RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PU...

By blackpearled

9.8M 215K 45.3K

Lorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil... More

TO BREAK AN AFFAIR
FOREWORD
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
EPILOGUE
NOTE

FORTY THREE

168K 3.5K 395
By blackpearled

        Wala na si Rouge sa aking tabi nang magising ako. Pinakiramdaman ko ang sarili at ang buong paligid habang nakatingala sa kulay kremang kisame. Walang ilaw na nakabukas ngunit maliwanag ang paligid. Pati kurtina ay nakahawi sa gilid.  May kaunting sinag ng araw ang nakalusot sa windowsill.

I feel normal. No flu. Wala nang sakit ng katawan, nakakahinga na ako ng maaliwalas sa ilong, although may kaunting pananakit pa ng lalamunan. And lastly, I feel hungry.

Kaunting minuto pa ang lumipas bago ko naisipiang kumilos at umalis sa pagkakatihaya. Umikot ako sa gilid at umupo sa dulo ng kama. Inabot ko ang aking cellphone sa nightstand, kinukusot ang aking mata hanggang sa mawala ang panlalabo nito upang matignan ang oras. It's ten minutes past lunchtime?

Nagtungo  ako ng kusina. Nahihiya akong aminin na umaasa akong may nakalapag nang pagkain sa mesa. Rouge knows I don't really cook. That was before. Ewan ko lang ngayon kung ganoon pa rin ang alam niya tungkol sa 'kin.

Well he didn't disappoint. Tinanggal ko ang mga nakatakip na plato sa mesa at bumungad ang fried rice na puro gulay ang rekados at sa isang platito ay steamed tofu. I don't even have these stocks in my ref and cupboard!

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Hindi ko alam kung paano nakaluto si Rouge na hindi ako nagigising. The last memory I had of him last night ay iyong natulog lang siya sa likod ko na nakabalot sa 'kin ang kanyang braso. After that, wala na akong maalala. Hindi ko nga namalayang umalis siya sa kama.

Habang ngumunguya, dinungaw ko ang unread text na galing kay Jezreel. Mabuti naman at nagparamdam na ang baklang 'to.

Jezreel:

Please call Lila. Hindi ko nasagot call niya, I'm busy eh. Next week pa uwi ko. I'm in the West Coast baby!

Napailing ako habang inexit ang inbox at nagpunta sa contacts.  Agad kong tinawagan si Lila na matagal bago nakasagot.

"Hey..." inaantok pa ang boses niya. Sobrang malat.

"Li! Tanghali na." Uminom ako ng tubig.

"Sorry...puyat eh. Vlad rocked my world last night. Damn, it feels like having a full-body massage..."

Nagsalubong ang kilay ko. "What rocked your world? You went to a concert?" How does that become a feeling like you had a full-body massage? 

Sumabay ang paglangitngit ng kung anong hinihigaan niya sa kanyang halakhak. "I had my dose of man-meat last night, Lory. That's what I meant!"

Unti-unting nalaglag ang aking panga habang binabalot ang utak ko ng realisasyon. Di ko mapigilang tumawa. "My God, Lila! Make sure you're not in a public place today."

"Wala...kakagising ko nga lang di ba?" rinig ko siyang humihikab.

May kinakausap siya sa kabilang linya, I could make up Vlad's voice na katumbas rin ang antok ng boses kay Lila. Napangiti ako habang umiiling-iling.

Tumili si Lila kasunod ang kanyang halakhak. Wrong timing yata ang pagtawag ko. Baka naka-istorbo pa ako sa pagkakaroon nila ng morning exercise.

"Hello, Lory?" hinihingal niyang untag, may bahid pa ng tawa roon.

"Oh, hey! Uhm...Jezreel asked me to call you. Hindi niya nasagot tawag mo, busy siya. He's in the west coast, don't know where...maybe in L.A," pahayag ko.

"Tinawagan rin kita pero di ka ma-contact so I called him."

"Bakit mo kami tinawagan?" sinawsaw ko ang tofu sa sauce bago ko isinubo. Hmm, ang sarap. I've never been this hungry before.

"Another meaning of rock my world...Vlad proposed!"

"What?!" Mabilis kong nilunok ang kinakain at muntik pa akong mabulunan.

"Yeah! And the rest is up to your imagination," pakanta niyang ani.

"Your full-body massage...?" I stated.

"Uh-huh..."

