RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PU...

By blackpearled

9.8M 215K 45.3K

Lorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil... More

TO BREAK AN AFFAIR
FOREWORD
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
EPILOGUE
NOTE

EIGHT

163K 4K 1K
By blackpearled

Isang swipe ng keycard at bumukas ang pinto ng condo ni Rouge. Ang view sa labas ng bintana ang unang bumungad sa'kin dahil nakatapat ito sa direksyon ko. Wala 'yong kurtina kaya kita ang pagtama ng ulan sa bintana at ang nanlalabong imahe ng citylights.

Pagbuhay ni Rouge sa mga ilaw ay tiningala ko ang tumapat sa'king minimal ceiling light. Simple lang ang condo niya, pero elegante. It's manly and minimal.

Nasa puti at krema ang kulay ng mga pader. Kulay puti ang mahabang sofa na may asul na mga unan. Kaunti lang ang mga furnitures niya, and they're all in dark wood maliban sa dining chairs na kulay puti rin.

May hagdan sa gilid at ang ilalim nito nakapwesto ang tv. The stairs are made of dark wood, too. Isang gilid lang ang may handrails dahil sa kabilang gilid ay ang pader kung saan may mga frames na naghahalo sa photography photos at painting.

Isang two bedroom loft ang stilo ng condo. Ito ang gusto kong kunin. Pero kailangan pa naming makapagtapos ni Lauris bago kami bumukod.

Sa mahal ng kotse niya, he inhabits and eats in simple places. Boys as usual. They're willing to empty their wallets in cars more than any other things.

Nilagay ni Rouge ang susi sa glass key bowl na nasa mesa katabi ng sofa. Nilingon niya ako nang hindi pa ako umaalis sa kinatatayuan ko.

Nag-angat siya ng kilay, waiting for me to sit.

"Basa ako." sabi ko, mas hinigpitan ang kapit sa kanyang suit.

Mas lalo akong nanlamig sa pagtitig niya. He's damn serious! Na parang may nasabi akong kina-offend niya. Pinilit kong pasanin ang bigat ng kanyang pagtitig. It's just too heavy and...brooding na halos mapaluhod at mamilipit ako.

Bumuntong hininga siya na hindi ako nililisan ng kanyang pagtitig.

"I didn't bring you here just to make you stand there and not wet my sofa. Feel at home, Lory. I don't care with the furnitures. Kahit maputikan mo pa ang upuan."

Sinundan siya ng mga mata ko. Pumasok siya sa isang bukana sa gilid. Narinig ko ang pagbukas ng ref at paglapag ng isang babasaging bagay.

Prinoseso ko pa ang sinabi niya. He sounded harsh at malupit rin ang pagtama nito sa utak ko. Sandali pa akong tumunganga bago kumilos at magtungo sa sofa.

Mukha siyang iritado. Ayaw ba niyang nandito ako? Kung ganon bakit niya pa ako dinala rito?

Pinakalma ko nalang ang sarili ko sa paghaplos sa sofa. It has a soft texture, at mukha pang bago. It's somewhat velvety. Dumudulas ito sa'king palad.

Tumingala ako at nakita ang laman ng second floor. May isang malapad na haligi sa pinakagilid na nakatapat na at sasalubong sa pag-akyat mo sa hagdan. Gawa ito sa dark grey slate slabs. Siguro nasa likod nun ang kama.

May dalawang pinto naman sa pinakaloob, ang isa'y nakaharap sa'kin at ang isa'y nasa kabilang gilid. Palagay ko ay cr yun.

Isang maliit na tahol ang pumutol sa'king pagsuri. May bumabang kulay light brown na tuta at sa mukha palang, alam ko na ang breed nito. It's one of my favorite breeds of dogs! Otomatiko akong napangiti.

Tinawag ko ang tuta sabay pitik ng aking daliri. Hinihingal itong lumapit sa'kin at sinandal ang dalawa niyang paa sa'king tuhod. Humagikhik ako. This puppy is so hospitable. Hinaplos ko ang ulo niya. The puppy whined at parang gusto nitong sumampa sa kandungan ko.

"Haven't you eaten, yet? I'll cook dinner."

Nakatayo si Rouge sa bukana ng kitchen na may hawak na baso ng nangangalahating tubig. He's casually dressed in his gray v-neck and dark jeans. His pecs are about to explode from that raw material. It would never go unnoticed dahil namamasa ito dahil sa ulan.

Kahit sa ganoong itsura palang ay makikita mo na kung ano ang nasa likod ng kanyang kasuotan. A body carved from stone and is made for sin.

Iniwas ako ang aking tingin at binalingan ang tuta.

"Kumain na ako. Ikaw? Hindi ka pa nag-dinner?" sinubukan kong hindi mahalata ang kaba sa likod ng aking boses.

"Done." simple niyang ani.

Naramdaman ko ang kanyang paglapit. Otomatikong sumingaw ang init kahit wala namang heater dito.

Ititigil ko na sana ang pag-pet sa tuta dahil medyo humahapdi na ang kamay ko ngunit wala akong ibang magagawa kapag ihihinto ko. Pawang pagtitig lang kay Rouge at pagpuri sa kanya.

Nilingon ko siya. Nasa pag-pet ko sa aso ang kanyang mga mata. He's half-smiling.

"I never thought you have a canine company. Why a Corgi?" tanong ko.

He shrugged "It has a cute butt."

Kumunto ang noo ko. Binuhat ko ang tuta at tinignan ang pwet nito. Oo nga!

Tumawa ako.

"I'm not trying to be funny Lory, but why do you always laugh at some things that I said?" naghalo sa kuriousidad at pagkaaliw ang kanyang ekspresyon. Bahagya siyang ngumingisi habang nakakunot ang kanyang noo.

Hindi ko magawang pigilan ang tawa ko. "I thought you're a boob guy. Turns out you're a butt guy."

Mas lumapit pa siya. Nilapag niya ang baso sa glass table.

"That depends actually..."

Bumiyahe ang mga mata niya sa katawan ko. Regardless of the lighting, his dark ambers darkened. Tuluyang naglaho ang aking tawa pati na ang ngiti.

His frontal ogling at me made me squirm in my seat. May parang lubid na pumulupot sa baywang ko't iniipit ang aking tiyan. Hindi nga talaga siya marunong mailang. Ako yung nahihiya eh.

Tinawanan niya ang naging reaksyon ko. A full-belly laugh.

"Now you're the one who's laughing." sabi ko.

Parang naluluha ang mga mata niya o baka kislap lang 'yon dala ng ilaw. His laughs turned into giggles. Di ko mapigilang mapangiti. Ngayon ko lang narinig na tumawa siya ng ganon. Kadalasang naririnig ko sa kanya ay mga bahagyang halakhak lamang. That laugh could solve the economy's debt crisis.

At ang bilis magbago ng mood niya. What made him grumpy earlier?

Binalikan ko ang pag-pet sa Corgi niyang tuta. Tumigil ako dahil sa'king pag atsing. Ilang beses pang nangyari 'yon bago kinuha ni Rouge ang puppy.

Pinunasan ko ang kung ano mang lumabas sa ilong ko. Damn the rain.

"The bathroom's here if you want to take a bath or wash or something..." ani niya habang umaakyat sa hagdan.

Sumunod ako. Sa likod ng dark grey slate wall ay ang kama nga niya. Mukhang komportable itong higaan at matiwasay dahil sa pinong puti nitong kulay.

Ang isang pinto na katapat ko kanina ay hula ko ay ang walk-in closet.

Nilapag niya ang aso saka binuksan ang pinto ng banyo. Malinis lahat ng parte ng bahay na parang hindi ito tinitirhan. There are some men who leave their room unorganized. But Rouge here...it's all neat.

Nasindak ako sa nakitang ayos ng mukha ko sa salamin. My hair's all messy at nag-smear ang aking mascara! Para akong lumuluha ng katas ng pugita!

"What's wrong?"

Nasa likod ko si Rouge at nakabihis na ng komportableng damit. Pero salungat naman ang epekto nito sa'kin. His white sando and checkered boxers didn't make me comfortable at all!

Tinignan ko siya sa salamin.

"Hindi mo manlang ako sinabihan na ganito na pala ang itsura ko. You're laughing at me within your mind, aren't you?" pinaningkitan ko siya ng mata.

Pinisil niya ang kanyang ibabang labi gamit ng kanyang thumb at hintuturo. May kislap ng kaaliwan sa kanyang mga mata.

"I didn't laugh at you. And I just don't care how you look." aniya.

Nag-iwas ako ng tingin sa salamin. Ayaw kong matunghayan ang pamumula ko.

Marahan akong tinulak ni Rouge papasok sa banyo. Umatsing ulit ako habang pinapaupo niya ako sa gilid ng bathtub. Lumabas siya at iniwan ako dito na di alam ang gagawin.

I looked at the tub. Dito ba siya naliligo o sa shower? And why did I just suddenly imagine him soaking in it without the bubbles and being stark naked?

Mariin akong pumikit at umiling. Gusto kong banlawan ang ulo ko sa isang baldeng napupuno ng holy water dahil sa naiisip ko. Damn!

Bumalik si Rouge na may dalang wet wipes. Yung may baby ang design ng lalagyan. Ngayon lang yata ako nakakita ng lalakeng nagmamay-ari ng wet wipes. Anong paggagamitan niya niyan?

Umupo siya sa nakatakip na bowl. Kumuha siya ng isang piraso at pinunasan ang mukha ko. I froze.

Totoong hindi ako makagalaw. Kasi pakiramdam ko kapag gumawa ako ng kahit maliit lang na pagkilos ay tatanggalin niya ang kamay niya sa'king mukha.

Sa kabila ng sinabi kong ayaw ko nang may kinalaman pa sa kanya, heto ako't nagugustuhan ang ginagawa niya.

Banayad niyang pinunasan ang mga mata ko upang matanggal ang bahid ng mascara doon. Hindi 'yon balakid sa'king matitigan siya. His deep-set eyes are made of warning. There's an invisible caution sign. Na kapag tititigan mo ito, you can't do anything within your willpower but to fall and drown. But I think I'll risk drowning with those eyes.

Binakas ko ang anggulo ng kanyang panga. Higpit akong kumapit sa gilid ng tub bago ko pa matagpuan ang sarili kong hinahaplos ang perpekto niyang mukha.

My examination went down to his neck and to his prominent adam's apple. Tapos ay bumaba na naman hanggang humantong sa balikat at braso niya. His broad shoulders...then to his perfectly sculpted arms that goes well with his light olive skin.

Matikas ang kanyang tindig, na para bang sinasabi nitong walang makakatibag sa kanya. He's—

Tinapik ng kanyang hintuturo ang ilong ko. Kumuha siya ng panibagong piraso ng wet wipes at pinunas sa'king mukha.

"You're looking at me as if you like me." mababa at kalmado ang boses niya. Kaswal lang, walang halong pang-aasar.

"I do."

Shit. There! I've said it! And I didn't even regret a bit.

Huminto siya sa ginagawa. Nasa pisngi ko ang kamay niyang hawak ang wetwipes. Tinagpo niya ang mata ko. His lips puckered. His soft angled thick brows climbed up.

"Aaand...you're going to stay the night in my condo. How am I supposed to feel about that? I'm starting to get scared." pinagpatuloy niya ang pagpunas sa'king mukha.

"Forget it. Joke lang 'yun. I don't like you. At all." seryoso kong sabi.

Umangat ang isa niyang kilay at kumiliti sa kanyang labi ang pigil at nanunuyang ngiti. Parang hinahamon niya ako sa katotohanan ng sinabi ko.

"You want straight-out honesty? I don't want to freak you out." humalukiphip ako.

Sinabayan niya ng pag-iling ang kanyang halakhak. His laughing voice made him more manly. It's naturally gravelly and baritonal.

Ang init ng hininga niya sa kanyang pagtawa ay binawasan ang lamig na nararamdaman ko. I wanted to be consumed by that heat coming from him. Isipin ko palang na tinatakpan niya ako ng mainit niyang katawan ay parang nilalagnat na ako. He made me dizzy with his proximity. Nanlalabo na rin ang mga mata ko sa hilo.

Inangat niya ang paa ko at nilagay sa kanyang kandungan. Tinanggal niya ang aking kitten heels at pansin ang pamumula at basa kong paa na may mga putik pa. He did the same with my other foot.

Tinignan ko ang paa niya. He has big feet. You know what they say about men having big feet. God Lory! Kailangan ko na nga talagang maligo sa holy water na may kasamang zonrox.

"You can walk right?" binaba niya ang mga paa ko.

"Of course."

Ngumisi siya saka kinuha ang aking heels sabay tayo. Lumabas siya ng banyo dala dala ang aking sapatos.

Lumusong ako sa shower area upang hugasan ang aking paa. Pumasok si Rouge at may nilapag sa sink. Sunod kong narinig ang pagsara ng pinto. He's giving me my privacy. More reasons why I can't help but to get attached to him.

Lahat ng mga sinabi ko kanina na hindi na ma-involve pa sa kanya ay kinain ko na't ginawang hapunan.

Naligo ako. I guess he doesn't mind. Ginamit ko ang kanyang bodywash na katangi tanging sabon na nandoon maliban sa Irish spring. Sana mahilo ang alaala ko nito tungkol sa kumuha sa bag ko. I'm still terrified over losing the check.

Kinuha ko ang puting tuwalyang hinanda niya pagkatapos kong maligo. It smells like a fabric conditioner. May inihanda rin siyang puting shirt na sa tingin ko'y pagmamay-ari niya dahil sa laki nito.

And the boxers...I can't believe na susuotin ko 'to. He wears this, too! Kasya ba 'to sa'kin?

Binuka ko ang boxers sa harap at pinulupot ang garter sa'king leeg. Medyo maluwang. Pero sa tingin ko magkakasya naman kaya sinuot ko na kesa wala akong isusuot na pang-ibaba. I don't even have an underwear.

Paglabas ko ng banyo ay wala siya. Galing sa baba naririnig ko ang ingay ng tv so paniguradong nandoon siya't nanonood.

Iniwan ko ang basa kong damit sa loob ng banyo. Sana matuyo 'yon bago mag-umaga.

Tumungo ako sa balustrade saka sumandal doon. Lumabas si Rouge galing sa kusina. May dala siyang itim na mug na umuusok pa. Napahinto siya, mukha pang nagulat nang makita ang presensya ko.

"Coffee again?" may naglalarong ngiti sa'king labi.

Sa paglakbay ng mga mata niya sa katawan ko'y otomatikong dumestino ang aking kamay sa kanyang boxers upang iangat ito. Pakiramdam ko kasi ay malalaglag! Di ko alam kung dahil ba sa maluwang ito sa'kin o dahil sa pagtitig niya.

Ilang beses siyang kumurap at nagpilit ng ngiti. "You want some? May natira pa sa coffee maker.

Umiling ako. I don't drink anything with caffeine from afternoon onwards. Mahihirapan ako sa pagtulog.

"Matutulog na ako. Ikaw?"

"I'm still working on something." bahagya niyang tinuro ang umiilaw na laptop sa dining table na di malayong nakapwesto sa sofa.

Naghanap ako ng wallclock upang alamin ang oras pero walang nakadisplay. I feel like it's already late for him to work on something business related. That's probably about the launching his father wanted him to be in-charged of.

"Saan ka matutulog?" tanong ko.

Tumuro siya sa isang pinto na halos katapat lang ng bukana ng kitchen.

"The other room." aniya

Oh. May isa pa palang room. Akala ko isa lang at...well hindi naman siguro appropriate na magtabi kami. Pero kung magtabi man, wala namang malisya sa'kin. Depende lang kung ano ang iisipin namin tungkol doon. Pero ako...nada. I'm fine with it.

Namalayan kong nagtagal ang tingin ko sa pintong 'yon na parang sinisilaban ko ito gamit ng aking paningin. Nanatili ang tingin ni Rouge sa'kin.

Bigla akong ngumiti. "K. Goodnight."

I sprawled into his bed. The visuals didn't trick me at all dahil malambot nga siyang higaan.

Sa paglundag ko sa higaan ay nakaramdam ako ng hilo kaya tumagilid ako't pinikit ang aking mga mata. Doon ko rin naramdaman ang sobrang pagod kaya mabilis akong nakaidlip.

Nagising ako na sumasakit ang ulo at nilalamig. Ayokong dumilat dahil sumusuot ang sakit kapag nakakakita ako ng ilaw.

Kinapa ko ang ilalim ng unan upang hanapin ang dulo ng kumot. Matamlay ang aking mga kilos gawa na rin ng pangangalay ng aking katawan.

Mahapdi ang aking labi, at hindi ko kayang tumagal sa iisang posisyon sa pagtulog dahil para akong mapapaso sa matagalang paglapat ng balat ko sa kama.

"Lory...I got a call from the station..." yun lang ang nagawang intindihin ng utak ko.

The rest are muffled by the pain caused by my headache. Kapag magpo-proseso ako ng mga salita ay lumalala ang sakit.

Bahagya kong binuksan ang mga mata ko. Madilim ang kwarto. Nagawa kong maaninagan ang silweta ni Rouge na patagilid na nakahilig sa haligi. Huli na bago ko siya mapigilang buksan ang ilaw.

Mariin akong pumikt at tinakpan ng kumot ang buo kong katawan. I feel like a cocoon.

"Please turn it off..." it was muffled, malabong maintindihan 'yon ni Rouge.

"Are you okay? What's wrong?"

Lumapit siya't umupo sa gilid ng kama. Sinubukan niyang alisin ang pagkakatakip ng kumot ngunit pinigilan ko. Ayokong makakita ng ilaw.

"Please turn the lights off..." nakapikit kong sabi, at mas nilakasan ang boses ko.

Napangiwi ako sa pagpulso ng sakit sa'king ulo. Nag-iba ulit ako ng posisyon.

Pinatay ni Rouge ang ilaw at bumalik ulit sa kama. This time hindi ko na siya pinigilan sa pag alis ng kumot.

Lumapat ang likod ng kamay niya sa noo ko. "Shit."

Marahas siyang suminghap. Gumaan ang kama at sunod kong narinig ang may pagmamadali at mabibigat niyang hakbang.

I'm in fetal position. Sinubukan kong bumalik sa pagtulog ngunit hindi kinaya ng sakit ng buo kong katawan. I feel like hell's dwelling inside my body. Para ring tinatanggalan ng balat ang aking labi sa sobrang hapdi.

Naramdaman kong may sumisinghot at sunod ay ang paglapat ng dila sa pisngi ko.

"Shh! Rory! Climb down!"

Hindi tumigil ang aso kaya kinuha siya ni Rouge at nilagay sa baba ng kama. Tinahulan siya nito.

Pinunasan niya ang mukha ko gamit ng medyo mainit at basang tela. Tuluyan na niyang inalis ang buong kumot. He went wiping down to my neck, then my upper and lower extremities. Sinali na rin niya ang tiyan at likod ko. Dumaing ako sa naramdaman pa ring sakit.

Lumabas ulit siya ng kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa kanyang aso upang sundan siya nito.

Medyo matagal bago siya nakabalik. Sa pangyayari sa paligid ko tinuon ang aking atensyon upang maiwasan kong pansinin ang sakit ng aking katawan at ulo.

Umupo sa kama si Rouge at nilapag ang dala niya sa bedside table. Hinawi niya ang tumatakip na buhok sa'king mukha at hinaplos ang aking noo.

"I cooked asparagus soup. Tempting, yeah?" nanunuya niyang ani, pero may kaakibat yung kaseryosohan.

Umiling ako. I don't think I can eat properly when I'm sick.

"You have to eat Lory." malamyos ang boses niya.

Bahagya akong umiling. Masyadong mabigat ang ulo ko, at buo kong katawan upang makakilos.

Napadilat ako sa ginawa niyang buntong hininga. He doesn't seem mad. He just look...exhausted. But it never made him less attractive.

Tipid siyang ngumiti. Di ko magawang ma-consciuos sa itsura ko ngayon. I'm too tired to care.

"Please eat. So that you can take your medicine."

Tinulungan niya akong umupo. Kukunin ko na sana ang bowl laman ang mainit na soup ngunit naunahan niya ako at siya na rin ang nagsubo sa'kin.

"I can eat Rouge. I have my hands." matamlay kong sabi.

Pinunasan ng hinlalaki niya ang gilid ng labi ko. "Let me feed you."

Sa kabila ng nararamdamang sakit ay nakuha ko pang maging emosyonal na tignan si Rouge. The last one who did something like this was my mother. Nagkakasakit din naman ako noon na may presensya ni dad pero hindi ganito na nangangailangan ng kalinga. The most critical was me having dengue back then and my mother was with me the whole time.

Iniwas ko ang aking tingin bago pa ako maiyak sa harap niya. Umiling ako sa panglimang subo niya sa'kin ng soup. My emotional memories dominated over my hunger and fever. While Rouge is in between.

Nanlambot ako sa ganitong ugali niya. Hindi ko siya magawang iwasan. I'm getting more and more attached to him. Bawat araw na kasama ko siya ay umaakyat ng isang hakbang ang attachment na 'yon. At wala akong makitang daan pababa.

Pinainom niya ako ng gamot saka tinulungang humiga. Kinumutan niya ako at hinalikan ang aking noo bago nilisan ang kwarto.

Gumising ako kinabukasan na mukha ni Rouge ang una kong nakikita. Nilakihan ko ang mata ko upang mas malinaw na makita ang katotohanan.

Sa pagkakatanda ko nilagnat lang ako, wala akong naalalang pangyayari na nagre-require sa aming magtabi sa kama.

Nakaawang ang bibig niya at mahina siyang humihilik. Nakaharap siya sa'king natutulog. Binakas ko ang braso niyang hinihigaan ng ulo ko na hindi ko maalala kung paano nangyari. Pumalibot naman ang isa niyang braso sa'king baywang.

Ramdam ko ang aking pamamawis lalo na sa'king noo at likod. Medyo gumagaan na rin ang aking pakiramdam.

Gusto ko mang manatili ay kailangan ko nang umalis.

Dahan dahan kong tinanggal ang may kabigatang braso ni Rouge paalis sa'king baywang. Nakatutok ako sa mukha niya habang ginagawa 'yon. Nagtagumpay ako kaya maingat akong umalis sa kama.

Nahagip ko ang bag ko sa bedside table nang papunta na sana ako sa banyo. Ito siguro ang itinawag sakin ni Rouge kagabi. Hinatid ba 'to ng pulis o siya mismo ang kumuha sa station?

Katabi nun ay isang paperbag ng isang mamahaling brand laman ang mga pambabaeng damit. Amoy mall pa ang mga nasa loob. Dinala ko ang mga gamit sa loob ng banyo.

Naghilamos ako at nagmumog sa mouthwash since wala akong toothbrush. Didiretso na ako sa school ngayong nakuha na pala ang bag ko. Isang mamahaling top at branded jeans ang nasa loob ng paperbag.

Kasya sa'kin ang jeans. Ipinagtaka ko kung paano niya nalaman ang size ko. Hinanap ko ang aking dress na hindi pa natutuyo at isinilid sa paperbag.

Kinuha ko ang aking binder notebook at nagpunit ng papel. Simpleng 'thank you' ang sinulat ko at nilagay sa bedside table niya.

Bago ako tuluyang umalis ay ginawan ko siya ng black coffee. Nilapag ko ito sa ibabaw ng note saka ko nilisan ang kanyang condo.

Continue Reading

You'll Also Like

46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
39.1M 1M 58
Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but there's no stopping him. But that's what...