Hey Sir! I Love You! (FINISHE...

Von Psychedeliiic

832K 16.2K 1K

Eh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physic... Mehr

P R O L O G U E
C h a p t e r (o1)
C h a p t e r (o2)
C h a p t e r (o3)
C h a p t e r (o4)
C h a p t e r (o5)
C h a p t e r (o6)
C h a p t e r (o7)
C h a p t e r (o8)
C h a p t e r (o9)
C h a p t e r (1o)
C h a p t e r (11)
C h a p t e r (12)
C h a p t e r (13)
C h a p t e r (14)
C h a p t e r (15)
C h a p t e r (16)
C h a p t e r (17)
C h a p t e r (18)
C h a p t e r (19)
C h a p t e r (2o)
C h a p t e r (21)
C h a p t e r (22)
C h a p t e r (23)
C h a p t e r (24)
C h a p t e r (25)
C h a p t e r (27)
C h a p t e r (28)
C h a p t e r (29)
C h a p t e r (3o)
C h a p t e r (31)
C h a p t e r (32)
C h a p t e r (33)
C h a p t e r (34)
C h a p t e r (35)
C h a p t e r (36)
C h a p t e r (37)
C h a p t e r (38)
C h a p t e r (39)
C h a p t e r (40)
C h a p t e r (41)
C h a p t e r (42)
C h a p t e r (43)
C h a p t e r (44)
C h a p t e r (45)
C h a p t e r (46)
C h a p t e r (47)
C h a p t e r (48)
C h a p t e r (49)
C h a p t e r (5o)
C h a p t e r (51)
C h a p t e r (52)
C h a p t e r (53)
C h a p t e r (54)
C h a p t e r (55)
C h a p t e r (56)
C h a p t e r (57)
C h a p t e r (58)
C h a p t e r (59)
E P I L O G U E

C h a p t e r (26)

12.7K 224 6
Von Psychedeliiic

C h a p t e r (Twenty Six)

“Geoff, bata pa ba ako?” tanong ko kay baklito habang naglelecture kami. Wala kasing teacher at nag-iwan lang siya ng ipapakopya samin.

Natigilan naman siya sa pagsusulat at binigyan ako ng seryoso-ka-ba na look. Kami pala ang magkatabi ngayon since wala namang teacher, kahit saan pwede kaming umupo. At syempre tatabi ako kay Geoff! Medyo naiilang pa ako kay Rui.

“Ano na namang katangahan yan?” balik na ulit siya sa pagsusulat.

“Grabe ah, katangahan agad? Ano nga, dali sagutin mo na!”

Tumingin ulit siya sakin na may iritadong muka. “Ikaw? Bata? Eh mas matanda ka pa nga sakin eh! Ha-ha,” sabay irap.

“Tingnan mo, kainis talaga yun!” bulong ko. “Sige, sulat ka na ulit diyan. Thanks sa pagsagot.”

Kakainis talaga! Kahit sino naman hindi na matatawag na bata ang isang 17 years old ah! Atsaka malapit na ako mag-18 no! Kaasar!

“Pero kung isip bata, malamang sa malamang, oo!”

“Ako?! Isip bata?!”

“Oo!”

“Wha–Hindi kaya!”

Oo kaya! Kung umakto ka para kang hindi 17 years old! Duh. Age lang tumanda sayo, pero utak mo hindi.”

“Oy grabe ah!”

“Just stating the fact, Sha.”

OH MY GAWD. Di nga? Isip bata? Yun ba ang tingin niyo sakin ha? Yun din ba ang tingin sakin ni Jace?

Nakupo, muka ba talaga akong isip bata?!

“Natahimik ka diyan.”

“Inaabsorb ko pa rin yung sinabi mo,” tulala kong sagot. Isip bata… isip bata daw ako…

“Totoo naman kasi. Bakit hindi mo alam yun?”

“Hindi naman kasi talaga!” tinaasan niya lang ako ng kilay kaya napabuntong hininga nalang ako. “Paano naman ako naging isip bata? Hah? Hah?” nilapit lapit ko yung muka ko sakanya.

“Yang ginagawa mo, isip bata na yan. Layo nga!” walang awa niyang tinulak ang muka ko gamit ang palad niya!

“Grabe! Yun lang?! Isip bata na agad?!” I can’t belib it!

“Oo. Act like a lady, Shara.” Seryoso niyang sabi kaya naman medyo natakot ako.

“Pero hindi pa naman ako lady.” Napapout tuloy ako. Totoo naman ah! Diba pag 18 ka pa talaga magiging lady? Grrr.

“Ewan ko sayo.” Tsaka siya nagsulat ulit.

Haaaay nakakabobo naman tong pinagsasabi ni Geoff. Act like a lady daw. Pano ko naman gagawin yun aber?!

“Bakit mo naman pala natanong yun?” biglang tanong ni baklits habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip at pagsusulat.

“Secret,” sagot ko nang hindi tumitingin sakanya.

“Maglilihim ka na naman ganon?”

Tumigil ako sa pagsusulat tsaka humarap sakanya.

“Geoff, kahit naman super friend kita, may mga bagay pa rin akong kailangang ilihim sayo.” Atsaka hello?! Baka masambunutan o masapak lang ako nito pag nalaman niyang kaya ko tinanong yun ay dahil nabobother ako sa sinabi ni Jace kagabi!

“Yeah right.” Hala nagtampo ata!

“Uy wag ka na magtampo. Sorry na.” hinila hila ko yung sleeves ng polo niya. “Geoff…”

“Di ako nagtatampo no! Magsulat ka na nga.”

“Weh? Plastik ah! Geoff naman, intindihin mo ako!” wow parang ang heavy naman ng intindihin mo ako!

“Ano bang ginagawa ko?” humarap na siya sakin kaya napatigil ako sa paghila ng sleeves niya. Minsan talaga hindi ko madistinguish kung lalaki na ba itong si Geoff lalo na sa mga panahong seryoso siya.

“Eh kasi… galit ka ata eh.”

“Sinabi ko bang galit ako?” nakataas na naman po yung isa niyang kilay! Huhu.

“Hindi. Pero pinaparamdam mo naman!”

“Tsss,” tsaka na ulit siya nagsulat.

“Tingnan mo! Galit nga! Uy Geoff wag ka na magalit oh, grabe papasuyo na naman oh!”

“Edi wag mong suyuin.”

“Hindi naman pwedeng mag-away tayo nu! Uy wag ka na magalit kasi! Sasabihin ko rin sayo…” tumingin na siya sakin. “Sa tamang panahon. Hihi!” tsaka ako nag-peace sign! Hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ngayon Geoff! Nakakahiya kasi talaga! Isipin mo pang ang landi landi ko kahit mukang totoo nga!

“Pag hindi mo sinabi, kakalbuhin talaga kita!”

“Oo na,  oo na! Kung maalala mo pa! Haha!”

“Hindi ako ulyanin Shara.”

“Oo na, ikaw na! Basta hindi muna ngayon ha?”

“Fine!”

“Oy siya nga pala!”

“Oh?” wow ang gwapo ni baklito nung sinabi niya yun! Omegash magpapaparty ako pag naging lalaki to!

“Yung sa pinag-usapan natin. Ano na?” tinaasan ko siya ng kilay para naman minsan sa buhay ko nagawa kong taasan ng kilay ang isang Geofferson Ramirez no!

“Ano yun?” luh! At mukang kinalimutan niya talaga ha!

Lumapit ako sakanya at bumulong. “Yung kay Skye!”

“What?”

“Oh wag mong sabihing nakalimutan mo na! Kahapon lang natin yun pinag-usapan ah! Di daw ulyanin! Psh!”

“Tsk! Pwede bang wag na natin ituloy? Mukang loyal naman sayo yung boyfriend mo.”

“Hindi pwede!” napalakas na naman ata ang boses ko dahil natigilan yung iba sa pagsusulat at napatingin sakin. “Sabi mo gagawin mo! Hoy Geoff wala kang isang salita!”

“Edi wala ng isang salita!”

“Wah Geoff andaya mo! Gusto mo bang ipagsigawan ko sa buong classroom na–”

“Sige ituloy mo hahalikan talaga kita.” Pagbabanta niya. Buti nalang mukang walang nakarinig dahil pabulong lang yung pagsabi niya. Naku kung meron, malamang tutuksuhin na kami nito! Ang chismis pa naman may pakpak!

“OMG?! Geoff?!”

“Duh asa naman. Alam mo yung salitang joke?” tsaka siya tumingin sa bintana.

“Infairness kinabahan ako ah! Pero Geoff! Ang unfair mo! Pumayag ka eh! Pumayag ka! Kailangan gawin mo yun!”

“………”

“Uy Geoff! Seryoso ako! Pag di mo yun ginawa I swear kahit halikan mo pa ko ipagsisigawan ko yun with matching megaphone pa sa buong room! Magpapagawa pa ako ng banner at isasabit yun sa harap ng–”

“FINE! Leche.”

“Hehehe. Madali ka lang naman pala kausap eh! Dapat ganyan!”

 

Banner lang pala ang katapat nito! HAHAHA.

“Teka, kailan daw pala siya papasok?” absent pa rin kasi si Skye eh.

“Aba malay. Ba’t di mo itanong sa kuya?” inis niyang sabi.

“Tawagan mo nalang! Kamustahin mo! Mehehe!” nagevil smile ako.

“Are you serious?”

Nagpoker face ako. “Muka ba akong hindi serious?”

 

Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa….

“Fine! You win!”

“Mwahahahahahahahahaha!”

“Stop laughing! Muka kang demonyita.”

“Eh sa masaya ako bakit ba! Behlat! Mwahahaha!”

 

Kinuha niya na sa bulsa yung phone niya tsaka dinial yung number ni Skye. Grabe naman! Malands pa talaga ang pangalan!

“Grabe ka talaga no?”

 

“Hello?” ayan na ayan na! Sinagot na ni Skye!

Tumingin siya sakin at umirap. Bumulong ako ng, “Umayos ka!”

 

“Musta?”

 Waaaah Geoff ang manly mo ngayon! Nakakaiyak!

“Kailan mo pala balak pumasok?” nakasimangot pa rin siya at walang kabuhay buhay ang pagsasalita.

Nagsulat ako sa notebook ng HOY NGUMITI KA NGA!!!!! Tsaka pinakita sakanya.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Sabi ko nga wag na e.

“Ah. Ganun.”

Grrrrrrrrrr Geoff wala kang kwenta!

Nagsulat ulit ako…

SABIHIN MO SUSUNDUIN MO SIYA BUKAS! SABAY KAYO PUMASOK!

Nilayo niya yung phone sa tenga at inis na bumaling sakin. “WHAT?!”

“Dali na! Ang arte neto! Kainis! Sabihin mo nalang! Go! Sige ka magpapabanner–”

 

“Susunduin kita bukas. Sabay tayong pumasok. Bye.” Stiff niyang sabi tsaka binaba yung phone.

“Yun lang yun?! Ang stiff mo naman!”

“Anong gusto mo?! Maging sweet ako sa taong kinaiinisan ko?! Yuck ha.”

“Ano namang yuck dun? Bagay kaya sayo!” pag naiisip ko na naman yung manly na Geoff ay naku! Bagay talaga!

“Shut up Shara. Manahimik ka na lang diyan.”

“Okay!” nanahimik nalang ako! Atleast ginawa niya na yung sinabi ko diba?! Mehehe. Yun ang mahalaga!

***

Mag-isa lang ako ngayong kumakain sa canteen. Amp ang loner naman ng dating ko! Eh kasi naman si Geoff nawala! Si Rui? Hehe. Wag na muna natin siyang pag-usapan!

“Shara…”

“Uy, Rui!” halos mapatalon naman ako sa gulat. Kakasabi ko lang na wag muna natin siyang pag-usapan andito na siya agad?!

“Asan si Geoff?” umupo na siya sa tapat ko at inilapag ang lunch niya.

“Ewan ko dun. Si Skye pala, kamusta na?”

“Ayun, she’s still asleep nung umalis ako. Wala ng ginawa kundi matulog. Pero papasok na daw siya bukas kasi namimiss niya si yung Physics teacher natin.”

“Ah. Si Sir Jace?” malamang Shara! Sino pa ba?!

“Yep.”

“Ah ganun.”

Tahimik lang kami habang kumakain. Bakit ang awkward?

“Shara, are you ignoring me?”

Napakurap naman ako ng ilang beses sa tanong niya. Ganon na ba talaga ako kaobvious?

“Hindi. Bakit?” buti nalang hindi ako nagstammer!

“Wala lang. Feeling ko lang.”

“Ano ba yang feeling mo! Mga feeling talaga oh! Hehehe.” Shiz ang sinungaling ko na rin!

“Right. I think I’m just being paranoid.”

“Tama! Hahaha.”

Saka ko tuloy tuloy na ininom yung tubig ko. Hindi kasi ako sanay magsinungaling e. Buti nga hindi ako nagstammer. Improvement din yun.

“Shara, pwede ba kong pumunta sa bahay niyo?”

“HAAAAAAAAAAAAAAA?????”

 

Tama ba ang narinig ko?

“Ang cute kasi ng kapatid mo, I want to know her more.”             

Hala hala ano na ba itong mga naiisip ni Rui?! Waaaaaaaah hindi pwede hindi!

“Okay lang?” tapos… tapos… ngumiti siya! Pano ko naman tatanggihan ang mga ngiting ganyan?! Pero no Shara! Hindi pwede! No no no no!

“Ah kasi… ano… magulo yung bahay namin e.” andami ko ng kasalanan ngayong araw na to! Huhu.

“Edi linisin natin.” Nakangiti pa rin siya.

“Ah eh madami kasing daga dun! Oo! Tapos malalaki pa! Yikes katakot!” hehehehe ano na ba tong mga pinagsasasabi ko?

“Okay lang. Kung nahandle mo nga, I’m sure I can handle it too.” Ngumiti siya pero I swear may something! Hindi ko lang alam kung ano.

“Ah eh….” Wala na kong maisip! Ano pa ba?! C’mon Shara, think!

He chuckled. “You’re lying right?”

“H-ha?”

“It’s obvious.”

Napayuko ako sa hiya. Waaaaaaaah nakakahiya! Sana lamunin nalang ako ng lupa! Ganun ba talaga ako kaobvious?! Pero diba nga nagimprove na ang lying skills ko?! Bakit ganun?!

“Ayaw mo kong papuntahin sainyo, tama ba?”

Hindi ako makaimik. Hindi ko na alam gagawin! Gusto ko ng tumakbo palabas ng canteen!

“Why?”

Shiz! Ano namang kasinungalingan ang sasabihin ko?! Jusko, hindi na ako magtataka kung kakarmahin ako sa mga sumunod na araw!

“Hindi naman sa ganun pero uh… kasi…”

“Are you hiding something?” mabilis na umangat ang ulo ko para tingnan siya. Nakakatakot talaga yung mga ngiti niyang yan!

Pero ako na ata ang pinakaswerteng nilalang sa mundo ngayon ng marinig naming nag-ring na yung bell. Whooo Thank you Lord!

“Saved by the bell, huh?” tumayo na siya. “Let’s go?” tsaka siya naunang naglakad palabas.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

276K 10.2K 63
May mga bagay na nagbabago dahil sa unang halik. Kahit sinadya man 'to, o aksidente lamang, babaguhin nito ang takbo ng 'yong buhay. Kung nagha...
88.5K 2.4K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
695K 2.7K 5
Arranged Marriage, uso 'yan ngayon. Eh paano kung ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal at isa pa playboy sya. Laging may inu uwing babae sa bahay...
462K 6.7K 52
kasumi de guzman,mayaman,maganda,matalino perpekto pero hindi matangkad,inosenteng dalaga pero nabago iyon nung nagpakasal siya o sabihin nating forc...