The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 50

79.9K 2K 298
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Mangiyak ngiyak ako habang naka sakay ako sa taxi pauwi. Hindi kasi ako nasamahan ni Callum dahil may board meeting sila ngayon. Di ko pa din makalimutan yung naging paguusap namin ni sir Zach desidido talaga siyang makuha sa akin ang aking anak.

"How your meeting with that assh*le?" Medyo natatawa tawang tanong ni Callum sa akin ng tumawag siya.

Inayos ko muna ang aking sarili para hindi niya mahalatang kagagaling ko lang sa pagiyak dahil siguradong magaalala ito sa akin.

"It's still the same, gusto pa din niyang makuha ang full custody ni Zeus" kwento ko dito pero hindi ko mapigilang hindi maging malungkot.

Narinig ko ang mahihinang mura ni Callum sa kabilang linya, halatang nagalit nanaman siya. At sobra talaga akong naguiguilty tuwing nadadamay siya sa mga problema ko sa buhay.

"Nagiisip ba yang si Alonzo? For goodness sake! Magtatatlong taon pa lang yang anak niyo" nanggagalaiting singhal nito sa kabilang linya.

"Di ko alam kung bakit hindi niya maintindihan na mas kailangan ako ni Zeus...ayaw niyang tanggapin yung oras na ibibigay ko sa kanya" kwento ko pa.

Handa akong bigyan siya ng time na makakasama niya ang anak ko. Pero hindi ako makakapayag na kuhanin niya ang lahat sa akin, gusto niyang makuha ang anak ko, gusto niyang angkinin ito.

"Don't worry sofia, mas malakas ang laban natin sa custody ng anak mo, you are the mother anyway..." pagpapalakas ni callum sa aking kalooban.

Nagkulong kami ni Zeus buong araw sa bahay. Takot pa din kasi akong ilabas siya at biglaan na lang na susulpot si Sir zach.

"Mommy want eat!" Lapit sa akin ni Zeus.

Hindi ko namalayang nakatulala nanaman pala ako, kaya naman si zeus na ang lumapit sa akin para sabihing nagugutom siya.

Kaagad ko siyang kinarga at pinaupo sa aking mga hita. "Anong gustong kainin ng baby ko?" Malambing pero medyo malungkot na tanong ko sa kanya.

Imbes na sumagot ang aking anak ay mas lalo pa siyang kumapit sa akin at tsaka ako pinaghahalikan. "Want eat" sagot lang niya habang nakalambitin siya sa aking leeg at hinahalikhalikan ang aking pisngi.

Dahil sa kanyang ginagawa ay nalalawayan tuloy niya ang aking pisngi na sobra ko namang ikinakatawa.

"Ok sige let's eat na, tama na muna ang cartoons" pagsuko ko sa kanya tsaka ko pinatay ang Tv bago kami nagtungo sa may kusina.

Pahdating sa aking anak ay hindi ko inaasa ang lahat sa mga kasambahay namin, hangga't maaari ay kung nandito naman ako ay ako ang gagawa para sa anak ko. Gusto kong ibigay sa kanya lahat ng atensyon ko hangga't kayang kong ibigay iyon.

Halos magaalas tres pa lang ng hapon. Pag wala ka talagang ginagawa parang napakatagal ng oras.

"Ma'm sofia may bisita po kayo" biglang lapit sa amin ng isa sa aming kasambahay habang pinapakain ko ng pancake ang aking anak.

"Sino daw iyon?" Kunot nuong tanong ko dahil parang kinakabahan ako sa isasagot nito.

"Babae po ma'm Architect Andi?..." parang di pa siguradong sagot ito sa akin.

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi iyon si Zach.

"Sige papasukin niyo siya" utos ko pa dito.

At dahil hindi pa tapos kumain si Zeus ay binilin ko na muna siya sa kanyang tagapagalaga.

"Good afternoon po ma'm sofia" bati nito sa akin pagkalabas ko sa may sala.

"Good afternoon din andi, wag mo na akong tawaging ma'm sofia" natatawa tawang suway ko pa sa kanya dahil mukha namang hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa.

