang kasal. Mga excited kasi magulang ni Vienne eh.

Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito. Napangiti naman ako nang mapagtanto ko kung sino.

"Ikaw pala." Ngumiti naman siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi bago umupo sa tabi ko.

"Kumusta kana?" Tanong niya sabay bigay sa akin ng bulaklak. Lagi naman siyang ganiyan eh, sa tuwing dadalaw siya ay lagi siyang may dalang bulaklak, kung hindi bulaklak ay teddy bear.
"Eto pagaling na." Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinalikan.

"Pagaling kana. Malapit na kasal natin." Sabi niya.

"Oo naman ako pa." Kung alam niya lang na hindi ako yun. Sana maging ayos ang kasal nila.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
5.1K 554 51
Which is more painful: the pain of holding on or the pain of letting go? ------ Isang sikreto ang mabubunyag sa pamilya ni Jam. At ang sikretong iyon...
532K 33.3K 52
Oh Sehun is a two faced star. When the camera is on, he could be an angel sent from above but turns into a devil as the camera stops flickering. He c...