RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PU...

By blackpearled

9.7M 214K 45.1K

Lorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil... More

TO BREAK AN AFFAIR
FOREWORD
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
EPILOGUE
NOTE

THIRTY SIX

170K 3.6K 424
By blackpearled

Nagtungo ako sa isang café hindi kalayuan sa DC habang breaktime pa. Halos naubos ang lakas ko sa magdamagang pag-upo, taking calls from clients and suppliers at may iba pang additional na materyales na kailangang i-deliver sa site. Mino-monitor ko rin ang  motorpool na nasa likod ng building. Maraming kulang na mga supplies at sirang kagamitan kaya sinali ko na sa pinapa-purchase.

Abala ang lahat hindi lang sa opisina kundi pati sa bahay, ani pa ni Shirley kanina na hinatiran kami ng breakfast, para sa birthday mamaya ni dad ang ka-busy-han ng mga tao roon. So to sum up the half of my day, stressful didn't even come up close as an understatement. It was beyond that.

Sumimsim ako sa green tea na unang hinatid ng server. I still have to wait ten minutes for my salad. Dumungaw ako sa 'king relo, makaka-balik pa naman ako on-time sa end ng break.

Nag-reply ako sa isang text ng purchasing officer namin habang binababa ko ang tasa. Masyado akong tutok sa pagtitipa na ikinagulat ko ang ingay ng pag-hila sa katapat kong silya. 

Tila hinatak ako pabalik noong isang araw sa industrial park pagkakita ko kay Rouge na may dalang tasa ng kape. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang uminit ang labi ko. He's not even touching it but the memory itself has made its way into my lips. Pinapaso na naman ako ng tingin niya.

Pinanood ko siyang umupo sa harap ko kasabay ang paglapag niya ng umuusok pang tasa ng kape. Who could ever forget his love for coffee? He couldn't even get enough of it at lunch time.

Metikuloso niyang hinila ang manggas ng kanyang dark gray sweater hanggang siko. Malandi itong humahapit sa kanyang katawan, a reason for me to eye the obvious curves of his biceps, broad shoulders and hard pecs. May nababasa rin akong mamahaling brand sa kanyang kasuotan. Inatake naman ng pabango niya ang ilong ko.

Dumestino ang aking mga mata sa mukha niya nang umangat ang mga kamay niyang nakakuwadro sa tasa.  He's eyeing me while sipping his coffee, or he's more like reading my thoughts.

"Why are you here?" nagtitimpi kong untag. "Why are you following me again?"

Umangat ang isang makapal niyang kilay sabay lapag ng tasa. "Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta rito?"

Pinigilan kong hindi siya ikutan ng mata.

"Maraming kainan sa distrito. I don't believe your being here is coincidental," sabi ko.

Gumalaw ang nakanguso niyang labi saka tumingin sa ibang direksyon, nag-iisip. Panandalian lamang 'yon dahil agad din niyang ibinalik ang tuon sa 'kin.

"Let's say...I'm looking for contractors for our sixty thousand square feet warehouse expansion project," ani niya sa matatas na ingles.

Sixty thousand square feet? That's a massive area for an expansion. Saan naman nila gustong ipatayo? I'd been to White Harbor and I hadn't seen a vacant lot that could occupy the establishment.

"You'd been our client before. Why not get us to do the job pronto?" usisa ko.

Hindi ko maintindihan ang nakapinta sa mga mata niya. Parang maingat na mapanuri pero may imoral at kalamigan na nakatago sa likod nito.

"I'm exploring other options. Malay natin, baka may mas magaling pa sa inyo."

Kung bubuksan ko ang tarangkahan ng galit ko, ay baka ngayon inabot ko na ang tasa ng kape niya't ibinuhos sa kanyang mukha. How dare him insult us like that!

He dared kiss me the last time we met tapos ngayon magsasalita siya ng ganyan? He seemed too careful with his words but even without intending to harm (was he not?), it still scarred not just me but the our company per se.

"Dapat hindi mo nalang ako nilapitan kung sa tingin mo ay may mas magaling pa sa kompanya namin. It's not our loss if you choose another contractor. And don't worry, we won't get offended so no hard feelings done.  We're being flooded with projects anyway." I quipped.

Laking pasalamat ko sa lumapit na server dala ang salad ko. I shall give her a tip for interrupting our conversation. Conversation nga ba o a disguised argument?

"Is that all ma'am or may additional order pa po kayo?"

"Wala na. Thank you," ani ko.

Bumigat ulit ang hangin na bumabalot sa 'min nang umalis ang server. I'm secretly looking for vacant seats. May table sa dulo na may isang bakenteng silya. It's either siya ang lilipat o ako. But I'd rather na siya ang lumipat, ako ang nauna rito eh.

"I'd be honest." Binalikan ko siya nang siya'y magsalita. "My father wants DC to do the services again. To make you feel better, he was satisfied with the outcome of your work. But I want something more. I'd much prefer a bidding process this time."

Is he talking about that project three and a half years ago? Wala nga siguro kami naging project sa kanila pagkatapos nun.

Yumuko ako't pinaghalo ang mga sangkap ng salad. "I have to ask my father about that. Siya pa rin ang masusunod."

"If so, you're still welcome this Monday at White Harbor's conference room. One in the afternoon sharp," pormal niyang ani.

I'd been there twice, and it never crossed my mind to go back there for the third time.

"Wala naman sigurong magpapalayas sa 'kin doon if I go there uninvited."

Baka kasi gumaganti siya since hindi siya pwede sa premises ng DC. It might be that he has also enforced a no trespassing order for anyone related to me or DC.

Nahagip ng mga mata ko ang padulas na pag-lapit ng tasa sa plato ko. Nakahawak ang kamay niya sa handle ng tasa at ang isang daliri niya'y inaabot ang kamay kong nakahawak sa tinidor.

I'd be lying kung sasabihin kong hindi ako nakaramdam ng kuryente sa haplos na 'yon. Mabilis kong nilayo ang kamay ko.

He smirked upon seeing my reaction.

"I will always welcome you, Lorelei. With open arms and parted lips." Nanunuya niyang pinadaan ang kanyang dila sa ibabang labi.

Kumapal ang kung ano mang bumabara sa aking lalamunan. Nag-iwas ako ng tingin at nagpanggap na ganado sa pagkain. I'm trying to put a distance here, pero ang galing lang niyang gumiba ng espasyo. It's more than a nice try, Rouge.

"Now that you're done with verbalizing your intentions, why not let me eat alone? Can I have my peace now?" pagsusungit ko.

Hinilig niya ang katawan sa mesa, lumapat ang kamay niya sa kalatagan nito saka nilapit ang kanyang mukha sa 'kin. Tinitigan niya ako nang may aliw ngunit mariin.

Mala-demonyo siyang ngumisi. "I can. But I'd be leaving a wake of no peace in your mind," senswal niyang bulong.

Sumandal siya sa kanyang upuan at hindi ako tinatantanan ng kanyang mga mata habang iniinom ang natitirang patak ng kape sa tasa niya.

His whole disposition screams sinister. Dumukot siya sa kanyang bulsa, binuksan ang wallet at nag-iwan ng bill sa mesa. Pinatagal pa niya ang pagtitig bago siya tumayo at lumabas ng café.

Hindi niya ako binigo sa banta niya, because true to his words, he left me here with no peace of mind. He left me here frustrated.

Hindi ko alam kung anong laro niya ngayon. All I know is it's a dirty tactic I could feel the mud staining me. Hindi ko na nga siguro siya maiiwasan. Not for the lack of trying.

Makiki-ayon nalang ako kung anong laro niya kesa sa labanan ko pa. The closest to the best way of avoiding is to ignore and pretend that nothing's wrong, so I'll do my participation on that.

Binilisan ko na ang pag-ubos ng salad at iniwan  ang bayad ko katapat ng kay Rouge. Hiniling ko na sana hindi na naman siya patagong nag-aabang sa labas at gugulatin ako sa presensya niya. Even thinking about it made me walk faster hanggang sa marating ko ang kotse. Nagmaneho ako pabalik sa DC.

"Lory, come here fast. Don't be late." Utos ng kapatid ko na kausap ko ngayon sa cellphone.

Isang araw matapos niyang maaksidente ay nakalabas na siya ng ospital. He's on a cast at mabuti nalang walang sling para maitago pa namin kay dad ang tungkol sa aksidente.

Pinalitan rin ang neck brace niya nang mas maliit na neck support upang hindi ma-obvious. I'm expecting him to wear a turtleneck tonight to hide it.

"Paano ako makakapag-bihis kung kausap kita sa phone?" nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ko ang cellphone habang naghahanap ako ng masusuot. Dad prefers us to wear light colors tonight para raw maganda sa mata.

"Don't be late," halos naiinis niyang sabi.

"I'll try, okay? Bye."

Agad kong tinapos ang call saka nagpatuloy sa pag-hawi sa mga naka-hanger kong damit. Inakit ang mga mata ko ng white cape dress doon. Walang pagda-dalawang isip ko 'yong nilabas at nilagay sa harap ko.

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Hanggang hita ang damit. Not bad.  

Mag-iisang oras bago ako natapos. Ang naka-high bun kong buhok ay nilagyan ko ng braid. Pinanatili kong simple ang aking ayos dahil ayaw ko namang makaagaw ng atensyon. It was dad who's supposed to have all the attention tonight.

Umupo ako sa dulo ng kama at sinuot ang aking nude court shoes nang tumunog ulit ang cellphone ko. It was dad calling this time.

"Yes dad?" Sinuot ko na ang sapatos sa kabilang paa.

"Pinapunta ko na diyan si Leo upang sunduin ka. Tinamad ang kapatid mong mag-drive."

Halos matawa ako. No dad, hindi siya tinamad. May cast siya kaya hindi makapagmaneho.

"I'm about to leave the condo. Why such in a hurry?" tumayo ako sabay kuha ng white basic clutch bag na kaka-order ko lang sa Zara.

"We'll start in a few minutes. Apat na oras lang kailangan gamitin 'tong clubhouse," ani ni dad na nilalakasan ang boses niyang nalulunod sa biglang pagsabog ng music. Halatang nasa venue na siya dahil naririnig ko na rin sa kabilang linya ang mga nag-uusap na boses.

"Ok dad. Happy birthday! I'll wait for Leo."

Hindi na ako naghintay pa't bumaba nalang ako sa building para doon hintayin si Leo sa entrance. Hindi naman nagtagal at pumarada siya sa harap ko kasunod lang nung taxi na kumuha ng mga pasahero.

And he's not alone. Nasa backseat si Lauris na nakaangat ang kaliwang manggas ng light blue niyang suit kaya kita ko ang putting cast nito. Pinalooban niya ang suit ng puting turtleneck. Ang hindi apekatdo niyang braso ay namahinga sa headrest. 

"Bakit ka sumama? Should you be in the venue right now?" tanong ko habang pumapasok sa backseat.

"I haven't been there yet.  Baka makita ni dad ang pasa ko sa mukha," aniya, sabay haplos sa parte ng panga niyang may pasa.

"Sabihin mo nalang nauntog ka."

He huffed, weirdo niya akong nilingon. "As if he would believe that."

"Tell him I punched you. Maniniwala 'yon for sure." Tumawa ako.

Nahuli kami ng kaunting minuto pagkarating namin sa clubhouse. Kaunti lang ang bakenteng parking slots so I'm sure marami nang tao sa loob. I thought this is a private gathering?

Tumingkad ang kulay ngayong gabi sa mga series lights na nakasabit sa bawat halamang nadadaanan namin. Even the pool surprised me dahil sa mga naglilitawang pink petals doon. No need to further decorate the exterior dahil maganda na naman ang landscape dito.

Sa loob ay okupado na ang mga round tables na may tigli-limang silya. Engrandeng tignan ang pinag-pares na white at gold na mga dekorasyon lalo na ang maliliit na boquet sa bawat mesa. The chairs and tables are white, while the lights are gold. Tama lang yata ang kulay ng dress ko.

"I wonder if this costs a million." Komento ko habang namamangha pa rin sa buong setting. No wonder kung bakit sobrang abala nila kanina.

Inimbita ko sina Jezreel at Lila but Jezreel's on a out of the country photoshoot habang nasa probinsya naman si Lila dahil sa pagkamatay ng lola niya. Dala ko ngayon ang mga pagbati nila para kay daddy.

"Why do you always worry how much dad has spent? We're helluva rich." Madramang ani ni Lauris. Nahagip niya ang isang pinsan namin na umiinom ng softdrinks na tinanguan niya.

"Kapag ikaw nakita kong namamalimos sa daan..."

"Then laugh at me. Pero mamaya mo na gawin kapag pulubi na tayo. For now, we're filthy rich as fuck. Just enjoy for the hell of it. Hindi ka naman suguro mauubusan ng danyos kapag nakangiti ka habang mayaman pa tayo." Kampante niyang ani.

Nahagip ko si daddy sa harap ng stage habang nakaupo si Halsey sa kandungan niya. I hugged his neck at natawa ako nang napaigtad siya.

"Hey Lory, mabuti naman at nakaabot kayo. Kayo nalang ang hinintay ko before I cue for the emcee to start."

"Sorry we're late. Happy birthday, dad." Humalik ako sa pisngi niya.

Sumunod si Lauris, at diretsong kinuha si Halsey. "We're celebrating your oldness, dad." Nagtawanan sila.