Umupo ako sa upuan sa kanyang harapan. Napansin kong hindi kagaya ng dati niyang punga at nakapostura ito ngayon. Sabi ko na nga ba't maganda talaga siya pagnaayusan.

"Wala pa dito si callum...mamaya pa ang dating nuon" sabi ko sabay tingin sa aking wrist watch.

"Kayo po talaga ang sadya ko" sagot niya sa akin.

"Ako? Bakit anong kailangan mo sa akin?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Matagal bago ito nakasagot. "Uhm...gusto ko po sanang humingi ng tulong sa inyo para pilitin si Sir Callum na sumama sa amin papuntang greece" sabi niya sa akin.

"Pasencya na andi pero wala sa akin ang desisyong iyan, si callum pa din ang masusunod sa gusto niyang mangyari sa career niya" pagpapaliwanag ko dito.

Ang kaninang medyo nahihiya niyang mukha ay tumapang na ngayon na para bang mayroon talaga siyang gustong ipaglaban.

"Pero kayo lang naman po ang dahil kung bakit hindi siya makakasama sa amin" diretsahang sagot niya na kahit papaano ay ikinagulat ko din naman.

Dahil totoo ang kanyang sinabi ay natahimik na lamang ako kaya naman siya na ang kumuha ng pagkakataong magsalita.

"Alam kong gusto din ni Sir Callum na pumunta sa greece, kailangan niya din iyong trabahong iyon. Deserve niyang maging masaya ay maabot lahat ng mga pangarap niya" laban niya sa akin na ikinakunot ng aking noo.

"Sandali lang andi, baka nakakalimutan mong asawa ako ni Callum" medyo may diing pagpapaalala ko sa kanya.

"Alam ko po, at alam ko din na hindi mo siya mahal...palagi mo na lang siyang sinasaktan. Ginagamit mo lang siya!" Dugtong pa niya at medyo tumaas na ang kanyang boses.

Dahil sa pagkagulat ay bigla akong tumayo at hindi ko napigilang sampalin siya.

"Umalis ka na dito" matigas na sabi ko at tatalikuran ko na sana siya nang muli pa siyang magsalita.

"Hindi din naman anak ni Callum ang anak mo, lalo mo lamg siyang sinasaktan...araw araw mo lang siyang sinasaktan" medyo pumipiyok nang sabi nito sa akin.

Dahan dahan ko siyang nilingon at duon ko nakitang unti unti na siyang umiiyak. "Bu...buntis ako, at si Callum ang ama" nanginginig na sambit niya na halos ikinalaki ng aking mata.

Napahawak na lang ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa aking nadinig. Parang bigla aking pinutulan ng dila dahil sa kanyang sinabi.

"Hindi sinasadyang may nangyari sa amin sa singapore, pero hindi ko iyon pinagsisisihan. Mahal ko si Callum at handa akong ibigay sa kanya ang kumpleto at buong pamilya na hindi mo kayang ibigay sa kanya" matapang na sabo pa niya sa akin.

Hindi ko namalayang unti unti na palang tumutulo ang aking mga luha. Dapat akong magalit dahil kahit anong sabihin nila ako pa din ang asawa ni Callum. Pero dapat din naman akong mahiya dahil hindi ito mangyayari kung hindi ako nagkulang kay callum. Ako pa din ang may kasalanan.

"Hindi pa niya alam, balak ko sanang duon sa greece ko na lang sasabihin sa kanya" paalala pa sa akin ni andi.

Hindi ko na din naman siya hinintay pang makatapos sa sasabihin niya dahil mabilis na akong naglakad patungo sa kusina at tsaka dinaluhan ang aking anak.

Habang niyayakap ko si Zeus ay hindi parin matigil ang pagagos ng aking luha, ofcourse i love callum, i love him kahit hindi ko maibigay sa kanya yung sarili ko. Call me selfish pero ganuon talaga lalo na't nasa akin lang ang buong atensyon niya simula pa lang nung una.

"Mommy Cry?" Tanong sa akin ng aking anak pero nagsumiksik lang ako sa kanyang leeg na parang bata.

