The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 41

75.7K 1.9K 134
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Pagkatapos niyang makaraos ay kaagad itong humiga patabi sa akin at tangka sana niya akong yayakapin ng kaagad akong tumayo at tsaka isa isang pinulot ang nagkalat kong mga damit sa sahig.

"Hey where are you going?" Natatarantang tanong nito sa akin.

Di ko siya pinansin, pinagpatuloy ko lamang ang aking ginagawa dahil hanggang ngayon ay lutang pa din ako. Tinakbo ko ang common Cr sa may kusinaniya at duon nagkulong at nagbihis ng damit.

"Damn it Sofia...anong nagawa mo?" Paulit ulit na sumbat ko sa aking sarili.

Kahit anong masasakit na salita pa ang sabihin ko sa aking sarili at kahit ano pang gawing kong pananakit physical ay wala na akong magagawa, nangyari na ang lahat. Ganun ganun lang, ang bilis kong sumuko sa kanya.

Di ko alam kung paano pa ako haharap sa kanya, kaya naman mabilis akong lumabas ng cr para sana makaalis na ang kaso ay wala akong takas dahil nanduon na si sir zach nakatayo mismo sa harapan ng pintuan.

"Padaanin mo ako" sambit ko dahil nakaharang ito sa daraanan ko.

"Let's talk" matigas na sabi niya pa sa akin.

Nanatili akong nakayuko. Sinubukan kong humakbang para makaiwas sa kanya pero lalo lamang siyang humarang sa daraanan ko kaya naman matalim ko siyang tiningnan pagtingala ko.

"Uuwi na ako, umalis ka diyan" matigas na sabi ko din at kahit papaano ay sinubukan kong sindakin siya pero wala iyong epekto sa kanya.

Dahil sa aking pagiging matapang ay nahalata kong si niya iyon nagustuhan kaya naman tumigas din ang ekspresyon ng mukha niya sa aking harapan.

"What was that? One night stand?" Mapanuyang tanong niya sa akin na may kasama pang ngisi.

"Isang pagkakamali! Kaya pwede ba umalis ka na nga" matigas at matapang na sabi ko at sinubukan ko siyang hawiin pero hinaklit nito ang braso ko at dinala ako patungo sa may sofa.

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko sa kanya pero di ito natinag.

Pagkarating sa may sala ay kaagad ako nitong binitawan paupo sa may sofa.

"Ano pa ba kasing paguusapan natin!?" Pagsisimula ko para matapos na ito.

"Di ako nagsisisi na ginawa natin iyon sofia" sabi niya na lalong ikinataas ng balahibo ko sa braso pababa sa kamay dahil pinaalala pa ulit niya, at sinabi niya iyon na parang wala lang, na parang normal lamang iyong nangyari sa amin.

Mariin akong napapikit at umiling. "Mali yon, may asawa ako at isang napakaling pagkakamali nung nangyari" mariing pagpapaintindi ko sa kanya.

Lalong tumigas ang ekspresyon ng mukha nito. "Handa akong maging kabit sofia" seryosong sabi niya naikinaawang ng bibig ko.

"Are you out of your mind!?" Matigas at gulat na gulat na sambit ko sa kanya.

Lalong nagseryoso ang mukha nito. "This is not the right time for me to play games sofia, Im serious" paninigurado niya.

Naningkit ang mata ko habang nakipagsukatan ng tingin sa kanya pero mukhang seryoso nga talaga ito at wala siyang balak na bawiin kung ano man ang kanyang sinabi.

"Sign the contract. Tapos na ang trabaho ko dito" mabilis na sabi ko at mabilis ding tinahak ang daan sana palabas.

Pero nasa kalagitaan pa lamang ako ng muli itong magsalita. "This is not included in that f*ckin contract sofia! Bullshit!" Galit na galit na sambit nito.

Nahihimigan kong nanggigigil ito sa galit dahil sa mag ilang mura pang lumabas sa kanyang bibig pero wala akong pakialam kaya naman pinagpatuloy ko na ang paglabas sa kanyang condo unit. Wala akong pakialam kung hindi niya nagugustuhan ang mga lumalabas sa aking bibig. I dont give a damn in his b*llshits.

Parang lumilipad ang utak ko sa kung saan. Kaya naman pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo at tsaka naglinis ng katawan. Di ko maiwang di mapaluha dahil sa naging padalosdalos kong desisyon.

