Don't Play With Fire (Publish...

Galing kay sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... Higit pa

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 28

76.6K 2K 250
Galing kay sweet_aria

Chapter 28

Pinigil ko ang pagngiti nang maramdaman ang kanyang mga kamay na tumakip sa aking mga mata.

Hinalikan niya ang aking ulo.

"Altamirano." Tinanggal ko ang mga kamay niya.

Umikot siya at tumabi sa akin.

Isang linggo na ang lumipas noong bumisita kami sa kanila. This time we didn't go to Ilocos Sur. Sinabi niya sa akin kahapon na gusto niyang maglaro sa MRC.

"Kanina ka pa gising?" Tanong niya.

"Yup! Tagal mo." Tumungo ako at inayos ang sintas ng aking sapatos. Tumigil ako sa ginagawa nang may mapansin sa kanya.

Tumungo rin siya at inayos ang bagong sapatos na suot. Nilingon niya ako at ngumisi. "Ganda ng sapatos ko. Nakita ko sa backseat ng kotse. Nagtataka nga ako kung bakit hindi nagawang ibigay sa akin nang personal."

Tumuwid ako ng upo. "Do you like it?"

"I super like it!" Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Kailan ka kaya magbibigay sa akin ng regalo na hindi ka mahihiya?"

Itinulak ko siya at nag-init ang pisngi. "Hindi ako nahihiya no!"

Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko. Itinayo niya ako at itinaas ang isang kamay nang makita si manang didith. "Hello, manang!"

"Hello, pogi!"

Kinindatan niya ako. Kinurot ko ang tagiliran niya at mahina siyang umaray.

"Gwapo ba 'to manang?" Tanong ko at ngumiwi.

"Sobra, hija." Nakangiting tugon ni manang.

Tumawa siya kaya't hinila ko na palabas. Naglalakad kami palapit sa kotse nang higpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"It feels good when we're okay."

Gumalaw ang ulo ko para tingnan siya. Nakangiti siya at nakatingin sa aking mukha.

"Oo. Kaya umulit ka pa ha?" Sarkastiko kong sabi.

Napawi ang ngiti niya at bumuntong-hininga. Binuksan niya ang pinto at pumasok ako. Nasa loob na kaming dalawa nang mapansin ko ang pananahimik niya.

Hinintay ko siyang magbukas ng usapan pero nanatili siyang walang imik.

"Uuwi ang parents ko two weeks from now."

Nilingon niya ako.

"May sasabihin daw sila sa akin." Sumandal ako sa kinauupuan. "Kaya tumawag si Conrad nun. Hindi ko kasi sinasagot ang tawag ng parents ko. I don't even get the reason why they have to call me."

"Anak ka nila." Aniya.

Umirap ako. "Anak, pero hindi ko naramdaman ang pagiging magulang nila."

"Dela Vega-"

"Wag mo na silang ipagtanggol. Mag-aaway lang tayo."

Nakarating kami sa MRC. Inuna namin ang paglalaro ng badminton. Mabuti na lang ay natabunan ng enjoyment ang isipin tungkol sa aking mga magulang. Panay ang tawa ko sa tuwing nakaka-score ako.

"Ano ba 'yan? Weak!" Pang-aasar ko.

"I'm not weak! Pinagbibigyan lang kita!" Sigaw niya pabalik sa akin.

"Palusot pa! Sabihin mong mahina ka talaga sa larong 'to!"

Ngumisi siya at hinaplos ang buhok. Pailalim siyang tumingin sa akin.

Ako ang magseserve kaya't kinalma ko muna ang sarili. Anong ginagawa niya? Hinihira niya ba ako?

"Wait!" Ibinaba ko ang racket at shuttlecock.

Inalis ko ang tali ng aking buhok dahil magulo na rin ito. I shook my head lightly making my hair cascade on my back.

Nang tingnan ko siya ay titig na titig siya sa akin. His lips were slightly parted. Ngumisi ako at itinaas ang aking buhok.

"Ganda ko ba?" Mahina akong tumawa. "I can see you drool despite of the distance."

Itinikom niya ang bibig at hinawakan ang gilid ng kanyang labi.

"Don't make me out of focus. That's not going to work." Dinampot ko ang racket at shuttlecock.

Nagsimula ulit kami at sa huli ay natalo ko siya. After the game, we decided to sit on the bleachers.

Mula sa aking bag ay naglabas ako ng dalawang towel. Inilapag ko ang isa sa tabi ko at ang isa ay inilapit ko sa mukha niya. Pinunasan ko ang kanyang pawis.

Kumawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Iniwas ko ang tingin doon. Humawak siya sa magkabila kong tagiliran.

"Alisin mo ang mga kamay mo." Utos ko.

Umiling siya. Ako na mismo ang nag-alis pero muli niyang ibinalik. Bumuntong-hininga ako at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa hanggang sa matapos.

Tumalikod ako para kunin ang isa pang towel nang unahan niya ako. Marahan niya itong idinampi sa aking mukha.

"You look so tired." Aniya at pinunasan ang noo ko. "We'll take a break for 30 minutes then play badminton again."

"Bakit badminton ulit? Don't you want to play other games?"

Umiling siya. "Sa badminton mo lang ako natatalo."

Hinampas ko ang balikat niya at mahina siyang napaaray. Inirapan ko siya.

"Ang sama mo talaga!" Sabi ko.

"Mas masama ka. Nang-aakit ka habang naglalaro." Kinalbit niya ang aking ilong.

"Hoy, hindi kita inaakit! Kahit kailan talaga assumero ka!" Akmang hahampasin ko siya sa dibdib pero piniit niya ang kamay ko.

Nagkatitigan kami.

"You keep on hitting me. Gusto mo lang makachansing sa katawan ko."

Binawi ko ang kamay at kinuha ang towel sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng pawis hanggang sa leeg. "Assumero talaga!"

Nang matapos ay nilingon ko siya. Hindi na siya nakatingin at panay ang kanyang paglunok.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakatuon sa pagitan namin at hinawakan ito. Itinayo ko siya at hinigit palabas ng court.

Kumuha ako ng dalawang bote ng gato, tubig at isang nachos. Magbabayad na ako nang pigilin niya ako.

"Here miss, take this."

Nagmamadali siyang hinigit ako palabas hanggang sa makabalik kami sa bleachers. Uminom siya ng tubig at binuksan ang nachos.

"Bakit ka nagmamadali?" Tanong ko.

Nalukot ang kanyang noo. "Hindi mo napansin yung limang lalaki sa may snacks section?"

"What's with them?"

Tumingin siya sa hita ko at umigting ang panga.

Nang makuha ang ibig niyang sabihin ay napangiti ako. Ihinilig ko ang ulo sa kanyang balikat. Sinubuan ko siya ng binili naming snack.

"Selos ka?"

"Hindi ako nagseselos. Naiinis ako." Sagot niya. "Kahit saan talaga kita isama ang daming tumitingin sayo."

"So protective and jealous." I clung my arm to him.

"Hindi nga ako nagseselos. I just hate how guys stare at your body."

Natawa ako dahil sa hindi maitagong galit sa kanyang boses. "Well, you can't blame them. They're guys. Mahilig sa sexy."

Lumayo siya sa akin at seryoso akong tinitigan. "Natutuwa ka pa yata?"

Napawi ang tawa ko. "Ang sinasabi ko lang-"

"Yes, you can't blame guys. But you don't have to feel pleased as they stare at you." Tumayo siya at kinuha ang aming mga bag. "Tangina, hirap magka-girlfriend nang sobrang ganda." Bulong niya.

Imbis na magalit ay napailing na lang ako. Ang totoo ay gusto kong nakikita siyang ganito. Not that I wanted him to feel jealous or insecure every time we're together, it's just that his jealousy and possessiveness could make me feel assured. Assured that he's mine.

Nauna siya sa paglalakad at pinilit kong makahabol. Nang makasabay ako ay kinalbit ko siya.

Inis niya akong binalingan. "What?"

Matamis akong ngumiti at tinitigan siya. "Ang sarap magkaboyfriend nang sobrang gwapo."

Napatigil siya sa paglalakad. Dumiretso lang ako at napapikit sa tuwa. Di nagtagal ay narinig ko ang pagtakbo niya at paglapit sa akin. Pinagapang niya ang kamay sa aking baywang.

Nilingon ko siya, malawak ang kanyang ngiti.

"Let's play bowling?" Masigla niyang tanong.

Tumango ako. "Kahit saan, basta't kasama kita."

Napalunok siya. Hindi ko na napigil ang aking tawa. Mas humigpit ang hawak niya sa akin at hindi nakapagsalita.

"Wag masyadong mahigpit. Hindi naman ako mawawala." Pang-aasar ko.

"Could you please shut up?"

Hinalikan ko ang pisngi niya. Saka ko napansin ang sobrang pamumula ng kanyang mukha.

"Wag na wag mo akong papakawalan, Altamirano. Kasi nag-iisa lang ako."

Bumitaw ako at nagmamadaling umakyat kung nasaan ang bowling center. Hinintay ko siyang makapasok hanggang sa lumapit ang mag-aaassist sa amin.

Tanghali na rin nang magpasya kaming umalis sa MRC para magtanghalian.

"Dito na lang kaya tayo mag-lunch? Baka malipasan ka ng gutom." Tanong niya, pagkasakay namin sa kotse. "Kuya Jobert-"

"Let's go. Sa mall tayo." Putol ko at nilingon siya. "May bibilhin ako doon. Pagkatapos, sa bahay tayo. Pa-bake tayo ng cookies."

"Sigurado ka bang kaya mo pa?" He looked really worried.

Mahina kong sinampal ang kanyang pisngi. "I'm okay. Ang kulit mo."

Kumain kami sa isang restaurant at tulad nang sinabi ko ay binili ko ang mga kailangan ko. I could have my nails done in a salon but I had a good idea and opted to do it at home.

Nakarating kami sa bahay at nag-utos ako na ipagbake kami ng cookies. Umakyat ako sa kwarto at sumunod siya.

Umupo siya sa kama ko. Tinabihan ko siya at inilabas ang mga binili.

"Ang dami mong biniling ganyan. Marunong ka?"

Tumango ako. "Yes, pero ikaw ang maglalagay sa akin. You'll be my manicurist."

"What?" Gulat niyang tanong.

Umisod pa ako at ipinakita sa kanya ang aking kamay at paa. "Tinatamad akong pumunta sa salon. Pwede mo namang gawin ito sa akin diba? Pagkatapos ko, ikaw naman."

"Nagbibiro ka ba?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Humilig ako sa kanyang balikat at hinawakan ang kanyang kamay. "Dali na. I'm bored."

Umiling siya at tumayo. Umupo siya sa sofa at masama akong tinignan.

"Altamirano..."

"Na make-up-an mo na ako dati. Ngayon naman lalagyan mo ako ng makukulay na bagay na 'yan? Dela Vega, hindi ako bakla!"

Natawa ako. Lumapit ako sa kanya pero mabilis siyang umisod papunta sa kabilang bahagi ng sofa.

"Ang ganda mo nung nalagyan kita ng make-up. Titignan ko lang kung bagay sayo na may ganito."

"Dela Vega-"

"Fine!" Umirap ako nang mapagtantong tatanggi siya. "If you don't want, then get out of my room! Minsan lang makiusap, tatanggihan ka pa!" Bumalik ako sa kama at ipinasok sa paper bag ang mga pinamili.

Huling kulay na ang hawak ko nang bigla siyang tumayo at inagaw ito sa akin.

"Okay, okay. I'll be your manicurist, pedicurist. Whatever you call it." Bumuntong-hininga siya at kinuha sa akin ang paper bag.

Pinanood ko siya sa ginagawa at hindi napigilan ang matawa. Sinamaan niya ako ng tingin kaya tumigil ako.

"I want the black one. Then yours is red." Sabi ko.

Napapikit siya.

Bumalik ako sa sofa at sinenyasan siya na lumapit. Inilahad ko ang mga kamay sa kanya at tinuruan ng mga dapat gawin.

Masaya ako dahil hindi ko akalaing sasakyan niya ang mga trip ko. Some guys wouldn't do it.

"Don't stare. Nawawala ako sa focus." Inangat niya ang tingin sa akin.

"Nawawala ka sa focus? Kahit naman nasa focus ka, lagpas-lagpas pa rin ang ginagawa mo." Ngumuso ako. "Look!"

Tiningnan niya nga ang kamay ko at napailing.

"See?"

"Oo na." Tugon niya. "Last na." Nilagyan niya ang aking hinliliit pagkatapos ay hinipan ang mga daliri ko.

Sunod niyang nilagyan ay ang paa ko. Dalawang oras ata ang nakain bago siya matapos. Nagpalit kami ng pwesto at siya naman ang pinaupo ko sa sofa. Umupo ako sa carpet at inuna ang kanyang paa bago ang kamay.

Nang matapos ay pigil-tawa kong kinuha ang cellphone at pinagdikit ang aming mga kamay. Kinuhanan ko ito ng litrato pati na rin ang mga paa namin.

"See? You can do it." Inilayo ko ang phone at nginitian siya. "Let's take selfies showing our hands."

Sinunod niya ang sinabi ko at naiiling na ngumiti. Tuwang-tuwa ako sa mga picture namin. Umayos ako ng upo nang saktong may kumatok sa pinto.

"Hija, eto na ang cookies." Boses iyon ni manang Didith.

Tumayo si Altamirano at pumunta sa pinto. Napakagat ako sa labi nang mapatingin si manang sa mga kamay niya nang kunin niya ang tray.

Natawa si manang at ganun din ako. Naiiling siyang lumapit sa akin at isinara ang pinto. Inilapag niya ang meryenda sa mini-glass table.

"Wait, I'll just go to the cr." Paalam niya.

Tumango ako at tumungo siya sa cr.

Habang ngumunguya ng cookie ay may narinig akong tumunog. Napatingin ako sa phone niya malapit sa akin.

Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napawi ang ngiti ko nang mabasa ang pangalan.

Inis kong in-accept ang tawag ngunit hindi nagsalita.

"Hello, Fire, nung Friday ko pa gustong itanong sa'yo 'to..."

Umahon ang kaba sa aking dibdib sa hindi malamang dahilan.

"Sinabi ko sa'yo na para dito ako makapag-aral sa Manila, kailangan kong maging valedictorian para sa scholarship na inaalok sa akin. Kinausap ako ni Ms. Dimayugyog nung Friday. Sinabi niya na natataasan ko na si Tamiya." Bahagya siyang tumigil. "Ito ba ang dahilan kung bakit niligawan mo siya? Para mawala ang focus niya sa pag-aaral at matalo ko siya? Para makuha ko ang full scholarship?"

Napalunok ako.

"Fire... nandyan ka pa ba?"

Umigting ang panga ko at pinatay ang tawag. Narinig ko ang bumukas na pinto ng CR. Mabilis kong ibinaba ang phone sa kaninang kinalalagyan nito. Nanginginig ang kamay kong kumuha ng cookie. Tumabi siya sa akin at tiningnan ako.

Tumikhim ako, pilit pinapakalma ang sarili. "Altamirano, dumating ba sa puntong niloko mo si Forrah nung kayo pa?"

Halata sa mukha niya ang gulat dahil sa tanong ko. "Why... are you asking me this? Ayaw mo siyang pinag-uusapan diba?"

Kumuyom ang kaliwa kong kamay at pinilit na ngumiti. "I just want to know."

Bumuntong-hininga siya. "Hindi." Tipid niyang sagot.

Hindi. Pero ako, oo!

Tumayo ako at nagsalin ng juice sa aking baso. Dumulas ito sa kamay ko. Tumama ito sa table at kumalat ang mga bubog.

Nataranta siya at mabilis akong dinaluhan. "Hey, hindi ka nag-iingat!"

"Sorry..." Lumunok ako. "You're right... hindi ako nag-ingat..." Sayo.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
3.3K 431 39
World Trip Series 8 During summer, Aesthesia Carseldine spends her summer break with her family back in New South Wales and as a journalism student...
9.6K 67 5
Miss Kae's list of stories and their sequence. I compiled all my stories for easy search and if you want to know the order of reading for my series...
41.4K 2.4K 40
World Trip Series 4 Kiersten applied as an intern in a company based in London. She dreamed to live like how royals in the country would live like. A...