RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PU...

By blackpearled

9.8M 215K 45.3K

Lorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil... More

TO BREAK AN AFFAIR
FOREWORD
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
EPILOGUE
NOTE

SIXTEEN

163K 3.4K 724
By blackpearled

Maingat akong lumabas ng cr, sinikap na hindi makagawa ng tunog na magpapagising kay Rouge. Bago ako makabalik sa paghiga ay nahagip ko ang cellphone ko sa bedside table. Sa pagkakatanda ko, hindi ko ginamit ang phone ko kagabi at nanatili lang 'yon sa bag.

Binuksan ko ang phone at bumungad ang mensahe ni Lauris na isang smiley emoticon. Ganon nalang ang paglisan ng antok ko sa nabasa pagkapindot bukas ko sa message box.

Me:

At my friend's unit. Luv u.

Kailan ko pa 'to tinext sa kapatid ko? 

Gumalaw ang kama sabay daing ni Rouge sa pangalan ko.

"Lory..." kinakapa niya ang malaking espasyo sa tabi niya.

Lumalim ang pagsalubong ng makapal niyang kilay at mas malayo pa ang inabot ng mapaghanap niyang mga kamay. Tinawag niya muli ako sa desperadong tono.

Umupo ako sa kama at patuloy siyang pinagmamasdan.

"I'm here." ani ko.

Dumilat siya. Lumuwang ang kanyang mukha nang makita ako. Pumikit ulit siya sabay hila sa'kin pahiga. Namahinga sa tiyan ko ang kanyang braso at todo siksik ng mukha niya sa'king leeg. Kontento siyang huminga, na parang ito ang nakasanayan niya.

Is this how it's going to be when in a serious relationship with Rouge? But we've just started dating, or not. I don't know but it looks like it. I think we are.

"Ikaw ba ang nag-text sa kapatid ko?" diretsa kong tanong.

His laugh was low and breathy. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko, na siyang nagpaalala sa init na naramdaman ko kagabi. I still couldn't believe what happened last night!

"I don't text 'luv u' to my brother." halos natawa ako.

I could imagine Lauris's face upon receiving the text message. Paniguradong nagmura 'yon.

May sinabi si Rouge na nalalabuan ako. Dahil sa antok pa siya'y hindi niya masabi ng maayos.

"Ano?" hinarap ko siya. Inadjust niya ang pagkakayakap.

"What d'you want for breakfast?" pikit-mata niyang tanong.

Kumalam ang tiyan ko sa pagbanggit niya ng breakfast. Nag-isip ako ng gustong kainin.

"Toast?" di sigurado kong ani.

Tumango siya. Kumunot na naman ang kanyang noo.

"Ganito ba kayo ni Chaucer noon?"

Ba't bigla niyang naitanong?

"You didn't ask him? Anong sinabi niya nung kinausap mo siya sa bar?"

"Mutual break up." aniya.

"Yun lang?" I've known Chaucer's not big in words so hindi na ako magtataka na hindi niya dinetalye kay Rouge lahat.

Bahagya niyang inangat ang dulo ng suot kong sando at pinasok ang kamay sa likod ko. Kasali rin kasi sa binili niya ay pantulog ko. He's so prepared.

He started tracing circles on my back. "He told me to ask you, and you have more right in telling me than him."

I smirked. "Your friend's not a total jerk after all."

"Was he? During your relationship?" seryosong tanong niya na nagreplika sa kanyang mukha.

Isang sabi ko lang ng mali ay paniguradong mapapasugod siya kay Chaucer. Ganoon ang pinta ng kanyang ekspresyon.

But I don't have to lie and sugarcoat or filter my words.

"Seryoso naman siya." I assured. "But he's a bit impatient and headstrong. He agreed with me about the break up. It's not working."

Hindi nga ako nagseselos kapag may lumalapit sa kanyang mga babae. He tried not to flirt with them pero pagkatapos naming mag-break, kabi kabila na ang mga babaeng nakalingkis sa braso niya.

I'm aware of his reputation. But once he gets into a relationship, alam ko ring siniseryoso niya. And he's being direct and honest of his opinions. Kung may hindi siya nagugustuhan sa naging relasyon niyo, he'll tell you straightaway.

Matagal akong tinitigan ni Rouge. Parang nag-iisip pa siya ng itatanong. Can we just have our breakfast already?

Namalayan ko nalang na umaakyat na ang kamay niya sa leeg ko habang nasa ilalim ng sando.

Hindi siya nagpatinag sa panliliit ng mga mata ko sa kanya. Either he's doing it unconsciously o nagmaang maangan lang.

"You've done something like this?" bahagya siyang kumumpas sa kwarto. He's asking me if I've done cuddling with Chaucer.

Umiling ako. "This is a first to me."

Gumuhit ang malaking ngisi sa kanyang labi saka pinindot ang ilong ko. "I'll make our breakfast."

Pinagmasdan ko siyang nilisan ang kama. Nag-inat siya pagkatayo, his back facing me. Kahit likod ba naman ay maganda? The ripples that are actually muscles flexed as he stretched.

Naglakad siya papuntang banyo. And I was able to have a glimpse of him in side view. Hindi ko masabing flat ang tiyan niya, because those were actually six protruding ridges in his abdominals! And his v-line is so on point!

God...how can he still look blazing hot in the morning with that bedroom eyes and disheveled hair?

Wala akong mapagkumparahan dahil ngayon lang ako nakakita ng ganon. Lauris has a body to die for, but I don't ogle at his body so hindi ko maisadetalye ang kalahatan niya.

Rinig ko ang pagragasa ng tubig sa shower. Mauuna pala ang kanyang pagligo kesa ang breakfast. Lumabas na ako ng kwarto, gagawa ako ng coffee habang naliligo siya.

Nagpaikot ikot sa paanan ko ang Corgi niyang aso na palaging nakangiti habang nagsasalin ako ng tubig sa kettle upang pakuluan. Hinanap ko ang coffee maker kasunod ang Tim Horton's na natagpuan ko sa upper cupboard.

Inaamoy na ng aso ang paa ko. Sinikop ko siya at hinarap ang mukha niyang nakangiti sa'kin.

"Your cute butt is hungry, huh?"  kinausap ko siya.

I have soft spot for dogs. I may have not been aware of it but I think isa ito sa mga dahilan kung bakit prefer kong maging vegetarian. I'm against animal cruelty. 

Tahimik siyang ngumisi. Inamoy ko siya. She smelled good. Palagi ba 'tong pinapaliguan ni Rouge? May nabasa ako na dapat hindi araw arawin ang pagligo sa aso. Atleast once or twice a week is enough.

Hinanap ko ang kanyang dogfood at natagpuan sa ibabang cabinet.

Hindi na niya ako kinulit pagkatapos kong lagyan ng pagkain ang pink niyang dog bowl na may nakasulat pang 'Princess' bilang disenyo. Parang baliw akong ngumingisi habang iniimagine ang pagbili nun ni Rouge.

Binalik ko ang dogfood sa cabinet saka tumayo. Nagulat ako pagkapihit nang makita si Rouge sa bukana ng kitchen na di ko maipaliwanag ang intensidad ng mga mata habang nakamasid sa'kin.

"Kanina ka pa diyan?"

Tinanggal niya ang pagkahalukiphip at naglakad papunta sa'kin. "Just in time to see you bend down and feed Rory."

Rory? Naalala kong yun ang itinawag niya sa Corgi nung huling stay ko rito.

"'Yan ang name ni cute butt?" tumawa ako.

Iba ang interpretasyon ko sa pagngisi niya habang kinukulong ako sa counter top. He towered over me at nanunuyang kinikiskis ang kanyang ilong sa'kin.

"Well...she's not the only one who has a cute butt." mapang-akit niyang sabi.

Tuluyang bumagsak ang ngiti ko. He ogled at my behind? And to think I'm wearing sweat shorts.

Nagdikit ang ulo namin nang yumuko siya. Kinuha niya ang tali ng shorts ko at pinaglaruan. Ako nama'y di mapigilang titigan ang banat ng kanyang dibdib habang inaamoy ko ang presko niyang bango.

Hanggang sa tumunog ang kettle hudyat na kumulo na ang tubig, doon lang kami naghiwalay at nagkanya kanya ng gawa. Naglagay ako ng ground coffee sa carafe coffee maker bago nilagyan ng mainit na tubig. Tinakip ko ang lid na may filter plunger.

Rouge was smoothly moving around the kitchen. Maybe he has learned the independent life in U.S. Nag toast siya ng apat na bread saka kumuha ng mga gulay sa malaking steel refrigerator.

Hindi ko alam kung ano ang titignan, ang ginagawa niya o ang paggalaw ng muscles niya sa bawat kilos. Pwede na akong lumangoy sa mga alon ng likod niya.

Kumuha siya ng chopping board at knife saka sinimulan ang paghiwa ng mga gulay. Kumpleto sa sangkap para sa paggawa ng salad. Pagkatapos hiwain ay nilagay niya sa isang malaking plastic bowl plate.

Tumabi ako sa kanya at patuloy na nag-obserba sa kanyang ginagawa. Pumuslit ako ng isang slice ng pipino at kinain habang nagch-chop siya ng carrots. Naglikha ng malutong na tunog ang pagnguya ko.

Napahinto si Rouge sa paghihiwa at nilingon ako.

Bumagal ang aking pagnguya at inosente siyang tinignan. "Sorry."

Umiling siya at ngumisi. Kumuha siya ng isang slice at isinubo sa'kin. "Help yourself, Lorelei."

Seryoso at focused siya sa ginagawa, mukhang malalim ang iniisip. What could be those things that enwrap his thoughts? Ayoko namang magmukhang paranoid na kailangan kong alamin lahat ng iniisip niya.

"You're making a sandwich or just salad?" giba ko sa katahimikan.

"Whichever you want. You can have both." nagpunit siya ng lettuce at hinalo sa mga gulay sa plastic bowl.

"Kung sandwich... you know that I don't eat meat."

Tumungo siya sa ref. May kinuha siya doong pamilyar na supot na nakikita kong binubuksan ni manang Edna sa tuwing igagawa niya ako ng breakfast.

Tumabi siya ulit sa'kin malapit sa sink at binasa through running water ang meat upang matanggal ang mga nakadikit na ice.

"Tofu patty? Vegetarian ka na rin?" ani ko nang luminaw ang brand sa supot,

"I bought this the same day I bought your clothes in hopes that you'd stay for the night and have breakfast with me in the morning." aniya.

Matagal ko siyang tinitigan habang nararamdaman ang pagkatunaw ng puso ko. I can't help but appreciate the gesture. It's not grand but it's a big deal to me. Honestly I'm not into men who buys me expensive things just to have his way to me. It's on the simple things. The affection and being thoughtful. Like this. Like Rouge.

Sinundan ko ang bawat ginagawa niya; hinanda ang pan at nilagay sa stove. Nakapamaywang habang hinihintay na uminit ang mantika bago sinalang ang patty.

Tahimik lang ako sa buong magdamag habang hinalo na niya ang mga gulay para sa salad. May nilagay siyang ibang gulay sa toasted bread. Sinunod niya ang tofu patty pagkatapos nitong maluto.

Nilapitan ko siya at niyakap patagilid. Hinalikan ko siya sa balikat. He stilled. I could feel his warm body tensed.

"Thank you." ngumiti ako saka kinuha ang sandwhich na inabot niya sa'kin.

Nagtagal ang titig niya hanggang sa unti unting pumungay ang kanyang mga mata. Sumukli siya ng tipid na ngiti.

Paniguradong purong puro na ang brewed coffee dahil lumagpas na sa limang minuto bago ko naisalin. I made coffee for the both of us.

Katulad nang sinabi niya kagabi, hinatid niya ako sa Vedra Corp. Hindi kaagad ako bumaba nang makarating kami sa harap ng building.

Alam kong pansin niya ang simangot ko sa buong biyahe at inignora niya lang 'yon!

Skinny jeans at puting long sleeve blouse na may itim na collar ang binili niya para suotin ko ngayon. Maganda naman ang mga damit, not to mention branded at mamahalin.

Kaya lang, this is so not me! I'm not a pants type of girl when it comes to work. Usually pang casual ko lang ang pants. At isa pa hindi pang-office ang pinili niyang bilhin.

"You could've bought something better Rouge. If you're smart enough, you should have bought a dress." pagod kong maktol. I don't think gugustuhin ko pang pumasok.

"I know. Ayoko lang naka dress ka kapag nasa office." pinatay niya ang makina. Alam niyang pag-uusapan namin 'to.

Well he should've used that knowledge in buying me a better outfit.

"What? Why? I get to decide what to wear!"

Sinandal niya ang isang braso sa steering wheel at hinarap ako. Nakataas ang kilay niya,  parang sinasabi ng kanyang ekresyon na hindi na niya kailangan pang ipaliwanag ang dahilan niya.

"I should also have a say on what you should wear, Lory. I'm dating you, remember?"

"Dating Rouge, not married." I quipped.

Umirap siya na hindi nag-iiba ang posisyon. Matiyaga niyang pinaglalaruan ang loob ng kanyang bibig. I reminded by how his tongue invaded  my mouth last night.

Tinitigan niya ako saka bumuntong hininga, mukhang nakapag-isip na siya ng sagot.

"I don't want you to look beautiful for them. Sa'kin ka lang magpaganda. And I don't like them to stare at your legs thinking the same thing as I do everytime I look at you. Alam mo na kung ano ang ibig sabihin nun, Lory. Lalake ako, I'm acquainted with how our brains work."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "So you want to objectify me alone?"

Lalong kumislap ang karubduban sa kanyang mga mata. Nagtiim bagang siya.

"I didn't say that. But okay, let's say I think of things that I want to do with you...but I don't want your image in another man's brain doing those things with you. Get it?"

"Pero mai-imagine pa rin nila, with or without me baring my legs. You know how far you could go with just imagining." panunuya ko.

Inipit ko ang labi ko upang pigilan ang pagtakas ng ngiti sa mariin niyang pagpikit. Suko siyang bumuntong hininga.

Muli niya akong nilingon, di alam kung maiinis siya o matatawa.

Namumula ang mukha niya at gumalaw ang panga. Sa huli ay tinawid niya ang aming distansya at hinalikan ako ng malalim at mariin. Sa ganoong paraan ay parang pinapakalma niya ang sarili niya't pinapatahimik ako.

Bago ko pa masuklian ay inunlock na niya ang pinto sabay bitaw,

"I'll take you home, okay?" hingal niya sa labi ko.

Malugod akong tumango at lumabas na ng sasakyan.

Pakiramdam ko'y tinubuan ako ng pakpak sa gaan ng mga hakbang ko. Tuluyan ko nang nakalimutan ang pagpapasuot niya sa'kin ng kaswal na damit na di ayon sa'king panlasa. Tinalo pa nga yata niya ang breakfast ko ngayong umaga.

Makahulugan ang ngiti ni Lila pagkapasok ko sa building. Nakatanaw pala siya galing loob ng entrance.

"Nag overnight ka sa kanila? Have you done it?" sabay kaming nagtungo sa elevator. Para siyang kiti-kiti na kumapit sa braso ko.

I shrugged. "Almost."

Impit siyang tumili. "How does it feel? Kung good, how much more kung ginawa niyo na."

"My god Lila!" tinakpan ko ang bibig niya.

Hinila ko siya upang magbigay daan sa mga lumalabas sa elevator. Kaming dalawa lang ang pumasok. Pinindot ko ang floor ng office nang makitang wala nang ibang sasabay sa'min.

"I can't wait to tell Jezreel. Paniguradong magwawala 'yon!"

Tumawa ako. "Baka nga i-status pa niya yun sa facebook!"

Pagkarating sa office, umupo ako't diretsong tinext si dad. Hindi ko lang mapigilang ngayon na sabihin sa kanya.

Me:

Let's have dinner this Saturday. I'll bring someone. Hope you're not busy, dad.

Imbes na text ang reply ay tumawag siya. Agad ko itong sinagot.

"Dad!"

"Antonia mentioned you're seeing her distant relative?" mapaghinala ang kanyang tono.

"Ba't niya alam?" nakangiwi akong nagtanong.

"Panay daw ang hatid sa'yo pauwi."

Nagsusumbong pala siya kay dad. Now she's acting like a mother.

"Siya nga. He's the one who suggested to have dinner with us. He wants to know my family since...we're kinda' dating now. You're okay with it, right?"

Kinabahan ako sa pananahimik ni dad. Kapag ganito ay malalim siyang nag-iisip. Nakikita ko siya sa isip kong nakakunot noo sa kanyang opisina.

"Antonia doesn't trust him. She's aware of the likes of that boy." may bahid ng di pagsang-ayon si dad.

Nawala ang kagustuhan kong pawiin ang inis sa madrasta ko.

"Bakit sa kanya ka naniniwala? I am the one who he's dating kaya mas kilala ko siya. Antonia doesn't even know him that well." inis kong sabi.

Taka akong nilingon ni Lila dahil sa naging tono ko.

"Lory...I knew about your dating history..." mahinahong sabi ni dad.

"Ako ang unang nakikipagbreak sa kanila. This time, I'm serious with him. Atleast give Rouge a chance. You haven't even met him yet, but you were already judging him based from what that wife of yours has been feeding your brain. I'm sorry dad, if you don't want me to lose my respect for that woman which has already been wearing thin, you have to give me this."

Nanghina ang pagpursige kong makasundo si Antonia. How dare she feed my father's brain with false assumptions? Si Rouge na mismo ang nagsabi, they don't know each other that much except being distant relatives! Feeling naman niya matagal na niyang kilala si Rouge para manghusga siya ng ganon.

I have been spending my time with Rouge. Minsan mahirap mang pakisamahan ang ugali niya, it was atleast redeemed by some of his goodness na hindi nakikita ng ibang tao. He has a soft side despite of his hard features.

Matagal hindi nagsalita si dad hanggang sa narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

"Fine. Dinner this Saturday"

I sighed in relief then smiled. "Thanks dad."

Tinapos ko na ang tawag. 'Yon lang naman ang nais kong sabihin kay Dad. Pero kahit pumayag na siya, hindi pa rin napawi ang inis ko sa asawa niya.

I've been in Antonia's position of not trusting and judging, I admit. But I've learned my lesson. Ayoko nang manghusga hangga't hindi ko pa nakakasalamuha ang isang tao. Close minded people are just one of the worst to handle.

Continue Reading

You'll Also Like

23.5M 596K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
134K 528 112
Just a list of the stories that I read with its main/lead characters. Compilation. Recommendations. Mostly Series. Known and Underrated Authors. Rom...