Don't Play With Fire (Publish...

By sweet_aria

4.6M 120K 11.9K

"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate ever... More

Don't Play With Fire!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 16

72.2K 1.9K 114
By sweet_aria

Chapter 16

"O-okay." Sagot ko.

Nagpatuloy ako sa pagmamaniubra ng kabayo hanggang sa tumigil kami sa lugar kung saan maraming mga bahay. Maliit lamang ang mga ito.

Tumikhim ako. "Whose houses are those?"

"Sa mga trabahador." Bumaba siya at inalalayan ako.

Pinagmasdan ko ang mga kabahayan. Nilingon ko siya na itinatali ang kabayo sa isang puno.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Bumagsak ang mga mata ko dito at napalunok.

"If you don't want to hold hands with me, you can freely let go." Mahina niyang sabi at nagsimulang maglakad. "Inang Aiza! Tatang Justino!"

Lumabas sa unang bahay ang dalawang matanda. Napatingin ako sa mga ito na sa tingin ko ay mga sixty years old na.

Bumakas sa mukha ng mga ito ang magkahalong gulat at saya nang makita siya. Lumapit sa kanya ang matandang babae at walang pag-aalinlangan niya naman itong niyakap.

"Senyorito-"

"Fire ho, inang." Pagtatama niya. Pinakawalan niya ang matandang babae at hinaplos ang buhok nito. Tumingin siya sa akin.

Pilit akong ngumiti.

"Hijo, mabuti at napasyal ka. Hindi mo alam kung gaano ka namimiss ng mga tao dito." Lumapit sa kanya ang tatang kung tawagin niya.

Niyakap din siya nito, mahina silang tumawa.

"Talaga po? Ganun po yata talaga... sanay ho kasi ang lahat na makakita ng gwapo."

"Yabang!" Mahina at natatawa kong sabi.

Tumingin sa akin ang dalawang matanda. Natutop ko ang bibig.

"Sino ang magandang dalagitang ito, Fire?" Kunot-noong tanong ng matandang lalaki.

"Nililigawan ko po." Diretso niyang sagot.

Lumunok ako lalo na nang makita sa mukha ng mag-asawa ang pagkalito.

"Nililigawan?" Sabay pa nilang tanong.

Iniwas ko ang tingin at umayos ng tayo.

"Akala ko ba ay si Forrah ang nililigawan mo?" Bulong ng matandang babae ngunit narinig ko pa rin ito. "Hindi ba't naging kayo na? Pinakiusapan ka lang ng batang iyon na magtapos muna kayo."

"Kaya ba hindi mo kasama si Forrah, hijo?" Tanong pa ng matandang lalaki.

Narinig ko ang kanyang pagtikhim. Nagtagpo ang aming mga mata. Lumapit siya sa akin at hinawakang muli ang aking kamay. Pinisil niya ito.

"Si Forrah, busy sa pag-aaral, inang, tatang." Nilingon niya ako. "Si Tamiya Dela Vega po, katulad ng sabi ko, nililigawan ko."

Lumapit sa amin ang matandang babae. Hindi ko naman alam ang aking gagawin kaya't napabitaw ako kay Altamirano.

"Magandang bata..." Ngumiti siya.

Tila may nabunot sa aking lalamunan dahil doon.

"Taga saan ka, hija?"

"Manila." Sagot ko.

"Halatang nahihiya ang magandang dalagitang ito, Fire."

"Talk to her, she won't bite you." Bulong niya sa akin.

Tumango ako at hinarap ang matanda. I composed myself and smiled at her. Katulad ng mga napapanood ko sa TV minsan ay kinuha ko ang kanyang kamay at kahit huli na ay nagmano pa rin ako.

"Taga Manila po ako." Ulit ko. "Kaklase ko po si Altamirano pati si Forrah."

"Mabait naman palang bata."

Ngumiti ako at ginawa rin sa matandang lalaki ang pagmamano. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa ikinikilos ko.

"Hindi po ako mabait." Tugon ko sa sinabi ng matanda.

Napuno ng tawa ang aking pandinig. Tinignan ko sila isa-isa at pati si Altamirano na tumatawa rin.

"Nakatutuwa naman ang batang ito, Fire." Sabi ng matandang lalaki. "Paano mo nasabing hindi ka mabuting bata, hija?"

"Hindi ko po alam kung gugustuhin niyo pang malaman." Kibit-balikat ko.

Muli silang nagtawanan. Kahit nawi-weirduhan ako ay pinilit ko na ring tumawa.

"O sige, hindi na. Tara at pumasok sa loob. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda. Alam kong pagod kayo mula sa pangangabayo." Hinawakan ng matandang babae ang aking balikat at inakay ako papasok.

Iginala ko ang paningin at umupo sa kahoy na settee. Umupo sa tabi ko si Altamirano at ang matandang lalaki ay sa katapat naming upuan.

"Dalhin mo si Tamiya sa tree house... tiyak na mag-eenjoy siya."

"Opo. Balak ko nga po iyon."

Hindi ko pinansin ang paglapat ng kamay niya sa aking balikat.

"Are you hungry?"

Umiling ako. "Nope."

"But you'll eat okay? May pupuntahan pa tayo."

Tumango ako at tumingin sa matanda. Mabilis ko ring naiiwas ang tingin dahil sa kanyang ngiti habang nakatingin sa kamay ni Altamirano na nakalapat sa aking balikat.

Tumayo ako para maialis niya ang kamay sa akin. Pumasok ako sa gawi kung saan dumiretso ang matandang babae.

Nasa kusina ito at may niluluto. May mga kahoy sa kanyang lutuan at nakapatong dito ang kawali.

"Ano pong niluluto ninyo?" Tanong ko.

Nilingon niya ako at matamis na ngumiti. "Banana cue."

"Do you want me to help you, i-inang?" Tanong ko.

"Ayos lang ba sa'yo?"

Ngumiti ako at tumingin sa kanilang lamesa. Nakita ko ang mga sticks dito.

"Marunong ka ba hija?"

"Hindi nga po eh. Can you teach me?"

Iniaahon na niya ang mga niluluto.

"Oo naman. Kanina ko pa ito niluluto. Muntik ko nang makalimutan nang marinig ko ang boses ni Fire." Inilapag niya ang plato sa harap ko. "Maupo ka, hija."

Sinunod ko ang kanyang sinabi.

"Gagamitin mo ang pang-ipit na ito para itusok sa mga tindagan iyang mga saging."

Tumango ako.

"Dadalhan din kasi namin ng tatang ang mga trabahador. Para may meryenda sila."

"Ang bait niyo naman po." Pagpansin ko.

Mahina siyang tumawa. Nagkatinginan kami, bigla niyang hinawakan ang aking balikat.

"Bakit po kayo tumatawa?"

"Naalala ko lang ang sinabi mo kanina."

"Na hindi po ako mabait? Totoo po iyon. Madami na akong nasaktan. Madami na akong napahiyang tao. Madami na akong nasagot na matatanda. Actually, hindi ko nga po alam kung bakit parang normal na lang na gumamit ako ng 'po' sa inyo. It's kinda weird on my part but it slips out my mouth automatically." Nagkibit-balikat ako.

"Ibig mo bang sabihin ay hindi ka nanginginupo sa matatanda."

Tumango ako. "Hindi p-po."

"Pero ginagawa mo na ngayon hija."

Itinusok niya sa stick ang saging at ipinakita ito sa akin. "Nasabi mong madami ka nang nasaktang ibang tao. Sadya ka ba kung manakit?"

"Yes..."

Mahina siyang tumawa. "Magkaibang-magkaiba kayo ni Forrah." Umiling siya.

"Alam ko po. Kaya nga nagtataka ako kung bakit maayos ninyo akong pinakikitunguhan ngayon. Halata naman na gusto ninyo si Forrah para kay Altamirano-"

"Wala kaming karapatan na mangialam sa buhay ni Fire, hija. Hindi ko rin sinasabing gusto ko si Forrah o mas gusto ko siya kesa sa iyo. Nakita ko ang paglaki ng batang iyon at oo, mabuti siyang bata. Ikaw... ngayon lang kita nakita pero natutuwa na ako sa'yo. Sinasabi mong hindi maganda ang ugali mo pero hindi 'yon ang nakikita ko."

Napangiti ako at napailing dahil sa narinig.

"Lahat ng tao ay may tinatagong kabutihan. Maaaring may dahilan lang kung bakit umaasta siya na masama o may hindi magandang ugali."

Napawi ang ngiti ko. Ipinakita niya sa akin ang ginawa niya sa mga saging.

"Tama ba ako hija?"

Kinuha ko sa kanyang kamay ang pang-ipit ng saging. Ginaya ko ang kanyang ginawa.

"Bahit hindi ka makasagot?"

Umiling ako at bumuntong-hininga. Ilang segundo kaming natahimik hanggang sa kunin niya sa akin ang mga hawak ko at hinawakan ang aking kamay.

"Nakikita ko ang lungkot sa mga mata mo... may problem ka ano?"

Iniwas ko ang tingin.

"Hindi kita pipiliting magsalita pero hija, ito lang ang masasabi ko... alam kong mabuti ka-"

"Six years old ako nang marinig ko ang parents ko na nag-uusap. Sabi ni dad, kailangan daw niyang pumunta sa States. Noong mga panahong 'yun, hindi ko pa masyadong naiintindihan kung bakit gusto niya sa states. Most of the Dela Vegas are here. Tapos 'yun nga, umalis siya. Umuuwi siya rito pero noong tumuntong ako ng 8 years old, hindi ko akalaing isasama niya rin si mommy. Iniwan nila ako kasi kailangan ko raw mag-aral dito. Ayoko namang sumama sa kanila at doon mag-aral dahil nandito ang mga pinsan ko. Nandito yung mga taong nagpapasaya sa akin, inang."

Tahimik niya akong pinakinggan.

"Lagi akong umiiyak at tinatanong ang sarili kung bakit kailangan pa nilang pumunta sa ibang bansa. Hanggang sa mawalan sila ng oras sa akin. Since that day, I acted as if I own the world. Ngayon... wala na akong pakialam kung umuwi man sila o hindi, tawagan man nila ako o hindi, maalala man nila ang birthday ko o hindi."

"Hija... hindi tama ang inaasta mo sa kanila-"

"Alam ko. Pero tama bang itutok nila ng todo ang atensyon nila sa trabaho? Paano naman ako, inang? Alam ninyo ba, minsan naisip ko, bakit pa ako pinanganak sa mundong ito kung ganun lang din naman pala ang mangyayari. Naiinggit ako kapag family day tapos ang mga kaklase ko, kumpleto ang pamilya. Ako? Mga tito at tita ko ang pumupunta."

Tumayo siya at pumunta sa likuran ko. Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ang mainit niyang yakap sa akin. Tumungo ako.

"Kaya siguro natutuwa ako kapag may nasasaktan ako. Natutuwa ako kapag may napapaiyak ako. Kasi nakikita ko na hindi lang ang buhay ko ang miserable, kundi sa ibang tao rin. I know it sounds weird but that's me. I like to hurt other people."

"Hindi mo gusto ang manakit, anak. Nagagawa mo lang 'yan kasi nasasaktan ka."

Mas dumiin ang pagkakagat ko sa labi. Pinigil ko ang emosyon.

Nang kumalas siya ay malungkot niya akong nginitian. Natahimik ako at pinagpatuloy na lang ang ginagawa. Ramdam kong pinanonood ako ng inang.

Nang matapos kami ay napagpasyahan ko nang lumabas dala ang meryenda. Hindi pa ako talagang nakakalabas nang marinig ko ang pinag-uusapan ni Altamirano at ng tatang.

"Nakikita kong masaya ka... isasama mo ba ulit dito si Tamiya?"

"Opo, tatang... baka sa isang linggo kung papayag siya."

Napangiti ako sa narinig. Dumiretso na ako at awtomatikong tumigil sila sa pag-uusap. Inilapag ko sa mesa ang mga banana cue. Di nagtagal ay lumabas na rin ang inang at inilapag ang tinimpla niyang juice. Tumabi siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.

"Kumain ka na, may pupuntahan pa kayo."

Tumango ako. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami.

"Inang... salamat po." Hindi ko na napigil ang sarili at yumakap sa kanya. "Babalik po ako rito kapag pwede ako." Bulong ko.

"Uuwi na ba talaga kayo bukas?"

"Opo. May pasok pa po kasi kami."

Dinampian niya ako ng halik sa pisngi. Napangiti ako.

"Balik ka rito ah..."

"Opo." Kumalas ako at nagulat nang yakapin din ako ng tatang.

Kumalas din siya agad at nginitian ako. "Mag-iingat kayo."

"Yes, tatang!" Pinasigla ko ang boses.

Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng lungkot. Dalawang araw lang kami rito at sayang dahil hindi namin na-enjoy ni Altamirano ang araw kahapon dahil natulog ako.

Inayos niya ang saddle at inalalayan ako pasakay kay Severo. Sumakay rin siya at pinagtakhan ko dahil siya na ang nasa unahan.

"Hey..." Sabi ko.

"Pagod ka na. Ako naman." Bulong niya sa akin. Nilingon niya ang tatang at ang inang.

Lumingon din ako at kinawayan sila. "Bye po!"

"Bye, hija! Mag-aral kayong mabuti."

Tumango ako at marahang ipinulupot ang mga bisig sa kanya. Pinatakbo niya ang kabayo at awtomatikong humigpit ang pagkakayakap ko.

"You're too fast!" Sigaw ko. Hindi ko mapigil ang pagkalat ng takot sa aking dibdib dahil hindi ko akalaing ganito siya kabilis magpatakbo. "Altamirano!"

"I do this on purpose! I like it when you're hugging me so tight!"

Nag-init ang pisngi ko. Mahina siyang tumawa.

"Bat ka tumatawa?!"

"Wala! Naiimagine ko lang kung gaano ka kaganda kapag namumula!" Malakas niyang tugon.

Kinurot ko ang tagiliran niya at mas lalo pang pinabilis si Severo. Tila lumilipad na kami.

Di nagtagal ay nakarating kami sa isang malaking puno. Bumaba siya at inalalayan ako. Tumakbo ako palapit sa hagdan. Hindi ko na tinanggal ang aking boots at nagsimula akong umakyat. Nakakailang baitang pa lang ako nang magkamali ako ng apak.

Kumabog ang dibdib ko at hinintay ang masakit kong pagbagsak ngunit nagtaka ako nang sa iba ako bumagsak. Nakahiga ako sa matigas na dibdib, napagtanto ang ginawa niya. Mabilis ko siyang hinarap kahit na mayroon din akong naramdamang sakit.

Nakapikit siya. Lumunok ako at tinapik siya sa pisngi.

"Altamirano! Altamirano, hey, wake up!"

Pero hindi siya nagmulat. Akmang aalis ako sa pagkakadapa sa kanya nang higpitan niya ang yakap sa akin.

Marahan niyang iminulat ang mga mata. Tumitig siya sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Are you hurt?"

Umiling ako. "Ikaw... you're the one who's hurt."

Ngumiti siya. "Mas gugustuhin ko pang ako ang masaktan wag lang ikaw."

Napatingin ako sa gilid ng kanyang ulo. Ganun na lang ang pagtindi ng takot na kumalat sa aking sistema nang makita ang malaking bato sa tabi nito. May dugo rin dito.

Continue Reading

You'll Also Like

41.4K 2.4K 40
World Trip Series 4 Kiersten applied as an intern in a company based in London. She dreamed to live like how royals in the country would live like. A...
40.1K 2K 43
Someone who will not turn his back to you. Date started: July 16, 2021
209K 4.2K 67
Pagkatapos ng napakatagal na pagbuhos ng ulan sa buhay mo, makakakita ka pa rin ng rainbow sa langit. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (T...
4.6K 219 11
a two doctor's love story