Don't Play With Fire (Publish...

Da sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... Altro

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 26

71.5K 2K 454
Da sweet_aria

Chapter 26

"Hindi mo pa rin pinapansin?" Kalbit sa akin ni Jill.

"Hayaan mo siyang magdusa." Nilaro ko ang straw ng iniinom kong milkshake. "Siya nga pala, biro lang 'yung gala natin bukas ha? Next time na lang kasi may lakad talaga kaming dalawa bukas."

Ngumisi siya. "Hayaang magdusa pero hindi rin pala matitiis." Kumuha siya ng chips at isinubo ito. Nginuya niya ito. "Well, it's good to see that he's working to your favor. Mga ganyang lalaki talaga hindi madaling pakawalan."

"Parang nung isang araw lang sinasabi mo sa aking dapat pag-isipan ko na 'tong nangyayari sa amin. Bakit nag-iba ata ang ihip ng hangin, Jill?"

Binato niya ako ng chips at ngumiwi. "That's not what I meant! Ang sinabi ko lang naman ay alagaan mo ang puso mo!"

Kumuha rin ako ng chips at ginantihan siya. Sumama ang tingin niya sa akin nang sumapol iyon sa kanyang ilong.

Ilang araw na kaming ganito. Hindi ko ikakailang nasasanay at nag-eenjoy ako sa company niya. She was not like other girls who could make me feel teed-off. Siguro ay dahil nga marami kaming pagkakatulad. Hindi kasi siya 'yung tipong natatakot sa akin. Which was very rare. Most of the girls knew how to dissociate themselves to me. In her case, if felt like she didn't want to. Parang normal na normal nga lang na mag-usap kami at maglokohan tulad nito.

Pinunasan ko ang bahid ng cheese sa kanyang ilong at mahinang sinampal ang kanyang pisngi.

"F uck, why you did that?" She almost shouted. Hinawakan niya ang pisngi.

"OA! Di naman masakit." Uminom ako sa aking shake.

Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan nang maramdaman ko ang pamilyar na mga kamay sa magkabila kong balikat. Napigil ko ang hininga at piniit ang sarili na lumingon.

"Jillian, may I talk to her?" Tanong niya.

Tumaas ang kilay ni Jillian. "Why are you asking me when you can do it yourself?" Tumayo siya at nginisihan si Altamirano. "Wag mo nang sasaktan ang kaibigan ko. Pag ginawa mo 'yon, di na lang siya ang mangangawawa sa'yo. Ako rin."

Muli akong kumuha ng chips at binato ito sa kanya. "Did I say we're already friends?" Pinipigil ko ang tumawa dahil sa inis na lumarawan sa kanyang mukha. "Di ko pa naman tinatanggap na maging kaibigan ka ah."

Ngumuso siya.

"Tell me first that I'm more beautiful than you." Biro ko.

"I'm not going to say that!" Sagot niya. "Mas maganda ako sa uy, wag kang feeler!"

"Then now we're enemies!"

"F ucker ka talaga, bessy! 'Wag ka namang ganyan! Sige na, sige na. Mas maganda ka na!" Inis niyang dinampot ang kanyang bag at humalik sa pisngi ko.

Natawa ako. Hilig niya talaga ang magmura.

"Next time, don't kiss me. Kinikilabutan ako."

"Oh gosh bessy, you're transforming now?" Maarte niyang tanong.

"Yuck! Tumigil ka nga! At tigil-tigilan mo rin ang pagtawag ng bessy. Kasuka!"

Mahina niyang sinampal ang pisngi ko. Hahablutin ko sana ang kanyang braso ngunit agad siyang lumayo.

"Ginagaya ko lang yung mga baduy nating schoolmates. Shit, di pala ako tatagal. It sends me goose bumps!" Hinaplos niya ang magkabilang braso na tila kinikilabutan nga. "Hay! Dyan ka na nga! Sama na ng tingin sa akin ng jowa mo!"

Umalis siya at napag-isa kaming dalawa. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa amin. Ang pagiging girlfriend ni Altamirano ay instant dagdag ng mga atensyong tinanggap ko nang kaiinisan ko.

Inalis niya ang mga kamay sa aking balikat at umupo sa tapat kung saan nakapuwesto si Jillian kanina.

"Tuloy tayo sa Hacienda bukas?"

"Ge." Tipid kong sagot.

Akmang kukuha ako ng chips ng iisod niya ang lagayan nito at kumuha ng isa. Inilapit niya ito sa aking bibig.

"Anong kailangan kong gawin para mawala na ang galit mo sa akin?"

Pinalis ko ang kanyang kamay at binawi ang chips. Tinignan ko siya at halos itakwil ko ang sarili kong isip nang makita ang gulo niyang buhok at ang nangingitim na palibot ng kanyang mga mata. Yes, he's still drop-dead gorgeous!

Hinding-hindi ka magpapadala sa kagwapuhan niya, Tamiya!

"Hindi ako sanay na ganito ka sa akin." Bumuntong-hininga siya at inis na ginulo ang buhok. "Damn it, Dela Vega! Hahalikan na kita. Nakakainis na!"

Iniwas ko ang tingin bago pa ako ipagkanulo ng sarili kong mga mata. His lips were parted and its redness were so inviting. Ayokong magpadala sa ganda niyon. Masisira ang ginagawa kong pagpapahirap sa kanya!

"Dela Vega-"

"Uy sir!" Tawag ko nang makita si sir na bumibili.

Kinawayan niya ako at binigyan ng isang magandang ngiti. Sinulyapan ko si Altamirano at napansin ang pagkuyom ng isa niyang kamay. Pinigil ko ang aking pagngisi.

"Good morning, Ms. Dela Vega..." Bati niya at tumigil sa aming table. "Mr. Altamirano." He regarded him.

Hindi kumibo si Altamirano. Tinignan ko ang hawak ni Sir Hajas na mukhang lunch niya. No, lunch ng dalawang tao.

"Walang pinagbago, caldereta pa rin." Pagpansin ko. "Late lunch sir? For two?"

I wanted us to be normal like the old times. May ilang man akong nararamdaman noon pa sa kanya pero gusto ko ang ganon kesa noong mga nagdaang buwan. But now, I was really thankful that my awkwardness towards him died out entirely.

"Yup. Busy kasi si Ms. Krisane sa mga ipinapa-encode ko sa kanya."

Ngumuso ako at makahulugan siyang tinignan. "Sir, better be sensitive with others feelings. Di mo lang alam kanina, nahuli kong titig na titig sa'yo si miss nung tulog ka sa faculty room."

"What?" Mahina siyang tumawa. "Nasa faculty room ka?"

Nginitian ko siya bilang sagot.

Inilapit niya ang sarili sa akin at nagulat ako nang halos dumikit na ang labi niya sa aking tenga. "Pinagseselos mo ba siya?"

"No..." Ganting bulong ko. "I just want us to be normal."

Lumayo siya at pinagsisihan ko ang muling pagpokus ng paningin ko sa kanyang mga mata. Tinatakpan lang ng ngiti niya ang lungkot pero nandoon pa rin iyon.

"I'll try." Aniya.

Tumango ako. "Sige na ho. Alis na sir. Shoo!" I even gestured my hand.

Nang hindi ko na matanaw si sir ay muli kong ibinalik ang tingin sa mga pagkain sa harap ko.

"Dela Vega..."

Inangat ko ang tingin. Pareho nang nakakuyom ang kanyang mga kamay.

"Are you trying to make me jealous?" Tanong niya.

"No... I was just trying to make everything fine and normal." Sagot ko at nagkibit-balikat.

"Wag mong gawin sa akin 'to." Pumikit siya.

Tumayo ako at dinampot ang bag. "Wag kang magselos kasi wala namang dahilan para maramdaman mo 'yan. Magselos ka kapag nagkasakit siya, kinailangan niya ang tulong ko, at iniwan kita para sa kanya."

Bumalik ako sa room para sa sunod na klase. At nang dumating ang uwian ay nagmatigas pa rin ako.

"Let's go." Aya niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"I'll walk you home."

Ipinasok ko ang phone sa bag. "Maglalakad tayo? We have cars. I don't have to walk."

Nilagpasan ko siya ngunit agad niyang nahablot ang braso ko.

"Gusto ko ng oras mo, Dela Vega."

Hinarap ko siya at nginisihan. "Nung ginusto ko ang oras mo, ibinigay mo ba?"

Humigpit ang hawak niya sa akin. Inginuso ko si pobre.

"Hindi ba't inilaan mo lahat sa kanya?"

Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahan itong tinanggal. Tiningnan ko ang mga kaklase kong naagaw namin ang atensyon. Tinaasan ko sila ng kilay, nagmadaling lumabas ang iba sa kanila.

Naiwan kaming dalawa. Hindi na nakapagpaalam sa akin ang mga pinsan ko.

Hinigit niya ako at napaupo sa kanyang kandungan. Gumapang ang mga kamay niya sa aking baywang at mahigpit akong niyakap.

"I know how it feels now." Isiniksik niya ang muksa sa aking leeg.

Kinilabutan ako nang magtanim siya dito ng isang halik.

"Tigilan mo na 'to, Dela Vega."

Napapikit ako. "PDA's not allowed. We have CCTVs here. Let go of me!" Malamig kong sabi.

"Hindi kita papakawalan hangga't hindi tayo nagkakaayos. Limang araw na kitang hindi nakakausap nang matino."

"Tatlong araw lang." Mapakla kong tugon. "Unang dalawang araw ay wala ka rito."

Muli niyang tinaniman ng halik ang aking leeg. Hindi ko napigil ang reaksyon ng aking katawan at alam kong naramdaman niya ang matinding pagtataasan ng aking mga balahibo.

"Altamirano, stop kissing me there!"

Pero hindi siya tumigil. Hindi ko na napigil ang sarili at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya sa mga mata.

Kinagat ko ang labi nang makita ang lungkot dito. Ilang segundo kong nilabanan ang sarili pero kusa nang humaplos ang mga daliri ko sa kanyang buhok. Mariin akong napapikit at nagmamadaling tumayo.

"Dela Vega!" Tawag niya.

Patakbo akong lumabas ng room at iniwan siya.

Kainis! Bumigay na naman ako!

Buong gabi ay panay ang tunog ng aking cellphone. Ilang beses niya akong tinawagan at lagi ko itong dinedecline. Nakatulugan ko na lang iyon hanggang sa kinabukasan ay sunduin niya ako.

Nang matapos sa paghahanda ng gamit ay bumaba na ako.

Tila umaliwalas ang mukha niya nang makita ako. Lumapit ako sa kanya at inihagis ang aking bag. Mabilis niya itong sinalo.

"Pakidala." Tinalikuran ko siya at tinawag sina manang Didith.

Agad naman nila akong hinarap.

"Aalis ho ako. If someone calls, especially if it's Phoenix, pakisabi pupunta akong Ilocos Sur."

Tumango si manang.

"Mag-iingat ka hija."

"Thanks." Tumalikod ako at lumabas ng bahay. Nakasunod lang siya sa akin. Hindi ko na siya hinayaang pagbuksan pa ako ng pinto ng kotse.

Tahimik kami buong oras ng byahe. Kahit nang inaantok ako ay hindi ko hinayaang sumandal ako sa kanya.

Madilim na nang dumating kami. Sa tuwing nagtatangka siyang hawakan ang kamay ko ay umiiwas ako.

"Saan ka pupunta? Magdinner muna tayo." Tawag niya sa akin nang paakyat na ako ng hagdan.

Tumigil ako sa paglalakad. "Nakailang stop over tayo. Nakailang kain. I'm still full." Nilingon ko siya. "Baka naman ginagawa mo ito para tumaba ako at magkaroon ka ng rason na makipag-break sa akin." Ngumisi ako.

Umigting ang kanyang panga at humigpit ang hawak sa bag ko. "Hinding-hindi pumasok sa isip ko na makipagbreak sa'yo."

Umarko ang kilay ko. "Talaga?"

"Wag na wag mo nang babanggitin ang salitang break, Dela Vega." Naglakad siya palapit sa akin at padabog akong nilagpasan.

Naiiling akong sumunod at pumasok sa kwartong tinuluyan ko nung unang punta ko rito. Ibinaba niya lang ang gamit ko at lumabas na rin.

Nagising ako nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Kinusot ko ang aking mga mata bago bumangon at nakita siyang may dalang tray ng pagkain.

Umupo siya sa kama at inilapag dito ang pagkain.

"Eat first and we'll go to the tree house. Dadaan din tayo kila Inang."

Tumango ako at inilapit sa akin ang pagkain. Tahimik kong hinarap ito.

"I'm not sick for you to take foods up here. But, thanks." Sabi ko.

Pinanood niya ako sa pagkain kaya hindi ko naiwasan ang mailang. Binilisan ko na lang at nang matapos ay tumayo na para magbihis.

"Wag ka na munang maligo!" Aniya nang pumasok ako sa bathroom. "Pupunta tayo sa ilog."

Hindi ako sumagot. Paglabas ko ay wala na siya. Napatingin ako sa bed side table na may nakapatong na kulay puting rosas. May note din dito.

Binasa ko ito. Kumalat ang lungkot sa dibdib ko sa nakasulat.

I am missing your smile. Please, let me see that gorgeous sweet smile of yours. L - Your guy.

Itinago ko sa drawer ang sulat at umupo sa kama. Inamoy ko ang bulaklak at di nagtagal ay bumaba na rin.

"Bagay na bagay talaga sila ni Forrah. Kung bakit kasi dinala na naman ni senyorito 'yung malditang babae. Narinig mo ba kagabi? Sinusuyo niya pa."

Pamilyar sa akin ang mga boses. Hindi rin ako tanga para hindi matukoy kung sino ang pinag-uusapan nila. Tumigil ako nang makita sila sa sala.

"Tuwang-tuwa nga ako noong umalis yun dito. Akala ko kasi di na babalik." Sabi pa ng isa.

Tumikhim ako. Napatingin sila sa kinatatayuan ko kung saan nasa huling baitang ako ng hagdan.

"Maganda kasi ako kaya di ako mapakawalan ng senyorito niyo."

"Maganda nga umaalingasaw-"

"Mas umaalingasaw ang hininga niyo, ate." Sabi ko. "Kabung-umaga, tsismis ang inaatupag." Umiling-iling ako at dumiretso sa pinto.

Nang makalabas ay muli akong napatigil dahil sa nabungaran. She's also here!

"Kasama mo siya?" Hinaplos niya ang kabayo na hawak ni Altamirano ang tali.

"Oo. Hinihintay ko lang siyang bumaba. Pupunta kaming tree house." Nakangiting sagot ni Altamirano.

Tumango si Forrah.

Tinatagan ko ang sarili at lumapit sa kanila. Nakuha ko agad ang kanilang atensyon. Hinawakan ko ang kamay ni Altamirano at idinikit ito sa aking leeg.

"I think I'm sick." Pinaamo ko ang aking mga mata. "Tutuloy pa ba tayo? Wag na kaya. Alagaan mo na lang ako."

Rumehistro ang pag-aalala sa kanyang mukha. Hinawakan din niya ang aking noo. "Masakit ba ang ulo mo?"

Umiling ako at pinalis ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Nilingon ko si Forrah.

"May mga tao kasing magaling sa bagay na 'yan. I just tried if I'd be a good actress, too." Sabi ko at inirapan silang dalawa.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

Mystery Da PitchNight

Storie d'amore

1K 75 17
An Arcella Series Jhoanne Sinead dela Torre Tila ang mundo ay bumaliktad nang mamatay ang tatay. Kahit ang lahat ay pinaniniwalaang aksidente ang dah...
38K 344 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
729K 10.2K 53
Leigh Scarlett Alegre has everything she needed. Materyal na bagay, pera, at edukasyon. Naging marangya ang buhay niya dahil naiibigay sa kanya ang l...
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...