Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 42

75.4K 2K 228
By sweet_aria

Chapter 42

Matagal kami sa ganoong posisyon. Pinihit ko ang sarili at sinigurado kung nag-iilusyon lang ba ako.

Mas lalong bumuhos ang aking luha nang mahawakan ang kanyang mukha. Kumawalang muli ang hikbi sa akin at mahigpit siyang niyakap.

"I thought you're-"

"Shh..." Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Iiwan ba naman kita? 'Pag ginawa ko 'yon, parang tuluyan na akong sumuko."

Muli niyang isinubsob ang mukha sa aking leeg. Hindi ako nakapagsalita. Ayaw tumigil sa pagbuhos ang aking emosyon.

"Hush now. I'm here. I'm not gonna leave."

"Nakakainis ka..." Anas ko. "You scared the hell out of me! I don't want you to die that way! Kung mamamatay ka, gusto ko sa kamay ko! Gusto kitang saksaking gago ka!"

Mahina siyang tumawa. Humiwalay ako at pinunasan niya ang aking mga luha.

Kita ko sa maganda niyang mga mata ang lungkot.

"Sorry for that message. I was so desperate I decided to send that-"

Napatayo ako dahil sa narinig. Pinunasan ko ang mga luha at kusang nalukot ang noo.

"What did you say?" Napuno ng lamig ang aking boses.

Hindi pumasok sa isip ko na siya mismo ang magtetext nang ganoon. How could he send us such kind of message if we all knew that he was missing?

"It's so difficult to be crazy over a woman like you." Sabi niyang hindi sinagot ang aking tanong.

"Altamirano!"

Itinaas niya ang dalawang kamay at umupo sa kama. Bumuga siya ng isang mahabang buntong-hininga at ibinaba ang mga ito.

"I felt hopeless then again back to feeling upbeat. Paulit-ulit na ganoon. Ang hirap mabaliw sa'yo na minsan nakaiisip ako ng bagay na hindi ko inaasahan. Na kahit alam kong masama at mali ay gagawin ko pa rin." Hinaplos niya ang kanyang dalawang hita.

Iniwas ko ang tingin at ipinikit ang mga mata.

"You know me. Kung puno ka ng kalokohan noong highschool ganoon din ako. We can do unusual things."

"Pero iba ang ginawa mo! A hoax!" Muli ko siyang tiningnan. "An absurd action, Altamirano!" Sinugod ko siya para saktan ngunit napiit niya ang aking mga kamay at hinila ako paupo sa kanyang kandungan.

Mahigpit niyang ipinulupot ang isang braso sa aking baywang at ang isa ay nakahawak sa aking batok.

"Kahit kailan talaga, ang sadista ng babaeng mahal ko." Sabi niya sa halos paos na boses.

Pumiglas ako ngunit hindi ako nakawala. Hinigit niya ang batok ko at pinagdikit ang aming noo.

Bumilis ang kanyang paghinga. Napalunok ako sa pagtama ng bango nito sa aking mukha.

"You wouldn't cry like that if you don't care for me." Inilapit pa niya ang mga labi sa akin.

Marahan at paulit-ulit niyang hinaplos ang aking batok na nagpatayo ng aking mga balahibo.

"I can kindle your heart just like how I did in the past. But this time it would be a blaze. Apoy na mas matindi at mas nakasusunog."

Mas lalong bumigat ang aking paghinga. "Don't... make me a sinner!"

"I won't. Break up with him. You won't be one."

Muli ko siyang itinulak. Pinakawalan naman niya ako. Nanghihina ang mga tuhod ko ngunit pinilit kong tumayo.

Ngumisi siya at hinaplos ang kanyang buhok. Nagmamadali akong lumabas ng suite at sumakay ng elevator. Akmang pasara na ito nang makapasok pa siya.

Parehas ang nasa isip namin nang pindutin niya ang numero ng palapag kung nasaan ang kapatid niya.

"Dela Vega..."

"Don't talk to me, you sleazeball!" Irita kong sabi.

Nakita ko ang paglawak ng ngisi niya sa salamin. Nakarating kami sa tamang palapag. Hahawakan niya sana ako nang tapunan ko siya ng masamang tingin.

Kumatok ako sa pinto nila Zeus. Nang magbukas ito ay agad akong pumasok. Pinihit ko ang sarili nang maramdamang hindi nagpakita si Altamirano sa kapatid.

"Bumaba ako. Nakibalita. His body is not yet found-"

"If I tell you that I've seen him, what are you going to do?"

"What?" Halata sa mukha niya ang pagkalito.

Hinanap ng mga mata ko ang mag-ina. Kandong ni Hera si Serenity na tumahan na rin. Maging si Hera ay binakasan ng reaksyong katulad kay Zeus.

"Altamirano, get inside if you don't want to be hauled!" Malamig kong sabi.

Napatingin kami sa pintuan nang pumasok siya. Ang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang drawstring pants.

Inirapan ko siya nang itaas ang kamay tanda ng pagbati sa kapatid.

"F-fire?"

Nilingon ko si Hera. Para silang nakakita ng multo.

"He's not dead. It's just a hoax!" Muli akong umirap. "Hindi ko alam kung saan siya nakitext or bumili ng sim or what. Basta ang alam ko baliw na ang kapatid mo, Zen Eulysis. Dalhin na kaya natin 'to sa mental?"

"Kuya-"

Bago pa siya makalapit sa kapatid ay inunahan na siya nito. Tumama ang kamao ni Zeus sa kanyang mukha.

Lumayo ako at lumapit sa mag-ina. Tiningnan ko si Serenity na nakatingin sa gago niyang tito at sa kanyang daddy.

"F uck, Fire!" Sigaw ni Zeus.

Tinakpan ni Hera ang magkabilang tainga ng anak.

"What kind of shit came into your mind to do that? You made our flesh creep!" Galit na galit na saad ni Zeus. "Hindi ka ba nag-iisip ha? Saan ka nagtago? Halos hindi na kami makatulog paghahanap sa'yo tapos ay ligtas ka naman pala!"

Pinunasan ni Altamirano ang gilid ng labi niyang nagdudugo dahil sa lakas ng suntok ni Zeus.

"Paanong nangyari ito-"

"Pinulikat ako. Nakita ako ni Duo. Nagpatulong ako papuntang Fireside. I'm really drunk and dizzy."

"So you're hiding at your bar?" Asik na tanong ni Zeus.

"Bar?" Lito kong tanong.

"Kanya ang Fireside, Tamiya."

"What?" Nilingon ko si Altamirano.

Naglakad siya palapit sa amin. Pinanood namin siya. Si Serenity ay nagmamadaling bumaba sa kandungan ng kanyang mommy at yumakap sa binti niya. Binuhat niya ang bata at hinalikan sa pisngi.

"Hindi mo ba narinig si Tamiya? Hinahanap ka niya!"

"Malayo na ako nang pulikatin ako! I need to f ucking go away. Hindi niyo alam ang nangyari kung bakit gusto kong makaalis doon!" Mataman niya akong tiningnan.

Muling tumama sa akin ang konsensya. Iniwas ko ang tingin.

"Labas tayo, Fire. We need to talk. Kung kailangang bugbugin pa kita para magising ka sa mga kagaguhan mo, gagawin ko!" Nilingon ni Zeus si Hera. "Give my baby back to her mom."

Sinunod nga ni Altamirano si Zeus. Naiwan kaming tatlo at si Hera ay tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

"We shed tears for an absurd prank." Aniya.

"I want to kill him myself, Hera." Sabi ko at naghalukipkip.

Nilingon niya ako. Ilang sandali kaming natahimik. Hindi nagtagal ay sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Parang kanina lang hindi ka mapatigil sa pag-iyak-"

"Shut up!" Pinandilatan ko siya.

Nagpakawala siya ng mahinang tawa. Si Serenity ay humikab at isiniksik ang mukha sa kanyang leeg.

"How do I live without you? I want to know. How do I breathe without you? If you ever go... How do I ever... ever survive..."

"Aren't you gonna stop?" Mataray kong tanong.

Ngumuso siya, halatang pinipiit ang muling pagtawa.

"Tami, I was just singing..." Sumeryoso ang kanyang mukha. Hinaplos niya ang likod ni Serenity. "...for my daughter to sleep."

Tumayo siya at tinalikuran ako. Papasok sa bedroom ay pinagpatuloy niya ang pagkanta.

Napapikit na lang ako at isinandal ang aking likod sa sofa. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Ngunit dahil sa sobrang antok ay hindi ko na napigilang magpatangay dito.

I was not sure if it was just a dream, that someone was caressing my hair. Nang tuluyang magising ay pinakiramdaman ko kung nasaan ako.

Nakahiga na pala ako at may unan. Kumunot ang noo ko nang marinig ang mahinang pag-uusap.

"Hindi mo dapat iyon ginawa." Mahinhin na sabi ni Forrah. "Pakiramdam ko tuloy, mas lalong nagalit si Tamiya dahil sa nangyari. Hindi imposibleng ibunton niya sa akin ang lahat. Baka kung anu-ano nang iniisip niya. Sinabi sa akin ni Conrad na galit si Tamiya dahil akala niya inagaw ako ni Conrad sa'yo."

"You don't have to worry. Just understand her. I already explained to her what had happened in the past but I still don't know if that's enough." Boses niya iyon.

Napagpasyahan kong huwag munang bumangon. The agreeable mood I wanted to have, the reason why I decided to take a nap, was already ruined.

"Buti hindi mo ako pinadalhan ng ganoong message."

"Hindi na kita napadalhan. Iyakin ka pa naman."

