I'm inLUST with my BOSS

By therealsweetyjasmine

2.6M 30.2K 2K

Dumudumi ang isip ko sa tuwing nandiyan sya. Sh*t!! More

Intro: In-LUST with my Boss
Commercial lang saglit..
1st: I wanna EAT you!
Thank you and SORRY!
2nd: Touch me....please!
3rd: Shyness attack!
4th: Start of something new?
Papampams...
5th: he is coming...
6th: Baby-Sit on me....
7th: strength please...
7.2: lucky
8th: Is it really happening?
9th: Bitter-sweet kisses..
A-10-TION READERS.. :)
10th: Jealous?
11th: Confession part 2!
12th: Surprise?
13th: Unexpected VISITOR..
14th: Back for good?
15th: Awkwardness...
16th: Contest?
17th: Competition part 1
18th: His story...
19th: Date??
20th: Confused 2.0
21st: Bebot # 2
22nd: Confused 3.0
23rd: the Boss' POV
24th: Space..
Paumanhin
25th: Dying inside..
26th: And I responded..
27th: It's official.. :)
28th: Her's opinion
30th part 1: Happy 1st!
30th part 2: Happy 1st year!
31st: unknown girl

29th: Visitors Day!

30K 381 91
By therealsweetyjasmine

(SHORT NOTICE:

Sa mga nakabasa na po ng unang version ng CHAPTER 27, siguro po nagtataka kayo kung bakit  parang putol.. Nagkaroon po kasi ng conflict yung ginawa ko sa phone at yung ginawa ko sa PC.. Pero na-update ko na po iyon kahapon kaya sa mga interesado pang basahin yung edited  version ng CHAPTER 27,  irefresh nyo nalang po yung buong story o kaya naman, REMOVE nyo po muna sa library nyo yung story ko and then ADD nyo nalang po ulit..

Kung "Lezz talk about "S"" po ang title ng CHAPTER 27 sa library nyo, ibig sabihin yun po yung unang version...

Yun lang po.. :)

Maraming salamat!

Enjoy reading guys!! Mwaah!)


Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang binabasa ang convo namin ni Iñigo.


Mula noong unang makatext ko ito ay hindi ko pa binubura ang lahat ng messages nito kahit na halos mapuno na ang memory ng cellphone ko.


Halos mapunit na rin ang pisngi ko sa kakangiti.


"Oh oh, pag-ibig.. Oh oh, pag-ibig.. Oh oh, pag-ibig.."


Parang timang na kanta ko habang nakatitig sa kisame.


Pero nabura ang ngiti ko ng bigla kong maalala si Sonny.


Tumawag na naman kasi ang Mommy nito kanina habang nagbabyahe kami pauwi at sinabing mas lalong sumama ang lagay nito at nang baby nito mula nang huling dumalaw kami. Hindi narin daw nakuhang maisalba ng doctor ang buhay ng bata kaya nagpasya na ang mga itong iparaspa na si Sonny kahit na pilit parin daw tumatanggi ang huli dahil nasa denial stage parin daw ito.


I feel sorry for her. I wanted to come and visit her pero tumangi ang Mommy nito na tumanggap ng ibang bisita. Tanging si Iñigo lang daw kasi ang gustong makita sa ngayon ni Sonny kaya matapos akong ihatid ng binata ay hinayaan ko na itong puntahan muna si Sonny upang makiramay narin sa kalagayan nito.


Sa totoo lang ay hindi ako kampante sa dalaga pero pilit ko itong binura sa isip ko dahil alam kong mabigat ang pinagdaraanan nito sa ngayon at kailangan nito ng karamay.


Hindi kasi mabura sa isip ko ang naging reaksyon nito nang dumalaw kami sakanyanang nakaraang araw.


Halato ang pekeng ngiti at hindi rin nakalagpas sa mga mata ko ang pigil na iritasyon nito nang malaman nito ang relasyon namin ni Iñigo.


Hindi ko na ito binanggit pa sa binata dahil ayaw ko namang lumabas na sinisiraan ko ang kaibigan nito.


Naputol ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto nang kwarto ko.


Muntikan na akong mapatalon sa kama at mapatili dahil sa takot. Agad kong kinuha ang pepper spray ko sa bag at kumuha rin ng kahit anong matigas na bagay na maaari kong ipangdepensa bago nanginginig na lumapit sa pinto.


"S-sino yan?"pilit kong pinatatag ang tinig ko upang hindi mahalata ng sinumang pangahas ang takot na nararamdaman ko.


Pero walang sagot na nagmula sa estranghero. Sa halip ay mas mahinang katok ang narinig kong mula dito.


Lalo akong nakaramdam ng takot pero pilit kong nilakasan ang loob ko.


Nagbilang ako ng tatlo bago lakas loob na binuksan ang pinto at sumisigaw na inispray ang hawak kong pepper spray sa kung sinong tao sa labas.


Pero laking gulat ko nang makita ko si James na nakabulagta sa sahig.


"K-King! What happened to you?"agad ko itong nilapitan upang ibangon.


Pero para akong napaso nang hawakan ko ito. Inaapoy ito ng lagnat!


Tanging ungol lang ang naging sagot nito kaya pilit ko itong inakay papunta sa kwarto ko.


Nakalimutan ko na may susi nga pala ito ng apartment ko kaya ito nakapasok.


Nang maihiga ko ito sa kama ay nagmamadali akong kumuha ng tubig at gamot para maipainom dito.


Biogesic nalang muna ang pinainom ko dito dahil duda ko kung nakakain na ba ito o hindi pa.


"Ano ba kasing nangyari saiyo at inapoy ka ng lagnat ng ganyan? King naman! Hindi ka pa ba nadala sa pagkakasakit mo noon? Alagaan mo naman ang sarili mo!"sermon ko dito nang makita kong naimumulat na nito ang mata nito.


Plano ko na sanang tumawag sa family doctor ng mga ito nang pigilan niya ako.


"Sorry."paos na sagot nito at pilit na ngumiti.


"Sorry-sorry. Ewan ko sa'yo King. Kahit kailan ka, hindi ka maiwanang mag-isa."patuloy ko paring sermon sa binata na nginitian lang nito.


"I'm starving." balewalang bulong nito.


"Hay naku! Wala ka paring pinagbago! Ayaw mo paring nasesermunan pero ayaw mo rin namang makinig! Oh anong gusto mong kainin?" tanong ko dito.


"Sopas. Yung luto mo."nakangiting sagot nito.


Nanlaki naman ang mata ko. Alam naman nitong hindi ako marunong magluto eh. Pero dahil may sakit ito, hindi nalang ako nagreklamo.


Saglit akong nagpaalam dito upang magluto.


Nangalkal ako sa cabinet at laking pasasalamat ko dahil mayroon ako ng lahat ng kakailanganin kong sangkap na si James din mismo ang bumili noong nakatira pa dito ang binata.


Inabot din ako ng halos isang oras sa pagluluto. Napangiwi naman ako nang matikman ko ang sopas na hindi ko tiyak kung lasa na bang sopas. Ang tabang!


Gusto ko nang umiyak dahil hindi naging masarap ang resulta n paghihirap ko. Plano ko na sanang itapon ang sopas at planong bumili nalang sa labas ng marinig ko ang paglapit ni James.


"Oh, anong gagawin mo? Bakit mo itatapon?"takang tanong nito.


Nakalabing tumingin ako sa binata. "Eh kasi.... hindi naman ito lasang sopas eh. Baka imbes na gumaling ka, mas lalo pang lumala yung sakit mo." mangiyak-ngiyak na sagot ko dito.


I heard him chuckled. Lumapit ito sa akin at kinuha ang kalderong may laman ng sopas. Tinikman ito ng binata at nakangiting tumingin sa akin.


"Ang sarap naman!"masayang sabi nito.


"Wag mo na akong bolahin pa. Tinikman ko na kanina yan kaya alam ko ang lasa."nakalabi paring sagot ko.


"Mas alam mo pa sa akin? Eh taste buds ko ito? Isalin mo na sa mangkok dali. Kanina pa ako nagugutom."masiglang sagot nito kahit na halata parin sa itsura na may sakit ito.


"You sure? Kakainin mo yan kahit na hindi naman lasang sopas?"paniniyak ko dito.


"Ang kulit. Paano akong gagaling nito kung hindi mo pa ako pakakainin? Dali na habang mainit pa."


Nginitian ko naman ito at masyang ipinaghain na ito.


Masigla naman itong kumain na parang sarap na sarap talaga sa sopas at laking gulat ko ng maubos nito lahat ang niluto ko. Nag burp pa ito senyales na nabusog nga talaga ito.


"Ang tibay talaga ng sikmura mo King kahit kailan." biro ko dito.


"May bago ba? Kahit naman anong lutuin mo, masarap para sa akin."nakangising sagot nito. Kung hindi mo lang ito kilala ay hindi mo iisipin na may sakit ito ngayon dahil nakukuha na nitong makipagkulitan.


"Anyway, kumusta na ang pakiramdam mo? Gusto mo na bang magpahinga?"nag-aalalang tanong ko dito saka hinawakan ito sa noo kung mainit pa. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na ganoon kataas ang lagnat nito.


Hinuli naman nito ang kamay ko at tinitigan ako sa mata. "Sorry kung naabala kita. Hindi ko rin alam kung bakit dito ako nagpahatid sa taxi imbes na sa bahay namin."


"Namiss mo ako no?"pang-aasar ko naman dito.


"Sobra Queen. If you just knew..." seryosong sagot nito.


Hindi ko nakuhang magkomento pa. I saw a glint of pain in his eyes. Alam kong alam na nito na sinagot ko na si Iñigo dahil narinig ko na kausap ito ni kuya sa cellphone nung umuwi ako sa bahay.


"Sorry..." hindi ko mapigilang sabihin.


Nakangiting ginulo nito ang buhok ko. "Bakit? May kasalanan ka ba? Mag-move on ka na nga. Grabe sya oh."pagbibiro nito.


Natawa naman ako dito at masaya din dahil alam kong magaan na dito ang lahat.


"Thank you Queen. Hindi lang sa masarap na sopas kundi pati narin sa pag-aalaga mo. Except the sermon syempre."nakangiwing dagdag nito.


"Anytime King. Pero maiba ako, tinakot mo ko kanina ha! Sa susunod nga, magtext ka muna o tumawag bago ka pumasok dito!"panenermon ko ulit dito.


"Oh I'm sorry. Hindi ko na kasi nakayanan pang magtext or tumawag kanina. Groge na talaga pakiramdam ko eh. If you want, I can give your keys back." hinging paumanhin nito.


"Oh no. It's not what I meant. Natakot lang kasi talaga ako." I replied.


"Sorry ulit. Hindi na po mauulit."anito saka nag-peace sign pa.


"Oo na sige na. Apology accepted. Alam mo namang hindi kita matitiis. Lalo na ngayong pinuri mo ang luto ko kahit na alam ko naman na palpak. Haha! Pahinga ka na. Ako nang bahalang magligpit dito."


"Matibay na ang tiyan ko sa luto mo Queen kaya wala iyon. Salamat ulit. Bukas ng umaga, alis din ako agad."


"Hindi mo naman kailangan magmadali. Baka naman mabinat ka lang. Saka ka na umuwi kapag talagang magaling ka na. Mag-isa ka lang dito bukas kaya makakapagpahinga ka ng maayos."nakangiting sagot ko dito.


"Sigurado ka?"tanong naman nito.


"Oo naman."sagot ko.


"Sige. Thank you ulit. Good night Queen."masayang sabi nito saka nauna nang umakyat sa kwarto nito.


Mabilis ko namang tinapos ang pagliligpit para narin makapagpahinga narin. Isang araw lang namang mamamalagi dito si James kaya siguro naman ay ayos lang iyon kay Iñigo.


Pero kinabukasan ay nagulat ako nang gisingin ako nang tinig ng dalawang tao sa labas.


Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang seryosong pag-uusap ni James at Iñigo sa sala.


"Oh Iñigo. What brings you here? Ang aga pa?"takang tanong ko. Hindi kasi ako sanay na dumadalaw ito sa akin ng ganito kaaga.


Agad naman niya akong sinalubong at nagulat din ako nang bigla niya akong halikan at hindi lang basta smack!


Gosh! Di pa ko nagtooth brush!


"Good morning honey. To answer your question, I just miss you kaya dumiretso na agad ako dito. Ayaw mo ba?"kunway nagdadamdam na sagit naman nito.


"Ito naman.. tampo naman agad.. Nag breakfast ka na ba?" malambing na tanong ko naman dito.


"Not yet. Actually plano ko sanang yayain kang magbreakfast kaya maaga akong pumunta dito."nakangiting sagot nito.


"Okay sige, wait for me. Magbibihis lang ako."pagpapaalam ko dito pero hindi pa ako lubusang nakakalayo nang marinig ko ang pagtikhim ni James.


Nanlaki naman ang mata ko dahil muntik ko namng makalimutan na may kasama nga pala ako ngayon.


"Oo nga pala. N-nandito si King kasi may sakit siya."paliwanag ko kay Iñigo kahit na hindi naman nito hinihingi ang paliwanag ko.


"Siya nga ang nagbukas ng pinto kanina eh. Sorry Pare kung naabala ko ang pagtulog mo."baling nito sa binata.


"Ayos lang Pare. Gising narin naman ako kanina kasi paalis narin ako. Tumawag kasi si Mandy at pinapapunta ako sa studio dahil may emergency daw."nakangiting sagot naman nito. Nakita ko nga na nakagayak na ito kaya napataas ang kilay ko.


"Diba kagagaling mo lang sa sakit tapos papasok ka na agad?"nag-aalalang tanong ko naman dito.


"Queen, okay na po ako. Oh sya, sibat na ko bago mo pa ako sabunin ng todo. Bye Pare."nagmamadaling paalam nito kaya napailing nalang ako.


"Tigas talaga ng ulo."umiiling na sabi ko.


"Swerte talaga niya sa'yo."komento nito.


Napatingin naman ako dito at hindi mapigilang mapangiti dahil nakita ko ang ekspresyon nito.


"Are you jelous?"pang-aasar ko dito.


Iniwas naman nito ang mga mata nito. "Hindi no." parang labas sa ilong na sagot nito na lalong nagpangiti sa akin.


"Sa'yo lang ako kaya hindi mo kailangan magselos." lambing ko dito na ikinangiti naman nito.


"Gusto kong gayahin yung linya ni John Lloyd sa pelikula kaso baka tawanan mo ko. Pero honestly, I feel the same way. Coz' I've never been jelous. Ngayon lang."seryosong sagot nito.


Oh how I love this man!

-----------------------------------------------------------

A.N.: As I promised, here's another update..

Sana laging ganito no? Hahaha..

I love you all! Mwaaah..

sweety jasmine

Continue Reading

You'll Also Like

48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
1.8M 60.2K 27
COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only o...