Bumeso rin kami kay Antonia na hawig ang dress kay Halsey. Mother and daughter twinning in their light gold dresses.

Umakyat na ang emcee sa stage at sinimulan ang introductory speech. Sumunod ang isang powerpoint presentation ng mga pictures ni dad mula nung baby pa siya. Background music ay isang instrumental. Lauris said it was Charlie Chaplin: The entertainer.

Paglabas ng teenage photo niya ay nag-ingay ang mga bisita because, he looked like Lauris kaya sumabog rin ang tawa ng kapatid ko.

Then there was a photo of us with mom, us with Antonia and Halsey then it ended with his photo na kanina pa lang yata kinunan. I wonder who took it and who did the presentation.

Pagkatapos nun ay kinantahan na namin siya ng happy birthday kasunod ang pagbibigay ng mensahe sa kanya. It was Antonia who went up first at sumunod kaming tatlo nina Lauris at Halsey.

Panay ang agaw niya sa mikropono kay Lauris at minsan sumasabay siya sa pagsasalita ng kahit isa sa amin dahilan upang umani ng tawanan galing sa mga bisita. 

Sinimulan na ang kainan pagkatapos i-bless ang mga pagkain. Pinauna muna namin ang mga guests. Nasa gilid ako ng mesa at ningingitian ang mga naglalagay doon ng regalo.

Bumeso ako sa lumapit sa 'king si Tito Allen, papa ni Zavid. Nagkamustahan kami hanggang sa lumapit na rin sa 'min si Zavid kasama ang mama niyang si Tita Noreen at si Shane dala ang regalo nila kay dad.

"Where's your father, Lory?" tanong ni Tita Noreen na kinikislapan ako ng perlas niyang mga alahas.

Ginala ko ang aking paningin at nakita si daddy malapit sa isa sa mga glassdoors kausap ang kapatid ni mommy na si Uncle Dan.

"That's him near the door po, tita." Turo ko sa direksyon nila.

Tumanaw doon si Tita Noreen bago binalingan ang asawa niya. "Shall we approach him now?"

Lumapit sa 'kin si David at pumulupot ang braso sa baywang ko. Inasar siya ni Shane.

Tito Allen both looked at us bago tumango sa asawa. "Yeah, I think we should."

Sumama sa kanila si Shane na puntahan si daddy. Nagkatinginan kami ni Zavid, kapwa nagtatanong ang aming mga mukha. Nagkibit balikat siya.

"Shall we eat? Hindi talaga ako kumain kanina para rito eh," aniya.

Tumawa ako at bahagya siyang hinampas sa braso. Nagtungo na kami sa pila. Nalingunan ko ang boses ni Halsey na may tinuturong dessert.

"You have to eat this first before you can have the sweets." Mahinahong sermon sa kanya ni Antonia.

"But I want that..." tumuro ulit ang matataba niyang kamay sa cookie jar bago isinubo pabalik sa bibig niya.

Bumuntong hininga si Antonia saka pumantay sa anak. "We'll get one piece but you have to eat this first okay?" inangat niya ang kutsarang may kanin at ulam.

Sa huli ay nakumbinse niya si Halsey dahilan upang ginhawa siyang napahinga. If I were to have a child like Halsey, siguro ganon din ang magiging reaksyon ko. It isn't easy to take care of a toddler. I think sa lahat, maliban sa adolescent stage ay isa sa mga mahirap na stages na alagaan ay ang mga ka-edad niya. Toddlers are notorious for tantrums.

Hindi mo alam kung tama ba yung paraan ng pagdidisiplina mo dahil kung paano sila nadisiplina, madadala nila 'yon paglaki. What if akala mo tama ang mga paraan mo ng pagdi-disiplina? But some kids as they grow, they tend to rebel. Kaya kahit ano mang mangyari sa kanila, kahit desisiyon man nilang lumihis ng daan, the blame will always be on the parent.

And that's what I fear. I think I'm ready to have a baby, pero takot ako sa maaaring magawa ko na ikalalagay nila sa maling daan. Kaya malaki ang saludo ko sa 'king mga magulang. Pinalaki nila kami ng tama ni Lauris. Kung ano mang mangyayari sa akin, I will blame it on myself because of my decisions. I will never blame it on them.

Nagtagal pa ang seremonyas ng kainan dahil sa aliw na mga pag-uusap ng mga bisita. They gave justice to the name Social clubhouse because everybody's been socializing. Maliban sa 'kin na mababa sa sampu lang ang kinakausap na tao. It's still socializing though. Minimal nga lang.

Nang makitang tapos na ang lahat sa dinner ay umakyat ulit ang emcee sa stage at tinawag si dad. I don't think he's going to end the ceremony just yet dahil wala pa namang apat na oras kaming naka-okupa rito. Besides, the guests are still enjoying the night.

Bahagyang tinapik ni daddy ang microphone bago nagsalita. Nagbiro pa siya sa mga tao at nagpasalamat. Nakikita ko na bumalik ang saya sa mukha niya katulad nang nakita ko sa kasal nila ni Antonia. He doesn't seen fifty tonight.

"I don't want this night to be just about me..." tinignan niya ako bago bumaling sa mga tao. "This is just not a celebration of my fiftieth year but also a celebration of pre-union not just by two persons, but also a union of families with a very good friend of mine..."

Nagkatinginan kami nina Lauris, Antonia at Zavid. Kahit ang mga tao sa likod ay nagsimula nang magbulungan.

Kumuha siya ng kopita sa gilid na may lamang white champagne at itinaas ito.

"I'm glad to announce the engagement of my daughter Lorelei to one of the heirs of the Arevalo and Sons, Zavid Arevalo."

"What?!" madramang reaksyon ni Lauris.

"Dad..." halos hindi ako makapagsalita. Tumingin ako kina Zavid at Antonia na kapwa tulala at gulat rin sa mga nangyari. Why did dad announce this without even telling me first?

"Please come on stage, the newly engaged couples..." anunsyo ng emcee.

Hindi ako tumayo. Ngunit ayaw ko ring ipahiya sina dad at ang mga Arevalo. Bumaba si daddy sa hagdan at nakangiti akong nilapitan. Inabot niya ang kamay ko at tinapik.

"Dad what is this? Hindi niyo man lang po ako tinanong tungkol dito," mahina kong ani sa kanya. I want to talk to him about this but not here.

"You don't tell me that you're just friends, Lory. I have my sources at nakita ko pa kayo mismo. You two kissed."

"But dad—"

"Come on, Come one..." hinila na niya ako sa stage.

Nanginginig ang mga tuhod kong umakyat doon at di alam kung anong mukha ang ihaharap sa mga bisita. They're all clapping at lahat nakangiti at may flash pa ang mga camera nilang kinukuhanan kami ng litrato.

Nahagip ko ang mukha ng kapatid ko na parang nandidiri sa mga nangyari. Not that he doesn't like Zavid, those two had even bonded way back in Vegas, pero alam niyang hindi ito ang gusto ko. Not this engagement. And he was as shocked as me about this too.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

Alam kong hindi ko na kailangan pang mailang sa mga chants nila. I've been kissed by Zavid several times but if this is because of the engagement announcement, I don't think it is appropriate anymore. Biktima kami ng maling akala nina daddy at ng mga Arevalo.

Malamig ang mga kamay ni Zavid na humawak sa braso ko. Nababasa ko ang pag-aalala sa kanya.

"I swear Lory, I didn't know anything about this." Halos nagmamakaawa siya sa 'kin.

Tipid akong tumango. "I know."

Sa huli ay pinagbigyan na naming sila. It was the same kiss that Zavid always does. Sumabog ng palakpakan ang buong social clubhouse. Pumeke ako ng ngiti sa kanila kahit sa loob ko'y sobrang bigat na nang pinapasan ko. Pati pisngi ko nanginginig na rin.

Sa gitna ng kasiyahan nila ay takot ang nahagip ko. Isang naka-itim na bulto ang nakatayo sa may pool area. Biglang luminaw ang aking paningin at nakita ang pag-akyat baba ng kanyang balikat at kumukuyom niyang mga kamao.

Sigurado akong siya 'yon. Hindi ko man alam kung paano siya nakapasok but I know it's Rouge.  Nakatitig siya dito sa entablado, lalo na sa 'kin. Kasing dilim ng kanyang kasuotan at ng gabi ang pinta ng kanyang ekspresyon.

Continue Reading

You'll Also Like

72.5K 2.5K 58
Travesia Series #1 "Hold on, babe. Please breathe for me..." Kylie Cyril De Guzman admires this one boy who makes her heart beat so fast. Watching hi...
635K 42.3K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
3.2M 117K 55
(Magnates Series #2) Always the perfect and obedient daughter, Blaire Maigen Bordeaux has always lived her life trying to meet her mother's expectati...
1.6M 67.2K 48
(Magnates Series #3) Azriella Dominique Laurel lost her family to a tragic explosion in a cruise ship. It turned her life upside down, with her belie...