Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Epilogue

Chapter 49

84.9K 2.2K 113
By sweet_aria

Chapter 49

"Congrats..." Bati niya at hinawakan ang dyamanteng hikaw sa tainga. Nilingon niya si Jillian.

Ibubuka ko pa lamang ang bibig para kamustahin siya nang hawakan niya ang braso nito at hinigit palayo sa amin.

Wala na akong nagawa kundi panoorin ang paglayo nila.

Nilingon ko si Altamirano. Walang emosyon ang kanyang mukha. Tuluyan ko na siyang hinarap at dinala ang kamay sa kanyang pisngi.

"What's the problem?" Tanong ko at hinaplos ito.

He heaved a sigh and shook his head.

"Come on, what's bothering you?" Pilit ko.

"Don't act as if you don't know."

Iniwas niya ang mukha sa akin. Nilaro ko ang mga kamay at pinagmasdan siya.

"You don't have to feel anything negative. Kung may dapat makaramdam nang ganoon ay si Dash iyon." Buntong-hininga ko at diretsong tumingin sa matatanaw na karagatan. "Nagparaya siya."

Hindi siya nakaimik. Matagal iyon at pinakiramdaman ko lang siya.

Kinuha niya ang kamay ko at madamdaming inilapat sa kanyang mga labi.

Hindi ko na napigil ang aking ngiti. "Don't get jealous, alright? Wala kang dapat ikatakot kasi ikaw ang pinili ko."

"I didn't want to be one of your options." Pinisil niya ito at siya namang dumiretso ang tingin sa kulay asul na dagat. "Ayokong marinig mula sayo na isa lang ako sa mga pinagpilian-"

"Hey! It's not like that!" Natatawa kong sabi at pumunta sa kanyang harapan. Pinitik ko ang kanyang ilong at natatawang hinalikan ito. "Kung anu-ano ang iniisip mo. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin."

"Eh ano pala?" Umirap siya.

Nasabi ko na bang ang hot niya kapag umiirap? His sexiness did not even run down even when doing that.

Muli akong napa-buntong hininga. Gumapang ang mga kamay niya sa aking tiyan at ipinatong ang baba sa aking balikat. Kinagat ko ang labi sa pagpipigil ng ngiti.

"May sasabihin ako..." Nilingon ko siya.

Tumama ang ilong niya sa aking pisngi. Pumikit ako at dinama ang sarap sa pakiramdam na yakap niya ako.

"Whether with or without Dash... I know it would always be you. I was just fooling myself that I'd completely forgotten everything." Hindi ko na nasupil ang aking ngiti. "I was attracted to Dash because he has similarities with you, Fire." Pag-amin ko. "He has similarities with the guy who broke my young heart."

Nag-init ang aking mga mata. Suminghap ako upang pigilin ang aking emosyon.

"You're wearing a black earring when we're in highschool. Si Dash... meron din. Yun nga lang ay dyamante ang kanya."

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"You love to kiss the back of my hand and he also loves to do that."

Matagal ko nang gustong aminin sa sarili ang bagay na ito ngunit ngayon ko lang nagawa. Siguro nga naging kami ni Dash para may makuhang aral sa isa't-isa.

Kahit anong gawin ko ay ito ang kahahantungan ng lahat, dahil alam kong higit na mas matindi ang pagmamahal ko sa taong una kong minahal.

"Parehas kayong mukhang laging gumagawa ng kalokohan kahit sa totoo lang, kaya niyong maghintay. Kayang-kaya ninyo akong hintayin."

"Honestly, I don't feel good hearing these from you." Iniikot niya ako at hinawakan ang magkabila kong tagiliran. "Ayoko kasi na may ibang lalaki, Dela Vega. Kasi ako wala. No one dared to enter my heart coz it's locked. Someone dwells here for a long time and that person doesn't have the ability to leave."

Tumungo ako. I could feel his pain.

Nang muli ko siyang tunghayan ay siya naman ang tumungo.

"Sobrang makasarili ko. Nasaktan kita pero ako pa 'yung may ganang makiusap na gusto ko akin ka lang."

"I'm yours alone." Inangat ko ang mukha niya. "You don't have to ask for it or to feel scared 'coz I'm yours."

Tila tinusok nang maliliit na karayom ang puso ko nang makita ang naghahalong saya at tubig sa kanyang mga mata. Idinikit ko ang noo sa kanya.

"Could you love me for an endless time?" Pakiusap niya.

Magaan kong hinalikan ang kanyang labi. "If I say yes, will you do the same?"

"Ako pa ang tinatanong mo, alam mo namang simula nang makilala kita ikaw na lang ang minahal ko." Hinaplos niya ang aking pisngi. "Gusto kong mangako ka... gusto kong ako lang."

"Yes... till death you're my man. Akin lang, Altamirano. Akin ka lang." Nanginig ang balikat ko at walang lakas akong sumubsob sa kanyang dibdib. "Mahal na mahal kita... kahit masama ang ugali ko, gusto ko akin ka lang din."

Natawa siya sa aking sinabi. Tumaas ang kamay niya sa aking buhok at hinaplos ito. "Hindi ka masama. You can't just see how beautiful you are inside. You're perfect in my eyes."

Ramdam ko ang paghaplos ng binitawan niyang mga salita sa aking puso.

Inangat niya ang mukha ko. "You never get ugly. Yung totoo, balak mo ba akong baliwin sa ganda mo?"

"Bolero!" Umismid ako at muli siyang niyakap.

Kumunot ang kanyang noo. "Kailan pa kita binola? Lahat nga ng napagtatangungan ko kung anong masasabi sa'yo ang laging sinasabi, isa kang dyosa."

Kumalas ako sa yakap. Naiiling ko siyang hinawakan sa kamay at hinila paalis ng Regale.

Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa amin habang tinatahak ang daan kung saan nakahilera ang mga restaurants at bilihan ng iba't-ibang souvenirs.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong niya.

Nilingon ko siya.

"Don't tell me rerape-in mo ako?" Biro niya.

Kinurot ko siya sa tagiliran at sinamaan ng tingin. Tumawa siya.

His laugh was damn pleasing to my ears.

"Help! Rerape-in ako ng babaeng 'to-"

Napatigil ako sa pagtakbo at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na tawanan sa tinapatan naming souvenir shop.

"Altamirano!" Pakiramdam ko ay sobrang pula ng mukha ko.

Iginala ko ang paningin sa mga tao sa labas ng shop.

Pilit akong ngumiti. "Don't mind this guy! He's crazy!"

"Yes... crazy for you." Sabi niya sa kabila nang pagkakatakip ko sa kanyang bibig.

Naghiyawan ang mga tao. Binitawan ko siya dahil sa inis. Akmang iiwanan ko siya nang bigla niyang haklitin ang aking baywang at inikot ako paharap sa kanya.

"So moody!" Ngisi niya.

"B-bitaw!" Nauutal kong sabi dahil sa atensyong nakukuha namin.

Umiling siya at mas lumawak ang ngisi. Ipinulupot niya ang mga kamay sa aking baywang at tiningnan ang mga tao sa paligid.

"I was just kidding!" Nakangiti niyang sigaw sa mga ito. "Pero kung sakaling rerape-in niya nga ako, di na ako manlalaban-"

Sinampal ko ang bibig niya. Muling nagtawanan ang mga nanunuod sa amin.

"Bastos po ng bibig nitong lalaking 'to!" Hindi ko na rin napigilan ang matawa dahil sa gulat na inilarawan ng kanyang mukha.

Isinantabi ko ang hiyang naglalaro sa aking sistema. Hindi ko dapat iyon nararamdaman. He's the man that every girl would dream to have. And I was lucky coz he's mine. He's not just in my dream but he's in my arm. This was the reality. Realidad na hindi ko kailanman nanaising ipagpalit sa kahit ano.

"Gwapo naman ng boyfriend mo hija kahit bastos!"

Nilingon ko ang ginang na hawak ang sa tingin ko ay kanyang apo. Ngumiti ako nang makita sa kanyang mukha ang kilig.

"Gwapo ko raw..."

Muli ko siyang hinarap. Sa mga labi niya ay naroon na muli ang mapaglarong ngiti.

"Kayo po ba, kung kasing gwapo ko ang boyfriend niyo, at humiling ako ng isang halik ngayon dito, pagbibigyan ninyo ako?" Tanong niya.

"Ako mismo ang hahalik sayo baby!" Sabi ng isang bakla na kalalabas lang ng shop.

Tumitig siya sa mga mata ko hanggang sa bumaba ang kanyang tingin sa aking mga labi.

"You heard that?" Inilapit niya ang bibig sa akin ngunit agad kong tinakpan ang kanyang bibig.

"Asa!" Itinulak ko siya.

Muli akong tumalikod ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi ako nagtagumpay. Hinigit niya ako paharap at walang hirap na hinalikan sa mga labi.

Dinig ko ang palakpakan at hiyawan. Nanghina ako sa halik niya kaya't sinamantala niya iyon.

Wala na akong nagawa kundi ang ipulupot ang mga kamay sa kanyang batok at ginantihan ang kanyang halik.

Nang maghiwalay kami ay sobrang init ng aking mukha. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya palayo sa mga tao.

Kahit malayo na kami ay parang naririnig ko pa rin ang hiyawan nila.

"Damn it! I can't believe I did that!" Sabi ko nang tumigil kami sa tapat ng Fireside.

Pumasok kami sa loob. Kami lang ang tao kaya't mabilis kaming nakarating sa pool side.

Umupo siya sa upuang inupuan niya kagabi. Hinigit niya ako sa kanyang kandungan at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"I've never been so happy like this." Bulong niya sa aking tainga.

Nagtaasan ang aking balahibo. I closed my eyes as my reaction became apparent.

"Me too. And I'm loving this feeling." Tugon ko. Iginalaw ko ang ulo para makita ang kanyang reaksyon. Tinitigan ko siya sa mga mata.

"You're killing me with that stare." Anas niya.

Inayos ko ang upo paharap sa kanya. Sumeryoso ang kanyang mukha, ngumisi ako.

"You're killing me too." Saad ko.

Kinagat ko ang ibabang labi nang dalhin niya ang kamay ko sa kanyang matipunong dibdib, sa tapat mismo ng kanyang puso.

Idinikit niya ang noo sa akin. "I'll never get tired of loving you, Dela Vega. Whatever happens, whatever challenges that will come along the way, I know I'll never get tired."

Lumunok ako at tumango.

"Pagbalik natin sa Manila bukas, ipagpapaalam kita sa parents mo." Aniya.

"May pupuntahan tayo?" Tanong ko.

He nodded his head. "Nangako ako kina tatang Justino at inang Aiza na babalik ka sa Hacienda. Ayoko silang biguin. At ngayong bumalik ka na sa akin, gusto kong makasama ka pagbalik ko doon."

Natuwa ang puso ko sa narinig.

"Payag ka ba?"

"Oo naman." Sagot ko.

"Thank you..." Masaya niyang usal. "You don't know how it means a lot to them."

Hindi na ako nagsalita. Namimiss ko na rin ang inang at tatang. Pagbalik doon ay sisiguraduhin kong sila ang una kong pupuntahan.

Matagal kami sa ganoong pwesto nang marinig ko ang isang tikhim.

"Fire..." It's Zeus.

Agad akong napatayo. Inayos ko ang aking suot.

Hinaplos niya ang kanyang batok at nginisihan ako. "Wrong timing ko ba? Balikan ko na lang kayo mamaya?"

Gumapang ang kamay ni Altamirano sa aking baywang. Nilingon ko siya na nakakunot na ang noo.

"May problema ba kuya?"

Umiling si Zeus. "Kasama mo lang si Tamiya nakalimutan mo na agad? We're gonna talk about hacienda right?"

"Oh..." Tipid niyang sagot. "Pwede bang mamaya na lang?"

"We're going to pack our things later. Kung gusto mo isama mo na rin sa suite namin ang girlfriend mo." Kinindatan niya ako.

Suminghap ako at humalakhak siya.

"Asshole." Bulong ko.

Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin sa akin ni Altamirano. Inismiran ko si Zeus.

"Ganyan ka ba sa mas nakakatanda sayo at kapatid ng boyfriend mo, Tamiya? Harap-harapan mo akong sinasabihan nang ganyan." Umiling si Zeus. "I'm your future brother in law."

"Can you please shut up?" Pakiusap ko.

Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap. Lubos ang gulat ko dahil dito.

Ilang sandali ang dumaan ay hindi pa rin ako nakarecover sa gulat.

"Zeus..."

"Thank you, Tami. You've ended his sufferings. Salamat sa pagbabalik ng ngiti sa labi ng kapatid ko. You don't know how crushed he was when you broke up with him."

"Kuya..." Sambit ni Altamirano.

"Marami man tayong hindi pagkakaunawaan noon, sana kalimutan na lang natin. I don't want you to feel uncomfortable because of me."

"Zeus, let go of me, now!" Kunwaring pagsusungit ko.

Hindi ko magawang sagutin ang mga sinasabi niya pero ang totoo ay sobrang saya ko. Hindi ko akalaing maaayos ang pakikisama namin sa isa't-isa sa kabila ng lahat nang ginawa ko noon. Ang tutulan ang pag-iibigan nila ng pinsan ko.

Natatawa siyang lumayo sa akin at nilingon ang kapatid. "Until now, I don't know the reason why you're head over heels with her. Sobrang sungit ng babaeng 'to."

"Babae ko, kuya." Pagtatama niya sa sinabi ng kapatid habang malambing ang mga matang nakatingin sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

71.1K 3.1K 34
"I will always leave a trace to remember my way back to you."- Kael Valdez [ BOOK PUBLISHED UNDER B&B PRINTING SERVICE ]
41.4K 2.4K 40
World Trip Series 4 Kiersten applied as an intern in a company based in London. She dreamed to live like how royals in the country would live like. A...
3.3K 431 39
World Trip Series 8 During summer, Aesthesia Carseldine spends her summer break with her family back in New South Wales and as a journalism student...