When I Chase (When #1)

By kissmyredlips

2.6M 67.4K 8.3K

She hates it when he gets cold and bosses her around. She hates him for always being there to stop her in her... More

Prelude
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Final Chapter
Epilogue

Chapter Twenty-Six

62.1K 1.8K 317
By kissmyredlips

Hi! Join the group for special chapters, snippets, and etc! Anya's Werqs: https://www.facebook.com/groups/1663011040626859/

Lovelots, Anya

Chapter Twenty-Six

Nakaupo ako sa kama at seryosong nakatingin sa digital clock na nakalagay sa ibabaw ng nightstand. It was already half past eight. Kumunot ang noo ko at ibinaba ang tingin sa phone na hawak. Pinindot ko ang home button para umilaw ang screen. It says half past eight on my phone too.

Tumayo ako mula sa kama at lumakad patungo sa harap ng vanity mirror. Pinasadahan ko ng tingin ang sariling reflection. I still look like me twenty minutes ago. I glanced at my phone again and the time is still the same. There aren't any calls or texts too.

"Where are you?" bulong ko at napanguso habang tinitingnan ang lock screen wallpaper ko.

Grant's usually early when he's picks me up. He'd never been late before. Nine o'clock ang oras ng unang class ko. Kapag hindi pa ako umalis ngayong umaga ay paniguradong magiging late na ako.

Bigo na tiningnan ko ang phone na hawak sa huling pagkakataon. I guess he's not coming. Bakit kaya?

Napanguso ako. Iniisip ko kung pwede ba akong mag tampo o magalit sa kanya dahil sa hindi niya pagsundo sa akin ngayong umaga. Wala naman kami talanga usapan na susunduin o ihahatid niya ako. Ginagawa niya lang iyon ng kusa.

Wala siyang obligasyon sa akin. Hindi niya responsibilidad na ihatid ako kaya wala akong karapatan na magalit. But... I'm still disappointed. Siguro ay dahil nasanay lang ako sa paghatid at sundo niya sa akin.

Pababa pa lang ako ng hagdan nang tumunog ang phone ko. Tumalon ang puso ko dahil sa tunog. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa. Bumuti agad ang mood ko nang makita ang pangalan ni Grant na nagfa-flash sa screen. Nakangiting sinagot ko ang screen bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Grant! I was on my way out. Nasa labas ka na ba?" masayang tanong ko.

"Fall, I can't pick you up this morning." napahinto ako sa naging bungad sa akin ni Grant. Paos pa ang boses niya at tunog bagong gising.

"Why?" I asked, my smile faded from my lips.

I heard him sigh and the rustling of sheets. "I just woke up. I slept through out my alarm. I got home late, that's why. I'm sorry."

"Oh." iyon lang ang nakayanan kong sabihin. Bumalik ang pagkalungkot ko kanina.

"You still at home?" malambing ang boses ni Grant. Na para bang nang-aamo.

"Uhm. Yes. Pero paalis na rin ako."

Grant muttered a curse and paused for a second before talking again. "You waited for me."

Napanguso ako. I didn't know if I should tell him that I did or lie. Totoo naman na hinintay ko siya. Wala naman sigurong mali kung sabihin ko sa kanyang oo?

"Yes." I answered with a nod. He cursed again. Mali ba ang sagot ko? Hindi ko ba dapat siya hinintay?

"I'm gonna pick you up later." seryosong sabi nito. I'm slightly distracted by his bedroom voice. It was... hot. Ngayon lang ako nakarinig ng ganito. Well, I've heard Logan's bedroom voice, but we're cousins kaya hindi iyon hot para sa akin.

"You don't have to, Grant. Dadalhin ko yung sasakyan ko ngayon. Walang mag-uuwi kapag sinundo mo pa ako."

"Lunch then." he said.

"Ha? Wag na." sagot ko kahit na gusto ko rin siya makasabay ng lunch. Kaya ko tumanggi ay dahil maikli ang ang free time ko mamayang lunch. I don't think it's smart for him to go all the way here just for a brief lunch.

"I'll see you at lunch." pilit niya.

"Isang oras lang yung break ko ngayon, Grant. So, you don't have to-"

"I wanna see you, Fallon." he cut me off. Hindi ko rin nagawang sumagot dahil sa gulat sa sinabi niya. Sumikip pa nga ang dibdib ko dahil doon. "I don't care if it's only for an hour or a fucking minute. I wanna see you. I will see you. Okay?"

Ngayon ay hindi lang sumikip ang dibdib ko. Halos magwala na ang puso ko sa loob dahil sa sinabi niya. May frustration sa boses niya. Hindi ko iyon maipaliwanag. Frustrated siya dahil gusto niya akong makita? My heart fluttered even harder.

I bit my lip. Forcing my heart to calm the hell down. "Okay."

"Good." he replied and then released a breath. "I'm gonna let you go now. Drive safely, okay?"

"I will. Bye, Grant."

"Bye." malambing na sabi nito, hindi katulad ng kanina na sobang seryoso.

Umayos na ulit ang mood ko nang matapos na ang tawag. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi ko dahil sa pag-uusap namin. Hindi ko talaga magawang magalit sa kanya ng matagal. Iba talaga ang epekto sa akin ni Grant.

Habang nagda-drive papuntang campus ay hindi ko maiwasan balikan ang pag-uusap namin kanina. Naalala ko ang sinabi niya. Late na siya nakauwi kagabi kaya late rin siyang nagising. Hindi ako sigurado pero may kutob ako kung saan niya nanggaling.

Magka-text kami kagabi pero ten o'clock pa lang ay nagpaalam na ako sa kanya na matutulog na ako. He told me he'll be sleeping too. Posible na late siya nakauwi dahil pinuntahan niya ulit si Maxwell kagaya nung ginawa niya nung magkasama kami. That was just the other night.

Hindi ko siya tinanong tungkol doon. It's none of my business. It's wrong to poke your nose to where it doesn't belong. Kung ano man ang meron nung gabing iyon ay sa kanilang dalawa na lang iyon. Although I am curious.

A part of me is also terrified of the idea. Iyong nagkikita sila. Hindi lang iyon ang unang beses na nalaman kong magkasama sila. The first time I saw them, Grant cancelled on me. The second time, it was Maxwell who told me that he'll be going to Grant's office. Pangatlo ay iyong tumawag si Maxwell habang nagdi-dinner kami.

Palagi ba silang nagkikita? Tuwing gabi? Nagkikita rin sila? Hindi ba nagagalit o nagseselos si Rush? Knowing their history, sa palagay ko ay hindi naman maiiwasan iyon. Does he know about Maxwell and Grant's rendezvous? Pinapayagan niya?

Umiling na lang ako sa dami ng tanong na naglalaro sa utak ko. I shouldn't think about it. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko kapag iniisip ko iyon kaya pinilit kong i-distract ang sarili ko. I turned up the player's volume and sang along with the music until I finally reached the campus.

Sa mga sumunod na araw ay naging busy si Grant sa trabaho. Hindi na ako nagpasundo ako sa kanya tuwing umaga dahil nung sumunod na araw na sinundo niya na ako ay nakita ko ang kakulangan ng tulog sa mukha niya. He's too busy to drive me home too. I understand. I know he's busy with work. At ako naman ay busy rin dahil midterm exams week namin.

Last day na ng exam namin bukas at ngayon ay nagsusunog ako ng kilay dahil mahirap na major subject ang huling ite-take kong exam bukas. Halos eleven o'clock na at kalahati pa lang ang nare-review ko. Hindi pa nga ako sigurado sa lagay na ito kung may pumapasok sa utak ko o ano.

Nakapalumbaba ako habang pinaglalaruan ang hawak na ballpen nang tumunog ang phone ko. Ring tone iyon ng face time. Bumaba agad ang mga mata ko sa screen at napaupo bigla nang makita na si Grant ang tumatawag.

Inayos ko muna ang buhok ko bago sinagot ang tawag at itinapat sa harapan ng mukha ko ang phone. Grant's face appeared on my screen and I couldn't help myself from smiling at the sight of him. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakita!

"Hi!" nakangiting sabi ko at nakuha ko pang kumaway.

Seryoso ang mukha ni Grant at walang bakas ng ngiti sa labi niya. Nakatingin lang siya sa screen. Sa akin. Hindi siya nagsalita. Hindi niya rin sinagot ang pagbati ko.

Nakaramdam ako ng pagkailang sa pagtitig niya sa akin. Ibinaba ko ang kamay ko at naalis na rin ang ngiti sa mukha ko. Kumunot ang noo ko.

"Grant?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.

He inhaled sharply. His intense gaze dropped, like my voice snapped him out from whatever trance he was on. His eyes softened and from emotionless, he suddenly looked tired.

"I miss you so much." his voice was sad and quiet. He didn't say it out loud. In fact, halos hindi ko na nga iyon marinig pero nagawa ko pa rin kilabutan sa narinig sa kanya. Sumikip ang dibdib ko kaya kinailangan ko pang huminga ng malalim.

I wasn't able to respond immediately. I was too busy trying to calm my frantic heart. Grant's eyes never left the screen even when I looked away for a second. I caught him bite his bottom lip. "Do you miss me, too?"

Baliwala ang pagpapakalma ko sa puso ko dahil nagwala na naman ito dahil sa tanong ni Grant. Damn it. I'm hopeless.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na tumango sa kanya bilang sagot. I do. I really miss him.

"I wanna hear you say it." umayos ng pagkakasandal si Grant sa headboard ng kama niya. Kasabay 'non ang paglapit ng camera sa mukha niya.

"I miss you." nahihiyang sabi ko. Hindi ako makatingin sa mga mata niya kahit na sa screen lang iyon.

A small smile hinted on his lips. Lumitaw ang kamay niya sa camera pero nawala rin iyon. Tahimik lang siya at deretsong nakatingin sa screen. Bumuntong hininga siya. "I wanna see you."

Napatawa ako at mapang-asar na ngumiti. "Nakikita mo naman na ako, ah?"

"Tss." umirap si Grant sa akin pero tumawa rin. Mahina nga lang. "Tomorrow? After your last class? I'll pick you up."

"Really? Hindi ka na busy?" kitang-kita sa mga mata ko ang pagliwanag dahil sa pag-aya niya sa akin.

Ngumiti si Grant. His eyes weren't the cold ones he was usually sporting. It was warm and filled with content. Like he's calm and happy. Hindi katulad nung kanina na parang pagod na pagod siya. He stared at me for a short period before shaking his head and sexily chuckling. "No. Hindi na ako busy."

I slept with a smile on my face that night. Hindi na ako nakatapos sa pag review dahil sa sobrang excitement para bukas. After four long days! Magkikita na ulit kami! Finally!

Sa sobrang pagkasabik ko ay nasulat ko pa ang panglan ni Grant bilang sagot. Nang sumapit ang lunch ay mas lalo lang nadagdagan ang nararamdaman kong excitement.

When my friends asked me questions about my exam or what I'll be eating, I answered them with enthusiasm. Habang kumakain ay malaki rin ang ngiti ko. Hindi ako sumasabat sa usapan nila pero nang mapansin na nila ang pagka-good mood ko ay weirdong tiningnan nila ako.

"Hinatid ka ba kanina ni Grant?" nakangiwing tanong ni Maia sa akin.

"No." I happily chirped. They looked more confused than ever. I know why. Because I wasn't this happy for the past four days.

"Hindi? E, bakit parang nakalaklak ka ng enervon?" Noelle asked before lifting her fork to Johan's mouth. Walang angal na isinubo naman ni Johan ang patatas na nakatusok doon. Noelle doesn't like potatoes. Sa fries at chips niya lang gusto iyon.

I just smiled and shrugged at them. Hindi ko na sila sinagot at tahimik na kumain na lang habang ipinagpatuloy naman nila ang pag-uusap tungkol sa exam.

I rejoiced when my last class came. We were told that our professor wasn't around. I will have to wait alone for a solid hour if I'm going to wait for Grant to pick me up. May mga klase pa sila Noelle kaya wala aking ibang makakasama.

Naisipan ko na ako na lang mismo ang pumunta ng office para i-surprise siya. I took a taxi to the De la Fuente builsing since I didn't have my car with me.

Habang nasa elevator ay na-imagine ko na ang reaksyon ni Grant. He'd be shocked, for sure. Seeing him with that expression is a rare sight, that's why I always savor it when the moment comes.

Nang dumating na sa floor ni Grant ay mas lalong nadagdagan ang excitement ko. I almost happily skipped my way to his office!

Inaasahan ko na nasa desk niya si Levi ngunit walang tao doon. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at naglakad na palapit sa pinto.

Hindi na ako nag-abalang kumatok. Nakasanayan ko na rin na pumasok na lang ng basta dahil sa ilang beses na rin aking nakapunta dito.

Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ang pagbukas ko ng nakangising mga labi ko. Hindi ko natuloy ang pagsalita nang makita ko si Grant... at Maxwell mula sa maliit na siwang ng pinto.

Napahinto ako mula sa kinatatayuan. Naglaho ang saya sa mukha ko. Pinaghalong gulat at pagtataka ang nararamdaman ko habang pinapanuod sila.

Tiningnan ko ng mabuti ang mukha ni Grant. Bakas na bakas ang gulat na nakapinta doon. His eyes were wider than I usually saw him when he's surprised. His lips were parted like he was in complete awe. I already knew I'd see this surprised reaction from him. Hindi ko lang akalain na hindi ako ang dahilan.

"R-Really, Maxwell?" Grant stuttered. I never heard him stutter before.

"Yes." Maxwell nodded enthusiastically, a smile was etched on her face.

"This isn't a joke? You're serious?"

"Yes!!" nakatawang sagot ni Maxwell.

From shock and awe, his expression transformed into bold happiness. His eyes shined brighter than I've ever seen. His face softened. His lips broke into the widest grin and a genuine laughter escape from him.

Grant cupped Maxwell's cheeks, then her shoulders. He shook his head and chuckled again before pulling her for a tight embrace. Nagawa niya pa itong buhatin mula sa sahig. That caused Maxwell to shriek.

May naramdaman akong kurot sa puso ko. Yung masakit na kurot.

Humiwalay si Grant mula sa pagkakayakap at ibinalik ang hawak sa magkabilang pisngi ni Maxwell. Matamis na ngumiti si Grant sa kanya. "Maxwell, I'm so happy. Thank you."

Hindi ko na kayang panoorin pa ang susunod na mangyayari dahil hindi na rin kaya ng dibdib ko ang sakit na nararamdaman.

My eyes were blurry as I half-ran to the elevator. I hurriedly pressed the down button and silently thanked when it came down faster.

A tear fell from my eye when the elevator door finally closed. I felt something crash inside me.

I think I just broke my own heart.

Continue Reading

You'll Also Like

13.9K 495 9
Simple and down to earth, Cara travels back to the Philippines for a short and healing vacation. But her supposedly quiet time gets disturbed when sh...
223K 6.8K 32
[COMPLETED / UNEDITED] 1st Installment of The Infidus Duology --- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Blis...
4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
12.2M 185K 31
Agatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpap...