The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 32

71.5K 2.2K 145
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




(Flashback)

"Wala na...pinalitan niya na ako" umiiyak na sumbong ko kay callum pagkababa ko sa parking area. Hindi ko nga alam kung paano ko nakayanang bumaba gayong wala ako sa sariling umalis sa harapan ng unit ni sir zach.

"Shhh...tahan na makakasama iyan sa baby mo" pagaalo sa akin ni callum.

Wala akong ginawa kundi ang umiyak lang ng umiyak. Dinaan ko lahat ng nararamdaman ko sa pagiyak dahil iyon na lamang ang kaya kong gawin.

"Sofia maging matapang ka" pagaalo niya sa akin.

Mariin akong napailing tsaka ako napasubsob sa aking magkabilang palad. "Ayoko na! Ayoko na talaga" humahagulgol na sambit ko pa.

Simula nung una wala na akong ginawa kundi ang mamorblema at magisip, masakripisyo at masaktan. Nakakasawa na din at nakakapagod. Di ko na alam ang aking gagawin. Nawawalan na ako ng pagasa.

"Sofia marami pa kaming nagmamahal sayo, di ka namin iiwan...di kita iiwan" paninigurado niya sa akin at tsaka niya ako marahang hinila papalapit sa kanya para yakapin.

Hindi binigo ni Callum ang kanyang pangako sa akin. Siya ang naging takbuhan ko. Palagi din niya akong sinasamahan sa bawat checkup ko. Kahit may pasok ay kaagad dumidiretso ito kung nasaan ako.

"Sorry ngayon lang ako, busy kasi sila sa campaign ni Dad" paumanhin niya.

Tumatakbo kasing Congressman ang kanyang daddy at busy sila sa kampanya. "Dapat di ka na pumunta dito, dapat ay nagpahinga ka na lamang" suway ko sa kanya dahil may katigasan din talaga ang kanyang ulo.

"Sus! Makita lang kita tagal na ang pagod ko" bola pa nito na ikinairap ko.

"Napakadami mong alam! Umuwi ka na nga" pagtataboy ko sa kanya.

Pero nginisian lamang ako nito. "Pinaglilihian mo nanaman ako!" Pangaasar niya sa akin.

Inirapan ko na lamang siya dahil kahit anong gawin ko ay di naman ako mananalo laban sa kanya. "Pwede pumasok?" Nakangiting tanong nito.

Wala na akong nagawa kundi buksan ng malaki ang aming gate para makapasok siya dala ang isang basket ng prutas.

"Callum, napadalaw ka...kamusta na ang kampanya ng daddy mo?" Salubong ni mommy sa akin kasama.

Buti pa yung bisita ko pinapansin niya, ako ay parang hangin niya lang kung ituring dito sa loob ng bahay. Kakausapin lang ako nito pagmay kailangan siya, at mabilis lamang iyon.

"Ok naman po, medyo nakakapagod lang po talaga" sagot ni callum dito.

"Dito ka na magdinner ha!" Paganyaya pa ni mommy sa kanya na kaagad naman niyang sinangayunan.

"Ayos! Libre dinner nanaman" natatawang baling nito sa akin, pero nawala kaagad ang ngiti sa kanyang labi ng makita niyang di ko kayang ngumiti at sumakay sa kanyang kasiyahan.

"Di pa rin ba kayo ayos?" Nagaalalang tanong niya sa akin. Umiling na lamang ako at napayuko. Di ako iiyak...di na ako iiyak.

Linggo ngayon at nilaan namin ang aming buong araw sa hospital. Sa ngayon nasa private room na si daddy pero di pa din siya gumigising at di kami mapapagod na hintayin ang muli niyang pagbabalik sa amin.

"Di ko na alam kung saan ako hahagilap ng pera" pamomorblema ni mommy habang nakayuko ito sa tabi ng higaan ni daddy at mahigpit na hawak ang kamay nito.

"Lubog na tayo sa utang, halos lahat ata ay nautangan na natin" dugtong pa na sabi nito.

Tahimik at malungkot lamang ako na nakatingin sa kanya habang hininimas ko ang pagaapat na buwan ko ng sinapupunan.

Nalulungkot din ako dahil ilang araw ng di dumadalaw sa akin si callum. Hindi naman sa nagiging demanding ako sa atensyon at presencya niya, namimiss ko lang kasi siya. Pero malinaw sa akin na may iba din itong buhay, di niya obligasyon na dalawin ako araw araw.

Napatigil si mommy sa pagiisip ng may kumatok sa pintuan. At kaming tatlo sa loob nv kwarto kasama si lola ay nagulat sa bumungad sa amin.

"Magandang hapon po, Congressman..." bati ni mommy sa daddy ni callum.

Napangiti ako ng makita ko si callum sa likuran ng kanyang ama. Pero nakayuko lamang ito at mukhang may dinadalang problema kaya naman nanatili na lamang ako tahimik.

"Di na ako magpapadalos dalos pa, Mrs. Hernaez...hindi naman siguro lingid sa kaalaman niyo na this past few days ay naging balita balita ang tungkol sa pagiging malapit ng mga anak natin" pahayag ng daddy ni callum sa amin.

Napatingin pa nga ito sa akin bago bumaba ang kanyang mga mata sa aking sinapupunan.

"Oo nga ho, congressman...gusto ko nga din po sanang humingi ng paumanhin dahil nalagay pa tuloy si callum sa kahihiyan" paghingi ni mommy ng paumanhin sa mga ito at may pagkadismaya pa ako nitong tiningnan na para bang ipinaparating niyang ako ang may kasalanan nuon.

"That's why im here mrs. Hernaez. As you can see nasa kalagitnaan na kami ng pangangampanya. At lubha talagang nakaapekto ang issue na si callum daw ang ama ng pinagbubuntis ng anak mong si sofia, kaya naman nandito ako para magalok ng tulong" mahaba at makahulugang sabi pa nito sa amin.

Napaayos ng tayo si mommy ng marinig niya iyon. Naramdaman ko naman ang presencya ni lola sa aking tabi. At ang pagkailang ni callum sa akin.

"Naku...maraming salamat po sa alok ninyong tulong. Ano naman po kaya ang magagawa namin para mabayaran kayo?" Magalang na pagkausap ni mommy dito.

"Lahat ng utang niyo babayaran ko, lahat ng gastusin sa hospital sasagutin ko...kung ang anak mong si sofia ay papayag na makasal sa anak kong si callum. Wala na kayong magiging problema, aakuin ng aking anak ang responsibilidad" mahabang pahayag nito na sobra ko talagang ikinagulat dahil hindi akalaing gagawa siya ng ganitong hakbang para lamang malinis ang kanyang pangalan sa larangan ng politika.

"Pero po..." magproprotesta pa sana ako ng kaagad akong pinigilan ni mommy.

"Bigyan niyo po muna sana kami ng konti pang panahon para pagisipan ito Congressman" magalang na pagtanggap ni mommy sa alok nito na ikinagulat ko dahil ipinaparating lang niyang may tyansang papabor siya dito.

Tumango tango ito. "Hanggang sa makalawa, kailangan ko na ang sagot ninyo sa makalawa" pinal na sabi nito bago magpaalam at tsaka umalis na kasama ang mga boduguards niya.

Kinausap naman ni lola si mommy sa may gilid at tahimik silang nagtalo duon. Ako naman ay nanatiling nakatulala sa may sahig. Di ko alam na may dadating pang ganito.

"Sofia...alam kong hindi mo ito ginusto, di rin naman ako pabor dito...sadyang gusto lamang talaga ni daddy na maayos ang lahat para kampanya niya" malumanay na sabi sa akin ni callum.

Di ako galit sa kanya, wala akong rason na magalit sa kanya dahil alam kong ang daddy niya lang ang may pakana ng lahat ng ito.

