RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PU...

By blackpearled

9.7M 214K 45.1K

Lorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil... More

TO BREAK AN AFFAIR
FOREWORD
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
EPILOGUE
NOTE

TWENTY NINE

143K 3.6K 334
By blackpearled

        Sinamahan ako ni Lauris sa condo. Halata niya ang labis na pamamaga ng mga mata ko at pamumula ng aking ilong kaya agad na niya akong inuwi rito.

Hirap na akong makatulog mag-isa. Kung dahil ito sa mga nangyari then it's understandable. This just needs a getting used to. Sana lang ay panandalian lang.

"Yes manang, dalhan mo na rin ng pagkain baka hindi pa nakakain si dad. Matagal pa bago sila makauwi sa bahay, kayo po muna bahala diyan."

Kausap ng kapatid ko si manang sa cellphone. Pagod akong nakaratay sa kama ko habang pinapanood siyang nagpalakad-lakad animo'y nangangati ang paa niya.

"Sige po, thank you po."

May tinitipa pa siya bago sinilid ang phone sa kanyang bulsa. Nilingon niya ako.

"Anong gusto mong kainin?" untag niya.

Umiling ako. Mapait ang nalalasahan ko sa dila ko kahit uminom na ako ng tubig.

"I know you're still hurting, Lory. But you have to eat. Nakakabawas sa sakit 'yung pagkain." Nagpakawala siya ng mahinang tawa.

Tipid akong ngumiti. He's trying to make me laugh.

"Wala talaga akong gana. Ikaw nalang kumain." Garalgal ang aking boses.

Suko siyang bumuntong hininga. Matagal pa niya akong tinignan bago siya lumabas ng kwarto. Rinig ko ang mga pagkilos niya sa kusina.

Umiba ako ng posisyon sa paghiga dahil nangangalay na ang aking braso. Ngayong nakadapa na ako ay mas ramdam ko ang pag-sikip ng aking dibdib. Inabot ko ang aking cellphone na kanina ko pa inaabangan ang pag-tunog. I'm waiting for tita's call. Sana lang hindi niya nakalimutan ang sinabi ko sa kanya kanina.

Hindi ko nasabihan sina Lila at Jezreel sa mga nangyayari. I'm waiting for my own nerves to calm down. At isa pa hindi ko pa yata kayang makipag-socialize ngayon.

Maybe I have to try and get out, baka sakaling mag-iba ang mood ko't bigla nalang mag-ayang mag-bar, which is very inappropriate basing from the situation right now.

Kinabukasan ay sumama ulit ako kay Lauris sa DC. Nagkaroon ako ng sariling orientation sa building premises dahil marami na ang mga nagbago. It's also my own way of distraction kaya sinali ko na ang mga pagtanong sa mga pamamalakad dito.

Sinimulan na akong ipakilala sa mga empleyado. May iba na pamilyar na sa 'kin, ang iba naman—'yong mga bagong hire at hindi ako masyadong kilala dahil bilang lang ang mga araw na nakapunta ako rito—ay ngayon lang alam na anak ako ng may-ari.

Nakasalubong namin ang mga naghahalakhakang mga lalake at kabilang doon si Zavid. Dahan-dahang naglaho ang ingay nila nang makita nila kami. Nabaling ang kanilang atensyon sa kapatid ko saka sila nag-usap tungkol sa isa na namang proyekto.

Lumapit sa'kin si Zavid at ngumiti. Sa palagay ko ay walang pormal na tuldok ang pinag-usapan namin kahapon, pero sapat na rin naman ang nalaman ko kaya wala na siguro akong dapat alamin pa mula sa kanya.

"Madalas ka na yatang tumatambay dito sa DC. May renovation bang nagaganap sa kompanya niyo?" biro ko sa kanya.

Malakas siyang humalakhak. Nahawa ako kaya napangiti lang din ako. I need this. Ito ang distraction na kailangan ko.

"Nakipag-meet lang ako sa isa sa mga engineers niyo. It's about the pending project. May adjustments kasi sa blueprint," aniya, halata pa rin ang aliw sa mga mata. Zavid's downturned eyes are expressive.

"How are you, Lory?" bigla niyang tanong.