"Me love mommy" sabi pa niya bago ako mahigpit na niyakap.

Maybe this is the right time to make everythings right for all of us.

"Pinuntahan ako ni Alonzo sa office, he really insist to have Zeus, he offers me na he will stop legal justice if makikipagusap tayo sa kanya" frustrated na bungad sa akin ni Callum.

I remain silent for a while na mukha namang mapansin niya kaagad.

"Hey may problema ba?" Tanong niya sa akin.

Tinabihan niya ako sa pagupo sa may dulo ng kama. Nanginginig na ang aking mga labi, gustong gusto na ding kumawala ng aking mga luha.

"Let's make everythings right callum..." sambit ko sa kanya na may halong pagpiyok na.

"What do you mean sofia?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

Hindi ko magawang sambitin ang mga salitang gusto kong sabihin dahil pinangunahan na ako ng aking mga luha.

Nang magtagal ang aking pananahimik ay mukhang nabatid na ni callum ang aking gustong sabihin at ipaalam sa kanya.

"Why so soon sofia? What's with the sudden change of your mind?" Nanguguluhang tanong niya sa akin.

"Cause nahihirapan na ako Callum, i want to rest...nahihirapan na ako sa lahat ng nangyayaring ito" paliwanag ko sa kanya.

Iilang mura muna ang narinig ko mula sa kanya bago siya padabog na tumayo at nagtungo sa kung saan.

"Fine. Damn!" Humahangos itong bumalik sa aking pwesto na may dalang brown long envelope.

"Here sign this" utos niya sa akin.

"An...ano to?" Tanong ko pa sa kanya.

"The truth sofia, kung sa tingin mong ito ang solusyon sa lahat, then be it. Zach dont want zeus alone anyway...gusto ka din niyang makuha" seryosong sabi nito sa akin.

"Callum..." sambit ko sa kanya dahil parang natagakot din naman ako.

Malalim ang hugot nito ng kanyang paghinga bago siya sumagot sa akin na sobra ko talagang ikinagulat. Parang hindi na ata kaya ng dibdib ko ang mga rebelasyon ngayong araw na ito.

"Hindi totoo ang kasal natin sofia" matamlay na sabi niya sa akin.

"Anong...anong ibig sabihin nito Callum?" Magulong tanong ko din sa kanya dahil naguguluhan din naman ako sa mga sinabi niya sa akin.

"I know that this time will come, you are free all this time sofia...hindi ka naging akin, at mukhang hindi talaga magiging akin" ramdam na ramdam ko ang sakit sa kanyang mga salita.

"Bakit tinago mo sa akin ito?"

"Because i try to make you fall for me sofia, and if that time come papakasalan na talaga kita. Yung totoong kasal" paliwanag niya pa sa akin na lalo kong ikinaiyak.

Dahil sa frustrations ay idinaan ko na lang lahat sa pagiyak ang mga nangyayari ngayon. It feels like na lahat ng nangyari sa buhay ko ay isang napakalaking joke. Lahat ay palabas lamang.

"Callum naguguluhan na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko" sumbong ko sa kanya na para bang nagsusumamo ako sa paghingi ng tulong.

Niyakap ako nito ng mahigpit. "Maybe your right sofia, let's make everythings right..."pagsangayon niya pa din sa akin.

Siguro nga ay magiging madali ang mga bagay bagay sa amin ni Callum pero ito ang naisip naming paraan para itama na ang lahat ng bagay tungkol sa amin. Pero wala din namang mangyayari kung patatagalin pa namin ang lahat ng ito, hindi kami makakaahon kung patuloy kaming mamumuhay sa mga kasinungalingan.

"Im not going to greece unless makita kong ayos na ang kalagayan niyo ni Zeus" sabi ni callum isang araw habang nagaayos kami sa bahay.

Kinausap na din namin ang daddy ni Callum tungkol dito. Hindi naman na ito nagulat pa dahil lahat naman nang nangyari nuon ay dahil din sa kanya. But now that he is no longer a politician at nagfofocus na siya sa company nila ay rerespituhin niya ang desisyon naming dalawa.

"Thank you for everything sofia, im sad na hindi nagtuloy tuloy ang pagsasama niyong dalawa, pero i'll respect your descisions, you two deserve to be happy..." sabi ng daddy ni callum bago din niya ako yakapin.

Hindi man kami ganuon ka close ay ramdam ko naman ang pagaalala nito sa amin at kahit papaano ay ang father figure ay naipapakita din niya sa amin. Maging ang anak kong si Zeus ay itinuring din niyang parang tunay niyang apo.

"Ayaw ng umuwi ni Cassie dito" natatawang kwento ni Daddy.

"It's better if duon na lang siya sa satorrini, she as well need to behave" sagot ni callum sa ama.

"Yeah, panatag naman ako dahil kasama niya ang tita sonya mo. And balita ko may project ka din sa greece, matitingnan tingnan mo ang kapatid mo duon" sabi pa ni daddy na ikinatahimik ni Callum.

"What? Dont tell me hindi mo kukuhanin ang project?" Panghahamong tanong sa kanya ng kanyang daddy.

"I dont know dad, hindi ko pa po alam" frustrated din namang sagot ni callum sa ama.

"Think of it Son, you need that" paalala pa sa kanya ng kanyang daddy.

Matapos ang paguusap na iyon ay natahimik ng muli si Callum kaya naman ako na ang naglakas ng loob na magsalita sa pagitan naming dalawa.

"You should go to greece callum" sambit ko sa kanya.

"Not unless you and Zeu..."hindi ko na siya pinatapos pa dahil kagaya ng mga nauna naming paguusap ay hindi niya kami iiwan ni zeus ng hindi pa kami stable.

"You always think for me and Zeus, not that i dont like the way you care for us callum, actually i am really thankful to have you...but i also want you to be happy, you deserve it" pagpapaliwanag ko sa kanya.

Inaalala ko din si Andi at ang nalaman kong kalagayan nito. If totoo ngang anak ni Callum ang dinadala niya ay magiging masaya ako para dito. He deserve to have his child of his own. The way na alagaan niya si Zeus kahit hindi niya ito tunay na anak ay malalaman mong he will be a great father para sa mga magiging anak pa niya.

"Mahirap kayong iwanan sofia...ayoko kayong iwanan" mangiyak ngiyak na sabi nito sa akin.

He really love us...

Wala na akong iba pang maisip na paraan para pilitin si callum na sumunod sa greece halos one week na ang lumipas ng maunang umalis sila andi at ang kanilang team. Batid ko ang lungkot sa kanya lalo na't nagdadalang tao pa siya.

Ayokong matulad siya sa akin, at ayoko din namang matulad si Callum kay sir Zach. Ayokong dumating yung araw na sisishin ni callum yung sarili niya kung hindi pa niya malalaman ng maaga na magiging daddy na siya.

"I heard what happen to you and that samaniego...that's why hininto ko na ang apila ko sa korte" seryosong sabi ni Sir zach ng magkita kami sa isang restaurant para mapagusapan ang tungkol kay Zeus.

"Thank you then" tamad na sambit ko na ikinangisi niya lamang.

"Dont thank me sofia...i still want my son" mayabang na sambit pa niya.

"I thought..."

"I just realize na ngayong wala na kayo ni Samaniego mas malakas na ang laban ko, but im not that heartless sofia" mapangasar na sabi pa nito sa akin.

"Anong gusto mong mangyari?" Matapang na tanong ko pa sa kanya.

"I want my son to live with me" diretsahang sagot niya pa sa akin.

"But magtatatlong taon pa lang si zeus, hindi niya kaya na wala ako!" Nanggagalaiting laban ko pa sa kanya.

Kita ko ang lalong pagtigas ng mukha nito dahil sa aking sinabi.

"Then live with us, damn it. The choice is yours" matigas na sabi niya sabay iwas ng tingin.







(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 70.6K 35
Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word, love-- but it takes a lifetime to under...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
6.2M 146K 54
Wala na bang pinipili ngayon? pati bestfriend kabilang na din sa listahan ng papaiyakin, papaasahin at paglalaruan mo!?