Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 43

76.8K 2K 429
By sweet_aria

Chapter 43

"Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na!" Mariin at pabalang na utos ni Dash nang hindi kumilos si Altamirano.

Sumunod din siya.

Pumasok si Dash at isinara ang pinto. Dumiretso siya sa sofa at pinagdikit ang mga kamay habang hinihintay akong lumapit.

"Dash-"

"Kailangan ba talagang papasukin mo siya dito?" Putol niya sa akin.

"We just had to talk. Iyon lang 'yon." Sagot ko. "Please... don't start."

Isinubsob niya ang mukha sa mga palad at napahilamos.

Tumabi ako sa kanya ngunit bigla naman siyang tumayo. Iniwas niya ang tingin sa akin.

"Are you going to say something? Ngayong hindi naman pala totoo na nalunod ang gagong 'yon, iiwan mo na ba ako?"

I didn't expect he would ask me this.

"Tamiya, I'm not insensitive. I know what's happening. Though you're not voicing out what you really want to, I know... that there's something wrong. Ikaw na rin naman ang nagsabi 'di ba?"

"I-I'm sorry." Hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga salitang iyon sa aking bibig. Marahan kong kinagat ang ibabang labi at tumayo.

Nilagpasan ko siya at tumungo sa kwarto. Akmang uupo ako nang yakapin niya ako mula sa likod.

I shut my eyes. Pain spread quickly as possible.

"You still love him. You still... do." Nabasag ang kanyang boses.

"Dash..."

Hindi niya ako hinayaang makaharap sa kanya. Sa halip ay mas humigpit ang kanyang yakap.

He's afraid. I could feel it. This was what I could bring to him. This feeling that I never meant to give him.

"I love you so much..."

Ramdam ko ang pag-ikot ng lubid sa aking lalamunan.

"Though I'm feeling this shit... this pain... I still want to trust the things that happened between us. I want to trust the pint-size love you still or possibly have for me. Meron pa naman... 'di ba?"

"Dash, I love you-"

"May laban ba ako sa kanya? Tamiya, may laban ba ako?" Putol niya.

Hindi ako nakasagot. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking balikat.

Muli ay pinilit kong humarap ngunit hindi niya ako hinayaan.

"It hurts as f uck. Kapag hindi ka sumasagot, lalo lang tumitindi ang hinala ko. May pagkukulang ba ako? Hindi ba sapat ang mga ginagawa ko para sa'yo?"

"No. No Dash! Hindi ganon!" Mas lalong tumindi ang sakit na bumalot sa aking dibdib. "Don't think that I don't love you. Don't think that way-"

"You love me but you love him more. You care for me but you care for him even more. Sa kanya may palabis. Sa kanya yung mas. I can feel it. I can feel the pain coz the more you deny, the more it's getting clearer to me."

Dinala ko ang aking kamay sa kanyang nasa aking tiyan. Mahigpit ko itong hinawakan.

"Kung may laban ako lalaban ako. Just say I shouldn't lose the battle, Tamiya. Just say it."

Mariin kong ipinikit ang mga mata sa pagpipiit ng luha. Ang sakit. Ang sakit na minahal niya ako pero hindi ko nagawang suklian nang tama.

"I think... we should end here." Desisyon ko.

Sunud-sunod na pumatak ang mga luha sa aking balikat.

"Why did he have to come back?" Nanghihina niyang tanong. "Bakit kung kailan akala ko ikaw na 'yung babaeng para sa akin saka siya nagpakita? Bakit kasi... siya yung mas?"

Hindi ko na napigil ang pagbuhos ng aking luha.

"Ang bilis... ang bilis-bilis niyang maagaw ka sa akin." Idinikit niya ang mukha sa aking pisngi at pinagdaop ang aming mga kamay. "I still want to be in your life, Tami. Gustong-gusto ko."

"Dash... please... let's just make it easy. Make it easy for the both of us." Pakiusap ko.

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa aking kamay. "Tamiya, first time kong magkaganito."

Kumawala ang hikbi sa aking bibig kasabay nang panginginig ng aking katawan.

"I'm happy you tried to love me. You tried to give yourself a chance to love again. Despite of the shortness of time, I'm lucky for I was the man who made you smile again. Kahit na hindi ganoon kaliwanag kung paano ka kayang pangitiin ng lalaking 'yun. Atleast... kahit papaano, napangiti ko ang babaeng nagturo sa aking magmahal."

Unti-unti niyang niluwagan ang hawak sa aking kamay. Unti-unti rin ang pagkalas niya sa yakap. Pinihit niya ako at hinagilap ang aking mga mata.

He wiped the tears on my face as he stared at my eyes.

"If he ever tries to hurt you again, I'll teach him a lesson."

He held my hand and kissed the back of it.

"Kapag pinaiyak ka niya, paiiyakin ko rin siya. I'll take you away from him. Kapag ginago ka niya, mas magiging gago ako." Ipinikit niya ang mga mata at hinalikan ang aking noo. "Kaya kitang ipaglaban pero siguro nga mas kailangan kitang sundin. Mas kailangan kitang pakawalan. Ayokong maging pabigat sayo. Sa nararamdaman mo. This is the first time I've fallen in love with a woman who's worthy of every best thing in the world. And your happiness is one of those."

Gamit ang isa pang malayang kamay ay dinala niya ito sa aking pisngi at marahang hinaplos.

"Mahal na mahal kita Tamiya."

"Forgive me..." Usal ko.

"You don't have to ask for forgiveness. You never cheated. You have the heart that every guy dreams to win." He gave me a bitter smile. "Hush... my girl." Muling tumulo ang kanyang luha.

Pinunasan ko ito sa nanginginig na mga kamay.

"Ito na 'yung huli... huling beses kitang matatawag na akin." Kinagat niya ang ibabang labi at bumuntong-hininga. "But... we can still change it. You can be mine again. Kapag sinaktan ka niya, itatayo kita. Aalalayan kita. Don't forget about it, okay?"

Marahan akong tumango.

"Don't give in too fast. Not yet. Let him work hard. Let him sweat out the rigor. Let him know and realize your worth so he won't do the same mistake."

"T-thank you Dash." Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Patawarin mo ako. Alam ko 'yung sakit. Alam ko 'yung hirap. At ayokong lumala pa ang mga nararamdaman mo."

Muli niyang kinagat ang ibabang labi at marahang tumango. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa hikbing kumawala sa aking bibig.

Binitawan niya ako. He turned his back and sprinted to the door. Nang makaalis siya at marinig ang malakas na pagsara ng pinto ay napaupo na ako.

Ang sama-sama ko para saktan ang lalaking walang ginawa kundi ang alagaan at mahalin ako!

"Dash... I'm so sorry."

Hindi ako ang babaeng para sa kanya. Hindi ako ang babaeng may kakayahang suklian nang wasto ang pagmamahal niya. Hindi ako ang babaeng nararapat na hawakan niya nang mahigpit dahil alam kong sa huli ay ako ang kusang kakawala.

Nang makundisyon ang sarili ay tumayo ako. Binuksan ko ang pinto at sumalubong ang nag-aalala niyang mukha.

"Altamirano..."

Inilahad niya ang bisig. Hindi na ako nagdalawang isip at yumakap sa kanya.

"Wala na... nasaktan ko na siya!" Isinubsob ko ang mukha sa kanyang dibdib.

Hinaplos niya ang aking buhok. "Shh... everything will be fine."

Humiwalay ako at hinawakan ang kanyang kamay. Hinigit ko siya papasok at binitawan siya nang makarating kami sa sofa.

Kumuha ako ng wine at nagsalin sa dalawang kopita.

"You're not gonna drink-"

"We're gonna drink." Putol ko. "Para sa pagkapanalo mo at pagkatalo niya. Masaya ka na?"

Napalunok siya. Hindi ko pinansin ang reaksyon na iyon. Pare-pareho lang kaming nasasaktan dito!

Tumabi ako sa kanya at inilahad ang isang wine glass. Tinanggap naman niya ito.

Sumimsim ako at iniwas ang tingin. "He's hurt and I couldn't do something to ease the pain. Ang sama ko 'di ba? After ko siyang sagutin, maging kami tapos sa huli wawasakin ko lang siya."

Hindi siya nakapagsalita. Inilapag ko ang baso sa mesa. Hinaplos ko ang aking buhok at isinandal ang likod sa sofa.

"I'm the most heartless person-"

"You're not." Agap niya.

Umangat ang labi ko para sa isang ngisi.

"Nasasabi mo 'yan kasi hindi ka ako. You do not know what is inside me. You don't know the guilt and how it bothers me!" Napataas ang boses kong sabi. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at umiling. "Tama siya e... sana hindi ka na lang bumalik. Sana nagmove on na lang tayo. Sana kinalimutan na lang natin ang lahat. Ang daming sana!"

Nilingon ko siya. Titig na titig siya sa aking mukha. Umirap ako at muling sumimsim sa baso.

"Sana hindi ko siya nasaktan. Sana ngayon nakangiti pa rin siya. Wala siyang ginawa kundi ang mahalin ako! Tapos ako, ang ginawa ko ay nakipaghiwalay sa kanya kasi alam naming dalawa na may mali!"

"You're mad that I came back." He said.

Kinagat ko ang ibabang labi. "I'm mad at myself. Hindi sayo. Kasi ako 'yung may mali dito."

Niyakap niya akong muli. Hinampas ko siya sa likod at hindi napigilan ang humikbi.

"What am I gonna do now? I don't deserve to be happy! I don't deserve the happiness he wants me to have!" Pinaghahampas ko siya sa likod.

"Kung pwede ko lang akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, gagawin ko." Mas humigpit ang kanyang yakap. "Forgive me..."

Kumalas ako, tumayo at muling nagsalin ng wine. "Don't kid me. I know you're happy about our break up."

"You think I am?"

Nilingon ko siya. Umigting ang kanyang panga at mariing pumikit.

"I was expecting the same. Na magiging masaya ako kapag naghiwalay kayo. Pero hindi-"

"Hindi?" Mahina akong tumawa. "Wag kang magkunwari. Isa kang gago! Isa kang gago na may kakayahang baguhin ang isip ko! Ikaw lang ang lalaking may kakayahang bumali ng prinsipyo ko!"

Tumayo siya at hinawakan ang magkabila kong balikat. Inalis ko ang mga kamay niya pero binabalik niya ang mga ito.

"That is because you love me." Mahinahon niyang usal.

Lumunok ako. Strong pain was palpable in his eyes.

Bumuga siya ng hininga at tumungo. "I have mistakes. I've made you cry many times. Alam kong naiisip mo na mali ako. Maling lalaki. Maling tao. Pati mga paraan ko mali. Pero ako man ang mali sa buhay mo... kaya kong itama ang lahat. Kaya kong maging tama para sa'yo."

"Pareho tayong may mali! At hindi tamang dagdagan pa natin iyon ngayon!" Sabi ko.

"What do you mean?"

Nilagpasan ko siya at dumiretso sa aking kwarto. Iniwan ko siyang mag-isa doon.

"Where's Dash? Hindi ba siya sasabay sa atin?" Tanong ni Hera nang umupo ako sa upuang nakalaan para sa akin.

We went out of the hotel to eat breakfast. Hindi na ako nakakain ng dinner kagabi dahil wala rin naman akong gana.

Ramdam ko ang atensyon nilang lahat. Nilingon ko ang magandang bata sa tabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"How's your sleep, baby?"

Ngumiti lang ito at hinawakan ang aking kamay. Dahil naghihintay pa kami sa mga inorder nila ay itinuon ko na lang ang pansin kay Serenity.

"Tamiya..."

Hinanap ko ang may ari ng boses at agad na napatayo nang makita si Jillian.

"Jill!"

Niyakap niya ako nang mahigpit.

"What time did you arrive?" Tanong ko.

"Kanina pang 8. Where's Dash?"

Iniwas ko ang tingin pati na ang sarili sa tanong niya.

Kumuha ng isa pang upuan si Altamirano at inilapit ito sa akin.

"Zeus, Hera, she's Jillian, my bestfriend." Bumagsak ang tingin ko kay Serenity. "Baby... say hi to your tita Jill."

"Hi..." She mumbled.

Matapos nilang magkakilala nila Zeus ay muli niyang binalingan si Serenity. Dahil sa pagiging magiliw ng bata ay dito natuon ang kanyang atensyon.

Buong oras ng aming pagkain ay tahimik lang ako. Nagsasalita lang ako kapag kailangan. Alam kong nakakaramdam si Jillian pero ayoko munang pag-usapan ang nangyari.

Nang makatapos sa pagkain ay nag-excuse siya para sa aming dalawa.

Sinulyapan ko si Altamirano na tahimik na pinanonood ang bawat kilos ko. He gave me a smile but I wasn't able to return it.

"What's the problem?" Tanong niya pagkalabas namin ng Regale.

Wala akong balak lumayo pero si Jillian ay gusto na atang bumalik sa hotel.

Hinawakan ko siya sa braso pero nagpatuloy siya sa paglalakad. Binilisan niya pa ang paghakbang.

"You're eating breakfast with them, with him. Si Dash... ano na lang ang sasabihin niya?" Tanong niya.

Hindi ako nagsalita hanggang sa marating namin ang hotel.

"Tamiya, answer me!" Malakas niyang sabi nang papasok na kami sa entrance.

Napatingin kami sa lalaking naka-aviator. Nilagpasan niya kami.

"Dash..." Tawag ni Jillian.

Ngunit hindi siya lumingon. Nagpatuloy siya sa paglakad. Ibinaba niya sa tabi ng isang van ang kanyang mga gamit.

Kusang pumihit ang katawan ko at tumakbo palapit sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likod. I felt him stiffen.

"Dash... mag-iingat ka." Naramdaman ko ang kirot sa aking dibdib. "Please take care of yourself for me."

Hindi siya nagsalita. Pinilit ko siyang iharap sa akin at nagtagumpay ako. Inalis ko ang bagay na tumatakip sa kanyang mga mata.

Sumisingaw dito ang sakit. Pero kahit ganoon ay binigyan niya pa rin ako ng isang ngiti.

Hinalikan niya ang aking noo. "The best way to fight is to give your girl the happiness she deserves."

Naramdaman ko ang muli niyang pagngiti. Pinakawalan niya ako at dinampot ang kanyang mga gamit. Dire-diretso siyang sumakay ng sasakyan.

Tumalikod ako. Napatingin ako sa nag-aalalang mukha ni Jill. Narinig ko ang pagstart ng makina.

Nang tuluyan nang umalis ang sasakyan ay tumatakbong lumapit siya sa akin. She hugged me tightly.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
4.6K 219 11
a two doctor's love story
209K 4.2K 67
Pagkatapos ng napakatagal na pagbuhos ng ulan sa buhay mo, makakakita ka pa rin ng rainbow sa langit. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (T...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy