RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PU...

By blackpearled

9.8M 215K 45.3K

Lorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil... More

TO BREAK AN AFFAIR
FOREWORD
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
EPILOGUE
NOTE

ELEVEN

156K 4.1K 948
By blackpearled

Nasalo ko ang aking hininga nang mabagal at maingat na tumawid ang kanyang kamay sa'king likod at hinila pa ako palapit sa kanya. My back is bare, at sa paglapat at haplos ng balat ng palad niya'y nanginig ako.

May hinawi pa siyang mga hibla ng buhok ko sa likod at pinagilid sa aking balikat. Suminghot siya sa buhok ko. Naalala ko ang ginamit na hair mousse ni Jezreel, sana nagtagal pa ang bango ng produkto.

"You smell great." he murmured through my hair.

"You too."

Mababa ang bahagya niyang tawa.

Bumaba ang kanyang labi sa tenga ko saka bumulong. "I miss your scent in my car."

Napangiti ako. "Bilhan kita ng perfume ko, then spray it all over your car."

Muli siyang tumawa ng bahagya. I've been longing to hear that laugh for about a week now.

Ramdam ko sa'king kamay ang pag alog ng malapad niyang balikat. His suit is a slim fit, the perfectly tailored fabric clung enough to his lean and muscular frame.

Not to mention he smells so great, too. Parang gusto kong balutin ang sarili ko sa kanya upang dumikit ang amoy.

Sa paghila niya sa kanyang mukha palayo buhok ko ay dumulas ang magaspang niyang panga at baba sa'king noo.

"Congratulations." nag angat ako ng tingin sa kanya.

Dinungaw niya ako. Sumasayaw ang makulay na lights sa kanyang mga mata. "Thank you."

"You know how to operate a ship?" tanong ko.

"I have a background on operating yachts and speedboats. In ships, pag-aaralan ko pa."

"Hmm...so you tried sailing?"

Tumango siya. "In San Diego. I owned a yacht in there."

How was he able to own a yacht at twenty three? Me and Lauris can't even have a unit until we graduate. Spoiled ba siya ng ama niya?

Basing from their argument in the parking lot weeks ago, I don't think na binibigay sa kanya lahat ng luho. He's being guided and disciplined. He must have worked hard on it. Blood and sweat. Kung paano, I don't know. Through his furtive strategies, I guess?

"I've known you enough as someone who inhabits in a simple dwelling place, Rouge. While you spent your money on an expensive car and this..." nilibot ko ang paningin sa marangyang top deck.

Nagsalubong ang kanyang kilay't nanliit ang mga mata. "What are you trying to denote, Lory?"

Umiling ako at napangiwi. "This is too over the top."

"Don't you like it?" ang tono niya'y parang na-offend ko siya sa sinabi ko.

"I love it. But looking at all these lights and the goldish embellishments... sobra pa yata sa kalahating halaga nitong barko ang pambayad sa utang ng Pilipinas."

Nagdadalawang isip ako kung tatakbo ba ako upang pagtaguan siya dahil sa tinging hinandog niya sa'kin animo'y nasisiraan ako ng bait. Nahinto kami sa pagsasayaw.

Ilang beses siyang kumurap bago tumingala habang aliw na aliwng tumatawa, like I was stating a joke. Hindi ko naman talaga maiwasang manghinayang.

"I don't do mediocre when it comes to business, Lory. If I have to spend as much, then I will. Moreover, I'm in the lap of luxury so..." nagkibit balikat siya na parang wala lang sa kanya ang natapong milyones.

"So pinagyayabang mo? You squander just for the hell of it?" hindi makapaniwala kong tanong.

I could never tell if he's being selfish o gusto lang talaga niyang gumastos ng mahal. I'm not judging, curious lang ako sa kung ano ang nasa loob ng utak ng isang taong kayang magpagawa ng ganito karangyang barko.

If it's for the customers's benefit to have a more comfortable cruising, magiging komportable din naman ang mga pasahero sa simpleng cruise lang, no need to jump for the gold. I even prefer simple living than engorge myself in luxury.

Kung ako lang ang sasakay sa ganitong barko, mai-intimidate ako. Pero hindi ko itatanggi na namangha ako sa ganda. Hindi 'yon maiiwasan.

"May kaibahan ang pagyayabang sa kung ano ang gusto mong gawin. And this is how I like to spend my wherewithal. I don't brag. I do what I do and what I want to do." pahayag ni Rouge.

"Why didn't you invite street children?" tanong ko.

If he's concern with the customers, na siyang nakapaloob sa talumpati niya kanina, then I think hindi lang ang mga maperang tao ang dapat naging concern niya. He should worry about the less-fortunate, too. I mean, it could be a unique advocacy to not just entertain wealthy people to get to enjoy the ship.

Muli siyang humalakhak.

"And those expensive food!" napailing ako. "Maraming nagugutom ngayon Rouge."

Di siya tumila sa pagtawa. What's funny with my statement?

Sa muli niyang pagdungaw sa'kin ay maluha luha na kanyang mga mata galing sa kakatawa animo'y isang biro sa kanya ang pinoproblema ko.

Matagal bago siya huminahon.

"Is this really how you prefer to spend your night, Lorelei? To bitch about my negligence towards the oppressed society? Is this how you like to enjoy being with me? Is this how you congratulate me?"

Nandoon pa rin ang aliw sa kanyang mga mata. Mas nahalata sa istilo ng kanyang buhok ang balangkas ng kanyang mukha. Pompadour suits him very well.

Hinawi niya ang takas na hibla sa mukha ko't nilagay sa likod ng aking tenga. His fingers made a whisper trace from the outline of my ears to my jaw. Nanginig ako sa ginawa niya.

Inayos niya ang pagkakakumpol ng buhok ko sa kaliwang balikat. Jezreel styled my hair in vintage waves at sinadyang sa isang balikat ilagay ang lahat ng hibla.

"It'll just stress you out. How about we talk about...us?" his thick brows rose as he said the last word like it was a suggestion.

"Our friendship you mean?" I clarified.

Nanunuya siyang nagtaas ng isang kilay. "So disappointed ka nga?"

"No. Why should I? Ano naman ang tungkol sa friendship natin?"

Nag angat siya ng tingin dahilan upang malapat ang ilong ko sa kanyang leeg. Nakapatong ang baba niya sa'king ulo habang mabagal kaming sumasayaw. Natapos ang kanta na agad namang sinimulan ng panibagong tugtugin.

"Friends hang out. Why don't we do that?" suhestiyon niya.

"Hang outs are for youngsters. Sa edad natin ngayon, we term that as night out." sabi ko.

I don't really see the difference. Ayaw ko lang sagutin ang tanong niya. I'm attracted to him, yes. But we can't fully trust something or someone who we are attracted to, right?

And another thing, I don't just wanna be friends with him. Alam ng sarili ko 'yan. If papayag akong maging kaibigan ang taong gusto ko, lalalim pa ang pakiramdam na 'yon hanggang sa malunod na ako sa kanya.

I don't want to drown just yet. Mahirap ang malunod sa pagkakagusto sa isang taong walang balak magustuhan ka.

"So you and the Arevalo guy...you like him?" pag-iiba ni Rouge sa usapan.

See? He's not even interested in hanging out, much less spend time with me. I think he only asked for the sake of our so-called friendship.

"Yeah." sagot ko. I like Zavid. As a friend. He's a barkada material.

Kung mapapabilang man siya sa circle of friends ko marahil pagnanasaan lang din siya ni Jezreel.

Kumunot ang noo ni Rouge. "Has he asked you out?"

No.

"Going there, kung hindi ka lang sumulpot."

Dumilim ang mukha niya. Bumaling ako sa mga water at light show, hindi naman nag iba ang lighting.

Humigpit ang hawak niya sa baywang ko at maingat na nilapit ako sa kanya, like may mas mailalapit pa ako eh ang dikit na namin sa isa't isa.

I could even feel his bulge on my lower stomach. Hindi ko lang pinahahalatang labis akong naapektuhan sa puntong nanuyo ang lalamunan ko.

Malalim ang ginawa kong paghinga at inadjust ang kamay ko sa balikat niya.

"I know him. Huwag kang pumayag." malamig niyang sabi.

"Why? Ano naman yun sa'yo?"

"I'm just a concern friend." simple niyang ani.

Napairap ako. "Thanks for the concern."

I don't need his concern in a friendly way. Mas masisiyahan pa siguro ako kung magselos siya. Ngunit sa dami ng babae niya? He doesn't have to possess one dahil maraming nakareserba.

"Rouge..."

Isang malamyos at nang-aakit na boses ang nagpahinto sa aming pagsasayaw. It was the woman he was with a while ago. His original date.

Kaagad akong bumitaw. Ningitian ko ang babae na dumiretso sa gilid ni Rouge at nilingkis ang braso sa kanya. Hindi ko tinignan ang reaksyon ni Rouge at agad na akong tumalikod at bumaba sa podium.

Dumiretso ako sa drinks section upang kumuha ng pampakalmang inumin. But my hand picked the glass of whiskey. Pampakalma ba 'to o pampalasing?

Tinapos ko ang pag inom saka naglakad na pababa sa lower deck without looking back at the podium. I'm looking for dad and Lauris. Well as for my brother, wala siya sa top deck. I highly doubt nasa hallways o atrium siya. For sure he's in one of the cabin rooms.

Nagku-cruise pa rin ang barko at hindi ko alam kung gaano pa katagal bago kami makabalik sa White Harbor. I want to go home.

I found myself in one of the dining spots na nakapaligid sa Piazza-style Atrium. Sipping on my scotch habang nakikinig sa orchestra sa gilid. Binabantayan ko ang bawat terrace sa pagdaan manlang niisa kina dad o Lauris.

"Nandito ka lang pala."

Hindi na ako nakalingon sa likod dahil naupo na ang kapatid ko sa katabing upuan.

"Thank God you're here. I wanna go home." pagod kong anas. Tinungga ko ang kaunting laman ng kopita.

"Again?" tawa siyang umiling. "You never really do good in parties, Lory."

"Nagtaka ka pa."

Sinuri ko siya. Wala namang nagbago at walang nagulo. Well-ironed pa rin ang kanyang suit at brushed up ang kanyang buhok. Naningkit ang mga mata ko. Milagro yata 'to.

"Saan ka galing?" tanong ko.

Nakanguso siyang lumingon sa'kin galing sa pagmamasid sa orchestra. Nahinto siya sa pagtatambol ng daliri sa mesa.

"Hm?" bahagya niyang nilapit ang tenga sa mukha ko.

"Saan ka galing?" ulit ko.

Sumandal siya sa sandalan ng mala-sofang upuan. Dumekwatro siya't hinimas ang kanyang panga.

"I was with dad talking with some heads of other companies. Then I roamed around." paikot niyang sinenyas ang hintuturo sa ere.

Naningkit ang mga mata ko. "You didn't pick up girls?"

Ngiwi siyang umiling, na parang may pinagawa sa kanyang isang nakakadiring hamon. "I'm not always up for that."

Literal na nanlaki ang mga mata ko. Wala akong maalala na nagkakaganito si Lauris.

Patuloy ko siyang inipit ng nagdududa kong mga mata. "Where is my brother?"

Humalakhak siya. May dapat naman talaga akong ikaduda. In every social events that we had went to, wala sa mga okasyon na 'yon na walang nakalingkis na babae sa braso niya.

I've seen some potential ladies here that my brother can mess round. Wala yata siyang natipuhan. Though I'm glad with the sudden change.

Nahagip niya ang aking kopita. May kaunti pang natira na scotch. Kinuha niya 'yon at tinungga ang huling patak.

