Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 21

68.5K 2K 152
By sweet_aria

Chapter 21

"Hindi lahat ng gusto mo, kahit alam mong mali ay gagawin mo pa rin!"

Kanina pa ako pinagsasabihan ni Phoenix. Nakaupo ako sa sofa at siya ay nakatayo, umiinom ng beer.

"You even forgot your bag!"

"Pwede ko namang balikan bukas diba?" Kinuha ko ang juice na kalalapag lang ni Lyka sa glass table. Uminom ako pagkatapos ay tumayo.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pa nagdidinner!"

"Later. Food can wait." Umakyat ako patungo sa kwarto at nagbihis.

Hindi pa ako tapos sa ginagawa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi nang mabasa kung sino ang tumatawag. I couldn't forget what he said earlier.

"H-hello."

"Tagal mong sumagot." Aniya. "Pinagalitan ka ni Phoenix?"

Umupo ako at pinindot ang speaker mode. Nagpatuloy ako sa pagbibihis.

"As usual." Tipid kong sagot. "Napatawag ka?"

"Hmm... since Saturday bukas, aayain sana kita."

Kumunot ang aking noo. "Saan?"

"Music Café."

"O-okay." Kinagat ko ang ibabang labi.

"Alright! Gonna fetch you at 8 pm."

"Gabi?"

"Yep. The ambiance there is good especially at evening."

Humiga ako sa kama at pinaglaruan ang aking buhok.

"Okay lang ba?" Tanong niya nang hindi ako magsalita.

"May magagawa pa ba ako? Naka-oo na ako." Hindi ko napigil ang pag-ikot ng aking mga mata.

Mahina siyang tumawa. "Alright! Magdinner ka na. 'Wag kang masyadong magpaseksi. I don't want you to attract more attentions."

"Sira-"

"I'm serious."

Ipinikit ko ang mga mata. "Oo na. Bye!" I didn't wait for his response. Naaalarma na ako sa nararamdaman at hindi ko alam kung normal pa ba ito.

Kinabukasan ay maagang dumating ang mga pinsan ko sa bahay. Kinusot ko ang mata at kumunot ang noo.

"Too early assholes-"

"Watch your language, Tami." Putol sa akin ni Raxx. Seryoso ang mukha niya na lumapit sa akin at hinalikan ang aking noo.

Pinigil ko ang aking pagngiti. Gwapo talaga ni Raxx kapag nagsusungit!

Umupo sina Camilla at Jemimah sa sofa at nagslice sa cake na inihanda ng katulong. Lumapit ako sa kanila at kumuha rin ng platito.

"Tagal nila kuya Ezekiel." Usal ni Camilla pagkatapos sumubo ng cake.

"Malapit na sila."

Nilingon ko si Hiro na may kausap sa cellphone.

"Siguraduhin mo lang na wala kang boyfriend na dala. Bubugbugin namin 'yan." Ani Hiro.

"Who's that, Hiro?" Tanong ko.

"Hera Cassidy..." Lumapit siya sa akin at ini-speaker mode ang phone. "Ano may boyfriend ka na ba?"

"Kuya Hiro!" Angal ng boses ng babae sa kabilang linya. "Wala no!"

Mahina akong tumawa. "How would you have a boyfriend? You don't even know how to put lipstick!"

"Oo nga!" Pangalawa ni Jemimah.

"Tamiya? Jem?" Gulat na tanong ni Hera.

"Yes! Kami ito. Are you on your way?" Tanong ko.

"Yup! Papasok na kami sa village!"

Napatayo ako dahil sa excitement na naramdaman. We didn't see each other for almost eight months!

Naghintay kami hanggang sa marinig namin ang pagparada ng kotse. Hindi ko napigil ang ngiti nang bumukas ang main door at iluwa nito ang magkapatid na Hera at Ezekiel.

Naglakad ako palapit sa kanila. Inilahad ni Hera ang dalawang bisig na tila naghihintay ng yakap ko. Umasta ako na yayakapin siya ngunit nilagpasan din siya. Tumatawa akong yumakap kay Ezekiel.

"Ezekiel! Nakakamiss ka rin pala!" Sabi ko at kumalas sa yakap.

"Wala ka pa ring galang, Tamiya!" Seryoso niyang sabi.

Nagtawanan ang mga pinsan ko. Sinamaan ko ng tingin si Ezekiel.

"Hindi talaga tumatawag ng kuya 'yan. Feeling niya ata kasing edad lang natin siya." Singit ni Hiro.

"Shut up, Hiro!" Umirap ako at lumapit kay Hera. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Missed you, bungal!"

Nang humiwalay ako ay nakasimangot na siya. Kumindat ako at hinawakan siya sa braso. Umupo kami sa sofa katabi nila Jemimah at niyakap rin siya ng mga ito.

"Looking good huh?" Nakangiting puna ni Jem sa kanya.

"I'm sure madaming nagkakagusto sayo sa school!" Masiglang sabi ni Camilla.

Tinitigan ko si Hera. She looked great even with her round eye glasses. Makikita sa kanya ang gandang natural. Blue tee and jeans looked good on her.

"Wanna go to salon?" Suhestiyon ko.

Tumango sina Jemimah at Camilla ngunit katulad ng inaasahan ay tumanggi si Hera.

"Wag na. Swimming na lang tayo!"

Napairap ako sa sinabi niya. "Hindi ka pa ba nananawa sa tubig sa pool niyo pati sa school na pinapasukan mo?"

"I just wanna bond with you." Lumarawan ang inosente at maganda niyang ngiti. "Nga pala, I won sa national swimming competition!"

"We know that!" Kindat ni Jemimah sa kanya.

"Kami pa ba ang mahuhuli sa balita?" Natatawang tanong ni Camilla.

"Ngayon ko lang nalaman." Kibit-balikat ko.

Ngumuso si Hera.

Naiiling akong tumawa. "I'm just kidding. Of course, I know that!"

Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay. Bago pa uminit ay tumungo na kami sa pool area.

Nakalublob ang mga paa namin sa tubig habang pinanonood si Hera na lumalangoy.

"Miss Tamiya, may naghahanap po sa'yo."

Awtomatiko naming nilingon si Lyka. Tumingin ako kina Jemimah at Camilla bago tumayo.

Iniabot ni Lyka sa akin ang telepono. Kinuha ko ito at hindi na muling pinag-aksayahang tignan ang mga pinsan ko. Tumungo ako sa garden at pinanood ang mga paru-parong lumilipad sa mga bulaklak at halaman.

"Altamirano?"

Tama ako ng hinala nang marinig ang kanyang boses.

"Lahat ba ng lalaking nandito, pinsan mo?" Seryoso niyang tanong.

"Huh?" Kumunot ang aking noo.

"Hindi ka man lang nagrobe or nagtakip man lang ng kahit anong pwedeng ipantakip sa katawan mo?"

Mas lalong tumindi ang pagkalito ko sa sinasabi niya. Tinignan ko ang katawan ko.

"How do you know-"

"I have my eyes to see what you're wearing or doing, Dela Vega."

Kinagat ko ang ibabang labi. Humawak ako sa dibdib ko at naramdaman ang malakas na kabog nito. With just his voice, I was acting off-beat. Paano pa kaya kung kaharap ko siya ngayon?

"You... saw Jemimah's post?" Pinaglaruan ko ang aking kamay.

"Yes..." Masungit ang dating ng kanyang boses.

"There's no wrong with my gear."

"Oo. Wala. Ang sexy mo nga eh. Sa sobrang sexy mo binabastos ka na. Tss."

Mahina akong natawa. Siguro ay binasa niya ang mga comments dito. Hindi ko maintindihan pero gusto ko na ganito siya sa akin.

"Mas sexy ako sa personal, Altamirano."

"I know. Nakita ko na 'yan noong naligo tayo sa ilog."

Ngumuso ako at napipikit dahil sa sinabi niya.

Pinagpatuloy ko ang pang-aasar. "Sayang at wala ka dito. You can't see what I was saying."

"I can see it."

Nanlaki ang mga mata ko. Ibinaba ko ang telepono at napalunok. Malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ako tanga para hindi makuha ang sinabi niya.

Nakarinig ako ng pagtikhim. Marahan kong inikot ang sarili at nanlaki ang mga mata nang makita siya. Ibinaba niya ang cellphone mula sa kanyang tenga. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Pasimple kong tinakpan ang aking dibdib. Napakagat ako sa labi. Lumunok siya at iniwas ang tingin.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya sumagot.

"Paano ka nakapasok?" Dagdag ko pa.

"N-naglakad." Mahina niyang tugon.

Tumikhim siya at humakbang palapit. Inabot niya ang kanyang cellphone sa akin.

"Burahin mo 'yan." Utos niya.

Tinignan ko ang screen ng phone at nakita ang pinost ni Jemimah.

"I... can't."

"Dela Vega!" Mariin niyang sabi.

Lumunok ako at tinignan siyang muli.

"Nakita mo ba ang comments ng mga lalaki ha?" Halata ang inis sa kanyang boses.

"Okay... wait lang." Nilagpasan ko siya.

Agad niyang nahawakan ang aking braso.

"Saan ka pupunta?"

"Ayaw mong may ibang makakita ng ganitong pictures ko diba?" Hindi ko na napigil ang aking ngiti. "I'll be back. Ipabubura ko muna kay Jem."

Iniwan ko siya at bumalik sa pool area.

"Jem!" Tawag ko.

"Yes?" Lumingon siya.

"Will you erase our picture you posted on facebook?"

"Huh? Why?"

Nag-isip ako ng pwedeng palusot. "Ah... I have read the comments. It's irritating. Nambabastos yung iba."

Umahon siya mula sa pool at sumunod sa akin. Tumungo kami sa round table kung saan nakalagay ang mga gadgets namin. Uminom muna siya ng iced tea bago damputin ang kanyang phone.

Pinanood ko siya sa ginagawa.

"Done." Bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin. Binalik niya sa table ang cellphone.

"Good." Tumalikod ako.

Nagsimula na akong lumakad nang tumikhim siya. Nilingon ko siya at nakita ang nang-aasar niyang ngiti.

"May nagpapabura no?"

Tumaas ang kilay ko.

"Tell me... si Fire ba ang tumawag?"

"Hindi." Sagot ko.

Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Hindi ka ganyan dati. You don't care on what people say, Tami." Kumuha siya ng cookies at umupo.

"What do you mean?"

Hindi niya ako sinagot at tumingin sa mga pinsan naming naglalandian sa pool. Tumalikod ako at binalikan si Altamirano.

"Okay na." Iniabot ko sa kanya ang phone.

Kinuha niya ito at chineck ang kanyang facebook.

"Good." Itinaas niya ang cellphone at ngumiti. "I'm going home."

Tumango ako. Naglakad siya at akmang lalagpas na sa akin nang hindi ko na napigil ang hawakan ang kanyang kamay.

"See you later." Kinagat ko ang ibabang labi.

"Yeah... see you later-"

Hinigit ko siya at hinalikan sa pisngi. Lumayo ako at tumakbo. Nag-iinit ng sobra ang aking mukha.

"Tamiya, mag-ingat ka!" Paalala ni Manang Didith nang patakbo kong tinahak ang hagdan.

Nginitian ko siya at naiiling na pumasok sa kwarto. Isinara ko ang pinto at napasandal dito. Hinawakan ko ang aking labi at ipinikit ang mga mata.

Shit. Shit. Tamiya, umayos ka! Hindi pa kayo!

Kinalma ko muna ang sarili bago pumunta sa banyo at nagbanlaw. Habang naliligo ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman isipin pa lang na mamaya ay magkikita kaming muli.

"We're going home..." Paalam ni Ezekiel. "Hera, dalian mo diyan!"

"Wait!"

Napatingin ako sa pinsan kong inaayos ang sintas ng kanyang sapatos. Lumapit siya sa akin at nakipagbeso.

"See you next time." Niyakap niya ako.

Nagsiuwian na sila kaya nagsimula na akong maghanda. Matapos magbihis at mag-ayos ay tinitigan ko ang sarili sa salamin. Ngumiti ako sa nakitang repleksyon.

"Kaya mo 'yan, girl!" Bulong ko sa sarili.

Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan at hindi nagtagal ay tumunog din ang aking cellphone. Binasa ko ang text at hindi napigil ang pagngiti.

Altamirano:

I'm here. Do I need to go upstairs?

Me:

No need. Pababa na ako.

Matapos magreply ay dinampot ko ang aking purse. Nagmamadali akong bumaba. Pagkabukas ko ng maindoor ay halos mapigil ko ang hininga nang makita siya.

Walang gaanong espesyal sa kanyang suot dahil naka kulay puting jeans lang siya at long-sleeved pull over na kulay itim. Ngunit ang magandang pagkakalapat nito sa kanyang katawan ay nakatatanggal ulirat.

Inayos ko ang aking jump-suit at tumikhim. Inilahad niya sa akin ang kanyang bisig at tinanggap ko ito.

Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Nginitian niya ako at kinalbit ang tungki ng aking ilong.

"I know how to drive. Wala kang dapat ipag-alala." Umikot siya pagkatapos isara ang pinto.

Tahimik lang ako nang magpatugtog siya at pinaandar ang sasakyan. Kinakabahan ako kaya naisipan kong kuhanin ang aking cellphone. Tinuon ko ang aking atensyon sa pagtingin-tingin sa sariling accounts.

"Too engrossed with that." Tikhim niya.

Nilingon ko siya. May ngiti sa kanyang labi. Ibinaba ko ang cellphone at hindi napigil ang titigan siya.

Mabilis kong binawi ang tingin nang lingunin niya ako. "Dela Vega..."

"Hmm?" Idiniretso ko ang tingin sa daan.

"Kinuha ko pala ang bag mo sa school kanina."

"Oh... I forgot to get that. Salamat."

"It's okay. Nandoon ang mga pinsan mo eh."

Tumango ako. Nakarating kami sa café. Pagkababa ng sasakyan ay dumiretso kami sa loob.

May naka-reserve ng table para sa amin kaya hindi na kami nahirapang maghanap ng pwesto.

Umorder kami at nagsimulang kumain. Normal ang lahat maliban sa tibok ng puso ko. Kahit hanggang sa matapos kami ay tila wala ako sa sarili.

"Altamirano-"

"Miss... for you." Putol sa akin ng isang lalaki.

Kumunot ang aking noo, nginitian niya lang ako. Tinignan ko ang box ng paborito kong chocolate at mas lalong nagtaka sa letrang nakadikit dito.

Inangat ko ang tingin kay Altamirano. Seryoso ang tingin niya sa akin at sa lalaking nagbigay ng chocolate.

"I can't accept this-"

Hindi ko na natapos ang pagsasalita nang may isa pang lalaki ang lumapit sa akin. May dala rin siyang box ng chocolate at may letra din na nakadikit.

Nagsunud-sunod ang mga lumapit sa akin hanggang sa halos hindi na magkasya sa table namin ang boxes ng chocolate. Namanhid ang mga kamay ko.

Naramdaman ko ang kanyang pagtayo. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang lumuhod siya tagiliran ko. Nanghihina ko siyang hinarap.

"A-are these from you?" Tila nagkanda-buhul-buhol na ang aking dila.

Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya ang likod nito.

Pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa kanyang titig. Tiningnan kong muli ang mga letra sa chocolates.

WILL YOU BE MINE?

Marahan akong tumango.

"What... does that mean?" Excited niyang tanong.

"Yes... tayo na."

Napakagat ako sa labi nang tumayo siya at mahigpit akong niyakap.

Continue Reading

You'll Also Like

71.1K 3.1K 34
"I will always leave a trace to remember my way back to you."- Kael Valdez [ BOOK PUBLISHED UNDER B&B PRINTING SERVICE ]
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
242K 6.1K 43
C O M P L E T E D Chances are not for having a happy ending, but for having a rightful ending.