Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 18

70.1K 2.1K 172
By sweet_aria

Chapter 18

The pictures of us laughing and doing such memorable things came rushing inside my head.

Marahan kong itinulak si Gio. Sinapo niya ang aking batok at mahigpit akong niyakap.

"Tamiya... I love you so much." Bulong niya sa aking tenga.

Kinagat ko ang aking labi at kumalas sa yakap niya. Shit, what did I do?

Walang salita akong tumayo. Patakbo akong umalis sa lugar na iyon at dumiretso sa CR. Itinuon ko ang aking dalawang kamay sa lavatory at tumingin sa salamin.

Tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Nanginginig ang mga kamay kong sinagot ito nang makita kung sino ang tumatawag.

"A-altamirano..."

"Sorry for not calling you earlier. Have you eaten your breakfast?"

Hindi ako nakasagot.

"Dela Vega..."

"K-kailangan mo pa ba talagang malaman ang tungkol sa mga simpleng bagay na 'yan? It's not your responsibility to guard, watch or even know what I do -"

"What are you saying? I'm courting you." Aniya na para bang hindi ko iyon alam.

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Pilit kong iwinawaksi sa isip ang nangyari sa amin ni Gio.

Kinalma ko ang sarili bago muling ibuka ang bibig. "I-ikaw... kumain ka na?"

"Yes."

Batid ko ang pagkunot ng kanyang noo sa kabilang linya.

"Anyway, baka sa friday na ako makarating. May kung anu-ano pang ginagawa si kuya Greco sa akin."

"It's okay. It's better to be sure than to assume that nothing's serious. Your head hit that rock." Napapikit ako nang maalala ang nangyari.

Nag-usap pa kami hanggang sa ako na ang nagbaba ng tawag. Dumating na kasi si Dr. Greco, ngunit ayaw pa niyang magbaba.

Nang mag huwebes ay hindi pa rin ako mapakali, lalo na nang dumating ang oras ni Gio. Lumalapit siya sa akin ngunit hindi ko siya pinagtutuunan ng pansin. Kinakain ako ng konsensya dahil sa ginawa ko noong isang araw. Hindi ko dapat ginawa iyon!

"Okay lang ba na ako ang maghatid sa'yo mamaya pag-uwi?"

Nakatungo siyang muli sa aking papel at nagkukunwaring tinitignan ang aking mga sagot. After the discussion was the quiz. Ganito ang lagi niyang ginagawa na kinasanayan na namin.

Ibinaba ko ang ballpen at ibinigay sa kanya ang aking papel. Tumayo ako at walang sabi-sabing lumabas ng classroom.

"Hey Tami, where have you been? Hinahanap ka ng ibang teachers. Ba't di ka na pumasok after sir Hajas?"

Tanong ni Shiela, isa sa mga kaklase kong babae. Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa room para kuhanin ang aking gamit. Nagtatanong ang mga mata ng mga pinsan ko nang makita ako.

"Tami..."

Umupo ako sa aking upuan at pinagmasdan sila na naghahanda na pag-alis.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Dagdag ni Jem.

"Hindi pa. I'll wait for Boyd. Papunta pa lang daw siya."

"Okay, call us if you're already home." Paalam ni Camilla. Humalik siya sa aking pisngi at ganoon din si Jemimah.

Ako na lang mag-isa nang tumunog ang aking cellphone. Sinagot ko ito.

"Hello, Altamirano?"

"Miss me?" Bungad niya.

Umiling ako at tipid na napangiti. Naalala ko na ngayon nga pala ang kanyang balik. "What time ka darating?"

"Secret." Mahina siyang tumawa.

Tumango ako at natahimik.

Tumikhim siya. "Ang tahimik mo."

"Hindi naman ako madaldal tulad mo." Tugon ko.

"FYI, I'm not motormouthed-"

"Uwi ka na. G-gusto na kitang makita." Napakagat ako sa labi dahil sa lumabas sa aking bibig. Agad kong binaba ang tawag at mariing napapikit.

Ilang minuto pa lang ang nagdaaan nang muling tumunog ang aking cellphone. Muli ko itong sinagot.

"Hello..."

"Ang ganda mo talaga."

Napalunok ako sa pambungad niyang mga salita.

Pinilit kong tumawa. "I'm... always beautiful."

"Yeah. Kaya nga nagmamadali akong umuwi. Gusto na rin kasi talaga kitang makita." Halata sa boses niya ang pang-aasar.

"Wag mong seryosohin ang sinabi ko kanina. I was just joking." Pagbawi ko.

"Talaga? Paano kung sabihin kong nandito na ako."

"Saan?" Mabilis kong tanong. Luminga-linga ako pero hindi ko siya nakita.

"Nagbibiro lang pala ha?"

Napairap ako dahil sa sinabi niya at sa aking naging reaksyon. Lumabas ako ng room at ganun na lang ang aking gulat nang mula sa tagiliran ay may sumulpot na bouquet ng kulay pulang mga rosas. Sa kabila niyang kamay ay limang kahon na korteng puso ng paborito kong chocolate.

"Now tell me that you don't miss me. I saw that." Mahina ngunit may pagmamalaki ang dating ng kanyang tono.

Tinignan ko ang mga dala niya at nagtagpo ang aming mga mata. Kumirot ang aking puso nang makita ang maganda niyang ngiti.

"I... already told you that I don't." Kinuha ko sa kanyang kamay ang bulaklak at inamoy ito.

Kinuha naman niya ang aking bag. Hindi ko na nagawang umangal pa.

Inakbayan niya ako. Napakagat ako sa labi nang marahan niyang halikan ang gilid ng aking noo.

May bandage pa siya sa kanyang ulo. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin maitatanggi ang kagwapuhan niyang taglay.

Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari pero hindi ko alam kung paano magsisimula.

Inakbayan niya ako. "Wanna go somewhere? I'm hungry."

Tumikhim ako. "Sure... pero okay lang ba kung hindi na ako magpalit?"

Bumaba ang tingin niya sa mga mata ko. He poked my nose using his index finger. "Wag na. Kahit ano namang suot mo maganda at sexy ka pa rin."

Kinurot ko siya sa tagiliran. Mahina siyang tumawa at muling kinalbit ang aking ilong.

"School uniform is fine. Ayoko ring mag-aksaya ka pa ng oras pagbibihis. Gusto kong makasama ka nang matagal."

Hindi ko napigil ang pagngiti. Nakababa na kami ng building at patungo na sa parking lot nang mamataan ko si Gio na may hinihintay. Malapit ang kotse ni Altamirano sa kanya kaya hindi naiwasan na makatinginan kami.

Umigting ang panga ni Gio. Nilingon ko si Altamirano at nakitang nakatingin din siya dito. Inirapan niya ito at binalingan ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok sa backseat ng kotse.

"Kuya jobert, sa bahay tayo. Nandoon ba ang papa?"

"Wala sir Fire."

"I thought we're going to eat?" Tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako at tumango. "Oo. Pero hindi na sa labas. Baka sundan pa tayo ni tanda kaya sa bahay na lang tayo." Binuksan niya ang isang kahon ng ferrero. Kumuha siya ng isa at inalis ang balat nito. Inilapit niya ito sa aking bibig.

Inilayo ko ang sarili. "What are you doing?"

"Don't let me state the obvious." Umikot ang kanyang mga mata at mas idinikit pa ang chocolate sa aking labi.

Napatingin ako sa mga daliri niyang lumapat din dito. Marahan kong ibinuka ang bibig at kumagat. Isinubo niya ang natira ko maging ang mga daliri niyang dumikit sa aking labi.

"Ang sarap palang kumain ng chocolate 'pag may kasalo." Aniya.

Ngumuya ako at pinilit mag-iwas ng tingin. Nang lingunin ko siya ay may ngiting nakapaskil sa kanyang labi. Ngumuso ako, muli niyang kinalbit ang aking ilong.

"Don't pout. You're already beautiful."

Naiiling akong ngumiti. "I thought you're going to say that I'm cute."

"That adjective doesn't suit you. You're too beautiful to be cute."

"Ah yes! Extremity of words, sir." Biro ko. "Balak mo bang kumuha ng education? Then you'll major in English?"

"Pwede. Kung magbabalak ka ring umulit ng high school para maging estudyante ko."

Hinampas ko siya sa balikat. Mahina siyang tumawa at muling nagbukas ng tsokolate.

"Ang dami mong binili. Maghihirap ka niyan." Pagpansin ko sa limang box na binili niya.

"That won't happen. Maghihirap lang ako kapag nawala ka sa akin."

"Huh?"

"You're my wealth, Dela Vega." Seryoso niyang sabi.

Hinintay ko na may idugtong pa siya o kaya ay magsabi ng 'joke' ngunit wala. Patuloy niya akong sinubuan. Namalayan ko na lang ang sarili na napatitig sa kanya.

Nag-iwas lang ako ng tingin nang magpakita sa kanyang mga labi ang isang nang-uuyam na ngiti.

"Nga pala... 'yung doctor na tumingin sa'yo, is he a relative?" Tanong ko para ma-idivert ang kanyang atensyon palayo sa akin.

Tumango siya habang ngumunguya. "He's a cousin. Dr. Greco Altamirano."

"Oh!" I said in awe. "Kaya pala gwapo."

"What did you say?"

"Sabi ko... kaya pala gwapo."

Umirap siya at muling kumuha ng chocolate. Padabog niya itong inilapit sa aking bibig.

Tinanggap ko naman ito at nginuya.

"Don't know how to get the indirect." Bulong niya.

"What are you murmuring?" Tanong ko.

"Slow!" Umiwas siya ng tingin.

Ngumisi ako at kinuha sa kanya ang bukas na box ng chocolate. Ako naman ang gumawa ng kanina niyang ginagawa ngunit hindi na niya ako pinansin.

Nakarating kami sa kanilang bahay ngunit hindi pa rin niya ako kinikibo. Hindi na ako nagtaka sa laki at ganda nito. Dumiretso kami sa kusina at may ilang putahe ng ulam at sweet course ang nakahanda sa mesa.

Pinag-usod niya ako ng upuan. "Give me your bag."

"Okay..." Ibinigay ko ang bag, hindi ko na kasi ito pinadala sa kanya noong papasok kami rito.

Nang bumalik siya ay nagsimula kaming kumain. Humiwa ako sa steak sa aking plato at inilapit ito sa kanyang bibig.

Hindi niya ito pinansin. Tumayo ako at dinala ang plato palapit sa kanya.

Tumaas ang kanyang kilay. Inilapit ko ang daliri dito at ako na mismo ang nagbaba.

"Taste it. It's delicious." Napansin ko kasing hindi siya kumuha nito.

Sa wakas ay sinunod naman niya ngunit hindi pa rin nagsalita. Natapos na kami at lahat sa pagkain hanggang sa nanonood na kami sa living room ay tahimik pa rin siya.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinawagan si Phoenix.

"Hello, P!"

"Where are you, Azia?"

"You call me by my second name. Ano galit ka na? For Pete's sake P, ang tanda ko na!"

"Ang tanda? 4th year high school ka pa lang!" Halata sa boses niya ang inis. "Nasaan ka ba?"

"Kila Fire." Sagot ko.

"Tamiya..." Biglang huminahon ang kanyang boses. "Wait for me there. I'm going to fetch you."

"No need. Uuwi na rin-"

Pinatay niya ang tawag bago ko pa siya mapigil. Naiiling kong inihagis ang cellphone sa aking tabi.

"Uuwi na ako maya-maya. Susunduin ako ni Phoenix." Nilingon ko siya. "Papasok ka na bukas?"

Tumango siya. Lumapit ako sa kanya at humilig sa kanyang balikat. Tiningala ko siya at kinalbit ang kanyang ilong tulad nang madalas niyang gawin sa akin.

"You don't want my company anymore? Sabihin mo lang kasi madali naman akong kausap-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi dahil bigla niya akong niyakap. Hinaplos niya ang aking buhok.

"Tumawag sa akin si Gio kaninang umaga. Sabi niya, babawiin ka niya."

Kumunot ang aking noo.

"Wag na wag ka nang lalapit sa kanya. Wag na wag mo na siyang kakausapin kung maari lang. If it's not about school matters then please, stay away from him."

Kumalas ako sa bisig niya at nag-iwas ng tingin.

"Please..."

Tumango ako. Hinawakan niya ang aking baba at hinagilap ang aking mga mata. Pilit siyang ngumiti.

"Makasarili ako. Makasarili ako sayo. I don't want other guys go near you."

Napangiti ako dahil sa nakikitang emosyon sa kanyang mga mata. "S-sige."

Binitawan niya ang aking baba.

"Pero... ang gwapo talaga nung si Dr. Altamirano." Pag-iiba ko sa usapan dahil na rin sa gusto kong paniwalain ang sarili na nagbibiro lang siya tungkol kay Gio.

Kumunot ang kanyang noo at muling ibinalik ang mga mata sa TV. Bumalik ang lamig sa kanyang mukha.

"But you know, the guy beside me is more handsome than him. Definitely more attractive than him. How much more if this guy beside me is at the same age with that doctor?" Tumayo ako at tinalikuran siya. Ramdam ko ang mabilis na pag-iinit ng aking mukha.

"What did you say?"

Umiling ako. "Uuwi na ako-"

"You told me that Phoenix would fetch you."

"Ah... there are taxis outside."

Naramdaman ko ang kanyang pagtayo. Lumunok ako nang maramdaman ang hininga niya malapit sa aking batok.

"Stop it... Altamirano. I won't repeat what I said. Ginawa ko lang iyon para ngumiti ka naman. K-kanina ka pa nakasimangot eh."

"Oh really? Then why is my girl stuttering again?"

"H-hindi ah!" Hinarap ko siya at hindi inakala na magiging sobrang lapit ng aming mga mukha.

Napatingin ako sa kanyang labi. Lumunok siya. Itinikom ko ang mga kamay nang hawakan niya ang magkabila kong baywang.

"P-phoenix will come anytime... their house is not that far from here." Napagtanto ko iyon kanina habang patungo kami rito. Malapit lang ang La Dolce Vita Village sa village na ito. "Altamirano..."

"Why are you so beautiful? What are you doing to me? Why are you capable of making me feel so tensed like this? I want to kiss your lips even if I promised not to. I want you to be in my arms as if you're already mine." Idinikit niya ang noo sa aking noo at hinaplos ang ibaba kong labi. "Gustung-gusto kita, Dela Vega. I'm getting possessive. I'm acting strange. I was not like this before. Hindi ako ganito kay Forrah. Sa'yo lang ako ganito."

Lumunok ako. Tila nalulunod ako sa ginagawa niyang pagtitig sa akin.

"Altamirano..." Hindi ko alam ang sasabihin.

Ipinikit niya ang mga mata at umiling. Ang daliri niyang humaplos sa aking labi ay idinikit rin niya sa kanyang labi.

Kakaiba ang naging reaksyon ng aking dibdib. Tila nanghina ang tuhod ko ngunit tinatagan ko ang sarili.

"For now, I need to be satisfied with our indirect kisses. Basta... sa oras na maging akin ka, wala ka nang kawala. Kapag hinalikan kita, wala ka nang karapatang tumanggi. Kapag hinawakan ko ang kamay mo, wala ka nang karapatang bumitiw. At ang mga lalaking may gusto at magkakagusto pa sa'yo, sisiguraduhin kong makararamdam ng inggit. Kasi ako... ako ang nagmamay-ari sayo."

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
36.1K 832 27
Serano #1 (Completed) The sadness of Bullet It's really for me; I bet Is this what I get? I wish we didn't met Bullet of Pain How can I restart...
37.7K 344 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
3.5K 60 14
"She is a walking heart breaker and I, Alessio, let her break me into pieces, shattered completely." ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ข ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ฆ #๐Ÿฑ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ ๐—Ÿ...