"Sofia tatanggapin natin ang alok ni congressman" sambit nimommy pagkauwi namin sa bahay kinagabihan.

Hindi iyon tanong kundi isang pahayag, isang utos. "Bakit po mommy? Kayo po ba ang magpapakasal kay callum?" Malumanay na sagot ko sa kanya.

Ikinainit iyon ng kanyang ulo kaya naman di niya na napigilan ang galit at mabilis na lumipad ang kanyang palad sa aking pisngi.

"Susundin mo ang sasabihin ko sofia, gawin mo ito...para man lang makabawi ka sa lahat ng naging kasalanan mo" pangungunsensya pa niya sa akin.

I understand that my mom is really desperate. Ngunit isa lang talaga ang gusto kong pakasalan sana...si sir zach. Pero dala na ri marahil ng pagkawala ng aking pagasa ay napapayag nila ako.

(End of flashback)

"Mommy!" Muling tawag sa akin ng aking anak na naglahad ng magkabilang kamay para magpakarga. Nginitian ko ito at mabilis na kinarga, hinalikan ko din ang matambok na pisngi nito.

Zeus Anthony Samaniego. Magtatatlong taong gulang na ito sa isang buwan. Ipinanganak ko siya dalawang buwan matapos mawala sa amin si daddy. Akala ko pa nuon ay magkikita pa silang mag lolo pero hindi ito nangyari.

Sina mommy at lola ay mas pinili na sa iloilo na manirahan, kasama nila si Tita feh at masaya naman silang tatlo duon dahil maganda ang takbo ng itinayo nilang bussiness.

Halos magtatatlong taon na din simula ng ikinasal ako kay Callum. Kinailangan iyon dahil marami kaming kailangang bayaran at kailangang linisin ang pangalan ng daddy niya na tumatakbong congressman nuon.

"Good morning" nakangiting bati sa amin ni Callum habang binubutones nito ang kanyang long sleeves.

"Good morning" balik na bati ko din sa kanya at tsaka siya hinalikan sa pisngi.

"Eh ang baby ko...di ba ako papansinin?" Natatawang pagkausap nito kay Zeus.

"Baby good morning daw sabi ni Daddy" pagkausap ko sa anak ko pero busy ito sa hawakn niyang laruan.

"Aw...inisnob si daddy" pagiierte ni callum dito.

Itinuring niya parang tunay na anak si Zeus. Pinadala din niya ang apelyido niya kagaya ng bagong apelyido ko ngayon. Simple lang naman nuon ang naging kasal namin. Garden wedding lang at pili lang ang mga bisita. Para lang maipamukha sa naninira sa daddy ni Callum na malinis ang kanilang pamilya.

Sandali kong inilapag si Zeus sa sofa sa loob ng aming kwarto para tulungan si Callum sa pagtutupi nito ng kanyang sleeves. "Baka malate ako ng uwi mamaya, madami kasi kaming bagong projects ngayon" paalam niya sa akin.

Nagtratrabaho siya sa companya ng kuya niya bilang isang head architect. Inaalok nga siya na upuan ang sumunod sa pinakamaatas na posisyon pero tinanggihan niya ito dahil gusto niyang gamit ang pinagaralan niya at maging hands on dito.

"Basta wag mo lang kalimutang kumain ng dinner" paalala ko sa kanya.

Kaagad lumawak ang ngiti nito tsaka humawak sa aking magkabilang bewang. "Opo Mrs. Samaniego" sagot niya sa akin pero kinurot ko lamang siya sa tagiliran.

"Baby, let's go" baling niya sa anak ko at binuhat ito para makababa na kami at makapagbreakfast.

"Dii!" tawag ni Zeus dito at nakangiting ipinakita kay callum ang hawak na laruang sasakyan.

"Baby umagang umaga kinarwash mo nanaman yang sasakyan mo gamit ang laway mo" natatawang sabi ni callum dito habang inaasar ang aking anak na wala namang kamalay malay.

Binati kami ng mga katulong pagkakita sa amin. May dalawang katulong kaming kasama sa bahay, iniregalo itong bahay ng daddy ni callum para sa amin.

Humagikhik naman si Zeus ng ibinaba siya ni Callum sa kanyang baby chair. Gustong gusto kasi nitong ipukpok ang hawak na kutsara sa may lamesa at sa kanyang baby plate.

"Tuwang tuwa ka dahil makakapagingay ka nanaman" pagkausap ni callum dito pero tinawanan lamang siya ni Zeus.

Sa tuwing tinitingnan ko ito ay di mapapagkailangang nakikita ko sa kanya si sir zach. Nung nalaman ko ngang lalaki ang baby ko ay kaagad kong napagdesisyunang pangalanan siyang Zeus na pangalan ng daddy ni Sir zach at ang niccolo naman na second name ni daddy.

"Callum gusto ko na talagang magtrabaho" sabi ko dito sa kalagitnaan ng aming pagakin.

Nung unang mga attempt ko ay ayaw ako nitong payagan dahil mas maganda daw kung hands on na lang ako kay Zeus. Pero gusto ko din naman kasing makapagipon ng sarili kong pera para sa anak ko. Kahit magasawa na kami ni Callum ay di ko pa din maatim na nandito lamang ako sa bahay.

Hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Kung iyan ang gusto mo, tsaka mas ok na din siguro iyon para naman maiba yung atmosphere mo" nakangiting pagpayag nito sa akin na lubos ko talagang ikinatuwa.

Nagkaroon ako ng chance na matapos ang kurso ko, pero di lang ako lisensyado dahil di na ako nakapagboard exam.

Gaya ng nakagawian ay buong araw ko lamang na inasikaso ang aking anak. Pag sobrang bored na bored na kami sa bahay ay lumalabas kami para mamasyal.

Nagpadrive kami sa driver patungo sa mall. Mas gusto kong mapagod sa paglilibot kesa mapagod na walang ginagawa. Wala akong problema sa pera dahil lahat ng cards ni callum ay may access ako.

"Tatawagan na lang kita paguuwi na" bilin ko sa driver habang tinutulungan ako nitong bumaba.

Pumasok kami ni Zeus sa isang baby botique. Tuwang tuwa ito dahil sa makukulay na laruang kaagad na bumungad sa kanya.

Kumpleto ang lahat ng gamit pangbata. Iniwan muna namin ang toy section at tsaka ako naglakad papunta sa mga damit pangbata. Mabilis kasi ang paglaki nito kaya naman sakto lang sa kanyang ang mga damit niya, gusto ko naman na maging kumportable ang anak ko.

May napili akong kulay baby blue na jumper at nagpahingi ng size sa isang sales lady. Hinihintay namim iyon ng magulat ako ng may nagsalita sa aking likuran.

"Baka naman pwede ko ng makilala ang pamangkin ko sofia..." nanigas ako ng marinig ko ang boses na iyom kaya naman unti unti akong bumaling dito.

"Sir kervy..." di makapaniwalang tawag ko sa kanya.

Nakangiti itong nakatingin sa hawak kong si Zeus. "Kamukhang kamukha siya ni Zach, Sofia..." sabi nito sa akin kaya naman napayuko na lamang ako.

"I heard kinasal ka na daw?" Tanong niya sa akin.

"O...opo" nautal pang sagot ko sa kanya.

"Can i hold him?" Tanong nito sa akin at binaliwala ang sagot ko.

Dahil busy si Zeus sa pagsubo ng laruan niya ay di ito nagreklamo ng ibigay ko siya kay sir kervy.

"Im afraid to tell you this sofia...pero sa oras na malaman ni Zach ang tungkol sa anak niya, kahit sino babanggain niya" Sabi nito na sobra ko talagang ikinabahala.




(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

753K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.2M 56.9K 45
Barkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwi...
7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
800K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...