Don't Play With Fire (Publish...

De sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... Mai multe

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 35

78.2K 2.1K 177
De sweet_aria

Chapter 35

"Do you really think, I'm gonna love you again?!" Malakas kong sigaw nang makakuha ako ng lakas at matauhan sa sinabi niya. Itinulak ko siya palayo at sinampal.

Mabilis ang paghanay ng galit sa dibdib ko. Akmang hahawakan niya ang aking braso ngunit hinampas ko ang kamay niya at hinihingal na umalis sa kama. Napaupo siya at namumungay ang mga matang tumitig sa akin.

It seemed like I didn't slap him. Alam kong masakit iyon dahil ramdam ko ang sakit sa kamay ko, pero tila wala lang ito sa kanya.

"Do you hear yourself?" Lumunok ako at marahas na pinasadahan ng kamay ang buhok. "Matapos ang lahat, Altamirano? Matapos ang lahat sasabihin mo sa akin 'yan?"

Binuksan ko ang ilaw. Nasilaw ako sa liwanag na dulot nito. Napapikit ako at sumandal sa pinto.

"Answer me!" Utos ko. Nagmulat ako at nakita ang mabilis na pagtahip ng kanyang dibdib.

"I do hear myself." Mahina niyang sagot. Kinagat niya ang ibabang labi at tumunghay. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. "And... trust me, you will. You'll love me again."

"Kapal ng mukha mo!" Pinunasan ko ang aking leeg na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang ginawa niyang paghalik. "Ang kapal ng mukha mong gawin sa akin ito! I have a boyfriend, shit!"

"Don't slap that on my face!" Bato niya sa akin. "I know that already! But I could feel that we still have a chance. We can work this out. Ikaw at ako. Tayo... ulit."

"Dream on!" Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. "Lumabas ka na bago pa ako makagawa ng bagay na hindi mo magugustuhan."

"Anong gagawin mo? Sasaktan mo ako?" Tumayo siya at lumapit sa akin.

Umatras ako.

"Ginagawa mo na! Shit, makita ko lang kayong magkasama, nasasaktan na ako!" Umatras siya at sinabunutan ang sarili. Gulu-gulo na ang kanyang buhok.

Umiling ako at itinuro ang labas. "Get out!" Malamig kong utos.

Hindi siya kumurap at tumango. "Lalabas ako dito pero hindi sa buhay mo." Mariin niyang sabi. "Mababaliw ka sa akin, Dela Vega. Mas malala sa dati. Mas matindi."

Itinulak ko siya palabas. "Hindi 'yan mangyayari dahil matagal ka nang burado sa puso ko! 'Ni latak, walang natira!" Malakas kong sinara ang pinto at mariing pumikit.

Ilang sandali pa at pahakbang na ako patungo sa kama nang magsalita siya. "Pagsusumikapan kitang makuha! Kagaya nang dati! Kagaya noong higschool pa lang tayo!"

Kinabukasan ay maaga akong bumaba dahil sa kagustuhang makauwi na. Nadatnan ko si Hera sa kusina na nagsasalin ng gatas sa baso.

"Morning... tita."

Dumako ang mga mata ko sa naka-pajama pa at nakangiting si Serenity. Sa tabi niya ay ang daddy niya at sa tapat ay ang lalaking hiniling ko na 'wag makita pero napaka-imposibleng mangyari.

"Good morning, pretty!" Bati ko at nilapitan siya.

Humalik siya sa aking pisngi. Napangiti ako at hinaplos ang kanyang buhok.

"Susunduin ka ba ni Dash?" Tanong ni Hera at inabot sa akin ang sandwiches na ginawa pati ang isang baso ng gatas.

"Yup!" Tugon ko.

His stare was apparent. Damang-dama ko ito.

Ibinaba ko ang platong may lamang sandwiches. Hindi ko pa naiaalis ang kamay ko nang kumuha siya. Dumikit ang kamay niya sa akin, marahas ko siyang tiningnan. Humaplos ang daliri niya sa akin kaya't mabilis kong inalis ang akin sa plato.

Nang lingunin ko si Zeus ay nagpasalamat ako nang makitang nasa anak ang kanyang atensyon. Ngunit, nang tingnan ko ang pinsan ko ay pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Altamirano.

Shit.

Umangat ang tingin niya sa akin. Agad akong umiwas at kinuha ang cellphone sa bulsa ng shorts na pinahiram niya. Hindi na niya ako hinayaang magpadala ng damit kahapon dahil mayroon naman siyang mga bagong bili na hindi pa nagagamit.

"Hello..."

"Good morning!" Bati ng gwapong boses sa kabilang linya. "Malapit na ako."

Uminom ako ng gatas at kumuha ng sandwich. Tumayo ako at lumayo ng kaunti sa kanila. "Nagbreakfast ka na?"

"Doon na ako sa office kakain. I need to be there early."

"Hindi ka na yata nakakakain ng tama." Puna ko. "'Wag mo na akong ihatid sa Marikina. I'll bring my car. Baka malate ka pa sa trabaho."

"Ihahatid kita-"

"No Dash." Agap ko. "Sa bahay mo na lang ako ihatid. Maliligo at magbibihis pa ako."

"Alright." Sabi niya, kahit na ramdam kong gusto niya talaga akong ihatid sa trabaho.

"I'll hang up now, you're driving." Pinilit kong ngumiti at muling ibinalik ang phone sa aking bulsa pagkatapos naming mag-usap.

"Pakainin mo na si Dash dito pagdating." Agaw ni Hera sa atensyon ko.

"He'll refuse. Nagmamadali siya. Ayoko na ngang magpasundo, baka malate siya kaso papunta na e."

"Sana pina-diretso mo na sa trabaho. I can bring you home."

Awtomatikong dumapo ang mga mata namin sa kanya. Walang ekspresyon ko siyang hinarap.

"No, thanks." Malamig kong sabi. "Mas gugustuhin kong sumakay ng taxi kesa sumabay sa'yo."

"You don't ride taxis." Aniya. "Kung hindi ako nagkakamali, isang beses ka lang nakasakay sa taxi noong tayo pa."

Tumaas ang kilay ko. Kumagat siya sa kanyang sandwich at ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa marinig ko ang pagdating ng sasakyan. Muli akong uminom sa aking gatas at tumayo.

"He's here." Hayag ko. Lumapit ako kay Hera at nakipagbeso. Nang tingnan ko si Serenity ay nakanguso na siya. "Why is our baby sad?"

Bumaba siya sa kanyang upuan at lumapit sa akin. Yumakap siya sa aking mga hita. Binuhat ko siya at paulit-ulit na hinalikan sa pisngi.

"Don't be sad, tita will visit you often, 'kay?" Sumubsob siya sa balikat ko. Nilingon ko ang mommy niya. "Hera..."

"Serenity." Tawag niya sa bata. "Baby, tita Tami has a lot of works to do. She'll be back here."

Ibinigay ko sa kanya ang bata at sumama naman ito. 'Yun nga lang ay hindi na ipinakita ni Serenity ang mukha sa akin dahil isinubsob niya ulit ang sarili sa balikat ng kanyang ina.

"Habol sa'yo." Sabi ni Hera.

Tumango ako at agad inikot ang sarili nang makarinig ng tikhim. Ngumisi ako nang makita si Dash.

"Hey..." Aniya.

Lumapit ako sa kanya. Ipinulupot niya ang bisig sa aking baywang at hinalikan ang aking ulo.

"Alis na kami." Paalam ko.

Tumango si Hera at hinaplos ang likod ng bata.

"What happened to Serenity?" Tanong ni Dash.

Tumingin ako sa kanyang mga mata at bumuntong-hininga. "Ayaw pa ata akong paalisin."

Ngumisi siya at tumangu-tango. Bumaling siya sa mag-asawa. "So... we better get going."

Tumango si Zeus. Sinulyapan ko si Altamirano na tahimik na nakaupo pa rin. Ang mga mata niya ay nasa kamay ni Dash na nakapulupot sa aking baywang.

Bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi at muling umahon sa dibdib ko ang galit. Inaya ko si Dash at lumabas na kami ng bahay.

Sumakay ako sa kotse. Pagka-ikot niya ay agad niya akong hinigit at inangkin ang mga labi. Ipinulupot ko ang mga kamay sa kanyang batok at sinuklian ang kanyang ginagawa.

Sa mga sumunod na linggo ay naging busy ako sa trabaho, kaya't kahit gustuhin kong bisitahin si Serenity ay hindi ko nagawa. Dumating ang huling linggo ng abril at kasalukuyan akong nasa Fortress sa Palawan nang tumawag si Hera.

"Hera?" Bungad ko.

"Where are you? Andito na kami sa tapat ng hotel." Aniya.

"Huh?" Nalilito kong tanong.

"Don't tell me you forgot! May usapan tayo. Lumabas ka na dahil kanina pa excited 'tong bata na makita ka."

Tumayo ako at sinenyasan si Siren na sumunod sa akin. Nang makalabas kami ay agad sumalubong sa akin si Serenity.

"Tita Tami!" Tawag niya.

Natatawa ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. Kinarga ko siya at humarap kila Hera. Ganoon na lang ang pagpawi ng ngiti ko nang makita sina Altamirano at Forrah.

"What are you two doing here?" Tanong ko sa dalawa.

Ipinulupot ni Altamirano ang bisig sa baywang ni Forrah. "We'll check in too. Summer ngayon. We need to veg out."

Inirapan ko siya. "Ang daming hotel dito, hindi lang 'to. Sa iba na lang kayo."

"I want here. You just have to deal with it." Bumitaw siya kay Forrah at kinuha ang mga dalang gamit mula sa van na sinakyan nila.

Nagtimpi ako at binalingan sina Hera. "Let's go. Just let my other staffs bring your belongings inside."

Dumaan kami sa reception area at naglaan ng suite para sa kanila. Binigay sa kanila ang card at number ng kanilang suite. Nang makita ko ang paglapit nila Altamirano ay agad kong ibinigay kay Zeus si Serenity. Hinawakan ko ang braso ni Hera at hinila siya.

"What's wrong?" Tanong niya.

Sa likod namin ay nakasunod ang mag-ama.

Hinarap ko siya at sumakay kami ng elevator. "Pwede naman kayong tatlo na lang diba?"

"You really don't want my brother's presence, huh?" Tanong ni Zeus na tumabi kay Hera.

Si Siren ay tahimik sa aking kanan. Hindi na ako sumagot at naiinis na pinanood ang repleksyon namin sa salamin.

Hindi na rin naman nagsalita si Zeus hanggang sa makarating kami sa kanilang suite.

"Paano? Maiwan ko na muna kayo. Enjoy your stay here. Everything is free."

"No, we will pay." Inakbayan ni Zeus si Hera.

"Would it hurt your ego, huh?" Ngumisi ako. "Alright... if that's what you want. I need to go."

Bumalik kami ni Siren sa opisina ko. Nang makaupo sa swivel chair ay agad kong tinawagan si Dash.

"Kailan ka makakapunta dito? Sa Saturday pa?" I crossed my legs and watched Siren leave the room.

"Yes." Aniya, nahimigan ko sa kanyang boses ang pagtataka. "May problema ba?"

"I just need you here." Kinagat ko ang ibabang labi. "What if guys hit on me? That's not impossible to happen. Alam mo naman kung gaano kaganda ang girlfriend mo."

He chuckled. Natawa na rin ako.

"Gusto mong pumunta na ako diyan ngayon?" Napawi ang kanyang tawa. "I can't bear thinking other guys feasting their eyes on your body."

"I don't want you to go here just because of that. Ayokong maging hadlang sa trabaho mo." Pagbawi ko. "Nakakainis kasi. Nandito ang lalaking 'yun! Sinama nila Hera."

"Sino?"

Kahit hindi ko siya nakikita ay batid ko ang paglukot ng kanyang noo.

"Si Altamirano." Tugon ko. "He's getting on my nerves."

"He's there?"

"Yes." Buntong-hininga ko.

"Kahit ako. Ayoko sa lalaking 'yan. I didn't like what he did to you last time." Ang tinutukoy niya ay ang pagsigaw sa akin ni Altamirano sa hapagkainan nila Hera.

"You want me to kick his balls?" Pinigil ko ang matawa.

Siya naman ang hindi nakapagpigil. Malakas na tawa ang pinakawalanan niya. "Don't. Kawawa naman ang girlfriend niya. He'd be sterile for sure."

"Well, wouldn't that be great?"Nilaro ko ang daliri.

"Sir, you need to check this out." Sabi ng isa pang boses sa kabilang linya.

"Tamiya..." Usal niya.

"It's okay." Sabi ko. "Hintayin kita. Saturday, Dash."

"Of course. Ready your sexiest bikini."

"You know I don't have to. My body itself is the sexiest." Tumayo ako at tumingin sa ceiling to floor glass window.

"Definitely." Pangalawa niya. "Take care of yourself, alright? Lalo na sa lalaking 'yun. I don't like how he stares at you."

"Will do."

Matapos naming mag-usap ay pumunta ako sa owner's suite. Inutusan ko si Siren na kung may maghanap sa akin ay huwag muna akong aabalahin dahil gusto ko munang magpalamig. Summer really pushed most of us loafing.

Pinaloob ko ang bikini sa aking suot na maxi dress at bumaba. Tumungo ako sa beach at umupo sa isa sa mga nakahilerang lounge beds. Hinubad ko ang aking dress. Nagpapahid ako ng sunblock nang mamataan ko siya na naglalakad sa buhanginan, walang kasama at pinagtitinginan.

Lumingon-lingon ako at nang makakita ng babaeng staff ay tinawag ko ito at inutusang lagyan ako ng sunblock sa aking likod.

Dumapa ako ngunit ilang segundo na akong naghihintay ay hindi pa siya kumikilos.

"Marie, put sunblock on me now."

"Y-yes ma'am." Nauutal na sabi niya.

Isinubsob ko ang mukha sa aking braso at naramdaman ang mabagal at kakaibang paghaplos. Nagtaasan ang mga balahibo ko.

Patihaya na ako nang magsalita siya. "Mabuti't sa babae mo naisipan magpalagay ng sunblock. I might not be able to stop myself if you let other guy touch you."

Hinawakan ko ang kanyang kamay at hindi na nakapagpigil, bumangon ako at hinarap siya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Malakas ang boses kong tanong.

Ngumisi siya at binitawan ang bote ng lotion. Kusang umatras ang likod ko nang unti-unti niyang ilapit ang sarili sa akin, kaunti na lang ay mahihiga na ulit ako. Kinulong niya ako gamit ang dalawang kamay na itinuon sa lounge bed.

Halos mahalikan ko na ang matipuno niyang dibdib dahil sa lapit namin sa isa't-isa.

"We have one whole week to annoy each other, Dela Vega. One whole week to make you damn confused about your feelings with your current boyfriend... soon to be ex." He said in a husky tone, sending chills down my spine.

Continuă lectura

O să-ți placă și

36.8K 343 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
209K 4.2K 67
Pagkatapos ng napakatagal na pagbuhos ng ulan sa buhay mo, makakakita ka pa rin ng rainbow sa langit. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (T...
9.6K 67 5
Miss Kae's list of stories and their sequence. I compiled all my stories for easy search and if you want to know the order of reading for my series...