Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 27

70.7K 1.8K 267
By sweet_aria

Chapter 27

Nilagpasan ko sila at pinagmasdan ang mga tutubing nagliliparan sa mga halaman, sa maganda at malawak na hardin. May mga paru-paro ring iba't-iba ang kulay.

"Tutunganga ka na lang diyan?" Nilingon ko si Altamirano.

"Sige na Fire. Pasok na muna ako kasi ibibigay ko pa kila ate Marcie itong pinadalang gulay ng nanay." Tumungo si Forrah.

Ngayon ko lang napansin na may hawak nga siyang mga gulay.

"Sige." Tugon ni Altamirano.

Hindi na ako sinulyapan ni Forrah at naglakad papasok ng bahay. Nang lingunin ko si Altamirano ay kumunot ang aking noo dahil sa tila panonood niya sa akin.

"Hindi mo kailangang maging rude sa kanya." Humakbang siya palapit sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at lumapit kay Severo.

Bumitaw din agad ako at hinaplos ang kabayo. "Hindi mo rin siya kailangang ipagtanggol sa akin."

Akmang aalalayan niya ako pagsakay kay Severo ngunit hindi ko ito tinanggap. Kinaya kong makasakay.

"Ano bang dapat kong gawin para hindi mo na siya awayin?"

"Isama mo sa pamamasyal natin. Tas pagdating natin sa ilog, lunurin mo." Sagot ko.

"Dela Vega!"

Gumalaw ang aking ulo para tingnan ang kanyang reaksyon. Pagkainis ang inilarawan ng kanyang mukha.

Dinala ko ang kamay sa kanyang pisngi at hinaplos ito. "Ang boyfriend ko, di na mabiro." Mahina akong tumawa at binawi ang kamay. "Tara na. Namimiss ko na ang inang at tatang."

Sumakay siya sa aking harapan. Dumikit ang kanyang likod sa aking dibdib. Pinagapang ko ang mga kamay sa kanyang bewang. I felt him become rigid. Itinuon ko ang baba sa kanyang balikat.

"Bakit hindi mo sinabay si pobre pauwi dito?" Pag-uusisa ko.

"I won't do that. You're with me." Lumamig ang kanyang boses.

"So kung hindi pala ako sumama, isasabay mo siya?" Kumalat ang inis sa aking sistema.

"Hindi. Ayokong magalit ka." Sinimulan niyang patakbuhin ang kabayo. "Hiya!"

I remained silent. Mabilis ang kanyang pagmaniubra kaya mahigpit din ang aking pagyakap. Hindi ako nagpahalatang kinakabahan sa bilis ng aming takbo.

"Magandang umaga senyorito!" Bati sa kanya ng trabahador na nadaanan namin.

Ngumiti ako nang madaan sila ng tingin. Si Altamirano ay tahimik lang at tipid na ngumingiti. Kinawayan ko ang mga kumaway sa amin.

Wala pa atang sampung minuto nang makarating kami sa bahay nila inang at tatang.

Bumaba siya at hinawakan ang bewang ko. Napatingin ako sa pinto nang lumabas dito ang dalawang matanda. Hindi na ako nag-inarte at tinanggap ang tulong niya kahit ang dapat ay tinatanggihan ko ito, dahil hindi pa rin napapawi ang inis ko.

Hinawi ko ang mga kamay niya nang maramdaman ng aking mga paa ang lupa. Tumakbo ako palapit sa dalawang matanda. Mahigpit silang yumakap nang sabay sa akin.

"Mabuti't naisipan mong dalawin ulit kami dito, hija!" Masiglang sabi ni inang nang humiwalay ako.

Ngumiti ako at hinawakan siya sa magkabilang kamay. Ang tatang ay mahinang tinapik ang aking balikat.

"Hijo, bakit napakaseryoso naman ata ng mukha mo?" Pansin ng tatang sa kanya.

Muli akong yumakap kay inang. "Namimiss ko na kayo. Nung sinabi ni Altamirano na hinahanap niyo ako, hindi na ako nagdalawang-isip na sumama sa kanya." Kumawala ako.

Hinawakan niya ang aking kamay at hinigit ako papasok ng bahay. Umupo ako sa settee.

"Natutuwa ako, Tamiya." Lumarawan ang saya sa kanyang mga labi. "Lagi ko ngang pinapatanong sa tatang ninyo kung kailan ka ulit pupunta dito. Akala ko ay nakalimutan mo na kami."

Ngumuso ako. Naglakad siya patungo sa kusina.

"Naku! Hindi po iyon mangyayari. Kung kaya ko nga lang pong magdrive patungo dito edi pumunta na akong mag-isa."

"Wag na wag mong gagawin iyan, hija. Delikado at masyado ka pang bata para magmaneho ng sasakyan!" Malakas niyang sabi.

Hindi nagtagal ay lumabas muli siya at tumabi sa akin. May dala siyang juice at buns na may palaman.

"Thank you po."

Inilahad niya sa akin ang isang tinapay. "Kumain ka nang kumain. Nang magkalaman ka naman kahit kaunti."

Ngumuso ako. Tumawa siya at hinawakan ang kamay kong hindi nakahawak sa tinapay.

"Inang naman."

"Binibiro lang kita. Napakaganda kasi ng katawan mo. Para kang modelo. Ang nipis ng baywang at ang haba ng binti. Nakakatuwang may apo akong katulad mo."

Humaplos ang saya sa aking dibdib sa sinabi niya. Hindi ko akalaing itinuturing niya akong apo kahit dalawang beses pa lang kaming nagkita.

Kumagat ako sa tinapay para piitin ang malawak kong pagngiti. Hindi talaga ako nagsisisi at bumalik ako dito.

Tumikhim ako. Pinagsalin niya ako ng juice at inilagay ito sa aking harapan.

"Bine-baby niyo naman ako inang."

Hinaplos niya ang braso ko. "Masaya lang talaga ako." Pinasadahan niya ng tingin ang aking itsura at ngumiti nang dumako ang tingin sa aking buhok na naka-messy bun. "Napakaganda talagang bata."

"Lumalaki na ang ulo ko." Biro ko.

Tumawa siya, hindi ko na rin napigilan ang sarili. Napawi lang ang aming tawa nang pumasok si Altamirano at ang tatang.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo." Umupo sa tapat ni inang ang kanyang asawa.

Iniwas ko ang tingin nang tumapat si Altamirano sa akin.

"Nakakainggit ka inang."

Kumunot ang aking noo sa narinig. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang kanyang pagtitig sa akin.

"Anong problema hijo?" Tanong ni inang.

"Halos magmakaawa ako makita lang siyang ngumiti at tumawa nang totoo. Kayo walang kahirap-hirap niyong nagawa." May lungkot sa kanyang boses.

I cleared my throat. Nagkatingin kami ni inang ngunit mabilis akong nagbawi.

"May tampuhan ba kayo?"

Hindi ako sumagot. Ganoon din siya.

"Wag ka nang magtanong mahal. Hayaan na natin ang mga bata." Bulong ni tatang kay inang.

Napagitnaan kami ng katahimikan. Kahit hindi gutom ay napilitan akong ubusin ang tinapay ko.

Umiinom ako ng juice nang mapatingin ako sa pinto dahil sa pamilyar na boses ng babae.

"Inang... tatang? Narito ho ba kayo?"

Kumuyom ang kamay ko. Tumingin ako kay Altamirano na nahuli kong nakatitig sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Lumunok siya at bumaling din sa direksyon ng pinto.

"May pinadala ho ang nanay na gulay-" Hindi na niya naituloy ang pagsasalita nang magtama ang aming paningin.

Walang emosyon ko siyang tinitigan hanggang umiwas siya. Naramdaman ko ang pagtayo ng inang at tatang. Umikot siya at nagmano sa mga ito.

"Forrah, umuwi ka rin pala." Ani tatang.

"Oo nga. Wala man lang nagbalita sa amin." Singit ni inang.

Umupo siya sa tabi ng tatang. Sinulyapan ko si Altamirano na nakatingin pa rin sa akin. Umirap ako.

"Teka... ano itong mga pasa sa braso mo? Bakit pati ang pisngi mo ay may kuramos?"

Muli akong bumaling kay Forrah. Tumungo siya at tinakpan ang mga pasa sa braso.

"Ah... wala po ito tatang. M-may pusa ho kasi sa boarding house at aksidente kong naapakan."

"Lies of a pathetic bitch. Hindi na lang sabihin na madami talaga ang galit sa kanya dahil sa kalandiang taglay." Bulong ko.

Hindi ko alam kung narinig ako ng dalawang matanda. Nang tapunan ko ng tingin si Altamirano ay mas lalong sumeryoso ang mukha niya.

"What?" Tanong ko.

"Sa labas tayo." Aya niya.

Umiling ako. Iinom ako ng juice nang bigla siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko. He dragged me outside.

"What the hell?" Inis kong tanong at iwinaksi ang hawak niya. "Problema mo?"

Mahaba ang buntong-hiningang kanyang pinakawalan. Pumikit siya nang mariin bago magmulat. His eyes became soft.

"Tara na sa ilog. Maligo muna tayo para mawala ang init ng ulo mo."

"Iniiiwas mo ba ako sa ex mong pobre?" Ngumisi ako.

Humakbang siya at hinawakan ang kamay ko. Tulad nang madalas kong reaksyon ay lumayo ako.

"Wag ka nang magselos kay Forrah." Mahinahon at tila nagmamakaawa niyang sambit.

"Assumero ka. Hindi ako nagseselos." Humakbang ako palapit kay Severo at hinaplos ang buhok nito. "Inis lang talaga ako sa mukha at mahinhindutin niyang aura."

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Lumayo ako para magkaroon kami ng distansya.

"Inang, tatang! Pupunta lang ho kami sa ilog!" Sigaw niya.

Hindi nagtagal ay lumabas ang dalawang matanda pati na si pobre.

"Babalik kayo ditong dalawa." Sabi ng inang.

"Opo." Tugon niya. "Maliligo lang kami at pupunta sa tree house. Okay lang ho ba na dito kami maghapunan?"

"Talaga hijo?" Malawak ang ngiti ni inang.

"Yup! We'll be back po." Ako na ang sumagot.

Ngumisi ako sa muli niyang pag-alalay sa akin. Hindi ko siya piniit dahil alam kong nakatingin si Forrah. Lumawak pa ito sa nakita kong pagtungo ng pobre.

"Ako na sa unahan. Sa likod ka." Sabi ko.

"A-alright."

Kinawayan ko ang dalawang matanda bago ko ihanda sa pagtakbo si Severo. Hindi nagtagal ay umibis na kami at itinuro ni Altamirano ang daan patungo sa ilog.

Nakarating kami sa ilog. Naglakad ako papunta sa kubo. Agad siyang naghubad ng damit at ripped jeans hanggang sa boxer na lang ang matira.

Iniwas ko ang tingin at umayos ng upo. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

"Ligo na tayo." Aniya.

"Ikaw na lang." Walang gana kong sabi.

"Dela Vega..."

Napalunok ako sa hina ng kanyang boses.

"Dali na."

Inangat ko ang tingin sa kanya. He smiled faintly, making me feel a slight guilt. Ilang segundo kaming nagtitigan at hindi ko na talaga kinaya.

Walang salita akong tumango at naglakad patungo sa ilog. Hinubad ko ang sando at sinunod ang maong na shorts. Lumusong ako sa tubig at hinintay siya.

"Akala ko ba gusto mo nang maligo?" Tanong ko at iginalaw ang mga kamay sa tubig. "Ano pang hinihintay mo?"

Tumakbo siya at lumusong. Kumabusaw ang tubig dahil sa ginawa niya. Napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin.

"Hey..."

"Miss na miss na kita." Bulong niya sa aking tenga. "Wag mo akong itutulak ha? Hayaan mo munang yakapin kita nang ganito. Mamaya, alam kong iiwasan mo na naman ako."

Tumaas ang kamay ko sa kanyang buhok at hinaplos ito. Ang isa ay sa kanyang likod.

Tipid akong napangiti. Hindi ako nagsalita at pinagbigyan siya.

Pagkatapos maligo doon ay tumungo na kami sa tree house. Hindi ako masyadong umiimik at pinanood lang siya sa ginagawang pagbabalat ng saging.

He handed it to me. "Eat this."

Hinaplos ko ang aking mga braso bago ko ito tanggapin. Kumagat ako sa saging at tumingin sa labas ng tree house.

"Nilalamig ka?" Pansin niya.

Tumabi siya sa akin at inakbayan ako. Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ang init ng katawan niya.

"W-why don't you wear your shirt?"

"Pinapatuyo ko sa baba. Medyo nabasa dahil sa paglusong ko kanina. Hindi ko napansing sobrang lapit lang niyon sa ilog."

"Tumakbo ka pa kasi." Muli akong kumagat sa saging. Inilapit ko ito sa kanyang bibig.

Napatingin siya sa mga mata ko. Nagkatitigan kami. Tumikhim ako at tuluyan na itong idinikit sa kanyang labi.

"Come on. Alam kong napagod ka sa paliligo."

Dinala niya ang daliri sa aking ilong at pinasadahan ang linya nito. Kumawala sa labi niya ang napakagwapong ngiti.

"Hindi ako napagod. Mas lamang ang yakap kesa sa paglangoy na ginawa ko."

Nag-init ang aking pisngi. Tumungo ako at itinuon ang pansin sa saging.

"Indirect kiss." Aniya.

"What?"

"Idinikit mo yang saging sa bibig ko. Tapos kumagat ka."

Kinagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti. Inubos ko ang saging na hawak at hinarap siya. Sinalubong niya ako ng halik.

Nanlaki ang mga mata ko. Hinawakan niya ang aking batok at ang isa ay sa aking bewang. Pumikit siya at gumalaw ang mga labi.

Humawak ako sa kanyang dibdib para pigilin siya ngunit nahalina ako sa init na dulot ng dibdib niya sa aking kamay.

"Your lips are so soft. It tastes really good." He murmured as he moved his lips against me.

Napapikit ako. Tinatangay ako ng sariling nararamdaman. Gumalaw ang mga kamay ko sa kanyang dibdib.

Bigla siyang kumawala nang tumugon ako. Humihingal kaming naghiwalay.

"Shit. That was so close." Mahinang mura niya. Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara na at bumalik kina inang."

Bumaba kami at walang imik akong sumunod sa kanya. Sobrang init ng mukha ko. Sobrang init ng aking pakiramdam.

Di ko namalayan na nakabalik na kami sa bahay nila inang. Doon na kami naghapunan at pareho kaming tila wala sa sarili dahil sa tuwing nagtatanong ang dalawang matanda ay puro tango at tipid na salita lang ang sinasagot namin.

Nagpaalam kami matapos maghapunan. Muling nagbilin ang dalawang matanda na babalik ako. Babalik kami.

"Opo. Magbreak man kami ni Altamirano-"

"Dela Vega!" Pigil niya sa akin.

Napangiti ako sa reaksyon niya at sumakay na rin kami sa kabayo. "Sige ho, 'til next time, inang and tatang."

Matapos magpaalam ay bumalik kami sa bahay nila. Pagpasok namin ay siya namang pagbalik ng inis ko, nang makita si Forrah na nakaupo sa sofa.

"Fire, Tamiya..."

Pinanatili ko ang seryoso kong ekspresyon. Lumapit siya sa amin at ikinagulat ko ang paglahad niya sa akin ng isang mumurahing cellphone.

"I have lots of cellphone, Forrah. You don't need to give that to me." Nang-aasar kong sabi.

"Ah... eh kasi nagtext si Conrad. Basahin mo." Mahinhin niyang sabi.

Inagaw ko ang cellphone at binasa ang mensahe.

Conrad:

Forrah, someone said that you went home. Sa Ilocos Sur. If by chance you see my cousin, tell her to call me. I need to talk to her, but she's not answering my calls. Sorry for the trouble. Thank you. :)

Kahit iisang text lang galing kay Conrad ay di ko napigil ang lalong pagkulo ng dugo ko.

"Don't reply. I can text him myself." Padarag kong inilapit sa dibdib niya ang cellphone. "Mahirap na. Baka pati pinsan ko landiin mo."

Hinawakan ko ang kamay ni Altamirano at hinatak siya patungo sa hagdan.

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 67 5
Miss Kae's list of stories and their sequence. I compiled all my stories for easy search and if you want to know the order of reading for my series...
8.4K 640 15
[COMPLETED] Ike Sonja Claveria is Galeley's "Ex", and a few weeks before summer ends, Gal is tasked to do this challenge: Be Ike's girl for a whole d...
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
37.7K 344 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...