Matagal bago nag sink-in sa 'kin ang binalita niya. I've never seen Lila as the settling down type. Ilang boy toys rin ang nagdaan sa buhay niya.

"So when's the big day?" untag ko.

"Pag-uusapan pa namin. I like it next year para mahaba ang preparation. I want a church wedding..." she gushed.

Ngumiti ako."I'm happy for you, Li..."

I really do. Hindi ko man ito inasahan sa kanya pero isa ito sa gusto kong matunghayan kay Lila; Ang magseryoso sa relasyon. I have to thank Vladimir for that.

"Hmm..." Lila made a contemplative sound.

"Huh? Anong hmm...?" pagtataka ko.

"How are you and Rouge?"

Napahinto ako sa pag kain. Pinadaan ko ang dila sa aking ngipin habang may iniisip sa tanong niya. Well...Rouge has just confessed yesterday and I reacted differently than how one is supposed to react.

Sa huli ay kinuwento ko sa kanya galing sa pagkahulog ng steel ladder hanggang sa pagluluto niya ng...tumingin ako sa plato ko. Breakfast yata 'to na naging lunch ko na. Malamig na rin kasi ang pagkain nang naabutan ko so I'm sure kaninang umaga siya nagluto.

He didn't even wake me up. Or maybe he tried, deep sleeper lang siguro ako lalo na't kakagaling ko lang sa sakit.

"You know what? Ise-send ko ang new phone number niya," ani ni Lila.

"Why? At bakit alam mo ang phone number niya?"

I didn't even know na bago na ang kanyang number. Binalik ulit ako sa araw na nakita ko ang pagkasira ng kanyang cellphone. Siguro nga kailangan niyang magpalit hindi lang phone kundi simcard mismo.

"To thank him! He took care of you. And how would I not know eh itong number ang ginamit niya sa pangungulit niya sa 'min dati tungkol sa 'yo. "

Tamad akong uminom ng tubig at sumandal sa silya. "May sakit ako Lila...siyempre aalagaan ako nun."

"He confessed to you! Hindi ang isang katulad niya ang magtatapat basta-basta ng pag-ibig, Lory. I mean look at that man! One thing that he is not is soft.  That man's all hard. Even his expression. And his you-know-what, but I can't tell. Ikaw lang makakapagsabi." Humalakhak siya.

Muntik na akong mabulunan sa kinakain sa ginawang pagtawa. Sa pagkakasabi ni Lila ay bigla ko nalang nai-imagine si Rouge sa harap ko. In all his glorious hotness and firmness; Toned, lean, strong biceps, defined pectorals, protruding v-line at the side of his abdominals that are bountiful of six ridges...not to mention topless.

Walang nagawa ang pagpihit ko sa 'king ulo. The image stays like it's meant to inhabit in my brain for life. It lingered like the Holy Spirit, damn it. Halos nilagok ko ang buong baso.

"Us women are men's weakness, Lory. Not all the time but I've proven that to myself. Siyempre, kinuha tayo sa tadyang ng mga lalake kaya kailangan nila tayo."

I don't know kung saan na ang patutunguhan ng mga sinasabi ni Lila. One thing I'm sure of is we're still talking about Rouge.

"I know it doesn't take just a woman for a man to change, but a man needs a woman to know what love is.  Kasi tayong mga babae, we had clues what love is based from fairytales. But men? Boys? It takes a fucking reality," dugtong niya.

I get this statement and let it sink in. Mom used to be dad's weakness. Now it's Antonia. Nagawa niyang patawarin ito nang ganon kadali and that's enough proof to me na oo nga, we can be the man's weakness. We can drive men crazy.

They're not just all fool and play...fuck and run. They can be serious and passionate...love and stay.

"So he's sincere..." Hindi iyon tanong ngunit nangangailangan ako ng kumpirmasyon.

Bumuntong hininga si Lila. "Would it take his death for you to believe him, Lory? For you to take that risk again?"

No. It takes courage, which is something that I'm short of. I can face every tribulation but this, hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang pag-isipan. Weighing my choices is tougher than stepping on a weighing scale!

"Lory, what would I pay to see my Vladimir kneel infront of me and kiss my feet, catch a steel ladder for me, take the punches under the rain...well siyempre kasi hindi pa iyon nagawa ni Vlad. He has cooked for me naman and..."

"He bidded five million to date me," bigla kong sabi sa gitna ng pagsasalita niya.

She forgot that detail pero naalala ko na hindi ko pala nabanggit iyon sa kanila.

"...took care of me when—what? Pakiulit nga ng sinabi mo?"

Nagpakawala ako ng pagod na hangin habang nakatitig sa baso. "Dinamay ako ni Lauris sa isang date auction. Rouge bidded five million, he's not using his name kaya hindi ko alam na siya iyon,"

Lila gasped."Sweet baby Jesus! See, Lory? See?!"

Tumayo na ako dala ang wala nang laman na plato at nilagay sa sink. Binalikan ko ang platito at ang baso. Nakikinig ako kay Lila na kinukuwento kay Vlad ang pag-bid umano ni Rouge ng limang milyon sa 'kin. Maya-maya lang ay binalikan na niya ako.

"Lory, kailangan pa ba niya bilhin ang buong kontinente ng Asya para lang balikan mo siya? Even Vladimir here is shocked! He's a man himself so he could feel Rouge's clean intentions. Men have this dude radar!"

"I'm scared..." mahina kong sabi. Sumandal ako sa counter at nakatitig sa mga huhugasan kong mga plato't kubyertos.

"Then take the risk, face what scares you and realize how brave you are. That's what I did.  Although hindi tayo magkahawig ng experience but that's just the way it is. It's about facing it, Lory. You still have feelings for him, that's why you're scared. Do something with your feelings. Pasalamat ka't nakakaramdam ka pa, kesa sa iba na naging manhid na. Lucky are those who feel love."

"May iba na ayaw nang makaramdam."  I've been in that phase before. And based from that experience, hiniling ko na sana naging manhid nalang ako.

"No, ayaw nilang makaramdam ng sakit. They don't get the logic na hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal. Of course it takes falling in love for you to get hurt, and it takes getting hurt for you to curse love."

Forsooth, I couldn't agree some more. Sino ba namang nagmamahal ang hindi nasasaktan. Hurt and love may differ in a lot of things, not to mention they are flat-out total opposites,  but they are as close as bestfriends. Palaging magkasama. Wala ang isa kung wala ang pangalawa and vice versa.

Wala na akong masabi pa sa mga pinapayo ni Lila. She's older than me, and she has a plethora of experiences than me kaya may natututunun rin naman ako. She possessed that wisdom that most people haven't seen in her. Sa panlabas na anyo naman kasi humuhusga ang karamihan sa 'tin. She wears skimpy clothes but behind that façade is a wise soul.

Bago pa ako makaisip ng sasabihin ay tumunog ang doorbell. Nagpasalamat ako kay Lila at nagpaalam habang tinutungo ko ang pinto.

Bumungad sa harap ko ang pag-sita ni Antonia kay Halsey na tigilan na ang pagdo-doorbell. Nasurpresa ako sa pagbisita nila. They've never been here to my condo and I wonder about this sudden visit.

Bahagyang nagulat si Antonia nang makita ako. "Oh sorry, naaliw si Halsey sa doorbell mo."

Nahiya siyang tumawa habang inaadjust si Halsey na buhat-buhat niya.

"It's okay, come in." pumagilid ako upang makapasok sila.

Binaba ni Antonia si Halsey na dumiretso ng upo sa couch. Natatawa ako sa paggalaw-galaw ng mga paa niyang hindi umaabot sa sahig. Inayos niya ang ribbon ng kanyang pink Barbie shoes.

Ginapangan ako ng hiya. Kakagaling ko lang sa sakit at hindi pa ako nakapag ayos, hilamos, at ligo. Humalo rin ang ilang ko kay Antonia.

We have made our peace pero hindi naman ganoon kadaling maging malapit kami pagkatapos ng pagbabati namin. We are civil without the hate anymore. Kuntento na ako sa ganito.

"Uhm sorry, wala akong mai-serve. You know I don't cook. Juice?" 

"Juice mommy! I want juice!" pahayag ni Halsey na halos tumalon na sa couch.

"Shh...behave . We're not in our house,baby—"

"It's okay. What flavor?" untag ko.

Kinuha ko ang remote control saka binuhay ang tv. Lauris told me Halsey likes watching National Geographic  kaya doon ko nilipat ang channel. Nilagay ko ang remote sa tabi niya.

"She likes strawberry," ani ni Antonia.

"It makes my lips red." Tinuro ni Halsey ang labi niya.

Medyo hirap pa siya sa pagbanggit ng letter S, so it sounded 'th'. May kaunting gap rin sa ngipin niya sa harap.

Ngumiti ako't ginulo ang kanyang buhok saka ako tumungo sa kusina.

Hinugasan ko muna ang kinainan ko bago nagtimpla. I don't know why they're here. Hindi sa gusto ko silang itaboy. I won't do that. I'm sure there is more than this surprise visit.

Nilapag ko ang dalawang baso sa mesa. Nag-toast na rin ako ng tinapay since wala naman akong maipalaman na karne dahil puro dahon ang laman ng ref ko. I couldn't even offer them lunch dahil kakaubos lang ng niluto ni Rouge.

"What will you say, Halsey?" umaasang tanong ni Antonia habang kinakabitan ng harclip ang maalong buhok ng anak.

"Thank you..." nahihiyang ani ni Halsey na nasa baso na ang bibig.

Tumingon ako kay Antonia na maingat ang pagkakatingin sa 'kin, or maybe it's the hesitation, dahil nga sa trauma ng nangyaring alitan. We may be okay now, pero hindi na maibura ang nangyari noon. Heck! Nao-awkward  pa  nga akong tawagin siyang mommy.

"I'm here to talk to you..." malamyos niyang sabi.

Just what I'd expected for this to turn out.

Tumingin siya kay Halsey na seryosong nanonood sa mga nagtatakbuhang zebra at giraffe sa NatGeo bago niya ako binalingan muli. "She always likes to go with me kaya sinama ko na. Lakwatsera yata ang batang 'to."

Mahina akong tumawa. Sandali siyang tinignan ni Halsey saka binalikan ang tv.

"Balcony, " tanging nasabi ko. Hinintay ko siyang tumayo at kausapin si Halsey bago ako tumalikod.

"Stay here, baby okay? Me and your ate Lory will talk. Kung may magdo-doorbell, puntahan mo kami sa balcony, don't open the door by yourself."

"Okay po..."

Binuksan ko ang glass window at tumapak sa balcony. Mas gumaan ang pakiramdam ko dahil sa maaliwalas na hangin dito sa taas. Pagkaupo ni Antonia sa harap ko ay hindi ko na sinara ang pinto para mabilis lang kaming mahanap ni Halsey. Hindi naman niya kami naririnig galing doon dahil sa lakas ng volume ng tv.

Umaasa akong nakatingin kay Antonia na mukhang kabado. Uminom siya ng juice na sigurado akong ginawa niya upang makalma siya. She engulfed a huge breath muntik na akong matawa, at the same time, hindi ko mapaigilang kabahan.

"I was at the site yesterday..." panimula niya.

Nakuha niya ang tanong sa mukha ko kaya nagpatuloy siya. "I was inside the car. Delikado kay Halsey kaya pinili naming hintayin ang dad mo sa loob ng sasakyan. I saw how you were avoiding Rouge."

Nagbaba ako ng tingin. So this is all about him again. Wala man siya rito, but the ghost of his presence lingered like the Holy Spirit. Just like my every bits and pieces of my memory of him.

"Inaamin kong sinubukan kong ipaglayo kayo. I know him very well, Lory. He's a dirty aggressive player. Not because of the situation, it's just the way he is. He doesn't mind sinning all over again just to get what he wants."

Wala akong imik at nakatingin lamang sa kanya, silently agreeing to her statement.  Nandito ba siya upang ipagpatuloy ang nasimulan niya? There's no need dahil nilalayuan ko naman si Rouge.

Hinawi niya ang tumakas na hibla ng buhok at nilagay sa likod ng kanyang tenga. Hindi nakatakas sa 'king paningin ang gold wedding ring niya na ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataong masilayan ito.

Pormal niyang pinagpatong ang mga kamay sa kanyang binti. She's always this finesse.

"I didn't believe him when he told me na wala na siyang balak pang sirain kami ng papa mo. I didn't believe him that in his every visit in the house was all for you. Kaya pinaglayo ko kayo. And I'm sorry, Lory. Isa 'yon sa mga pinagsisihan ko..."

Nahimigan ko ang pagsisi sa tono niya. Tumango ako. I have forgiven her for everything kaya wala na sa 'kin ang nangyari noon.

"Marami siyang ginulo nang malamang umalis ka, asking where particularly you were in Vegas. That day, I came from the OB and confirmed na sa papa mo ang dinadala ko. Rouge was there waiting, all messed up and devastated asking me where you are.