"Kakakita lang natin kahapon." Mahina akong natawa.

Naglaho ang kanyang ngiti at naging seryoso siya bigla. "Yeah. But how are you, really? You know what I'm talking about."

I find it unusual for him to ask me about this. But for what it's worth, gumaan ang pakiramdam ko sa pagiging concern niya.

Bago ko pa 'yon masagot ay tinawag ako ng lalakeng sekretarya ni daddy. I forgot his name. I think it's Tobias?

"Mr. Verduzco wants to talk to you, ma'am."

Nag-igting ang tenga ko pagkabanggit niya sa apelidong pilit kong iniiwasan. Hindi pa siya nadala sa nangyari kahapon? Kung nandito lang si daddy baka lahat ng bodyguards dito ay uutusan niyang bugbugin si Rouge!

Nahalata ko ang takot ng sekretarya dahil sa pag-iibang anyo ko. Napaayos siya sa kanyang makapal na glasses saka yumuko.

"Sinong nagpapasok sa kanya sa building?" umani ng atensyon ang galit kong tanong. Natahimik ang mga pag-uusap at mabilis akong nilapitan ni Lauris. Humawak si Zavid sa braso ko kasabay ang mahinahon niyang sita.

"M-ma'am Lory—"

"He's not allowed in the DC premises. Call the guards! Now!"

Natahimik ang buong palapag sa sigaw ko. Kinakalma na ako nina Lauris at Zavid. Galit man ay nakaramdam pa rin ako ng awa sa sekretarya ni dad na ngayo'y nanginginig na sa kaba. Sa natutunghayan nila ngayon I'm sure wala nang mag-aaplay bilang sekretarya ko. 

"P-pero kasi ma'am—"

"Ms. Dreyfus."

Mababa ngunit malumanay na pamilyar na boses ang nagpakalma sa mabilis kong hininga. Kaagad akong nilamon ng hiya nang makita si Sir Herman na may pag-aalinlangan pa kaming nilapitan. Nagbigay daan si Tobias—o kung ano mang pangalan niya—sa bagong dating.

"S-sir Herman. S-sorry I thought..." napatakip ako sa 'king mukha. Damn it Lorelei! Iyan! Iyan ang napala mo!

"Go back to work!" atas ni Lauris sa nagsitahimikang mga empleyado.

"I'm here to talk about the warehouse project, and if you don't mind, kayo ng kapatid mo ang haharapin ko as your father's representative of the company."

Malalim akong huminga kasabay ang pag-alis ng kamay ko sa'king mukha. Tumango ako, halos hindi ako makatingin sa kanya.

"Sure sir," ani ni Lauris.

Nauna kaming tumungo sa conference room kasunod si Sir Herman sa likod. Hindi pa ako maka-get over sa pagkapahiya ko sa sarili. I kept a straight face para hindi babalakin ng isa manlang na empleyado na pagtawanan ako.  I've had enough bruising of my pride.

Mahigpit akong inakbayan ni Lauris at nilapit ang bibig sa 'king tenga. "Please town down your temper, Lorelei. Hindi lahat ng may apelyiedong Verduzco ay si Rouge."

Wala akong naisagot sa kanya. I know, okay? Don't have to remind me. Lesson learned.

Hindi kalakihan ang conference room dahil minsan lang naman ito pinagme-meetingan ng mga kliyente. Karamihan mga engineers ang mga pumupunta rito at isa o dalawang clients lang. At isa pa, hindi dito nagaganap ang mga board meetings.

Magkatabi kami ni Lauris sa upuan samantalang kaharap namin si Sir Herman. I prefer calling him that way rather than Mr. Verduzco. Ibang tao kasi ang pumapasok sa isip ko.

"Lorelei...Mr. Lauris..." panimula niya, "I'll skip the tautologies. Maiintindihan ko kung bibitaw kayo sa proyekto. Nakausap ko ang anak ko, and...upon knowing what really happened, I've pondered that maybe it would be for the best if—"

"No, Sir. Hindi po kami bibitaw. We don't want to be unprofessional," agaran kong sabi.

Alam ko na kung saan papunta ang usapan na 'to. But I appreciate Sir Herman's effort to talk to us about this, though. That just shows something about his personality. Sana minana ni Rouge ang katangiang ito sa kanya.

"Our father thought so, too. Ako ang nagpasya na mag-pull out kami bilang contractor sa  RV but the vote of my decision was being outnumbered by the both of them," dagdag ni Lauris.

Nasurpresa ako sa sinabi niya. Dad said no?

May pag-intinding tumango si Sir Herman. "I won't see to this as unprofessional. May kasalanan ang anak ko sa pamilya niyo, ako na ang humihingi ng dispensa. If we keep this connection of the two companies, certain unfortunate circumstances might happen. Hindi maiiwasan 'yon. We won't really know what lies ahead. Don't worry, we won't sue the company."

"Wala po kayong kinalaman sa nagawa ng anak niyo, Sir. Your son's doing is your son's own doing and not yours, kaya hindi namin idadamay ang kompanya niyo. Ano nalang po ang iisipin ng iba kapag nalaman nilang bumitaw kami, we can't state the real reason why. Maliban sa isa itong personal na rason, it would upraise a much bigger issue more than it already was," ani ko.

"I get your point. And I do agree with you. Although pasan ko pa rin ang naging kasalanan ng anak ko. I admit, nagkulang ako sa kanya because most of his life, his mother was the one who's always been with him. But never had I ever taught him to commit that sin he just did."

Hindi ko alam kung paano nangyaring bigla nalang lumambot ang puso ko sa sinabi ni Sir Herman. Pero bakit yung iba kahit na nagkulang ang magulang nila ay hindi naman nito nagagawa ang ganitong kahibangan? So it's not his father's fault.

Nadamay lang siya dahil ama siya ng may sala. Nakatatak na sa paghuhusga natin na magrereplika ang gawain ng anak base sa kung ano ang naituro ng magulang. Yet there are other factors that could influence the person in doing such deed.

So no, this is neither his father's fault, nor his mother's. This is solely on Rouge.

"May magagawa ba ako para pambawi sa nagawa ng anak ko? Perhaps, I could increase the amount of the payment for this project ten times than the original amount."

Malakas na napasinghap si Lauris sa tabi ko. I don't know if there's a hidden emotion behind it, but I didn't bother to find out.

Ako nama'y nagimbal rin. The amount is more than a million at kung multiplikahin pa 'yon, mabubuhay na ako kahit hindi magtrabaho ng limang taon!

Yet, this company might have been built to provide enough needs for the family of the employees and the employees themselves, hindi pa rin nagtatapos sa pera ang usapan. We have to stay intact with our dignity. His offering to us is not really an insult. Siyempre apektado lang siya sa nagawa ng kanyang anak. But this is really uncalled for.

Umayos ako ng upo at bumuntong hininga.

"The cost of the whole construction remains the same, Sir. Any amount won't compensate for the damages that your son has done," sabi ko.

Tipid siyang ngumiti.  Ako ang nakaramdam ng guilt sa kanya. He can't even lift up his smile fully katulad noong huli naming pag-uusap. He's a very smiling man. Now, what happened?

"I understand. Kung hihingin ko ulit ang serbisyo niyo, sana sa oras na 'yon wala nang alitan sa pagitan niyo at ng anak ko. I'm hoping for peace between the two companies. I admire your professionalism. The company's professionalism in general. And Ms. Dreyfus," nanatili ang kanyang mga mata sa 'kin, "to be honest, I like you for my son. It is so unfortunate for him to do this to your family and I am very very sorry."

Ramdam ko ang kanyang sinseridad. Hindi ang katuald ni Sir Herman ang gagawa ng isang bagay na ginawa ng anak niya. Kahit hindi niya kailangang humingi ng tawad, tinanggap pa rin namin 'yon.

Umalis na siya pagkatapos ng aming maikling pagpapanayam. May kinausap muna ang kapatid kong engineer na may mahalagang posisyon sa DC bago kami pumunta sa ospital.

Hindi ako nakibalita sa kalagayan ni Antonia o ng nasa sinapupunan niya. I'm not interested. I just wish them well, that's all.

As for dad, of course I still care. Pero maiiyak lamang ako kapag makita ko siya kaya si Lauris lang ang pumasok sa kwarto.

"Hey."

Hindi ko inasahan na makita si Chaucer at tumabi pa sa 'kin dito sa pader na sinandalan ko. Payapa ang buong palapag na 'to ng ospital maliban sa mga palakad-lakad na mga nurses at pagbubukas sa kanilang mga clipboards.

"Kung concern ang kaibigan mo sa kanya, she's inside." Balewala kong sabi bago nagpanggap na may binabasa sa cellphone ko.

Because the last thing that I want to encounter is anything that reminds me of Rouge. Last na 'yong pagkikita namin ng ama niya.

"Rouge was admitted yesterday," pahayag ni Chaucer.

Doon ako naalarma't mabilis na napalingon sa kanya. Nagawa pang habulin ni Rouge ang kotse ni Lauris kahapon a? What made him being admitted? Wala rin namang binanggit ang ama niya kanina.

"You're trolling me," akusa ko.

"I'm not. See him for yourself. Samahan pa kita sa kwarto niya." His face is grim. I've never seen him like this.

Knowing Chaucer, if he's serious, he is serious. Hindi siya nagbibiro na seryoso ang mukha. He jokes with an already shit eating grin on his face. And now he shows nothing even a ghost of a smile.

"Is he awake?" mahina kong tanong.

Tinanggal niya ang kamay sa bulsa saka humalukiphip. "Tinurukan siya ng sedative. He was agitated, we couldn't calm him down. And..." Mabigat siyang bumuntong hininga saka ako nilingon, "he's been looking for you."

Tumalikod na ako at naglakad palayo. I don't need to hear this! I am angry at him at hindi dapat mapawi 'yon sa simpleng pahayag lamang na hinahanap niya ako. For what? To lie again? To ask for my forgiveness? I can give him that pero hindi ngayon. Hindi ko pa kusang loob na maibibigay 'yon!

"I hope you'll forgive him sooner, Lory. Wala pa siyang sinabi sa nangyari but I know it involves you. One thing I am so sure of is Rouge is serious when it comes to you."

Huminto ako at hinarap siya. Matigas ko siyang tinitigan.  For sure it's their bro code dominating again.

"Sana pinanindigan 'yan ng kaibigan mo bago niya binuntis ang ibang babae." Mariin kong sabi bago siya tuluyang iniwan sa hallway.

Sa labas ng ospital na ako ginhawang napahinga, animo'y naglabas ako ng maitim na hangin galing sa baga ko. Ayoko nang bumalik sa loob at baka ako naman ang ma-admit dahil kinapos ng hangin. God, it's so suffocating! 

Alam kaya ni dad? Kaya ba na-ospital si Rouge ay dahil pinabugbog niya ulit?

Tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong tinignan at rumehistro ang pangalan ni tita Angela kaya agad kong sinagot. Finally! This call is what I've been waiting for.

"Yes, tita?"

"Lory, my flight is tomorrow at two thirty in the morning. Nagpa-reserve ako ng seat para sa 'yo para sabay na tayo if ever sasama ka. Have you decided, yet?"

Bago pa man ang tawag ay may pinalidad na ang desisiyon ko. I've been thinking about it the whole night, at hiningi ko rin ang payo ni Lauris ukol dito.

"Thanks tita Anj. And yes, I have decided."

Continue Reading

You'll Also Like

440K 8.8K 43
Chandria Clara Contreras who seeks for the love of her father. Habang nasa proseso siya ng pakikipagkita sa kanyang Ama, iba ang nakita niya. A man w...
9.3K 217 36
Milan Nathalie Parker x Travis Avellaneda LAST INSTALLMENT FOR VARSITIES SERIES DATE STARTED: January 11, 2022. 8:47 PM DATE ENDED: April 16, 2022. 6...
15.4K 144 37
Addieson Del Valle x Zach Kiel Suarez THIRD INSTALLMENT OF VARSITIES SERIES. DATE STARTED: January 14, 2021. 5:26 PM DATE ENDED: April 07, 2021. 9:42...
49.6K 3.1K 44
𝐼𝐼 | Feeling the surging passion of being in love... just like the first day of spring where you feel like everything is positive and exciting... W...