When I Chase (When #1)

Por kissmyredlips

2.6M 67.5K 8.3K

She hates it when he gets cold and bosses her around. She hates him for always being there to stop her in her... Mais

Prelude
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Final Chapter
Epilogue

Chapter Twenty-Two

61.8K 1.9K 171
Por kissmyredlips

Ngayong araw na ang flight ni Daddy at Logan papuntang Massachusetts. Kagaya ng plano ay doon sila magce-celebrate ng New Year. I won't be going with them since I already made plans with my friends.

Nasa byahe na kami papuntang airport. Logan's driving and I'm at the backseat. We used my car since I'll be driving it back home alone.

I reached for my phone to check the time. It's almost five. Pinili kasi nilang dalawa ang gabing flight. Sa sobrang workaholic nila ay mas ginusto nilang magtrabaho ngayong araw bago umalis kaysa magpahinga.

Kanina nga lang rin sila nagpack ng dadalhin. Their luggages were light. Palibhasa kasi ay babalik din agad sila ng January 2. So, they'll only be gone for three days.

Naputol ang iniisip ko nang tumunog ang phone ko. Umilaw ang screen at lumabas ang buong pangalan at seryosong mukha doon ni Grant. Napangiti ako.

"Low, lower down the volume please." pakiusap ko dito, tinutukoy ang player ng sasakyan na tumutugtog.

Nilingon ako ni Logan sa rear view mirror. Nagtaas siya ng kilay at bungisngis na ngumiti naman ako sa kanya bilang ganti.

"Please?" malambing na sambit ko. Hindi na siya nagtanong pa at sinunod na lang ang gusto kong mangyari.

I blew him a kiss and scooched to the side of the car door before finally answering my ringing phone. I paused, bottling my enthusiasm.

"Hey," I said in what I think a less ecstatic tone.

"Where are you?" iyon agad ang pambungad niya sa akin.

It didn't faze me. Sanay na ako sa kanya. And I still haven't moved on from what what he did last night that it was acting like a free pass. I think I might be dosed with happiness for a week.

"Car. Papuntang airport. Ngayon na yung flight papuntang Massachusetts."

"What?" his voice turned from cold to panic real quick. I laughed silently to myself. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya ang tungkol sa plano ni Dad at Logan.

"Dad and Logan will be celebrating New Year in Massachusetts. I'm just seeing them off." I heard him let out a deep breath after he heard my explanation. Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. "Were you worried that I was going to leave?"

Hindi siya nakasagot at mukhang natahimik sa mapang-asar na tanong ko. Malaki na naman ang ngisi na nakaguhit sa mulha ko.

"Yeah. I was." bigla niyang sabi. Naglaho ang ngisi ko sa narinig sa kanya. Hindi ko inaasahan nag deretsong pag sagot at pag patol niya sa pang-aasar ko.

Great. Now, I'm the one who's speechless!

I bit my lip and quickly thought of a new topic. My mind's always a mess whenever I'm talking to him. I don't know if I'll ever stop being affected.

"Ah... Nasa work ka pa ba?"

"Hmm." I heard him hum. I think it was his way of saying yes. He sounded exhausted. "But I'll be leaving in a minute."

Bigla kong naalala na nakikinig... o naririnig ni Daddy at Logan ang lahat ng sinasabi ko, kaya nakaramdam ako bigla ng hiya.

"Umuwi ka na para makapagpahinga ka na." mahina kong sabi.

"I will. I just want to hear your voice for a while." he deeply sighed on the other line. My face warmed. I feel embarrassed and I think he knows that.

Napatingin ako sa harapan. Sa sobrang occupied ako sa phone ay hindi ko napansin na nag-uusap na pala si Daddy at Logan. Inalis ko ang mga mata sa kanila at inilipat sa katabi kong bintana.

"Grant." bulong ko. Hindi siya sumagot pero malakas ang kutob ko na nakangisi siya ngayon. It's his way of teasing me. It's horrifying how he knows how embarrassed I get whenever he's being like this.

"Exactly what I want to hear." malambing na sabi nito.

"Umuwi ka na nga!" I hissed, annoyed and still flustered.

He shortly chuckled. "See you later."

Napakagat ako sa labi. Bumalik na naman ang pagkahiya na nararamdaman. "Bye..."

Agad kong pinatay ang tawag. Itinapik ko ang kamay sa mukha sa kahihiyan sa sarili. What's wrong with me? Bakit ba ganoon na lang ang kinahahantungan ng reaksyon ko sa kanya?

"Who was that?" tanong ni Logan na pumutol sa mga iniisip ko.

Umayos ako sa pagkakaupo at tiningnan siya mula sa rear view mirror. "Someone."

"Is that someone the reason why you're behaving these days? Boyfriend?" Logan insisted. My father cleared his throat. Napatingin pa ako sa kanya bago muling ibinalik kay Logan ang mga mata.

Ngumuso ako. "You're being nosy, Logan."

"I'm not nosy. Concerned lang. I wanna know if it's a guy and why you haven't mentioned it to us if you're seeing someone."

"Fine. Basta sabihin mo rin sa akin ang nangyari sa inyo ni Avis. Ano?" hamon ko dito at biglang natahimik si Logan. Napatawa ako dahil doon. "See? And anyway, wala akong boyfriend. I'm not really seeing him, seeing him—but he's special to me and if something miraculous happens, I'll tell you and Dad about it."

Hindi na ulit nagtanong pa si Logan pagkatapos 'non. Wala naman akong planong itago sa kanila ang tungkol kay Grant. Hindi ko lang talaga kung ano ang sasabihin sa kanila.

Is he my boyfriend? Absolutely not. Are we seeing each other? I don't know. Are we dating? Is spending a lot of time together considered dating? If we are, is it exclusive? I have no idea.

Nang makarating sa labas ng departure area ay nagpaalam na ako sa kanila at ipinaalala ang pasalubong na gusto ko. Umalis din ako agad dahil hindi pwedeng matagal na naka-park ang sasakyan.

Grant picked me up at seven o'clock in the evening so we could eat out for dinner. Pagkatapos kumain ay ihinatid niya ako sa bahay nila Noelle dahil doon ako matutulog ngayong gabi. Maaga kasi ang alis namin bukas papuntang Ilocos. We're gonna travel by land so the trip will last for hours.

"That's Noelle's house." itinuro ko ang malaking itim na gate sa gilid nang matanaw ko iyon.

Hindi sumagot si Grant pero itinabi niya ang sasakyan sa drive way ng bahay nila Noelle. He unlocked the doors. I sent a quick text to Noelle that I'm outside before unbuckling my seatbelt to get out of the car.

Lumabas din siya mula sa sasakyan at binuksan ang backseat para kunin ang travel bag at denim backpack ko. Umikot siya sa sasakyan para makalapit sa akin.

"I'm sorry I can't come with you." seryosong nakatitig siya sa akin nang sabihin ito.

"It's okay. I know you're busy with work." I smiled.

He sighed and cupped my right cheek. My breathing stopped when his eyes dropped to my lips. His thumb was softly caressing my cheek. I could feel my insides shaking with excitement.

My eyes dropped to his lips and I wondered what it would feel like. I imagined his lips pressed against mine. Will his lips be as soft as it looked? Will his kisses be sweet?

My shoulders dropped, regret twinging in my chest when Grant brought down his hand. His jaw clenched and stared elsewhere for a second before looking back at me again.

His eyes seemed darker. His lips were formed into a thin line. "Stay away from trouble, okay?"

Bumaba ulit ang mga mata ko sa bibig niya pero agad ko rin na ibinalik iyon sa mga mata niya. Napakagat ako sa labi ko at dahan-dahan na tumango sa kanya.

"Fall!" sigaw ni Noelle mula sa loob kasabay ang ingay ng pagbukas ng maliit na gate sa gilid.

Inalis ko ang mga mata kay Grant at lumingon sa likod. Bumukas ang gate at lumabas mula loob si Noelle. She's just wearing her pajama bottom and a loose pink shirt.

"Oh? Hey, Grant! Dito ka rin matutulog?" nakangising tanong ni Noelle.

I made a face at my bestfriend and rolled my eyes when she looked at me. Tumingin ulit ako kay Grant na walang kaemo-emosyon sa mukha. Inabot ko ang backpack at travel bag mula sa kanya. "Drive safely, okay?"

He just nodded, quietly handing me my bags. Ngumiti ulit ako sa kanya bago tinalikuran at naglakad papalapit sa gate.

Tinaasan ako ng kilay ni Noelle. Hindi ko na lang siya pinansin at pinanuod si Grant sa pagpasok niya sa loob ng sasakyan. Kahit na tinted at hindi ko siya nakikita ay kumaway pa rin ako hanggang sa tuluyan na siyang umalis.

Maaga kaming natulog nung gabing iyon at maaga rin na nagising kinabukasan. Hindi pa sumisikat ang araw at madilim pa ang langit ay gising na kami.

We were all wearing jackets, except for Johan who's thick skinned. Malamig kasi pero dahil sa unpredictable ang panahon ngayon ay paniguradong iinit din maya-maya.

Nikolai brought his Ford. Iyon ang sasakyan na gagamitin namin dahil sa aming grupo ay siya ang may sasakyan na suitable sa ganitong road trips.

Dumaan kami ng McDo para doon kumain ng breakfast. Ang iba ay ayaw pang kumain kaya pinili nilang mag coffee, I chose hot chocolate because I planned to sleep for an hour or two. Nasa backseat naman ako kaya walang problema sa pagtulog ko.

Maia and Rio slept with me. Si Noelle ay masyadong excited para matulog. Johan's riding shotgun kaya golden rule na bawal matulog ang katabi ng driver.

Hindi ako sigurado kung ilang oras akong natulog. Ngayon ay nagising na lang ako dahil sa malakas na pagpapatugtog nila. Alam kong sadya nila iyon nang tumawa sila pagkamulat ng namumungay ko pang mga mata.

"You guys are a bunch of jerks." I grumbled.

Hindi na ako nakatulog pa dahil sa ingay nila at ng music. They were all thrilled about the trip while I chose to quietly stare outside the window. I checked my phone earlier and it's only after seven. I'm not sure if Grant's already awake and getting ready for work.

May naramdaman akong maliit na bagay na tumama sa mukha ko. Nahulog iyon sa hita ko at nakita ang isang pirasong potato chip. Tiningnan ko ang mga kaibigan kong nakangisi. Si Johan ang nakita kong may hawak ng bag ng chips kaya sinimangutan ko ito.

"What? Stop being love sick." tumawa pa ito at kumuha ng chips para isubo sa sarili niya. Nag make face ako sa kanya at lalo lang natawa ang loko.

"Come on, Fall, we're on a road trip here. Loosen up!" Noelle leaned over the console and grabbed her phone that was connected to the speaker.

"Here, let's sing." may pinindot si Noelle sa phone at nakangiting ibinalik ang phone sa lalagyanan. Nagsimulang tumugtog ang pamilyar na kanta. I shook my head.

"Here's the thing. We started out friends. It was cool but it was all pretend." wala sa tonong kanta ni Noelle. Naghe-headbang pa ito.

"Yeah, yeah, since you've been gone." sumabay si Rio kay Noelle sa pag kanta.

Inangat ni Maia ang phone na hawak at itinapat iyon sa mukha niya bago sinimulan ang pagkanta sa susunod na verse.

"And all you'd ever hear me say,
is how I picture me with you?
That's all you ever hear me say..." sabay-sabay nilang inawit ng malakas at sa dulo ay tumuro sa akin.

Pumikit ako at huminga ng malalim. "But since you've been gone!"

Naghiyawan ang mga kaibigan ko habang kinakanta ko ang unang linya. Maging si Johan at Nikolai ay tumawa sa pagsali ko. They know that I'm back.

"I can breathe for the first time!
I'm so moving on, yeah yeah, thanks to you!" nagsecond voice pa si Johan at isinisigaw ang huling sinabi ko sa bawat pause ng kanta. "Now I get—what I want, since you've been gone!"

Nag lunch kami sa isang fastfood na nadaanan on the way. Nagpalit na rin kami ng driver. Johan's the one driving now. Nasa front seat si Noelle habang si Nikolai naman ay natulog na.

The sun has already set when we reached Vigan. Noelle and Maia's the ones who fixed our itinerary. May nakuha na silang reservation sa isang hotel sa gitna lang ng Vigan.

Pagod na pagod ang lahat nang makarating na sa hotel na tutuluyan. Napagdesisyonan na sa isang room lang kaming lahat kaya iyong double deluxe room ang kinuha.

Paunahan kaming lahat sa pagpuwesto sa dalawang queen size bed, pagkapasok na pagkapasok sa kwarto. Dahil sa pag-upo ng napakahabang mga oras, ang humiga sa malambot na kama sa oras na ito ay heaven para sa aming lahat.

Ipinahinga na muna namin ang katawan at nilabanan ang antok dahil may plano si Maia at Noelle para sa amin.

Hindi na namin nakuhang magbigis at pumunta na agad sa kilalang restaurant na malapit sa hotel. After recharging our bodies with food, nagkaayaan na pumunta ng Plaza Salcedo. Hindi kasi kaya ng pagod na katawan namin ang maglibot ng Vigan para ngayong gabi kaya iyon na lang muna ang pinuntahan.

Maingay at maraming tao sa Plaza Salcedo. May dancing fountain show kasi dito kaya ganon. Hindi pa nagsisimula ang show at naglalakad kami sa paligid para maghanap ng magandang pwesto.

May nadaanan kaming isang performer na may guitar case na nakabukas at may mga lamang pera sa gilid nito. Nakasasak ang gitara sa portable amplifier at may microphone stand pa.

Ang akala ko ay magpe-perform ito pero bigla itong umupo sa monobloc chair malapit sa kanya at may inabot na bote ng tubig para uminom. Mukhang magpapahinga ito.

"Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" napatingin ako, kaming lahat, kay Maia nang magsalita siya.

Kumunot ang noo ko ngunit nang sabay-sabay silang tumingin sa akin ay alam ko na agad ang naiisip nilang lahat. Hindi pa sila nakuntento sa pagtingin sa akin at nakuha pa nilang ngumisi lahat.

Alam ko na wala na akong magagawa. Paniguradong hindi sila papayag na umalis hanggat di ko ginagawa ang gusto nila. It's one against five. Anong laban ko doon?

"What do you want me to sing?" I heavily sighed and the girls cheered.

"Maganda upbeat pero dapat mataas pa rin." sabi ni Noelle. Umangil ako sa ideya niya at tumawa naman siya. Althought I can, I'm not that fond of singing songs with high notes.

"Love On Top!" masayang sambit ni Rio.

Hinatak na nila ako papunta sa performer at kinausap namin ito tungkol sa plano. The girls were willing to give a five hundred bill para lang pakantahin ako. The performer agreed easily.

"Baka mag start na yung show!" sabi ko para lang makatakas sa arrangement.

"Hindi pa yan. Mamaya-maya pa ang simula." sabi ng lalaking performer. Wala na akong nagawa.

Inabot sa akin ng lalaki ang gitara at inayos ko naman ang strap sa balikat ko. Pumwesto ako sa harap ng microphone stand. Nilingon ko muna ang mga kaibigan na nag thumbs up para sa akin. Imbis na mainis ay natawa na lang ako.

"Honey, honey..." pagkakanta ko ay sinimulan ko na ang pattern na pagpluck ng strings at marahan na pag tapik sa gitara pagkatapos.

Hindi ko ginawang mellow ang kanta kagaya ng lagi kong ginagawa. Hinayaan ko gayahin ang original version. Nang dumating na ang verse bago ang chorus ay sinimulan ko nang lagyan ang kanya ng sarili kong timpla, itinataas ang tono at ikinukulot kapag kailangan.

Nang mag chorus na ay tumaas na ang tono at nakangiti na ako habang kumakanta. I was enjoying it. Napansin ko na may mga tao na rin ang huminto para pakinggang ang performance ko.

Lumapit si Johan sa akin at naglaglag ng pera sa nakabukas na guitar case. Tumawa ako dahil doon pero itinuloy pa rin ang pagkanta hanggang sa huling linya ng chorus.

I skipped the next verses and continued with the chorus again, with a higher note than earlier this time. Malakas na ang boses ko at rinig na rinig iyon, hindi man ng lahat pero maraming tao.

The chorus ended and I started another higher one again. Humiyaw na sila Maia dahil sa mataas na tono na iyon. After the chorus, I inserted adlibs and some runs before perfectly finishing it.

Proud na proud ang mga kaibigan ko habang pumapalakpak at sumisigaw. May mga tao rin na napasabay sa pagpalakpak sa akin.

I laughed and took a small playful bow. Ibinalik ko na ang gitara sa lalaki na nakikipalakpak rin. Nagpasalamat ako sa kanya at naglakad pabalik sa mga kaibigan ko.

Sinalubong ako ni Noelle ng yakap at nakangiti. "Bestfriend ko to!"

Nakipaghigh five ako kay Johan at Nikolai. Si Maia at Rio naman ay patuloy ang mahinang pagpalakpak sa akin.

My phone beeped and vibrated. Kinuha ko agad iyon mula sa bulsa ko at nakita ang isang text mula kay Grant. Ang huling message niya sa akin ay kaninang lunch time pa. He's probably gonna ask if I've eaten dinner. Binuksan ko iyon para basahin.

Grant:
I thought you said you were gonna stay out of trouble?

Continuar a ler

Também vai Gostar

4.2K 71 40
"Everyday is a second chance." Book 2 of MFWH -- Genre: Romance, New Adult Language: Taglish Status: Completed Year Completed: 2014
12.2M 186K 31
Agatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpap...
199K 3.8K 22
Alexa hates summer to bits. Lahat na yata ng masasakit na pangyayari sa buhay niya ay nangyari during summer. Summer nang mamatay ang kaniyang nakat...
10.4K 174 33
My Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino'...