Hindi niya alintana na nandoon si Leo na isa sa mga bumugbog sa kanya. If your father was there, he would have made Leo gut him again. It was all too much to take in, Lory. That man will endure deadly punches for you..."

Kinubkob ako ng makapal na emosyon  habang pinagmamasdan si Rouge sa isip ko sa bawat pagsasalarawan ni Antonia. I don't need to hear this. Tama na iyong nalaman ko na wala na sila noong nagpakasal siya kay daddy. These were all in the past at dapat hindi na inuungkat pa.

Wala namang magagawa ang mga sinasabi nila dahil nangyari na ang nangyari. Hindi na natin mababago. We are not here in this kind of nest had that past didn't happen.

"Bakit mo ito sinasabi sa 'kin?" untag ko. Being reminded by the punches, parang ilang mga higanteng kamao ang sumusuntok din sa tiyan ko.

"Maliban sa gusto kong makabawi sa nagawa ko rati, this is my way of supporting the two of you. May nakaraan man kami ni Rouge, but what we had was nothing compared to my relationship with your father who I love more than the affection that I used to have with Rouge. Hindi ko siya minahal, Lory. I was serious with our relationship but I didn't love him. Rouge knows..."

How about Rouge? Did Rouge love her? Kaya ba siya desperadong agawin siya kay dad noon at willing pang manira ng relasyong mag-asawa dahil sa pagmamahal niya kay Antonia na hindi naman nasusuklian?

I don't know if this is a bad idea or a better one. Pinapasama nito ang pakiramdam ko, but at the same time isa rin naman ito sa mga katotohanang hindi ko naisip na gugustuhin ko rin palang malaman. I believe Antonia. A big part of me has pushed me to believe her.

Dalawa na silang pinapayuhan ako tungkol kay Rouge. Do I need other people's opinion, too? Like Lauris? Jezreel? Not dad dahil alam ko na ang magiging hatol niya.

Napatingin ako kay Antonia. Lumambot ang ekspresyon niya na parang nakikita niya ang daddy ko sa harap niya. Kung makatingin siya sa 'kin ay parang ako si daddy na palagi niyang inaasikaso. 

"Kung minahal niya ako,  sana napaghiwalay na niya kami ng daddy mo. Sana nagawa niya kaming gibain. But no, our marriage was just being shaken, it was never ruined."

"Muntik na kayong maghiwalay ni daddy noon," ani ko.

Tumango siya at determinado ang mga mata. "Pero hindi niya ako kinuha sa dad mo.  Naging plano lang iyon na hindi na niya nagawa. You're the one he wanted to take, Lory. Not me."

Clearly, I saw the sincerity flashed in her eyes. Lumakas ang loob ko sa sinabi niya. If so, then I guess I would take the risk of this second chance with him.

Ngunit nakaramdam ako ng uhaw nang maisip ko si dad. "Daddy will never approve of us."

Mabagal ngunit malakas siyang suminghap na parang pati siya'y ganoon rin ang pino-problema.

"Siguro ngayon hindi pa kayo matatanggap ng daddy mo, but you're his daughter. Eventually he'd be able to accept it and I know it won't take long. Look at the both of us. Who would have thought that we'd be having this kind of conversation? Pinapayuhan kitang balikan ang ex ko! My God, this is supposed to be awkward!"

Nagtawanan kami. Noong una ay nailang pa ako but along the flow of our conversation, ewan ko kung paano biglang naglaho ang ilang. It never felt awkward at all.

May malasakit siyang tumingin sa 'kin nang unti-unting naglaho ang aming mga tawa. Lumambot rin ang puso ko sa lambot ng kanyang ekspresiyon.

"Have him back again Lorelei. It is for real this time. He may have hurt you, but hurt happens all the time. He can love you more than he can hurt you. I've never seen him sacrificed that much for someone before. Not even to me."

I don't really know...gusto ko ngunit sarili ko rin ang pumipigil sa 'kin. Dahil paniguradong hindi sasang-ayunan ni daddy na maging bahagi si Rouge sa buhay namin na minsan na rin niyang binalangkas na sirain.

Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
8.6M 293K 51
Sky Academy, a school wherein magic really exist and impossible things never. First book to the Sky trilogy. Completed. Wattys2016 Winner. Published...
39.4M 1.1M 50
Minsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang...