Hey Sir! I Love You! (FINISHE...

By Psychedeliiic

832K 16.2K 1K

Eh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physic... More

P R O L O G U E
C h a p t e r (o1)
C h a p t e r (o2)
C h a p t e r (o3)
C h a p t e r (o4)
C h a p t e r (o5)
C h a p t e r (o6)
C h a p t e r (o7)
C h a p t e r (o8)
C h a p t e r (o9)
C h a p t e r (1o)
C h a p t e r (11)
C h a p t e r (12)
C h a p t e r (13)
C h a p t e r (14)
C h a p t e r (15)
C h a p t e r (16)
C h a p t e r (17)
C h a p t e r (18)
C h a p t e r (19)
C h a p t e r (2o)
C h a p t e r (21)
C h a p t e r (22)
C h a p t e r (24)
C h a p t e r (25)
C h a p t e r (26)
C h a p t e r (27)
C h a p t e r (28)
C h a p t e r (29)
C h a p t e r (3o)
C h a p t e r (31)
C h a p t e r (32)
C h a p t e r (33)
C h a p t e r (34)
C h a p t e r (35)
C h a p t e r (36)
C h a p t e r (37)
C h a p t e r (38)
C h a p t e r (39)
C h a p t e r (40)
C h a p t e r (41)
C h a p t e r (42)
C h a p t e r (43)
C h a p t e r (44)
C h a p t e r (45)
C h a p t e r (46)
C h a p t e r (47)
C h a p t e r (48)
C h a p t e r (49)
C h a p t e r (5o)
C h a p t e r (51)
C h a p t e r (52)
C h a p t e r (53)
C h a p t e r (54)
C h a p t e r (55)
C h a p t e r (56)
C h a p t e r (57)
C h a p t e r (58)
C h a p t e r (59)
E P I L O G U E

C h a p t e r (23)

12.7K 258 9
By Psychedeliiic

C h a p t e r (Twenty Three)

Nakakatakot maging sobrang saya kasi baka bukas hindi na. Pero siguro habang nandiyan pa, samantalahin nalang muna.

Teka, bakit ko nga ba naisip yun? Wala lang, ang saya ko lang kasi nitong mga nakaraang araw at natatakot ako na baka mawala yun sa isang iglap lang.

Ay ano bayan! Bakit ba ganyan ang mga pinag-iisip mo Shara Mae?! Umayos ka nga!

Nakangiti lang ako habang naglalakad sa hallway. Siyempre, alam niyo na. Mehehe. Dinukot ko yung phone ko sa bulsa tsaka in-on. Kakafull charge lang kanina simula nang malowbatt siya nung Friday. Mehehe. Mahal ko masyado cellphone ko eh!

Nagulat nalang ako ng magsulputan sa screen ang 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11… 11 messages! Sorry naman kung nagulat ako ah! Hindi naman kasi ako mahilig magcellphone kaya nakakagulat  talaga na may ganito karami akong text na narereceive.

Binuksan ko at karamihan ay puro kay Geoff baklito at yung dalawa naman ay galing sa unknown number. Luh, sino to? Tapos yung isa naman ay 50 pesos load. Hala sinong mabuting nilalang at nagpaload sakin?

Mamaya ko na nga lang iintindihin yun. Binuksan ko nalang yung mga messages na galing kay baklits.

Hoy! Ba’t ka absent?

Uso magreply!

Itapon mo na nga yang cellphone mo!

….

So hindi ka talaga magrereply?

Siguro may ginagawa kayong kababalagahan ni Sir, no?!

 

Napatulala nalang ako sa text niyang yon. Grabeti po ang utak niya! Nakakaiyak!

Patay kna ba?

Pinaloadan na nga kita hindi kpa rin nagrereply?!

So si Geoff pala ang nagpaload sakin? Nakakatouch naman!

Yung kay unknown number naman ang inopen ko.

Hi Shara, ba’t ka absent? Rui nga pala. :)

Ok ka lng ba?

Waaah waah! Pano nalaman ni singkit ang number ko?!

Papasok na ko ng room ng mamataan ko si Geoff kaya napatigil ako. Baka maging monster yun. Shiz.

Kabaders akong lumapit papunta sa upuan ko. Huhu. Jusko! Help me!

“Hi Geoff. Hehehehe…” dahan-dahan niya namang iniangat ang tingin sakin.

“Oh. Buhay kapa pala.” Sungit naman nito!

“Oo naman! Bakit?” sabay lapag ng bag ko sa upuan.

“Tinatanong mo ko niyan kung bakit? Pagtapos mong hindi magparamdam ng tatlong araw? Ano ba kasing nangyari nung Thursday night ha? Ba’t mo bigla nalang binaba yung phone? Tapos hindi kapa nagrereply! Niloadan na wala parin!”

Huhu. I’m scared. Tulungan niyo po ako people!

“Eh kasi nalowbatt ako, kanina ko lang siya nacharge.” Tumaas naman yung kilay niya na parang hindi siya naniniwala sakin. “Oo nga! Promise!” nagala-panatang makabayan pa ko.

“Seriously Shara, tapon mo nalang yung cellphone mo.”

“Oy grabe naman! May silbi pa naman tong cellphone ko no! Pinanglalaro ko kaya to minsan!”

Umirap na naman siya. “Oh ba’t ka naman absent?”

“Nagkasakit kasi ako.” Namula naman ako ng maalalang yun rin pala ang araw na naging kami ni Jace. Shiz.

“Talaga?” ayan na naman siya. Sa inis ko binatukan ko na. Kaasar eh!

Kainis ah! Lahat nalang ng sasabihin ko pinagdududahan!”

“Eh kasi naman. Naiinis ako sayo. Nasayang lang pinaload ko sayo!”

“Wag kana mag-alala! Ok naman na ako eh! Tsaka yung pinaload mo? Yaan mo na yun! Isipin mo nalang na pinagpapala ang mga mabuting bata? Mehehe.”

“Nag-alala? Ha! In your dreams!” ayan na naman po siya sa kanyang walang humpay na roll eyes.

“Asus! Kunwari pa siya oh! Nakakatouch naman!” tinusok tusok ko siya sa tagiliran. Kunwari pa to! Hahahaha!

“Ano ba Shara!”

 

“Shara?” natigilan kami pareho nang marinig si Rui na nasa likod ko na pala.

“Uy Rui! Kanina ka pa?”

Ngumiti siya kaya medyo nawala na naman yung mata niya. “Hindi naman. Natanggap mo text ko?”

“Ah! Oo! Kaninang umaga ko lang siya nabasa! Lowbatt kase eh. Sorry pala di ako nakapagreply ah!”

“Ok lang. Anong nangyari sayo, ba’t ka absent nung Friday?” inilagay niya narin yung bag niya sa tabi ng upuan ko.

“Nagkasakit ako eh.”

“Talaga?” nagulat nalang ako ng bigla niyang hipuin ang noo ko kaya medyo napalayo ako.

“Umayos na kayo, andiyan na si Sir.” Mahinang sabi ni baklito kaya umayos na kami. Dun ko napansing andami na nga naming classmate ang nandon at tinitingnan nila kami ni Rui ng may kakaibang ngiti. Weird.

Shiz! Physics na pala ulit!

Teka, bakit ganyan na naman ang aura niya? Nakakatakot na naman. Akala ko pa naman magiging maganda na ang aura niya. Hays.

“Uh-oh, I smell trouble.” Narinig kong bulong ni Geoff.

Trouble? Bakit naman kaya? Hala! Hindi niya naman siguro nakita yung kanina no?!

Pero… ano naman kung nakita niya?! Wala naman akong ginagawang masama ah! Nagulat nga din ako diba?! Ahhhhh ano ba naman to?! Hindi naman seloso si Jace diba?

Hindi nga ba?

“Ms.Valle…”

“P-po?!” muntik pa kong mapatalon sa upuan ko. Nakakagulat naman kasi!

“Here’s the result of your Physics exam.” Oo nga pala! Hindi niya pa pala pinapakita sakin yung mismong result! Ang sabi lang niya mataas daw at 92 yung score. Sana naman totoo!

Tumayo na ko at lumapit papunta kay Jace I mean kay Sir (since nasa school naman kami, Sir muna!) para kunin yung test paper.

“Congrats dahil nag-improve ka Ms.Valle.” at nagsmirk siya. Shiiiiz! Bakit ba feeling ko namumula ako?!

“T-thank you Sir.” Dali-dali akong naglakad papunta sa upuan ko pero shiz lang! May nakaharang palang paa kaya medyo natisod ako. Nagtawanan tuloy yung mga classmates ko.

Kainis! Nakakahiya!

“Yung paa naman kasi pare diba?” si Rui yung nagsalita tsaka ko inlalayan pabalik sa upuan. Hindi ko alam kung bakit niya ko inalalayan eh kaya ko namang maglakad talaga mag-isa.

“Tingin tingin din kasi sa daan pag may time.” –Baklito

“Oo nga Shara. Ba’t kaba nagmamadali?”

“Ahehe. Excited lang ako makita score ko. Hehe.” Palusot.com, Shara.

“Ano palang score mo at cinograts kapa ni Sir?”

“92. Mehehe.”

“Naks naman! Improving nga! Parang dati lang 3 ka sa quiz ah! Hahaha.” tukso ni Geoff. “Sino tutor mo?” nag-init na naman ang pisngi ko ng magets ko ang ibig niyang sabihin kung tama nga hinala ko.

“Sariling sikap to no!” depensa ko naman.

“Talaga lang ha?” tsaka siya kumindat.

At dahil gusto kong bawian itong si Geoff… “Oy Geoff, bakit wala si Skye?”

“Bakit mo sakin tinatanong? Andiyan yung kapatid sakin mo itatanong?”

“Eh diba friends na naman kayo?” kulang nalang ay tawanan ko siya. Bumaling nalang ako kay Rui. Baka kasi masapak ako ni Geoff. Mahirap na.  “Bakit wala si Skye?”

“Dumaan lang sa clinic saglit. Babalik na din yun.”

“Anong ginawa niya dun?” nakataas-kilay na tanong ni baklito.

“Humingi ng gamot. Inuubo eh.”

“Ay, walang pambili ng gamot?” siniko ko nga! Grabe eh!

“Makinig na nga lang tayo!”

“Naks naman Shara. Ikaw ba yan?”

Napairap nalang din ako at tiningnan ang test paper ko. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong tingnan din yung likod ng paper pero may nabasa ako. Hindi siya madaling mapansin dahil nasa pinakasulok at ang liit pa ng sulat pero malinaw naman ang mata ko kaya nabasa ko parin.

“I am… territorial?”

 

Pakisali na rin ang smiley na nakawink.

***

Sorry kung ngayon lang nakapagUD at sabawness pa. HAHAHA. </3

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
695K 2.7K 5
Arranged Marriage, uso 'yan ngayon. Eh paano kung ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal at isa pa playboy sya. Laging may inu uwing babae sa bahay...
276K 10.2K 63
May mga bagay na nagbabago dahil sa unang halik. Kahit sinadya man 'to, o aksidente lamang, babaguhin nito ang takbo ng 'yong buhay. Kung nagha...
176K 5.9K 48
Copyright © 2015 All rights reserved. @kai_sarah Si Kailee ay isang dakilang stalker ni Mico - ang pinakasikat, pinakagwapo at pinaka-cool na dancer...