Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 24

65K 1.8K 244
By sweet_aria

Chapter 24

"Dela Vega..."

"Y-you really wanna go?" Pinilit kong ngumiti nang mapansin kong nag-aalala na rin siya sa akin. "Sige... puntahan mo na-"

"Hindi ako pupunta kung hindi kita kasama." Hinawakan niya ang kamay ko.

Binawi ko ito at iniwas ang tingin. "Tapos na naman tayong magdinner." Lumapit ako sa table at tinignan ang aking cellphone. Binasa ko ang oras. "And it's nine already. Sinabi ko naman sayo na kailangan kong umuwi nang maaga, diba?"

Muli ko siyang tinignan. Nakatutok ang mga mata niya sa akin at may lungkot na nakalarawan dito. Tumalikod ako at nagsimulang humakbang palabas sa kwartong iyon.

"Ginagawa ko lang ito kasi kaibigan ko si Forrah." Aniya.

Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Dumiretso ako pababa ng hagdan hanggang sa makalabas na kami ng bahay. Patungo ako sa gate nang bigla niyang hablutin ang braso ko. Bumagsak ang tingin ko dito.

"Dela Vega-"

"Just go. It's nothing to me, don't worry." Pinilit kong ngumiti at hinarap siya. "Uuwi na ako. I'll ride a taxi or call one of my cousins-"

"Ihahatid muna kita."

Tila may bikig sa aking lalamunan. Hindi niya ba maramdaman na gusto kong dito lang siya sa tabi ko? Monthsary namin ngayon! Bakit kailangan niya pang puntahan ang babaeng 'yon?

Umiling ako. "Hindi na kailangan."

Bumaba ang hawak niya sa aking kamay. Hinalikan niya ito bago niya ako hatakin sa kotse at pinapasok sa back seat.

Wala akong nagawa kundi ang magpatangay na lang sa nangyayari. Napansin ko ang regalo ko para sa kanya ngunit hinayaan ko na lang ito sa aking tabi. Iniwan ko talaga ito sa kotse dahil hindi ko alam kung paano ko ibibigay.

Ilang minuto patungo sa aming bahay ay hindi ko siya kinausap. Kahit nang bumaba na kaming dalawa at hinatid niya ako sa loob.

"Matulog ka na pag-alis ko. I'll call you tomorrow." Hinalikan niya ang aking noo. "Susunduin kita. Sabay tayong papasok."

Muli ay nagpilit ako ng ngiti at tumango. Tumalikod ako at umakyat na patungo sa aking kwarto. Dumiretso ako sa aking kama at humiga dito. Niyakap ko nang mahigpit ang unan at pinigil ang aking emosyon.

Kalma lang, Tamiya. Kalma lang.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Wala pang 5 am ay kumain na ako ng breakfast. Matapos niyon ay naghanda na ako para sa eskwela.

Nakaupo ako sa living room at hinihintay ang kanyang pagdating. Tumunog ang aking cellphone at agad ko itong dinampot sa table sa pag-aakala na siya ang tumawag.

"Morning, Tami." Pambungad ni Phoenix.

"Morning P. Why did you call?" Tanong ko.

"Just wanna check on you."

Umayos ako ng upo at hinaplos ang aking buhok.

"Papasok ka na?"

"Yup! I'm just waiting for him. Sabay daw kaming papasok."

"Huh? You'll be late. Anong oras na oh."

Tumingin ako sa orasan at nakitang 7:30 na ng umaga. Kanina pa pala ako naghihintay at hindi ko na rin namalayan ang oras.

"Okay lang..." Kibit-balikat ko. "Dadating na 'yun."

"Kapag hindi dumating within 30 minutes, pumasok ka na. I'll call Raxx."

"Wag na P." Tumikhim ako. "Sige na. May gagawin pa ako. Enjoy dyan sa Bora. Bukas ang dating mo diba? Uwian mo ako ng pasalubong."

"I will. Take care, Tami."

"Thanks. You too."

Matapos ang aming pag-uusap ay pinatay ko ang TV at dinampot ang aking bag. Tinawag ko si Boyd at inutusan na ihatid ako sa school.

Boyd parked the car. Bumaba ako at tumakbo papunta sa aming building dahil may aasikasuhin pa kami ng groupmates ko sa role playing para bukas.

Pagdating ko ay nandoon na lahat ng mga ka-grupo ko. Dumiretso ako sa aking upuan at agad silang lumapit sa akin.

"We just have 35 minutes before first subject, Tamiya. Why did you come late?"

Tinignan ko ang kaklase kong si Jillian. "You can start without me. I already gave you the script." Pinigil kong bulyawan siya pero alam kong kahit anong gawin kong pigil ay mababatid pa rin sa akin na hindi maganda ang aking mood. "Wag puro asa sa leader ha. May mga utak at bibig kayo para mag-isip at pag-usapan ang dapat gawin."

Hindi ko na siya hinintay magsalita. Tumayo ako at sumunod sila. Sa rooftop ko sila dinala para magkaroon ng kahit isang practice lang ngayong araw.

Nang tumunog ang bell hudyat na kailangan na naming pumasok ay nagmadali na silang bumaba. Pero si Jillian ay ilang beses pa akong tinignan bago sumunod sa aming mga kaklase.

Pababa na ako nang may humawak sa aking braso. Nang lingunin ko ang may-ari ng kamay ay nanlaki ang aking mga mata.

"Sir..."

"I was here the whole time. Pinapanood ko kayo doon." Itinuro niya ang medyo tagong bahagi ng rooftop. Muli niya akong tinignan. "Ayos ka lang ba?"

Tumango ako at tumingin sa kamay niya sa aking braso. Agad naman niya itong inalis. Ngumiti siya at naglakad papunta sa isang pahabang upuan. Umupo siya at tinapik iyon.

Isang buwan ko na ring hindi siya nakakausap pero kahit paano ay umaasa akong natanggap na niyang hindi ko na siya magagawang tignan pa tulad ng dati dahil may boyfriend na ako. Nilayuan ko siya at ganoon din naman siya sa akin, which was a good thing for the both us.

"Bakit ka nandito sir?" Tumabi ako sa kanya at namangha dahil wala na talaga akong nararamdaman ni kahit kaunting ilang.

"Now you're back on calling me sir."

Nagkibit-balikat ako at tipid na ngumiti. "Iyon ang dapat. I won't call you Gio anymore. Mamaya ay machismis pa tayo."

"Hindi ako takot na machismis, Tamiya."

Napalingon ako sa kanya. Titig na titig siya sa akin at nakita ko ang bahid ng lungkot sa mga mata niya.

Lumunok ako at nag-isip ng sasabihin. Hindi maaaring bubuksan na naman niya ang nangyari sa amin.

Tumikhim siya. "I'm sorry... I shouldn't have said that."

Tumango ako bilang pagtanggap sa sinabi niya.

"How are you?" Tanong niya nang hindi ako magsalita.

"Ayos lang." Pinaglaruan ko ang aking mga daliri at dumiretso ang tingin sa iba pang nagtatayugang buildings sa hindi kalayuan.

"It seems like you're not."

Kumunot ang noo ko. "How did you say that?"

"You're sadder now than those times that I made you feel I didn't love you."

Nakagat ko ang ibabang labi. Muli kaming natahimik. Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"M-may ginawa ba si Fire sayo?"

"W-wala." Tipid kong sagot.

"I don't believe you."

"You shouldn't have asked if you know that I'd just lie."

Mahina siyang tumawa. Naramdaman ko ang pag-isod niya. Napatingin ako sa kamay ko nang may pumatong dito. Ang sarili niyang kamay.

"Kapag sinaktan ka niya, wag na wag kang magdadalawang isip na lumapit sa akin."

Pinisil ko ang kamay niya at marahang tumango. "But I can punish him myself, sir. Nakakalimutan mo atang si Tamiya ako." Binawi ko ang kamay at tumayo. "Baba na tayo. Late na ako sa first class. Ikaw din."

Hindi ko na siya hinintay magsalita at umuna na pag-alis.

Pagbalik ko sa room ay awtomatiko akong pinagtinginan ng aking mga kaklase. Maging ang teacher sa unahan ay napatigil sa ginagawang pagsasalita.

"I'm sorry for disturbing the class. I just had an important thing to deal with, ma'am." Dumiretso ako sa aking upuan.

Napatingin ako sa upuan niya, wala siya dito. May kung anong tumusok sa aking dibdib pero pinilit kong ngumiti. Sunod kong tinignan ay ang upuan ni Forrah. The girl was absent too.

Buong araw ay wala akong ginawa kundi ang magkunwaring walang iniisip lalo na sa harap ng mga pinsan ko. May mga naririnig din ako tungkol kay Forrah na may nakaaway daw ito pero dahil wala akong pakialam sa kanya ay hindi ko na lang ipinagpatuloy ang pakikinig.

"The beautiful girl is gloomy."

Napatingin ako sa lalaking umupo sa aking tapat. Magulo ang kanyang buhok at may isang dyamanteng hikaw sa kanang tenga.

"Who are you?"

"You don't know me?" Tanong niya sa akin.

"Would I ask if I know you?" Kusang umikot ang aking mga mata. "Jerk."

Mahina siyang tumawa. Inilahad niya ang kamay sa akin. "I'm Dash Agrezor."

Walang gana kong kinuha ang kanyang kamay. Pinisil niya ang akin kaya agad ko itong nabawi. Tumayo siya at kinindatan ako.

"I was wrong for turning down my dad's offer to study here." He sighed and turned his back.

Naiiling kong ibinalik ang tingin sa pagkaing binili ko pero hindi ko magawang galawin. Minsan talaga ay may mga weirdo ding gwapo.

Muli kong chineck ang cellphone pero wala akong natatanggap ni isang tawag o text sa kanya.

