Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 38

66.9K 2K 300
By sweet_aria

Chapter 38

Naghahapunan kami at kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigil ang sariling tapunan nang masamang tingin si Forrah. Sa tuwing nagtatama ang aming paningin ay agad siyang umiiwas.

"Taste it. This is good!" Inilapit ni Dash sa akin ang tinidor na may nakatusok na ulam.

Binalingan ko siya ng tingin at tinanggap ito.

"Are you okay? Kanina ka pa wala sa mood." Pansin niya.

Uminom ako at pinunasan ang aking bibig. Dahil hindi makakain nang maayos ay tumayo na ako na ikinagulat nila.

"Tapos ka na?" Nakakunot noong tanong sa akin ni Hera.

Tumango ako. Hinawakan ni Dash ang aking kamay ngunit hindi ako nagpapigil sa kanya. Bumitaw ako at tumalikod.

"Tamiya!" Tawag niya.

Ramdam ko ang pagbaling ng atensyon sa akin ng iba pang kumakain. Dire-diretso akong lumabas ng restaurant at naglakad papunta sa Fireside.

Kinuha ko sa aking purse ang cellphone nang maramdaman ang pagvibrate nito. Binasa ko ang natanggap na mensahe.

Jillian:

Are you kidding me?

Bumuntong-hininga ako at nagtipa ng tugon.

Me:

I watched them enter the suite! Sa tingin mo ba ay nagsisinungaling ako? Sigurado ako sa nakita ko Jill!

Jillian:

Anong balak mo?

Hindi ko na siya nareplayan dahil biglang may humawak sa aking kamay. Kahit hindi ko tingnan ang may-ari ng kamay ay kilala ko na.

"Dash, go back there." Inangat ko ang tingin sa kanyang mukha.

"Where are you going?" Tanong niya.

Inilapit ko ang sarili sa kanya at hinalikan siya sa labi. "Fireside."

"Do you think I'm gonna let you?" Nalukot ang kanyang noo.

Hindi na niya nagugustuhan ang inaasta ko. Hindi ko siya masyadong pinapansin at alam kong naiirita na siya. Lalo na't hindi ako pumunta sa suite niya para gawin ang napag-usapan namin.

"What is the problem Tami? I was waiting for you in my suite but you didn't come." Lantad sa boses niya ang tampo.

"I'm sorry okay?" Nagpatuloy ako sa paglalakad at pilit niya akong sinasabayan. "May nangyari lang kanina."

"Ano ngang nangyari?" Muli niyang tanong.

Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa Fireside. Umupo ako sa bar counter at umorder ng alak.

"No please, don't give her."

Marahas ko siyang binalingan. "Dash!"

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. Napapikit ako sa inis na nararamdaman.

"Please, tell me."

Napilitan na akong harapin siya. Magsasalita pa lang ako nang tumabi sa kanya si Altamirano na kasama si Forrah. Muling kumalat ang galit sa aking dibdib at humarap sa bartender.

"Give me a glass of champagne." Utos ko. "We'll talk about it later, Dash."

Hindi na siya nagsalita. Nang lingunin ko siya ay nakaigting na ang kanyang panga. Tumingin siya sa kanyang gilid. Kumuyom ang kamay niya sa hindi ko malamang dahilan.

"Brandy please." Aniya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinaplos ito. Napatingin ako kay Forrah at nahuli kong nakatingin din siya sa akin. Hilaw akong ngumisi.

"Do you want something, Forrah?" Tanong ni Altamirano.

Umiling ang babae at muling iniwas ang tingin sa akin.

"Pabebe, leche!" Mahina pero madiin kong sabi.

Nakuha ko ang atenyon ni Dash at Altamirano. Si Forrah ay napalunok. Alam niyang para sa kanya ang komento kong iyon.

"Forrah, hanggang ngayon ba naman wala ka pa ring ipinagbago? Kaya siguro nauso ang salitang pabebe ay dahil sa'yo." Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagbaba ng bartender sa counter ng aking inumin.

"Tamiya..." Malamig na sambit ni Altamirano.

Binalingan ko siya at kusang umarko ang aking kilay.

"Walang ginagawang masama sayo si Forrah." Mahinahon ngunit dama ko ang inis sa kanyang boses.

Mahina akong tumawa. Tiningnan ko ang reaksyon ni Dash at lantad din sa kanyang mukha ang inis. Hindi ako sigurado kung dahil pa rin iyon sa ikinikilos ko o dahil kay Altamirano. He hated him so much.

Hindi ko na ibinuka ang bibig. Lumalalim ang gabi ngunit at si Dash ay nanatili sa aking tabi. Hindi rin umalis ang dalawa. May pinag-uusapan sila ngunit hindi ko iyon pinag-aksayahan ng panahong pakinggan.

"Let's go back to your suite. You're tipsy!" Malakas na sabi ni Dash at inagaw sa akin ang kopitang may laman pang alak.

"Dash, give that back to me!" Sigaw ko dahil sa malakas na tugtog.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ito. Hinila niya ako palabas ng Fireside na hindi ko man lang nagawa ang gusto kong mangyari. I wanted to confront Forrah!

"Don't ever go to that place without me. Napapansin kong laging sumusunod sa'yo si Fire." Malamig ang boses na sabi niya.

Naglakad kami patungo sa hotel. Nilingon ko siya at wala man lang akong mabasa sa kanyang mukha.

"Are you jealous?" Ngumisi ako nang makita ang muling pag-igting ng kanyang panga. Ipinulupot ko ang kamay sa kanyang braso.

Inis ang mga mata niyang tumingin sa akin. "I'm not. I'm just pissed."

Nakarating kami sa suite ko. Inalalayan niya ako patungo sa bedroom.

Humiga ako dahil sa hilo. Humalik siya sa aking noo at akmang aalis na nang piitin ko siya. Ipinulupot ko ang mga kamay sa kanyang batok at tumingin sa kanyang mga mata.

"Ako lang diba, Dash? Ako lang ang babae sa buhay mo." Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi. "I love you."

Bumitaw ako nang akmang hahalikan na niya ako at tumalikod.

"Don't kiss me. I'm drunk."

Hindi sa ayaw kong magpahalik ngunit kailangan kong umiwas. Kailangan kong magkunwaring inaantok na para makalabas na siya.

"I love you too..." Anas niya sa aking tenga at hinalikan ang aking noo.

Nang makaalis siya ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Sa kabila ng hilo ay pinilit kong tumayo. Inayos ko ang damit at dire-diretsong tumungo sa pinto.

Sumakay ako sa elevator. Mabilis ang tahip ng aking dibdib. Tiningnan ko ang aking cellphone at nakita ang missed calls at texts na hindi ko nasagot.

Tumigil ang elevator at dali-dali akong lumabas doon. Dumiretso ako sa control room.

"Ma'am good evening po. May kailangan po ba kayo?" Tanong ni Christopher.

Tumango ako ngunit hindi nagsalita. Ramdam ko ang panonood niya sa akin ngunit hindi naman niya ako pinigilan.

"Shit!" Mura ko nang makitang magkasama na naman ang dalawa.

Lumabas sila sa suite na iyon. Pinanood ko kung saan sila tutungo kaya't natagalan pa ako nang kaunti sa control room. Nang makitang sa ground floor sila ay agad akong lumabas ng room.

Nakita ko ang dalawa na palabas at pasimple ko silang sinundan. Marami pang tao sa beach kaya't hindi ako nahirapan na magtago.

Naghubad si Conrad at inilahad ang kamay kay Forrah. "Come here... I didn't allow you to drink but you still did."

"Conrad... paano 'pag nakita tayo ni Tamiya? Magagalit iyon sa akin-"

"Alam mo naman pala, pero sumama ka pa rin. Kung hindi ka ba naman malandi." Hindi ko na napigil ang sarili.

Napalingon ang dalawa sa akin. Ramdam ko ang tingin sa akin ng pinsan ko ngunit itinutok ko ang paningin kay Forrah.

"Sa lagay na 'yan natatakot ka pa na magalit ako?"

"Tamiya!" Malakas ang baritonong boses ni Conrad.

"What Conrad?" Tanong ko ngunit hindi pa rin siya tiningnan. "Don't defend her! Nalawayan na 'yan ng iba, pero ikaw may balak pa yatang gumaya!"

"Hindi totoo ang sinasabi mo, Tami!" Depensa ni Forrah.

"Are we close? Don't call me using my nickname, bitch." Inirapan ko siya at naghalukipkip.

"Don't call her that, Tamiya!" Sigaw ni Conrad.

Napilitan na akong tingnan siya. Tulad ng mga mata niya na tila nagmumura dahil sa galit ay ganun din ang mga tattoo niya sa katawan.

Ngumisi ako at naghalukipkip. "Isa ka ring tanga e no, Conrad? Alam mong may boyfriend ang babaeng 'yan!" Hindi ko napigilan ang muling pagsigaw kahit na wala pang dalawang metro ang pagitan namin. "There are so many girls who keep on chasing you! Why do you opt this girl? Are you out of your mind?"

"What's happening here?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Mas lalong tumindi ang galit ko nang makita si Altamirano.

"Conrad?" Gulat niyang sambit.

"Niloloko ka na ng girlfriend mo, hindi mo pa alam?" Tanong ko sa kanya. "Oh yes, Altamirano. Your girl is flirting with my cousin. What are you gonna do now?" Sarcasm was present in my voice.

Hindi siya sumagot.

Napapikit ako nang mariin at lumapit sa kanya. Itutulak ko na sana siya ngunit mabilis niyang nahuli ang kamay ko. Hinigit niya ako palapit sa kanyang dibdib at mahigpit akong niyakap. Pumiglas ako ngunit hindi niya ako hinayaang makawala.

"Ano ba?!" Sigaw ko.

"What am I gonna do now? I'm going to hug you all night 'coz I know you are hurt because of me." Bulong niya sa aking tainga. "Nasasaktan ka para sa akin dahil nakita mo si Forrah at ang pinsan mo na magkasama."

Kumabog ang dibdib ko dahil sa kanyang sinabi.

"Let go of me!" Muli kong sigaw.

Naramdaman ko ang pag-alis ng dalawa. Mas lalo akong hindi napakali at pumiglas sa kanyang pagkakayakap.

"Altamirano! Ano ba-"

"Hindi ka ba napapagod tumakbo? Hindi ka ba nagsasawang umiwas?" Bumilis ang kanyang paghinga. "Kasi pahihirapan mo lang ang sarili mo. Lolokohin mo lang ang boyfriend mo. You'll just commit a sin. You don't like that do you?"

Hinampas ko ang likod niya at kinagat ang kanyang dibdib. Napabitaw siya sa gulat dahil sa ginawa ko.

Marahas kong pinasadahan ng kamay ang buhok at tiningnan siya nang masama. "Ano bang gusto mong palabasin? Na kaya kong gumawa ng kasalanan para sayo? That's not gonna happen! Wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Wala akong pakialam kung nasasaktan ka ngayon!" Umatras ako at umiling-iling.

Rumehistro sa mukha niya ang sakit. Kumuyom ang kamay ko.

"Hindi ako mapapagod tumakbo kung mahuhuli mo ako katulad ng dati. Hindi ako magsasawang umiwas dahil may tao akong pinoprotektahan sa sakit. He doesn't deserve to feel the same pain that killed me years ago! He doesn't deserve that!"

Tumawa siya ngunit halatang pilit. "You're really my girl. You're really her. You're hard as stone."

Iniwas ko ang mga mata.

"Napakatigas mo. Kahit na nakita mo ngayong wala akong pakialam sa nangyayari kay Conrad at kay Forrah desidido ka pa rin na hindi mo iiwan si Dash." Lumunok siya at tumango-tango. "Pinatay kita. Binuhay ka niya. Pinatay mo ako... pero hanggang ngayon patay pa rin ako."

Hinagilap niya ang aking mga mata. Muli akong umiwas dahil sa isinisingaw ng kanya.

"Kung gusto mong malaman kung bakit hanggang ngayon ganito pa rin ako, umaasa sa'yo, tanungin mo si Forrah. Pero alam ko naman na hindi mo 'yon gagawin. Alam ko naman na pinaniniwala ko lang ang sarili ko na pwede pa, na muli ay magpapahawak ka sa akin at titingnan mo ako tulad ng dati, na yayakapin mo ako nang mahigpit sa tuwing nananabik ka sa akin, na tatarayan mo ako kapag nagseselos ka sa ibang babae, na sasabihin mong mahal mo ko, sa kabila ng ilang beses kong hindi tumugon ng katumbas ng tatlong salitang iyon."

Umigting ang aking panga.

"I know how much you love to hear those three words from me, Dela Vega."

Sa kabila ng pamimigat ng aking mga paa ay pinilit kong humakbang. Ngunit hindi niya ako hinayaang malagpasan siya at hinawakan ang aking kamay.

"I want to experience the old times. Gusto kong pumangalumbaba sa harapan mo, makipagtitigan sayo, purihin ang ganda mo, at sabihin ang mga salitang alam kong hinihintay mong marinig mula sa akin."

"Don't..." Umiling ako.

Mahina siyang tumawa. "Bakit? Natatakot ka?"

"Hindi." Malamig kong sabi.

Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa likod ng aking kamay dahilan nang paglingon ko sa kanya.

"I love you..." Anas niya. "I still do."

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
3.3K 431 39
World Trip Series 8 During summer, Aesthesia Carseldine spends her summer break with her family back in New South Wales and as a journalism student...
41.4K 2.4K 40
World Trip Series 4 Kiersten applied as an intern in a company based in London. She dreamed to live like how royals in the country would live like. A...