RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PU...

By blackpearled

9.7M 214K 45.1K

Lorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil... More

TO BREAK AN AFFAIR
FOREWORD
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
EPILOGUE
NOTE

FORTY TWO

164K 3.5K 284
By blackpearled

Ilang sandali ang lumipas bago ko nagawang kumawala kay Rouge. Kinain ako ng kahinaan dahilan upang nangailangan ako ng karamay. But now that I'm done venting everything, babalik kami sa dati. Maybe that means lashing at each other's throats again.

"Lory..." ayaw niya akong pakawalan. Mas humigpit lamang ang yakap niya. Desperado at nangangailangan. Pinagpapawisan na ko sa kakaiyak pati na sa kainitan ng hubad niyang pang-itaas.

Kung iisipin niyang lalambot ako dahil lang sa mga sinabi at pinagtapat niya, hindi ganon kadali iyon. It is even more complicated now because of the engagement.

At isa pa nasa paligid lang si daddy, so seeing us like this, he would freak out! Baka bigla iyong magtawag ng pari at ipakasal kami ni Zavid bukas!

"Lory—"

"Not now Rouge." Diniin ko ang kamay ko sa matigas niyang dibdib at malakas na hinila ang sarili palayo. His hands lingered on my waist kaya umatras pa ako.

"Mainit ka pa, atleast let me take care of you..." malambing niyang ani.

Pinasidahan ko ang aking buhok saka inayos ang aking shirt na hindi siya tinitignan. The last thing I want to get involve myself right now is to get lost in his stare. Mahirap na, baka hindi ko na matagpuan ang daan ko pabalik.

Kinuha ko ang hard hat sa silya. "I handled myself pretty well yesterday, so taking care of myself alone today won't make such a difference."

Sabay naming nilingon ang mahinang pagkatok sa pinto. Si Rouge ang nagbukas since siya ang mas malapit. Niluwa nito si Yucille na kay Rouge agad dumapo ang mga mata.

Bumaba ang tingin ko sa paa niya. She's on her heels again. Hindi nila nakita ang pag-ikot ng mga mata ko. Naligaw na naman siya sa construction site imbes na sa runway ang pupuntahan niya.

"Rouge! Sir Marquez said nabagsakan ka raw ng steel ladder. Are you okay?" hinaplos niya ang braso ni Rouge na may pag-aalala.

Alinlangang lumingon sa 'kin si Rouge, parang nanghihingi ng permiso. Tinaasan ko siya ng kilay.

Binalikan niya si Yucille at pumeke ng ngiti. "I'm fine, Yucille."

Kinuha ni Rouge ang shirt niya sa bed saka ako nilapitan. Humakbang ako paatras.

"Oh, ikaw rin Lory?" untag ni Yucille. Nakatingin siya sa braso ko.

Tipid akong tumango.

"Alis na ako." Walang emosyon akong bumaling kay Rouge na nakatayo lang doon. "She's here to take care of you."

Mabilis pumagilid si Yucille nang makitang sumulong ako palabas ng clinic. Hindi ko pa rin alam kung ano ang naramdaman niya sa 'kin nang nasangga ko siya noong isang araw but I think it's not a big deal to her.

Right now, I just want to get away as much as possible. As possible, which is equivalent to uncertain. So hindi ako sigurado. After Rouge's confession which I still find hard to believe, the possibility of staying away fell to the surface as fast as how the steel ladder fell down on Rouge's back.

Kinuha ko ang aking bag sa office trailer bago nagpunta sa sasakyan. Hindi ko mahagilap si daddy upang makapag-paalam but I think alam na niya na uuwi ako dahil siya na mismo ang nag-suggest.

Hinagis ko sa backseat ang bag. Inabot ko ang pintuan sa driver's seat. Matibay na kamay ang pumigil sa akma kong pagbukas ng pinto. May karahasan ang pag-pihit sa 'kin ni Rouge upang maharap ko siya.

Sinalubong ako ng frustrated niyang mukha na hinaluan ng inis.

"Seriously, Lorelei? Hindi pa ba sapat ang sinabi ko sa 'yo kanina? I said I—"

"No! Don't say it!" putol ko sa kanya.

His hair is disheveled, ibang scenario ang naglalaro sa isip ko kung bakit naging ganoon kagulo ang kanyang buhok .

Pagod siyang bumuntong hininga. "Fine. But let me drive you home. Ipadala mo nalang ang kotse kay William o isa sa mga trabahador niyo."

I looked at his hair then back at him. Tinapatan ko ang inis niya, and I swear I've just seen red.

"Me on your Maybach, Rouge?" mapakla akong tumawa. " I'm not going to sit in one of those leather seats with your body fluids in it and to whoever woman you have shoved your man member into!"

I saw dark flashed on his face. Parang may makulimlim na ulap na tumatakip sa 'kin sa katauhan ni Rouge na nilalapit ang madilim niyang mukha.

Nanghina ako sa takot sa paraan ng tingin niyang malalalim. As he keeps on invading my personal space, I could see the tiny black specks surrounding within his dark amber eyes. Our noses touch. At animo'y sinisilaban ng mainit niyang katawan ang damit ko.

Hindi ako makagalaw at wala na akong maatrasan. His rigid body pressed on me I could barely breathe.

"My car is as celibate as a virgin I could offer it as a sacrifice to a bunch of cults in a ritual. So no, Lorelei. Walang kalibugan ang nangyayari doon. Except one time three years ago when I almost threw you in the backseat for us to have our non-food dessert. In my favor, I could have enjoyed it."

Mariin at may gaspang ang boses niya sa buong pagsasalita. Nanayo ang balahibo ko.

Umayos pa siya ng tayo na hindi nilalayo ang distansya. Mas nilapit pa niya ang kanyang mukha at lumihis sa gilid.

Mainit at mabibigat na hininga niya ang kumiliti sa aking tenga at nagpakabog sa dibdib ko. I swear I felt his mouth bit my ear and the roughness of his stubble scraping on my jaw. Napaigtad ako.

"And also, I think this is too much information but it would make ourselves feel better if I say that I have been waiting for you so that we can baptize it. I mean the Maybach. What do you think?" nanunuya niyang bulong.

Panandalian kong nakalimutan kung paano huminga. Pinaalalahanan lang ako sa maingay na pagbagsak ng kung anong equipment sa construction dahilan upang mapabalik ako sa katinuan.

There's no coordination between my expression and the way he's making me feel right now. Walang teamwork ang utak at katawan ko. Matigas ko siyang tinignan habang iba naman ang aking nararamdaman. I don't need the physical activity kung ganito rin naman niya pinapabilis ang tibok ng puso ko.

"I'm going home, Rouge," mahigpit kong ani.

Bago pa ako tuluyang makapihit ay sinaklot na niya ang susi ng kotse ko at pinatunog upang ma-lock saka niya ako kinaladkad papunta sa kotse niya. Pilit kong sinasabayan ang bilis at lawak ng kanyang mga hakbang.

Tumingin ako sa paligid bago ko gawing magpumilit na hindi sasama. Kumabog ang dibdib ko nang makita si daddy na sa direksyon namin nakatuon. Forcing Rouge to let go of me would create a show kaya nagpakaladkad na lang ako.

"Rouge—"

Pinihit niya ako sa kanya. His signature steel determination is back.

"I'm your client, so I'm your boss. You do as I say." Nakapaloob doon ang dominasyon.

Whatever, King Rouge.

Binuksan niya ang pinto at maingat akong tinulak papasok sa sasakyan. Kinabit niya ang seatbelt kasabay ang paghalik niya sa labi ko. Sinara na niya ang pinto, pinagmasdan ko siyang umikot sa hood at umupo sa pwesto niya.

Tumingin ako sa side mirror pagkaalis ng sasakyan. Nakita ko si dad na nakatayo pa rin sa pwesto niya at sinusundan ng tingin ang pag-lisan namin.

By now, he's already calculating his plans. Hinahanda ko na ang sarili ko sa magiging tawag niya bukas para sa kasal ko. He's planning on it, and for sure he's going to call Zavid's parents.

Pero nagtaka ako na hindi niya ako tinatawagan ngayon para man lang kumpirmahin ang ibig sabihin ng natunghayan niya sa 'min ni Rouge kanina. Maybe I was wrong into thinking he's planning on something. But then, maybe I was not.

Sa gitna ng biyahe ay nakaramdam ako ng uhaw. Sa naging sagutan namin ni Rouge ay nakalimutan ko ang sakit ko. Ngayon na lang ulit ito nagparamdam pati na ang sumasakit kong lalamunan dahil sa panay na pagsasalita.

Dapat nga hindi ako masyadong nagsasalita ngayon, but my vexation to Rouge made me break that rule for today.

I was mentally looking for my tumbler. Right, I wasn't able to have it with me. Naiwan ko sa site at marahil natambanagn din ng construction tarpaulin.

"Hindi kami ni Yucille."

Ipinagtaka ko ang pagsasalita ni Rouge, at ang nakapaloob na paksa nito.

"I'm not asking," walang gana kong sabi.

Sa bintana ang tuon ko at hindi ko sinadiyang matignan ang nakakadisgrasya niyang billboard.

"But you want to know. And I said that for you to stop assuming that she and I are together because we're not," kaswal niyang sabi.

"'kay," ani ko. Ewan ko kung narinig niya iyon dahil sa hina ng boses ko.

My head's still spinning kaya sinandal ko sa headrest. Pumikit ako dahil lumalala ang hilo sa liwanag ng araw at takbo ng sasakyan.

"May pinadagdag lang kaming installation sa naging project dati na sila ang gumagawa."

"No need to explain, Rouge." I murmured.

"We're just friends. I'm not into her and honest-to-God I swear I will never be—"

"I don't care." Mahina ang bahid ng inis sa'king tono dahil sa hilo. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.

"You care, Lory. I know you do." Ngiti siyang sumulyap sa 'kin. "See? You're calm now."

I'm not calm! Nahihilo lang ako kaya mukha akong kalmado at hindi ganado sa pagsasalita!

Padabog akong sumandal. "You're still an asshole."

"The good kind."

I don't know why he has to elaborate his relationship with Yucille. That was uncalled for. Knowing they're not dating is enough basic information for me.

"But you and Yucille seem so sweet."

Narinig ko siyang ngumisi. Lumingon ako at nakita ang nanunuya niyang mga mata na nakatutok sa 'kin. Binalik niya ang tuon sa harap ng daan saka kinagat ang ibabang labi upang magpigil ng ngiti.

"I have to play sweet. Para maka-discount kami sa kanila," aniya.

Kumunot ang ilong ko, napapa-isip. "So...that's why you're doing this. You have a plan on sleeping with me para maka-discount ka rin sa 'min?"

Umugong sa buong kotse ang baritono niyang halakhak. Hinihimas-himas ng isang kamay niya ang kanyang panga habang nasa steering wheel ang isa.

"I'm sure it's the total opposite. I'm willing to pay more than the proposed amount just to sleep with you, Lorelei. Fuck the discount." He chuckled.

"So sobra pa ang ibabayad mo sa DC at the end of the project?" 'di makapaniwala kong untag.

He smirked, pinatunog ng dila niya ang loob ng kanyang pisngi. "Let's see what happens."

Rouge is unpredictable sometimes. I don't know what to expect behind those smiles and gestures and smirks and maniacal laughs. He has done sinful things, but I'm sure he won't force me into sleeping with him.

May kabaitan pa naman sigurong natira sa kanya. The underlying goodness that lies beneath him would be my silver lining.

"I'm not sleeping with you." Tinalikuran ko na siya. I'm sleeping. I hope he won't talk anymore.

"I'm sure as hell that your words are going to be your dinner, Lory. Kakainin mo lang ang sinasabi mo. Have me as your appetizer, or dessert if you prefer."

Pasalamat siya't hindi ko siya masapak dahil sa pagaan ng aking ulo. Gayunpaman, hindi ko pa rin mapigilan ang pamamawis ko dahil sa sinabi niya. Lalong sumakit ang ulo ko at sumama ang aking pakiramdam. All I want to do is lie and sleep in my soft clingy bed all day.

Kaya hindi ko na siya sinagot. Naubusan na ako ng lakas upang makipag-argumento.

Kakalapag pa lang ni Rouge sa 'kin sa kama nang magising ako. Umikot ako at humarap sa kabilang gilid upang maiwasan ang mapalapit sa mukha niya. Hinagilap ng mga kamay ko ang kumot ngunit naunahan ako ni Rouge sa pagkuha nito at siya na ang nagbalot ng kumot sa katawan ko.

"Thanks. You can go now." I murmured. Hinagkan ko ang pinakamalapit na unan.

I heard him huff. "The hell I will."

Ayaw ko man ay umupo ako sa kama at pagod siyang binalingan. Base sa pakiramdam ko ngayon, I bet that I look as horrible as what this flu made me look right now.

"Rouge please, I'm tired arguing with you..." may pagsuko kong pakiusap sa kanya.

Tuwid ang kanyang tayo. Nakahalukiphip siya't mariin akong tinitigan. "I'm not here to argue. I'm not here to fight. I'm here to take care of you."

"Kaya ko ang sarili ko—"

"Shut it, Lory. I'm not going anywhere. You have neither to do nor say against that."

Nagtitigan kami, hinayaan namin na ang ekspresyon sa aming mga mata ang magtalo imbes na ang mga salita. In the end, nagtagumpay ang matigas niyang determinasyon kesa sa naluluha kong mga mata.

Damn flu. Of all people ako pa ang pinili mong dapuan.

Inirapan ko siya't bumalik sa paghiga. My back against him. "I'm still not sleeping with you, Rouge."

"Oh, you will. Don't worry, I'm not going to have sex with you. Well I want to, but not now."

Clearly, Rouge's shame hasn't landed back down to earth yet. Saang planeta ba kasi namamasyal ang hiya niya?

Uminit ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil sa lagnat o dahil sa sinabi niya but whatever it is, all I know is I feel thermogenic. Why does he even have to say that?

Lumabas na siya ng kwarto at sa ilang segundo ay narinig ko ang mga pagkilos niya sa aking kusina. Wala siyang matatagpuan sa ref ko kundi puro bote ng cleansing juice.

For now, I'm letting him invade my kitchen and my whole unit, pasalamat siya may sakit ako at hindi ako makakalaban sa kanya.

"You didn't finish the soup."

Umikot ako at hinarap siya. Nakatayo siya sa may pintuan hawak ang isang soup flask. Inside it is the asparagus soup delivered yesterday.

Pumikit ako at nagsalita, "Hindi ko maubos."

"You want me to make another? Kaunti na lang 'to."

"Bahala ka na..." pahina nang pahina ang boses ko.

Bigla akong napakunot noo nang may mapagtanto. "Wait..."

"What?"

Dumilat ako at nakitang nasa pintuan pa rin siya. Parang hindi siya humakbang nang kaunti.

"Galing sa 'yo ang soup?" untag ko.

"Yeah." Chill niyang tugon. Hindi man lang nag-alinlangan sa kanyang sagot.

"The delivery boy said it's from Lauris."

He shrugged. "I told him to say it. Alam kong hindi mo tatanggapin kapag malaman mong galing sa 'kin."

Kung sabagay. And it's too late to hand it back to him now dahil nabawasan ko na, muntik ko na ngang maubos. Why does he have to be that sneaky? Damn him!

Naglipat ulit ako ng posisiyon. Ngayon lang niyakap ng katawan ko ang sakit sa 'king likod at sugat sa braso. I thought of Rouge na mas labis pa ang naranasan dahil siya ang nabagsakan ng ladder. But he's out there in the kitchen making soup.

Umubo ako ay suminghot. Napadaing na rin ako sa inis dahil sa lalamunan ko. I think this is the worst flu I've ever had. Dati isang araw lang naman ang itinatagal ng lagnat ko. Ngayon lang nangyari na dalawang araw. My temperature is fluctuating.

Sa ganoong estado ako nadatnan ni Rouge nang pumasok siya sa kwarto dala ang umuusok na soup bowl. My mind made a strange jog down to memory lane. Hindi ko maitulak ito dahil hawig na hawig sa nangyari noon.

"You're going to feed me," sinabi ko na kung ano mang balak niya. And for sure he's not going to make me hold the spoon.

Dinaplisan niya ako ng tingin saka gumuhit ang multo ngiti sa labi niya na parang may naalala rin sa sinabi ko. Pinaupo ko na ang sarili kasabay ang pag-upo niya sa gilid ng kama.

Inaamin kong naiilang ako na tanging pagtama ng kutsara sa bowl at pag-higop ko sa soup ang namamagitang ingay sa 'ming dalawa. Halos hindi ko siya tinignan. I just stare at the food, and his expert hand holding the spoon, his clean fingernails, the silver ring on his thumb...

Ring. Parang may lumulukot sa tiyan ko dahilan upang gusto kong sumuka. Nausea hits me like a truck. My mouth turned acid, I have this sick urge to run to the bathroom.

"Lory?"

Bumaling ako sa pagsambit ni Rouge. He's holding the spoon near my mouth.

Umiling ako. "Water."

Inabot niya sa 'kin ang baso kasunod ang gamot. Ininom ko ang dalawa at naubos ko ang tubig. Bigla akong nawalan ng gana dahil sa biglang naalala. It was painful I could hardly swallow.

Umusog ako sa gitna ng kama at humiga. Panandaliang naiwawaglit ng pagtulog ang bigat sa dibdib kaya ito ang ginagawa ko. I'm sure Rouge knows his way out so there's no need for me to point out the door.

Ngunit sa pagbalot ng makikisig niyang bisig sa baywang ko, naalala ko ang pagmamatigas niyang umalis kanina. When Rouge makes a decision, there's no way for him to change it. It's always fix and firm.

Gumalaw ang kama sa pag-sampa niya sa likod ko. Umikot ako upang harapin siya pero tinulak ako ng katawan niya upang ako'y pigilan. Sinampa niya ang ulo ko sa isa niyang braso habang mahigpit na kinukulong ng isa ang baywang ko.

"Rouge—"

"Shh...Don't talk. Sleep, Lory. I'm here..."

Continue Reading

You'll Also Like

92.3K 2.9K 19
Ian's boyfriend Aiden, left her for another girl. Wala na raw itong nararamdamang spark para sa kanya kaya mas mabuting maghiwalay na sila. Sa gitna...
9.3K 217 36
Milan Nathalie Parker x Travis Avellaneda LAST INSTALLMENT FOR VARSITIES SERIES DATE STARTED: January 11, 2022. 8:47 PM DATE ENDED: April 16, 2022. 6...
87.3K 1.3K 23
𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗦𝗛𝗘𝗗 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗣𝗜𝗣 PURSUING MY DREAMS (SINGLE LADIES SERIES #5) Shelley Elana Olivares has so many dreams in life. She study hard t...
321K 17.2K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...