I'm inLUST with my BOSS

By therealsweetyjasmine

2.6M 30.2K 2K

Dumudumi ang isip ko sa tuwing nandiyan sya. Sh*t!! More

Intro: In-LUST with my Boss
Commercial lang saglit..
1st: I wanna EAT you!
Thank you and SORRY!
2nd: Touch me....please!
3rd: Shyness attack!
4th: Start of something new?
Papampams...
5th: he is coming...
6th: Baby-Sit on me....
7th: strength please...
7.2: lucky
8th: Is it really happening?
9th: Bitter-sweet kisses..
A-10-TION READERS.. :)
10th: Jealous?
11th: Confession part 2!
12th: Surprise?
13th: Unexpected VISITOR..
14th: Back for good?
16th: Contest?
17th: Competition part 1
18th: His story...
19th: Date??
20th: Confused 2.0
21st: Bebot # 2
22nd: Confused 3.0
23rd: the Boss' POV
24th: Space..
Paumanhin
25th: Dying inside..
26th: And I responded..
27th: It's official.. :)
28th: Her's opinion
29th: Visitors Day!
30th part 1: Happy 1st!
30th part 2: Happy 1st year!
31st: unknown girl

15th: Awkwardness...

54.4K 792 42
By therealsweetyjasmine

(A.N.: Here I am again, walang sawang nagpapa-thank you sa lahat ng readers ng IILWMB..  50k reads na po!!! aaYihhh...

Super thank you sainyo kasi pinapakilig niyo ako.. hahaha.. XD

Keep on reading guys and I will assure you that you'll not be disappointed.. Ayy mali.. Sometimes, di pala maiiwasan na madisappoint kayo lalo na kung mas bet niyo para kay Leanne yung isang leading man pero mas puma-pabor naman sa isa pa yung eksena.. Di ba?? hahahaha.. Ganyan talaga guys.. Isa-isa lang dapat.. Tama???

Oh sya... eto na po yung update na inaantay niyo.. Sorry kung maikli... Bawi nalang po ako next chapter...  Promise!! Busy lang po kasi sa work... Pero sana po you'll still enjoy it kahit na medyo masabaw ang update na to... hahaha... Mwaaaahh!! :)


Papalit-palit ang tingin ko ngayon kay Iñigo at James. Nandito kami ngayon sa may sala at parang mga ewan na nakaupo lang. Ang tahimik! Nakakaloka..


Huminga ako ng malalim. Ano ba ang dapat kong sabihin?


"Oh Gab, naipakilala mo na ba sila sa isa't-isa?" biglang singit ni kuya bago ipatong yung dala nitong miryenda para sa amin. Sinimangutan ko lang ito dahil parang nakakaloko ang ngiti nito bago umalis.


"Kain muna kayo.."tanging nasabi ko saka sabay na inabot ang plato sa dalawa.


Hindi ko alam kung paano ko pag-seserve ang dalawa dahil awkward kung uunahin kong bigyan ang isa kaya hinayaan ko nalang na kanya-kanyang kumuha ng pagkain ang mga ito.


Pero laking gulat ko ng halos sabay nilang iabot sa akin ang plato nila na may lamang pagkain.


"You should eat My Leanne.."narinig kong malambing na sabi ni Iñigo.


"Kain ka na Queen."sabi naman ni James saka ako nginitian.


Palipat-lipat kong tiningnan yung plato na inaabot ng dalawa. Sa totoo lang ay nagutom ako sa byahe at pag-iyak kanina kaya lang ay hindi ko alam kung kaninong plato ang kukunin ko. Parehong spaghetti lang naman ang binibigay nila pero nakakahiya naman kung kukunin ko yung isa dahil baka magtampo naman yung isa pag hindi ko kinuha yung binibigay niya.


Plano ko na sanang kunin yung dalawang plato na inaabot nila nang biglang lumapit si Lilet. "Tito, tito, penge po ko ghetti. " sabi nito saka kumapit sa braso ni James at tinuro yung spaghetti na hawak niya.


Nakita kong napakamot sa batok si James saka nakangiting inabot kay Lilet yung platong ibibigay sana niya sa akin.


Tunawanan ko naman ito saka kinuha ang pagkaing inaabot ni Iñigo. "Kumain ka narin." nakangiting sabi ko sa binata.


"Okay lang. Makita lang kitang nabubusog, busog narin ako."banat naman nito.


Kunwari'y inirapan ko ito, "Tikman mo na dali. Masarap ang spaghetti ni nanay."


"Subuan mo nalang ako."paglalambing nito na ikinapula ng pisngi ko. Kung dalawa lang sana kami, malamang, kaya kong gawin iyon. Kaso, ang daming matang nakatingin sa amin ngayon kaya hindi ko kaya!


Natawa naman ito sa expression ko saka akmang lilipat sa tabi ko nang maunahan ito ni James.


"Gusto daw ni Lilet dito sa tabi mo Queen."patay malisyang singit ni James saka patuloy parin sa pagsubo ng spaghetti kay Lilet. Close kasi ang kuya ko at si James kaya maging sa anak nito ay close din ang binata.


"Sure." tanging nasabi ko saka nginitian si Lilet na ngayon ay marungis na ang bibig dahil sa sauce ng spaghetti. Nginitian ko nalang din ulit ang disappointed na si Iñigo na walang nagawa kundi manatili nalang sa upuan.


"Masarap ba baby?" baling ko sa kay Lilet. Nakakatawa ang itsura nito. Halatang enjoy na enjoy ito sa pagkain.


Masayang tumango naman ito.


"Syempre, gwapo kaya yung nagsusubo ng spaghetti sa kanya kaya talagang masarap. Di ba baby?"anito kay Lilet na ikinatawa naman ng bata.


"Yabang mo. Wag mo nang idamay sa imahinasyon mo ang bata. Walang kinalaman ang itsura mo sa sarap ng spaghetti ni nanay." pang-aasar ko dito.


"Sige nga, sabihin mong mali ako? Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mo na mali ako?" paghahamon nito saka hinawakan pa ang pisngi ko.


"Sige na sige na.. Totoo na kung totoo at nang matigil ka. Gutom lang din yan."tumatawang sagot ko saka ipinagpatuloy ang pagkain.


Maya-maya ay tiningnan ko ulit sa Iñigo. Gusto kong matawa sa itsura nito ngayon. Para itong batang inagawan ng candy! Hindi na naman maipinta ang mukha.


'Nagseselos kaya siya kay James?' pilyang bulong ng isip ko.


Akmang bibigyan ko sana ito ng pagkain upang makabawi pero kukuha palang ako ng pinggan nito nang unahan ako ni James sa pag-abot dito ng spaghetti.


"Pare, kain ka muna. Tikman mo yung specialty ni Nanay Tina. Masarap! Makakalimutan mo mga chix mo." biro nito saka ako kinindatan. Hindi ko tuloy alam kung nananadya ba ito o sadyang nakasumpong lang ang pagkamakulit nito.


"Salamat pare." tanging nasabi ni Iñigo pero alam ko na bahagya itong napipilitan.


Pero napangiti naman ito nanag matikman ang spaghetti ni Nanay. "Tama ka nga, Leanne masarap nga!" masayang sabi nito.


Proud naman ako sa luto ng nanay ko. "Syempre. Lahi kaya kami ng magaling magluto."pagbibro ko.


"Wag kang magmagaling dyan iha. Alam natin pareho na nagsisinungaling ka."pang-aasar ulit ni James na ikinatawa ko.


"Ang KJ naman nito! Di nalang ako hinayaang mangarap!"sagot ko dito saka pabirong hinampas ito sa balikat.


"Ouch! Wala ka paring pagbabago Queen! Sadista ka parin!"kunwari'y nasaktan na sabi nito. "Nag-aalala lang naman kasi ako baka maniwala itong boss mo na magaling kang magluto, tapos irequest pa na ikaw ang magluto bukas. Naku! Baka masira ang tiyan ng mga bisita bukas!"patuloy na pang-aasar nito.


"Grabe ka naman King! Marunong naman ako kahit papano! Hindi lang kasing galing nila." nakalabing sagot ko. Sa pamilya kasi namin, ako lang yata ang bukod tanging hindi magaling magluto. Tanging mga simpleng putahe lang ang kaya kong lutuin at minsan pa nga'y puro chamba pa. Malakas ang loob ni James na asarin ako dahil ito man ay magaling din magluto.


"Don't worry My Leanne.. Kakainin ko parin naman ang luto mo kung sakali whatever it taste."biglang sabi naman ni Iñigo.


Ramdam ko na naman ang pamumula ng pisngi ko.


"Yan tayo ehh.. Makabanat naman itong boss mo, wagas!" patuloy na pang-aasar ni James na tinawanan nalang din ni Iñigo.


Maya-maya lang ay nakita ko ang paglapit ni tatay. "Anak, uuwi pa ba itong si Iñigo sa Maynila? Aba, gabi na. Mabuti pa at dito mo nalang siya patulugin tutal makikipamyesta naman siya bukas sa atin. Para hindi sayang sa gasolina kung magpapabalik-balik pa siya."


Tiningnan ko ito at kitang-kita ko ang masayang expression nito.


"Gumugusto ka naman?" I mouthed to him.


Tumango-tango naman ito at saka malapad na ngumiti.


"Salamat po tito. Actually medyo mahirap na nga pong bumyahe ngayong oras."masayang sagot nito.


"Oh sya sige, ipapaayos ko na yung kabilang kwarto para may matulugan ka. Ikaw ba James, uuwi ka pa ba?"baling nito kay James.


Bigla naman lumiwanag ang itsura nito. "Pwede bang dito nalang din po ako Tay?"sagot nito saka nagpa-beautiful eyes pa. Natawa ako sa itsura nito. Wala parin itong pagbabago. Makulit parin!


"Aba, ang lapit lang ng bahay mo, bakit hindi ka nalang umuwi?"pang-aasar ko naman dito. Sa susunod na Baranggay lang kasi ito nakatira.


"Grabe ka Queen. Ginaganyan mo na ako. Nagbago ka na!"nakalabing sagot nito.


Tawa naman ng tawa ng tatay ko sa itsura nito bago nagpaalam sa amin.


"Tabi tayong matulog Queen?"biglang tanong sa akin ni James na ikinapula ng mukha ko kaya pabiro ko itong hinampas sa balikat.


"Magtigil ka James Alexander!"natatawang sagot ko. Sa totoo lang ay sanay kami na magkatabi kung matulog nung mga bata pa kami, pero simula nang makita niya akong magka tagos sa higaan dahil sa monthly period ay bahagya na akong nakaramdam ng ilang dito. Inasar kasi niya ako ng inasar noon na iniyakan ko rin ng todo kaya magmula noon ay hindi ko na ito hinahayaang tumabi sa akin sa higaan.


 Tawa lang naman ng tawa ang binata pero maya-maya lang ay nagpaalam narin ito upang ihatid si Lilet kay nanay para hilamusan bago pa daw tumigas ang sauce sa bibig nito. Tumango nalang ako dito bilang pagsang-ayon.


Hinatid ko pa ng tanaw ang dalawa habang masayang naglalakad papuntang kusina kung nasaan ang nanay at kuya ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Na-miss ko din talaga ang presensya ng bestfriend ko dito sa bahay.


Pero ng mapatingin ako kay Iñigo, nakita ko ang seryoso nitong ekspresyon kaya unti-unting napalis ang ngiti ko.


'Ano kaya ang iniisip nito?' lihim na tanong ko sa sarili ko.


Bigla naman akong nagulat nang mapatingin ito sa pwesto ko at mahuli akong nakatitig sa kanya. Nginitian ko nalang ito upang mapagtakpan ang hiya.


"Are you okay?" I asked him.


Tumango lang ito at hindi nagsalita pero nanatiling nakatitig sa akin. Bahagya tuloy akong nailang. Iniwas ko na lamang ang tingin ko at sinimulang iligpit ang mga pinagkainan namin. Lumapit din naman ito upang tulungan ako.


"Thanks." sabi ko nalang dito pero hindi na nag-abala pang tumingin dahil ramdam ko parin ang mga titig nito.


"Close na close kayo no?" biglang tanong nito.


"H-ha?" sabi ko dahil hindi ko agad naintindihan ang sinabi nito.


"Parang medyo nakakainggit...actually, I feel jealous..." seryosong sabi pa nito na ikinapatda ko.






Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 30.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
110K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
94.5K 2.1K 20
Duke & Izza