Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 40

71.2K 1.9K 189
By sweet_aria

Chapter 40

"Dash..."

Isinara niya ang pinto ng aking suite at dumiretso sa bedroom. Umupo siya at pinanood akong lumapit sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay ngunit mabilis niya itong inilayo.

"Why can't you answer me?" Tanong niya.

Dumiretso ang tingin ko sa glass window at mapaklang ngumiti. "I saw Conrad and Forrah. They went inside a room together. I wanted to confront my cousin, not him." Saglit kong kinagat ang ibabang labi para kalmahin ang sarili. "You think I am the kind of girl who cheats, huh?"

"Hindi sa ganon-"

"Hindi?!" Hindi ko na napigil ang pagtaas ng aking boses at ang aking pagtayo. "Kasasabi mo lang! Tama ka na nagkunwari ako na inaantok! Tama ka na ginawa ko iyon para umalis ka! But I never planned talking to him! It's Conrad I wanted to talk to!"

"Why are you shouting?" Lukot ang kanyang noong tanong. "You can explain without raising your voice." Mahinahon niyang sabi ngunit ramdam ko na pinipiit niya lang na huwag tumaas ang boses.

"Paano naman ako hindi magagalit? May nangyari na ngang masama dun sa tao, selos pa ang inuuna mo! Alam ko na dapat wala na akong pakialam kay Altamirano pero iba ngayon! He's in danger! Sa tingin mo ba makakakalma ako? Sa tingin mo natutuwa ako sa pagseselos mo ngayon? No! No, Dash! Yes you have the right to be jealous but please... iakto mo naman sa sitwasyon!"

"I'm sorry." Iniwas niya ang tingin sa akin.

"When I'm in a relationship, I don't do the cheating. I know how it feels to be fooled. I know how it feels." Pumikit ako nang mariin.

"And... Fire was the one who fooled you. Siya ang dahilan kung bakit ganyan ang paniniwala at paninindigan mo sa bagay na 'yan." Saad niya.

"Yes!" Pag-amin ko. There's no reason to hide the truth.

Nang tingnan ko ang kanyang mukha ay wala akong nabasang kahit ano ngunit sapat na ang pagkuyom ng kanyang mga kamay para malaman kong hindi niya nagustuhan ang aking sagot.

Ilang minuto pa kaming natahimik. Nang hindi na ako nakatiis ay hinarap ko siya at dinala ang dalawang kamay sa kanyang pisngi. Hinagilap ko ang kanyang mga mata.

Pumasada ang daliri ko sa kanyang ibabang labi at tipid na ngumiti.

"Wag ka nang magselos-"

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi nang bigla niyang alisin ang kamay ko at hinalikan ako.

He held my face as he kissed me savagely. Gumapang ang mga kamay ko sa kanyang buhok at kusa itong sumabunot.

"Can't help but to feel jealous, Tamiya. Especially now that I know you have a past." He said in between kisses.

Inilapit ko pa ang sarili hanggang sa buhatin niya ako paupo sa kanyang kandungan.

My breathing's pace quickened as I felt him remove the strap of my dress. Bumaba ang halik niya sa aking leeg patungo sa aking balikat. Nag-iwan siya ng maliliit ngunit mariin na mga halik.

Dala ng kanyang ginagawa ay hindi ko na napigil ang sariling umupo sa kanyang kandungan. Mindlessly, stripping him.

Next thing I knew, I was only with my undergarments. His lips went down on my chest while unhooking my bra. Mas lalong tumindi ang pagsabunot ko sa kanya.

"Kahit mukha na akong tanga, kahit pinapahirapan kita. Nagmamakaawa ako. Hayaan mong sumaya ulit ako. Bumalik ka na sa akin-"

Naitulak ko si Dash. Kung bakit biglang naglaro ang boses niya sa isip at tenga ko. Sinabunutan ko ang sarili at ipinikit ang mga mata.

"What's wrong?" His voice was husky.

"I'm sorry..." Iminulat ko ang mga mata at tiningnan siya.

Tumutulo ang pawis sa kanyang matipunong dibdib. Wala akong nabasang kahit ano sa kanyang mukha. Hinagilap niya ang shirt na suot niya kanina.

Nang makapagbihis ay muli niya akong binalingan. Ngumiti siya, isang pilit na ngiti. "Get dressed. I'm gonna wait for you outside. Makibalita tayo sa kanila."

Tumayo siya at lumabas ng suite. Hindi ko na siya nagawang piitin dahil alam kong nadisappoint ko na naman siya. Sinunod ko ang kanyang sinabi at lumabas din ng hotel.

Kausap niya sila Hera. Seryoso ang kanyang mukha habang humihithit sa kanyang sigarilyo. Lumapit ako at akmang ipupulupot ang braso sa kanyang baywang nang humakbang siya palayo.

Iginala ko ang tingin sa mga kausap niya at si Hera lang ang tanging nakapansin ng kanyang ginawa. Kumunot ang kanyang noo.

"Kahit saan po namin siya hanapin, wala. Nakita niyo naman, pinaahon namin ang lahat-"

Kinuwelyuhan ni Zeus ang rescuer dahilan nang pagsinghap ni Hera at ni Forrah na hindi makatingin sa akin. "So you're saying that you'll stop searching?"

Hinigit siya ni Hera palayo. "Baby... calm down!"

"How could I? Tangina! Ang dami-dami nila, hindi pa rin nila mahanap?" Muli niyang tiningnan ang mga rescuers at lifeguards. "Magkano ba ang kailangan ninyo ha? Gusto niyo ng pera? How much? Tell me the price you prefer! Just f ucking find my brother!"

Sinundan ko ng tingin si Dash na malayo na ang nalalakad. Akmang hahakbang ako nang piitin ako ni Zeus. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Where are you going? Sumama ka sa akin!" Nakaigting ang panga niyang sabi.

"Zeus..." Tawag ng pinsan ko sa kanya.

Nilingon niya ito at hinalikan sa noo. "Go back inside. Baka umiiyak na si Serenity."

Tumango si Hera at bumitaw sa kanya. Hindi niya ako binitawan hanggang sa mahatak niya ako patungo sa isang bangka. Inilahad niya sa akin ang isang life vest. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ito.

Sumakay kami kasama si Rudolf at ang isa pang lalaki na hindi ko alam ang pangalan. Nagsimula na silang sumagwan. Nang makalayo ay pinaandar na ang motor ng bangka. Panay ang lingon ko, nagbabakasaling makikita siya.

"You look so worried."

Nilingon ko si Zeus na titig na titig sa akin.

"It's a normal feeling." Walang emosyon kong sabi.

"Normal. Yes. Ganyan ka naman 'di ba?" Umiling-iling siya. "Tama nga ang kapatid ko. You're best at covering your real feelings. Kahit ang mga sinasabi mo, kabaligtaran ng nararamdaman mo. When are you going to be true to yourself, Tamiya? 'Pag wala na si Fire?" Lumunok siya at iniwas ang tingin sa akin. "'Pag... patay na siya?"

Pinagdikit ko ang dalawang kamay at inilapit ito sa aking bibig. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata.

"If ever Fire won't be found, I don't know what to do..." Dagdag niya.

"Makikita natin siya." Tumunghay ako. "Pero kung hindi, matatanggap ko ang galit niyo sa akin. Matatanggap ko na kamuhian niyo ako. Ako naman ang may kasalanan ng lahat ng ito diba?"

"Hindi kita sinisisi." Aniya at tumabi sa akin.

Mapakla akong ngumiti. "How could he be an asshole? How could he do that?" Kinagat ko ang ibabang labi para pigilin na ang sarili sa pagsasalita.

"I don't know. What I know is that, he really loves you. Pagmamahal na hindi kailangang magkunwari. Pagmamahal na sa'yo niya lang ibinuhos. Pagmamahal na katulad ng pagmamahal ko sa pinsan mo." Iginala niya ang paningin. "Sana mapatawad mo siya sa kagaguhang ginagawa niya."

Hindi ako nakapagsalita.

"I hope you can forgive him. Kahit iyon na lang. Don't worry, pag nakita natin siya, pababalikin ko na siya sa hacienda. Hindi ko na siya hahayaang lumapit sa'yo."

Tumagal ang paghahanap namin pero hindi pa rin namin siya nahanap. Nang bumaba kami sa pampang ay sinalubong kami ni Serenity at Hera.

Umiiyak ang batang yumakap sa kanyang daddy. Mahigpit na yakap din ang ibinigay ni Zeus sa kanya.

Malungkot ang mga mata niyang bumaling sa asawa. "Wala pa rin."

Tumango si Hera at niyakap din siya. Tumulo ang kanyang luha habang nakatingin sa akin. Mabilis niya itong pinunasan.

"Don't lose hope..." Aniya at nginitian ako.

Tumango ako at nilagpasan sila. Dumiretso ako sa hotel. Nang makapasok sa aking suite ay tumungo ako sa kitchen at kumuha ng wine. Nagsalin ako sa wineglass at tumungo sa bedroom.

Sumimsim ako sa aking baso at ipinikit ang mga mata. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag.

"Jill..." Bungad ko.

"Sinabi ni Dash sa akin ang nangyari. Pinapatawagan ka sa akin." Simula niya. "Are you okay?"

Mapakla akong ngumiti. "Nag-away kami. Nasigawan ko siya. Alam na niya ang tungkol sa amin ni Altamirano." Nagsalin akong muli sa kopita at straight itong ininom.

Natahimik siya.

"Jillian... nasasaktan ko si Dash. Unavoidably, I am hurting him." Kuwento ko.

"Nasasaktan din si Fire, Tamiya. Ikaw din nasasaktan ka."

Ibinaba ko ang kopita sa bedside table at tumingin sa kawalan.

"If only I am beautiful like you, I'm going to be a rebound of one of your boys. Para hindi ka na mahirapan. Haba kasi ng buhok mo. Sarap apakan."

Alam kong pinagagaan niya lang ang aking loob.

"Pakiputol na lang Jill." Ganting biro ko. "I don't understand why other girls want to be beautiful. Don't they know that this is my number one problem?" Dagdag ko pa.

Tumawa siya. Batid ko rin ang kanyang pag-iling.

"Pero, seryoso... pumunta ka naman dito. Hindi pa kasi nakikita 'yung gagong si Altamirano. Problema ko pa si Dash."

"I will. Maybe tom. Bibili na ako ng ticket."

Tumango ako. "Ikaw na rin ang bahalang umubos ng buhok ni Forrah. Kalbuhin mo nang ayawan ni Conrad."

Muli siyang tumawa. "Ako dapat ang nagpapatawa sa'yo... pero baliktad ata."

Nagsalin muli ako sa aking baso at nilaro ito sa aking kamay.

"Sleep now, Tami. Alam kong hindi ka pa natutulog. Don't you worry, I'm going there. Hindi ko yata kayang tanggihan kapag ang bestfriend ko na ang maysabi na puntahan ko siya. Minsan lang 'to mangyari."

"I'm expecting." Sabi ko. "Bye, Jill." Pinatay ko ang tawag.

Hindi ko na mabilang kung nakailang baso na rin ako pero ramdam ko ang pagtama ng epekto ng wine sa aking sistema.

Tumayo ako para dalhin ang mga gamit sa kusina nang matumba ako dahil sa hilo. Nabasag ang bote ng wine pati ang wineglass. Humawak ako sa bedside table. Nang makatayo ay kusang pinalis ng mga kamay ko ang laman nito maging ang lamp.

Nanginig ang mga labi ko, nanghina ang mga tuhod at nag-init ang gilid ng aking mga mata.

"Tangina Altamirano... magpakita ka na!" Bigla na lang iyong lumabas sa aking bibig. Sumandal ako sa kama. "Magpakita ka na!" Ulit ko.

Ipinikit ko ang mga mata. Nagsimula na namang manakit ang aking lalamunan.

Ayokong bumigay. Hindi ako ito. Hindi ako si Tamiya kung magpapatalo ako sa nararamdaman ko.

Muli ay pinilit kong tumayo nang marinig ko ang malakas na pagkatok sa pinto. Kahit pagewang-gewang ay pinilit kong makarating doon.

Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Dash. Mahigpit ko siyang niyakap. Hinaplos niya ang buhok ko at isinara ang pinto.

"Dash... I'm sorry." Bulong ko.

Inalalayan niya ako patungo sa kama at inihiga doon.

Sa namumungay na mga mata ay pinilit ko ang sariling panoorin ang ginagawa niya. Iniligpit niya ang mga nagkalat sa sahig.

"Dash, you love me, right?"

Nilingon niya ako. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

"Yes... I do." Tipid siyang ngumiti. "I love you so much that it pains me seeing you like this."

"I promised to myself that I'll never hurt you. But I failed. Dash... I failed." Inalis ko ang kanyang kamay sa aking pisngi. "Please be mad. Please... I don't want you be like this. You know that there's wrong with me. Kung pwede lang sigawan mo ako. Saktan mo ako. I won't make a fuss. I know how it feels to be betrayed. I know how-"

"Shh..." Pagpigil niya sa akin. "Loving someone means getting hurt. Loving someone means feeling the possible emotion it could give, whether be good or negative. Those are normal. So please, stop talking. Have some sleep."

"Dash..." Hinalikan ko ang kanyang leeg paakyat sa kanyang mukha. I was about to kiss his lips but he avoided it to happen.

Lumayo siya at umupo sa kama. Hinaplos niya ang kanyang buhok at tumingin sa kawalan. "Don't kiss me. Hindi ako katulad niya na mali ang paraan makuha ka lang. Sinabi kong lalaban ako. But it doesn't mean I'm gonna take advantage whenever you're like this."

Continue Reading

You'll Also Like

41.4K 2.4K 40
World Trip Series 4 Kiersten applied as an intern in a company based in London. She dreamed to live like how royals in the country would live like. A...
3.5K 60 14
"She is a walking heart breaker and I, Alessio, let her break me into pieces, shattered completely." š— š—”š—„š—–š—›š—˜š—„š—¢ š—¦š—˜š—„š—œš—˜š—¦ #šŸ± š— š—®š—“š˜‚š—¶ š—Ÿ...
209K 4.2K 67
Pagkatapos ng napakatagal na pagbuhos ng ulan sa buhay mo, makakakita ka pa rin ng rainbow sa langit. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (T...
9.6K 67 5
Miss Kae's list of stories and their sequence. I compiled all my stories for easy search and if you want to know the order of reading for my series...