THE ARROGANT

By one021

118K 2.9K 26

Arogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang si... More

PART 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
EPILOGUE

Part 32

2.5K 62 1
By one021

Inisip parin ni April ang dahilan kung bakit bigla na lang naging malamig ang trato sa kanya ni Miguel. May nasaling ba siyang emosyon sa pakikialam niya sa mga paintings? It was only a painting.

Gusto niyang kausapin ito himungi ng paumanhin dito sa nangyari nang nagdaang gabi.

Ilang sandali siyang nagpatumpik-tumpik bago naglakas ng loob ng puntahan ito. Binuksan niya ang oven pagkatapos tumunog niyon. Hinango at inamoy niya ang mga cookies na binake niya.

Mabuti nalang at wala roon si Elly dahil tiyak na kakainin agad nito ang mga cookies niya. Palalamigin muna niya ang mga iyon bago ilagay sa personalized box. Ang matitira ay dadalhin na lamang niya sa opisina kinabukasan.

Sana lang ay magustuhan iyon ni Miguel.

Nang sumunod na araw ay pinagkaguluhan ng mga kasamahan niya ang mga cookies na dala niya. Naubusan si Ronan kaya lumapit ito sa mesa niya at tinanong siya kung mayroon pang natitira. Nang sabihin niyang wala na ay tiningnan nito ang kahon na nasa kanyang desk. Inilayo niya iyon at sinabing may pagbibigyan siya.

Lulugu-lugong umalis ito habang siya naman ay binalikan ang naudlot na ginagawa. Binasa uli niya ang kino-compose na text message bago siya nilapitan ni Ronan.

Can we meet after office hours? I'll be at Cantinetta at eight PM.

Hindi kaya masyadong demanding ang dating ng mensahe niya? Siguro naman ay alam ni Miguel kung saan matatagpuan ang restaurant na sinabi niya. Wala nang patumpik-tumpik,she pressed the send button.

Bahala na si Batman.

Hindi siya mapakali sa pag iisip kung sasagot si Miguel. Kung hindi ito puwede, siguro naman ay sasabihin nito. Itinuon niya ang pansin sa trabaho habang mana-nakang tumitingin sa kanyang cellphone.

Kapag tumutunog iyon ay napapaangat siya mula sa upuan. Ilang ulit siyang nadismaya dahil hindi ang mensaheng inaasahan niya ang natanggap niya.

Okay ka lang? Tanong sa kanya ni Elly.

Hindi siya nakaligtas sa matalas na pakiramdam nito.

Hindi ka mapakali, eh. Kaninong text ba ang hinihintay mo?

Wala, pagkakaila niya.

Magtrabaho ka na lang diyan. Hindi niya maamin dito kung sino ang hinihintay niyang mag text sa kanya dahil tiyak na tutudyuin siya nito.

Iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Tiyak na iisipin nitong may namamagitan sa kanila ni Miguel.

Napatingin siya sa labas ng bintana. Ano nga kaya kung magkaroon sila ng ugnayan ni Miguel? Ilang sandaling tumitig siya sa tanawin sa labas bago pumikit.

May yumugyog sa mga balikat niya kya tila nagising siya sa pagkakatulog.

Hindi ka pa ba uuwi? Tanong sa kanya ni Elly.

Anong oras na ba?

Alas otso na.

Ha? Umayos siya ng upo at tiningnan ang kanyang cellphone. Bumuntong-hininga siya.

Hindi nag-confirm si Miguel. Siguro ay busy ito.

Ano, hindi ka pa uuwi? Ulit ni Elly.

Mauna ka na lang. Hindi ko pa tapos ang ginagawa ko, aniyang ibinaling ang pansin sa kanyang computer.

Okay, mag-ingat ka, sabi nito at saka nauna na.

Nang mapag-isa ay tinitigan uli niya ang kanyang cellphone. Gaano ba kaabala si Miguel para hindi man lang ito makapag-text at kahit isa para sabihin sa kanya kung makakapunta ba ito o hindi. Naiinis na nagbuga siya ng hangin.

Hindi niya alam kung saan siya higit na naiinis: sa pambabale-wala ni Miguel, o sa katangahan niya.

Binalikan niya ang ginagawang plano para makauwi na rin siya. Masyado siyang engrossed sa ginagawa kaya bahagya pa siyang nairita nang tumunog ang kanyang cellphone.

Sino ba ang istorbong 'to? Aniya nakatingin pa rin siya sa plano nang abutin niya ang kanyang cellphone at sagutin ang tawag.

Where are you? Sabi ng isang iritadong tinig sa kabilang linya.

Hindi niya puwedeng ipagkamali sa iba ang boses na iyon.

Miguel? Paniniguro niya.

Mag-iisang oras na akong naghihintay ngunit kahit anino mo ay hindi ko pa nakikita.

Pakiramdam niya ay mabibitiwan niya ang kanyang cellphone.









Hindi parin makatingin si April nang diretso kay Miguel. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong ayusin ang sarili dahil sa pagmamadali. Nagawa niyang makarating sa lugar na iyon sa loob lamang ng limang minuto.

Nakita agad niya si Miguel na seryosong-seryoso habang nakaupo ra pandalawahang mesa.

I-i'm sorry kung pinaghintay kita. Hindi mo naman kasi sinabing pupunta ka. Kung alam ko lang, kanina pa sana ako nandito.

He smiled curtly. Wala akung oras mag reply dahil sa sunud-sunod na meeting. I just barely read your message. Pagkagaling ko sa huling meeting ko ay dito na ako tumuloy. Para lang malamang wala ka palang balak pumunta.

Im sorry, hinging paumanhin uli niya.

Well, ano ba'ng dahilan ng meeting na'to?

It's not really about work. Hinintay niyang magsalita ito pero hindi ito umimik kaya nagpatuloy siya.

I just want to clear myself. Noong nasa Subic tayo, ang sabi ni Ronan ay inihatid mo raw ako sa kuwarto ko. I was drunk that time. Kung mayroon akung nagawa that night, please, kalimutan mo na lang sana. I promise it won't happen again.

Bakit?

Napatitig siya rito. Ha? Nagtatakang tanon niya.

Bakit ka uminom nang gabing iyon? You seemed perfectly fine that day, curious na tanong nito.

Napalunok siya. Matagal bago siya nakapag salita. Minabuti na niyang magsabi ng totoo rito.

That day was supposed to be me and Paulo's first year anniversary. I was just...hindi niya maisip kung ano ang tamang sabihin.

Hindi mo parin nakakalimutan ang ex mo, kaswal na sabi nito. Gusto mo ba talaga siyang kalimutan? I can give you good pointers. Don't live with the past. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Marami ka pang ibang puwedeng mahalin. Don't lose the chance to love another person.

He looked at her straight in the eyes.

Make yourself busy so you could forget him. Don't keep anything that will remind you of him. Last but not the least, stay away from alcohol. It won't help you forget. It will just make you miserable.

I'm already fine. After that night ay nagising na talaga ako sa katotohanan. Tanggap ko nang wala na kami.

You're giving it a good try, puno ng sarkasmong sabi nito.

Oh, please. Minabuti na niyang ibahin ang paksa. Ibinaba niya sa harap nito ang kahon ng mga cookies.

Ano 'yan? Tiningnan lang nito ang kahon.

I baked those cookies. Isipin mo na lang na peace offering ko ang mga ito sa'yo. Ako na rin ang magbabayad dito.

You don't have to bribe me.

Kung alam ko lang na iisnabin mo ang mga cookies ko, hindi na sana kita binigyan! Nainis na sabi niya sa isip.

Bakit ka naglasing? Ano'ng naaalala mo that night?

Hindi niya maintindihan kung bakit itinanong nito iyon. May ginawa ba siyang kahihiyan? Pilit na inalala niya ang nangyari nang gabing iyon.

Inaamin kong marami akong nainom nang gabing iyon. Kung nawala man ako sa sarili ko, sana kalimutan mo nalang.

Ngumisi at umiling-iling ito.

Pinagtatawanan mo ba ako? Kumawala na ang tinitimping inis niya. Kung anumang kahihiyan ang ginawa niya nang gabing iyon, sana ay hindi siya nito harap-harapang pagtawanan.

Pero hindi parin naalis ang pagkakangisi nito. Humalukipkip pa ito habang nakatingin sa kanya. Hindi na siya nakatiis, kumuha siya ng pera sa kanyang bag at ibinaba iyon sa mesa. Saka siya tumayo.

Aalis na ako. Pasensiya ka na kung pinaghintay kita. Magandang gabi. Tumalikod na siya at kinuha ang kahon niyon. Binabawi ko na 'to. Pagkasabi niyon ay nagmartsa na siya palabas ng restaurant.

Dahil sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang babalang, caution: Wet floor kaya nadulas siya nang mapatapak sa basang sahig.

Napasigaw at napapikit siya. Pero may matipunong mga bisig na sumalo sa kanya. Pagdilat niya ay ang mukha ni Miguel ang nakita niya. Gadali na lamang ang pagitan ng mukha nito sa mukha niya.

Dagling nanariwa sa kanyang alaala ang nangyari noong malasing siya sa Subic. Kinarga siya nito at dinala sa kanyang silid. Nang ibaba siya nito sa ibabaw ng kama ay halos ayaw niyang bumitiw rito. Pagkatapos ay... Napapikit siya.

It was her who initiated that kiss. She thought it was a dream. Totoo palang nangyari ang tagpong iyon. Tila biglang may dumaloy na kuryente mula sa katawan nito papunta sa katawan niya.

Okay ka lang? Tanong ni Miguel.

Napadilat siya.

Inalalayang siya nitong makatayn nang diretso.

Marunong ka bang magbasa? Tila naiinis na sabi nito.

She was still dumbfounded. Nag-init ang kanyang mga pisngi. Tumalikod siya at mabilis na lumabas ng restaurant. How could she forget that? Naglalaro  sa alaala niya ang tagpong iyon pero ang akala niya ay panaginip lamang iyon. Pero nang saluhin siya nito ay na-trigger niyon ang memory niya.

Dali-daling lumapit siya sa kanyang kotse. Binuksan niya ang pinto sa driver's seat nang may magtulak uli niyon pasara. Napatingin siya sa gumawa niyon.

I wasn't laughing at you, for goodness' sake! Maigting na sabi ni Miguel.

Nagbawi siya ng tingin. Nagulat siya nang kunin nito ang kanyang kamay at ilagay sa palad niya ang perang iniwan sa mesa.

It was already paid for. Pagkatapos ay kinuha nito sa isang kamay niya ang kahon ng cookies.

This is mine. Ibinigay mo na 'to sa akin kaya wala nang bawian. Inayos pa nito ang kurbata nito at saka siya tinalikuran.

Sinundan lang niya ito ng tingin habang palapit ito sa sasakyan nito. Pumuwesto ito sa driver's seat. Pinaandar nito iyon at inihinto sa tapat niya.

And best forget about that night, sabi nito bago siya tuluyang nilagpasan.



❤❤❤❤

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 100 15
May mga tao nga naman na mapanghusga, kung ano ang makita nila ayun na ang papaniwalaan nila. Hindi ba dapat alamin muna nila ang buong istorya ng b...
1.7M 75.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
23.4K 424 30
Umalis papuntang Amerika si Lyla, na-deads naman si Hannah. Laging hindi happy ending. Laging palpak ang love story ni Juan. Sa pangatlong pagkakatao...
27.6K 602 19
He seems to have it all. Money? Fame? Charm? Intelligence? Power? Name it. Except for a SECRETARY. What will happend when a poor clever lady with un...