RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PU...

By blackpearled

9.7M 214K 45.1K

Lorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil... More

TO BREAK AN AFFAIR
FOREWORD
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
EPILOGUE
NOTE

THIRTY FIVE

169K 3.6K 292
By blackpearled

"What's wrong, Lory?"

Pinunasan ni Rouge ang pisngi kong inulan ng luha. Sa kanyang pag-aalala, para sa kanya hindi normal na ganito ang magiging reaksyon ko tungkol sa nalaman pero hindi naman kasi niya alam ang totoo kong dahilan.

Yumuko ako't umiling. Marahan kong tinakwil ang kamay niya saka ako tumalikod.

"Balikan na natin si Lauris sa ospital." Pilit kong pinapanitiling buo ang aking boses, ngunit malamig ang naging resulta nito.

Hinintay ni Rouge na maisara ko ang pinto't pinauna akong maglakad. Tahimik siyang nakasunod sa 'kin.

The kid is not Rouge's. It is dad's. Kapatid ko si Halsey. Palutang-lutang man ito sa aking isipan ay hindi ito nagdulot ng sakit. Sa hindi nila pag-banggit sa 'kin ukol dito, pinagpalagay ko na siguro hindi ko na rin naman dapat pang malaman. May sinisikreto rin naman ako sa kanila kaya hindi ako dapat mag-tanim ng sama ng loob.

But Rouge...gusto ko na siyang layuan. Tumatak sa 'kin ang mga sinabi niya kanina. His words have been invading my mind since the date auction. Isang pagkakamali yata ang pagkikita namin muli. What could be the ways to avoid our casual meetings?

"You can go back to your condo to shower and change," ani ko habang nakasakay kami sa lift. Naglapat ako ng malaking espasyo sa pagitan namin.

Inamoy niya ang sarili. Kumunot ang ilong niya. Kinunutan niya ako ng noo. "I don't smell bad."

Tipid akong ngumiti. "Magta-taxi nalang ako, just go back to your—"

"No."

"But Rouge—"

"No."

Tinango niya ang ulo sa humahati nang pinto ng lift. Tinitigan ko siya bago ako lumabas. His persistence drives me up the wall sometimes.

I know I'm acting like an ungrateful bitch, pero kailangan na naming layuan ang isa't isa. Dalawang pagkakataon na ang pinaglagpas ko kasama siya and I'll make sure this would be the last. Because to put it mildly, he's no good for me.

"Umuwi ka after mo akong ihatid." Binuksan ko ang pinto sa shotgun seat pagkatapos niyang patunugin ang alarm nito.

Pagkaandar ng sasakyan, nag change gear siya saka nilagay ang braso sa likod ng headrest ng aking upuan at lumingon sa likod habang nagba-backing. Sobrang lapit ng mukha niya kaya mas umusog ako sa dulo ng pinto yakap ang knapsack ni Lauris.

"I will, not until you tell me why you cried."

Does he really have to ask that? He could just assume anything and keep the assumptions inside his head.

"Sorry, I was just being emotional. I'm happy to know that I have a younger sister." Which is true, kahit hindi talaga 'yon ang totoong dahilan.

Kita ko sa gilid ng aking paningin ang kanyang pag-sulyap.

"I don't like seeing you cry—"

"Don't—Rouge. Just don't. Just drive," putol ko sa kanya. Nakaangat ang aking kamay, nakaharap sa kanya ang aking palad.

I don't need his comfort. It's all done. I know the truth now. My life goes on without having to worry about him being around me.

Katulad nang panay kong pagpilit sa kanya ay sa wakas, napauwi ko rin si Rouge. Sumilip muna siya sa kwarto ni Lauris at tinanguan ang kapatid ko bago siya umalis.

I know this won't be our last encounter but I hope this would be the last time of being near to each other. I'm actually planning on setting a desired math number for our proximity.

Nakatitig sa kanyang cellphone si Lauris nang pumasok ako. Nakapagpalit na siya ng hospital gown. Hindi niya ako binalingan nang umupo ako sa kanyang paanan.

"Halsey is dad's daughter," panimula ko.

Inalis niya ang mga mata sa cellphone at sinilip ako. Baluktot siyang ngumisi dahilan upang malukot rin ang galos niya sa pisngi.

"You didn't bother tell me." Wala 'yong bahid ng panunumbat.

Dumaan ang panunuya sa kanyang mga mata. "Didn't know you're interested."

"Kahit na. You told me a lot of stories everytime you visit me in Vegas that were shy of importance than this one," pangangatwiran ko.

Inangat niya ang balakang at umusog pataas sa kama upang mapasandal sa gabundok na mga unan.

"Important?" halos matawa siya. "How important, Lory? Ngayong alam mo na na hindi kay Rouge si Halsey what are you going to do?"

"Nothing!" Tumaas ang boses ko sa mapang-akusa niyang tono. "I wouldn't have known that she's our sister had I not done something that made Rouge tell me it's not his kid."

For as long as they keep me in the dark about this, I wouldn't have really known. Swerte nang hindi kasali si Rouge sa agenda nilang paglilihim sa 'kin. Not that it's a big deal.

Putting this in another way, kung sakali mang kay Rouge si Halsey, I think I still would have treated the child the same way as I do now.

"So what's with you and Rouge?" His eyes are probing.

"Pag-uusapan talaga natin 'to?" naghahamon kong untag.

Sa lahat ng tao dapat siya ang mas maalam na wala na akong dapat pang kinalaman sa kanya. And now he's asking me about us?

"If you're open into talking about him then siguro wala na talaga, Lory. You had a past. Tapos ngayon palagi kayong magkasa—"

"It's your fault." Sinundot ko siya sa kanyang tagiliran. "Kung hindi mo ako dinala sa date auction hindi 'to mangyayari."

Nagtataka niya akong tinignan. Bahagya siyang napanguso. "What do you mean? He was there?"

"You didn't sabotage it?" mapang-akusa kong untag.

Inosente siyang umiling. "No. Why should I?"

Tinitigan ko siyang maigi. Ilang beses na akong nabiktima ni Lauris sa mga practical jokes niya noong mga bata pa kami. I usually look at him in the eye and dig up holes for the truth hanggang sa matawa siya.

But right now, his deep-set almond eyes that are similar to mine danced in confusion. Hindi 'yon nahaluan ng aliw. So that just means he's telling the truth.

Bumuntong hininga ako at hinubad ang aking sapatos. Humiga ako sa tabi niya. Tinaas niya ang railings sa side niya saka siya umusog upang bigyan ako ng espasyo. Hirap pa rin siyang kumilos dahil sa kanyang neck brace niya sa leeg.

Nang maayos na siya sa pagkakahiga ay doon ko piniling magsalita.

"He bidded five million for me under the name Mr. Monsalve which happens to be his middle name."

Nanlaki ang mga mata niyang dumapo sa 'kin. Tumango ako.

"Holy shit!" tumawa siya't pumalakpak, tumigil saglit at sinubukan akong lingunin na bahagya lang niyang nagawa. "He did that?"

"Shut it, Lauris," seryoso kong sita. "C'mon just tell me the truth. Hindi kita sasaktan. Bukas na kita pupuruhan kapag nakalabas ka na nang ospital."

He laughed and raised his hand in surrender. "No, I swear Lory. I didn't know anything. Damn fucking alpha man."

Kung wala lang siyang neck brace, baka napapailing na siya. Ang tanging nagawa niya ay ang pumalatak at ngumisi.

Suko na ako sa paghugot ng katotohanan mula sa kanya. Siguro nga wala siyang alam. Rouge just knew about the date auction and took advantage of it. Nagbigay nga siya ng limang milyon para donasyon, but it wasn't even his real purpose. He bought me for the night.

Natunugan ko ang nanunuyang tingin sa 'kin ni Lauris. Inirapan ko siya.

"I'm over him, Lauris. It's just I'm scared. Baka ano na naman ang gawin niya," pangangamba ko.

Sandali siyang walang imik hanggang sa nagpakawala siya ng hangin at nagsalita.

"You're scared on what he'll do to our family or...what he'll do to you? Because Lory, he doesn't give up. Sa ginawa pa lang niya sa auction, an alpha man like him will fight tooth and nail."

"You're not helping." Kinuha ko ang nahigaan kong kumot at tinakip sa binti ko.

"I'm just stating a fact. That's a heads-up for you. I know men like him. I'm a man, too," kaswal niyang sabi.

I can't argue with that. I've had a taste of his perpetual persistence. He always has his way of defying my NO's. Kung hindi man niya dadaanin sa dahas, isang titig lang mapapasunod ka na, and I'm trying to rebel against it.

Nasubukan ko na 'yon dati but that was only because of my surmounting anger. Ngayong winawala ko na ang galit sa puso ko, baka sa isang mando lang niya mapapasuko na ako. Ayaw ko na uling mangyari 'yon.

"Dapat talaga nagpakasal na kayo ni Zavid sa Vegas. You know...in Elvis Chapel," ani Lauris.

"We're just friends."

Mahina niyang tinulak ang aking balikat. "That's not how he's treating you and you know it."

I know and I'm letting him. Ganon naman talaga kung wala na tayong magagawa. Hindi ko mapipilit 'yong tao kahit sa mata man ng iba, I'm leading him on but that's not what we've thought. Binibigyan lang namin ng pagkakataon ang isa't isa. Mag-aapat na taon na, I think I've healed enough.

Sa room ni Lauris kami kumain ng tanghalian. Doon ko lang napagtanto ang labis na kagutuman at naubos ko pa ang supposedly pagkain ni Lauris. It's a hospital food na ayaw niya dahil amoy gamot daw kaya bumili ako ng pagkain niya sa labas.

Kinahapunan ay nagpunta ako sa construction site upang tignan ang sinuyo sa 'kin ni Lauris na finalization sa project. Hindi naman kalayuan ito sa DC pero dahil sa traffic ay matagal bago ako nakarating.

Binati ako ng ilang mga trabahador doon pagkapasok ko. Tatlong engineers doon nagkukumpulan sa mesa, pinagtatalunan ang nasa blueprint. Inabutan ako ng hard hat ng isang newly hired naming engineer bago ako sumulong sa main site.

Sumabog sa ilong ko ang amoy ng pintura. Nakita ko ang nakatalikod na si Zavid na may tinuturong pader sa kausap na site architect. Patapos na ang ginagawang warehouse at ngayon sinisimulan na nila ang internal works wall painting.

"Wala na bang kulang na mga materyales?" bungad ko habang tinutungo ang kanilang kinatatayuan.

Sabay nila akong nilingon. Lumiwanag ang mukha ni Zavid saka ako sinalubong ng yakap.

"How's your brother?" tanong niya, nasa baywang ko ang kanyang braso.

"He's great, nagawa pa ngang magbiro." Marahan akong tawa.

"Have you eaten? Nagpa-order yata ng pizza sina Josh."

"It has meat," sabi ko.

Inayos niya ang pagkakalagay ng hard hat ko. "You should have told me na pupunta ka para nakapag-order ako ng vegetarian flavor para sa 'yo."

"Biglaan kasi, pinapunta ako ni Lauris dito tsaka kumain na kami sa ospital."

Binati ako ng site architect bago niya kinausap si Zavid at nagpaalam na lumabas upang i-check ang mga nagka-karpintero sa labas.

"Kasya ba ang nabiling pintura? Pwede kong itawag sa purchasing if kulang," ani ko.

Sa gawa ng pintor siya nakabaling.

"Your workers bought enough. Sa ibang supplier sila bumili dahil naubusan ng Sterling epoxy paint yung dati niyong supplier. By next month pa raw available. We have to do the floor painting by next week na para pwede nang ilagay ang mga inventory dito."

Isang distribution warehouse ang proyekto na 'to sa mga Arevalo. Maliban sa resort, ang pag-yari ng mga printers, pag-imbak at ang pag-hatid nito sa mga distributors ang isa sa kanilang mga negosyo.

Halakhak ni dad ang nagpalingon sa 'kin sa likod. Parang may kinakausap siya sa meeting area ng mga engineers at tuwang tuwa na sumenyas sa kung sino.

"Dad!" tawag ko sabay lapit sa kanya.

"Lory, iha..." hinalikan ko siya sa pisngi. He seems good mood today, pero hindi ko pa rin sasabihin ang tungkol sa nangyari kay Lauris.

"Where's your brother? Kanina ko pa siya tinatawagn but he's not answering my calls."

Saktong tumabi sa 'kin si Zavid at narinig ang tanong ni dad. Inakbayan niya ako't pinisil ang aking balikat, like he was encouraging me to lie to my father. Which is, yun naman talaga ang gagawin ko.

Pumeke ako ng ngiti. "Pinag-day off ko dad kaya ako ang nagpunta rito. Patapos na pala ang warehouse," pag-iiba ko ng usapan.

Tumikhim si Zavid saka bumulong sa 'king tenga, "Good job."

"Yeah, finally...and thank God walang mga aksidenteng naganap. I've heard from my friend just a while ago na kritikal yung isang trabahador niya dahil namali ng tapak sa scaffold. That's why I always remind our workers to be careful..."

"Halsey, don't!"

Nahinto si dad sa pagsasalita nang may bigla nalang yumakap sa kanyang binti. It was Halsey na naka double side ponytail. Tarantang lumapit si Antonia at nahinto nang makita ako.

Binuhat ng nakangiting si dad si Halsey na agad ring nagpaubaya. She's a daddy's girl.

"Look who's here." Tinuro ako ni dad. Halsey was biting her nail habang ang bilugang mga mata nito ay nakatingin sa 'kin.

I still feel scared holding her. Pakiramdam ko masasaktan ko siya. But how would I know without trying so I have to take a risk.

"Can I hold her, dad?"

Parang nagulat pa siya nang sinabi ko 'yon. I even felt Zavid's arm tensed on my shoulders.

Tinignan ko si Antonia, nanghihingi ng permiso sa pamamagitan ng aking mga mata. I don't know kung nakikita niya ang kaakibat na assurance doon na hindi ko sasaktan ang anak niya. Ang kapatid ko.

Tipid siyang ngumiti at tumango.

"Dad? Can I?"

Medyo nasaktan ako sa pag-aalinlangan niyang ipahawak sa 'kin ang kanyang anak. That means he believed that I have this capability to hurt somebody. But I was out of my rational thought at that time, he has to believe me as his daughter, someone who wouldn't dare hurt anyone and has learned to withhold acts of irrationality.

Sa huli ay ako na ang naglapit ng mga kamay ko kay Halsey. Hindi siya umiwas o sumubok na umiyak. Nanatili ang bilugan niyang mga mata sa 'kin at hinayaan ako ni dad na kunin siya.

"Hi Halsey..." pagkakuha ko sa kanya ay pumalibot agad ang mga braso niya sa leeg ko.

Gusto kong maiyak sa sandaling 'yon. The kid doesn't hate me. The kid trusts me. Kung alam lang niya ang saya na idinulot niya sa 'kin sa simpleng kilos niyang 'yon.

Tinignan ko sila isa-isa. Hindi ko maitanggi ang pagbalot ng emosyon sa mga ngiting ginagawad nila sa 'kin. Nahagip ko si Antonia na pinunasan ang gilid ng kanyang mga mata.

Inamoy ko ang mabangong buhok ng kapatid ko. Her hair smells like strawberries. Amoy lavender naman ang naaamoy kong pulbo niya. Maingat kong tinanggal ang daliri niya sa kanyang bibig. Tiningala niya ko.

"Pwede mo nang pagpraktisan ang kapatid mo sa magiging anak mo, Lory."

"Dad!" Pinandilatan ko si daddy. Bigla akong nakaramdam ng kaba kahit nagbibiro lamang siya. Nagtawanan sila ni Zavid.

"By the way iho, bring your father this Saturday sa Social Clubhouse sa subdivision namin."

"Is it for your birthday?" untag ni Antonia.

Tumango si daddy. "It's just a private gathering since ayaw ni Lory ng masyadong maraming tao."

"It's all up to you dad. You're turning fifty so invite as many guests as you want," ani ko.

Duda niya akong tinignan. "Are you sure about that? Even our previous clients?"

Nagkibit balikat ako, he's alluding about the Verduzco's. "I don't mind if you like to broadcast your golden age."

It's not my party anyway so dad should be the one to decide. Tatanggi naman ako kung ayaw ko but it's his birthday. Kahit bilang lang ang mga kaibigan niyang pupunta roon, I could handle interacting with some business people who are unknown to me.

Bandang alas singko naming naisipang umuwi kasabay ng uwian ng mga trabahente. Sa loob ng mga oras na 'yon ay nilalaro ko lang si Halsey, minsan ay sumasabay rin si Zavid kung hindi siya abala sa pagsuri sa gawa ng mga pintor.

Lauris is right, Halsey is a bright kid. Parang may future siya sa kompanya. Aniya, she wanted to be like her kuya Lauris daw.

Pero katulad ng karamihan sa mga bata ay nag-iiba ang ambisyon nila kapag lumaki na. Not all of our childhood dreams would be our lifelong dream. Ilang beses ko na 'yang napatunyan sa sarili ko. Sigurado naman ako na matutupad ni Halsey kung anong gusto niya dahil sa matibay na pag-suporta ng kanyang mga magulang. Mom and dad did the same to me and Lauris.

Pinagmamasdan ko ang mga trabahadorng isa-isa nang nagsiakyatan sa Elf truck na minamaneho ng isa sa mga may edad na naming trabahador. Hinalikan ko si Halsey sa pisngi bago ko siya binigay kay Antonia. Hinatid sila ng mga mata ko papasok sa RAV4 na minamaneho ni Sonny.

"Bye dad. See you this Saturday?" humalik ako sa pisngi niya.

"You'd be with Zavid?" may panunuya akong natunugan sa tanong niya.

Tumango ako. "Yeah."

If dad thought it's because Zavid and I are an item, he's wrong. Zavid will drive me to the hospital para puntahan si Lauris.

Mahina niya akong tinapik sa braso. "Take care. That man is good for you."

"Dad..." madrama kong protesta. Tinawanan niya ako bago siya tumalikod at nagtungo sa RAV4. Pagkaalis nila ay siyang pagtungo ko sa entrance gate ng site upang dito na hintayin si Zavid.

Dumaan ang ELF at bulabog na nagpaalam ang mga trabahador sa'kin na ningitian ko at kinawayan rin.

Sa kaharap ng entrance ay tinatanaw ko ang one storey building na kasinghaba ng warehouse na kino-construct ng kompanya namin ngayon. Kulay puti ito na may asul na mga bintana. Pinapagiliran ng berdeng lawn at mga puno at ang malinis na daan ang pumapagitna sa sidewalks.

Masarap magpicnic dito dahil sariwa ang hangin. Walang polusyon dahil malayo sa mga pabrika. Sa sobrang tahimik ng buong lugar pwede nang patayuan ng kumbento.

Mga yapak na bahagyang tumatakbo ang muling nagpabaling sa 'kin sa loob. Bumagal ang takbo ni Zavid habang papalapit. Pinasidahan niya ang kanyang buhok dahilan upang ito'y tumayo.

"Hey Lory, could you wait for a while? May hahanapin lang akong file na kailangan ko sa office. It won't take an hour," aniya.

"Yeah, sure. Dito lang ako."

Matagal niya akong tinitagn bago siya tumango. "Okay."

Kinuwadro niya ang pisngi ko saka ako hinalikan sa labi. Just a smack and I let him. We've never get past through more than kissing.

Habang naghihintay ay sinubukan kong makipag-chikahan sa guard. Magaan naman niyang sinagot ang mga tanong ko na tungkol lang sa pamilya niya't mga anak na nag-aaral. Sa kalagitnaan ng aking pagsasalita ay may nahagip ang mga mata ko sa di kalayuan.

And goddamn it to hell it's a Maybach Exelero.

All my reasoning just went straight to kingdom come. Sinugod ko ang nakaparadang Maybach at isang tao lang ang pumasok sa isip kong nagmamay-ari nun. It's given that I don't know other people who owns that brand of car except him.

Sumasakit ang paa ko dahil sa mabilis na paglalakad. Nang makalapit ay nakita kong nakasandal si Rouge sa parte ng kotse kung saan hindi siya nakikita. He was facing the building na pinagmamasdan ko kani-kanina lamang.

"What are you doing here?" marahas kong untag.

Madlim ang mukha niya nang ako'y nilingon. Tinanggal niya ang pagkaka-halukiphip.

"He kissed you." Parang gusto niyang iluwa ang mga salitang 'yon.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit hindi? We're engaged."

Huli na bago ako makaatras dahil sa malawak at agresibo niyang mga hakbang palapit sa 'kin. Hinawakan niya ako sa braso, hinila at sinandal sa kotse niya. Pinilit kong magpumiglas.

"Let me go, Rouge. Zavid's waiting for me!"

Halos maduling ako sa lapit ng kanyang mukha. "As far as I can see, you're the one who's waiting for him. Hindi ka dapat pinaghihintay."

Hindi ko magawang makatakas sa malalakas at mahigpit niyang hawak sa 'kin. | think I should visit the gym more often and make drinking steroids a habit. Baka sakaling matapatan ko ang lakas niya o mahigitan pa!

"Rouge ano ba! Let me go!" mahina pero may diin ang boses ko. Sa sobrang payapa dito sa industrial park, kahit kaunting kaluskos ay madali lang maririnig.

Hindi ko na kailangang hulaan pa ang emosyon niya. Sa salubong niyang mga kilay at matigas na ekspresyon, alam kong galit siya.

"You gave him my favorite kiss, Lory. You let him kissed you the way I wanted to be kissed by you." gigil niyang anas. Halos hindi ko na masukat ang galit na pinaparamdam niya sa 'kin ngayon.

Humihingal siya't hinaplos ang labi ko habang kinukulong ako ng isa niyang braso. Dinikit niya ang kanyang noo sa 'kin. Hindi ako makagalaw sa gulat at pagkakakulong ko.

Umiiling siya habang dinudungaw ang labi ko.

"Tsk. Dapat hindi ganon. Dapat sa 'kin lang 'to. Ipagpalagay ko nalang na pinahiram mo lang sa kanya ang halik na 'yon, pero ako pa rin ang nagmamay-ari nito. Ako pa rin ang nagmamay-ari lahat ng mga halik mo, Lory..." may pinalidad ang kanyang tono.

May determinasyon niya akong tinitigan. "Dahil ganon din ako sa 'yo."

Isang beses niya akong hinalikan ng malalim, na dinagdagan pa, dinagdagan ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Kahit siya lang ang humahalik at ako'y nakaawang lang ay ako ang mas hiningal. Animo'y hinugot niya lahat ng hangin sa baga ko sa paghalik niyang 'yon.

Bahagya siyang bumitaw at lumalapat pa rin ang labi niya habang nagsasalita.

"Own them, Lorelei. Own my kisses. Own my lips, they're all yours. They're all for you."

Inalis niya ako sa pagkakasandal saka siya pumasok sa sasakyan. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang pag-alis ng Maybach hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. Naiwan ako sa sidewalk na tulala at habol-habol ang aking hininga.

Continue Reading

You'll Also Like

12K 450 36
Single Ladies Series #4 | a collaboration After failing as an actress, Autumn Avery continued to deceive everyone by acting as if she still had the p...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
99.9K 2.9K 20
Nagtataka si Cloud kung bakit parang galit na galit sa kanya si Skye. Gusto niyang alamin ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya, pero hindi niya...
126K 3.3K 36
𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen...