I'm inLUST with my BOSS

By therealsweetyjasmine

2.6M 30.2K 2K

Dumudumi ang isip ko sa tuwing nandiyan sya. Sh*t!! More

Intro: In-LUST with my Boss
Commercial lang saglit..
1st: I wanna EAT you!
Thank you and SORRY!
2nd: Touch me....please!
3rd: Shyness attack!
4th: Start of something new?
Papampams...
5th: he is coming...
6th: Baby-Sit on me....
7th: strength please...
7.2: lucky
8th: Is it really happening?
9th: Bitter-sweet kisses..
A-10-TION READERS.. :)
10th: Jealous?
11th: Confession part 2!
12th: Surprise?
13th: Unexpected VISITOR..
14th: Back for good?
15th: Awkwardness...
16th: Contest?
17th: Competition part 1
18th: His story...
19th: Date??
20th: Confused 2.0
21st: Bebot # 2
22nd: Confused 3.0
23rd: the Boss' POV
24th: Space..
Paumanhin
25th: Dying inside..
27th: It's official.. :)
28th: Her's opinion
29th: Visitors Day!
30th part 1: Happy 1st!
30th part 2: Happy 1st year!
31st: unknown girl

26th: And I responded..

50.3K 654 243
By therealsweetyjasmine

"My gosh! quarter to 9 na! Parating na siya!" hindi mapakaling usal ko.



Nagtext kasi si Iñigo sa akin kanina na 9am ito darating. Nasabi ko narin dito na may gusto akong sabihin sa kanya at kailangan naming mag-usap.



Ngayon ko na kasi siya balak kausapin tungkol sa pabor na hiniling ng nanay ni Sonny sa akin kahapon.



Sa totoo lang ay hindi pa ako handang kausapin ito dahil hindi ko parin alam ang dapat kong sabihin dito pero alam ko na hindi din ako mapapakali hangga't hindi ko ito nakakausap.




"Ay matabang saging!" bulalas ko nang maramdaman ko na may biglang humawak sa balikat ko. At halos lumuwa ang puso ko nang makita ko kung sino iyon.



"S-sir!" nakangiwing bati ko dito.



Nakita ko ang pigil na pagtawa nito sa naging reaksyon ko. "Good morning my Lianne.. Iñigo nga pala.." anito saka kunwari'y inilahad pa ang kamay at umaktong nagpapakilala.



Lalo tuloy akong napangiwi sa ginawa nito pero kalaunan ay napangiti rin. Natawag ko na naman kasi itong "Sir".



"N-Nandito ka na pala I-Iñigo. Gusto mong kape?"natataranta paring tanong ko dito.



Hindi ko na inantay pa ang sagot nito, sa halip ay dumiretso na ako sa may pantry upang ipagtimpla ito ng kape. Habang naglalakad ay pasimple kong pinapagalitan ang sarili ko dahil sa hindi ko mapigilang pagkataranta na parang first time ko lang itong nakita.



'Jusko!Mag-iisang taon ka nang nagtatrabaho dito Gab! Bakit hanggang ngayon ay natataranta ka parin sa harap niya? Porke ba naka bukas yung polo shirt niya at mukhang bagong ligo palang siya? Landi mo talaga!' sermon ko sa sarili ko.



Bahagya kong ipinilig ang ulo ko nang maalala ko ang dibdib nito na bahagyang nakalitaw sa bukas nitong polo shirt. Nakita ko na iyon dati pero pakiramdam ko ay hindi ko yata iyon pagsasawaang tingnan. Hindi na ako magtataka kung bigla akong tubuan ng kuliti dahil sa ginawa kong pagsilip sa dibdib nito kanina.



'At sinumpong ka na naman ng pagka-manyak mo Lianne Gabriel! Umayos ka nga!'



Muli ay sermon ko sa sarili ko at muli ring napangiwi nang marealize kung ano na naman ang tinatakbo ng isip ko. Gravity! Daig ko pa ang lalaking manyakis na naninilip ng boobs! Nakakahiya!



"Ay malaking monay!" gulat na sabi ko nang biglang malaglag ang kutsarang hawak ko.



Napatingin ako sa may pinto nang marinig ko ang malakas na tawa ni Iñigo.



"Sorry My Lianne hindi ko na kasi napigilan.. Kanina pa kasi ako aliw na aliw habang pinapanood ka ehh.. Anyway, are you okay? Mukhang tense na tense ka." kahit na natatawa'y kita parin ang concern sa mga mata nito.



"Okay lang ako. Kulang lang sa tulog."pagkakaila ko saka pilit na binaling ang atensyon sa tinitimpla kong kape. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ito nakatingin dahil masyadong okupado ng kakisigan nito ang isip ko. Nakalapit na rin pala ito sa akin nang hindi ko rin napansin.



"You sure?"alalang tanong nito saka dahan-dahang sinalat ang leeg ko. "Parang medyo mainit ka yata." komento nito.



Halos mapatalon ang puso ko sa ginawa nito at ramdam ko ang lalo kong pagkataranta dahil amoy na amoy ko ang pabango nito. "Wala akong sakit. Fertile lang siguro." wala sa sariling sagot ko. Huli na nang marealize ko kung gaano ka-awkward ang sinabi ko.



I saw amuzement in his eyes. "Oh Lianne... Alam na alam mo talaga kung paano ako pangingitiin.." todo ngiting sabi nito.



"Ha?" clue less na tanong ko dahil parang huminto na yata ang brain cells ko sa ginawa nitong pagngiti.



"Wala. Ang sabi ko napaka-ganda mo talaga. Patikim ng kape mo." nakangiti paring sabi nito saka inabot ang tinimpla kong kape.



Nanatili lang akong nakatunganga dito habang humihigop ito ng kape. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang lalo itong gumwapo sa paningin ko. Masyado ko ba itong namiss kaya ganito ang naging reaksyon ko nang makita ko ito? Hindi ba masyado namang OA yun dahil isang araw ko lang naman itong hindi nakita?



Pasimple kong ipinilig ang ulo ko.



'Focus Lianne.. Focus... May sasabihin ka pa saknya remember?'  bulong ko sa sarili ko.



"Ang sarap talaga."tila nang aakit na sabi nito nang halos makalahati nito ang kape.



Bigla ko tuloy naalala si Coco Martin sa commercial nito habang sinasabi nito ang salitang "Yummy". Pero ibang 'Yummy!'  ang gusto kong tukuyin habang tinitingnan ko naman ngayon ang lalakeng umiinom ng kape sa harap ko.



Tipid na ngiti lang ang sinukli ko dito at piniling wag na magkomento pa. Baka ano na naman ang maling masabi ko, mahirap na.



"Wala ba tayong balak na umupo?" maya-maya'y tanong nito.



Oo nga pala. Kanina pa kami nakatayo.



Napangiti naman ako dito at akmang maglalakad na palabas ng pantry.



"Hindi ba may sasabihin ka nga pala sa akin?"muli at tanong nito.



Unti-unting nawala ang ngiti ko nang maalala ang sasabihin ko dito. Dahan-dahan ko itong tiningnan.



"Ngayon na ba? Baka kasi ano ehh.... May gagawin ka pa... You know..."pagpapaligoy ko. Nervousness strikes on me again.



'Paano ko nga ba iyon sisimulan?' I asked myself.



"Okay. Lunch out nalang tayo mamaya. Kailangan din kasi nating mag-usap eh. Di ba may utang akong paliwanag saiyo? Magbabayad na ako mamaya."anito saka ako kinindatan.



Parang tumalon na naman ang puso ko sa ginawa nito. Tumango nalang ako dito bilang pagsang-ayon at nagpaalam na dito na babalik na sa table ko upang magtrabaho. Pinayagan naman niya ako at sinabing uubusin lang daw ang kape nito.



'Gravity Lianne. Konting ngiti at konting kindat nya lang sayo ngayon, natataranta ka na. Nasisiraan ka na yata!' muling sermon ko sa sarili ko.



Mabilis lumipas ang oras. Pass 12 na pala at kung hindi pa ako kinatok ni Iñigo sa table ko ay hindi ako hihinto sa pagtatrabaho.



"Pwede ka bang mayayang kumain kahit saglit lang po Binibining Busy?" bungad nito.



"Grabe sya oh. Sorry po, hindi ko namalayan ang oras." nakangiting sagot ko saka kinuha ang bag ko.



"Kaya lalong umuunlad ang Chaussure dahil sa kasipagan mo. Sabagay, para sa atin din naman pala iyon." banat nito saka pakunwari akong inakbayan.



Syempre pa, bigla na namang nagreact ang puso ko sa ginawa nito pero pilit kong inignora. "Ano daw?" painosenteng tanong ko kahit na ang totoo ay kilig na kilig ako. Pasimple ko ring inalis ang kamay nito sa balikat ko para narin hindi nito mahalata na gustong-gusto ko ang pag-akbay nito.



"Haha. Wala. Oh tara na, gutom na ko."nakatawang sagot nito saka ako inakay na palabas ng office nito.



Gaya ng dati, sa Taste it! kami ulit kumain para daw malapit at makapag-usap rin kami ng maayos. Masaya ang naging kwentuhan namin habang kumakain. Hindi ko rin maisingit ang mga nais kong sabihin dito dahil ayaw ko naman sirain ang magandang mood nito.



Pero nang matapos na kaming kumain ay ito narin mismo ang nag-open ng usapan.



"Hindi ba't may sasabihin ka sa akin? May kinalaman ba iyon kay Sonny at sa nanay niya?" seryosong tanong nito.



Nagulat naman ako sa sinabi nito. "Paano mong nalaman?"



"Susunduin dapat kita kahapon kaso nagmamadali kang sumakay sa taxi kaya hindi kita naabutan. I followed you because I was about to surprise you pero ako ang nagulat nang makita ko na imbes na sa apartment o sa mall ka pumunta ay bumaba ka sa restaurant kung saan ko hinatid si Tita Beth bago kita puntahan. Nakaramdam ako ng duda kaya sinundan kita hanggang sa loob ng restaurant at hindi nga ako nagkamali sa hinala. Si tita nga ang katagpo mo doon."mahabang paliwanag nito.



"S-Sana pala nilapitan mo kami. Alam mo naman siguro na konektado sa iyo yung pagkikita namin." sagot ko.



"Sinadya ko na hindi lumapit sainyo. Bukod sa may tiwala ako kay Tita na wala naman siyang masamang gagawin sa iyo ay naisip ko na kung nagtitiwala ka sa akin, kahit na ano pa ang marinig mo sa ibang tao, hindi mo agad paniniwalaan." kampanteng sagot nito.



I felt guilty. Somehow, tama ang sinabi nito. I trust him kaya kahit na ano pa ang marinig ko sa iba ay willing parin ako na pakinggan muna ang side nito bago ako maniwala sa kanila. Kaso, paano ko sasabihin dito ang pinapakiusap ng nanay ni Sonny?



"Don't tell me mali ako?"nanlalaki ang matang tanong nito nang hindi ako nagsalita.



"Of course not! I mean, tama ka.. I really do trust you.. It's just that..." putol-putol na sagot ko.



"It's just that what?"tanong nito.




"Kasi ano.. Nakiusap si Tita Beth na kausapin daw kita na tulungan ang anak niya. Alam mo naman na siguro ang dahilan diba? Buntis siya at kailangan niya ng tatayong ama sa anak niya. Kahit na fake na kasal lang daw..."pikit matang sabi ko at hindi ito makuhang tingnan sa mata.



"W-What? Fake marriage? That's insane!" malakas na sabi nito na lalong nagpayuko sa akin. Nagulat ako sa biglaang pagsigaw nito.



"K-Kasi wala na daw silang maisip na ibang paraan. N-Nakakaawa naman kasi si tita.. Nung makita ko siyang umiiyak sa harapan ko, parang kinukurot ang puso ko. I just... I just wanted to help her and also Sonny..."nakayuko paring sagot ko. Hindi ko makuhang tumingin sa mga mata nito dahil natatakot ako sa maaaring makita ko dito.



"Help her by what? By asking me to marry her? I can't beleive it Lianne! At pumayag ka talaga?"naghihinanakit na saad nito.



"H-hindi naman daw totoong k-kasal yun eh. M-magpapanggap lang daw kayo h-hanggang sa lumabas na daw yung bata." ramdam ko na parang may maliit na karayom na tumutusok sa puso ko sa tuwing naiisip ko na ikakasal ito sa iba.. Kahit sabihin na nating fake lang... Kaso, naaawa talaga ako sa nanay ni Sonny kaya masakit man ay pilit ko paring sinabi iyon.



"That's bullshit! Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo ngayon Lianne? Sa palagay mo ba iyon talaga ang tamang gawin? Yan ba ang klase ng tulong na gusto mong ibigay sakanila? Ang pakiusapan ako para magpanggap na asawa niya? Yun ba?"malungkot na sabi nito.



Sa pagkakataong iyon ay napatingin na ako sa kanya. I saw pain in his eyes. Gusto kong bawiin lahat ng nasabi ko pero alam kong hindi na pwede. Ramdam ko ulit ang kirot sa dibdib ko. Kanina ay maliit lang, pero nang mapatingin ako sa mga mata niya ay palaki na nang palaki. Hindi ko na napigil ang sarili ko. Ramdam ko ang unti-unting pamumuo ng luha ko. Yumuko ako upang itago ang luha na nagsimula nang dumaloy sa pisngi ko.



"Sorry Iñigo. I-I didn't mean to hurt your f-feelings. I just thought you also like to  help them lalo na at b-best friend mo si Sonny. Pero... Pero wala naman akong balak na pilitin ka kung sakaling ayaw mo talaga... Promise... Saka.... Saka sa totoo lang ayaw ko rin naman na gawin mo yun.. Naawa lang talaga ako sa nanay ni Sonny kaya ko naisipan na kausapin ka pero ang balak ko ay humingi ng tulong saiyo na hanapan siya ng ibang lalaki.. Sa mga ibang barkada ninyo.. Kasi... Kasi ayaw ko na... ibigay ka sa kanya... Kaya sorry.. Sorry talaga.."sa kabila ng pagluha ay mahabang paliwanag ko dito.




I heard him sigh.



Pinunasan niya ang luha ko.




"Please stop apologizing. I'm not mad at you. I'm just mad of the situation. And please shut up because I don't want to hear any sorry from you... Yung pakiusap mo na tulungan sila, wag ka na mag-alala kasi gagawan ko nang paraan yun. Mag-antay ka lang... But hey... Look at me Lianne." dahan dahan nitong inangat ang mukha ko at tinitigan ako sa mata bago muling nagpatuloy.



"Oo kaibigan ko si Sonny at oo gusto ko siyang tulungan. Kung nagkataon nga siguro na hindi pa kita kilala at nangyari ito sa kanya, malamang pumayag ako sa gusto nila kaso hindi ko na pwedeng gawin iyon ngayon dahil ayaw ko na pagdating ng araw ay maging sanhi iyon ng hindi natin pagkakaintindihan. I can't take any risk of losing you. Not now. Kaya kahit na ipamigay mo pa ako sa iba, hindi parin ako bibitaw kasi mahal kita. I love you Lianne. Hindi ko din inasahan pero masyado na kitang mahal para pakawalan ka pa."mahabang sabi nito.



'Mahal niya nga talaga ako.....?' paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko.



Tinitigan niya ako ng matiim. Tila inaantay na may sabihin ako pero nanatili lang akong tahimik.



"Nabibingi ako...." kapagdaka ay wala sa sariling sabi ko.



"Ha?"naguguluhang tanong naman nito.



Pakiramdam ko ay nabibingi talaga ako. Dinig na dinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko. Hindi ako  makapagsalita. Hindi din ako halos makapag-isip ng maayos. Tanging ang malakas na pagtibok ng puso ko ang naririnig ko. Nakatingin lang ako dito pero hindi ko makuhang magsalita.



"Earth to Lianne? Hey? Sa haba ng sinabi ko, wala ka manlang bang sasabihin?"anito saka hinawakan ako sa magkabilang pisngi.



"S-Sorry pero nabibingi kasi ako... Ang lakas kasi ng tibok nito oh... Nakakabingi..."sagot ko saka itinuro ang puso ko.



Ilang segundo din itong naguluhan sa sinabi ko pero maya-maya lang ay unti-unting napangiti ng marealize nito kung ano ang ibig kong sabihin.



"Do you... feel the same way?" nakangiting tanong nito.



Ilang segundo din ang lumipas bago ko sinagot ang tanong nito.



"Y-yata." nahihiyang sagot ko.



Muntik na akong mapatalon ng bigla itong sumigaw.



"Whoaaah! I can't believe this! So tayo na?" masayang tanong nito.



Nahihiya paring tumango ako.. "Parang.."



"Pero wait.. Last na to.. Ahmm, so, you love me too?"he asked again.



"Oo nga.."nakalabing sagot ko.



"Ayy.. Gusto kong marinig sa bibig mo mismo yung magic word.. SIge na.."pangungulit parin nito.



"Okay, okay.. Sorry ha, first time ko lang kasi na maramdaman ito kaya naninibago pa ako.. Pero Iñigo salamat kasi tinuruan mo ako kung paano mag-mahal. Dati, iniimagine ko lang na mangyari ito pero ngayon, totoo na talaga.. Gosh.. I still can't believe it.." I gently closed my eyes because my tears were starting to fall again.. "I love you.." madamdaming pag-amin ko dito.



"Yessss!"muling sigaw nito.



Nakangiting pinanood ko lang ito. Kitang-kita ang saya sa mata nito. At kahit nabibingi parin ako sa tibok ng puso ko, at least alam ko na ngayon kung ano ang ibig sabihin nito...



Mahal ko si Iñigo..



At masaya ako dahil sa wakas ay naamin ko rin iyon sa sakanya at maging sa sarili ko....

Continue Reading

You'll Also Like

9.5M 288K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
1.7M 68.2K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
79.5K 1.3K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
802K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.