Sinubukan kong tawagan siya dahil hindi na ako makatiis pero walang sumasagot. Dahil sa inis ay naisip ko rin na itext siya.

Me:

Bakit hindi ka pumasok?

Natapos ang araw na wala man lang akong natanggap na tawag mula sa kanya. Kaya nang dumating ang bukas ay hindi na ako naghintay. Hindi na rin ako nag-aksayang tanungin siya kung susunduin pa niya ako. Nagpahatid ako kay Boyd tulad nang nakagawian.

Maaga akong nakarating sa school kaya wala kaming naging problema ng aking mga kagrupo. Dahil mamaya na ang presentation ay tinodo na namin ang practice.

"Nakakapagod. Punta lang kaming canteen, Tamiya."

Tumango ako at hinayaan silang bumaba. Naiwan ako at si Jillian na kumakain sa tabi ng kanyang biniling sandwich bago kami umakyat dito.

"Want some?" Alok niya.

"No thanks." Umupo ako at muling tinignan ang cellphone.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. Tinignan ko siya.

"You know what? I really admire you. You're beautiful, smart and tough. Pero simula kahapon ay may napapansin ako sa'yo. Parang lagi kang wala sa sarili."

Inalis ko ang kamay niya sa aking balikat. Tumayo ako at tipid siyang nginitian.

"Don't watch over me. I don't fall in love with the same gender." Biro ko.

Mahina siyang natawa. Lumapit siya sa akin at bumuntong-hininga.

"You're funny."

"No. I'm beautiful."

Jillian was similar to me. She's a type of girl that everybody despised. Kilala ko siya dahil maingay din ang pangalan niya dahil sa taglay na ganda. Magkaklase na kami first year pa lang.

"I'm beautiful too. Way sexier than you."

"You're joking." Nginisihan ko siya.

Ngumisi rin siya at hinarap ako. "Kaya ka siguro nagkakaganyan kasi hindi pumapasok si Fire." Pag-iiba niya ng usapan. "Namimiss mo jowa mo?"

Ngumiwi ako dahil sa sinabi niya. "I don't miss him."

"Talaga?"

Tumango ako.

May nilingon siya. "Hey, Fire! What the f uck are you doing here-"

Agad kong nilingon ang tinitignan niya. Napabunghalit siya ng tawa. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi.

"Hindi raw namimiss. 'Wag ka. Marinig lang ang pangalan 'di na magkanda-ugaga."

"Y-you're crazy, Jillian."

"I'm a bitch. Not crazy." Kibit-balikat niya. "We both are."

Natahimik ako at muling tumingin sa gawi kung saan akala ko ay nandoon siya.

"You must protect your heart, Tamiya. Wag magmahal nang todo, doble ang sakit na idudulot niyan sayo."

"Paano mo nasabi 'yan?"

"Because of experience?" Aniya. "Kakabreak lang namin ng boyfriend ko. I mean, ex-boyfriend." Mahina siyang tumawa. "Minsan nga naisip ko, kung tama bang pumasok ako sa relasyon nang ganito kaaga. Kasi masakit. Masakit na maiwan ka ng taong mahal mo. Masakit na sobra kang nagbigay pero hindi ka nagawang suklian. Masakit na sobra mo siyang minahal na dumating pa sa puntong nakalimutan mo nang mahalin ang sarili mo." Tinignan niya ako. "That's what I did. I was blinded by my own feelings for him. Kaya sa huli, nadapa ako at hindi alam kung magagawa pang bumangon."

"I never thought that you're like this. Akala ko kasi papalit-palit ka lang ng boyfriend."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Di ah. Sadyang maganda lang ako kaya lapitin ako ng mga lalaki."

"Confidence!" Ngumisi ako. "We can be friends."

"No." Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palabas ng rooftop. "We can be bestfriends."

Naglalakad na kami pabalik sa room nang may mamataan ako. Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. Napalunok ako sa nakita.

"Oh!" Sabi ni Jill sa aking tabi.

Umayos ako ng tayo at tumalikod para hindi niya agad ako makita. Hinigit ko si Jillian sa isa sa mga rooms na walang tao at hinintay ang pagdaan nila.

"Are you okay now?" Tanong ni Altamirano.

"Yup! Thank you for taking care of me." Sagot ni Forrah.

"Alam mo namang hindi kita kayang tiisin." Nakangiti niyang sabi.

Napalunok ako. May naramdaman akong kirot sa aking dibdib. Nilabanan ko ito ngunit mabilis ang pagkalat nito sa aking sistema.

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 67 5
Miss Kae's list of stories and their sequence. I compiled all my stories for easy search and if you want to know the order of reading for my series...
3.3K 431 39
World Trip Series 8 During summer, Aesthesia Carseldine spends her summer break with her family back in New South Wales and as a journalism student...
242K 6.1K 43
C O M P L E T E D Chances are not for having a happy ending, but for having a rightful ending.