Kumunot ang ilong niya at sinimangutan ang kopita. "You're drinking scotch." nanunuya ang mga mata niya nang ako'y nilingon. "Guy problem? Lory has a crush...."

Tinitigan ko lang siya. He smirked.

"It is. You drink scotch when having guy problems. The last one you did was after you broke up with this jackhole named Chaucer, am I right?"

"Hindi ako nasaktan. It was a mutual break up." pahayag ko.

"Yeah. But you still drank."

Kibit balikat ang tinugon ko. I don't really talk about my past relationships. There was no significance at wala rin naman akong naramdamang niisang sentiment sa mga relasyong 'yon.

It's not for experience either. Ayokong makipagrelasyon para lang sa experience. Sino namang tanga ang may gustong gamitin ka ng ganoon? I just thought it'll work out kaya pumayag ako.

The guys I'd been with had the attributes of a boyfriend material. But it was too perfect. Walang away. Walang tampuhan. I don't get jealous. Pero nagugustuhan ko naman sila. I just don't like them enough.

Doon ko napagtanto na boring din pala kapag puro saya lang. Na paminsan minsan kailangan haluan ng setbacks. How can you prove the strength of your relationship kung puro saya lang? Paano niyo mapapatunayan sa isa't isa na ganoon katatag ang pagmamahalan niyo? Ito ang naging kulang sa mga experiences ko noon.

Naisip ko na konektado yun sa pagkamatay ni mommy. Na ayaw ko nang makaramdam ng lungkot dahil labis akong nagluksa noon kaya iniiwasan kong makipag-argumento sa mga nakarelasyon ko. Baka nga ginawa ko silang panakip butas.

Though I don't like to think of them that way. Kinumbinse ko ang sarili kong nagustuhan ko sila sa kung sino sila, hindi sa kung ano ang magagawa nila para sa'kin.

"I heard that there's a pyrotechnics show at the end of the cruise. Wanna go up?" anyaya ni Lauris.

Tamad ko siyang tinignan. "Kakaaykat ko lang."

"Ako rin. Manonood lang tayo ng fireworks."

Bumuntong hininga ako at pilit na tumango. Kasama ko naman ang kapatid ko kaya may pambaling na ako ng atensyon palayo kay Rouge in case nandoon pa rin siya sa top deck. I know Lauris can veer my mind off easily away from anything dahil sa kadaldalan niya minsan.

Tinulungan niya akong tumayo at nilingkis ko ang braso sa kanya sa pagtungo namin pabalik sa top deck.

There's something about the fireworks na magpapamangha sa mga tao. Maybe the magical feeling that it holds to affect everyone. Hindi na ako magtataka kung bakit punong puno na ang topdeck ngayon.

Tumigil ang barko sa gitna ng karagatan. Siguro isang senyales na ito ng pagtatapos ng cruise ng barko.

Lumakas ang ingay ng mga tao sa pagsibol pataas ng mga naglilinyahang mga kislap na parang mga higanteng brilyo na nakapaligid sa barko.

Kasabay ang unang pagputok ng firework na nagmistulang umiilaw na dandelion sa kalangitan. Sinabayan din 'yon ng background music ng isang sikat na kanta ngayon.

Nakipalakpak ako. Ang iba'y masayang nanonood habang sumisipsip sa kanilang mga kopita.

"Next time, don't leave unless I told you."

Napawi ang aking galak sa init ng hiningang bumalot sa tenga't leeg ko. Paano niya ako nahanap sa gitna ng lipumpon ng mga narito?

Hindi ko siya tuluyang hinarap. Nilingon ko ang aking ulo sapat na marinig niya ako.

"You had your date." sabi ko.

Muli kong naramdaman ang init ng kanyang paghinga. It was a harsh and somewhat an angry breathing.

"But did I tell you to leave us and walk away?"parang na-insulto ko siya sa ginawa ko. Na parang isang malaking krimen ang pag-alis ko kanina.

What did he expect me to do?

Inis ko siyang hinarap, di alintana kung sino ang nabunggo ko sa marahas kong kilos.

"It's an initiative, Rouge. Dumating ang date mo, alangan namang hindi kita bitawan habang binabawi ka na ng braso niya?" bulalas ko.

"Yes. Dapat yun ang ginawa mo! That's more preferable for me, Lorelei." matigas niyang sabi.

"Then you should have told me not to leave yet. Edi sana nagawa kong manatili! It's not my nature to stay with someone who has already shared the night with someone else before me."

Ano bang inasahan niya? Maging third wheel ako ng date niyang sagana sa dibdib?

Lumambot ang kanyang ekspresyon. His steel anger melted. Natigil na rin ang paninigas ng kanyang panga.

"I was supposed to tell you pero tinalikuran mo na ako." mas mahinahon ang boses niya, at di nakatakas sa'kin ang pagkabigo sa kanyang tono na siyang ikinagulat ko.

"Then bakit hindi mo ako hinabol? Kung gusto mong manatili ako dapat may ginawa kang paraan. Eh wala. You're not that determined for me to stay." asik ko.

Tinalikuran ko siya't humalukiphip. He can't just expect me to stay there and wait for nothing. Siyempre iba ang magiging mindset ko sa kung ano ang gusto niyang iparating. As if I could read his mind.

Kung nagrereklamo ang mga lalake sa aming mga babae na hindi sila manghuhula kaya dapat sabihin namin kung ano ang gusto naming mangyari. That goes to guys too! Hindi lang mga lalake ang hirap sa pagbabasa sa'ming mga kababaihan. Guys have mood swings, at mahirap din silang basahin. And guys can be very complicated, too. They can act like a woman in her red days.

Lumalim ang pagsalubong ng aking kilay sa pagpulupot ng mga braso niya sa'kin. Lilingunin ko na sana siya ngunit nilapag niya ang kanyang baba sa 'king balikat na hindi pinaglalagyan ng hibla ng buhok ko.

Galit siya kanina tapos biglang ganito?

"We're friends, right?" tanong ko sa kanya.

"Yeah." pabulong niyang tugon.

"Ganito ba ang ginagawa ng magkaibigan?"

Inadjust niya ang baba niyang nasa balikat ko. Hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa pyrotechnics show.

"We are one of the few ones who do." aniya.

"Saan ba kasi ang date mo?" kaya ko nga sila iniwan kanina dahil sila ang magkasama.

Kinuha niya ang kamay ko at sinama sa pagturo niya sa pool area. "There."

Naningkit ang mga mata ko sa paghahanap hanggang sa nahagip ko ang pamilyar na slicked back hairstyle ng date ni Rouge.

Na katabi ang kapatid ko. May hawak siyang kopita habang ang isang kamay ay nasa baywang ng babae.

What the hell is happening?

Napasinghap ako sa paghaplos ni Rouge sa'king balikat pababa sa'king braso hanggang sa matagpuan niya ang kamay ko at pinagsiklop. Pinagsabay niya ang mga 'yon sa pagpulupot muli sa'king baywang at pagbabalik ng baba niya sa'king balikat.

This isn't how friends should watch fireworks together. Mas pinapagulo mo ang isip ko Rouge. You frustrate and confuse me more than I should.

Animo'y narinig niya ang hinaing sa utak ko'y bahagya siyang tumawa. Ang kababaan ng kanyang boses ay umuugong sa lahat ng sulok ng dibdib ko. Sa hubad kong likod ay ramdam ko ang init ng dibdib niya. The scent of whiskey leaked from his hot breath. He's definitely whiskey. Raw and rough.

"Just let this be, Lory. I want to watch the fireworks like this," aniya saka hinigpitan pa ang kanyang pagyapos.

Continue Reading

You'll Also Like

39.4M 1.1M 50
Minsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang...
134K 528 112
Just a list of the stories that I read with its main/lead characters. Compilation. Recommendations. Mostly Series. Known and Underrated Authors. Rom...
17.1M 271K 62
"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then you'll have to endure the pain." He was a...