Dahan-dahan akong bumangon. Tumikhim ako at nilingon sila na malapit sa pinto. Napatingin din sila sa akin at natahimik. Kinundisyon ko muna ang sarili bago tumayo.

Lalagpasan ko na sila at bubuksan ang pinto nang maramdaman ko ang mainit niyang bisig sa aking baywang.

"Bitaw..." Mariin kong utos.

He didn't conform.

"Altamirano!"

"Bumalik ka doon..." Malambing niyang utos.

"No..." Buong lakas kong inalis ang bisig niya sa akin. "It's not good to be awakened by flirtatious voices. 'Di man lang lumabas para bigyang galang ang natutulog."

Muli ay bubuksan ko na ang pinto nang humarang siya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Babalik ka doon o bubuhatin kita?" Kunot-noo niyang tanong.

Itinuro ko si Forrah. "Buhatin mo siya at magpatuloy kayo sa ginagawa niyo. O kaya buhatin mo at ilaglag sa bintana."

Hinawi ko siya palayo sa pintuan at lumabas. Sumakay ako ng elevator.

Inis akong napapikit nang sundan niya ako. "Nagising ka ba dahil umalis ako?"

"What are you saying?" Kunwari ay hindi ko alam na tama ang hinala kong nakahiga ako sa kanyang kandungan kanina.

Bumuntong-hininga siya. "Let's go back in there." Sabi niyang hindi sinagot ang aking tanong.

"Ayoko. I have my own suite. This is my hotel if ever you forget."

Gumapang ang kamay niya sa braso ko. Pumiglas ako ngunit nadala pa rin niya ang likod ng aking kamay sa kanyang mga labi. He kissed my knuckles softly that it sent tingles in my entire nerves.

"Are you jealous?" Mahinahon at malambing niyang tanong.

Binawi ko ang kamay. Umarko ang kilay ko. "Such a confident asshole to ask me that. Why would I be jealous? Sino ka ba para magselos ako?"

Hindi siya nakasagot. Pilit siyang ngumiti pagkaraan ng ilang segundo.

Iniwas niya ang mga mata sa akin ngunit hindi napalagpas ng aking paningin ang inilarawan nitong sakit.

"Hey that was just... I... I don't mean..." Hindi ko maituluy-tuloy ang sinasabi.

"Don't worry, I'm okay."

Hinawakan ko ang kamay niya pero nanatili siyang walang kibo.

Napapikit ako nang mariin. "I'm sorry... hindi ko sinasadya. Mahalaga ka sa akin dahil kaibigan kita."

There, I was wrong again for choosing inappropriate words. Mas lalong tumindi ang sakit na inilarawan ng kanyang mga mata.

Tumigil ang elevator. Bumaba ako at hinigit siya. Hindi man tama ngunit hindi na ako nakapagpigil na papasukin siya sa suite ko.

"Hey..." Umupo ako sa sofa at binitawan siya. "We can't be like this. Walang tayo. Ang meron ay kami ni Dash." Lumunok ako. "Intindihin mo sana ang sitwasyon-"

"Naiintindihan kita. I shouldn't have assumed that you're jealous."

Nag-isip ako nang dapat sabihin. "What I can give you is forgiveness... for now. Sa lahat ng ginawa mo. Pero hindi ko pa kayang ibigay ang pinakang gusto mo. I can't be a bitch that will hop from a guy to another."

Iginalaw niya ang ulo bilang pagsang-ayon.

"Altamirano-"

"Alis na ako. I don't want you to get caught." Tumayo siya.

Nagtuluy-tuloy siya sa paglakad.

"Altamirano... gusto mo ba talagang marinig ang saloobin ko?"

Doon siya napatigil.

Sa totoo lang ay natatakot akong baka gumawa na naman siya ng kalokohan. Kilala ko siya at ayoko nang maulit ang ginawa niya.

"Okay fine! I don't want you talking to her. I don't want you to smile at her. It irritates me."

Humarap siya sa akin. Unti-unti ay sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi. Iniwas ko ang tingin. Naglakad ako palapit sa kanya.

"But then please... understand me. May mga bagay na hindi pwede. Hindi ako pwedeng maglaro sa apoy."

Binuksan ko ang pinto para tuluyan na siyang lumabas nang salubungin kami ng seryoso at malamig na mukha ni Dash.

"Are you done talking?" Pinalipat-lipat niya ang tingin sa aming dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

8.4K 640 15
[COMPLETED] Ike Sonja Claveria is Galeley's "Ex", and a few weeks before summer ends, Gal is tasked to do this challenge: Be Ike's girl for a whole d...
71.1K 3.1K 34
"I will always leave a trace to remember my way back to you."- Kael Valdez [ BOOK PUBLISHED UNDER B&B PRINTING SERVICE ]
241K 5.2K 45
Natuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya...
3.5K 60 14
"She is a walking heart breaker and I, Alessio, let her break me into pieces, shattered completely." 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟱 𝗠𝗮𝗴𝘂𝗶 𝗟...