The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 29

68.6K 1.8K 65
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Hanggang ngayon ay hindi pa din nagsisink in sa akin ang mga salitang sinabi sa akin ni Sir Kervy. Wala namang iba sa akin nitong mga nakaraang araw, o baka naman may sintomas na talaga akong nararamdaman di ko lang napapansin dahil sa dami ng pinoproblema ko ngayon.

"Hey huminga ka naman" nakangising suway sa akin ni sir kervy.

Napabaling ako sa kanya, nakasakay ako ngayon sa backseat katabi siya. Gusto daw kasi niya akong makausap kaya naman niyaya niya akong mag late lunch.

"Hi...hindi po ba kayo nabigla?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Umiling ito habahg nakangisi. "Kilala ko si Zach, hindi makakatiis yon lalo na at may katabi siyang babae sa kama gabi gabi. Hindi santo yang Sir Zach mo. Kundi mo lang alam...naguusap pa lang kayo hinuhubaran ka na niya sa isip niya" mapangasar na sabi nito sa akin kaya naman naramdaman ko tuloy ang paginit ng pisngi ko.

Mukhang nahalata niya ang pagiging tahimik ko. "Don't stress yourself too much. The doctor said that you should exert extra effort for your pregnancy lalo na't your only 19 years old for goodness sake" suway nito ay medyo mahina na ang dulo ng kanyang sinabi.

"Sorry po" yun na lamang ang aking nasabi sa kanya dahil feeling ko nagaalala rin ito para sa kalagayan ko.

"May makakasama ka bang magpacheck up bukas? Do you want me to ask my wife para samanhan ka?" Tanong nito sa akin.

Nagisip muna ako bago sumagot. "Uhm...kung ok lang po" nahihiyang sabi ko pa.

Di ko pa alam kung paamo ko ipapaalam sa pamilya ko ang kalagayan ko ngayon. Marami pa kaming problema at hayan nanaman ako at dadagdagan ang aalahanin nila.

Natuwa naman si Sir kervy sa aking isinagot sa kanya. Ng makarating kami sa mall ay kaagad kaming nagtungo sa isang restaurant. Pero papasok pa lamang ay hindi ko na gusto ang amoy duon.

"Italian restaurant ito, ayaw mo ba dito?" Tanong ni sir kervy sa akin.

Nahihiya naman akong umiling sa kanya. Mukhang nahalata niya na kung bakit.

"Ok saan mo gustong kumain?" Nakangiting tanong nito sa akin.

Iginala ko ang mata ko sa mga nakahilerang restaurant at fastfood sa loob ng mall. Agad napako ang tingin ko sa Chowking. Parang bigla akong nag crave sa siopao, siomai at tsaka sa halo halo.

"Ok lang po ba dun?" Nahihiyang turo ko pa.

Sinundan niya ng tingin ang tinuro ko at tsaka nakangiting tumango sa akin. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa chowking, nahihiya pa nga ako kay sir kervy tsaka hindi rin ako gaanong sanay na nakangiti ito. Palagi kasi itong nakasimangot at seryoso pag nasa school.

"Ako na ang oorder" paalam nito at tsaka tumayo patungo sa counter.

Nakatingin ako sa paligid at nakita kong halod lahat sila ay nakasunod ang tingin sa naglalakad na si sir kervy. Di mo naman din kasi sila masisisi, head turner kasi talaga ito at sobrang gwapo. Dagdag mo pa ang napaka pormal niya suot. Mahihiyang tumabi kahit naka americana.

"Hindi ko naman alam ang gusto mong kainin, kaya inorder ko na lahat ng pwedeng kong orderin" sabi nito sa akin pagkabalik niya sa lamesa namin.

Nanlaki ang mata ko dahil duon. "Naku, hindi niyo po kailangang gawin iyon. Nakakahiya naman po sa inyo..." nahihiyang sabi ko pa.

"Don't worry, Sofia. Pamangkin ko iyang dinadala mo...mahal ka ng pinsan ko, you are part of the family" pagpapaliwanag nito sa akin.

