RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PU...

By blackpearled

9.8M 215K 45.3K

Lorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil... More

TO BREAK AN AFFAIR
FOREWORD
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
EPILOGUE
NOTE

SEVEN

161K 3.8K 765
By blackpearled

Tulala kong nilapag ang laptop ni Lila sa kanyang desk saka ako bumalik sa desk ko. Hindi pa rin ako makausad sa inasal ni Rouge kanina sa conference room.

Should I even trust him? We've been in several encounters at ngayon ko pa talaga itatanong 'to? I just don't get why he likes driving me home! Kailangan ko na talagang magdala ng sasakyan para hindi na niya ako maipagmamaneho pa. Nag-uumapaw na ako sa utang ko sa kanya at isang beses lang akong nakabayad.

Dumating si Lila na nakadikit pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Binati ko ulit siya at may balak pa akong ilibre dahil sa tagumpay ng kanyang presentation animo'y na-promote siyang manager ng kompanya.

"Alam mong sisipot si Rouge?" duda kong tanong.

Nanlaki ang mata niya't sumenyas ng pagdepensa sabay iling. "No! I swear hindi ko alam. Akala ko nga papa niya ang pupunta."

Kumunot ang noo ko nang biglang may naalala. It's lunch time. Rouge said maghihintay siya sa'kin sa parking lot pero wala naman siyang sinabing oras. Mamayang hapon pa ang out ko, hindi naman pwedeng hanggang hapon siya maghihintay!

Bumaba ako sa basement parking. Kaagad kong nahanap ang kanyang Maybach dahil nakatayo lang siya sa gilid nito ngunit hindi siya nag-iisa.

Nakapameywang siya habang ang katapat niya'y ma-otoridad na nakahalukiphip. It's a smack-dab of him, pinatanda lang ng ilang taon. I could make out the semblance ngayong nakikita ko na silang magkaharap.

Parehong seryoso ang kanilang mga mukha. Nakayuko si Rouge habang nagsasalita naman si Sir Herman.

"Bakit ka pa umuwi kung hindi ka naman pala magseseryoso?"

Aalis na sana ako ngunit nanaig ang aking kuriosidad. Sir Herman is reprimanding Rouge. Regardless of him being downplayed by someone more superior, he was still able to display that nimbus of authority. He doesn't look defeated at all. Kalmado lang siyang nakikinig sa kanyang ama.

Nagtago ako sa malapad na haligi at dinikit ang aking likod doon. Dalawang kotse ang agwat sa pagitan ng haligi na 'yon at sa kanyang Maybach.

"So you're pushing me away now that I'm here." malamig ang tono ni Rouge.

"I'm not pushing you away, Rouge. Pinagsasabihan lang kita. Kung umuwi ka lang dito para magloko, then you better go to some godforsaken place where you can act your shenanigans! I won't allow that here." matalim at puno ng pagbabanta ang boses ni Sir Herman. May pinagmanahan si Rouge sa boses niya.

"I'm going to handle it if that's what you want."

"Yes, that's what I want! Sino pa ba ang aatasan ko eh ikaw lang ang anak ko?"

I heard a dark chuckle. Pinasidahan ko ang paligid sa harap ko. So far wala namang nagsibabaang mga tao para sa mga sasakyan nila.

"Don't laugh. Walang nakakatawa Rouge." madilim na sita ng ama niya.

Nilamon ang parking lot ng katahimikan maliban sa malabong ingay galing sa taas gawa ng mga pagdaan ng ibang sasakyan. May alingawngaw rin ng matinis na pagbaba sa hagdan.

Hindi nila ako namalayan dahil hindi naman ako ganoon kaingay maglakad.

May kaluskos ng sapatos at pagkalansing ng mga susi. Nakikita ko si Rouge na pinaglalaruan ito.

Sumilip ako, nakasandal na siya sa gilid ng kanyang kotse. His father maintained his position at matigas ang ekpsresyong tinitigan ang kanyang anak na nagtatalo sa kaseryosohan at pagiging kalmado ang mukha.

"Nagpatawag ng meeting ang mga Yapchengco, be my representative again. And I'm going to authorize to you the launching of Regal Cruise."

"What's that?" Rouge asked.

"Alamin mo. Ikaw in-charge di ba?"

I have met him before pero wala akong ideya na ganito pala niya pagalitan ang anak niya. Nag-iisang anak niya.

"Is it mine? Ipapamana mo sa'kin 'yon?" Rouge's tone is perfunctory.

"If it'd turn out to be a success, then yes. But you'd be the one who has to work for that. So for all intents and purposes, son, the success of the launching all hinges on you."

Launching of another business? Ilang negosyo ba meron sila? Shame on me, hindi ko ni-research. I'm liking a guy that I know less about.

"You're not getting any younger. Be serious this time. You're done being a teenager. Be a man now." may bahid ng utos na wika ni Sir Herman.

Malalim ang paghugot ng hininga ni Rouge. "Yes dad."

Metikuloso ang hakbang ni Sir Herman paalis. Sinilip ko ang kanyang pagtungo sa isang maitim at makintab na Tesla. Pinagbuksan siya ng unipormadong driver. Bumalik ako sa pagsandal sa haligi nang papalabas na sila ng basement parking.

Nagbukas at sara ang pinto ng kotse. Sinilip ko si Rouge at nakitang wala na siya sa labas. He went in? Hihintayin pa ba niya ako?

Pinaandar niya ang Maybach. Ilang sandali ang nagdaan bago niya 'yon pinasibad. So he's not going to wait for me? Mabuti nalang hindi ako nag-expect. Slight lang.

Tumunog ang cellphone ko at rumehistro sa screen ang isang unknown number.

Sorry. Sudden meeting. See you tomorrow.—Rouge

Tomorrow? At bakit kami magkikita bukas? Hindi pwedeng araw araw nalang kaming nagkikita. I wanted to confront him at itanong sa kanya kung anong kailangan niya. Kung bakit niya ginagawa ang mga ginagawa niya. I have theories but then again, I don't want to assume.

Me:

How did you have my number?

Isa pa'to. As far as I could remember, hindi ko binigay ang number ko sa kanya.

:)

Napairap ako sa kanyang reply. I have to understand. He's driving.

Sinave ko nalang ang kanyang number saka ako umakyat ulit sa office kung saan naghihintay na sa'kin si Lila.

Ang tomorrow na sinabi ni Rouge sa kanyang text ay hindi nangyari. Tumagal pa 'yon ng dalawang linggo at hindi na ako umasa na magpakita siya ulit.

Wala na rin namang rason na magpupunta siya rito sa Vedra Corp, ang huli ay 'yong meeting presentation ni Lila.

I get it that he's busy. Base na rin sa sinabi ng kanyang ama na siya ang in-charge sa launching ng panibago nilang business. 'Yon marahil ang pinagkakaabalahan niya. So I've been drowning my hopeless expectations with school and work.

Naintindihan ko pa noong una ang kabusy-han niya. In fact, I shouldn't really have to mind everything about him. Taga hatid ko lang naman siya pauwi, so there shouldn't have been an attachment of any kinds of emotion at all! Sino ba naman ako upang magdemand ng oras galing sa kanya?

We don't even date. We just meet and he drives me home.

It's not wrong to assume. What's inappropriate is to claim a right to assume something when you don't even have the right to. Ito ang mahirap kapag masyado mong nilulunod ang sarili mo sa isang sitwasyon na wala namang kasiguraduhan.

We take the risk for all we thought it's fun. Nakakalimutan natin minsan na sa gitna ng 'fun' na 'yan, a certain thing would come in between. Unexpectedly. Then it ruins all the fun that you were being guaranteed to.

Halos araw-araw yata akong pinapakitaan ni Lila ng mga pictures na kuha ng pinsan niyang photographer. It's Rouge in various clubs and bars with his friends and...women. Hindi ko alam pero umiinit ang dibdib ko sa bawat litratong pinapakita niya. Umiinit sa inis.

"I told you Lila, I'm just nothing for that man. There's no picture of him without him shoving his tongue under every woman's throat!" pinilit kong itago ang inis ko.

Halos malukot ko ang hawak na papel sa gigil at inis. Gusto kong itapon ang cellphone ni Lila upang wala na siyang mga picture ni Rouge kasama ang iba't ibang babae. And they have one thing in common. Bouncing boobs. Mas lalo akong nainis!

Dinilete ni Lila ang mga picture na napakita na niya sa'kin. "I thought he's going different on you."

Ngumiwi ako. Akala ko nga rin.

"He's not. He's making me one of them."

Hindi ko maitangging na-disappoint ako. Lila knows that, too.

Nawala na ang concentration ko sa pinapagawa sa'kin dahil natakpan ng pagkabigo ko. Magtatapos na ang dalawang linggo at hindi na naulit pa ang pagkikita namin ni Rouge. Akala ko trabaho ang pinagkakaabalahan niya. He's busy with women after all.

Guys insinuate. Rouge did. Sa una lang 'yang mga diskarte nila, that's a common deed of guys. They just merely warm the car's engine but they don't even have the balls to drive it.Parang nagsusulat lang din sila ng libro na hanggang introduction lang, at kapag tinamad at na-realize nilang hindi sila interested, hindi na nila tatapusin. I'm just an unfinished book for him.

Bumaba ako sa building ng isang kompanya at nilakad lang ang labasan ng industrial park. Ako kasi ulit ang pinag-collection nila. Malalim na ang hapon kaya bukas ko nalang ulit iaabot ang tseke sa office.

Tumingala ako nang maramdaman ang patak ng ambon. Hindi pa masyadong makulimlim ngunit sunod sunod na ang mga pagkulog. Agad akong pumara ng taxi at napagdesisyunang magpunta sa madalas kong kainan na vegetarian restaurant.

Ayaw kong mag-dinner sa bahay. Gusto kong magpahinga kaagad pagkauwi ko.

Oras ang tinagal ng biyahe dahil sa pagbagsak ng malakas na ulan tapatan pa ng traffic. Tumindi ang gutom ko dahilan upang manginig ang aking tuhod habang naglalakad papasok sa resto.

Mainit ang panahon kanina kaya hindi ko inasahan ang pag-ulan ngayon. Hanggang gabi o bukas pa yata 'to mapapawi dahil sa lakas ng pagbagsak. At dahil nga hindi ko inasahan, hindi ako nakapagdala ng payong.

Dumating ang aking order at agad ko itong nilantakan. Paminsan minsa'y tumitingin ako sa labas kung saan natataranta na ang mga tao sa paghahanap ng masasakyan. May nahagip pa akong nag-aagawan sa pagsakay ng taxi. Buti pa ang taxi pinag-aagawan.

Dinukot ko ang aking cellphone sa bag nang maramdaman ang pag-vibrate nito. Napaatras ako sa nakitang mensahe mula kay Rouge. Now he's texting me after two long weeks! Magpapa-cater na ba ako?

Rouge:

Where are you?

Binaba ko nararamdamang pag-asa na pilit namang umaakyat.

Me:

Why?

I wonder kung nasaan siya ngayon. Maybe in the lair of another woman.

Bumagal ang pagnguya ko habang binabasa ang kanyang reply.

Rouge:

I'm picking you up.

Tinamaan ako ng kaba at pagtatalo sa isip ko. This time, I use my logic. Basing from the pictures that Lila has showed me, I don't think I have to involve myself with Rouge anymore.

Me:

No need. I'm home.

Binilisan ko ang pag kain. I have to get home before he finds out that I'm not really home. But then, he would never find out. He has no iota of interest of my whereabouts.

Rouge:

You're lying.

What the fuck?

Mabilis akong nagreply. Mas nagmukha akong defensive sa bilis ng pagreply ko sa kanya. Huli na bago ko napagisipan.

Me:

How d'you know?

Uminom ako ng tubig. Hindi nito pinawi ang kaba ko. There's no way he'd know! At bakit ako kinakabahan? So what if I lied to him? I don't care if he gets mad. I have no single obligation to him.

Rouge:

Galing ako sa inyo. You're not there.

Bullshit.

Binalik ko ang aking cellphone sa bag. Ayoko nang magreply. He's creeping me out. Pumunta pa talaga siya sa bahay para lang alamin 'yon? My god!

Muling tumunog ang cellphone. Inis kong binasa ang karagdagang text.

Rouge:

It's not hard to text me the place, Lorelei. Where. Are. You?

Ma-otoridad ang text niya. I could imagine his jaw ticked. I remembered our previous encounters where he went bossy on me.

Binaha niya ako ng mga text na parehas lang ang mensahe kaya wala akong nagawa kundi ang itext sa kanya kung nasaan ako. Hindi na siya nagreply pagkatapos. Damn Verduzco!

Tinapos ko na ang aking hapunan. I placed the bill on the table saka lumabas ng resto.

Hindi pa rin tumitila ang ulan. Bawat patak nito ay napapatakan rin ang aking paa. I'm wearing a yellow peplum pencil cut dress without sleeves kaya mas ramdam ko ang lamig.

Walang kwenta ang pagtakip ko ng bag sa'king ulo dahil nababasa pa rin ako ng ulan. Marami kaming nag-aabang ng taxi at kung magtatagal pa ako rito ay tuluyan na akong maliligo sa ulan.

Sumilong ako sa isang bakanteng sidewalk na may malaking puno, tinatanaw ang mga naghihintay ng taxi na wala nang pakialam kahit maligo sila sa ulan. Nababasa pa rin ako dahil sa puno lang naman ako sumisilong./

Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang panyo doon upang punasan ang pumapatak na tubig ulan sa'kin. Isasara ko na sana ang zipper ngunit ganoon nalang ang pagkagimbal ko't parang may higanteng kamao na sumuntok sa'king tiyan. Hindi ko mahanap ang boses ko!

Sa isang iglap lang ay naglaho ang aking bag. Natatanaw ko pa ang pagtakbo ng kumuha nito. Hindi pa siya nakakalayo kaya sinubukan ko siyang habulin. Mahapdi ang pagtama ng ulan sa'king mukha.

Sa dinami daming taong nagkukumpulan upang maghintay ng taxi at pwede niyang pagpiliang nakawan ay ako pa talaga!

May ilang nakapansin na sa nangyayari. Tinuro ko ang hinahabol ko at may mga nagkusang loob namang tumulong. The men were running faster than me but I still want to personally catch that mugger!

"Lory!"

Hindi ako tumigil sa pagtakbo sa kabila ng pamilyar na boses na tumawag sa'kin. Buong atensyon ko ay sa kumuha sa bag ko at sinusuri ko ang kahit suot manlang niya para may description ako in case hindi ko siya maabutan. But the street lights are making this tricky for me!

May malakas na brasong pumulupot sa'king baywang na nagpaudlot sa'king paghabol. Inis kong hinilamos ang mukha kong basang basa nang ulan.

Iritado ko siyang binalingan.

Umakyat ang tingin ko sa kanyang payong at sinuri ang kulay nito. And why do I have to know? I was mugged! That should be my concern and not the color of his fucking umbrella!

Mas hinila niya ako upang mapasilong sa payong niya. Nakakunot ang noo niya habang hingal na hingal galing sa pagtakbo't habol sa'kin.

"Why are you running?" dinilaan niya ang kanyang ibabang labi saka bumaling sa likod ko, mabilis lang 'yon at agad siyang nagbalik ng tingin sa'kin.

Hinihingal na rin ako. Adrenaline rush. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at higpit ng braso niya sa'kin.

Lumunok ako sa panunyo ng aking lalamunan.

"I was mugged! Nandoon lahat! My phone, wallet, then yung...shit."

Mariin akong pumikit. I can't lose the check! Dammit!

Maliit lang ang halaga na 'yon para sa mga negosyante pero responsibilidad kong pangalagaan ang tseke. That's the company's possession! And for fuck's sake intern palang ako! The company's going to send me out once they'll find out about this. Takot akong isipin na baka ma-blacklisted ako dahil sa'king kapabayaan.

Nilipat ni Rouge ang hawak niya sa payong sa isang kamay at ang isa'y humawak sa'king balikat.

"Calm down. We'll report that incident okay? Come on." mahinahon niyang sabi.

"I have to get to that slimeball! May tseke doon sa bag and it's not even mine! Sa kompanya yon! Fuck!" nakikipagkompetensya na ang pagtaas ng boses ko sa lakas ng ulan.

"Makukuha natin 'yon. Just come with me, basang basa ka na!" pilit niya akong hinihila sa kanya.

Wala akong pakialam sa naiinis na rin niyang boses. Hinila ko ang braso ko sa mahigpit niyang pagkakahawak.

"I have to—"

"Yes we're going to get it! Okay?"

Napasuko ako sa talim ng tingin niya. Pero may nahalong panlalambot ng ekspresyon doon. Inakbayan niya ako't mas siniksik sa kanya sa kabila ng pagkabasa ko. Damn I'm cold! Naramdaman niya 'yon kaya hinihilod ng kanyang palad ang aking braso.

Tumingin ako sa likod habang naglalakad na kami. Umaasa akong makikita ko ang mga nakisali sa paghabol sa mugger dala ang bag ko.

May pinindot si Rouge sa climate controls kaya humina ang lamig sa loob ng kotse. Inabutan niya ako ng kanyang itim na suit na kaagad kong tinakip sa nanginginig kong katawan.

Pinagmamasdan ko siyang nagda-dial sa kanyang Iphone. Tumingin siya sa'kin kasabay ng paglapat ng tenga niya sa cellphone.

Umigting ang panga niya at seryoso ang kanyang mukha. Hindi ito nagbago kahit kausap na niya ang nasa kabilang linya. Isang officer sa police station.

"Update me for the report. I think connected ang CCTV camera ng lugar sa station niyo. May humahabol din sa kanya so it won't take long before someone brings that mugger to your station." ani ni Rouge.

Nanahimik siya sa sinasabi ng kanyang kausap. Nanatiling konektado ang tingin namin sa isa't isa hanggang sa natapos ang tawag. Doon lang naputol ang tinginan namin sa pag-lock niya sa kanyang phone.

"May kaibigan kang pulis?" tanong ko.

Pinaandar na niya ang sasakyan. Nag-backing siya saka tuluyang pinasibad ang sasakyan paalis.

"Cousin of a friend of mine." aniya.

Mas siniksik ko ang sarili sa malambot na white leather seat. I miss the feeling of being in his car. Nakakasakay din kaya rito ang mga babaeng nakikita kong kasama niya sa pictures?

Inamoy ko ang upuan. So far it doesn't smell like anything womanly. Maybe nagpa-carwash siya at kasali ang interior.

Thinking that a woman was able to be in his car made me sick. And who knows kung ano na ang nagawa nila rito ng mga nilalabas niyang babae. He has been photographed being with various women but not with me. How come?

"Ang bilis mo yata akong nahanap? I thought galing ka sa bahay?" tinulak ko paalis ang bahid ng pagdududa sa'king boses.

"Nasa Makati na ako nang tinext kita." kaswal niyang sabi. "And I coincidentally parked near the place you texted me. Pero wala ka na doon pagpunta ko. I thought you were lying at totoo ang sinabi mong nasa bahay ka na. Then I caught a sight of you running."

Pinagtaka ko ang mahaba iyang pagpapaliwanag. Usually he answers curtly. And sometimes he doesn't elaborate. Ganoon ba epekto ng ulan sa kanya?

Bumaling ako sa bintana at nakitang hindi ito ang direksyon papunta sa bahay namin.

"You'll be staying at my place." biglang pahayag ni Rouge, marahil namalayan ang pagtataka sa'king mukha.

Mas lalo akong naguluhan.

"Why? I have to go home!" giit ko.

And I can't stay at his place! Who knows kung anong meron doon. Maybe a naked woman in his couch. At saka kakasabi ko lang na ayaw ko nang ma-involve sa kanya. I have to pull my reigns back before I could even fall on the cliff.

Umirap siya sa ere. "Mahirap umuwi ngayon sa inyo. Malakas ang ulan, I think there's a storm. Baha ang mga daanan and the traffic's heavy."

"My bag..."

Bumuntong hininga si Rouge. Parang kaunting giit ko pa'y mauubusan na siya ng pasensya.

"Papasara na ang mga mall ngayon, kaya hindi magagamit ang credit card mo."

"There's cash in my wallet. And the check!" halos paghihisterikal ko.

I think I'm going to get sick. Na-stress ako sa nangyari. Paano kung hindi mahuli yung mugger? Ngayon palang nakikita ko na ang magiging reaksyon ni dad kapag nalaman niyang nakawala ako ng tseke. Ayoko nang mag collection next time!

"The important thing is you're safe, Lorelei. May ibang snatcher na sinasaksak pa ang ninanakawan nila." Rouge's tone is controlled.

"Besides..." pinasidahan niya ako, huminto ang mata niya sa'king binti at dibdib saka binalik sa'king mukha. Agad siyang nag iwas ng tingin. "You have to worry about yourself."

Umirap ako. "I'm fine."

Walang dapat ipagalala sa'kin. I'm just stressed. I'm not dying.

Sa valet parking pinarada ni Rouge ang Maybach. Kinuha niya ang payong sa gilid ng kanyang upuan at naunang bumaba. Bababa na rin sana ako ngunit lock ang pinto sa side ko.

Bago ko pa i-unlock ay nabuksan na niya at inalalayan niya akong bumaba habang sinisilong ako sa kanyang payong. Yakap ko pa rin ang mabango niyang suit.

Tiningala ko ang building ng kanyang condo.

So I'm really going to stay here tonight? With him? With someone that I don't want to involve myself anymore but I just can't afford getting away from.



Continue Reading

You'll Also Like

39.1M 1M 58
Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but there's no stopping him. But that's what...
134K 528 112
Just a list of the stories that I read with its main/lead characters. Compilation. Recommendations. Mostly Series. Known and Underrated Authors. Rom...
14.1M 272K 38
Synopsis Matthew Del Prado is one of the most eligible bachelor in town. A man that every woman's dream and every man's nightmare. He can...
39.4M 1.1M 50
Minsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang...