RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PU...

By blackpearled

9.7M 214K 45.1K

Lorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil... More

TO BREAK AN AFFAIR
FOREWORD
PROLOGUE
ONE
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
EPILOGUE
NOTE

TWO

211K 5K 1.3K
By blackpearled

I had never enjoyed being in a car. Mapa-driver man ako, nasa passenger's seat o sa backseat. I get cranky every time traffic kicks in.

Today is a first time. And yes, it has something to do with the man in the driver's seat. I don't care whatever car he drives; branded man o secondhand, kahit kalabaw pa 'yan o kabayo. If he's to accompany me everywhere I go, I'll enjoy every moment of it.

Katulad kagabi, tahimik lang din siya. Maybe it's a habit. Or maybe because he hasn't taken his dose of caffeine yet.

"Bring me to your favorite coffee shop. Coffee's on me." basag ko sa katahimikan.

Panandalian siyang sumulyap na sinamahan niya ng ngiti. Is it wrong for me to imagine running my hands in that light shadow of his stubble? To think na pangalawang araw palang naming encounter 'to.

Nanatili lamang ang kamay ko sa aking hita ngunit ramdam ko na ang gaspang ng panga niya sa'king palad. Get your mind off the gutter Lorelei!

Natukso akong kunin ang Ipod na nasa likod ng gear. I wonder what genre of music he's into. I hope we're into the same songs. But I don't want him to think that I'm already getting myself too comfortable with him. Baka isipin pa niya na ang bilis kong itapon ang sarili ko sa kanya.

Pinarada niya ang sobrang mahal niyang kotse malapit sa Toby's Estate. I've been in the outskirts of Makati often but I haven't tried getting in here, kaya mas na-excite ako sa pagkakape namin.

Bumaba na kami ng sasakyan. Tumunog yun pagkatapos kong isara. Umikot pa ako sa likod Nauna siya sa'kin sa paglalakad since mas malapit siya sa entrance ng shop. But he stopped at the side and opened the glass door for me. Bahagya siyang tumungo habang nakatingin sa'kin.

"Thank you." ani ko.

Malaki ang area ng coffee shop. It's neatly white and cream from the floor up to ceiling. Hindi masakit sa mata, even the wall lights and some hanging lights are appealing. The whole environment is pretty. I love it.

Umupo kami sa dalawang magkatapat na puting silya. Nakaharap ako sa wall kung saan may malaking open window doon at makikita ang ibang empleyado na gumagawa ng ibang sini-serve nila maliban sa coffee. Naka-display sa gilid ang apat na wallclock na nagpapakita ng oras sa ibang bansa.

"So...what's your order?" tanong ko.

Pinigilan kong hindi pasidahan ang buhok ko habang lahat ng atensyon niya'y nakatuon sa'kin. Ngayon palang yata ako na-conscious ng ganito. I used to be a very confident and complacent person. But this man infront of me just knocked up my insecurities.

Pormal niyang pinagsiklop ang mga kamay sa mesa. "Long black coffee."

My eyes stilled at his hands. Big dexterous-looking hands. They looked callous and warm to hold on to. Malinis rin ang mga kuko niya. He has a silver ring on his right thumb.

Nasulyapan ko ang silver niyang relo bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. Wala siyang naging ibang reaksyon sa bulgar kong pagsuri. He's just simply staring at me.

"Anything else?"

Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. Di ko alam kung ano ang nasa tanong ko na ikinangiti niya ng ganon. Bumaba ang mata ko sa labi niya.

Naturally pinkish ang plumpy. Binabakas ko ang letter M na anggulo ng itaas niyang labi.

Would there be any day or even a millisecond for him not to look attractive? Kahit yata wala siyang ngipin ay hindi mababawasan ang kawalang hiyaan ng kaguwapuhan niya.

"Just coffee." kaswal niyang ani.

May lumapit sa'ming lalakeng server. Bilang first timer dito sa shop doon ko lang nalamn na may ibang menu pa pala maliban sa nakadisplay sa counter.

Tinanaw ko ang oras sa wallclock. It's almost twelve noon. I'll probably order a soup. But how about him? Parang hindi sapat na magco-coffee lang siya ngayong lunch.

I went with Traviata for him which is an egg dish and a tomato soup for me. Nagpa-add na rin ako ng water

Pagkaalis ng server ay kaagad ko siyang tinignan. Nakayuko siya at nagtitipa sa kanyang cellphone. I've got a trace of my fingerprints on that, so technically para na rin kaming nag holding hands. Inipit ko ang aking labi upang hindi tuluyang sumilay ang aking ngiti. God, I must be crazy.

Sinilid niya ang phone sa kanyang bulsa. Hinintay kong mag abot ang aming tingin bago ako nagsalita.

"Dinagdagan ko ang order mo. I hope Traviata's fine for you. Lunch na rin kasi."

May aliw akong nakikita sa kanyang mga mata. Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi niya. "Hindi ka talaga mapakali kapag hindi nakabawi."

"I'm just not into asking favors. So...I don't know what to expect from someone I've asked a favor to." ani ko.

Humilig siya sa mesa at muling pinagsiklop ang mga kamay. "Really Lorelei, just a hot cup of coffee is fine with me. But thank you. You ordered my favorite."

It's weird that I felt flattered with what he'd said. Choosing that for him without knowing it's his favorite, can mean that it could be my favorite, too. But a certain type of vegan that I am can't eat any egg dishes.

I shrugged. "Wild guess. Maganda kasi pakinggan ang pangalan."

He smiled. Yumuko siya at pinagmamasdan ang mag daliri niyang nagda-drums sa mesa. Tinititigan ko lang siya. I know I look creepy but I can't help it. Ikukumpara ko siya sa isang painting na di ko matanggal tanggal ang mga mata ko sa pagtingin.

Kung isa man siya sa mga naka display dito sa coffee shop, marahil magtatagal ang mga titig sa kanya ng mga customers. He'd be as eyeful as the illustrations and appealing decorations here.

I remembered how I caught him with a teacher a while ago. Baliw na nga siguro ako dahil hindi man lang ako na–turn off. It makes him look more hot and sexy.

Doon palang ako nag-iwas nang matunugan ko ang pag-angat ng kanyang tingin. It's my turn to look at my fingers tracing random shapes on the table.

Tumigil ang pagtatambol ng mga daliri niya sa mesa.

"You're a student?" tanong niya.

Tinignan ko na siya sabay tango. "Graduating. You?"

"Working." simple niyang sagot.

Unang tanong na sumagi sa'kin ay kung ano ang trabaho niya. He's casual in his grey V-neck and dark jeans so nag-assume akong estudyante rin siya kanina na nagpapa-enrol.

Maraming pumasok sa isip ko, and not one of them is a mediocre job. Just think of his Maybach Exelero. Wala yatang makaka-afford ng ganoong kamahal na sasakyan sa pagiging empleyado lang.

Dumausdos ang poise ko sa lalim ng iniisip kaya umayos ako ng upo.

"So...mister. It's quite unfair na alam mo ang pangalan ko while I don't get to know yours." sabi ko.

Isang beses siyang nagpakawala ng tawa. "Rouge."

Naningkit ang mga mata ko sa pagtatanong. "Rouge..."

May dinukot siya sa bulsa sa likod ng kanyang jeans. Hinarap niya sa'kin ang kanyang brown leather wallet at swabeng binuksan. His driver's license is facing me. Binasa ko ang mga nakalahad doon.

Rouge Heathcliff Verduzco.

Tunog palang ng pangalan niya'y napaptayo na ang balahibo ko.

Seryoso siya sa picture, like he was seducing the camera. And he looked thinner compared to his muscle build today.

"Ilang taon ka dyan? You looked younger." ani ko. Binalik niya ang wallet sa kanyang bulsa.

"Twenty. This was taken three years ago."

So he's more or less twenty three now. He's young.

"Verduzco..." napaisip ako. "I've heard that name before. You know RV lines? The shipping company?"

"That's my father's attainment and legacy."

Tumango ako. "I knew it. So you're Sir Herman's son. I had a quick encounter with him once noong highschool ako. You don't seem familiar to me so meaning wala ka doon sa business party o baka nakalimutan ko lang. I wasn't really that much interactive."

"I was in Boston studying college." aniya.

"Figures."

Inangat niya ang pinagsiklop na kamay saka ipinatong doon ang kanyang baba. His deep-set dark amber eyes bore into me.

"Now that you know my name, you won't be addressing me as Mister anymore."sabi niya. I could sense his playful tone.

Bahagya akong tumawa. "Sinabi ko lang 'yon kasi tinawag mo akong Miss kagabi."

"That's 'cause I didn't know your name." sumilay ang ngiti niya.

"Okay mister."

Dumating ang server at nilapag ang mga orders namin. Inusog ko ang soup sa aking harapan. Dinala ko ang kutsara laman ng kaunting soup sa bibig ko upang tumikim. I made a sound in agreement dahil pumasa ito sa panlasa ko.

Pagkatingin ko kay Rouge ay nakarehistro ang pagtataka sa kanyang mukha. He's eyeing between me and my dish.

Tinanguan niya ang pagkain ko. "That's your lunch?"

I chuckled. "I'm a vegetarian."

Tumaas ang dalawang makapal niyang kilay, like he's asking if I'm serious.

Tumango ako. "No joke. I am."

"Oh..." tumatango siya habang nakausli ang kanyang bibig. "That's...great. I like healthy girls."

Hindi ko mapigilan ang pisngi kong uminit dahil sa sinabi niya. That's one point for you Lory.

"Nice choice then." sabi ko, hindi ko siya matignan. Tinago ko ang aking ngiti sa pag-inom ng tubig.

He deeply chuckled.  Nag vibrate ang boses niya sa sistema ko causing me to have goose bumps. It's still an indirect interaction pero napapatayo na niya ang balahibo ko. How much more if I whisper a touch to his skin? I'll probably hyperventilate.

Pinagmamasdan ko siyang kumain habang mabagal na humigop sa soup ko. That view of his body is a dessert to my main course. I can't help but think of the possibility that that masculine beauty could destroy marriages along the way. Namumutok ang mga alon ng kanyang biceps sa sleeves ng kanyang v-neck shirt.

The GQ models paled in comparison to this man infront of me. I couldn't begin to imagine what's inside that clothing. Nakadamit palang siya, but I can already tell that his body was carved from stone, especially the abdominals.

Ang madepina niyang panga, pwede ko nang paghasaan ng kutsilyo.

His taut chest is noticeable in his shirt.  He could even seduce by just merely eating or simply sitting.

He has no idea what's eating my mind. It's every bits and pieces of him.

Kung nandito lang si Jezreel, paniguradong iaalay na nun ang sarili sa lalakeng 'to. Even when he won't ask for it, any one with lady parts or dreaming to have one would surely be willing to be a sacrificial virgin for him.

"Ayaw mo ba puntahan ang tita mo sa bahay?" tanong ko bago pa niya mahalata ang nakakakilabot kong pagsuri sa kanya.

He swallowed his food before answering. "It's fine. Pumunta naman ang family ko sa reception."

"Bakit sila lang? Bakit ikaw hindi? Aren't you close?" tanong ko.

"Family ko lang. Not me, since I didn't spend most of my years here in the Philippines." aniya.

"So...posibleng hindi ka niya kilala?"

Sumimsim siya sa kanyang kape bago sumagot. "I can say yes."

So there's no point in being friendly with Antonia. Maaaring wala siyang sapat na nalalaman tungkol kay Rouge. I will just do the work all by myself.

Marami akong gustong malaman sa kanya. Ngunit natatakpan ang mga tanong ko ng isang di maintindihan na pakiramdam. Overwhelmingness, maybe? That I was able to have lunch with a debonair man like him. He's inundated with perfection. It's all new to me.

Nanatili pa kami sandali pagkatapos naming kumain. He doesn't seem in a hurry so maybe wala siyang work ngayon. But it's a Monday, how come wala? It could be na nag-file siya ng leave, absent o sadyang di lang niya feel magtrabaho ngayon.

"Thank you. Now we're quits." sabi ko bago niya buksan ang pinto ng sasakyan.

Pumihit siya't kunot-noo akong tinignan. "Where are you going?"

Tumuro ako sa sidewalk. "Mag-aantay ng taxi."

Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Tinitigan niya ako and I did the same. Nilingon niya ang sidewalk tapos ay bumaling ulit sa'kin.

"I'll drive you home." seryoso niyang ani.

I recoiled. "Again?"

Sinalihan niya ng ngisi ang kanyang buntong hininga. Sinara niya ang pinto ng sasakyan na hindi inaalis ang tingin sa'kin. Isang beses niya akong hinakbang. "I don't mind accepting another treat of coffee from you."

Di ko itatangging naaakit ako sa tono niyang 'yon. It was deep and airy, na parang inaangat ako nito sa ere. Pakiramdam ko'y naputol ang tali sa buhok ko at inuugoy ako ng hangin ng paghinga niya.

Nagtaas siya ng kilay habang hinihintay ang paghatol ko. Panay ang bahagya niyang pagtapon ng susi ng kotse sa ere tapos ay sasaluin niya sa kanyang palad.

Dalawang beses akong kumurap saka nagkibit balikat. "Whatever makes you feel better."

Sumakay na kami sa kotse. Hindi ko na kailangan pang ituro sa kanya ang direksyon dahil alam na niya ang daan. It's like he's been driving around here in the city most of his life kaya hanga ako sa kanyang sense of direction.  Ako kasi ay naliligaw pa minsan, that's why I prefer Lauris to drive me anywhere I want to go.

"Ayaw mong pumasok? Nasa loob yata ang tita mo." anyaya ko pagkatapos niyang iparada ang kotse sa harap ng bahay.

Umiling siya. "No, It's fine. I think she doesn't know me so I won't bother."

"Okay...thanks ulit." mabagal kong ani. Sa pagitan ng pagsasalita, I was thinking on how to make this encounter last longer.

He smiled. "Likewise."

Hinarap ko ang kotse pagkalabas ko. Inasahan ko ang mabilis na naman niyang pag-ibis but the car stayed. Binaba niya ang bintana.

Yumukod ako upang madungaw siya sa loob. Kumaway ako. "Bye! Drive safely."

He waved back. Pinagmasdan ko ang normal na pagpapatakbo niya. It has a different speed than last night.

Halos magtitili akong pumasok sa bahay. Hindi ko na nga siguro nasara ng maayos ang gate. Nagtatatalon akong naglakad habang sini-swing ang aking shoulder bag. I hummed the chorus of Hypnotic by Zella Day.

Sa ganoong ayos ako naabutan ni Lauris. Dumating na pala siya, I didn't notice his car outside.

"Why do you seem so happy?" nawe-weirduhan niya akong tinitignan.

"Because I am!" masigla kong sabi saka humalik sa pisngi niya. Humagikhik ako sa paglalim ng kanyang ekspresyon.

Pinagpatuloy ko ang pag-hum habang tinatahak ang hagdan.

"Manang! Call the ambulance! May ipapaadmit ako sa mental!" sigaw niya.

"Eat your piss, Lauris!" umalingawngaw ang sigaw ko sa buong bahay.

Malapad ang ngisi ko habang tinungo ang aking kwarto. Naabutan ko si Antonia na lumabas galing sa silid nila ni dad. Kahit siya ay ningitian ko sa unang pagkakataon.

Continue Reading

You'll Also Like

334K 17.6K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
424K 12.8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
127K 3.3K 36
𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen...