The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 17

61.4K 1.9K 102
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




Sapo sapo ko ang aking kaliwang pisngi habang nakasalampak sa may sahig. Nanggigilid ang aking luha ng tiningala ko si Ma'm president na galitna galit na nakatingin sa akin.

"You stay away from my Son. Do you hear me?" Madiin at nanggigigil na pagbabanta niya sa akin.

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. "Kulang ba ang dalawang milyon? Sabihin mo, magkano? Magkano!?" Sinigaw niya na ang kanyang huling sininabi.

Napailing ako. "Mahal ko po si Sir Zach" garalgal na sabi ko at napahiyaw ako ng hablutin nito ang aking buhok.

"Malandi kang babae ka!" Sigaw niya sa akin tsaka niya ako kinaladkad palabas ng Condo ni sir zach. Buti na lamang at wala gaanong tao.

"Tama na po..." pagmamakaawa ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakasabunot niya sa akin. Hila hila niya ang aking buhok habang kinakaladkad niya ako papasok sa elevator.

"Ang bata mong maglandi! At ang kapal talaga ng mukha mo at ang anak ko pa ang napili mo!" galit na galit siya dahil habang sinasabi niya ang mga iyon ay hinihila niya ang aking buhok.

Mahigpit din ang pagkakahawak niya kaya naman di ko kayang gumalaw dahil ako lang din ang masasaktan. Tumunog ang elevator at huminto sa isang palapag.

"Oh my gahd" nagsinghapan ang mga taong dapat sana ay sasakya sa elevator pero di na nakasakay dahil sa gulat at pagkabigla sa nakitang sitwasyon namin.

Gigil na gigil na pinindot ni ma'm president ang elevator button para magsara. "Ma'm, tama na po" pakiusap ko sa kanya pero iwinasiwas lang niya mula ang buhok ko kaya tuloy ako'y napadaing.

Nakatayo siya habang hawak ang aking buhok samantalang ako naman at nakasalampak pa din sa sahig. Inayos ko ang aking palda dahil baka ako'y makitaan.

"Ma'm!" Hiyaw kong muli ng walang sabi sabi ako nito hinila palabas ng elevator. Nasa hallway na kami ng condo at maging ang mga taonsa reception area ay di makapaniwala sa nakikita.

"Tama na po" umiiyak na pakiusap kong muli sa kanya. Nilapitan na din kami ng mga guards pero wala itong nagawa ng tinaboy sila paalis ni ma'm president at tsaka sinabihang wag makielam.

Nakalabas kami sa condo at tsaka niya ako itinulak sa labas, duon sa may bandang gilid sa may mga halamanan. "Diyan ka! Diyan ka bagay hampaslupa ka!" Panlalait niya sa akin.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao at yun naman ata talaga ang balak niya ang pahiyain ako. "Pera lang naman ng anak ko ang habol mo! At talagang nagpadala ka pa dito sa condo niya!" Akusa niya sa akin.

"Hindi po yan totoo" umiiyak na sagot ko sa kanya.

"Layuan mo ang anak ko!" Muli niyang sigaw tsaka niya ibinato sa akin ang mga gamit ko kasama ang backpack ko.

Umalis ako duon na para bang basang sisiw. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam. Pinalayas at itinaboy niya ako duon na para bang isa akong bayarang babae na nagpapadala sa lugar ng lalaki para magkapera.

Sumakay ako ng jeep kahit halos lahat ng pasahero ay nakatingin sa akin. Alam kong ang iba sa kanila ay may ideya ng naglalaro sa kanilang mga isipan. Napaayos tuloy ako sa aking buhok gamit ang aking kamay.

"Sofia!" nagaalalang sigaw ni lola ng kaagad na sinalubong ako ni mommy ng malakas na sampal.

"Hindi ko na nagugustuhan yang pagrerebelde mo! Tinutubuan ka na ng sungay!" Sigaw nito sa akin na may kasamang panduduro.

Di ako sumagot, pero hinayaan ko na lamang na umiyak ako sa harapan nila. "Sofia, anak" lapit sa akin ni daddy.

Kaagad kong tinabig ang kamay niya, "Kasalanan mong lahat ito!" Sigaw ko sa kanya tsaka ako mabilis na tumakbo patungo sa aking kwarto.

Umiyak ako ng umiyak buong magdamag. Nakabantay din ako sa aking cellphone dahil baka tumawag o magtext man lang sa akin si Sir Zach pero wala. Nakatulala lamang ako sa pader hanggang sa masilaw na ako sa sikat ng araw.

Umaga na pala at ni hindi man lang ako nakatulog. "Sofia! Bumangon ka na diyan!" Sigaw ni mommy sa labas ng aking kwarto at halos sirain na niya ang aking pintuan.

Nagtalukbong ako ng kumot at di siya pinansin. Maya maya ay nawala na din naman ang ingay pero napabalikwas ako ng hilahin nito ang kumot na nagtatakip sa akin. "Bumangon ka na!" Utos niya.

"Ayoko na pong pumasok" sagot ko at muli ay napaiyak nanaman ako.

"Tumawag ang school niyo, pwede ka pa rin daw pumasok...ayusin mo ang problema na to Sofia, ipakita mong nagsisisi ka sa maling nagawa mo" pangaral nito sa akin.

Kaagad akong nagulat dahil sa kanyang sinabi. Inaasahan ko ng di na ako makakabalik sa school pero bakit parang iba ang nangyayari ngayon.

Ayoko sana talaga pero di ako tinigilan ni mommy hanggang sa di ako kumikilos. Ikang beses din akong nakiusap sa kanya pero di niya ako pinakinggan, ang gusto niya ay pumasok ako sa skwelahan na yon gayong anduon ang babaeng halos inakusahan akong para isang bayarang babae kagabi.

Gusto ako lapitan at damayan ni lola, pero gusto ko munang umiwas sa kanila ngayon. Di na rin ako nakatanggi ng nagpresinta sina mommy at daddy na sila ang maghahatid sa akin sa school ngayong araw kaya naman nahimik na lamang akong naupo sa likurang upuan.

Bumaba din silang dalawa dahil kakausapin daw nila si Dean Olive. Tinatawag pa ako ni mommy pero di ko siya pinansin, pagkapasok sa university kaagad akong humiwalay sa kanila at tinahak ang daan patungo sa room.

"Sofia..." nagaalalang tawag sa akin ng aking mga kaibgan. Isa isa nila akong niyakap at kaagad nag sabi ng kung ano anong bagay na pangpagaan ng loob ko.

Di nakatakas sa akin ang kakaibang tingin ng mga professor ko sa mga sumunod pang mga subject, alam ko namang kalat na sa buong school ang issue. Buti na nga lang at di na sila nagsalita at nagkomento pa, di ko na din kasi alam ang isasagot ko sa kanila o kung gugustuhin ko pa bang sagutin sila.

Wala namang kumausap o pumuna sa akin pero batid kong pinaguusap ako ng mga nakakasalubong ko. Lunch break na kaya naman nagyaya ang mga kaibigan ko na kumain na kami.

"Mauna na kayo, may dadaanan lan..." di na ako pinatapos ni glayn ng kaagad siya nagsalita.

"Wala diyan si Sir Zach Sofia...wala siya diyan" may bahid ng kalungkutan ang boses ni glayn ng sabihin niya iyon.

Di na ako kumontra pa dahil tama na siguro na kahit minsan ay makinig ka sa mga kaibigan mo.

"How's life, Sofia?" Tanong ni Lyndi sa akin ng maiwan kaming dalawa sa table ng umorder na ang mga kaibigan namin.

Tiningnan ko lamang siya, di ko alam kung sasagutin ko ba siya i hindi, mapangasar kasi ang mukha nito na parang kinaiinit ng aking dugo.

"Sikat na sikat ka na sa buong school ha, bakit hindi natin itry pagkakitaan yung vide..." di ko na siya pinatapos at kaagad ng lumipad ang palad ko sa kanang pisngi niya.

"How dare you!" Sigaw niya na nakaagaw ng pansin ng halos lahat ng taong kumakain dito sa restaurant.

Ang mga kaibigan namin ay kaagad na nagsitakbuhan pabalik sa table.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Justine.

Nakatitig lamang ako kay lyndi. Di pa din ako makapaniwala na kaya niyang magisip ng ganuon gayong magkaibigan kami. Maya maya ay unti unti na itong humikbi dahilan para lapitan siya nina Christine, Grace at theresa.

"Gusto ko lang naman siyang damayan dahil sa nangyari, napagdaanan ko din naman iyan nung sa amin ni kenneth...pero sabi niya wag ko daw siyang itulad sa akin" umiiyak na kwento niya na ikinalaki ng mata ko.

"Hindi yan tot..." di ko na nagawang ipagtanggol ang sarili ko ng kaagad na nagsalita na ang mga kaibigan ko.

"Sofia, alam naming hindi maganda ang pinagdadaanan mo ngayon pero wag naman sana na kami ay idamay mo, magkakaibigan tayo dito...damayan lang" si elayza iyom habang lahat sila ay nakatingin sa akin.

Naginit ang gilid ng aking nga mata. "Oo nga..." garalgal na sabi ko dahil di ko na napigilang umiyak. "Magkakaibigan tayo dito...pero hindi ko kayo kailangan ngayon!" Matapang na sabi ki at tsaka ako nagmamadaling umalis duon.

Di ko alam kung bakit nasabi iyon ni Lyndi. Is that a joke? But di naman magandang biro yung sabihin niyang pagkatuwaan at pagkakitaan pa yung video. And isa pa ay yung pagsisinungaling niya. I know that una pa lang ay ganyan na talaga siya. I tried to understand but iba ang panahon ngayon, marami akong kailangan intindihin.

"Ilang araw ka ng absent sa training mo, Sofia. Halos tatlong linggo na lang ay sportfest na...balak ko pa namang ipadala ka sa ibang campus para kagcompete" sabi ni Coach dylan pagdating ko.

"Sorry po, Coach...Don't worry magdodouble time po ako" paninigurado ko sa kanya kahit alam ko sa sarili kong wala ako sa focus ngayon.

Nagpalit ako ng swim wear at nagshower na din bago lumusong sa tubig. "Ready...Set..." kaagad na pumito si sir Dyalan kaya naman mabilis akong lumangoy patungo sa kabilang part ng swimming pool.

Huminto ako ng makapa ko na ang kabilang side. "Hindi pa yan ang pinakamabilis na record mo, Sofia...stay focus!" Suway nito sa akin.

Ilang minuto niya akong hinayaang huminga at kaagad muli na pumito. Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang ibuhos lahat ng lakas ko para makalangoy. Pinikit ko ang aking mga mata kahit alam ko namang bawal. Dinouble ko ang bilis ko at halos mahilo naman ako ng di sinasadyang mauntog ako sa kabilang side ng pool.

Kaagad akong binunat ni coach dylan para makaahon. "Did you close your eyes?" Galit na tanong niya.

Di ako nagsasalita, patuloy pa ding iniinda ang pagkahilo. "Damn, you're bleeding" pagkasabi niya nuon ay kaagad akong nagising. Napahawak ako sa aking ulo at halos manlaki ang mata ko ng makita kong may dugo na ang aking kamay.

"Dadalhin kita sa Clinic" pagkasabi niya nuon ay kaagad niya akong binuhat at dinala sa may clinic.

Binalutan nila ako duon ng tuwalya habang ginagamot ng nurse ang sugat ko sa may ulo.

"Alam mong bawal pumikit habang lumalangoy, Sofia. Delikado yon! Look what happen..." galit na sabi ni coach dylan.

Alam ko namang nagaalala lamang siya. "You are not focusing...siguro next year ka na sumali sa spor..." di ko na siya hinayaang matapos at kaagad ko siyang pinigilan.

"Kaya ko po. Coach...gusto ko pong sumali sa sportfest" paninigurado ko sa kanya.

"Then prove it, Sofia" sabi niya at tsaka niya ako iniwan duon sa clinic.

Maaga na din niya akong pinauwi. May maliit na bandage sa may ulo ko. Maliit na hiwa lamang iyon di naman na daw kailangan pang tahiin.

Wala ako sa aking sarili habang umiinom ako ng iced coffee habang nakaupo sa Quadrangle. Mamayang 4:30 pa ang next class ko kaya naman bakante nanaman ang buong isang oras ko.
Wala masyadong tao sa quad dahil class hour, mas maganda na din para sa akin iyon.

Napaiktad ako sa ingay sa kabilang bench at mas lalong nanlumo ang aking mga mata ng makitang mga kaibigan ko iyon. Kumpleto sila at masaya...mukhang di naman ako kawalan.

I learn not love somone, pero nung binigyan ko naman yung sarili ko na mainlove muli ay nagkagulo ang lahat. Nawala lahat sa akin. Feeling ko tuloy me alone against the world.

"Sofia..." tawag sa akin ni rea.

Tipid ko siyang nginitian. "Wag ka dito. Baka madamay ka pa sa akin" pagtataboy ko sa kanya kahit deep inside me gusto ko siyang makausap.

Di siya natinag bagkus ay nagulat pa ng makita ang bandage sa may bandang ulo ko. "Hala anong nangyari diyan?" Tanong niya sabay sipat duon.

"Wala yan...malayong mayo sa bituka, walang wala sa sakit na nararamdaman ko ngayon" sabi ko at pilit kong pinigilan ang aking pagiyak.

"Sofia tara dun...balik ka na sa amin" paganyaya niya.

Kaagad akong umiling. "Hindi na, kaya ko naman sigurong magisa...kakayanin kong magisa" sabi ko at tsaka kaagad na umalis duon.

Tinamad na tuloy akong pumasok sa susunod na klase ko, mabuti pa siguro ay umuwi na lamang ako. Pero ayoko din palang umuwi sa amin. Puro sumbat lang naman galing kay mommy ang matatanggap ko duon. Makikita ko pa si daddy na lalong ikasasama ng loob ko at si lola na alam kong nasasaktan din para sa akin.

Naglakad ako palabas ng university. Lumakad lang ako kahit di ko naman alam kung saan ako pwedeng pumunta. Muntik na akong himatayin sa kaba ng may humila sa akin sa amy eskinita at kaagad na tinakpan ang aking bibig.

"Shhh...it's me, Sofia" pagpapakilala niya sa akin.

Ang bigat na nararamdaman ko ay kaagad na nagsama sama dahilan kunh bakit tuluyan akong napaiyak. Mabilis akong yumakap kay sir zach.

"Sir Zach..." umiiyak na tawag ko sa kanha kahit ang higpit higpit na ng yakap ko sa kanya.

"I'm sorry...may inayos lang ako" paghingi niya ng tawad.

Niyakap ko lamang siya at duon umiyak, lahat ng sumbong na gusto kong sabihin sa kanya ay dinaan ko na lamang sa pagkaiyak.

"Did she hurt you?" Malambing at nagaalalang tanong niya sa akin.

Di ako umimik, nanatili lang akong nakayuko at umiiyak. "Did she f*cking hurt you, baby?" Nanduon pa din yung pagaalala pero mas madiin na ngayon.

Kagat labi akong tumingala sa kanya. Tsaka ako umiling, "Hindi..." pagsisinungaling ko.

"You liar!" Galit na sabi niya sa akin at kaagad akong niyakap.

"Don't lie to me Sofia...Dont f*ckin lie to me" madiing sabi niya sa akin.

"A...ayos lang ako" paninigurado ko sa kanya.

Kaagad na humiwalay ito sa akin at tsaka mahigpit na hinawakan ang aking kamay. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"From now on, you will live with me"






(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
143K 4.7K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...
107K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.