Hey Sir! I Love You! (FINISHE...

By Psychedeliiic

832K 16.2K 1K

Eh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physic... More

P R O L O G U E
C h a p t e r (o1)
C h a p t e r (o2)
C h a p t e r (o3)
C h a p t e r (o4)
C h a p t e r (o5)
C h a p t e r (o6)
C h a p t e r (o7)
C h a p t e r (o8)
C h a p t e r (o9)
C h a p t e r (1o)
C h a p t e r (11)
C h a p t e r (12)
C h a p t e r (13)
C h a p t e r (14)
C h a p t e r (15)
C h a p t e r (16)
C h a p t e r (17)
C h a p t e r (18)
C h a p t e r (19)
C h a p t e r (2o)
C h a p t e r (22)
C h a p t e r (23)
C h a p t e r (24)
C h a p t e r (25)
C h a p t e r (26)
C h a p t e r (27)
C h a p t e r (28)
C h a p t e r (29)
C h a p t e r (3o)
C h a p t e r (31)
C h a p t e r (32)
C h a p t e r (33)
C h a p t e r (34)
C h a p t e r (35)
C h a p t e r (36)
C h a p t e r (37)
C h a p t e r (38)
C h a p t e r (39)
C h a p t e r (40)
C h a p t e r (41)
C h a p t e r (42)
C h a p t e r (43)
C h a p t e r (44)
C h a p t e r (45)
C h a p t e r (46)
C h a p t e r (47)
C h a p t e r (48)
C h a p t e r (49)
C h a p t e r (5o)
C h a p t e r (51)
C h a p t e r (52)
C h a p t e r (53)
C h a p t e r (54)
C h a p t e r (55)
C h a p t e r (56)
C h a p t e r (57)
C h a p t e r (58)
C h a p t e r (59)
E P I L O G U E

C h a p t e r (21)

14.7K 362 29
By Psychedeliiic

C h a p t e r  (Twenty One)

“Hachoo!” shiz. Ano bayan, hindi na ako makatulog ng maayos dahil sa kainis na sipon ko. Kanina pa ako bahing ng bahing. Ang sakit na ng ulo ko juskopo!

Tumingin ako sa orasan at 5:45 palang ng umaga. Dapat naghahanda na ko ng mga ganitong oras para magluto pero di ko ata kaya. Ansama ng pakiramdam ko. Tingnan mo, ang lakas lakas ng loob kong sabihan si Jace na baka magkasakit siya dahil nagpaulan siya kagabi samantalang ako naman tong masama ang pakiramdam ngayon.

Haaaay!

“Hachoo!”

“Shara?” biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Sir o si Jace o kahit anong gusto kong itawag. Wareber. Siyempre ano pa nga ba? Malamang naabnormal na naman ako. Fresh parin sa braincells ko yung pinagsasabi niya kagabi no!

O baka joke lang yun?

Awts naman kung joke lang yun!

“Oh Jace… hachoo!” buset na to. Gusto ko ng magpatanggal ng ilong kakabahing eh!

“Tsk.” Naglakad siya palapit sakin tsaka umupo sa tabi ng kama. Hinila ko pataas yung kumot ko, giniginaw ako.

Hinipo niya yung noo ko.

“Ang init mo,” nakakunot noo niyang sabi.

“Malamang… hachoo! Buhay pa ko eh…” urghhh. Lamiiig! Brrrr..

“Tsk. Sinisipon ka pa. Wait, kukuha lang ako ng gamot.” Tumayo na siya at lumabas. Grabe! Ang inet inet inet inet na ang lamig lamig lamig lamig! Teka, nagegets niyo ba? Huhu. Naiiyak na ako. Hindi ko alam kung bakit!

Maya-maya pa bumalik na si Jace. “Here,” umupo na ko tsaka ko kinuha yung gamot at tubig sakanya.

“Si Shami?”

“Naliligo,”

“Ah… hachoo!”

“Tsk. Take a rest, okay? Ihahatid ko nalang si Shami sa school tapos di na ako papasok.”

“Teka, ano?! Anong hindi ka papasok?! Hachoo! Hindi pwede yun!”

“Sinong mag-aalaga sayo? Tingin mo ba kaya mong kumilos sa lagay mong yan?”

“O-oo naman. Hindi naman ako nastroke no.” babahing pa sana ko pero di natuloy. Arghhh! Kafrustrate!

“No, I’ll stay here.” Aalis na sana siya ng hawakan ko siya sa braso kaya naman napatingin siya sakin.

“Pumasok kana please? Okay lang naman ako eh. Mamaya matanggal kapa sa trabaho mo dahil panay absent at half-day kana. Sige na please?” hindi siya umimik at nakatingin lang sakin. “Pano pag nangyari yun diba? Edi hindi na kita araw-araw makikita sa school? Diba? Kaya sige na, pumasok kana, please?” teka parang nakakahiya naman yung sinabi kong di ko na siya makikita. HAHAHA. Nako Shara, lakas ng loob porket may sakit.

Dahan-dahang nagform ang ngiti sa mga labi niya. “Fine. I don’t want you to miss me that much  kapag natanggal ako so I'll go.” Ginulo niya muna ang buhok ko tsaka lumabas. Pumikit nalang ako dahil nagbublur ang paningin ko. Onting pahinga lang to at gagaling rin ako!

9:45 sa orasan ng magising ako pero ansama parin ng pakiramdam ko. Grabe. Ang tagal ko palang matulog!

Dahan-dahan akong umupo. “Hachoo!”

 

“Wow! Sa wakas gising narin siya!”

“S-sino ka?!” nagpapanic kong tanong. Sino to?! Bakit may babae dito?! Magnanakaw kaya?! Huhu. Bakit naman kung kailan masama pakiramdam ko tsaka kami nalooban?!

“Well,” hinawi niya pa yung buhok niya. “I’m Carmel.”

“Caramel?” napapikit ako saglit. Nagdilim yung paningin ko eh.

“Duh, it’s Carmel. Not Caramel! C-A-R-M-E-L. Carmel! Just call me Mel, ok na ko dun.” Sabi niya habang ini-iscan yung kulay pula niyang mga kuko.

Mel? Mel Tiangco?! Hahaha.

Okay, last ko na yun. :(

“B-bakit ka naman nandito? Pano ka nakapasok dito?”

“Pinapunta ko ng magaling na Jace dito. Pano ako nakapasok, well sad to say pero hindi naman nakalock yung pinto.” Nag-roll eyes pa siya. Naaalala ko sakanya si baklito. Aw, bigla kong namiss yun. Huhu.

“Pinapunta ka ni… hachoo! Ni Jace? Kilala mo siya?”

“Ay malamang! Kaya nga ko pinapunta dito diba?”

Napalunok muna ako bago magtanong. “Ka-ano ano ka niya?”

Ngumiti naman siya ng nakakaasar. “Girlfriend.”

“What?!”

Girlfriend?! Kakabreak lang nila ni Trisha ah! Atsaka akala ko ba… akala ko ba… ako yung ano niya?! Eh ano to?!

Shiz naiiyak na naman ako. Kaya ayokong nagkakasakit eh, nagiging emotional talaga ko. *sniff*

Nagpapanic naman na tumayo yung babae. “H-hey! Oh my god, are you crying?!”

Umiling iling lang ako. “Oh my god! Akala ko naman!” naupo na ulit siya. “Pero totoo talaga yung sinabi ko. I’m one of his girlfriends,” she smirked.

One of his girlfriends?! Ibig sabihin marami pa?!?!

Humalakhak naman siya dun! “You know, babaeng kaibigan! Hahahahahahaha!” patuloy parin siya sa pagtawa dun habang blanko lang akong nakatingin sakanya. “I’m his girl friend but not his lover, alright? So don’t worry!”

Nag-init ang pisngi ko. “B-bakit naman ako magwoworry?”

Nagkibit balikat lang siya. “I don’t know.”

“Bakit kaba talaga nandito?”

“Bakit ayaw mo ba? Excuse me lang ha pero ayaw ko din! Napilitan lang talaga ko dahil sa magaling na Jace na yun!”

“Wala naman akong sinabi.” Bulong ko. Pinangungunahan niya naman agad ako!

“Oh well, to answer your question, pinadala ko dito ni Jace para magbaby sit sayo.”

“Babysit?”

“Yeah yeah. May sakit ka daw kaya kailangan mo ng mag-aalaga sayo since may pasok nga siya. Malay ko bang damulag na yung ipapababy sit niya sakin?”

Wow. Talagang nagpadala pa siya ng mag-aalaga sakin ha? Kainis naman yun. Hindi na kaya ako bata. Kaya ko na ang sarili ko no.

“By the way, gutom kana ba? Tara, andun na yung pagkain sa kusina. Actually malamig na yun sa sobrang tagal mo matulog. Andun narin pala yung gamot mo.”

“Kanina kapa ba dito?”

“Hmm. Yep, mga 7:40 andito na ko. Bilis bumangon kana diyan!” lumabas na siya ng kwarto kaya sumunod narin ako. Napahawak pa nga ako sa dingding dahil nagdidilim yung paningin ko. Pagdating ko ng kusina, may nakahain na nga na lugaw. Mukang malamig na nga. Pero hayaan na, wala naman akong gana eh.

Pagsubo ko ng lugaw, agad kong binaba yung kutsara. Shiz! Lugaw ba to o ano?! Bakit ganito yung lasa?! Kahit naman hindi maayos ang panlasa ko ngayon nalalasahan ko parin yung sobrang alat niyang lugaw no!

Agad akong uminom ng tubig. Pwe. Ang alat! Para kong nakainom ng tubig dagat!

“May problema kaba sa niluto ko?” nakataas kilay niyang tanong sakin.

“Oo. Ang alat. Lasang tubig dagat.” Saglit siyang nanahimik sa sinabi ko. Akala ko nga magagalit siya pero humagalpak siya ng tawa dun! Luh?

“Hahahahahahahaha pasensiya na ha! Hindi kasi ako magaling magluto eh! Hahahahahaha! Pasensiya na talaga!” mangiyak ngiyak niyang sabi. “Sorry talaga!” hindi parin siya tumitigil sa pagtawa. Para nga siyang nabaliw na eh!

Ngumiti nalang ako ng pilit. “Ah… okay.” Kinuha ko na yung gamot ko tsaka ininom. Urggh ampangit ng lasa!

“Osige na, sige na,” naghand gesture pa siya, “Bumalik kana sa kwarto mo at magpahinga munting prinsesa, ako na ang maghuhugas nito.”

“Wala kabang pasok?” natawa siya saglit bago sumagot.

“Pasok? Waley!”

“Ay ganun.”

“Oo ganun!” nakacross arms siyang humarap sakin. “Kaya pwede ba matulog kana? Tulog na bilis!”

 Wow. Para naman akong bata na pinapatulog!

“Ayoko, hindi na ako inaantok.” Naka-cross arms ko ding sabi.

“Ay! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Matulog kana kasi!”

“Eh ayoko na nga!” ang kulit din nito eh no?!

“Bahala ka. Matutulog muna ko at ang aga aga mambulabog ng boyfriend mo!” sabi niya tsaka nahiga sa sofa.

“Boyfriend?!?!?!”

“Oh bakit, totoo naman diba?” magrereact pa sana ko nang unahan niya ulit ako, “Magkalive-in na nga kayo eh!” nakapikit niyang sabi.

“H-hindi ah!”

Dinilat niya yung isa niyang mata. “Ows? Eh bakit andito ka sa bahay niya?”

“Ano kasi… uhm…” pano ko ba sasabihin to?

“Kung tutuusin, hindi naman talaga dito ang bahay niya eh. Ewan ko ba dun bakit nagsarili! Pasalamat nalang siya may iniwang mana sakanya yung mga parents niya na nama–” tsaka niya lang narealize yung pinagsasabi niya. “Oops! Sorry! Urgh! Big mouth big mouth!” pinalo palo niya pa yung bibig niya.

“Don’t worry. Alam ko naman yun.” Tinaas ko yung paa niya tsaka umupo sa sofa.

“Really?! Alam mo yung nangyari sa… uh… parents niya?”

Tumango-tango naman ako. “Pero di ko alam kung bakit nagsarili siya.”

“Ah…” tumango-tango naman siya. “Tanong mo kaya.”

“Baka sabihin nanghihimasok ako.”

“Tss. Para san pa ang pagiging magjowa niyo diba?!” nagroll eyes na naman siya.

“H-hindi nga kami magboyfriend!”

“Whatever you say.” Pumikit na ulit siya. “Para namang maniniwala ako sayo.”

“May… may girlfriend na kaya yun…” tapos naalala ko yung kagabi. “Ah mali, ex-girlfriend pala.”

“Oh? Sino?!”

“Uh, Trisha.”

“Hmm.. Trisha? Sounds familiar.” Natahimik siya saglit. “Ah! That’s right! Yun yung bruhildang patay na patay kay Jace!”

Napalunok ako. “Patay na patay?”

“Yeah! Desperate much! Siya pa nga ang nanligaw dun eh!”

“T-talaga?”

“Yeeeeeep!” pumikit na ulit siya.

“Pano mo nalaman?”

“Secreeeeeeet!”

Nanahimik nalang ako. Kung ayaw niyang sabihin edi wag ng pilitin.

“Teka nga, kung hindi nga talaga kayo magboyfriend, mag-ano kayo?” nakataas kilay niyang tanong sakin. Napaisip nalang ako. Ano na nga ba kami pagtapos ng pag-amin niya sakin kagabi? Ibig sabihin ba non kami na? Pero hindi naman ako sigurado. Wala naman siyang sinasabi. Ayoko namang pangunahan siya no.

“Hindi ko alam.” Yun nalang ang nasabi ko. Tinitigan niya muna ko ng matagal.

“Okay.”

Nanood nalang kami maghapon at nagkwentuhan din ng kung anu-ano. Nalaman kong kaklase pala ni Jace tong si Carmel nung highschool. Whoa, buti close parin sila kahit medyo matagal na?

“Magaling magaling! Buti naman naisipan mo pang umuwi, magaling na Jace!” bungad ni Carmel kay Jace with matching palakpak pa pagkadating na pagkadating nila kasama si Shami.

“Waah ateee!” tumakbo sakin si Shami at yumakap. “Magaling kana po ba?”

Pero bago pa man ako makasagot, nagsalita na si magaling na Jace. Teka, nahahawa ako kay Carmel. “Bakit andito ka? Diba dapat nagpapahinga ka?” nakasimangot na tanong niya sakin. Whoa para siyang tatay!

“Eh kasi–”

“Pumasok kana nga sa kwarto mo. Tsk.” Whoaa bakit ang sungit niya? Naiiyak tuloy ako. May sakit pa nga ako. Huhu.

“Hoy magaling na Jace! Chusero to! Para kang tatay makaasta ah!” sabat naman ni Carmel. Sige Carmel, awayin mo siya para sakin! Huhu.

“Umuwi kana nga. Di mo naman ginawa ng maayos trabaho mo.” Nakasimangot parin siya. Napatayo naman si Carmel at nakapamewang na sumagot sakanya.

“Hoy! Hindi mo naman kasi sinabi na malaking damulag na pala ang aalagaan ko no! Buti nga umabsent pa ko sa work ko para dito eh! Hmp!” tsaka siya nagroll eyes.

Bumaling naman ang tingin sakin ni Jace. “Shara, take a rest okay?”

“Pero…”

“As usual, you’re so stubborn.” Lumapit siya sakin at binuhat ako ng bridal style. Shiz. Nakakailan na ako? Hahaha!

“Yuck! Ang lalandi niyo! Makaalis na nga eeew! Oy magaling na Jace, yung kotse mo po andito na baka sakaling di mo nakita! Bye na sainyo! Gumamit ng proteksyon mga kadirdir kayo!”

 

Napailing nalang si Jace tsaka ko ibinaba sa higaan.

“Dapat pala hindi ko nalang yun pinapunta dito.” Nakasimangot niyang sabi. “Uminom kana ba ng gamot mo?”

“Grabe naman! Ok naman siya eh! Nakakaaliw kaya siya kasama!”

“Uminom kana ba ng gamot mo?” pag-uulit niya ng tanong.

“Opo, magaling na Jace.”

“See, nahahawa kana sa babaeng yon.”

“Hehehe. Teka, bakit pala magaling na Jace ang tawag niya sayo?”

“Ewan ko dun.That girl is crazy.” Bahagya siyang napangiti doon.

Naalala ko yung pinagkwentuhan namin kanina. Napansin ko na ang dami niyang alam tungkol kay Jace. Napalunok ako. “Jace… naging kayo ba?” ewan ko pero yun talaga yung lumabas sa bibig ko. Hindi ko pa naririnig yung sagot niya pero naiiyak na ako. Nakakainis! Ayoko na talagang magkasakit! Para akong buntis shiz lang!

Halata namang nagulat siya sa tinanong ko kasi medyo lumaki yung mga mata niya. “Bakit mo natanong?”

“Uh… kasi… nagkwentuhan kami. Napansin kong dami niyang alam tungkol sayo.” Pati nga yung favorite food ni Jace alam niya eh! Kaya medyo nakakapagtaka.

“Tsk. Ang daldal talaga non. She’s my bestfriend.”

“Ha?” turn ko naman ngayon para lumaki ang mata. Bestfriend?

“Yeah. That’s why madami siyang alam. But before you can think of anything else, I swear she’s just my bestfriend. Nothing more, nothing less. And if you’re thinking na lahat ng lalaki at babaeng magbestfriend ay nahuhulog sa isa’t-isa, well you’re wrong.”

Nakaramdam ako ng relief. Buti nalang pala. Sabagay, karamihan kasi sa mga magbestfriend na boy at girl nahuhulog sa isa’t-isa. Buti nalang hindi sila ganun. Pero baka kay Jace lang yun? Malay ko ba kung ganon din kay Carmel? Pero sa inasta niya kanina, parang di naman.

“Kaya hindi mo na kailangang magselos.” Ngumisi siya.

“Selos?!”

“Oo. Selos. Jealousy. Ano paba?”

“Wow, ang kapal mo naman! Excuse me lang ha!”

Hinawakan niya yung isa kong pisngi tsaka bumulong, “Ang denial mo talaga.” Tsaka ko tinulak yung muka niya palayo sa muka ko. Kainis to! Mamaya matempt ako mahirap na! Temptation is hard to resist lalo na kapag malapit sayo yung labi niya!

Tumawa lang siya sa ginawa ko. “Saglit lang, magbibihis lang ako.” Pero bago pa siya makaalis, pinigilan ko na siya.

“Jace…”

“Hmm?”

Naalala ko yung tinanong sakin ni Carmel kanina.

“Teka, kung hindi nga kayo mag-boyfriend, mag-ano kayo?”

Mag-ano nga ba kami? Porket ba umamin na siya sakin, magboyfriend na kami? Hindi naman agad agad ganon yun diba? O masyado lang akong makaluma?

“A-ano ba tayo?” kinakabahan kong tanong. Pano pala kung nagbago na yung isip niya. Pano pala kung joke lang yung kagabi? Pano pala kung… shiz. Naluluha na ako. Kainis!

Natigilan siya sa tinanong ko pero lumapit din siya sakin.

“You tell me. Anong gusto mong mangyari satin, Shara?” mataman lang siyang nakatitig sakin habang nakahawak sa isang pisngi ko. Halatang nag-aabang ng sagot na hindi ko rin naman sigurado.

Napalunok ulit ako. “H-hindi ko alam. Alam naman natin na bawal to diba. Maraming consequences pag nahuli tayo…”

“Do you love me?” ako naman ang natigilan. Hindi ko kasi inexpect na yun yung itatanong niya.

Dahan-dahan akong tumango. “Then fvck rules or the consequences. I don’t care about them anymore.”

“Jace…”

“Are you willing to take the risk Shara?” he sighed. “Because I’m willing too.”

Hindi ko na alam. Pero after a long pause, tumango ako at sumagot ng, “Yes.” Kung willing siyang itake ang risk, siguro dapat willing rin ako diba. Whatever it takes.

Ngumiti siya sa naging sagot ko. “Let’s be secret lovers then.”

“Secret lovers?” tumango naman siya habang nakangiti.

“Let’s keep it a secret between you and me, Shara. Our very own secret.” Pabulong niyang sabi habang nakangiti.

Tumawa nalang ako. “Ang dami nating alam.” pero papikit pikit na yung mata ko. Tumawa nalang din siya.

“Sige na, magbibihis na ako. You need to rest.”

“Okay. Goodnight.” Hinila ko na yung kumot ko. Hindi na ako kakain. Busog na naman ako. Palabas na sana siya ng kwarto ng matigilan siya.

“Uh… bakit?” pakurap kurap kong sabi.

“May nakalimutan ako.”

“Ano?”

Nakangisi siyang naglakad pabalik sakin. “Goodnight kiss.” Tsaka niya ko hinalikan sa….

Noo. Sa noo lang. Sayang! JOKE.

Secret lovers huh?

Napangiti nalang ako habang nakapikit. Pero hindi ko maiwasang hindi isipin, hanggang kailan kaya namin matatago ang secret na to?

- - - - - - - - - - - -

Yaay! Salamat talaga sa mga nagcomment last chapter guys! T^T Siyempre pati narin sa mga nagbasa! Thank you po! Pati sa pagtatiyaga dahil nga inabot ng 20 chapters ang aminan. Actually, pinabilis ko na nga yon eh! HAHAHA. And sorry pala kung matagal UD, College na e. Bawal na pumetiks. May pisting retention pa kami. -,-

 

Okay, dami ko ng sinabi. Hahaha. Feedbacks guys? ♥

 

Thanks for reading! <3

Continue Reading

You'll Also Like

256K 7.7K 46
Mahal mo siya... Pero may minahal siyang iba... You tried to look for someone new... Then in the end he realized what he let go. Hanggang PARTNERS na...
462K 6.7K 52
kasumi de guzman,mayaman,maganda,matalino perpekto pero hindi matangkad,inosenteng dalaga pero nabago iyon nung nagpakasal siya o sabihin nating forc...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
394K 8.9K 50
"Nine years ago, with the age of eleven I married him, believing that it was the beginning of our very own fairy tale..." Meet Eiffel Earl Sinclaire...