Nagtaksil ako sa asawa kong si Callum at alam kong walang kahit anong paraan para mapagbayaran ko ang kasalanang iyon. Pwede kong subukang gawin ang lahat para pagbayaran ang nagawa kong pagkakamali pero alam ko sa sarili kong di magiging ganuon kadali iyon.

"Mommy..." inaantok pang sambit ni zeus ng haplosin ko ang ulo niya pagkatabi ko sa kanya.

Hinalakin ko ang aking anak at tsaka ito niyakap ng mahigpit. Pakiramdam ko kasi di lang si callum ang niloloko ko dahil sa nagawa ko, feeling ko pati sarili kong nililinlang ko.

"Ma' sofia..." tawag sa akin ng isang kasambahay namin kinaumagahan.

Napabalikwas ako dahil sa kanya tawag. Di ko na nga alam kung ilan ang nagawa niyang pagtawag sa akin, basta ang natatandaan ko lang ay para kanina pa ako lutang at nakatulala.

"Ba...bakit?" Tanong ko pa sa kanya.

"Kami na po muna ang magpapakain kay Zeus ma'm" nagaalalang sabi nito at tsaka nagmadaling inayos yung pagkain ni Zeus.

Di naman na ako nakaangal pa o nagkumento dahil alam ko sa sarili kong di ko pa iyon magagawa ng maayos sa ngayon. Napapikit na lamang ako ng mariin at tsaka napahugot ng malalim na buntong hininga. Kahit ano kasing pilit kong kalimutan yung nangyari ay di ko magawa.

Nagpahatid ako sa driver papunta sa Combridge dahil baka kubg ano pa ang mangyari sa akin kung pilitin kong magdrive.

Tanging tunog lamang ng heels ko na tumatama sa sahig ang naririnig ko sa buong hall. Magaalasnuebe na kasi at karamihan sa mga empleyado ay nasa kalagitnaan na ng kanilang trabaho.

Lumapit ako sa table ni alice at kita ko ang gulat sa mukha nito at ang biglaang paglaki ng kanyang mga mata. " Sofia anong ginagawa mo dito? Nasa university hospital ka dapat ngayon ah!" Pagpapaalala nito sa akin.

Tumango tango ako sa kanya. "May nakalimutan lang ako, may kukuhanin lang akong documents" sagot ko sa kanya at mabilis na lumapit sa temporary table ko para kuhanin ang isang brown envelope.

"Good luck sofia!" Pahabol pa ni Alice sa akin.

Binalingan ko siya at pinilit kong ngumiti sa kanyang harapan para di rin nito mapansing di ako ayos.

Bumalik akong muli sa sasakyan para magpahatid sa University kung saan katabi lamang nito ang Hospital nila Sir Zach. Kung kanina ay para akong nakalutang ay ngayon naman ay di mapigilang magtambol ng dibdib ko habang papalapit na kami sa dati kong pinapasukang university.

"Maghahanap lang po ako ng parking ma'm..." paalam sa akin ng aming driver kaya naman kaagad ko siyang tinanguan at tsaka mabilis na isinara ang pintuan ng aming sasakyan.

Pagbaling ko sa main gate ay kasing bilis ng tubig sa ilog ang mga nagbalik na alaala sa akin. Lahat lahat ng mga nangyari nung mga panahong estudyante pa kami ng mga kaibigan ko.

"Good Afternoon sir!" Bati ng iilang mga nakaDark blue na babae sa mukhang isang professor.

Napangiti ako sa aking naalala. Halos mangisay din kasi ang mga ito ng batiin sila pabalik ng professor na iyon. Labas masok ang mga nakaputing estudyante sa gate, nahaluan din ng mga naka kulay abong uniform ng mga Senior Highschool.

Di ko napigilan ang sarili ko na dumiretso papasok duon. "Saan po sila ma'm?" Tanong sa akin ng guard.

Malawak akong napangiti sa kanya ng maalala kong isa din siyang guard nung estudyante pa lamang ako dito. "Medicine registrar office" magalang na sagot ko sa kanya kaya naman hinayaan na lamang niya ako.

Mabilis na napukaw ang aking mga mata ng mga bagong bagay sa loob ng university. Ang dating Maliit na canteen sa may ground floor ng medicine building ay nirerenovate na ngayon. May bagong admission office na din sa tabi ng Chapel at may airconditioned na din na canteen.

Di man bago ay marami pa ding tarpulin na nakasabit dahil marami nanaman ang nakakuha ng Place sa board exams. Tumuloy ako sa office ni sir Zach na hindi naman nagbago ng pwesto. Duon pa din sa harapan ng womens cr sa first floor ng pjp.

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko habang papalapit ako duon at natatanaw ko na ang glass wall ng office niya. Maraming medicine student ang nakaupo sa labas nuon na mukhang nagaantay na maVacant yung lecture room sa harapan din nuon.

"Sofia!" Nagulat ako ng sa gitna ng mga nagkukumpulang medicine student ay may tumawag sa akin.

Naningkit pa ang mata ko dahil sa babaeng papalapit ngayon sa akin. "Sofia! Namiss kita!" Hiyaw pa niyang muli at tsaka yumakap sa akin.

"Glayn!" Sigaw ko ng mamukhaan siya. Ibang iba na kasi ang itsura nito.

"Kamusta ka na! Grabe ang tagal mong di nagparamdam ha" excited na tanong pa nito.

Sasagot na sana ako sa kanya ng may isang babae na mukhang kaklase niya ata ang tumawag sa kanya. Di pa sana kikilos di glayn pero sinabihan ko na siyang tumuloy na dahil nanduon na din naman ang doctor na magtuturo sa kanila.

Sumabay na ako sa kanya papunta duon at muli. Sa matagal na panahon, natanaw ko muli si sir zach na nakaharap sa kanyang kulay pulang laptop duon sa glass wall office niya. Kung dati lamang ito ay mangingisay na ako panigurado dahil sa kilig lalo na ngayon at nakatitig ito sa akin.

Nagmadaling nagpaalam si glayn na papasok na siya sa classroom nila kaya ako naman ay pumasok na sa Glass wall office niya at mabilis na sumalubong sa akin yung kinaiinisan kong secretary niya dati.

"May appointment ako..."di naman na ako nagpaliwanag pa dito ng matagal dahil sumagot na din si sir zach at tumayo pa para sunduin ako.

Di ko narinig ang sinabi niya sa kanyang bruhang secretary na parang namukhaan ako. Dati kasi ay palagi itong beast mode pag dumadaan ako sa harapan ng office ni sir zach nung college days.

"Do you want anything?" Bungad na tanong nito sa akin matapos niyang igaya ang isang upuan para makaupo ako.

Mabilis akong umiling at nilabas na lahat ngkakailanganin. Napabaling ako dito ng mapansin kong di siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Tinaliman ko lamang siya ng tingin tsaka inirapan.

Tatapusin ko ito kaagad. Mula sa aking sight of view ay kita ko ang ilang mga estudyante na ginagawa din ang gawain ko dati, Still, students drool over him. I wonder if may gumagawa na din ng tactics ko katulad ng dati. Then napakibit balikat na lamang ulit ako, the hell i care.

"Can we start now sir?" Diretsahang tanong ko sa kanya dahil ayoko na na manatili pa dito ng matagal.

"Looks like your in a hurry miss" mapangasar na puna niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Di po ako pumunta dito para makiupi dito sa loob ng opisina mo" matapang na sagot ko sa kanya.

Nagulat man ay nagpasalamat na din ako dahil mabilis iting tumayo kaya naman sumunod na lamang ako.

Marami ang estudyante na nakatingin sa amin habang naglalakad kami pababa ng Pjp, lalo na ng dumaan kami sa quadrangle papunta sa medicine building kung saan may daan diretso sa university hospital.

"NaEndorse na namin sa ibang doctors ang mga Gamot niyo, others approve it, some are still on the process" paliwanag niya pa sa akin.

Mula sa second floor ng medicine building ay marami na ang mga nakapilang tao para magpaCheck up, dito kasi nakahelera ang ibat ibang clinic na inooffer ng hospital.

We talked to different doctors to seek for their approval. Overall, the majority mark it for a approve contract signing.

"Di ko inaasahan na magiging ganito kadali mo ako mapapapirma Sofia..." pangaasar pa ni sir zach sa akin while he's reviewing the contract.

"Wala naman pong dahilan para hindi kayo pumirma Mr. Alonzo, your doctors are willing to endorse our products" matapang na sabi ko pa sa kanya.

Tumango tango na lamang ito habang pinipirmahan ang mga documents.

"Thank you" mabilis na kuha ko sa envelope pagkasara niya.

Kita ko ang pagngisi niya dahil sa aking pagmamadali. Pero mabilis itong tumayo mula sa kanyang swivel chair. It lunchtime kaya naman wala na ang secretary niya at sarado na din ang registrar office. Kaya naman kaming dalawa na lamang ang nandito sa loob.

Kampante akong wala siyang gagawing masama sa akin dahil glasswall ang kanyang opisina, at maraming estudyante ang ngayon ay nakatambay sa labas nito.

"Inaakala mo bang magiging ganuon kadali yon?" Naamaze na tanong niya sa akin.

"Doesn't mean that i sign the contract hindi mo na ako makikita, i tell you this sofia...you'll gonna see more of me. Whether you like it or not" pagbabanta pa niya sa akin.


Sobrang saya sanang magThrowback habang naglalakad ako sa quadrangle pero sa nth time muli nanaman akong nainis ni Alonzo.

"Combridge po ulit manong" sabi ko sa driver namin na may mas edad kaysa sa akin.

Habang nasa byahe ay panay ang text ng mga kaibigan ko, at mas lalo silang nagkagulo ng ibalita ko sa kanilang ayos na ang lahat.

"Sofia! Ang bilis mo ha!" Salubong na bati ni alice sa akin.


Pareho kaming napatawa ng susubukan sana niyang yumakap sa akin ang kaso ay di niya magawa dahil sa may kalakihan niya ng sinapupunan.

"Kanina ka pa hinihintay ni Sir Gregory" sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong tumungo sa opisina nito at tsaka dalawang beses na kumatok bago ko binuksan ang pintuan.

Di gaya ng dati ay kaagad na sumalubong sa akin ang malawak at matamis na ngiti nito sa akin.

"You made it!" Masayang bati niya at mabilis akong niyakap.

"Callum is right, you really have a charm" natatawang kwento pa niya sa akin.

Ang ngiti sa aking labi ay unti unting napawi ng marinig ko ang pangalan ng aking asawa, at maalala ang pagtataksil na ginawa ko sa kanya.

"This one need a Celebration" pahayag pa ni mr. Gregory na hindi ko na naintindihan pa angmga sumunod niyang sinabi.

Basta ang alam ko lamang ay magpapaset siya ng company party next week. Nabanggit din niyang invited si sir zach kaya mas lalo akong nanghina.

"You can come home Early sofia...that's your reward for now" pabirong puna sa akin ni sir gregory.

Nagpasalamat ako at tsaka tumango. Mabuti pa nga talaga sigurong umuwi muna ako at magpahinga. Mabuti na lamamg talaga at dinala ko ang driver namin dahil nakaidlip din ako sa byahe kahit saglit.

"Ma'm sofia mukhang may bisita po ata" anunsyo ng driver ng papalapit na kami sa aming bahay.

Mabilis akong bumaba ng hindi magawang maipasok ng driver namin ang sasakyan dahil nakaharang ang isang itim na hiace van.

"BILISAN NIYO!" Rinig kong sigaw ng isang babae mula sa loob.

"Ano pong nangyayari dito?" Tanong ko sa guard namin.

"Si ma'm cassandra po kasi" parang natatakot pang sagot sa akin nung guard kaya naman mabilis akong pumasok ng bahay.

"Mommy!" Umiiyak na tawag ni Zeus sa akin ng maabutan ko siyang nakaupo magisa sa may sofa at umiiyak.

"Ya bakit niyo pinapabayaang umiiyak ang anak ko?" Medyo inis na puna ko sa mga katulong na di rin mapakali.

Mabilis kong dinaluhan si Zeus na magisang nakaupo sa sofanat umiiyak. "So nakauwi ka na pala" matigas na sabi ni cassie sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang kakaibang inaasal ngayon.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

Pero bago pa man sumagot ay ginawaran na niya ako ng isang malakas na sampal sa kanang pisngi. "You' ll gonna regret what you did last night sofia" galit at gigil na gigil na sabi niya sa akin.

Nanlaki bigla ang aking mga mata, kita ko din kasi sa mata nitong mangiyak ngiyak na ang sobrang galit.

"I'll make you and your son's life a living hell..."








(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

143K 4.7K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...
754K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
204K 3.8K 21
Dice and Madisson
7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...