Napahawak tuloy ako sa tiyan ko na wala pang kabakas bakas na buntis ako. Di ko pa rim maImagine hanggang ngayon na may mabunuong bata dito sa loob ng sinapupunan ko. At ang batang ito ay ang anak namin ni sir zach.

"Salamat po" sabi ko bago siya nginitian.

Maya maya lamang ay dumating na ang inorder ni sir kervy na pagkain. Kinailangan pa nga ng mga waiter na magdagdag ng lamesa para lamang mapaglagyan ng iba pang pagkain.

"Ok, let's eat" anunsyo nito.

Nahihiya man ay hindi ko na din naman napigilan ang aking sarili. Kaagad akong kumain ng kanina ko pang gustong kainin. Pero mas lalo akong nahiya kay sir kervy ng yung mga kinuha ko ay kinalahati ko lamang at di ko naman maubos ubos, para naman kasi akong nawalan na ng gana dahil sa kabusugan.

"Ok Sofia, let's talk about your plans" paguumpisa nito pagkatapos kumain.

"Uhm...maghahanap pa po ako ng tiyempo kung kailan at paano ko sasabihin sa mga magulang ko" paguumpisa ko sa kanya.

"Do you want a help?" Tanong niya sa akin na kaagad kong inilingan.

"A...ayos lang po, kaya ko naman po siguro iyon" paninigurado ko pa sa kanya.

Tinanguan ako nito. "Kailan mo sasabihin kay Zach?" Tanong niya na nagpatigil sa paginom ko ng pineapple juice.

Seryoso itong nakatingin sa akin at handang handa ng makinig sa lahat ng aking sasabihin. "Pero ayaw pa po niya akong makita diba?" Nanalulumong sabi ko pa.

"Tell me kung kailan ka na handang makausap siya. I'll make a way para makita mo siya" paninigurado pa nito sa akin kaya naman kaagad akong nabuhayan ng loob.

Naglalakad kami palabas ng mall ng madaan kami sa isang baby botique. Awtomatikong huminto ang mga paa ko sa labas nuon. Ang ganda sa loob, ang sarap sa mata lahat ng kulay ng mga damit at gamit pang baby.

"Bigla kang naging excited?" Nakangiting tanong sa akin ni sir kervy ng maramdaman ko siya sa tabi ko.

Tumango tango ko. "Ano po kaya ang magiging baby ko?" Ta ong ko dito, at sobrang saya sa pakiramdam habang binabanggit ko ang mga iyon.

"Kahit lalaki o babae pa ang magiging baby niyo. One thing is for sure, mamahalin iyon ni Zach" paninigurado sa akin ni sir kervy.

Marami pa siyang binilin sa akin bago ako bumaba ng kanyang sasakyan. Sinabi niya din sa akin na susunduin nila ako ni ma'm grace bukas para magpacheck up.

Di na ako nagulat ng makitang labas masok sa bahay namin ang iba pa naming kapit bahay. Pagkauwi kasi ay kaagad na nagdesisyon si mommy na magluto ng pagkain para magcelebrate. Alam kong masaya lamang siya dahil nakalabas na si daddy. Pero alam ko na alam niyang wala talagang nangyaring hustisya sa paggulong ng kaso.

"Sofia, andyan na ang Daddy mo" nakangiting anunsyo ng isa naming kapit bahay habanv palabas siya ng bahay namin na may dalang pagkain.

Tinanguan ko na lamang ito at pilit na nginitian. Pumasok ako sa bahay at duon ko naabutan ang iba naming kamag anak sa side ni daddy. Ang iba nga dito ay di ko pa kilala, marahil ay malayong kamag anak pa ang iba.

"Sofia, Apo. Kumain ka na" salubong sa akin ni lola.

Kaagad ko itong hinalikan sa pisngi. "Kumain na po ako sa labas Lola. Gusto ko lang pong magpahinga" pagtanggi ko dito.

Tumango naman ito at binigyan ako ng daan ng tinawag ako ni mommy galing sa dinning. Ayoko pa nga sanang lumapot dahil gusto ko lang talaga ay makapagpahinga. Pero ayoko naman na magpakita pa ng kahit anong kabastusan lalo na't maraming tao sa bahay. Tama na muna ang kahihiyan para sa pamilya namin.

"Po?" Sambit ko pagkalapit ko sa kanya.

Sa gilid nito ay kita ko ang nakatayong si daddy habang may hawak na pinggan at maganang kumakain. Batid ko ding napahinto ito pagkalapit ko.

"Andito na ang Daddy mo. Hindi ka ba masaya?" Tanong niya sa akin.

Nakatitig lamang ako kay mommy, di ko talaga alam kung paano niya iniisip ang mga bagay bagay sa ngayon. Kailangan ba talagang itanong iyan sa akin? At gusyo ba talaga niyang sagutin ko iyon?

"Sofia, anak..." pagkuha ni daddy ng atensyon ko.

Kaagad akong bumaling sa kanya. Nakita ko ang panlulumo ng mata nito habang nakatingin sa akin. Di ko na siya napigilan ng niyakap niya ako.

"Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko ginustong madamay ka sa lahat ng gulo ko anak" bulong nito sa akin habang mahigpit akong niyayakap.

Dama ko ang sinseridad sa boses ni daddy habang sinasabi niya ang mga iyon. Naramdaman ko ang pagkagulat nito ng suklian ko ang mga yakap niya sa akin.

Humiwalay ito sa akin ng malaki ang mga ngiti sa kanyang mga labi. "Thank you, Sofia...thank you. Promise babawi ako sayo at sa Mommy mo" pangako niya.

"I'll give you a chance Dad kasi ayokong masayang ang pagsasakripisyong ginawa ko para sa pamilyang ito" emotionless na saad ko dito.

Napansin ko ang unti unting pagkawala ng ngiti sa kanyang mga labi, ang lungkot sa kanyang mga mata at ang pagbagsak ng kanyang balikat.

"Di ko sasayangin ang chance na iyon anak, gagawin ko ang lahat" paninigurado nito sa akin.

"Dapat lang po" pinal na sabi ko at kaagad na akong nagtungo papasok sa aking kwarto.

Nakatulog ako maghapon, itutuloy ko na nga sana at hindi na magdidinner kung di lang dahil sa baby sa sinapupunan ko.

"Naku! Mapaparami ang kain ko nanaman" masayang sabi ni lola.

Maingay sila sa dinning at nagtatawanan. Di ko alam kung bakit parang di ako naging masaya para sa kanila gayong ito naman ang dati ko pang gusto, ang maging masaya kami at buo.

"Sofia anak, kain na...ako ang nagluto" yaya sa akin ni daddy. At tumayo pa ito sa kanyang kinauupuan para ipaghila ako ng isa pang upuan.

Umupo na lamang ako para wala ng mahaba pang diskasyon. Nagulat din ako ng ito na ang naglagay ng kanin at ulam sa aking plato.

"Kumain ka ng marami" sabi niya pagkatapos punan ang plato ko tsaka siya bumalik sa kanyang inuupuan kanina.

Nalukot ang aking mukha ng makatikim ako ng bawang duon sa ulam na kanyang niluto. Samatalang sila ay busy sa paguusap.

"Hanggang kailan ang mga bantay mo Dad?" Tanong ni Mommy.

"Hindi ko pa alam kay Attorney, pero magkikita naman kami bukas para mapagusapan pa ang mga dapat ayusin" sagot nito kay mommy tungkol sa mga civillian pulis na nasa paligid ng aming bahay.

Di ko alam kung ilan sila eksakto, sabi daw kasi ay may hinala ang mga ito na may mas malalaki pang tao sa likod ng case tungkol sa daddy ni zach. Yun malamang ang tumatawag at nagtetext sa akin bago ang trials.

Napatingin ako kay daddy na ngayom ay nakikipagtawanan kay mommy. Mukhang wala naman sa mukha niya ang pagaalala. Masarap din sa mata ang aking natatanaw ngayon, masaya sila...pero bakit ako hindi?

Natulog na din ako pagkatapos kumain. Masyado silang sweet, at parang ayaw ng mga maga ko iyon, baka ayaw din ni baby. Napapangiti ako sa aking naiisip. Lahat ng gusto ko ay dalawa na kaming nakakaramdam. Natatakot ako pero ang sarap sa pakiramdam.

"Sofia..." isang matagal na yakap ang ibinigay sa akin ni ma'm grace na kaagad ko namang ginantihan.

"Magiging Mommy ka na din" nakangiting sabi niya pa sa akin.

Sinundo nila ako ni sir kervy para magpacheck up. Pero iniwan din kami ni sir kervy dahil kailangan pa nitong pumunta sa companya nila. Napansin kong masyadong busy ito. Tumutulong na siya sa pagmamanage ng school tapos may kompanya pa siyang inaasikaso.

Habang nasa clinic ay nakikinig lamang ako, si ma'm grace lang ang nagtatanong duon sa doctor dahil wala rin naman akong alam na dapat itanong.

"Inumin mo tong mga vitamins na to. Dapat hindi ka nakakamissed ng check up. Kung gusto mo sasamahan ko ulit kita, text mo na lang ako o kaya naman ay sabihan mo si Kervy" paalala sa akin ni ma'm grace.

Sumama na din ako sa kanya dahil mag grogrocery daw siya, bilang pasasalamat sa kanya ay sinamahan ko na lamang siya at gusto ko pa din siyang kausap, tungkol sa kay sir zach at sa pagiging ina.

"Pag nalaman ni Zach yan, naku lagot ka! Bubundatin ka non sa pagkain" natatawang pananakot sa akin ni ma'm grace.

Nakangiti lamang ako habang nakikinig sa kanya, di naman kasi lingid sa kaalaman ko na si sir zach ang nagalaga kay ma'm grace nung nagbubuntis pa ito sa panganay nilang si ken.

"Tsaka wag kang magalala pag naglilihi ka, paniguradong makukuha mo ang gusto mo dahil hindi matutulog iyon ng hindi niya nahahanap yung gusto mong kainin" pagbibida pa nito.

Naiinggit tuloy ako kay ma'm Grace. Excited na din tuloy akong malaman ito ni sir Zach, tsaka miss na miss ko na din kasi siya.

Tapos na kaming maggrocery, hinihintay na lamang namin ang driver nila ma'm grace dahil may karamiha ang dala nitong plastick bag.

"Para sayo ito, Sofia" turo niya sa akin sa dalawang plastick bag.

"Ang dami naman po nito Ma'm Grace, nakakahiya naman po..." sabi ko pa.

"Ano ka ba! Para na din tayong pamilya noh! Wala iyan..." sabi pa niya at hahampasin sana niya ako ng may naalala siya.

"Preggy ka ga pala, bawal ka saktan" natatawang sabi pa niya at napahinto kami sa pagtawa ng bumusina na ang kanilang sasakyan.

Papasok na sana kami sa sasakyan ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kaagad kong sinagot ang tawag ng nakitang si mommy iyon.

"Hello, Ma?"

"Sofia anak nasa hospital kami! Ang Daddy mo...binaril ang Daddy mo!" Natataranta at umiiyak na sabi nito sa kanilang linya.

Kaahad ko siyang tinanong kung nasaang hospital sila. "Shhh...makakasama sayo yan Sofia, magiging ayos lang ang lahat" pagtatahan sa akin ni ma'm grace habang nasa byahe kami patungo sa hospital.

Iyak lang ako ng iyak samantalang si ma'm grace ay tinawagan na si sir kervy para siguro humingi ng tulong. "Sino naman kaya ang pwedeng gumawa nito..." natatarantang sabi din niya habang hinihimas ang aking likuran.

Kaagad akong nabato. Natatakot ako sa aking naiisip. "Ba...bakit, Sofia?" Nagaalalang tanong nito sa akin.

"Ki...kilala ko na kung sino ang may gawa nito" wala sa sariling sabi ko sa kanya.

Agad kumunot ang noo nito, pero kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha sa aking isinagot sa kanya.

"Si...Sir Zach"






(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
143K 4.7K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...
2.2M 56.9K 45
Barkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwi...